Kidlat ng Silanganan

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Mga Pelikula Tungkol sa Ebanghelyo. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Mga Pelikula Tungkol sa Ebanghelyo. Ipakita ang lahat ng mga post

Hul 31, 2020

"Pagpalain ng Diyos" | Being saved from disasters



"Pagpalain ng Diyos" | Being saved from disasters

Madalas sabihin ng mga tao na "Ang mga bagyo ay namumuo nang walang babala at ang kasawian ay sumasapit sa mga tao sa magdamag." Sa panahon natin ngayon na mabilis na umuunlad ang siyensya, modernong transportasyon at materyal na yaman, dumarami ang mga sakunang nangyayari sa buong paligid natin bawat araw. Kapag binuklat natin ang pahayagan o binuksan ang TV, ang pangunahing nakikita natin ay: mga digmaan, lindol, tsunami, bagyo, sunog, baha, pagbagsak ng mga eroplano, sakuna sa minahan, kaguluhan sa lipunan, matitinding alitan, pag-atake ng mga terorista, atbp.Lahat ng nakikita natin ay mga likas na kalamidad at mga sakunang dulot ng tao. Ang mga sakunang ito ay madalas mangyari at mas tumitindi. Ang masidhing pagdami ng sakuna ay may kasamang pagdurusa, dugo, pagkabalda at kamatayan. Nangyayari ang mga kasawian sa ating paligid sa lahat ng oras, na nagbibigay-diin na maikli at marupok ang buhay. Wala tayong paraan para mahulaan kung anong klaseng mga sakuna ang mararanasan natin sa hinaharap. Bukod pa rito, hindi natin alam kung ano ang dapat nating gawin. Bilang bahagi ng sangkatauhan, ano ang dapat nating gawin upang makalaya sa mga sakunang ito? Sa programang ito, malalaman mo ang sagot. Malalaman mo ang tanging paraan para matanggap ang proteksyon ng Diyos upang makaligtas ka sa nakaambang mga sakuna.
_________________________________________________


Hul 16, 2020

Kumakatok sa Pintuan" God Knocks at the Door of My Heart


Ngayon ang mga sakuna ay lalong palala ng palala at ang mga propesiya ng pagbabalik ng Panginoon ay natutupad na. Maraming mga tao ang hindi pa nakikita na ang Panginoon ay bumababa sa isang ulap, iniisip na ang Panginoon ay babalik sa gitna ng kapighatian o pagkatapos ng kapighatian. Sa totoo lang, ang Panginoon ay bumaba na nang lihim bago ang pagdurusa at isinasagawa ang bagong gawain. Nais mo bang sundan ang mga yapak ng Diyos at salubungin Siya? Nais mo bang makita ang pagpapakita ng Diyos at pumasok sa isang bagong kapanahunan? Ipapakita sa atin ng video na ito ang landas.

_________________________________
Malaman ang higit pa:  Ikalawang Pagparito ni Jesucristo

Hun 2, 2020

What Is True Faith in God?


Ibinahagi ni Yu Congguang ang ebanghelyo sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at habang umiiwas na maaresto ng Chinese police ay iniligtas siya ni Zheng Xun, isang kapanalig sa isang lokal na bahay-iglesia. Pagkatapos niyon, ilang beses niyang ipinaliwanag kay Zheng Xun at sa iba pa kung ano ang pananampalataya sa Diyos, paano manalig para matamo ang Kanyang pagsang-ayon, at iba pang mga aspeto ng katotohanan. Sa huli, nalunasan ng mga katotohanang ito ang matagal nang pagkalito at paghihirap ni Zheng Xun at ng iba pa, na nagtulot na maunawaan nila ang tunay na kahulugan ng "pananampalataya sa Diyos" at lumaya ang kanilang puso.
        __________________________________________
      Manood ng higit pa: Tagalog Christian Full Movie | "Pananalig sa Diyos" 


Abr 15, 2020

Ang Pag-Uusap "Ang Magandang Sagot ng Isang Kristiyano sa mga Pagkaunawa ng Isang Three-Self Pastor"


