Kidlat ng Silanganan

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Salita ng Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Salita ng Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post

Dis 2, 2019

Kabanata 7 Iba pang mga Aspeto ng mga Katotohanan na Dapat Mong Maunawaan sa Iyong Pananalig sa Diyos

Pananampalataya sa Diyos,Salita ng Diyos,Persecution

6. Ang Kahulugan ng Pagdurusa at Kung Anong Uri ng Pagdurusa ang Kailangang Danasin ng mga Mananampalataya sa Diyos


         Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Sa kasalukuyan, karamihan sa mga tao ay walang ganoong kaalaman. Naniniwala sila na ang pagdurusa ay walang kabuluhan, tinatalikuran sila ng mundo, ang kanilang buhay sa tahanan ay nililigalig, hindi sila pinakaiibig ng Diyos, at ang kanilang mga inaasahan ay nakapanlulumo. Ang pagdurusa ng ilang tao ay umaabot sa isang partikular na punto, at ang kanilang mga saloobin ay nagiging kamatayan. Hindi ito ang tunay na pag-ibig sa Diyos; ang gayong mga tao ay mga duwag, wala silang pagtitiyaga, sila ay mahihina at walang kapangyarihan! Ang Diyos ay sabik para ibigin Siya ng tao, ngunit habang lalo Siyang iniibig ng tao, lalong mas dumarami ang pagdurusa ng tao, at habang lalong iniibig ng tao ang Diyos, lalong mas dumarami ang mga pagsubok ng tao. Kung iniibig mo Siya, kung gayon lahat ng uri ng pagdurusa ay sasapit sa iyo—at kung hindi mo siya iniibig, kung gayon marahil ang lahat ay magiging maayos para sa iyo, at ang lahat ay magiging payapa sa paligid mo. Kapag iniibig mo ang Diyos, madadama mo na ang marami sa paligid mo ay hindi mapagtatagumpayan, at sapagkat ang iyong tayog ay sobrang liit ikaw ay pipinuhin; bukod dito, wala kang kakayahan na mapalugod ang Diyos, at palagi mong madadama na ang kalooban ng Diyos ay masyadong matayog, na ito ay hindi maaaring abutin ng tao.

May 23, 2019

Tagalog Christian Song | "Ang Katotohanan ang Pinakamataas sa Lahat ng Talinghaga ng Buhay"

Tagalog Christian Song | "Ang Katotohanan ang Pinakamataas sa Lahat ng Talinghaga ng Buhay"

I
Ang ''Katotohanan'' ay ang pinaka-tunay 
sa mga talinghaga ng buhay,
at pinakamataas ito sa buong sangkatauhan.
Tinatawag itong "talinghaga ng buhay",
ito ang hinihingi ng Diyos sa tao 
at ginagawa Niyang personal,
hinihingi ng Diyos sa tao at ginagawa Niya nang personal.
Di kasabihang binuod mula sa isang bagay,
ni tanyag na kasabihang mula sa isang dakila.
Ngunit ito'y pagbigkas sa sangkatauhan
mula sa Panginoon ng lahat sa lupa at langit'.

Abr 30, 2019

1. Ano ang Pagkakatawang-tao? Ano ang Diwa ng Pagkakatawang-tao?


Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang unang nagkatawang-taong Diyos ay nanirahan sa mundo sa loob ng tatlumpu’t-tatlo at kalahating taon, datapwa’t ginampanan Niya ang Kanyang ministeryo sa loob lamang ng tatlo at kalahati sa mga taong iyon. Kapwa sa panahon ng Kanyang paggawa, at bago Niya sinimulan ang Kanyang gawain, Siya ay nagtaglay ng karaniwang katauhan. Nanahan Siya sa Kanyang karaniwang katauhan sa loob ng tatlumpu’t-tatlo at kalahating taon.

Abr 28, 2019

Tungkol sa Pagsasagawa ng Panalangin


   Hindi kayo nagtutuon ng pansin sa panalangin sa inyong pang-araw-araw na buhay. Palaging nakakaligtaan ng mga tao ang panalangin. Sa kanilang mga panalangin noong nakaraan sila ay nakikisabay lang sa agos at naglalaro, at walang sinuman ang nagbigay nang lubos ng kanilang puso sa harap ng Diyos at tunay na nanalangin sa Diyos. Nananalangin lamang ang mga tao sa Diyos kapag mayroong isang bagay na nangyayari sa kanila. Sa buong panahong ito, nakapanalangin ka na ba nang tunay sa Diyos?

