Kidlat ng Silanganan

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Pagkakatawang-tao ng Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Pagkakatawang-tao ng Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post

Set 26, 2019

Ginagawa ng Diyos na Nagkakatawang-tao ang Pinakamahalagang Gawaing Pagliligtas ng Tao

Latest Tagalog Christian Song | "Ginagawa ng Diyos na Nagkakatawang-tao ang Pinakamahalagang Gawaing Pagliligtas ng Tao"

Gawain ng Diyos na nagkakatawang-tao
ang pinakadakila sa lahat.
Gawain ng Diyos na nagkakatawang-tao,
pinakamalalim sa lahat.
Sa tatlong yugto ng gawain ng Diyos,
pinakamahalaga ang dalawang ito,
ang dalawang yugtong ito,
gawain ng Diyos na nagkakatawang-tao.

Pinakamahalaga sa gawain Niya
ay ginagawa sa katawang-tao.
Pagliligtas ng Diyos sa tao
dapat magawa sa katawang-tao.
Pakiramdam man ng tao 
Diyos sa katawang-tao'y 'di kaugnay,
itong katawang-tao'y totoong hinggil
sa kapalara't buhay ng tao,
dahil pinakamahalaga ang ginagawa N'ya.

May 17, 2019

3. Ano ang kaibhan sa pagitan ng gawain ng Diyos na nagkatawang-tao at ng gawain ng Espiritu?


Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“At sinabi ni Moises, Ipakita mo sa akin, idinadalangin ko sa iyo, ang iyong kaluwalhatian. At kaniyang sinabi, … Hindi mo makikita ang aking mukha: sapagka't hindi maaaring makita ako ng tao at mabuhay” (Exodo 33:18-20).

“At ang Panginoon ay bumaba sa ibabaw ng bundok ng Sinai, sa taluktok ng bundok; at tinawag ng Panginoon si Moises sa taluktok ng bundok; at si Moises ay sumampa. At sinabi ng Panginoon kay Moises, Bumaba ka, pagbilinan mo ang bayan, baka sila'y lumagpas upang makita ang Panginoon, at mamatay ang karamihan sa kanila” (Exodo 19:20-21).

Abr 30, 2019

1. Ano ang Pagkakatawang-tao? Ano ang Diwa ng Pagkakatawang-tao?


Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang unang nagkatawang-taong Diyos ay nanirahan sa mundo sa loob ng tatlumpu’t-tatlo at kalahating taon, datapwa’t ginampanan Niya ang Kanyang ministeryo sa loob lamang ng tatlo at kalahati sa mga taong iyon. Kapwa sa panahon ng Kanyang paggawa, at bago Niya sinimulan ang Kanyang gawain, Siya ay nagtaglay ng karaniwang katauhan. Nanahan Siya sa Kanyang karaniwang katauhan sa loob ng tatlumpu’t-tatlo at kalahating taon.

Dis 13, 2018

Tinuturuan din tayo ng mga pastor at elder ng mga relihiyon na sinumang Panginoong Jesus na hindi pumaparito sa mga ulap ay bulaan at kailangang talikuran. Kaya hindi tayo nakatitiyak kung naaayon ang pananaw na ito sa Biblia o hindi; tama bang tanggapin itong katotohanan o hindi?


Sagot:


Pagdating sa paghihintay sa Panginoon na bumaba nang nasa mga alapaap, hindi tayo dapat umasa sa mga paniniwala at imahinasyon ng tao! Nakagawa ng malaking pagkakamali ang mga Fariseo sa paghihintay sa pagdating ng Mesias. Ginamit nila mismo ang mga palagay at imahinasyon ng tao upang sukatin ang Panginoong Jesus na dumating na. Sa huli, ipinako nila ang Panginoong Jesus sa krus.

Okt 8, 2018

Salita ng Diyos-Ang Ikalawang Aspeto ng Kahalagahan ng Pagkakatawang-tao



Ano ang dahilan para sa pagiging pangkaraniwan at pagiging normal ng Diyos na nagkatawang-tao? Ito ba ay para lamang Siya ay makagawa? Ito ba ay upang patunayan lamang na Siya si Cristo? Anong kahalagahan ang taglay ng Kanyang karaniwang pagiging pangkaraniwan at pagiging normal? Sinasabi ng ilang mga tao na ang Diyos na nagkatawang-tao ay tiyak na dapat isang karaniwan at normal na laman. Nangangahulugan ba lamang ito nang ganito? Kung Siya ay si Cristo, kung gayon Siya ay tiyak na dapat isang karaniwan at normal na laman, kaya hindi ba nito nililimitahan ang Diyos?

"Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" | Sipi 14

Ang bawa’t yugto ng gawain ng Banal na Espiritu ay kasabay na nangangailangan ng patotoo ng tao. Ang bawa’t yugto ng gawain ay isang p...