Kidlat ng Silanganan

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Mga Patotoo. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Mga Patotoo. Ipakita ang lahat ng mga post

Ago 7, 2020

Inalis ng mga Salita ng Diyos ang Aking mga Pagkaunawa


Xiao Rui    Lungsod ng Panzhihua, Lalawigan ng Sichuan

Noong ipinangangaral ko ang ebanghelyo nakatagpo ko ang mga pinuno ng relihiyon na nagbibintang upang lumaban at manggulo, at tumawag sa pulisya. Naging dahilan ito upang hindi maglakas-loob ang mga pinangangaralan ko na magkaroon ng anumang kinalaman sa amin, at ang mga katatanggap pa lamang ng ebanghelyo ay hindi makapagtiwala sa gawain ng Diyos. Noong nagpakahirap ako nang husto sa trabaho ngunit hindi maganda ang naging resulta, naisip ko: Ang pagpapalaganap ng ebanghelyo ay napakahirap isagawa.

Hul 30, 2020

Ang Malupit na Pag-uusig ng Pamahalaang CCP ay Pinatitibay Lamang ang Aking Pagmamahal sa Diyos


Ni Li Zhi, Lalawigan ng Liaoning

Noong taong 2000, lubos akong pinalad na marinig ang ebanghelyo ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos. Sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos, naunawaan ko ang misteryo ng mga pangalan ng Diyos, ang misteryo ng mga pagkakatawang-tao ng Diyos, at ang mga katotohanan hinggil sa mga bagay na tulad ng kung paano iniligtas ng tatlong yugto ng gawain ng Diyos ang sangkatauhan, at kung paano sila lubos na nagbabago, nadadalisay at nagiging perpektong tao.Nakatitiyak ako na ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus, at masaya kong tinanggap ang ebanghelyo ng kaharian ng Diyos. Pagkatapos niyan, aktibo akong nakibahagi sa mga gawain sa iglesia, at sa pagpapalaganap ng ebanghelyo at pagpapatotoo para sa Diyos. Noong 2002, nakilala ako sa buong lugar namin dahil sa pangangaral ng ebanghelyo at palaging nanganganib na madakip ng mga pulis ng CCP. Wala akong nagawa kundi lisanin ang aking tahanan upang maaari akong magpatuloy na magampanan ang aking tungkulin.

Hul 25, 2020

Ang Kaharian ng Langit ay Aktwal na Nasa Lupa Na


Ni Chen Bo, Tsina

Ang pinakamalaking inaasam nating mga nananampalataya ay ang makapasok sa kaharian ng langit, at matamasa ang walang-hanggang kaligayahang bigay ng Panginoon sa tao. Sa tuwing naririnig ko ang pastor na sinasabi sa kanyang sermon na ang lugar na ihahanda ng Panginoon para sa atin sa hinaharap ay nasa kalangitan sa itaas, na mayroong mga bukid ng ginto at mga pader na gawa sa jade, maraming nagkalat na hiyas na kumikinang, makakatikim tayo ng prutas mula sa puno ng buhay, at makakainom ng tubig mula sa ilog ng buhay, at mawawala nang lahat ng sakit, luha, at pighati, at ang lahat ay magiging malaya at pinakawalan na, nadarama ko ang matinding pagdaluyong ng damdamin at kaligayahan.

Ginabayan Ako ng Makapangyarihang Diyos sa Landas ng Pagkamit ng Paglilinis


Ni Gangqiang, USA

Noong 2007, dahil sa maraming kagipitan sa buhay ko, pumunta ako sa Singapore nang mag-isa para maghanap-buhay. Buong taon, napakainit ng klima sa Singapore, kaya araw-araw tumatagaktak ang pawis ko kapag nagtratrabaho. Napakahirap nito kaya nagdusa ako sa hindi mabigkas na paraan, at bukod pa riyan di-pamilyar na buhay iyon na walang sinumang kamag-anak o kaibigan, kaya inakala kong kabagot-bagot at nakapapagod ito. Isang araw ng Agosto, nakatanggap ako ng polyeto ng ebanghelyo habang pauwi sa bahay galing sa trabaho na nagsasaad: “At ang Dios ng buong biyaya na sa inyo’y tumawag sa kaniyang walang hanggang kaluwalhatian kay Cristo, pagkatapos na kayo’y makapagbatang sangdaling panahon, ay siya rin ang magpapasakdal, magpapatibay, at magpapalakas sa inyo” (1 Pedro 5:10).