Abr 6, 2019

Ano ang pagkakaiba ng mga salita ng Diyos na inihatid ng mga propetang katulad nina Isaias, Ezekiel, at Daniel mula sa Kapanahunan ng Kautusan, sa mga salitang ipinahayag ng Diyos sa laman?


   Sagot: Dahil sa pagkakaiba ng diwa ng Diyos na nagkatawang-tao sa diwa ng mga propeta, dumarating ang Diyos na nagkatawang-tao para gawin ang gawain ng Diyos samantalang ginampanan lang ng mga propeta ang tungkulin ng tao. Kaya likas na magkaiba ang kanilang gawain. Tingnan natin kung paano ito sinabi ng Makapangyarihang Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang mga propeta ng Lumang Tipan ay nagsipanghula, at katulad nito, kaya rin ni Jesus. Bakit ganito? Ang pagkakaiba rito ay batay sa kalikasan ng gawain. Upang maarok ang bagay na ito, hindi mo maaaring isaalang-alang ang kalikasan ng laman at hindi mo dapat isaalang-alang ang kalaliman o kababawan ng salita ninuman. Lagi mong dapat unang isaalang-alang ang kanyang gawain at ang mga bunga na nagagawa nito sa tao. Ang mga hula na sinalita ni Isaias sa panahong iyon ay hindi nagtustos ng buhay ng tao, at ang mga mensahe na natanggap niyaong gaya ni Daniel ay mga hula lamang at hindi ang paraan ng pamumuhay. Kung hindi dahil sa tuwirang pagbubunyag ni Jehovah, walang makagagawa ng gawaing yaon, dahil ito ay hindi posible para sa mga mortal. Si Jesus, din, ay maraming sinalita, nguni’t ang gayong mga salita ay ang paraan ng pamumuhay kung saan mula rito ang tao ay makahahanap ng isang landas upang magsagawa. Ibig sabihin, una, makapagtutustos Siya ng buhay ng tao, sapagka’t si Jesus ay buhay; ikalawa, maaari Niyang baligtarin ang mga paglihis ng tao; ikatlo, ang Kanyang gawain ay maaaring sumunod roon sa kay Jehovah upang ipagpatuloy ang kapanahunan; ikaapat, natatarok Niya ang mga pangangailangan ng tao sa loob at nauunawaan kung ano ang pagkukulang ng tao; ikalima, kaya Niyang maipasok ang isang bagong kapanahunan at wakasan ang dati. Iyan ang dahilan kung bakit Siya ay tinatawag na Diyos at Cristo; hindi lamang Siya iba kay Isaias kundi gayundin mula sa lahat ng iba pang mga propeta” (“Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Nagkatawang-taong Diyos at ng Tungkulin ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Abr 3, 2019

Ang Masama ay Dapat Parusahan




    Ang pagsisiyasat kung iyong isinasagawa ang pagkamatuwid sa lahat ng iyong ginagawa, at kung minamasdan ng Diyos lahat ng pagkilos mo, ay mga prinsipyo sa pag-uugali ng mga naniniwala sa Diyos. Tatawagin kayong matuwid dahil napalulugod ninyo ang Diyos, at dahil tinatanggap ninyo ang Kanyang pag-aalaga at proteksyon. Sa paningin ng Diyos, lahat ng tumatanggap ng Kanyang pag-aalaga, proteksyon, at pagka-perpekto at mga nakakamit Niya, ay mga matuwid at tinitingnan nang may pagtatangi ng Diyos. Mas tinatanggap ninyo ang mga salita ng Diyos dito at ngayon, mas nagagawa ninyong matanggap at maunawaan ang Kanyang kalooban, at kaya mas maisasabuhay ninyo ang mga salita ng Diyos at masusunod ninyo ang Kanyang mga pamantayan.

Mar 29, 2019

Walang Sinumang Nasa Laman ang Nakakatakas sa Araw ng Poot


   Ngayon, pinagsasabihan Ko kayo para sa kapakanan ng inyong sariling kaligtasan, upang ang Aking gawain ay sumulong nang maayos, at upang ang Aking kauna-unahang gawain sa buong sansinukob ay maaaring maisakatuparan nang higit na angkop at ganap, ibinubunyag ang Aking mga salita, awtoridad, kamahalan, at paghatol sa mga tao ng lahat ng bayan at bansa. Ang Aking gawain na ginagawang kasama ninyo ay ang umpisa ng Aking gawain sa buong sansinukob. Bagaman ngayon na ang mga huling araw, alamin ninyo na ang “mga huling araw” ay isa lamang pangalan ng isang kapanahunan: Gaya lamang ng Kapanahunan ng Kautusan at ng Kapanahunan ng Biyaya, ito ay tumutukoy sa isang kapanahunan, at nangangahulugan ng kabuuan ng isang kapanahunan, sa halip na sa huling ilang taon o buwan.

