Ang Kidlat ng Silanganan ay nagpapatotoo na ang Diyos ay nagkatawang-tao sa mga huling araw upang gawin Niya mismo ang gawain ng paghatol. Gayunman ang gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan ay isinagawa sa pamamagitan ng paggamit kay Moises. Kung gayon hindi ba maaaring gawin ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw sa gayunding paraan, sa pamamagitan ng paggamit ng mga tao? Bakit kailangang magkatawang-tao ang Diyos at gawin Niya ito mismo? Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, "Ang gawain ng paghatol ay sariling gawa ng Diyos, kaya kailangang likas na magawa ito ng Diyos Mismo; hindi ito maaaring gawin ng taong Kanyang kahalili.
Ang Kidlat ng Silanganan, ang Makapangyarihang Diyos ay ang pangalawang pagdating ng Panginoon Jesus. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos! Tinatanggap natin ang lahat ng naghahanap ng katotohanan na pumarito at maghanap.
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Movie Clips. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Movie Clips. Ipakita ang lahat ng mga post
Ago 6, 2020
Hul 24, 2020
Bakit Babalik ang Panginoon upang Gawin ang Gawaing Paghatol sa mga Huling Araw?
Maraming mga tao ang naniniwalang napatawad na ang ating mga kasalanan at natamo na ang kaligtasan dahil ihinayag natin ang ating pananampalataya sa Panginoon, kaya bakit hindi dumarating ang Panginoon upang dalhin tayo nang direkta sa makalangit na kaharian? Bakit kailangan pa rin Niyang hatulan at dalisayin ang mga ito? Ang paghatol ba ng Diyos sa sangkatauhan sa mga huling araw ay pagdalisay at kaligtasan, o paggawad ng parusa at pagkawasak ng sangkatauhan? Ibubunyag ng clip na ito ang mga hiwaga sa iyo.
Hul 17, 2020
Ang Kaugnayan sa Pagitan ng Paghatol sa mga Huling Araw at Pagpasok sa Kaharian ng Langit
Sa mga relihiyoso, maraming naniniwala na basta’t iniingatan nila ang pangalan ng Panginoon, matibay ang pananalig nila sa pangako ng Panginoon at nagpapakahirap sila para sa Panginoon, pagbalik Niya mara-rapture sila at makakapasok sa kaharian ng langit. Makakapasok ba talaga ang isang tao sa kaharian ng langit sa pananalig sa Panginoon sa ganitong paraan? Ano ba mismo ang mangyayari sa atin kung hindi natin tatanggapin ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw? Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Si Cristo ng mga huling araw ay naghahatid ng buhay, at naghahatid ng nananatili at magpakailanmang daan ng katotohanan.
Hul 14, 2020
Ano ang Kaibhan sa Pagitan ng Gawain ng Paghatol ng Diyos sa mga Huling Araw at ng Gawain ng Panginoong Jesus?
Naniniwala ang ilang tao na matapos mabuhay na mag-uli ang Panginoong Jesus at umakyat sa langit, bumaba ang Banal na Espiritu para gumawa sa tao sa araw ng Pentecostes. Sinaway Niya ang mundo ng kasalanan, at ng pagkamatuwid, at ng paghatol. Kapag tinanggap natin ang gawain ng Banal na Espiritu at nagsisi tayo sa Panginoon para sa ating mga kasalanan, dumaranas tayo ng paghatol ng Panginoon. Ang gawaing ginawa ng Banal na Espiritu sa araw ng Pentecostes ay dapat maging gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw.
Hul 4, 2020
Makakapasok ba sa Kaharian ng Langit ang mga Naligtas?
Sa Panahon ng Biyaya, isinagawa ng Panginoong Hesus ang gawain ng pagtubos na nagpatawad sa lahat ng ating mga kasalanan. Hangga't tinatanggap natin ang Panginoong Hesus bilang ating Tagapagligtas at ipinagdasal at ikinumpisal natin ang ating mga kasalanan sa Panginoon, mapapatawad ang ating mga kasalanan at maliligtas tayo sa pamamagitan ng ating pananampalataya. Kaya ano ba talaga ang ibig sabihin ng "naligtas na?" Maaari ba tayong madala at makapasok sa kaharian ng langit sa pamamagitan ng pananalig sa Panginoon, dumating sa ilalim ng Kanyang biyaya at maligtas?
