1. Ginagawa ng Diyos ang gawain ng paghatol at pagkastigo upang makilala Siya ng tao, at para sa kapakanan ng Kanyang patotoo. Kung hindi sa Kanyang paghatol sa tiwaling disposisyon ng tao, hindi posibleng malaman ng tao ang Kanyang matuwid na disposisyon, na hindi nagpapalampas ng pagkakasala, ni hindi niya mapapalitan ng bago ang dati niyang pagkakilala sa Diyos. Para sa kapakanan ng Kanyang patotoo, at para sa kapakanan ng Kanyang pamamahala, ipinapakita Niya sa publiko ang Kanyang kabuuan, na nagbibigay-daan sa tao, sa pamamagitan ng Kanyang pagpapakita sa publiko, na makilala ang Diyos, baguhin ang kanyang disposisyon, at magbigay ng matunog na patotoo sa Diyos.
Ang Kidlat ng Silanganan, ang Makapangyarihang Diyos ay ang pangalawang pagdating ng Panginoon Jesus. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos! Tinatanggap natin ang lahat ng naghahanap ng katotohanan na pumarito at maghanap.
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Mga Pagbigkas ni Cristo. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Mga Pagbigkas ni Cristo. Ipakita ang lahat ng mga post
Ago 3, 2020
Hul 23, 2020
Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos / Mga Salita tungkol sa Pagdarasal at Pagsamba sa Diyos
Ang panalangin ay hindi isang uri ng ritwal; ito ay isang tunay na pagniniig sa pagitan ng mga tao at ng Diyos, at may malalim na kabuluhan. Ano ang nakikita natin sa mga panalangin ng mga tao? Nakikita natin na direkta silang naglilingkod sa Diyos. Kung itinuturing mong ritwal ang panalangin, tiyak na hindi mo mapaglilingkuran nang husto ang Diyos. Kung hindi ka nagdarasal nang taimtim o taos-puso, masasabi na mula sa pananaw ng Diyos, ikaw bilang isang tao ay hindi umiiral; at dahil diyan, paano mapapasaiyo ang impluwensya ng Banal na Espiritu? Ang magiging resulta ay na pagkatapos magtrabaho sandali, pagod ka na.
Hul 7, 2020
Lahat ng Taong Hindi Kilala ang Diyos ay mga Taong Kontra sa Diyos
Upang maunawaan ang layunin ng gawain ng Diyos, kung ano ang epektong makakamit ng tao, at ang kalooban ng Diyos tungo sa tao, ito ang dapat makamit ng bawat taong sumusunod sa Diyos. Ang kulang ngayon sa lahat ng tao ay ang kaalaman sa gawain ng Diyos. Hindi ganap na nauunawaan ni naiintindihan ng tao kung ano ang bumubuo sa mga gawa ng Diyos sa tao, ang lahat ng gawain ng Diyos, at ang kalooban ng Diyos simula nang likhain ang mundo. Ang ganitong kakulangan ay hindi lamang nakikita saan mang dako ng relihiyosong mundo, kundi higit pa, sa lahat ng mananampalataya ng Diyos.
Hun 11, 2020
Alam Mo Ba? Nakagawa ang Diyos ng Isang Dakilang Bagay sa Gitna ng mga Tao
Ang lumang kapanahunan ay wala na, at ang bagong kapanahunan ay dumating na. Taun-taon at araw-araw, nakagawa ng maraming gawain ang Diyos. Siya ay pumarito sa mundo at pagkatapos ay lumisan din. Paulit-ulit na nagpatuloy ito sa maraming salinlahi. Sa kasalukuyan, ipinagpapatuloy ng Diyos gaya ng dati ang gawain na nararapat Niyang gawin, ang gawain na hindi pa Niya natatapos, dahil hanggang sa araw na ito ay hindi pa Siya nakapapasok sa kapahingahan. Mula sa panahon ng paglikha hanggang sa kasalukuyan, nakagawa ng maraming gawain ang Diyos, nguni’t alam mo bang ang gawain na ginagawa ng Diyos sa araw na ito ay lalong higit kaysa mga gawain Niya noon at nasa lalong nakatataas na antas?
