Ang Kidlat ng Silanganan, ang Makapangyarihang Diyos ay ang pangalawang pagdating ng Panginoon Jesus. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos! Tinatanggap natin ang lahat ng naghahanap ng katotohanan na pumarito at maghanap.
Tagalog Christian Crosstalk | "Isang Anticristo sa Iglesia"
Si Brother Li ay isang mananampalatayang dumadalo sa isang bahay-iglesia. Habang sinisiyasat nila ng kanyang mga kapatid ang tunay na daan, sabi ng pastor nila, "Nasa Biblia ang lahat ng salita't gawain ng Diyos, at maling pananampalataya ang anumang wala sa Biblia" at "mali ang sinumang nangangaral tungkol sa pagbabalik ng Panginoon bilang nagkatawang-taong laman" para hadlangan at pigilan ang mga mananampalataya na hanapin at siyasatin ang tunay na daan. Malinaw na sinabi ng Panginoong Jesus, "Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni't ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma'y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan" (Juan 16:12-13). Iprinopesiya rin ng Aklat ng Pahayag, "Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia" (Pahayag 2:7). Babalik ang Panginoon sa mga huling araw, at dapat makinig nang husto ang mga tao sa tinig ng Panginoon para makasabay sa mga yapak Niya, kaya bakit lantarang itinatanggi ng kanilang pastor ang mga salita ng Panginoon at sinisikap na pigilan ang mga mananampalataya na tanggapin ang Panginoon? Panoorin ang crosstalk na Isang Anticristo sa Iglesia para sa mga kasagutan.
Mga Movie Clip (1) | Kumakatok sa Pintuan | "Ano ang Pinakamahalagang Gawi para Masalubong ang Pagdating ng Panginoon?"
Sabi ng Panginoong Jesus, "Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig, at sila'y aking nakikilala, at sila'y nagsisisunod sa akin"(Juan 10:27). Ilang beses ding iprinoposiya sa Pahayag na, "Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia." Ang tinig at mga salita ng Espiritu ang tinig ng Panginoon, at ang tupa ng Diyos ang siyang makakikilala sa tinig ng Diyos. Kung ganon, ano nga bang gawain ang pinakamahalaga para sa mga Kristiyano sa pagsalubong nila sa pagdating ng Panginoon?
Pagkatapos na baguhin ang administrasyon ng iglesia pabalik sa orihinal na anyo nito, itinatag ang pakikipagtambalan para sa bawat antas ng pinuno sa sambahayan ng Diyos. Sa panahong iyon ay inakala ko na ito ay isang magandang pagsasaayos. Mababa lang ang kalibre ko at napakarami ng aking gawain; Kailangan ko talaga ng kasama upang tulungan akong makumpleto ang lahat ng uri ng gawain sa aking rehiyon.
Hindi kayo nagtutuon ng pansin sa panalangin sa inyong pang-araw-araw na buhay. Palaging nakakaligtaan ng mga tao ang panalangin. Sa kanilang mga panalangin noong nakaraan sila ay nakikisabay lang sa agos at naglalaro, at walang sinuman ang nagbigay nang lubos ng kanilang puso sa harap ng Diyos at tunay na nanalangin sa Diyos. Nananalangin lamang ang mga tao sa Diyos kapag mayroong isang bagay na nangyayari sa kanila. Sa buong panahong ito, nakapanalangin ka na ba nang tunay sa Diyos?
Ang Cristianismo at ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay naniniwala sa iisang Diyos. Alam ng mga taong nakauunawa sa kasaysayan ng relihiyon na ang Judaismo sa Israel ay lumitaw mula sa gawain na ginawa ng Diyos na Jehova sa Kapanahunan ng Kautusan. Ang Cristianismo, Catolisismo, at Eastern Orthodoxy ay pawang mga iglesia na lumitaw pagkatapos na ginawa ng nagkatawang-taong Panginoong Jesus ang gawain ng pagtubos. Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay lumitaw nang ang Diyos ay naging tao sa mga huling araw upang gawin ang gawain ng paghatol. Binabasa ng mga Cristiano sa Kapanahunan ng Biyaya ang Luma at Bagong Tipan ng Biblia, at ang mga Cristiano ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian ngayon ay binabasa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao, na personal na binigkas ng Diyos sa mga huling araw.