Mar 21, 2019

Dapat Ipagbawal ang Relihiyosong Paraan ng Paglilingkod




         Mula pa sa simula ng Kanyang gawain sa buong sansinukob, ang Diyos ay nagtalaga na ng maraming tao upang paglingkuran Siya, kabilang ang mga tao mula sa iba’t ibang uri ng pamumuhay. Ang Kanyang layunin ay tuparin ang Kanyang sariling kalooban at tiyaking ang Kanyang gawain sa daigdig ay nadadala sa maayos na kaganapan. Ito ang layunin ng Diyos sa pagpili ng mga tao na maglilingkod sa Kanya. Ang bawat tao na naglilingkod sa Diyos ay dapat nauunawaan ang kaloobang ito ng Diyos. Sa pamamagitan ng Kanyang gawaing ito, mas mahusay na nakikita ng mga tao ang karunungan ng Diyos at pagka-makapangyarihan ng Diyos, at nakikita ang mga prinsipyo ng Kanyang gawain sa daigdig. Ang Diyos ay tunay na dumarating sa daigdig upang gawin ang Kanyang gawain, nakikipag-ugnayan sa mga tao, upang mas malinaw nilang malaman ang Kanyang mga gawa.

Mar 7, 2019

Ipinangako ng Diyos na Bigyan ng Anak na Lalaki si Abraham

1. Ipinangako ng Diyos na Bigyan ng Anak na Lalaki si Abraham

(Gen 17:15-17) At sinabi ng Diyos kay Abraham, Tungkol kay Sarai na iyong asawa, huwag mo nang tatawagin ang kanyang pangalang Sarai, kundi Sara ang kanyang magiging pangalan. At akin siyang pagpapalain, at saka bibigyan kita ng anak na lalaki sa kanya: oo, akin siyang pagpapalain, at magiging ina siya ng mga bansa; ang mga hari ng mga bayan ay magmumula sa kanya. Nang magkagayo’y nagpatirapa si Abraham, at natawa, at nasabi sa kanyang sarili, Magkakaanak kaya siya na may isang daang taong gulang na? at manganak pa kaya si Sara na may siyamnapung taon na?

(Gen 17:21-22) “Nguni’t ang aking tipan ay pagtitibayin ko kay Isaac, na iaanak sa iyo ni Sara, sa takdang panahon, sa darating na taon. At nang matapos na makipag-usap sa kanya, nilisan ng Diyos si Abraham.”


2. Isinakripisyo ni Abraham si Isaac

Peb 27, 2019

Salita ng Buhay | "Ang Diyos Mismo, Ang Natatangi X" (Ikatlong Bahagi)

Ang Diyos Mismo, Ang Natatangi X Ang Diyos Ang Pinagmumulan ng Buhay Para sa Lahat ng mga Bagay (IV) (Ikatlong Bahagi)

Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay mula sa librong "Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao" Ang nilalaman ng video na ito:
1. Paano Pinamamahalaan at Pinangangasiwaan ng Diyos ang Espirituwal na Mundo
3) Ang Pag-inog ng Buhay at Kamatayan ng mga Taong Sumusunod sa Diyos
Rekomendasyon:Makapangyarihang Diyos|Salita ng Buhay

Peb 19, 2019

Christian Full Movie 2018 | "Anak, Umuwi Ka Na!" | Amazing Grace of God (Tagalog Dubbed)

Christian Full Movie 2018 | "Anak, Umuwi Ka Na!" | Amazing Grace of God (Tagalog Dubbed)

