Ⅰ
Bagong nagawa ng Diyos ngayon;
baka 'di mo tanggapin.
Kaiba, ngunit hiling Ko
'wag ipakita likas na ugali mo.
Wala kang mapapala
sa pakikipagtalo,
kundi sa mahinahong usapan lamang.
Dahil yaon lamang sabik sa katuwiran
ang magtatamo ng katotohanan.
At matatapat lamang ang maliliwanagan,
Kanyang gagabayan, Kanyang gagabayan.
Ⅱ
'Pag sinabi Kong gawain ng Diyos ay bago,
ibig Kong sabihin Siya'y muling nagkatawang-tao.
'Di mo 'to pansin siguro,
o minamata mo,
o interesado ka rito.
Ano at anuman, lahat ng nasasabik
na makita ang Diyos sana'y mag-isip-isip.
Pinakamabuting 'wag magpadalus-dalos.
Ito ay katalinuhan.
Dahil yaon lamang sabik sa katuwiran
ang magtatamo ng katotohanan.
At matatapat lamang ang maliliwanagan,
Kanyang gagabayan, Kanyang gagabayan,
Kanyang gagabayan.
Hango sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
_____________________________________________________
Nararamdaman mo ba ngayon na parang hindi pinakinggan ng Diyos ang iyong dalangin? Magbibigay kami ng higit pang Tagalog Christian Songs. Mangyaring i-click at makinig at gagabayan ka nito upang mahanap ang mga yapak ng Diyos!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento