6. Ang Kahulugan ng Pagdurusa at Kung Anong Uri ng Pagdurusa ang Kailangang Danasin ng mga Mananampalataya sa Diyos
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Sa kasalukuyan, karamihan sa mga tao ay walang ganoong kaalaman. Naniniwala sila na ang pagdurusa ay walang kabuluhan, tinatalikuran sila ng mundo, ang kanilang buhay sa tahanan ay nililigalig, hindi sila pinakaiibig ng Diyos, at ang kanilang mga inaasahan ay nakapanlulumo. Ang pagdurusa ng ilang tao ay umaabot sa isang partikular na punto, at ang kanilang mga saloobin ay nagiging kamatayan. Hindi ito ang tunay na pag-ibig sa Diyos; ang gayong mga tao ay mga duwag, wala silang pagtitiyaga, sila ay mahihina at walang kapangyarihan! Ang Diyos ay sabik para ibigin Siya ng tao, ngunit habang lalo Siyang iniibig ng tao, lalong mas dumarami ang pagdurusa ng tao, at habang lalong iniibig ng tao ang Diyos, lalong mas dumarami ang mga pagsubok ng tao. Kung iniibig mo Siya, kung gayon lahat ng uri ng pagdurusa ay sasapit sa iyo—at kung hindi mo siya iniibig, kung gayon marahil ang lahat ay magiging maayos para sa iyo, at ang lahat ay magiging payapa sa paligid mo. Kapag iniibig mo ang Diyos, madadama mo na ang marami sa paligid mo ay hindi mapagtatagumpayan, at sapagkat ang iyong tayog ay sobrang liit ikaw ay pipinuhin; bukod dito, wala kang kakayahan na mapalugod ang Diyos, at palagi mong madadama na ang kalooban ng Diyos ay masyadong matayog, na ito ay hindi maaaring abutin ng tao.
Dahil sa lahat ng ito ikaw ay pipinuhin—sapagkat maraming kahinaan sa loob mo, at lalo nang wala itong kakayahan na mapalugod ang kalooban ng Diyos, pipinuhin ka sa loob. Ngunit dapat na makita ninyo nang malinaw na ang pagdadalisay ay natatamo lamang sa pamamagitan ng kapinuhan. Kaya, sa panahon ng mga huling araw na ito dapat kayong magpatotoo sa Diyos. Gaano man kalaki ang inyong pagdurusa, dapat kayong magpatuloy hanggang sa kahuli-hulihan, at maging sa inyong huling hininga, dapat pa rin kayong maging tapat sa Diyos, at sa pagsasaayos ng Diyos; tanging ito ang tunay na pag-ibig sa Diyos, at ito lamang ang malakas at matunog na patotoo.
—mula sa “Sa Pamamagitan Lamang ng Pagdanas ng Masasakit na Pagsubok Mo Malalaman ang Pagiging Kaibig-ibig ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Huwag kang masiraan ng loob, huwag manghina, Aking ibubunyag sa iyo. Ang daan tungo sa kaharian ay hindi ganyang kapatag, walang ganyang kasimple! Nais ninyo ng mga pagpapala na madaling makamtan, tama? Ngayon, bawat isa ay magkakaroon ng mapait na mga pagsubok na haharapin, kung hindi ang pusong mapagmahal na taglay ninyo para sa Akin ay hindi titibay at kayo ay hindi magkakaroon ng tunay na pag-ibig para sa Akin. Kahit na ito ay maliliit na pangyayari lamang, bawat isa ay dapat na dumaan sa mga iyon, nagkakaiba lamang ang mga iyon nang kaunti sa ilang antas. Ang pangyayari ay isa sa Aking mga pagpapala, ilan ang malimit na lumuluhod sa harapan Ko upang hingin ang Aking pagpapala? Hangal na mga bata! Lagi ninyong nadarama na ang ilang mapalad na mga salita ay naibibilang na Aking pagpapala, gayunman ay hindi nadarama na ang kapaitan ay isa sa Aking mga pagpapala. Yaong mga nakikibahagi sa Aking kapaitan ay tiyak na makikibahagi sa Aking katamisan. Iyan ay Aking pangako at Aking pagpapala sa inyo.