Isang mag-aaral ng senior high school si Li Xinguang. Isa siyang makatwiran at matinong bata simula pa noong maliit siya. Paborito siya ng kanyang mga magulang at guro. Nang tumuntong na siya sa middle school, nahumaling siya sa mga internet computer game. Madalas siyang lumiliban sa klase upang makapunta sa internet cafe. Ginawa ng kanyang mga magulang ang lahat upang makalaya siya sa adiksyon ng internet. Sa kasamaang palad, lumala nang lumala ang adiksyon ni Li Xinguang. Nawalan siya ng gana at dahan-dahang naging delinkwente. ... Nang malapit nang mawalan ng pag-asa ang mga magulang ni Li Xinguang, nalaman nilang kayang iligtas ng Diyos ang mga tao, kayang tulungang makalaya sa kanilang adiksyon sa internet at makawala sa paninira ni Satanas. Dahil dito, nagpasya silang maniwala sa Diyos at hinangad na maliligtas ng Diyos ang kanilang anak. Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan nila ang pinagmumulan ng kasiraan at kabuktutan ng sangkatauhan. Nakita nila ang katotohanan sa likod ng kasamaan at kadiliman ng tao at naunawaan na tanging Diyos lang ang makapagliligtas sa tao at makapagpapalaya mula sa paninira at pagpapahirap ni Satanas. Kailangan lamang maniwala ni Xinguang sa Diyos at maunawaan ang katotohanan, at magagawa niyang lumaya sa kanyang adiksyon sa internet. Dahil dito, ipinalaganap nila ang ebanghelyo kay Xinguang at ginabayan si Xinguang basahin ang mga salita ng Diyos. Nagdasal sila sa Diyos at hiningi sa Kanyang iligtas ang kanilang anak at tulungan siyang makalaya sa kanyang adiksyon sa internet. ... Pagkatapos ng isang laban, nagsimulang magdasal at magtiwala sa Diyos si Xinguang. Sa ilalim ng gabay ng mga salita ng Diyos, nagawa niyang makawala sa wakas sa kanyang adiksyon sa internet at pinalaya ang sarili mula sa paninira at pagpapahirap ni Satanas. Ang anak na dating wala nang pag-asa dahil sa mga internet game at internet cafe ay umuwi na sa wakas! 
Rekomendasyon:Biyaya ng Diyos

Peb 1, 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo|Paano Malalaman ang Disposisyon ng Diyos at ang Resulta ng Kanyang Gawain

Ikalawang Bahagi
Maglakad sa Landas ng Diyos: Matakot sa Diyos at Iwasan ang Kasamaan


May isang kasabihan na dapat ninyong tandaan. Naniniwala Ako na napakahalaga ng kasabihang ito, dahil para sa Akin, hindi na mabilang ang mga beses na ito’y naaalala sa bawat araw. Bakit ganoon? Dahil sa bawat pagkakataon na nahaharap Ako sa isang tao, sa tuwing makaririnig Ako ng kuwento ng isang tao, sa bawat oras na makaririnig Ako ng karanasan ng isang tao o ng kanilang patotoo sa pananampalataya sa Diyos, palagi Kong ginagamit ang kasabihang ito upang timbangin kung ang indibidwal ba na ito ay ang uri ng tao na gusto ng Diyos, ang uri ng tao na nais ng Diyos. Kaya ano ang kasabihan na ito, sa gayon? Sabik na sabik na kayong lahat sa paghihintay. Kapag ibinunyag Ko na ang kasabihan, marahil makararamdam kayo ng pagkabigo dahil sa loob ng maraming taon may mga taong nagsasabi nito nang hindi taos-puso. Nguni’t para sa Akin, tapat Ako sa Aking sinasabi. Nananatili sa Aking puso ang kasabihan na ito. Kaya ano ang kasabihan na ito?

Ene 28, 2019

Tanong at Sagot ng Ebanghelyo|Paano winawakasan ng pagkakatawang-tao ng Diyos para gawin ang gawain ng paghatol ang pananalig ng sangkatauhan sa malabong Diyos at ang madilim na kapanahunan ng dominyon ni Satanas?



Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

  “At mangyayari sa mga huling araw, na ang bundok ng bahay ng Panginoon ay matatatag sa taluktok ng mga bundok, at magiging mataas sa mga burol; at lahat ng bansa ay magsisiparoon doon. At maraming bayan ay magsisiyaon at mangagsasabi, Halina kayo, at tayo'y magsiahon sa bundok ng Panginoon, sa bahay ng Dios ni Jacob; at tuturuan niya tayo ng kaniyang mga daan, at tayo'y magsisilakad sa kaniyang mga landas: sapagka't mula sa Sion ay lalabas ang kautusan, at ang salita ng Panginoon ay mula sa Jerusalem. At siya'y hahatol sa gitna ng mga bansa, at sasaway sa maraming tao: at kanilang pupukpukin ang kanilang mga tabak upang maging mga sudsod, at ang kanilang mga sibat ay maging mga karit: ang bansa ay hindi magtataas ng tabak laban sa bansa, o mangagaaral pa man sila ng pakikipagdigma. Oh sangbahayan ni Jacob, halikayo, at tayo'y magsilakad sa liwanag ng Panginoon
” (Isaias 2:2-5).