—————————————————
Magrekomenda nang higit pa: Sermon Tungkol sa Kaligtasan
Hun 28, 2020
Upang Mapag-aralan ang Pagbabalik ng Panginoon Dapat Tayong Makinig sa Tinig ng Diyos
Nagkatotoo na ang halos lahat ng propesiyang binanggit sa Biblia tungkol sa pagbabalik ng Panginoon. Naramdaman ng karamihan ng tao na nagbalik na ang Panginoon, kaya paano natin sisiyasatin ito para makatiyak tungkol sa kung ang Makapangyarihang Diyos nga ba ang nagbalik na Panginoong Jesus? Dapat ba tayong gumawa ng paghatol batay sa mga propesiya sa Biblia o dapat ba nating direktang siyasatin ang salita at gawain ng Makapangyarihang Diyos? Paano natin gagamitin ang napakabihirang pagkakataong ito at salubungin ang pagbabalik ng ating Panginoon?
Hun 24, 2020
Bakit Napakadilim at Napakasama ng Mundo?
Sa maraming kabataang nahuhumaling ngayon sa online gaming at hindi makaalpas doon, at sa bawat henerasyon ng mga kabataan na mas malala pa kaysa sa huli, hindi maiwasang magtanong ang maraming tao ng: Bakit kailangang patuloy na tangkilikin, paunlarin at itaguyod ng lipunang ito ang online gaming para lasunin ang ating mga kabataan? Bakit napakadilim at napakasama ng mundo?
——————————————————
Malaman ang higit pa: Ano ang layunin ng Diyos sa paglikha ng tao
Hun 15, 2020
Pagtanggap sa Ebanghelyo ng Ikalawang Pagdating ng Panginoong Hesus at Pagtitipon sa Harap ng Diyos
Sa Biblia, sabi ni Pablo, "Ako’y namamangha na kay dali ninyong nagsilipat sa ibang evangelio buhat sa tumawag sa inyo sa biyaya ni Cristo" (Galacia 1:6). Mali ang interpretasyon ng mga pastor at elder sa mga salitang ito ni Pablo, at tinutuligsa ang lahat ng taong tumatanggap sa ebanghelyo ng ikalawang pagparito ng Panginoong Jesus, na sinasabi na pag-apostasiya at pagtataksil ito sa Panginoon. Sa gayo’y lumalampas sa ilang nananalig ang pagkakataong tanggapin ang Panginoon, dahil nalinlang sila. Malinaw na ang malinaw na pag-unawa sa tunay na kahulugan ng tekstong ito ay napakahalaga sa pagtanggap natin sa pagbalik ng Panginoon.
Hun 9, 2020
Kayang Kilalanin ng Matalinong Birhen ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Tunay na Cristo at mga Bulaang Cristo
Nahaharap sa ikalawang pagdating ng Panginoon, masyado ka bang matatakot sa mga bulaang Cristo na isasara mo ang pinto upang protektahan ang iyong sarili at maghintay para sa pagbubunyag ng Panginoon, o kikilos ka tulad ng matalinong birhen, at dinggin ang tinig ng Diyos at batiin ang pagbabalik ng Panginoon? Sasabihin sa iyo ng maikling video na ito kung paano salubungin ang ikalawang pagbabalik ng Panginoon.
_________________________________________________________________
Ang parabula ng sampung dalaga na sinabi ng Panginoong Jesus ay isang paalaala sa atin sa mga huling araw. Inaasahan ng Diyos na maaari tayong maging matalinong mga birhen upang matanggap ang pagbabalik ng Panginoon.
_________________________________________________________________
Ang parabula ng sampung dalaga na sinabi ng Panginoong Jesus ay isang paalaala sa atin sa mga huling araw. Inaasahan ng Diyos na maaari tayong maging matalinong mga birhen upang matanggap ang pagbabalik ng Panginoon.
May 27, 2020
Clip ng Pelikulang | "Bakit Isinasagawa ng Diyos ang Gawain ng Paghatol sa mga Huling Araw?"
Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.
May 3, 2020
Natuklasan: May Iba pa bang mga Salita o Gawain ng Diyos Maliban sa mga Nasa Biblia?