Zheng Weiguo(Pastor ng isang United Front Work Department ng bayan): Matagal na akong nagtatrabaho para sa United Front, at napag-aralan ko na ang iba't ibang relihiyon. Ang Kristiyanismo, Katolisismo at Eastern Orthodoxy ay pawang mga relihiyong orthodox na nananalig kay Jesus. Pero ibang-iba ang pananalig n'yo sa Makapangyarihang Diyos. Ayon sa mga dokumento ng CCP, ang Makapangyarihang Diyos ay ni hindi kabilang ng Kristiyanismo. Nangangaral kayo ng ebanghelyo sa iba't ibang sekta sa ilalim ng Kristiyanismo na hindi kayo kinikilalang Kristiyano. Kaya hinding-hindi ko kayo papayagang manalig sa Makapangyarihang Diyos. Maaari lang kayong manalig sa Kristiyanismo kung gusto nyo. Mas magaan ang pagpapahirap ng gobyerno sa ganitong paraan.
Kamakailan, naisip ko na ako’y nakapasok sa isang maayos na pagsasamahan. Ang kasama ko at ako ay maaaring talakayin ang anumang bagay, minsan sinabi ko pa sa kanya na punahin niya ang aking mga pagkukulang, at hindi kami kailanman nag-away, kaya akala ko na nakamtan namin ang isang maayos na pagsasamahan. Ngunit habang lumalabas ang mga katotohanan, ang isang tunay na maayos na pagsasamahan ay hindi tulad ng anumang bagay na aking inakala.
Ako
ay taong arogante at masyadong bilib sa sarili at ang katungkulan ay
ang aking kahinaan. Sa loob ng maraming taon, nakatali ako sa reputasyon
at katungkulan at hindi ko nagawang makalaya mula dito. Paulit-ulit
akong naitaas at napalitan; nagkaroon ako ng maraming kabiguan sa aking
katungkulan at mga problema sa pagdaan ng panahon. Pagkatapos ng
maraming taon na ako ay pinakitunguhan at nagawang pino, naramdaman ko
na hindi ko sineseryoso ang aking katungkulan. Ayaw kong maging kaparis
ng aking nakaraan na inisip na hangga't ako ay isang pinuno, maaari
akong gawing perpekto ng Diyos at kung hindi ako pinuno, wala akong
pag-asa. Naunawaan ko na kahit ano pa ang tungkulin na aking tinutupad,
kinakailangan ko lamang hanapin ang katotohanan at ako ay gagawing
perpekto ng Diyos; ang paghahangad sa reputasyon at katungkulan ay
paraan ng anticristo. Ngayon, pakiramdamn ko'y kahit ano pang tungkulin
ang aking tinutupad, matatanggap ko ang hindi magkaroon ng katungkulan.
Batas ng langit at lupa na ang nilikha ay tumutupad sa kanyang papel.
Kahit saan ka pa nailagay, dapat mong tanggapin ang mga kaayusang ginawa
ng Diyos. Kapag ang katiwalian ng pagiging tanyag at katungkulan ay
nailantad, ito ay malulunasan sa pamamgitan ng paghahanap sa
katotohanan. Kahit ano pa ang aking makaharap habang tinutupad ko ang
aking tungkulin, basta nauunawaan ko ang katotohanan, nakahanda akong
bayaran ang kapalit. Sa dahilang ito, akala ko na nakapaglakad na ako sa
landas ng paghahanap sa katotohanan. Akala ko nabawi ko na ang katauhan
at katwiran. Sinusuri ng Diyos ang puso at sinisiyasat ang isip. Alam
Niya na hindi ako malinis sa aking paghahanap sa katotohanan, at na
hindi ako tunay na naglalakad sa landas ng paghahanap sa katotohanan.