Clip ng Pelikulang Ang Pag-Uusap (5) "Ang Magandang Sagot ng Isang Kristiyano sa mga Pagkaunawa ng Isang Three-Self Pastor"


Inanyayahan ng CCP ang isang pastor ng Three-Self Church para subukang i-brainwash at kumbinsihin ang isang Kristiyano. Nagpasimula ang Kristiyano at ang pastor ng isang magandang debate bilang tugon sa mga haka-hakang sinabi ng Three-Self pastor. Paano lalabanan ng Kristiyanong ito ang pastor? Bakit mabibigo ang pagtatangkang ito ng CCP na mag-brainwashi at mangumbinsi?

Peb 3, 2020

Mga patotoo't karanasan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | "Ang Paraan ng Pag-uugali ng Tao"


Tagalog Christian Movies  "Ang Paraan ng Pag-uugali ng Tao" (Full Christian Movie)


Simula pagkabata, tinuruan si Cheng Jianguang ng kanyang mga magulang at guro na ang mga patakarang tulad ng "Ang pagkakasundo'y kayamanan, pagtitimpi'y kabanalan," "Ang pananahimik sa mali ng mabuting kaibigan ay nagpapatagal sa samahan," "Kung mayroon mang mali, magsalita na lang ng kaunti" ang mga batong pansuri sa pagpapanatili ng mabuting ugnayan sa ibang tao. Isinapuso niya ang mga aral na ito, at natutuhan niyang huwag kailan man saktan ang kalooban ng iba sa kanyang mga gawa at salita, at palaging pangalagaan ang kanyang kaugnayan sa iba, kaya nakilala siya bilang "mabuting tao" ng mga nasa paligid niya. Pagkatapos niyang tanggapin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, nalaman ni Cheng Jianguang mula sa salita ng Diyos na tanging sa paghahanap ng katotohanan at pagiging tapat niya makakamit ang pagsang-ayon ng Diyos at mapagkakalooban ng kaligtasan ng Diyos,

Okt 22, 2019

Tagalog Christian Movie | "Pagbibinyag sa Pamamagitan ng Apoy"

Tagalog Christian Movie | "Pagbibinyag sa Pamamagitan ng Apoy"


Sabi ng Panginoong Jesus, "Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit" (Mateo 7:21). Paano ba talaga natin dapat pagsikapang maging mga tao na gumagawa ng kalooban ng Ama sa langit at masunurin sa Diyos, para dalhin tayo ng Diyos sa kaharian ng langit?
Ang Kristiyanong si Song Enze ay inaresto at ikinulong ng Chinese Communist Party nang pitong taon dahil naniwala siya sa Diyos at nangaral ng ebanghelyo ng Diyos. Nang makalaya na siya, nagpilit siyang magpatuloy sa paggugol para sa Diyos sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng ebanghelyo. Pakiramdam niya, sa pagtalikod sa kanyang tahanan at propesyon, pagpapagod, at pagtatrabaho, ginagawa niya ang kalooban ng Diyos, at na siguradong matatamo niya ang pagsang-ayon ng Diyos at dadalhin siya ng Diyos sa kaharian ng langit. Kalaunan, nagkasakit nang malubha ang anak na lalaki ni Song Enze, at nanganib ang buhay, na ikinasama ng loob ni Song Enze sa Diyos, tinangka niyang makipagtalo sa Diyos, at nawalan siya ng hangaring gawin ang kanyang mga tungkulin. Sa pamamagitan ng ipinakita sa kanyang mga totoong pangyayari sa kanyang sitwasyon at ng mga paghahayag sa salita ng Diyos, natanto ni Song Enze na ang maraming taon ng pagtalikod at paggugol niya para sa Diyos ay dating pagtatangka niyang ipalit iyon sa biyaya at mga pagpapala ng Diyos, at na hindi siya isang taong masunurin sa Diyos. Sa huli, sa pamamagitan ng paghahanap, natutuhan din niya sa wakas kung paano sikaping makawala sa kanyang mga tiwaling disposisyon, maging tunay na masunurin sa Diyos, at maligtas ng Diyos.