Ang mga pastor at elder ng mga relihiyon kadalasan ay itinuturo sa mga tao na walang mga salita at gawain ng Diyos sa labas ng Biblia, kaya maling maniwala sa anumang wala sa Biblia. Tama kaya ang ideyang ito kung sisiyasatin? Naaayon ba ito sa realidad ng gawain ng Diyos? Ang pagtubos na ginawa ng Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya ay hindi talaga nakatala at lumalagpas pa sa Lumang Tipan. Kung maling maniwala sa anumang wala sa Biblia, hindi ba tinutuligsa rin natin ang gawain ng Panginoon? Kaya may iba pa bang mga salita at gawain ng Diyos maliban sa mga nasa Biblia, o wala na? Ihahayag sa iyo ng videong ito ang sagot.
Malaman ang higit pa: Ibunyag ang Misteryo Tungkol sa Biblia
Malaman ang higit pa: Ibunyag ang Misteryo Tungkol sa Biblia
Abr 23, 2020
Bakit Hindi Pinahihintulutan ng CCP ang mga Kristiyano na Tahakin ang Tamang Landas ng Buhay?
Walang-awang inuusig at inaatake ng Partido Komunista ng Tsina ang pananampalataya ng relihiyon. Walang pakundangan nilang ikinukulong at pinahihirapan ang mga Krsitiyano. Pinapayagan lamang nila ang mga tao na sumunod sa Partido Komunista. Hindi nila pinapayagan ang mga tao na manalig sa Diyos at sumunod sa Kanya habang tinatahak nila ang tamang landas ng buhay. Ano kaya ang kahihinatnan sa huli ng Partido Komunista ng Tsina?
Abr 9, 2020
Pagtanggap sa Cristo ng mga Huling Araw at Pagkadala sa Kaharian ng Langit
Tagalog Christian Movie | "Paggising Mula sa Panaginip" (Clip 4/4) Pagtanggap sa Cristo ng mga Huling Araw at Pagkadala sa Kaharian ng Langit
Kung naniniwala lang tayo sa Panginoong Jesus, at humagawak sa daan ng Panginoong Jesus, pero hindi tinatanggap ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, pa’no natin makakamit ang paglilinis at makakapasok sa kaharian ng langit? Nais mo bang maging isang matalinong birhen na kayang sumabay sa mga yabag ng Diyos upang makamit ang mga biyaya sa kaharian ng langit? Mangyaring panoorin ang pelikulang ito.
Malaman ang higit pa: Huling paghuhukom
Malaman ang higit pa: Huling paghuhukom
Ginagamit ng Diyos ang Katotohanan Upang Hatulan at Linisin ang Tao sa mga Huling Araw
Clip ng Pelikulang Paggising Mula sa Panaginip (3) "Ginagamit ng Diyos ang Katotohanan Upang Hatulan at Linisin ang Tao sa mga Huling Araw"
Sa mga Huling Araw, nagkakatawang-tao ang Diyos upang isakatuparan ang gawain ng paghatol mula sa tahanan ng Diyos, kaya, pa’no nalilinis at naliligtas ang tao ng gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw? Ano’ng mga pagbabago ang madadala sa sarili nating disposisyon sa buhay matapos danasin ang paghatol at pagkastigo ng Makapangyarihang Diyos? Ang pelikulang ito ng Paggising Mula sa Panaginip, ang magbibigay sa ‘yo ng lahat ng kasagutan!
Mar 25, 2020
Clip ng Pelikulang Ang Sandali ng Pagbabago (1) "Paano Nadadala ang mga Matatalinong Birhen?"
Clip ng Pelikulang Ang Sandali ng Pagbabago (1) "Paano Nadadala ang mga Matatalinong Birhen?"
Sumusunod ang ilang tao sa salita ni Pablo tungkol sa paghihintay sa Panginoon para madala sa kaharian ng langit: "Sa isang sandali, sa isang kisap-mata: sa huling pagtunog ng pakakak: sapagka’t tutunog ang papakak, at ang mga patay ay mangabubuhay na maguli na walang kasiraan, at tayo’y babaguhin." (1Co 15:52). Naniniwala sila na kahit patuloy pa rin tayong nagkakasala nang hindi umaalpas sa pang-aalipin ng pagiging likas na makasalanan, agad babaguhin ng Panginoon ang ating imahe at dadalhin tayo sa kaharian ng langit pagdating Niya.
