Ang Diyos at ang tao ay hindi maaaring masabing magkapantay. Ang Kanyang substansya at ang Kanyang gawain ay ang pinaka-di-maaarok at hindi-kayang-unawain ng tao. Kung ang Diyos ay hindi personal na gumagawa ng Kanyang gawain at bumibigkas ng Kanyang mga salita sa mundo ng tao, kung gayon hindi kailanman mauunawaan ng tao ang kalooban ng Diyos, at sa gayon, kahit yaong mga naglaan ng kanilang buong buhay sa Diyos ay hindi maaaring makatamo ng Kanyang pagsang-ayon. Kung wala ang gawain ng Diyos, gaano man kabuti ang ginagawa ng tao, mababalewala iyon, pagka’t ang mga pag-iisip ng Diyos ay palaging magiging mas mataas kaysa mga pag-iisip ng tao, at ang karunungan ng Diyos ay hindi maaarok ng tao.
Ang Kidlat ng Silanganan, ang Makapangyarihang Diyos ay ang pangalawang pagdating ng Panginoon Jesus. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos! Tinatanggap natin ang lahat ng naghahanap ng katotohanan na pumarito at maghanap.
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na takot sa Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na takot sa Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post
Hul 27, 2019
May 29, 2019
Ang Diyos ay ang Panginoon ng Buong Sangnilikha
Ang isang yugto sa gawain ng dalawang nakaraang mga kapanahunan ay naganap sa Israel; ang isa pa ay naganap sa Judea. Sa pangkalahatan, wala sa alinmang yugto ng gawaing ito ang umalis sa Israel; ang mga iyon ay ang mga yugto ng gawain na isinakatuparan sa gitna ng mga paunang piniling tao. Kaya, sa paningin ng mga Israelita, ang Diyos na Jehova ay Diyos lamang ng mga Israelita. Dahil sa gawain ni Jesus sa Judea, at dahil sa Kanyang pagtatapos sa gawain ng pagpapapako sa krus, mula sa pananaw ng mga Judio, si Jesus ay ang Manunubos ng mga Judio. Siya ay Hari lamang ng mga Judio, hindi ng anumang iba pang mga tao; hindi Siya ang Panginoon na nagtutubos sa mga Ingles, ni ang Panginoon na nagtutubos sa mga Amerikano, kundi Siya ang Panginoon na nagtutubos sa mga Israelita, at sa Israel ang mga Judio ang Kanyang tinutubos.
May 12, 2019
Tagalog Music Video | Kinakailangan ng Gawain ng Banal na Espiritu ang mga Pagbabago sa Disposisyon
Tagalog Christian Music Video 2019 | Kinakailangan ng Gawain ng Banal na Espiritu ang mga Pagbabago sa Disposisyon
I
Ang gawain at presensya ng Banal na Espiritu
ang nagpapasiya kung taos-puso kang naghahanap,
hindi ang mga paghatol ng iba, ni ang kanilang mga opinyon.
Ngunit higit pa rito, ang nagpapasiya ng iyong katapatan ay,
sa paglipas ng panahon, kung ang gawain ng Banal na Espiritu
ay nagpapabago sa iyo at nakikilala mo ang Diyos.
Kung gumagawa ang Banal na Espiritu sa inyo,
ang disposisyon ay magbabago,
magiging dalisay ang pananaw ninyo sa pananampalataya.
Ang ibig sabihin ng pagbabago'y kumikilos ang Banal na Espiritu,
gaano man kayo katagal nakasunod na sa Kanya.
May 8, 2019
Tungkol sa Pagsasagawa ng Panalangin
Hindi kayo nagtutuon ng pansin sa panalangin sa inyong pang-araw-araw na buhay. Palaging nakakaligtaan ng mga tao ang panalangin. Sa kanilang mga panalangin noong nakaraan sila ay nakikisabay lang sa agos at naglalaro, at walang sinuman ang nagbigay nang lubos ng kanilang puso sa harap ng Diyos at tunay na nanalangin sa Diyos. Nananalangin lamang ang mga tao sa Diyos kapag mayroong isang bagay na nangyayari sa kanila. Sa buong panahong ito, nakapanalangin ka na ba nang tunay sa Diyos? Tumangis ka na ba kailanman sa harap ng Diyos?