Okt 20, 2019

Latest Tagalog Christian Movie | "Nakamamatay na Kamangmangan" | Why Are Foolish Virgins Abandoned?

Latest Tagalog Christian Movie | "Nakamamatay na Kamangmangan" | Why Are Foolish Virgins Abandoned?

Si Zheng Mu'en ay kapanalig sa isang simbahang Kristiyanong Chinese sa US, matagal na nanalig sa Panginoon, at marubdob na naglingkod at gumugol para sa Panginoon. Isang araw, nagpatotoo sa kanya ang kanyang tita na nagbalik na ang Panginoong Jesus para ipahayag ang katotohanan at hatulan at dalisayin ang tao sa mga huling araw, isang balitang labis niyang ikinatuwa. Matapos basahin ang salita ng Makapangyarihang Diyos at panoorin ang mga pelikula at video ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, nadama ni Zheng Mu'en na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan, at na maaari ngang ang Makapangyarihang Diyos ang pagbabalik ng Panginoong Jesus, kaya sinimulan nilang siyasatin ng kanyang mga kapatid ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Pero nang matuklasan ito ni Pastor Ma, ang lider ng kanilang iglesia, paulit-ulit nitong pinakialaman at pinigilan si Zheng Mu'en. Ipinakita niya kay Zheng Mu'en ang isang propaganda video ng gobyernong CCP na naninira at tumutuligsa sa Kidlat ng Silanganan sa pagtatangkang patigilin si Zheng Mu'en sa pagsisiyasat nito sa tunay na daan, at nalito siya nang husto sa videong ito:

Okt 4, 2019

2019 Tagalog Christian Movie "Hindi Naglalaho ang Integridad"


Tagalog Christian Movie 2019 | "Hindi Naglalaho ang Integridad"

Nagpapatakbo ng isang tindahan ng damit si Wang Xinyu at ang kanyang asawa, at kahit sinikap nila noong una na patakbuhin ang kanilang tindahan nang may integridad at konsiyensya, hindi sila gaanong kumikita, at napakahirap ng buhay nila. Ngunit nang makita nila ang mga kabarkada nilang umaasa sa pagsisinungaling at panlilinlang sa negosyo na bumibili ng mga kotse at bahay at maluho ang pamumuhay, ipinasiya nila na hindi sila magpapaiwan. Sa paggabay ng kanilang mga kabarkada, sinunod nila ang kalakaran sa lipunan at nagsimulang magnegosyo sa pamamagitan ng pagsisinungaling at pandaraya. Makalipas ang ilang taon, bagama’t kumita sila nang kaunti, madalas silang makonsiyensya at hungkag ang puso nila. Pagkatapos, tinanggap nila ang ebanghelyo ng Diyos, binasa ang Kanyang mga salita, na nakatulong upang matuklasan nila na gusto ng Diyos ang matatapat na tao at kinasusuklaman ang mga manlilinlang at nalaman nila na pinagpapala ang matatapat na tao. Gayunman, nakita rin nila ang kasamaan at kadiliman sa mundo at nag-alala na baka hindi sila kumita sa pagnenegosyo nang may integridad, at manganganib pa silang malugi, pero kung magpapatuloy silang magsinungaling at mandaya para linlangin ang mga mamimili, alam nila na kamumuhian sila ng Diyos dahil doon…. Pagkaraan ng ilang pagpupunyagi at kabiguan, sa wakas ay pinili nilang maging matatapat na tao ayon sa mga salita ng Diyos, at nagulat sila nang pagpalain sila ng Diyos. Hindi lamang lumago ang kanilang negosyo, tinamasa rin nila ang kapayapaan at seguridad ng pagiging matatapat na tao.

Set 6, 2019

Tagalog Christian Movie | "Pagbibinyag sa Pamamagitan ng Apoy"


Tagalog Christian Movie | "Pagbibinyag sa Pamamagitan ng Apoy"

Mangyaring tumawag sa amin kung may mga katanungan ka. Messenger: 
Sabi ng Panginoong Jesus, "Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit" (Mateo 7:21). Paano ba talaga natin dapat pagsikapang maging mga tao na gumagawa ng kalooban ng Ama sa langit at masunurin sa Diyos, para dalhin tayo ng Diyos sa kaharian ng langit?