Hun 6, 2020
Sa Sandaling Mamasdan Mo ang Espirituwal na Katawan ni Jesus, Napanibago na ng Diyos ang Langit at Lupa
Inaasam mo bang makita si Jesus? Inaasam mo bang mabuhay kasama si Jesus? Inaasam mo bang marinig ang mga salitang sinasambit ni Jesus? Kung gayon, paano mo naman sasalubungin ang pagbabalik ni Jesus? Handang-handa ka na ba? Sa anong paraan mo sasalubungin ang pagbabalik ni Jesus? Sa palagay Ko bawat kapatid na lalaki at babae na sumusunod kay Jesus ay gugustuhing malugod na salubungin si Jesus. Nguni’t naisip na ba ninyo ito: Talaga bang makikilala ninyo si Jesus sa pagbabalik Niya? Talaga bang mauunawaan ninyo ang lahat ng sinasabi Niya? Talaga bang tatanggapin ninyo, nang walang-pasubali, ang lahat ng gawaing ginagawa Niya?
Hun 5, 2020
Ang Tagapagligtas ay Nakabalik na sa Ibabaw ng “Puting Ulap”
Sa loob ng ilang libong mga taon, pinananabikan na ng tao na masaksihan ang pagdating ng Tagapagligtas. Pinananabikan na ng tao na mapagmasdan si Jesus na Tagapagligtas na nasa puting ulap habang Siya ay bumababa, nang personal, sa gitna niyaong mga nanabik na at naghangad sa Kanya sa loob ng libu-libong mga taon. Hinangad na ng tao na bumalik ang Tagapagligtas at muling makasama ng mga tao, iyon ay, na si Jesus na Tagapagligtas ay bumalik sa mga tao na napahiwalay sa Kanya sa loob ng libong mga taon.
Hun 4, 2020
Ang Pagpapakita ng Diyos ay Naghatid ng Isang Bagong Kapanahunan
Ang anim-na-libong-taong plano ng pamamahala ng Diyos ay malapit na sa pagtatapos, at ang pintuang-daan ng kaharian ay nabuksan na para sa lahat niyaong mga naghahanap ng Kanyang pagpapakita. Minamahal na mga kapatiran, ano pa ang hinihintay ninyo? Ano itong hinahanap ninyo? Kayo ba ay naghihintay sa pagpapakita ng Diyos? Hinahanap ba ninyo ang Kanyang mga yapak? Talagang lubos na pinananabikan ang pagpapakita ng Diyos! At talagang napakahirap masumpungan ang mga yapak ng Diyos! Sa panahong tulad ngayon, sa mundong tulad nito, ano ang nararapat nating gawin upang masaksihan ang araw ng pagpapakita ng Diyos?
Abr 19, 2020
Ang Tagapagligtas ay Nakabalik na sa Ibabaw ng “Puting Ulap”
Sa loob ng ilang libong mga taon, pinananabikan na ng tao na masaksihan ang pagdating ng Tagapagligtas. Pinananabikan na ng tao na mapagmasdan si Jesus na Tagapagligtas na nasa puting ulap habang Siya ay bumababa, nang personal, sa gitna niyaong mga nanabik na at naghangad sa Kanya sa loob ng libu-libong mga taon. Hinangad na ng tao na bumalik ang Tagapagligtas at muling makasama ng mga tao, iyon ay, na si Jesus na Tagapagligtas ay bumalik sa mga tao na napahiwalay sa Kanya sa loob ng libong mga taon.
Abr 2, 2020
Ang Pagpapakita ng Diyos ay Naghatid ng Isang Bagong Kapanahunan
Ang Pagpapakita ng Diyos ay Naghatid ng Isang Bagong Kapanahunan
Ang anim-na-libong-taong plano ng pamamahala ng Diyos ay malapit na sa pagtatapos, at ang pintuang-daan ng kaharian ay nabuksan na para sa lahat niyaong mga naghahanap ng Kanyang pagpapakita. Minamahal na mga kapatiran, ano pa ang hinihintay ninyo? Ano itong hinahanap ninyo? Kayo ba ay naghihintay sa pagpapakita ng Diyos? Hinahanap ba ninyo ang Kanyang mga yapak? Talagang lubos na pinananabikan ang pagpapakita ng Diyos! At talagang napakahirap masumpungan ang mga yapak ng Diyos! Sa panahong tulad ngayon, sa mundong tulad nito, ano ang nararapat nating gawin upang masaksihan ang araw ng pagpapakita ng Diyos?
Mar 30, 2020
Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Kumusta ang Kaugnayan Mo sa Diyos?
Kumusta ang Kaugnayan Mo sa Diyos?
Sa paniniwala sa Diyos, kahit paano dapat mong lutasin ang usapin tungkol sa pagkakaroon ng isang normal na kaugnayan sa Diyos. Kung wala ang isang normal na kaugnayan sa Diyos, kung gayon ang kabuluhan sa paniniwala sa Diyos ay nawawala. Ang pagtatatag ng isang normal na kaugnayan sa Diyos ay lubos na natatamo sa pamamagitan ng pagpapatahimik sa iyong puso sa presensiya ng Diyos. Ang isang normal na kaugnayan sa Diyos ay nangangahulugan na nagagawang hindi pagdudahan o itanggi ang anuman sa gawain ng Diyos at magpasakop dito, at saka ito ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng tamang mga layunin sa presensiya ng Diyos, hindi pag-iisip sa sarili mo, palaging pagkakaroon ng mga interes ukol sa pamilya ng Diyos bilang ang pinakamahalagang bagay maging anuman ang iyong ginagawa, pagtanggap sa pagmamasid ng Diyos, at pagpapasakop sa pagsasaayos ng Diyos.
Peb 28, 2020
Ang Bumalik na Mga Salita ng Panginoong Jesus – Buhay ng Isang Kristiyano
Inaasam nating lahat na masalubong ang Panginoon at dumalo sa piging ng Kordero. Gayunpaman, paano natin sasalubungin ang Ikalawang Pagparito ni Jesucristo? Mangyaring i-click ang link upang mahanap ang sagot.
Inirerekomenda: Ikalawang Pagparito ni Jesucristo
Inirerekomenda: Ikalawang Pagparito ni Jesucristo
Ene 5, 2020
Mga Klasikong Salita tungkol sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos sa Pagliligtas sa Sangkatauhan
1. Ang Aking buong plano ng pamamahala, ang anim-na-libong-taong plano ng pamamahala, ay binubuo ng tatlong yugto, o tatlong kapanahunan: ang Kapanahunan ng Kautusan sa simula; ang Kapanahunan ng Biyaya (na siya ring Kapanahunan ng Pagtubos); at ang Kapanahunan ng Kaharian sa mga huling araw. Ang Aking gawain sa tatlong kapanahunang ito ay nagkakaiba sa nilalaman ayon sa katangian ng bawat kapanahunan, ngunit sa bawat yugto angkop ang gawaing ito sa mga pangangailangan ng tao—o, para mas malinaw, ginagawa ito ayon sa mga panlilinlang na ginagamit ni Satanas sa Aking pakikidigma laban dito. Ang layunin ng Aking gawain ay upang talunin si Satanas, upang ipakita ang Aking karunungan at walang-hanggang kapangyarihan, upang ilantad ang lahat ng panlilinlang ni Satanas, at sa gayon ay mailigtas ang buong lahi ng tao, na sumasailalim sa kapangyarihan ni Satanas.
Dis 16, 2019
Ang mga Pangako sa mga Nagawang Perpekto
Ano ang landas kung saan ginagawang perpekto ng Diyos ang tao? Aling mga aspeto ang kasama? Ikaw ba ay pumapayag na gawing perpekto ng Diyos? Ikaw ba ay pumapayag na tanggapin ang paghatol at pagkastigo ng Diyos? Ano ang alam mo tungkol sa mga katanungang ito? Kung hindi mo kayang banggitin ang naturang kaalaman, kung ganon lumalabas na hindi mo pa rin alam ang gawain ng Diyos at hindi pa talaga naliwanagan ng Banal na Espiritu. Ang ganitong uri ng tao ay hindi magiging perpekto. Maaari lamang silang tumanggap ng isang maliit na sukat ng biyaya upang matamasa nang panandalian at hindi ito maaaring manatiling pangmatagalan. Kung nasisiyahan lamang siya sa biyaya ng Diyos, hindi siya magagawang perpekto ng Diyos. Ang ilan ay maaaring malugod sa kapayapaan at kasiyahan ng laman, ng isang maalwang buhay na walang paghihirap o kasawian, namumuhay sa kapayapaan sa kanilang pamilya nang walang mga away o mga alitan.