Alam ng Diyos kung anong paraan ang gagamitin para ako ay linisin at
mailigtas.
Mula nang magkaroon ng kapangyarihan, walang-tigil nang sinugpo at pinagmalupitan ng Chinese Communist Party ang mga paniniwala sa relihiyon, at hayagan pang binansagan ang Kristiyanismo at Katolisismo na mga kulto at tinawag na babasahing pangkulto ang Biblia. Sa pagdaan ng mga taon, nagpapatotoo na ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyossa pagbalik ng Panginoong Jesus, at hinatulan din ito ng CCP na isang kulto. Ang CCP ay isang ateistang partido. Isa itong napakasamang rehimen na kaaway ng Diyos, kaya paano ito nagkaroon ng karapatang magsabi na ang anumang partikular na relihiyon ang tunay na daan, o isang kulto? Paano maiintindihan ng isang tao kung ano talaga ang kulto?
Almighty God says, "China is the most backward of all countries, it is the land where the great red dragon lies coiled, it has the most people who worship idols and engage in sorcery, the most temples, and it is the place where filthy demons reside. You were born of it, you enjoy its benefits, and you are corrupted and tortured by it, but after undergoing introspection you turn your back on it and are completely gained by God. This is the glory of God, and so this stage of work has great significance. God has done work of such great scale, has spoken so many words, and He will ultimately completely gain you—this is one part of the work of God’s management, and is the “victory spoils” of the battle with Satan. The better these people become and the stronger the life of the church, the more the great red dragon is brought to its knees. These are matters of the spiritual world, they are the battles of the spiritual world, and when God is victorious, Satan shall be shamed and fall down. This stage of God’s work has tremendous significance. Work of such a grand scale completely saves this group of people; you escape from the influence of Satan, you live in the holy land, you live in God’s light, and there is the light’s leadership and guidance, and then there is meaning to your being alive. What you eat and wear is different to them; you enjoy the words of God, and lead a life of meaning—and what do they enjoy? They enjoy only the legacy of their ancestors and the “national spirit.” They have not the slightest trace of humanity! Your clothes, words, and actions are all different from theirs. Ultimately, you will completely leave the filth, no longer be ensnared in the temptation of Satan, and gain God’s daily provision. You should always be cautious. Though you live in a filthy place you are untainted with filth and can live alongside God, receiving His great protection. You have been chosen among all on this yellow land. Aren’t you the most blessed people? As a created being, you should of course worship God and pursue a meaningful life. If you don’t worship God and live in the filthy flesh, then aren’t you just a beast in human attire? As a human being, you should expend for God and endure all suffering. You should gladly and assuredly accept the little suffering you are subjected to today and live a meaningful life, like Job, like Peter. In this world, man wears the devil’s clothing, eats food given by the devil, and works and serves under the devil’s thumb, becoming trampled in its filth. If you don’t grasp the meaning of life or the true way, then what is the point of your life? You are people who pursue the right path, those who seek improvement. You are people who rise up in the nation of the great red dragon, those whom God calls righteous. Isn’t that the most meaningful life?"
from The Word Appears in the Flesh
Malaman ang higit pa: Ano ang Pagkakaiba ng Cristianismo at ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?