Hul 8, 2020

Pagbukas ng Pinto sa Aking Puso at Pagtanggap sa Pagbabalik ng Panginoon



Ni Yongyuan, Estados Unidos

Noong Nobyembre ng 1982, lumipat ang buong pamilya namin sa USA. Lahat kami ay may pananampalataya sa Panginoon simula sa henerasyon ng lolo ko, kaya nakahanap kami kaagad ng isang iglesia ng mga Chinese sa Chinatown ng New York pagkatapos dumating sa Estados Unidos para makadalo kami sa misa. Hindi kami pumalya sa pagdalo ng misa, at matiyaga ang aking ina at kapatid na babae lalo na tungkol sa pagbabasa ng mga banal na kasulatan sa tuwing may oras sila upang hingin ang pagpapala at pangangalaga ng Diyos.

Hun 30, 2020

Paglaya Mula sa Bitag ng Usap-usapan


Ni Xiaoyun, Tsina

Ako ay isang dating opisyal ng hukbong-sandatahan. Isang araw noong 1999, ipinangaral ng isang Koreanong pastor ang ebanghelyo ng Panginoong Jesus sa akin. Dahil sa aking taimtim na pagsisikap, di-nagtagal ay ako ang naging tuon sa pagsasanay ng pastor at ng kanyang pangunahing katulong. Noong tag-araw ng 2000, nagpunta ang pastor sa Yunnan para sa isang maikling pagmimisyon sa tag-araw kasama ang mahigit sa isang dosenang estudyante sa kolehiyo mula sa Korean Gospel Church. Hindi inaasahan, natakot dito ang gobyernong CCP.

Hun 22, 2020

Ang Panginoon Ay Nagpakita sa Silangan


Ni Qiu Zhen, Tsina

Isang araw, tinawag ako ng nakababatang kapatid kong babae para sabihing nakabalik siya mula sa hilaga at may mahalaga siyang bagay na gustong sabihin sa akin. Hiningi niyang puntahan ko siya kaagad. May pakiramdam ako na baka may masamang nangyari, kaya agad akong nagtungo sa bahay niya. Nang makarating ako sa lugar niya at makitang nagbabasa siya ng isang libro, saka lang nawala ang pagkabalisa ko. Nakita ako ng kapatid kong pumasok, agad siyang tumayo at masayang sinabi, “Qui Zhen! Sa pagkakataong ito sa hilaga may narinig akong magandang balita: Ang Panginoong Jesus ay nagbalik na!”

Hun 14, 2020

Pagbangon sa harap ng Kabiguan


Ang Pagbangon sa Harap ng Kabiguan ay isang patotoo ng isang Kristiyanong sumasailalim sa paghatol at pagkastigo ng Diyos. Ang bida ay isang abogado noon, nguni’t pagkatapos tanggapin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, nagsimula siyang masigasig na igugol ang sarili niya at pinili siyang maging isang pinuno ng iglesia. Dahil sa kanyang mga katangian, nagkamit siya ng ilang tagumpay sa kanyang tungkulin, ngunit lalo siyang naging mapagmataas, mapagpahalaga sa sarili, at walang pagpapahalaga sa iba.

Hun 10, 2020

Pagtalo kay Satanas sa Labanan



Chang Moyang    Lungsod ng Zhengzhou, Lalawigan ng Henan

Sinasabi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Kapag ikaw ay lumaban sa laman, tiyak na mayroon isang labanan sa iyong kalooban. Susubukan at hihimukin ni Satanas ang mga tao na sumunod dito, susubukan at uutusan sila na sundin ang mga pagkaintindi ng laman at panindigan ang mga interes ng laman—ngunit ang mga salita ng Diyos ay liliwanagan at paliliwanagin ang mga tao sa kalooban, at sa oras na iyon ay nasa iyo kung susundin ang Diyos o susundin si Satanas.