Dis 7, 2019
Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos|Kabanata 29
Noong araw na ang lahat ng bagay ay muling nabuhay, Ako ay tumungo sa gitna ng tao, at nagpalipas na Ako ng magagandang araw at gabi kasama siya. Dito lamang sa puntong ito nadarama nang kaunti ng tao ang Aking pagiging-madaling-lapitan, at habang ang kanyang pakikipag-ugnayan sa Akin ay nagiging mas madalas, nakikita niya ang ilan sa kung ano ang mayroon Ako at kung ano Ako—at bilang bunga, nakakatamo siya ng kaunting pagkakakilala sa Akin. Sa gitna ng lahat ng tao, itinutunghay Ko ang Aking ulo at nagmamasid, at lahat sila ay nakakakita sa Akin. Nguni’t kapag ang sakúnâ ay sumasapit na sa mundo, agad silang nagiging balisa, at ang Aking larawan ay naglalaho sa kanilang mga puso; tinamaan ng sindak sa pagdating ng sakúnâ, hindi nila iniintindi ang Aking mga panghihikayat.
Dis 2, 2019
Kabanata 7 Iba pang mga Aspeto ng mga Katotohanan na Dapat Mong Maunawaan sa Iyong Pananalig sa Diyos
6. Ang Kahulugan ng Pagdurusa at Kung Anong Uri ng Pagdurusa ang Kailangang Danasin ng mga Mananampalataya sa Diyos
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Sa kasalukuyan, karamihan sa mga tao ay walang ganoong kaalaman. Naniniwala sila na ang pagdurusa ay walang kabuluhan, tinatalikuran sila ng mundo, ang kanilang buhay sa tahanan ay nililigalig, hindi sila pinakaiibig ng Diyos, at ang kanilang mga inaasahan ay nakapanlulumo. Ang pagdurusa ng ilang tao ay umaabot sa isang partikular na punto, at ang kanilang mga saloobin ay nagiging kamatayan. Hindi ito ang tunay na pag-ibig sa Diyos; ang gayong mga tao ay mga duwag, wala silang pagtitiyaga, sila ay mahihina at walang kapangyarihan! Ang Diyos ay sabik para ibigin Siya ng tao, ngunit habang lalo Siyang iniibig ng tao, lalong mas dumarami ang pagdurusa ng tao, at habang lalong iniibig ng tao ang Diyos, lalong mas dumarami ang mga pagsubok ng tao. Kung iniibig mo Siya, kung gayon lahat ng uri ng pagdurusa ay sasapit sa iyo—at kung hindi mo siya iniibig, kung gayon marahil ang lahat ay magiging maayos para sa iyo, at ang lahat ay magiging payapa sa paligid mo. Kapag iniibig mo ang Diyos, madadama mo na ang marami sa paligid mo ay hindi mapagtatagumpayan, at sapagkat ang iyong tayog ay sobrang liit ikaw ay pipinuhin; bukod dito, wala kang kakayahan na mapalugod ang Diyos, at palagi mong madadama na ang kalooban ng Diyos ay masyadong matayog, na ito ay hindi maaaring abutin ng tao.
Nob 27, 2019
Mga Pagbigkas ni Cristo|Dapat Wasakin ng Diyos ang Sodoma
Dapat Wasakin ng Diyos ang Sodoma
Gen 18:26 At sinabi ni Jehova, Kung makasumpong Ako sa Sodoma ng limampung matuwid sa loob ng lungsod, patatawarin Ko ang buong lugar, alang-alang sa kanila.