Ago 14, 2019

Tagalog Gospel Movie "Ang mga Tao ng Kaharian ng Langit" | Only the Honest Can Enter God's Kingdom

Tagalog Gospel Movie 2019 | "Ang mga Tao ng Kaharian ng Langit" | Only the Honest Can Enter God's Kingdom


       Sabi ng Panginoong Jesus, "Truly I say to you, Except you be converted, and become as little children, you shall not enter into the kingdom of heaven" (Matthew 18:3). Sinabi sa atin ng Panginoong Jesus na matatapat na tao lamang ang makakapasok sa kaharian ng langit; matatapat na tao lang ang maaaring maging mga tao ng kaharian. Ikinukuwento ng pelikulang ito ang karanasan ng Kristiyanong si Cheng Nuo sa gawain ng Diyos at ang patuloy na paghahangad niyang maging matapat na tao sa buhay.

Ene 10, 2019

The bible tagalog movies | "Pagkamulat" | The Call of God's Love (Tagalog Dubbed)


The bible tagalog movies | "Pagkamulat" | The Call of God's Love (Tagalog Dubbed)



Isang tagapangaral si Lu Xiu'en sa isang bahay-iglesia sa Tsina. Sa paniniwala niya sa mga maling pananaw na ikinakalat ng mga relihiyosong pastor at elder, nagpatuloy siya sa pagpilit na "pinatawad na ng Panginoong Jesus ang kasalanan ng tao, at palaging maliligtas ang mga naniniwala sa Panginoon. Hindi na nila kailangang tanggapin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw."  Paulit-ulit niyang kinalaban at tinanggihan ang ebanghelyo ng Makapangyarihang Diyos tungkol sa kaharian... Ganunpaman,   dahil sa hindi inaasahang pangyayari, nagkaroon siya ng pagkakataong matuklasan na iba ang ipinakitang ugali ng kanyang pastor sa harap ng mga tao, at inilabas ang tunay nitong ugali sa likod nila, at nakita niya kung gaano kaipokrito ang kanyang pastor.  Sa pagkakataong iyon ay dumating naman sa kanya ang ebanghelyo ng Makapangyarihang Diyos tungkol sa kaharian.

Dis 28, 2018

Tagalog Christian Movies "Paggising Mula sa Panaginip" | The Mystery of Entering the Kingdom of Heaven


Tagalog Christian Movies "Paggising Mula sa Panaginip" | The Mystery of Entering the Kingdom of Heaven


Si Yu Fan  ay kagaya lang ng maraming iba na nananalig sa Panginoong Jesus—ipinalagay niya na nang ipako sa krus ang Panginoong Jesus, pinatawad na Niya ang sangkatauhan sa kanilang mga kasalanan, na nagtamo na siya ng katuwiran sa pamamagitan ng kanyang pananampalataya, at na basta’t isuko lang niya ang lahat at naglingkod siya nang husto sa Panginoon, pagbalik ng Panginoong Jesus tiyak na papasok siya sa kaharian ng langit.

Dis 16, 2018

Tagalog the bible tagalog movies "Ibunyag ang Misteryo Tungkol sa Biblia" | How Should We Treat the Bible?


The bible tagalog movies "Ibunyag ang Misteryo Tungkol sa Biblia" | How Should We Treat the Bible?


Si Feng Jiahui ay pastor sa isang bahay-iglesia sa China. Maraming taon siyang nanalig sa Panginoon at noon pa man ay naisip na niya na ang Biblia ay binigyang-inspirasyon ng Diyos, na ito ay dapat sundin ng isang tao sa kanyang pagsampalataya, ang mga salita ng Diyos ay hindi lumilitaw sa labas ng Biblia, at ang paglihis sa Biblia ay maling paniniwala.