Hun 7, 2020

Pinapanata ang Aking Buhay sa Debosyon


Zhou Xuan    Lalawigan ng Shandong

Noong Abril 3, 2003, pumunta ako kasama ang isang kapatid para bisitahin ang isang bagong mananampalataya. Itong bagong mananampalataya ay hindi tiyak ang tungkol sa gawain ng Diyos sa mga huling araw at sa huli’y isinumbong kami. Bilang resulta, apat na masasamang nakasibilyang pulis ang dumating at mapusok na pinilit kaming dalawa na pumasok sa kanilang sasakyan at dinala kami sa estasyon ng pulisya. Sa daan, sobra ang kaba ng puso ko, dahil may dala akong pager, isang bahagi ng listahan ng mga pangalan ng miyembro ng aming iglesia, at isang talaan. Natatakot ako na matutuklasan ng masamang pulis ang mga bagay na ito at mas lalo akong natakot na tatawagan ng aking mga kapatid ang aking pager, samakatuwid patuloy at dali-dali akong nanalangin sa Diyos nang taos-puso: “O Diyos, ano ang dapat kong gawin?

May 10, 2020

Masaya Kong Tinanggap ang Pagbabalik ng Panginoon



Ni Chuanyang, United States

Napakaginaw noong taglamig ng 2010 sa Estados Unidos. Maliban sa nanunuot na lamig na dala ng hangin at niyebe, ang mas matindi ay ang naramdaman ng aking puso na parang nabalot ito ng sa wari ay uri ng “matinding lamig.” Para sa amin na ang trabaho ay pagdedekorasyon ng interiyor ng bahay o gusali, pinakamahirap na panahon ng taon ang taglamig, dahil kapag nagsimula na ang taglamig kakaunti ang trabaho. Naranasan din namin na mawalan ng mga trabaho. Ang taon na ito ang unang taon ko sa Estados Unidos, bagong salta pa lamang ako rito, at pakiwari ko ay hindi ako pamilyar sa lahat ng bagay.

Abr 29, 2020

Ang Paghatol ay Nagsimula sa Pamilya ng Diyos



Aishen, Amerika

Ako ay isang Kristiyano. Nang una akong magsimulang maniwala sa Diyos, madalas akong makarinig ng mga sermon kung saan sinasabi ng mga tao, “Ang Panginoong Jesus ay ang Ating Manunubos. Siya ay ipinako sa krus para sa ating mga kasalanan. Si Jesus ay mahabagin at mapagmahal. Hangga’t lumalapit tayo nang madalas sa harap ng Panginoon at ikinukumpisal ang ating mga kasalanan sa pamamagitan ng panalangin, ang ating mga kasalanan ay patatawarin at sa pagbabalik ng Panginoon, makapapasok tayo sa kaharian ng langit.” Pagkatapos, napansin ko, nang basahin ko ang Biblia, maraming mga bahagi kung saan ang salitang “paghatol” ay binabanggit.

Abr 26, 2020

Ginabayan ng mga Salita ng Diyos, Nadaig Ko ang Panunupil ng mga Puwersa ng Kadiliman



Ni Wang Li, Zhejiang Province

 Sabay kami ng aking ina na nanalig sa Panginoong Jesus noon pa mang bata ako; sa mga panahon ng pagsunod ko sa Panginoong Jesus, madalas akong maantig sa Kanyang pagmamahal. Nadama ko na mahal na mahal Niya tayo kaya Siya nagpapako sa krus at ibinuwis Niya ang Kanyang dugo hanggang sa kahuli-hulihang patak nito upang tubusin tayo. Noong panahong iyon, mapagmahal at mapagsuporta sa isa’t isa ang lahat ng kapatid sa aming iglesia, pero sa kasamaang-palad ay nagdanas ng pag-uusig at panunupil ang aming pananampalataya sa Panginoon sa mga kamay ng gobyernong CCP. Ang pakahulugan ng gobyernong CCP sa pagiging Protestante at Katoliko as “xie jiaos,” at itinuring na “ilegal na mga pagtitipon” ang mga miting.