Isang araw, nadakip ng Komunistang pamahalaan ng China ang maraming Kristiyano ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos mula sa isang partikular na lokasyon sa kalaliman ng gabi. Ang bagay na ito ay nagdulot ng kaguluhan sa lokal na lugar. Nagpasimula ito ng mga talakayan sa pagitan ng mga miyembro ng Iglesia ng Three-Self. Ilang tao ang naniwala na ang Kidlat sa Silanganan ay nagdusa sa malupit na pagsupil at pag-uusig ng Komunistang pamahalaan ng China. Napakamapanganib na maniwala sa Kidlat ng Silanganan, at pinakaligtas na maniwala sa Iglesia ng Three-Self. Hindi sila magdurusa ng paghihirap at magagawa nilang pumasok sa kaharian ng langit. Naniwala ang ibang mga tao na ang Kidlat ng Silanganan ang siyang tunay na daan, ngunit masyadong mabagsik ang kinakaharap nitong pag-uusig at aresto. Kung maniniwala sila, inisip nila na mas mabuting maniwala nang palihim. Sa sandaling matutumba ang Komunistang pamahalaan ng China, malaya na silang maniniwala sa Makapangyarihang Diyos. Inimbestigahan ng ilang tao ang Kidlat ng Silanganan ngunit naniwala sila na ikinakalat ng Kidlat ng Silanganan ang ebanghelyo at sumasaksi sa Panginoon nang walang pagsasaalang-alang sa buhay o kamatayan at na sila ay pinupuri ng Diyos. Inisip nila na ang mga taong nagtatago sa loob ng Iglesia ng Three-Self ay mga taong duwag na inaanod sa buhay nang walang layunin at na hindi sila karapat-dapat na pumasok sa kaharian ng langit. … Pagkatapos ng mainit na talakayang ito, nalaman ba ng lahat kung anong uri ng mga tao ang pinupuri ng Panginoon at kung ang mga natatakot ba ay makakapasok sa kaharian ng langit?
Na ang Diyos ay nagkatawang-tao
niyayanig ang relihiyosong mundo,
nagugulong pangrelihiyong kaayusan,
at ginigising lahat ng kaluluwang
nananabik sa pagpapakita ng Diyos.
Sinong 'di namamangha dito?
Sino ang hindi nasasabik na makita ang Diyos?
Ilang taon ang ginugol ng Diyos sa piling ng tao,
ngunit 'di ito namalayan ng tao.
Ngayon, ang Diyos Mismong nagpakita
para muling ibalik ang dati Niyang pagmamahal sa tao.
Sa bawat panahon, ang Diyos ay magsisimula ng bagong gawain, at sa bawat panahon, magkakaroon ng bagong simula ang mga tao. Kung ang tao ay susunod lamang sa mga katotohanan na "ang Jehovah ang Diyos" at "si Jesus ang Kristo," na mga katotohanan na nagagamit lamang sa isang panahon, sa gayon ang tao ay hindi makakasabay sa gawain ng Banal na Espiritu, at mawawalan ng kakayahang magkamit ng gawain ng Banal na Espiritu. Hindi alintana kung paano gumagawa ang Diyos, ang tao ay sumusunod nang walang pag-aalinlangan, at siya ay sumusunod nang malapitan. Sa paraang ito, paano maaalis ng Banal na Espiritu ang tao? Hindi alintana kung ano ang ginagawa ng Diyos, hangga't ang tao ay tiyak na ito ay gawain ng Banal na Espiritu, at nakikipagtulungan sa gawain ng Banal na Espiritu nang walang pag-aalinlangan, at sinusubukang matupad ang mga atas ng Diyos, paano siya maparurusahan? Hindi huminto ang gawain ng Diyos, hindi natigil ang Kanyang mga yapak, at bago pa