Dis 6, 2018

Tagalog Christian Movies | "Ang Sugo ng Ebanghelyo" | Bear the Cross and Preach the Gospel of Kingdom


Tagalog Christian Movies | "Ang Sugo ng Ebanghelyo" | Bear the Cross and Preach the Gospel of Kingdom


Maraming taon nang naniwala ang Kristiyanong si Chen Yixin sa Panginoon, at naging mapalad na sumalubong sa pagbabalik ng Panginoong Jesus sa mga huling araw—Makapangyarihang Diyos! Naintindihan niya ang agarang kalooban ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos pati na ang misyon at tungkulin na dapat gawin ng isang nilikhang nilalang, kaya sinimulan niyang ibahagi ang ebanghelyo at sumaksi sa gawain ng Diyos sa mga huling araw.

Nob 18, 2018

Bible Movie | "Lumabas Sa Biblia" | Interpreting the Mysteries About the Bible


Best Tagalog Christian Movie | "Lumabas Sa Biblia" | Interpreting the Mysteries About the Bible


Si Wang Yue ay pastor sa isang bahay-iglesia sa China. Buong puso’t kaluluwa siyang nangaral at namuno sa iglesia para sa Panginoon. Pero nang mas lalong nawalan ng mga tao ang kanyang iglesia, lubha siyang nabalisa pero wala siyang nagawa tungkol doon. Habang nagdurusa at nalilito, sinuwerte siyang tanggapin ang ebanghelyo ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos. Nang matamasa niya ang saganang salita ng Diyos, lubos niyang nalaman ang lawak ng pagliligtas ng Kanyang pagliligtas.

Nob 5, 2018

Tagalog Christian Movie | "Ang Sandali ng Pagbabago" Disclosing the Mystery of the Kingdom of Heaven


Tagalog Christian Full Movie 2018 | "Ang Sandali ng Pagbabago" | Disclosing the Mystery of the Kingdom of Heaven (Tagalog Dubbed)

Si Su Mingyue ay isang mangangaral sa isang bahay-iglesia sa mainland China. Sa paglipas ng mga taon, naging tapat na lingkod siya ng Panginoon na nagpipilit mangaral para sa Panginoon at magpasan ng pasanin ng gawain para sa iglesia. Sumusunod siya sa salita ni Pablo sa Biblia, dama na sapat na ang manalig sa Panginoon para matawag na matuwid at maligtas sa pamamagitan ng biyaya.

Okt 9, 2018

"Umabot sa Huling Tren Caught the Last Train" - Welcome the Return of Lord Jesus


Tagalog Christian Movie 2018 | "Umabot sa Huling Tren Caught the Last Train" | Welcome the Return of Lord Jesus


Si Chen Peng ay pastor sa isang bahay-iglesia. Noon pa man ay marubdob na siyang naglingkod sa Panginoon, at kadalasa’y nagsilbing pastor, sa pagtulong sa kanyang mga alagad, at binalikat ang malalaking pasanin para sa iglesia. Pero nitong nakaraang mga taon, mas lalong nawalan ng tao sa iglesia. Nanghina ang espiritu ng mga mananampalataya at hindi na nagsimba, at hindi na dumadalo sa mga miting. Kaya nga kahit si Pastor Chen ay nakadama ng kadiliman sa kanyang kaluluwa, na para bang natuyo na ang balon ng kanyang espiritu, at hindi na niya madama ang presensya ng Panginoon. Sa mga miting, nalaman niya na wala siyang maipangaral. … Ginawa niya ang lahat ng maaari niyang maisip para muling pasiglahin ang iglesia, pero nawalan ng saysay ang lahat ng pagsisikap niya. …

Ago 24, 2018

The Church of Almighty God Documentary | Matagal na panahon ng Pagtakas (6)


The Church of Almighty God Documentary | Matagal na panahon ng Pagtakas (6)


Simula nang magkaroon ng kapangyarihan sa Mainland China noong 1949, hindi na tumigil ang Chinese Communist Party (CCP) sa pang-uusig sa relihiyosong pananampalataya. Galit na galit nitong pinag-aaresto at pinagpapatay ang mga Kristiyano, pinaalis at inabuso ang mga misyonerong nangangaral sa China, kinumpiska at sinunog ang napakaraming kopya ng Biblia, ikinandado at giniba ang mga gusali ng iglesia, at walang saysay na tinangkang wasakin ang lahat ng bahay-sambahan.