Mar 24, 2020
uonHuwag Magt sa Biblia: Dumalo sa Piging ng Kaharian ng Langit sa Piling ng Panginoon
Huwag Magtuon sa Biblia: Dumalo sa Piging ng Kaharian ng Langit sa Piling ng Panginoon
Pakiramdam ng maraming sumasampalataya sa Panginoon ay nasa Biblia ang lahat ng salita at gawain ng Diyos, na ganap na ang pagliligtas ng Diyos ayon sa nakasaad sa Biblia, na kailangang ibatay sa Biblia ang pananampalataya sa Diyos at na kung nakabatay sa Biblia ang ating pananampalataya sa Diyos, siguradong madadala tayo sa kaharian ng langit. Ang mga ideyang ito tungkol sa relihiyon ay di-nakikitang mga tali na matatag na gumagapos at nagpapakitid sa ating isip kaya hindi natin hinahanap ang gawain ng Banal na Espiritu at hindi matanggap ang kasalukuyang gawain ng Diyos.
Mar 5, 2020
Tagalog Christian Movie | "Pananampalataya sa Diyos 2 – Nang Bumagsak ang Simbahan" (Clip 2/2)
Tagalog Christian Movie | "Pananampalataya sa Diyos 2 – Nang Bumagsak ang Simbahan" (Clip 2/2) Nakalaya mula sa Kulungan ng mga Fariseo sa mga Huling Araw at Pagtanggap sa Pagbabalik ng Panginoon
Mula nang maging makapangyarihan ang Chinese Communist Party, patuloy na nitong sinugpo at inusig ang Kristiyanismo at Katolisismo upang lubos na mapawi ang lahat ng paniniwala sa relihiyon at maitatag ang China bilang lugar ng ateismo. Lalo na nang maging Pangulo si Xi Jinping umabot na sa sukdulan ang mga pag-atake ng CCP sa pananampalataya, at pati na ang Three-Self Church na opisyal na pinahintulutan ay winawasak at binabaklas ang mga krus.
Peb 9, 2020
Pag-imbestiga sa Kidlat ng Silanganan | "Paano ba Talaga Darating ang Panginoon" | Have You Welcomed the Lord?
Tagalog Christian Crosstalk | "Paano ba Talaga Darating ang Panginoon" | Have You Welcomed the Lord?
Sa mga huling araw, lalong umiigting ang pakiramdam ng mga Kristiyanong naghihintay sa pagbabalik ng Panginoong Jesus, ngunit paano nga ba talaga magbabalik ang Panginoon? Sinasabi ng ilan, "Darating ang Panginoong Jesus kasama ng mga ulap". Sinasabi naman ng iba, "Ang mga propesiyang humuhula sa Kaniyang pagbabalik ay sinasabi ring, "Narito, ako’y pumaparitong gaya ng magnanakaw" (Pahayag 16:15). "Datapuwa't kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay, at itakuwil ng lahing ito" (Lucas 17:25). "Datapuwa't pagkahating gabi ay may sumigaw,Narito, ang kasintahang lalake; magsilabas kayo upang salubungin siya" (Mateo 25:6). Kung darating Siya na kasama ng mga ulap upang makita ng lahat, paano natin ipaliliwanag ang hiwaga ng pagdating Niya nang palihim, pagdurusa at pagtanggi sa Kaniya, pati na rin ang sinasabi na may mga magpapatotoo tungkol sa Kaniyang pagbalik?" Paano magpapakita sa atin ang Panginoon? Sa nakakatawang "crosstalk" na Paano Ba Talaga Darating ang Panginoon, susubukang alisin ang ating mga duda tungkol sa usaping ito.
Dis 10, 2019
Nagbago Ang Pangalan ng Diyos?! | "May Iba pa Bang mga Salita ang Diyos Maliban sa Nasa Biblia?"
Tagalog Christian Movie | Nagbago Ang Pangalan ng Diyos?! | "May Iba pa Bang mga Salita ang Diyos Maliban sa Nasa Biblia?"