Abr 6, 2020

Mga patotoo't karanasan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Isang Labanan


Isang Labanan


Ni Zhang Hui, Tsina

Ang pangalan ko ay Zhang Hui, at noong 1993 nagsimulang manalig sa Panginoong Jesus ang buong pamilya ko. Isa akong masigasig na naghahanap, kaya mabilis akong naging mangangaral. Madalas akong naglalakbay papunta sa iba’t ibang mga iglesia upang gumawa at mangaral. Pagkatapos ng ilang taon, tumigil ako sa pagtratrabaho at nagsimulang paglingkuran ang Panginoon nang full-time. Subali’t, sa di-malamang kadahilanan, dahan-dahang nanlamig ang pananampalataya at pagmamahal ng aking mga kapatid, at umusbong ang inggitan at alitan sa pagitan ng mga magkakasama sa paggawa.

Mar 12, 2020

Mga patotoo't karanasan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Isang Pagliko para sa Ikabubuti sa Daan ng Paniniwala sa Diyos


Isang Pagliko para sa Ikabubuti sa Daan ng Paniniwala sa Diyos


Zhuanbian Lungsod ng Shanghai

Kahit na sumusunod ako sa Diyos sa maraming taon, halos wala akong naging pagsulong sa pagpasok ko sa buhay, at dahil dito nakadama ako ng sobrang pagkabalisa. Lalo na noong nakinig ako sa rekording ng isang pangangaral tungkol sa pagpasok sa buhay, at narinig ko ang lalaki na ginamit ng Banal ng Espiritu na nakikipag-usap sa mga kapatid, nadama kong punung-puno ako ng pagkabalisa nang marinig ko siyang sinasabi ang mga bagay na ito, “Kayo ngayon ay naniniwala na sa Diyos at natikman na ang tamis ng paghahangad ng katotohanan. Kayo ay nagsimula nang pumasok sa tamang daan at puno ng pananampalataya sa inyong paghahangad ng kaligtasan.”

Ene 1, 2020

Ginawa Ako ng Pag-uusig at Pagdurusa na Lalo pang Mahalin ang Diyos



Ni Liu Zhen, Lalawigan ng Shandong

Ang pangalan ko ay Liu Zhen. Ako ay 78 taong gulang, at isa lamang akong karaniwang Kristiyano sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Nagpapasalamat ako sa Makapangyarihang Diyos sa pagpili sa akin, isang matandang babae mula sa isang kanayunan na pangkaraniwan sa tingin ng mundo. Pagkatapos kong tanggapin ang gawain sa mga huling araw ng Makapangyarihang Diyos, araw-araw akong nanalangin sa Diyos, nakinig sa mga pagbigkas ng salita ng Diyos, at dumalo sa mga pulong at nakibahagi sa aking mga kapatid, at unti-unti kong naunawaan ang ilang katotohanan at nagkaroon ako ng malinaw na pagkaintindi tungkol sa ilang bagay. Napuspos ako ng galak, at namuhay sa kaligayahan na hindi ko pa naranasan kailanman.

Dis 26, 2019

Ang Puwersa ng Buhay na Hindi Kailanman Mapapawi



Dong Mei, Probinsya ng Henan

Isa akong ordinaryong tao. Hindi espesyal ang buhay na ipinamuhay ko. Tulad ng maraming naghahangad sa liwanag, sinubukan ko ang maraming paraan upang hanapin ang tunay na kahulugan ng pag-iral ng tao, sinisikap na bigyan ang aking buhay ng higit na kabuluhan. Sa huli, ang lahat ng aking mga pagsisikap ay walang kabuluhan. Ngunit pagkatapos kong mapalad na tinanggap ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw, nagkaroon ng mga mahimalang pagbabago sa aking buhay.