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ene 27, 2019

Ang Mga Kasinungalingan ng Komunismo: Salaysay Tungkol sa Pag-Brainwash ng Ccp (Tagalog Dubbed)


Full Tagalog Christian Movie | "Ang Mga Kasinungalingan ng Komunismo: Salaysay Tungkol sa Pag-Brainwash ng Ccp" (Tagalog Dubbed)

Mga Kasinungalingan ng Komunismo, isang pelikulang Kristiyano, ay isang tumpak na paglalarawan sa brainwashing na ginagamit ng gobyernong CCP laban sa mga Kristiyano. Matapos arestuhin si Zhang Mingdao at pito pang Kristiyano, gumamit ang CCP police ng malupit at walang-awang pagpapahirap sa kanila. Umasa sila sa Diyos at matatag na tumayong saksi. Sa pagtatangkang pilitin silang pumirma sa isang kumpisal para ipagkanulo ang Diyos, naghalinhinan ang mga opisyal ng CCP, isang propesor mula sa Academy of Social Sciences, mga nagtuturo sa police academy, isang psychologist, at mga pastor: Itinuro nila ang ateismo, materyalismo, siyensya, tradisyonal na kulturang Chinese, at lahat ng klase ng tsismis at kasinungalingan para i-brainwash ang walong Kristiyano. Sa digmaang ito na walang mga sandata, umasa sa Diyos si Zhang Mingdao at ang iba pa at ginamit ang katotohanan sa isang matinding digmaan laban sa gobyernong CCP…. Sa huli, nalupig ng katotohanan ang mga kasinungalingan, at nadaig ng katarungan ang kasamaan.
Rekomendasyon:Pagsunod sa kalooban ng Diyos|Ang Katotohana|

Nob 11, 2018

Mga Pagbigkas ni Cristo |Dapat Mong Hanapin ang Paraan ng Pagiging Kaayon kay Cristo(Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos)


Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Dapat Mong Hanapin ang Paraan ng Pagiging Kaayon kay Cristo"


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sinisikap lamang ninyong maging kaayon sa malabong Diyos, at naghahanap ng malabong paniniwala, ngunit hindi pa rin kayo kaayon kay Cristo. Hindi ba’t ang inyong paghahangad ng masama ay makatatanggap din ng kaparehong parusa gaya ng sa masama? Sa oras na iyon, inyong mapagtatanto na walang sinumang hindi kaayon kay Cristo ang makatatakas sa araw nang matinding galit, at inyong matutuklasan kung anong uri ng parusa ang nararapat sa mga nakikipag-alitan kay Cristo.

Set 23, 2018

Pag-bigkas ng Diyos-Paano Malalaman ang Disposisyon ng Diyos at ang Resulta ng Kanyang Gawain (Unang bahagi)


Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | "Paano Malalaman ang Disposisyon ng Diyos at ang Resulta ng Kanyang Gawain (Unang bahagi)"


Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay mula sa librong "Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao" Ang nilalaman ng video na ito:
Ang Timbang ng Kalalabasan sa Puso ng mga Tao
Hindi Mapapalitan ng mga Paniniwala ng mga Tao ang Katotohanan
Maraming Opinyon Tungkol sa Pamantayan Kung Saan Itinatatag ng Diyos ang Kalalabasan ng tao


Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan

Set 19, 2018

Kidlat ng Silanganan-Pag-bigkas ng Diyos:Ikaw ba ay Totoong Mananampalataya sa Diyos?