—mula sa “Kabanata 41” ng Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Kapag ang Diyos ay gumagawa upang pinuhin ang tao, nagdurusa ang tao. Mas higit ang kanyang pagpipino, mas higit ang kanyang pag-ibig sa Diyos, at higit pang kapangyarihan ng Diyos ang nabubunyag sa loob niya. Mas kaunti ang pagpipino ng tao, mas kaunti ang kanyang pag-ibig sa Diyos, at mas kaunting kapangyarihan ng Diyos ang nabubunyag sa loob niya. Mas higit ang kanyang pagpipino at pagdurusa at mas higit ang paghihirap niya, lalong lalalim ang kanyang tunay na pag-ibig sa Diyos, lalong dadalisay ang kanyang pananampalataya sa Diyos, at lalong lalalim ang kanyang pagkakilala sa Diyos. Makikita mo sa iyong mga karanasan na yaong mga nagtiis ng higit na pagpipino at pagdurusa, maraming pakikitungo at disiplina, ay may malalim na pag-ibig sa Diyos, at isang mas matindi at tumatagos na pagkakilala sa Diyos. Yaong mga hindi pa nakaranas ng anumang pakikitungo ay mayroon lamang mababaw na pagkakilala, at makapagsasabi lamang: “Ang Diyos ay napakabuti, iginagawad Niya ang mga biyaya sa mga tao upang Siya ay kanilang matamasa.” Kung naranasan ng mga tao na mapakitunguhan at madisiplina, masasabi nila kung gayon ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Kaya mas kahanga-hanga ang gawain ng Diyos sa tao, mas mahalaga at makabuluhan ito. Mas di-tumatagos ito para sa iyo at mas di-kaayon ito ng iyong mga pagkaunawa, mas kaya kang lupigin, kamtin, at gawing perpekto ng gawain ng Diyos. Ang kabuluhan ng gawain ng Diyos ay napakadakila! Kung hindi Niya pinino ang tao sa paraang ito, kung hindi Siya gumawa ayon sa pamamaraang ito, kung gayon ang gawain ng Diyos ay magiging di-epektibo at walang kabuluhan. Ito ang dahilan sa likod ng di-pangkaraniwang kabuluhan ng Kanyang pagpili sa isang grupo ng mga tao sa panahon ng mga huling araw. Sinabi na dati na pipiliin ng Diyos at kakamtin ang grupong ito. Mas higit ang gawain na Kanyang tinutupad sa loob ninyo, mas malalim at mas dalisay ang inyong pag-ibig para sa Diyos. Mas higit ang gawain ng Diyos, mas kayang matikman ng tao ang Kanyang karunungan at mas malalim ang pagkakilala ng tao sa Kanya.
—mula sa “Yaong mga Gagawing Perpekto ay Kailangang Sumailalim sa Pagpipino” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Dapat kang magdusa ng kahirapan alang-alang sa katotohanan, dapat mong ibigay ang iyong sarili sa katotohanan, dapat kang magtiis ng kahihiyan para sa katotohanan, at para makamit pa nang higit ang katotohanan ay dapat kang sumailalim sa higit pang pagdurusa. Ito ang dapat mong gawin. Hindi mo dapat itapon ang katotohanan alang-alang sa isang mapayapang buhay pampamilya, at hindi mo dapat iwala ang dangal at katapatan ng iyong buhay para sa pansamantalang kasiyahan. Dapat mong habulin ang lahat ng mainam at mabuti, at dapat habulin ang isang landas ng buhay na higit na makahulugan. Kung namumuhay ka ng gayong mahalay na buhay, at hindi maghahabol ng anumang mga layunin, hindi ba sinasayang mo ang iyong buhay? Ano ba ang iyong makakamtan mula sa gayong pamumuhay? Dapat mong itakwil ang lahat ng kasiyahan ng laman alang-alang sa isang katotohanan, at hindi dapat sayangin ang lahat ng katotohanan alang-alang sa isang munting kasiyahan. Ang mga ganitong tao ay walang katapatan o dangal; walang kahulugan sa kanilang pag-iral!