Ago 23, 2018

Tagalog Gospel Videos | "Pagpapalaya sa Puso" | The Awakening of a Christian’s Soul



Tagalog Gospel Videos | "Pagpapalaya sa Puso" | The Awakening of a Christian's Soul  


     Naniniwala ang maraming tao na ang kanilang kapalaran ay nasa kanilang sariling mga kamay, at maaari silang umasa sa kanilang sariling kaalaman at kakayahan sa kanilang mga pakikibaka. Subalit, pagkatapos ng lahat, hindi iyan posible. Ang espiritwal na gapos na “Ang tadhana ng isang tao ay nasa kanyang sariling kamay” ay maiwawaksi sa pamamagitan ng mga katotohanang ipinahayag ng Diyos, at ang isang tao ay maaaring mabuhay sa liwanag. Sabi ng Diyos: “Ang kapalaran ng tao ay nasa pamamahala ng mga kamay ng Diyos. Ikaw ay walang kakayahang kontrolin ang iyong sarili: Sa kabila ng parating pagmamadali at maraming ginagawa para sa sarili, nananatiling walang kakayahan ang tao na kontrolin ang kanyang sarili. … Ang hantungan ng tao ay nasa mga kamay ng Lumikha, kaya papaano makokontrol ng tao ang kanyang sarili?” (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Hul 22, 2018

Ebangheliyong pelikula | "Pananabik" Lord Jesus Has Come Again (Tagalog Dubbed)



Dalawang libong taon na ang nakararaan, ipinangako ng Panginoong Jesus sa Kanyang mga alagad: "Ako’y paroroon upang ipaghanda ko kayo ng dakong kalalagyan. At kung ako’y pumaroon at kayo’y maipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto ako, at kayo’y tatanggapin ko sa aking sarili; upang kung saan ako naroroon, kayo naman ay dumoon" (Juan 14:2-3). Dahil dito, patuloy na lubhang inasam at ipinagdasal ng mga henerasyon ng mga nananalig ang katuparan ng pangako ng Panginoon, at inasam at ipinagdasal na madala sila sa kalangitan para salubungin ang Panginoon at pumasok sa kaharian ng langit pagdating ng Panginoon. Inilalarawan din nito ang bida sa pelikula na si Chen Xiangguang. Masigasig siyang naghahanap, nangangaral ng ebanghelyo, at nagpapatotoo sa Panginoon para makasalubong sa pagdating ng Panginoon. Kahit natanggal sa trabaho sa paaralan at hindi siya naunawaan ng kanyang mga kapamilya, hindi siya nawawalan ng pag-asa sa kanyang puso kailanman. Isang araw habang nasa isang pagtitipon, inaresto si Chen Xiangguang at ibinilanggo ng gobyernong Chinese Communist. Sa ilalim ng nakamamanghang pamamahala ng Diyos at pakikipag-ayos, nakilala niya si Zhao Zhiming, isang Kristiyano mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Nagpatotoo sa kanya si Zhao Zhiming tungkol sa pagpapakita at gawain ng Diyos sa mga huling araw, na nakalutas sa maraming taon niyang paniwala at imahinasyon sa pag-asam at pagdarasal para sa pagbalik ng Panginoon. Nang makalaya sa bilangguan, hinikayat ni Chen Xiangguang ang kanyang mga kapatid na pag-aralan ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Sa wakas ay naunawaan ng lahat kung ano ang madala sa kaharian ng langit, kung nasa lupa ba o sa langit ang kaharian, at kung paano dapat salubungin ng mga tao ang pagbalik ng Panginoon ...

Rekomendasyon:

 Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan

"Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" | Sipi 14

Ang bawa’t yugto ng gawain ng Banal na Espiritu ay kasabay na nangangailangan ng patotoo ng tao. Ang bawa’t yugto ng gawain ay isang p...