man matupad ang Kanyang gawain ng pamamahala, Siya ay palaging maraming ginagawa, at hindi tumigil. Ngunit iba ang tao: Nagkamit lamang ng maliit na gawain ng Banal na Espiritu, itinuring niya na ito ay hindi kailanman magbabago; nagkamit lamang ng maliit na kaalaman, hindi na siya nagpatuloy sa pagsunod sa mga yapak ng bagong gawain ng Diyos; nakakita lamang ng maliit na bahagi ng gawain ng Diyos, dali-daling itinuring na niyang kahoy na imahen ang Diyos, at naniniwala na mananatili sa ganoong anyo ang Diyos sa harap niya, na ganito rin sa nakalipas at sa hinaharap; nagkamit lamang ng mababaw na kaalaman, naging mayabang ang tao at nakalimutan niya ang sarili at nagsimulang ihayag ang disposisyon at pagkatao ng Diyos na hindi talaga umiiral; at nanatili sa isang yugto ng gawain ng Banal na Espiritu, kahit anong uri ng tao ang maghayag ng bagong gawain ng Diyos, hindi ito tinatanggap ng tao. Ito ang mga taong hindi matanggap ang bagong gawain ng Banal na Espiritu; masyado silang maingat, at hindi kayang tumanggap ng mga bagong bagay. Ang mga taong iyon ay naniniwala sa Diyos ngunit tinatanggihan din Siya. Naniniwala ang tao na mali rin ang mga Israelita na "maniwala lamang sa Jehovah at hindi kay Jesus," ngunit karamihan ng mga tao ay "maniwala lamang sa Jehovah at tanggihan si Jesus" at "manabik sa pagbabalik ng Tagapagligtas, ngunit tututulan ang Tagapagligtas na nagngangalang Jesus." Hindi na nakapagtataka, na ang mga tao ay nabubuhay pa rin sa ilalim ng sakop ni Satanas matapos tanggapin ang isang yugto ng gawain ng Banal na Espiritu, at hindi pa rin nakatatanggap ng pagpapala ng Diyos. Hindi ba't ito ang bunga ng pagsuway ng tao? … Ang mga taong ito, na ang tanging sinasambit lamang ay "budhi," at hindi alam ang gawain ng Banal na Espiritu, sa huli ay puputulin ang kanilang mga inaasam-asam dahil sa kanilang mga konsensya. Ang gawain ng Diyos ay hindi sumusunod sa katuruan, at kahit na ito ay Kanyang sariling gawa, hindi pa rin kumakapit ang Diyos dito. Kung ano ang dapat tanggihan ay tanggihan, kung ano ang dapat maalis ay aalisin. Ngunit inilagay pa rin ng tao ang kanyang sarili sa galit ng Diyos sa pamamagitan ng pagkapit sa maliit na bahagi ng gawain ng pamamahala ng Diyos. Hindi ba't nakakatawa ang tao? Hindi ba't ito ang kamangmangan ng tao?
mula sa “Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Marami sa mga nananalig sa Panginoon ang naniniwala na basta’t sila ay nagsasakripisyo, nagpapakahirap, at nagsusumikap, siguradong mauuna silang madala. Pero may batayan ba ito sa mga salita ng Panginoon? Sabi ng Panginoong Jesus, "Datapuwa’t maraming mga una na mangahuhuli; at mga huli na mangauuna" (Mateo 19:30). "Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig" (Juan 10:27). Malinaw na ang nagpapasiya kung mara-rapture ang isang tao o hindi ay kung naririnig nila ang tinig ng Panginoon. Yaong mga nakarinig muna sa Kanyang tinig at tumanggap sa Kanyang pagpapakita at gawain ay matatalinong dalaga, at sila ang unang mara-rapture.