Abr 10, 2019
Mga Pagbigkas ni Cristo|Marami ang mga Tinawag, Datapuwa’t Kakaunti ang mga Nahirang
Ako ay naghanap ng marami sa mundo upang maging Aking mga alagad. Kabilang sa kanila ay iyong mga nagsisilbing mga pari, iyong mga namumuno, iyong mga bumubuo sa mga anak, iyong bumubuo sa mga tao, at iyong mga nagbibigay serbisyo. Pinaghiwa-hiwalay Ko sila sa iba’t ibang kategorya alinsunod sa katapatan ng tao sa Akin. Kapag napagbukud-bukod na ang lahat ng tao ayon sa kanilang uri, iyon ay, kapag ang kalikasan ng bawat uri ng tao ay naipahayag, Aking ibibilang kung gayon ang bawat tao sa kanilang nararapat na uri at ilalagay ang bawat uri sa kanilang naaangkop na lugar sa gayon ay maaari Kong matupad ang Aking layunin para sa kaligtasan ng sangkatauhan. Kaugnay nito, tinatawag Ko ang mga grupo ng mga nais Ko na maligtas upang bumalik sa Aking tahanan, at pagkatapos ay pinapayagan Ko ang lahat ng mga ito na tanggapin ang Aking gawain sa mga huling araw. Kasabay nito, Aking pinagbukud-bukod ang mga tao ayon sa uri, at pagkatapos ay ginagantimpalaan o pinarurusahan ang bawat isa batay sa kanilang mga gawa. Ganyan ang mga hakbang na bumubuo sa Aking gawain.
Mar 29, 2019
Walang Sinumang Nasa Laman ang Nakakatakas sa Araw ng Poot
Ngayon, pinagsasabihan Ko kayo para sa kapakanan ng inyong sariling kaligtasan, upang ang Aking gawain ay sumulong nang maayos, at upang ang Aking kauna-unahang gawain sa buong sansinukob ay maaaring maisakatuparan nang higit na angkop at ganap, ibinubunyag ang Aking mga salita, awtoridad, kamahalan, at paghatol sa mga tao ng lahat ng bayan at bansa. Ang Aking gawain na ginagawang kasama ninyo ay ang umpisa ng Aking gawain sa buong sansinukob. Bagaman ngayon na ang mga huling araw, alamin ninyo na ang “mga huling araw” ay isa lamang pangalan ng isang kapanahunan: Gaya lamang ng Kapanahunan ng Kautusan at ng Kapanahunan ng Biyaya, ito ay tumutukoy sa isang kapanahunan, at nangangahulugan ng kabuuan ng isang kapanahunan, sa halip na sa huling ilang taon o buwan.
Peb 1, 2019
Mga Pagbigkas ni Cristo|Paano Malalaman ang Disposisyon ng Diyos at ang Resulta ng Kanyang Gawain
Ikalawang Bahagi
Maglakad sa Landas ng Diyos: Matakot sa Diyos at Iwasan ang Kasamaan
May isang kasabihan na dapat ninyong tandaan. Naniniwala Ako na napakahalaga ng kasabihang ito, dahil para sa Akin, hindi na mabilang ang mga beses na ito’y naaalala sa bawat araw. Bakit ganoon? Dahil sa bawat pagkakataon na nahaharap Ako sa isang tao, sa tuwing makaririnig Ako ng kuwento ng isang tao, sa bawat oras na makaririnig Ako ng karanasan ng isang tao o ng kanilang patotoo sa pananampalataya sa Diyos, palagi Kong ginagamit ang kasabihang ito upang timbangin kung ang indibidwal ba na ito ay ang uri ng tao na gusto ng Diyos, ang uri ng tao na nais ng Diyos. Kaya ano ang kasabihan na ito, sa gayon? Sabik na sabik na kayong lahat sa paghihintay. Kapag ibinunyag Ko na ang kasabihan, marahil makararamdam kayo ng pagkabigo dahil sa loob ng maraming taon may mga taong nagsasabi nito nang hindi taos-puso. Nguni’t para sa Akin, tapat Ako sa Aking sinasabi. Nananatili sa Aking puso ang kasabihan na ito. Kaya ano ang kasabihan na ito?
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)
"Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" | Sipi 14
Ang bawa’t yugto ng gawain ng Banal na Espiritu ay kasabay na nangangailangan ng patotoo ng tao. Ang bawa’t yugto ng gawain ay isang p...
-
Tagalog Christian Songs | Ang Pamamahala ng Diyos ay Patuloy na Sumusulong I Pagkatapos ng gawain ni Jehova, naging t...
-
Awit ng Papuri Lyrics| Awit ng Pagmamahal sa Diyos nang Walang Panghihinayang I Ang daan patungo sa kaharian ay mab...
-
Ang panalangin ay hindi isang uri ng ritwal; ito ay isang tunay na pagniniig sa pagitan ng mga tao at ng Diyos, at may malalim na kabu...