—mula sa “Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Kapag tumatanggap ng paghatol ng mga salita ng Diyos, hindi tayo dapat matakot sa pagdurusa ni hindi tayo dapat matakot sa sakit, at lalo nang hindi tayo dapat matakot na tumagos sa ating puso ang mga salita ng Diyos. Dapat ay basahin natin ang iba pa Niyang mga salita tungkol sa kung paano Niya tayo hinahatulan at kinakastigo at inilalantad ang ating mga tiwaling diwa, at habang nagbabasa ng mga salita ng Diyos, dapat nating ikumpara nang mas madalas ang ating sarili sa mga ito. Hindi tayo nagkukulang sa kahit isa sa mga katiwaliang ito; kaya nating tapatan silang lahat. … Dapat muna nating malaman na hindi mahalaga kung ang alinman sa Kanyang mga salita ay madaling pakinggan, kung ginagawa tayo nitong maghinanakit o magiliw—dapat nating tanggapin lahat ang mga ito. Dapat magkaroon tayo ng ganitong saloobin tungo sa mga salita ng Diyos. Anong uri ng saloobin ito? Ito ba’y saloobing makadiyos? O pagtitiyaga? O, ito’y isang saloobin ng pagdurusa? Sasabihin Ko sa inyo, hindi ito isa sa mga iyon. Sa ating pananampalataya, kailangan nating matatag na panindigan na ang mga salita ng Diyos ang katotohanan. Yamang ang mga ito nga ang katotohanan, dapat nating tanggapin ang mga ito nang makatwiran. Kaya man natin o hindi na kilalanin o aminin ito, dapat ay may katiyakan ang unang saloobin natin sa mga salita ng Diyos.
—mula sa “Ang Kahalagahan at ang Landas ng Paghahabol sa Katotohanan” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo
Ang pag-ibig sa Diyos ay nangangailangan ng paghahanap sa kalooban ng Diyos sa lahat ng bagay, at iyong siyasating mabuti sa kalooban kapag may anumang nangyari sa iyo, subukang maunawaan ang kalooban ng Diyos, at subukang makita kung ano ang kalooban ng Diyos sa bagay na ito, kung ano ang nais Niya na iyong makamit, at kung paano mo dapat alalahanin ang Kanyang kalooban. Halimbawa: May nangyaring kailangan mong pagtiisan ang hirap, sa panahong dapat mong maunawaan kung ano ang kalooban ng Diyos, at kung paano ka dapat umunawa sa Kanyang kalooban. Hindi ka dapat magpakasasa ng iyong sarili: Isantabi muna ang iyong sarili. Wala nang mas kasukla-suklam kaysa sa laman. Kailangan mong magsikap na mapasaya ang Diyos, at dapat tumupad sa iyong tungkulin. Sa gayong saloobin, ang Diyos ay magdadala ng espesyal na kaliwanagan sa inyo sa bagay na ito, at ang inyong puso ay makakahanap din ng kaginhawaan. Ito man ay malaki o maliit, kapag may isang bagay na nangyayari sa inyo, dapat ninyo munang ilagay ang inyong sarili sa isang tabi at ituring ang laman bilang pinakamababa sa lahat ng bagay. Sa higit mong pagbibigay kasiyahan sa iyong laman, mas higit na pagpapalaya ang kailangan; kung ito ay iyong bibigyang kasiyahan