Sa tuwing nakikita ko ang mga salitang ito na sinabi ng Diyos, hindi ako mapalagay: “Pinanghahawakan ng disposisyon ng Diyos ang bawat pangungusap na sinabi ko. Makabubuti para sa inyo ang pagnilay-nilayan ang Aking mga salita nang maingat, at siguradong labis ninyong mapapakinabangan ang mga ito.” Hindi ako mapalagay dahil ang pag-unawa sa disposisyon ng Diyos ay kapwa napakahalaga sa pag-unawa ng tao sa Diyos at sa kanilang paghahangad na mahalin at pasayahin Siya. Ngunit kapag kumakain at umiinom ako ng mga salita ng Diyos, palagi kong nararamdaman na ang disposisyon ng Diyos ay parang napakahirap unawain, at hindi ko alam kong paano ko ito uunawain. Pagkatapos, sa pamamagitan ng pagbabahagi mula sa aking lider, nalaman ko na dapat unawain ko kung ano ang gusto ng Diyos at kung ano ang kinapopootan Niya mula sa Kanyang mga salita, nang sa gayon ay maunawaan ang disposisyon ng Diyos. Pagkatapos, sinubukan kong isagawa ang mga ito at nakita ko ang ilang mga resulta. Subalit nananatili akong nalilito tungkol sa mga salita ng Diyos, “Pinanghahawakan ng disposisyon ng Diyos ang bawat pangungusap na sinabi ko,” at wala akong kaalam-alam kong paano ito maunawaan.
Dalawang libong taon na ang nakararaan, ipinangako ng Panginoong Jesus sa Kanyang mga alagad: "Ako’y paroroon upang ipaghanda ko kayo ng dakong kalalagyan. At kung ako’y pumaroon at kayo’y maipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto ako, at kayo’y tatanggapin ko sa aking sarili; upang kung saan ako naroroon, kayo naman ay dumoon" (Juan 14:2-3). Dahil dito, patuloy na lubhang inasam at ipinagdasal ng mga henerasyon ng mga nananalig ang katuparan ng pangako ng Panginoon, at inasam at ipinagdasal na madala sila sa kalangitan para salubungin ang Panginoon at pumasok sa kaharian ng langit pagdating ng Panginoon. Inilalarawan din nito ang bida sa pelikula na si Chen Xiangguang. Masigasig siyang naghahanap, nangangaral ng ebanghelyo, at nagpapatotoo sa Panginoon para makasalubong sa pagdating ng Panginoon. Kahit natanggal sa trabaho sa paaralan at hindi siya naunawaan ng kanyang mga kapamilya, hindi siya nawawalan ng pag-asa sa kanyang puso kailanman. Isang araw habang nasa isang pagtitipon, inaresto si Chen Xiangguang at ibinilanggo ng gobyernong Chinese Communist. Sa ilalim ng nakamamanghang pamamahala ng Diyos at pakikipag-ayos, nakilala niya si Zhao Zhiming, isang Kristiyano mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Nagpatotoo sa kanya si Zhao Zhiming tungkol sa pagpapakita at gawain ng Diyos sa mga huling araw, na nakalutas sa maraming taon niyang paniwala at imahinasyon sa pag-asam at pagdarasal para sa pagbalik ng Panginoon. Nang makalaya sa bilangguan, hinikayat ni Chen Xiangguang ang kanyang mga kapatid na pag-aralan ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Sa wakas ay naunawaan ng lahat kung ano ang madala sa kaharian ng langit, kung nasa lupa ba o sa langit ang kaharian, at kung paano dapat salubungin ng mga tao ang pagbalik ng Panginoon ...
I Tinitingnan ng Diyos ang paglalang, nagbabantay, araw-araw, nagmamasid. Mapagkumbabang itinatago ang Kanyang Sarili, tinitikman ang buhay ng tao, Tinitingnan ang bawat gawa ng tao. Sino ang tunay na naghandog ng kanilang sarili sa Diyos? Sino ang humabol kailanman sa katotohanan? Sino ang masigasig na nakatanggap sa Diyos, iningatan ang mga pangako na ginawa, at sinunod ang kanilang tungkulin sa Diyos? Sino ba ang nagpapahintulot sa Diyos na tumira sa loob nila? Sino ang nagpahalaga sa Diyos tulad ng kanilang sariling buhay? Sino ang kailanman nakakita ng Kanyang ganap na pagka-Diyos, o nahandang hipuin ang Diyos Mismo? Kapag ang mga tao ay lumubog sa tubig, inililigtas sila ng Diyos. Kapag 'di nila kayang harapin ang buhay, iniaangat sila ng Diyos at binibigyan sila ng lakas ng loob upang mabuhay muli, at binibigyan sila ng pangalawang pagkakataon. Upang Siya'y tatanggapin nila bilang kanilang pundasyon. Kapag sumuway sila, tinatanggap ng Diyos ang pagkakataong ito upang ipakilala ang Kanyang Sarili sa kanila.