Gen 18:29 At siya’y muling nagsalita pa sa Kanya, at sinabi, Marahil ay may masusumpungang apatnapu. At sinabi Niya, Hindi Ko gagawin.
Gen 18:30 At sinabi niya, kung sakaling may masusumpungan doong tatlumpu. At sinabi Niya, Hindi Ko gagawin.
Gen 18:31 At kanyang sinabi, kung sakaling may masusumpungan doong dalawampu. At sinabi Niya, Hindi Ko lilipulin.
Gen 18:32 At sinabi niya, kung sakaling may masusumpungan doong sammpu. at sinabi Niya, Hindi Ko lilipulin.
Ito ang ilang mga siping napili Ko mula sa Biblia. Hindi ito ang kumpleto at orihinal na mga bersyon. Kung nais ninyong makita ang mga iyon, maaari ninyo mismong tingnan sa Biblia; upang makatipid sa oras, inalis Ko ang orihinal na bahagi ng nilalaman. Pinili Ko lamang dito ang ilang pangunahing sipi at pangungusap, at iniwan ang ilang pangungusap na walang kinalaman sa ating pagbabahagi ngayon. Sa lahat ng sipi at nilalaman na ating ibinabahagi, hindi natin pagtutuunan ng pansin ang mga detalye ng mga kuwento at asal ng tao sa mga kuwento; sa halip, pag-uusapan lang natin ang mga kaisipan at ideya ng Diyos sa panahong iyon. Sa mga kaisipan at ideya ng Diyos, makikita natin ang disposisyon ng Diyos, at mula sa lahat ng ginawa ng Diyos, makikita natin ang tunay na Diyos Mismo—at makakamtan natin mula rito ang ating layunin.
Pinagtutuunan Lamang ng Pansin ng Diyos ang mga Nakakasunod sa Kanyang mga Salita at Sinusunod ang Kanyang mga Utos
Okt 11, 2019
4. Ano ang likas na katangian ng problema ng hindi pagkaalam ng tao sa kabuluhan ng pangalan ng Diyos o hindi pagtanggap sa Kanyang bagong pangalan?
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Sa bawat sakop ng panahon, ang Diyos ay magsisimula ng bagong gawain, at sa bawat panahon, magkakaroon ng bagong simula sa gitna ng tao. Kung ang tao ay sumusunod lamang sa mga katotohanan na “si Jehova ang Diyos” at “si Jesus ang Cristo,” na mga katotohanan na nailalapat lamang sa iisang kapanahunan, sa gayon ang tao ay hindi kailanman makakasabay sa gawain ng Banal na Espiritu, at magpakailanmang walang kakayahang magkamit ng gawain ng Banal na Espiritu. Hindi alintana kung paano gumagawa ang Diyos, ang tao ay sumusunod nang wala ni katiting na pag-aalinlangan, at siya ay sumusunod nang mabuti. Sa paraang ito, paano maaalis ng Banal na Espiritu ang tao?
Set 29, 2019
Marami ang Tinatawag, Datapuwa’t Kakaunti ang Nahihirang
Marami na Akong nahanap sa lupa upang maging Aking mga tagasunod. Kabilang sa lahat nitong mga tagasunod, mayroon yaong mga nagsisilbing mga pari, yaong mga namumuno, yaong mga bumubuo sa mga anak na lalaki, yaong bumubuo sa mga tao, at yaong mga gumagawa ng serbisyo. Pinaghihiwa-hiwalay Ko sila tungo rito sa iba’t ibang kategorya batay sa katapatan na ipinakikita nila sa Akin. Kapag napagbukud-bukod na ang lahat ng tao ayon sa kanilang uri, iyon ay, kapag ang kalikasan ng bawat uri ng tao ay nabunyag na, Akin namang ibibilang ang bawat tao sa kanilang nararapat na uri at ilalagay ang bawat uri sa kanilang naaangkop na lugar nang sa gayon ay maaari Kong matupad ang Aking layunin ng pagliligtas para sa sangkatauhan. Isa-isa, tinatawag Ko ang mga grupo niyaong mga nais Kong iligtas upang bumalik sa Aking tahanan, at pagkatapos ay hinahayaan Ko ang lahat ng taong ito na tanggapin ang Aking gawain sa mga huling araw. Kasabay nito, Aking pinagbubukud-bukod ang tao ayon sa uri, pagkatapos ay ginagantimpalaan o pinarurusahan ang bawat isa batay sa kanyang mga gawa. Ganyan ang mga hakbang na bumubuo sa Aking gawain.