sa oras na ito, ito ay hihingi nang higit pa sa susunod na pagkakataon, at habang ito ay nagpapatuloy, lalo mong gugustuhin ang laman. Ang laman ay laging mayroong labis na pagnanais, ito ay palaging naghahangad na masiyahan, at ito ay iyong binibigyang kasiyahang panloob, maging ito man ay sa mga bagay na iyong kinakain, iyong mga sinusuot, o sa labis na pagtustos nang higit sa kaya, o pagbuyo sa iyong sariling mga kahinaan at katamaran.… Ang lalo mong pagbibigay kasiyahan sa laman, mas lalong lumalaki ang pagnanais nito, at mas nagpapakasasa ang laman, hanggang sa ito ay dumating sa punto na ang laman ay magkimkim ng mas malalim na mga pagkaintindi, at sumuway sa Diyos, at purihin ang kanyang sarili, at maging mapagduda tungkol sa gawain ng Diyos. … Kaya, dapat mong labanan ang laman, at hindi magpatangay dito: “Ang aking asawang lalaki (asawang babae), mga anak, mga inaasam, pag-aasawa, pamilya—walang mahalaga sa kanila! Sa aking puso ay may isang Diyos lamang, at aking marapat na subukan sa abot ng aking makakaya upang masiyahan ang Diyos, at hindi sumunod sa laman.” Dapat magkaroon ka ng ganitong kapasyahan. Kung iyo palaging taglay ang nasabing pasya, at kapag isinagawa mo ang katotohanan, at inilagay ang iyong sarili sa isang tabi, magagawa mo ito nang may kaunting pagsisikap.
—mula sa “Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Kung ikaw ay magkakamit ng buhay sa harap ng Diyos, at kung ano man ang iyong magiging sukdulang pagtatapos, ay nakasalalay sa kung paano mo isasagawa ang iyong paghihimagsik laban sa laman. Iniligtas ka ng Diyos, at ikaw ay pinili at itinalaga, ngunit kung ngayon ikaw ay walang kagustuhang pasayahin Siya, ikaw ay walang kagustuhang isagawa ang katotohanan, ikaw ay walang nais na maghimagsik laban sa iyong sariling laman na may pusong tunay na nagmamahal sa Diyos, sa bandang huli iyong ipapahamak ang iyong sarili, at kaya ikaw ay magtitiis sa sobrang paghihirap. Kung lagi kang nagpapabuyo sa laman, dahan-dahan kang lalamunin ni Satanas sa kalooban, at iiwanan kang walang buhay, o pakiramdam ng Espiritu, hanggang sa dumating ang araw na ikaw ay ganap nang may madilim na kalooban. Kapag ikaw ay namumuhay sa kadiliman, ikaw ay bihag ni Satanas, ikaw ay mawawalan na ng Diyos sa puso mo, at sa panahong iyon pabubulaanan mo ang pag-iral ng Diyos at iiwanan Siya. Kaya, kung nais mong ibigin ang Diyos, dapat mong pagbayaran ang sakit at magtiis sa hirap. Hindi na kailangan ang panlabas na pagkataimtim at paghihirap, higit na pagbasa at dagdag na pagtakbo; sa halip, dapat mong isantabi ang mga bagay sa iyong kalooban: ang magarbong pag-iisip, mga personal na interes, at ang iyong sariling mga konsiderasyon, mga pagkaintindi at layunin. Iyon ang kalooban ng Diyos.