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Kung nais ninyong maglingkod sa kalooban ng Diyos, dapat muna ninyong maunawaan kung anong uri ng mga tao ang minamahal ng Diyos, kung anong uri ng mga tao ang kinamumuhian ng Diyos, kung anong uri ng mga tao ang ginagawang perpekto ng Diyos, at kung anong uri ng mga tao ang karapat-dapat maglingkod sa Diyos. Ito man lang ang dapat na mayroon kayo. Dagdag pa rito, dapat ninyong malaman ang mga hangarin ng gawa ng Diyos, at ang gawa ng Diyos na gagawin dito at ngayon. Matapos unawain ito, at sa pamamagitan ng paggabay ng mga salita ng Diyos, kailangan muna ninyong pumasok, at unang tumanggap ng komisyon ng Diyos.
Naghiwalay ang mga magulang ni Wenya nang siya ay dalawang taong gulang at pagkatapos ay tumira siya sa kanyang Itay at kanyang madrasta. Ayaw sa kanya ng kanyang madrasta at palagi itong nakikipagtalo sa kanyang Itay. Walang nagawa ang kanyang Itay—kinailangan niyang ibalik si Wenya sa bahay ng kanyang Ina, ngunit nakatuon ang kanyang Ina sa pamamahala sa kanyang negosyo at wala siyang panahon para alagaan si Wenya, kung kaya madalas siyang nagpalipat-lipat sa bahay ng mga kamag-anak at kaibigan para maalagaan. Pagkatapos ng maraming taon na pinangangalagaan ng ibang tao, nakaramdam ng lungkot si Wenya at kawalan ng pag-asa, at pinananabikan ang init ng isang tahanan. Nakabalik lamang siya sa piling ng kanyang Itay noong nagdiborsyo ang kanyang Itay at madrasta at magmula noon nagkaroon na siya ng tahanan, sa hirap o ginhawa.
Christian Full Movie 2018 | "Tamis sa Kahirapan" An Amazing Christian Testimony (Tagalog Dubbed)
Ang Kristiyanong si Han Lu ay sinubaybayan at nasabat ng mga opisyal ng CCP police, kaya nahuli siya. Malupit siyang pinahirapan ng mga pulis, at gumamit din sila ng mga tsismis para subukang i-brainwash siya, ginamit ang kanyang pamilya para subukan siyang puwersahin, at iba pang mga pamamaraan para subukan siyang takutin sa pagtatangkang pilitin siyang itanggi at ipagkanulo ang Diyos.
Noong nakaraan, parati kong iniisip na nung sinabi ng Diyos na “sunud-sunuran at taksil na lumalayo sa dakilang puting luklukan”, tinutukoy Niya ang mga taong tinatanggap ang yugto ng gawain na ito ngunit nauuwi sa pag-atras dahil ayaw nilang tiisin ang pagdurusa mula sa Kanyang pagkastigo at paghatol. Kaya, sa tuwing nakakakita ako ng mga kapatid na umaatras mula sa landas na ito sa anumang dahilan, ang aking puso ay napupuno ng pagkasuklam sa kanila: Ayan na naman ang isa pang tau-tauhan at taksil na tumatakas mula sa dakilang tronong puti na makakatanggap ng kaparusahan ng Diyos. Kasabay nito, palagay ko na kumikilos ako nang wasto sa pagtanggap ng paghatol ng Diyos at hindi malayong makatanggap ng pagliligtas ng Diyos.