Set 20, 2019
5. Ang Pananampalataya sa Diyos ay Hindi Dapat para Lamang sa Paghahanap ng Kapayapaan at mga Pagpapala
Ano na ang natanggap ng tao magmula nang siya ay unang naniwala sa Diyos? Ano na ang nalalaman mo tungkol sa Diyos? Gaano na kalaki ang iyong ipinagbago dahil sa iyong paniniwala sa Diyos? Ngayon ay alam na ninyong lahat na ang paniniwala ng tao sa Diyos ay hindi lamang para sa kaligtasan ng kaluluwa at kapakanan ng katawan at hindi rin upang mapayaman lamang ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pag-ibig sa Diyos, at iba pa. Sa ngayon, kung mahal mo ang Diyos alang-alang sa kapakanan ng katawan o panandaliang kasiyahan, sa gayon kahit na, sa katapusan, umabot sa rurok ang iyong pag-ibig sa Diyos at walang anumang hilingin, ang hanap mong pag-ibig na ito ay isa pa ring hindi dalisay na pag-ibig at hindi kalugud-lugod sa Diyos. Ang mga gumagamit ng pag-ibig sa Diyos upang mapayaman ang kanilang nakakabagot na mga buhay at punan ang isang puwang sa kanilang puso ay ang mga naghahanap upang mamuhay sa kaluwagan, hindi mga tunay na naghahanap na mahalin ang Diyos. Ang ganitong uri ng pag-ibig ay laban sa kalooban ng sinuman, isang paghahangad ng madamdaming kasiyahan, at hindi kailangan ng Diyos ang ganitong uri ng pag-ibig. Anong uri, kung ganoon, ang pag-ibig na katulad ng sa iyo? Para ano at mahal mo ang Diyos?
Ago 11, 2019
Kabanata 6
Sa mga bagay na napapaloob sa espiritu, kailangan kang maging mas sensitibo; sa Aking mga salita, dapat kang maging mas mapagmatyag. Dapat mong hangarin ang kalagayang makita ang Aking Espiritu at ang Aking sarili sa katawang-tao, ang Aking mga salita at ang Aking sarili sa katawang-tao, bilang isang di-mapaghihiwalay na kabuuan, upang mabigyan Ako ng kasiyahan ng buong sangkatauhan sa Aking presensiya. Niyapakan ng Aking mga paa ang sansinukob, inaabot-tanaw ng Aking sulyap ang buong kalawakan nito, at nakalakad na Ako sa gitna ng buong sangkatauhan, natikman na ang lasa ng tamis, asim, pait, at anghang ng karanasan ng tao, ngunit hindi Ako kailanman totoong nakilala ng tao, ni napansin niya Ako sa paglalakad Ko nang malawakan. Dahil tahimik Ako at walang ginagawang di-pangkaraniwan, dahil dito'y walang tunay na nakakita sa Akin. Hindi na katulad ng dati ang mga bagay ngayon:
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)
"Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" | Sipi 14
Ang bawa’t yugto ng gawain ng Banal na Espiritu ay kasabay na nangangailangan ng patotoo ng tao. Ang bawa’t yugto ng gawain ay isang p...
-
Kidlat ng Silanganan | Salita ng Diyos | Paano Malaman ang Realidad Ang Diyos ay Diyos ng realidad: Lahat ng Kanyang mga g...
-
Tagalog Christian Songs | Ang Pamamahala ng Diyos ay Patuloy na Sumusulong I Pagkatapos ng gawain ni Jehova, naging t...
-
Kidlat ng Silanganan | Kristianong video | Drama-musikal | Kuwento ni Xiaozhen (4) – Pagkabulok Naharap sa masamang mundo a...