—mula sa “Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Pagunahing ipinag-utos ng Diyos sa mga tao na isagawa ang katotohanan upang pakitunguhan ang mga bagay sa kalooban nila, upang pakitunguhan ang kanilang mga kaisipan at mga pagkaintindi na hindi kaayon ng puso ng Diyos. Ginagabayan ng Banal na Espiritu ang mga tao sa kanilang puso, at nililiwanagan at pinaliliwanag sila. Kaya sa likod ng lahat ng bagay na nangyayari sa labanan: Sa bawat oras na isinasagawa ng mga tao ang katotohanan, o isinasagawa ang pag-ibig sa Diyos, mayroong isang malaking labanan, at kahit na ang lahat ay maaaring magmukhang maayos sa kanilang laman, sa kailaliman ng kanilang mga puso, may isang buhay-at-kamatayan na digmaan na, sa katunayan, nagpapatuloy—at sa pagtatapos lamang ng matinding labanang ito, matapos ang laganap na pagmuni-muni, maaaring pagpasyahan ang tagumpay o pagkatalo. Hindi niya alam kung tatawa o hihikbi. Dahil maraming mali sa motibasyon sa kalooban ng mga tao, o kaya’y dahil karamihan sa gawain ng Diyos ang tuligsa sa kanilang pagkaintindi, kapag isinagawa ng mga tao ang katotohanan isang malaking labanan ang ginaganap sa likod ng mga eksena. Ang pagsasagawa ng katotohanang ito, sa likod ng mga eksena ang walang humpay na luha ng dalamhati ng mga tao, ang papatak bago tuluyang mapagpasyahan ng kanilang isipan na bigyang kasiyahan ang Diyos. Ito ay dahil sa labanang iyon na nagtitiis ang mga tao sa paghihirap at pagpipino; ito ang totoong pagdurusa. Kapag ang labanan ay napasaiyo, kung ikaw ay tunay na papanig sa Diyos, magagawa mong bigyan ng kasiyahan ang Diyos. Ang pagdurusa sa panahon ng pagsasagawa ng katotohanan ay hindi maiiwasan; kung, kapag kanilang isinagawa ang katotohanan, ang lahat ng nasa kalooban nila ay tama, at hindi na sila kailangan pang gawing perpekto ng Diyos, at hindi magkakaroon ng labanan, at hindi sila magdurusa. Ito ay dahil sa maraming bagay sa kalooban ng tao ang hindi akmang gamitin ng Diyos, at karamihan ay mga lumalabang disposisyon ng laman, na kailangang matutuhan ng tao ang leksiyon ng paglaban sa laman nang mas malalim. Ito ang tinatawag ng Diyos na paghihirap na Kanyang hiningi sa tao na ialay sa Kanya.
—mula sa “Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Sa kanilang pananalig sa Diyos, ang hinahanap ng mga tao ay makakuha ng mga pagpapala para sa hinaharap; ito ang kanilang mithiin sa kanilang pananampalataya. Lahat ng tao ay may ganitong hangad at pag-asa, subali’t ang katiwalian sa kanilang kalikasan ay dapat malutas sa pamamagitan ng mga pagsubok. Sa anumang aspeto na hindi kayo dinadalisay, ito ang mga aspeto kung saan dapat kayong mapino—ito ay pagsasaayos ng Diyos. Lumilikha ang Diyos ng isang kapaligiran para sa’yo, pinipilit kang maging pino roon nang sa gayon nalalaman mo ang iyong sariling katiwalian. Sa dakong huli, nararating mo ang isang punto kung saan mas gusto mong mamatay at isuko ang iyong mga pakana at mga ninanasa, at magpasakop sa kataas-taasang kapangyarihan at pagsasaayos ng Diyos. Samakatuwid, para sa sinuman na walang ilang taon ng pagpipino at hindi nakapagtiis ng itinakdang dami ng pagdurusa, hindi nila makakayang alisin sa sarili nila ang pagkaalipin ng katiwalian ng laman sa kanilang mga pag-iisip at sa kanilang mga puso. Sa alinmang aspeto na ikaw ay sakop pa rin ng pang-aalipin ni Satanas, at sa alinmang aspeto na mayroon ka pa ring sarili mong mga ninanasa at sarili mong mga hinihingi, ito ang mga aspeto kung saan dapat kang magdusa. Sa pamamagitan lamang ng pagdurusa natututunan ng mga tao ang mga aralin, nakakamit ang katotohanan, at nauunawaan ang kalooban ng Diyos. Sa katunayan, maraming katotohanan ang nauunawaan sa pagdanas ng masasakit na pagsubok. Walang nakakaabot sa kalooban ng Diyos, nakakakilala sa pagka-makapangyarihan-sa-lahat at karunungan ng Diyos, o nagpapahalaga sa matuwid na disposiyon ng Diyos kapag nasa isang maginhawa at magaang kapaligiran o kapag ang mga kaganapan ay kaaya-aya. Iyan ay magiging imposible!