Sinasabi sa Biblia, "At nakita ko sa kanang kamay niyaong nakaupo sa luklukan ang isang aklat na may sulat sa loob at sa labas, na tinatakang mahigpit ng pitong tatak" (Pahayag 5:1). "Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia. Ang magtagumpay ay bibigyan ko ng manang natatago" (Pahayag 2:17). Sang-ayon sa Biblia, sa pagbabalik ng Panginoon sa mga huling araw ay ilaladlad Niya ang scroll o balumbon, bubuksan ang pitong tatak at ipagkakaloob sa tao ang manang natatago. Ngunit karamihan ng mga pastor at elder ng mga relihiyon ay naniniwala na lahat ng mga salita ng Diyos ay nakatala sa Biblia at walang mga salita ang Diyos maliban sa nasa Biblia. Ang ganitong uri ba ng pananaw ay naaayon sa katotohanan? Wala ba talagang mga salita ang Diyos maliban sa nasa Biblia? Aalamin ng maikling video na ito ang mga tanong na ito para sa iyo.
Inirekomendang pagbabasa: 2. Bakit Tinatawag ang Diyos sa Iba’t-ibang Pangalan sa Iba’t-ibang Kapanahunan?
Nob 3, 2019
Tagalog Christian Movie | "Ang mga Tao ng Kaharian ng Langit" (Clips 2/2)
Tagalog Christian Movie | "Ang mga Tao ng Kaharian ng Langit" (Clips 2/2) Paano Lutasin ang Panloloko at Maging Tapat na Tao na Naghahatid ng Kagalakan sa Diyos
Sabi ng Panginoong Jesus, "Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Malibang kayo'y magsipanumbalik, at maging tulad sa maliliit na bata, sa anomang paraan ay hindi kayo magsisipasok sa kaharian ng langit" (Mateo 18:3).
Si Cheng Nuo, isang Kristiyano, ay hindi tumitigil kailanman sa paghahangad na maging isang tapat na tao. Pagkaraan ng ilang taon ng pagpapailalim sa gawain ng Diyos, dumalang na ang kanyang pagsisinungaling at nagtrabaho siya para sa simbahan mula madaling araw hanggang hatinggabi, nahihirapan at ginugugol ang sarili. Itinuturing niya na isa siyang tapat na tao na umaayon sa kalooban ng Diyos. Ngunit nang masaktan nang malubha ang kanyang asawa sa isang aksidente, nagsimulang mabuo sa kanyang puso ang mga maling pagkaunawa at reklamo sa Diyos at nawalan siya ng hangaring gampanan ang kanyang tungkulin. Sa pamamagitan ng pagsubok at paglalantad sa kanya ng Diyos, binasa ni Cheng Nuo ang mga salita ng Diyos at nagnilay-nilay. Nalaman niya na kahit madalang na siyang magsinungaling mula nang manalig siya, nasa puso pa rin niya ang pagiging tuso at mapanlinlang, at ang paggugol niya para sa Diyos ay para makipagtawaran sa Diyos, na naghahanap ng mga pagpapala at gantimpala; ang pagkakaroon niya ng sakim at mapanlinlang na masamang disposisyon ay malalim pa ring nakabaon sa kanya, at hindi siya isang tapat na tao na naghahatid ng kagalakan sa Diyos. Kalaunan ay naunawaan niya ang kanyang likas na panlilinlang sa paghahanap ng katotohanan at nakasumpong ng landas tungo sa pagiging isang tapat na tao at isang taong nararapat sa kaharian ng Diyos …
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)
"Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" | Sipi 14
Ang bawa’t yugto ng gawain ng Banal na Espiritu ay kasabay na nangangailangan ng patotoo ng tao. Ang bawa’t yugto ng gawain ay isang p...
-
Tagalog Christian Songs | Ang Pamamahala ng Diyos ay Patuloy na Sumusulong I Pagkatapos ng gawain ni Jehova, naging t...
-
Awit ng Papuri Lyrics| Awit ng Pagmamahal sa Diyos nang Walang Panghihinayang I Ang daan patungo sa kaharian ay mab...
-
Ang panalangin ay hindi isang uri ng ritwal; ito ay isang tunay na pagniniig sa pagitan ng mga tao at ng Diyos, at may malalim na kabu...