Marahil ang iyong paglalakbay ng pananampalataya sa Diyos ay mahigit isa o dalawang taon na, at marahil sa iyong buhay sa paglipas ng mga taong ito, marami kang pinagdaanan na kahirapan; o marahil hindi ka sumailalim sa kahirapan at sa halip tumanggap ng labis na biyaya. Maaaring hindi ka nakaranas ng alinman sa paghihirap o biyaya, nguni’t sa halip ay namuhay nang napaka-karaniwan. Sa kabila nito, ikaw ay tagasunod pa rin ng Diyos, kaya’t hayaang magkaroon tayo ng pagbabahagi tungkol sa paksa ng pagsunod sa Kanya. Gayunman, Aking pinaaalalahanan ang lahat ng magbabasa ng mga salitang ito na ang salita ng Diyos ay nakadirekta tungo sa lahat ng kumikilala sa Diyos at lahat ng sumusunod sa Diyos, hindi tungo sa lahat ng tao sa pangkalahatan, kabilang ang mga hindi kumikilala sa Diyos. Kung ikaw ay naniniwala na ang Diyos ay nagsasalita para sa karamihan, sa lahat ng tao sa mundo, walang magiging epekto sa iyo kung gayon ang salita ng Diyos. Kaya, dapat mong ingatan ang lahat ng mga salita na malapit sa inyong puso, at huwag mong ilagay ang iyong sarili sa labas ng nasasakupan nito. Sa anumang pagkakataon, ating pag-usapan kung anong nangyayari sa ating tahanan.

Set 17, 2018

Kidlat ng Silanganan|Tanging Yaong mga Kilala ang Diyos at ang Kanyang Gawain ang Makapagbibigay-kasiyahan sa Diyos

Pag-bigkas ng Diyos,Salita ng Diyos,Ang Kalooban ng Diyos,Ang tinig ng Diyos



Patuloy na sumusulong ang gawain ng Diyos, at kahit na ang layunin ng Kanyang gawain ay nananatiling di-nagbabago, ang paraan kung paano Siya gumagawa ay palaging nagbabago, at sa gayon pati na rin ang mga tagasunod ng Diyos. Mas marami ang gawain ng Diyos, mas lubusang nakikilala ng tao ang Diyos, at ang disposisyon ng tao ay nagbabago ayon sa Kanyang gawa. Gayon pa man, dahil sa ang gawain ng Diyos ay palaging nagbabago ang mga hindi nakakakilala sa gawa ng Banal na Espiritu at ang yaong mga balintunang tao na hindi nakakaalam sa katotohanan ay nagiging kalaban ng Diyos. Hindi kailanman nakiayon ang gawain ng Diyos sa mga pagkaintindi ng tao, dahil ang Kanyang gawain ay laging bago at hindi kailanman luma.

Set 11, 2018

Ang Makapangyarihang Diyos ay ang Nagbalik na Jesus

Pag-bigkas ng Diyos,Salita ng Diyos,Ang Kalooban ng Diyos,Ang tinig ng Diyos

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Nagkatawang-tao ang Diyos sa kalakhang-lupain ng Tsina, na ang tawag ng mga kababayan sa Hong Kong at Taiwan ay panloob-na-lupain. Nang dumating ang Diyos mula sa itaas tungo sa lupa, walang sinuman sa langit at lupa ang nakaalam tungkol dito, sapagka’t ito ang tunay na kahulugan ng pagbabalik ng Diyos sa isang lingid na paraan. Mahabang panahon na Siyang gumagawa at namumuhay sa katawang-tao, datapwa’t walang sinuman ang nakaalam nito. Hanggang sa araw na ito, walang sinuman ang nakakakilala rito. Marahil ito ay mananatiling isang walang-hanggang palaisipan.

Set 2, 2018

Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III Ang Awtoridad ng Diyos (II) (Ikalawang bahagi)


Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III Ang Awtoridad ng Diyos (II) (Ikalawang bahagi)


Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay mula sa librong "Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao." Ang nilalaman ng video na ito:
Ang Anim na Sugpungan sa Buhay ng Tao
Kapanganakan: Ang Unang Sugpungan
1. Isang Bagong Buhay ang Isinisilang mula sa mga Plano ng Manlilikha
2. Bakit ang mga Iba’t-ibang Tao ay Isinisilang sa Ilalim ng Iba’t-ibang mga Kalagayan
Paglaki: Ang Ikalawang Sugpungan
1. Mga Kalagayan na Kung saan ang Isa na Lumalaki ay Naipirmi Na ng Manlilikha
2. Ang Iba’t-ibang mga Kalagayan na Kinalalakihan ng mga Tao ay Nagbubunsod ng Iba’t-ibang mga Papel na Ginagampanan

"Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" | Sipi 14

Ang bawa’t yugto ng gawain ng Banal na Espiritu ay kasabay na nangangailangan ng patotoo ng tao. Ang bawa’t yugto ng gawain ay isang p...