—mula sa “Paano Bibigyang-kasiyahan ang Diyos sa Gitna ng mga Pagsubok” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo
Gumagawa ang Diyos sa bawat isang tao, at kung anuman ang Kanyang pamamaraan, anong klase ng mga tao, bagay at materyal ang ginagamit Niya para maglingkod, o anumang uri ng tono mayroon ang mga salita Niya, isa lamang ang Kanyang panghuling layunin: pagliligtas sa iyo. Ang ibig sabihin ng pagliligtas sa iyo ay pagpapanibago sa iyo, kaya paanong hindi ka magdurusa nang kaunti? Kakailanganing magdusa ka. Ang pagdurusang ito’y maaaring kapalooban ng maraming bagay. Kung minsa’y ibinabangon ng Diyos ang mga tao, mga pangyayari, at mga bagay-bagay sa paligid mo para ilantad ka, para tulutan kang makilala ang sarili mo, o kaya ay tuwirang nakikitungo sa iyo, tinatabasan ka, at inilalantad ka. Katulad lamang ng isang nasa mesang pang-operasyon—kailangang dumaan ka sa kaunting kirot para sa mabuting kalalabasan. Kung sa tuwing tinatabasan at pinakikitunguhan ka ng Diyos at tuwing ibinabangon Niya ang mga tao, mga pangyayari, at mga bagay-bagay, inaantig nito ang iyong damdamin at pinalalakas ka, kung gayon ang pagdanas nito sa ganitong paraan ay tama, at magkakaroon ka ng tayog at makakapasok sa realidad ng katotohanan. Kung, tuwing ikaw ay tinatabas at pinakikitunguhan, at tuwing isinasaayos ng Diyos ang iyong kapaligiran, hindi ka nasasaktan o nahihirapan, at wala kang nararamdamang anuman, at kung hindi ka lalapit sa Diyos para maarok ang Kanyang kalooban, ni hindi ka nagdarasal ni naghahanap ng katotohanan, talagang napakamanhid mo! Ang mga taong napakamanhid ay walang espirituwal na kamalayan kailanman; kung gayon, walang paraan ang Diyos na gumawa sa kanila. Sasabihin ng Diyos: “Napakamanhid ng taong ito at napakalalim na ng kanyang pagkatiwali. Napakarami Ko nang nagawa sa kanya, nagsikap Ako nang husto, subalit hindi Ko pa rin maantig ang kanyang puso at hindi Ko mapukaw ang kanyang diwa. Napakagulo at napakahirap nito.” Kung isinasaayos ng Diyos ang ilang kapaligiran, tao, bagay, at layunin para sa iyo, kung tinatabas at pinakikitunguhan ka Niya at kung may natututuhan kang mga aral mula rito, kung natuto ka nang lumapit sa Diyos para hanapin ang katotohanan, at, hindi mo alam, nililiwanagan at pinaliliwanag at nagtatamo ka ng katotohanan, kung ikaw ay nakaranas na ng pagbabago sa mga kapaligirang ito, nagantimpalaan, at umunlad, kung unti-unti ka nang nagkakaroon ng kaunting pag-unawa sa kalooban ng Diyos at hindi ka na nagrereklamo, lahat ng ito ay mangangahulugan na nanindigan ka sa gitna ng mga pagsubok ng mga kapaligirang ito, at natiis mo ang pagsubok. Kung gayon, nalagpasan mo na ang mahigpit na pagsubok na ito.
—mula sa “Para Matamo ang Katotohanan, Dapat Matuto Ka mula sa mga Tao, mga Pangyayari, at mga Bagay sa Paligid Mo” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento