Kidlat ng Silanganan

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Ang Katotohana. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Ang Katotohana. Ipakita ang lahat ng mga post

Okt 20, 2019

Latest Tagalog Christian Movie | "Nakamamatay na Kamangmangan" | Why Are Foolish Virgins Abandoned?

Latest Tagalog Christian Movie | "Nakamamatay na Kamangmangan" | Why Are Foolish Virgins Abandoned?

Si Zheng Mu'en ay kapanalig sa isang simbahang Kristiyanong Chinese sa US, matagal na nanalig sa Panginoon, at marubdob na naglingkod at gumugol para sa Panginoon. Isang araw, nagpatotoo sa kanya ang kanyang tita na nagbalik na ang Panginoong Jesus para ipahayag ang katotohanan at hatulan at dalisayin ang tao sa mga huling araw, isang balitang labis niyang ikinatuwa. Matapos basahin ang salita ng Makapangyarihang Diyos at panoorin ang mga pelikula at video ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, nadama ni Zheng Mu'en na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan, at na maaari ngang ang Makapangyarihang Diyos ang pagbabalik ng Panginoong Jesus, kaya sinimulan nilang siyasatin ng kanyang mga kapatid ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Pero nang matuklasan ito ni Pastor Ma, ang lider ng kanilang iglesia, paulit-ulit nitong pinakialaman at pinigilan si Zheng Mu'en. Ipinakita niya kay Zheng Mu'en ang isang propaganda video ng gobyernong CCP na naninira at tumutuligsa sa Kidlat ng Silanganan sa pagtatangkang patigilin si Zheng Mu'en sa pagsisiyasat nito sa tunay na daan, at nalito siya nang husto sa videong ito:

Abr 6, 2019

Ano ang pagkakaiba ng mga salita ng Diyos na inihatid ng mga propetang katulad nina Isaias, Ezekiel, at Daniel mula sa Kapanahunan ng Kautusan, sa mga salitang ipinahayag ng Diyos sa laman?


   Sagot: Dahil sa pagkakaiba ng diwa ng Diyos na nagkatawang-tao sa diwa ng mga propeta, dumarating ang Diyos na nagkatawang-tao para gawin ang gawain ng Diyos samantalang ginampanan lang ng mga propeta ang tungkulin ng tao. Kaya likas na magkaiba ang kanilang gawain. Tingnan natin kung paano ito sinabi ng Makapangyarihang Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang mga propeta ng Lumang Tipan ay nagsipanghula, at katulad nito, kaya rin ni Jesus. Bakit ganito? Ang pagkakaiba rito ay batay sa kalikasan ng gawain. Upang maarok ang bagay na ito, hindi mo maaaring isaalang-alang ang kalikasan ng laman at hindi mo dapat isaalang-alang ang kalaliman o kababawan ng salita ninuman. Lagi mong dapat unang isaalang-alang ang kanyang gawain at ang mga bunga na nagagawa nito sa tao. Ang mga hula na sinalita ni Isaias sa panahong iyon ay hindi nagtustos ng buhay ng tao, at ang mga mensahe na natanggap niyaong gaya ni Daniel ay mga hula lamang at hindi ang paraan ng pamumuhay. Kung hindi dahil sa tuwirang pagbubunyag ni Jehovah, walang makagagawa ng gawaing yaon, dahil ito ay hindi posible para sa mga mortal. Si Jesus, din, ay maraming sinalita, nguni’t ang gayong mga salita ay ang paraan ng pamumuhay kung saan mula rito ang tao ay makahahanap ng isang landas upang magsagawa. Ibig sabihin, una, makapagtutustos Siya ng buhay ng tao, sapagka’t si Jesus ay buhay; ikalawa, maaari Niyang baligtarin ang mga paglihis ng tao; ikatlo, ang Kanyang gawain ay maaaring sumunod roon sa kay Jehovah upang ipagpatuloy ang kapanahunan; ikaapat, natatarok Niya ang mga pangangailangan ng tao sa loob at nauunawaan kung ano ang pagkukulang ng tao; ikalima, kaya Niyang maipasok ang isang bagong kapanahunan at wakasan ang dati. Iyan ang dahilan kung bakit Siya ay tinatawag na Diyos at Cristo; hindi lamang Siya iba kay Isaias kundi gayundin mula sa lahat ng iba pang mga propeta” (“Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Nagkatawang-taong Diyos at ng Tungkulin ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Mar 19, 2019

3. Ano ang likas na katangian ng problema ng taong hindi tumatanggap sa katotohanang ipinahayag ni Cristo? Ano ang kahihinatnan ng taong hindi itinuturing na Diyos si Cristo?

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

Ang bawa’t espiritung nagpapahayag na si Jesucristo ay naparitong nasa laman ay sa Dios: At ang bawa't espiritung hindi ipinahahayag si Jesus, ay hindi sa Dios: at ito ang sa anticristo” (1 Juan 4:2-3).

Sapagka't maraming magdaraya na nangagsilitaw sa sanglibutan, sa makatuwid ay ang mga hindi nangagpapahayag na si Jesucristo ay napariritong nasa laman. Ito ang magdaraya at ang anticristo” (Juan 2:7).


Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Peb 24, 2019

Tagalog church songs | "Tinunaw ng Pag-ibig ng Diyos ang Aking Puso"


Tagalog church songs | "Tinunaw ng Pag-ibig ng Diyos ang Aking Puso"

Naririnig ko ang Iyong mabait na tawag,
bumabalik ako sa Iyong harapan.
Sa Iyong mga salita naliliwanagan,
nakikita ko ang aking katiwalian.
I
Madalas akong malamig sa Iyo, sinaktan at pinalungkot Ka,
matigas ang puso, nagrebelde, iniwan Kang mag-isa.
Bakit ang Iyong pagmamahal sa tao ay nasuklian ng sakit?
Napopoot ako sa aking matigas na puso
at malalim na kasamaan.
Marumi, hindi karapat-dapat na makita Ka,
ng Iyong pagmamahal.

Peb 3, 2019

Mga Patotoo tungkol sa Paghatol sa Harapan ng Hukuman ni Cristo|Ang mga Pamantayan ng Tunay na Mabuting Tao

✼•┈┈┈┈•✼•┈┈┈┈•✼•┈┈┈┈•✼•┈┈┈┈•✼•┈┈┈┈•✼•┈┈┈┈•✼


Ang Patotoo ng isang CristianoMoran Linyi City, Shandong Province


Mula noong bata pa ako, palagi ko nang binibigyan ng importansya ang tingin ng ibang tao sa akin at ang kanilang opinyon tungkol sa akin. Upang makakuha ako ng papuri mula sa ibang mga tao para sa lahat ng ginagawa ko, hindi ako kailanman nakipagtalo sa sinuman tuwing may lumilitaw na anumang bagay, upang maiwasang sirain ang mabuting imahe ng mga tao tungkol sa akin. Pagkatapos kong tanggapin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, nagpatuloy ako nang ganito, itinataguyod sa bawat posibleng paraan ang mabuting imahe ng aking mga kapatid tungkol sa akin. Dati, kapag may hinahawakan akong gawain, madalas na sinasabi ng aking pinuno na ang aking pagganap ay parang sa isang “palatangong-tao,” hindi ang pagganap ng isang tao na nagsasa-gawa sa katotohanan. Hindi ko kailanman dinibdib ito, ngunit sa halip kung iniisip ng ibang mga tao na isa akong mabuting tao, kuntento na ang pakiramdam ko.

Peb 1, 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo|Paano Malalaman ang Disposisyon ng Diyos at ang Resulta ng Kanyang Gawain

Ikalawang Bahagi
Maglakad sa Landas ng Diyos: Matakot sa Diyos at Iwasan ang Kasamaan


May isang kasabihan na dapat ninyong tandaan. Naniniwala Ako na napakahalaga ng kasabihang ito, dahil para sa Akin, hindi na mabilang ang mga beses na ito’y naaalala sa bawat araw. Bakit ganoon? Dahil sa bawat pagkakataon na nahaharap Ako sa isang tao, sa tuwing makaririnig Ako ng kuwento ng isang tao, sa bawat oras na makaririnig Ako ng karanasan ng isang tao o ng kanilang patotoo sa pananampalataya sa Diyos, palagi Kong ginagamit ang kasabihang ito upang timbangin kung ang indibidwal ba na ito ay ang uri ng tao na gusto ng Diyos, ang uri ng tao na nais ng Diyos. Kaya ano ang kasabihan na ito, sa gayon? Sabik na sabik na kayong lahat sa paghihintay. Kapag ibinunyag Ko na ang kasabihan, marahil makararamdam kayo ng pagkabigo dahil sa loob ng maraming taon may mga taong nagsasabi nito nang hindi taos-puso. Nguni’t para sa Akin, tapat Ako sa Aking sinasabi. Nananatili sa Aking puso ang kasabihan na ito. Kaya ano ang kasabihan na ito?

Ene 27, 2019

Ang Mga Kasinungalingan ng Komunismo: Salaysay Tungkol sa Pag-Brainwash ng Ccp (Tagalog Dubbed)


Full Tagalog Christian Movie | "Ang Mga Kasinungalingan ng Komunismo: Salaysay Tungkol sa Pag-Brainwash ng Ccp" (Tagalog Dubbed)

Mga Kasinungalingan ng Komunismo, isang pelikulang Kristiyano, ay isang tumpak na paglalarawan sa brainwashing na ginagamit ng gobyernong CCP laban sa mga Kristiyano. Matapos arestuhin si Zhang Mingdao at pito pang Kristiyano, gumamit ang CCP police ng malupit at walang-awang pagpapahirap sa kanila. Umasa sila sa Diyos at matatag na tumayong saksi. Sa pagtatangkang pilitin silang pumirma sa isang kumpisal para ipagkanulo ang Diyos, naghalinhinan ang mga opisyal ng CCP, isang propesor mula sa Academy of Social Sciences, mga nagtuturo sa police academy, isang psychologist, at mga pastor: Itinuro nila ang ateismo, materyalismo, siyensya, tradisyonal na kulturang Chinese, at lahat ng klase ng tsismis at kasinungalingan para i-brainwash ang walong Kristiyano. Sa digmaang ito na walang mga sandata, umasa sa Diyos si Zhang Mingdao at ang iba pa at ginamit ang katotohanan sa isang matinding digmaan laban sa gobyernong CCP…. Sa huli, nalupig ng katotohanan ang mga kasinungalingan, at nadaig ng katarungan ang kasamaan.
Rekomendasyon:Pagsunod sa kalooban ng Diyos|Ang Katotohana|

"Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" | Sipi 14

Ang bawa’t yugto ng gawain ng Banal na Espiritu ay kasabay na nangangailangan ng patotoo ng tao. Ang bawa’t yugto ng gawain ay isang p...