Dis 19, 2019

Ang mga Patotoo ng mga Mananagumpay | Mga Pagdurusa at mga Pagsubok—ang mga Pagpapala ng Pinapaboran

Pananampalataya

Wang Gang Lalawigan ng Shandong

Ako ay isang magsasaka at dahil ang aking pamilya ay mahirap, kailangan kong palaging maglakbay kung saan-saan upang makahanap ng mga pansamantalang trabaho upang kumita ng pera; akala ko kaya kong mapabuti ang aking buhay sa pamamagitan ng aking pisikal na paggawa. Gayunpaman, sa katotohanan, nakita kong walang mga garantiya para sa mga legal na karapatan ng mga migranteng manggagawang tulad ko; madalas na ibininbin ang aking sahod nang walang dahilan. Paulit-ulit akong dinaya at pinagsamantalahan ng iba. Pagkatapos ng isang taon ng pagsisipag, hindi ko natanggap ang dapat kong tanggapin. Nadama kong tunay na madilim ang mundong ito! Tinatrato ng mga tao ang bawat isa na tulad ng mga hayop kung saan binibiktima ng malakas ang mahina; nagpapaligsahan sila sa bawat isa, naglalaban nang kamao sa kamao, at hindi ko talaga kayang panindigan ang patuloy na mabuhay nang ganito.

Nob 9, 2019

Mga Patotoo ng Pagbabalik sa Diyos|Sino ang Hadlang Sa Daan Patungo sa Makalangit na Kaharian?

Pastor, Biblia

Mi Meng’ai, Malaysia

Sa taon na namatay ang aking asawa, lubos ang aking kalungkutan, at bukod diyan nagkaroon ako ng dagdag na pasanin ng pagpapalaki sa aking mga anak. Ang kahirapan ay biglang sumapit sa aking buhay, nguni’t taglay-taglay ko na ang pagmamahal ng Panginoon at, sa tulong ng aking mga kapatid, nalampasan ko ang panahon ng paghihirap na ito. Upang suklian ang pagmamahal ng Panginoon, nagpatuloy ako sa pagbibigay ng mga donasyon at paglilingkod sa iglesia, at nagagawa ko na ang gayon nang mahigit sa tatlumpung taon. Sa panahong ito, nararanasan ko ang pag-unlad ng iglesia at nakita ang maluwalhating pangyayari ng pagpapalaganap ng ebanghelyo ng Panginoong Jesus. Nasasaksihan ko rin ang kapanglawan at kawalang-pag-asa sa iglesia. Nagunita ko nang pasimulang gawin ng Banal na Espiritu ang dakilang gawain sa iglesia, nang maranasan namin ang kasiyahan at natuto nang husto sa pakikinig sa pangangaral ng pastor.

Okt 30, 2019

Mga Pagpapala ng Diyos: Hindi na Alipin ng Pera, Tunay na Ako’y Pinalaya

Gusto Kong Maging Mayaman

“Punong-guro, pakiusap bigyan ng isang pagkakataon ang aking anak at hayaan siyang makapagsulit!” Nakikiusap ang mga mata ng nanay ko sa punong-guro habang nagsasalita siya sa isang bahagyang nanginginig na tinig.

Hindi natitinag, sinabi ng punong-guro, “Hindi, ang paaralan ay may mga patakaran. Makapagsusulit lang ang bata kapag nabayaran na ang singil sa pagsusulit!”

Mukhang napahiya ang nanay ko at nakiusap sa punong-guro, na sinasabi, “Punong-guro, alam ko na napakahirap nito para sa iyo at gayundin sa paaralan, ngunit napakarami kong anak at kami ay nakakaraos din lang. Hindi talaga namin makakaya ang bayad sa pagsusulit. Halimbawa ay susulat ako sa paaralan ng IOU, hahayaan ninyong makapagsulit ang aking anak, at iisip ako ng paraan upang mabayaran kayo sa lalong madaling panahon….”

Tumingin ang punong-guro sa nanay ko at saglit na nag-isip. Tila wala siyang ibang mapagpipilian, sinabi niya, “OK, sige!”

…………

Hindi ko kailanman malilimutan ang sandaling lumipat ako sa senior middle school nang, dahil sa hindi makaya ng aking pamilya ang bayad sa pagsusulit, pinakiusapan ng nanay ko ang punong-guro ng paaralan para hayaan akong makapagsulit at kinailangan niyang sumulat ng IOU. Nakadama ako ng sobrang galit sa panahong iyon. Sa lipunang ito kung saan ang pera ay nakapangingibabaw, kung wala kang pera hindi ka kung gayon makagagawa ng anuman, at tahimik akong gumawa ng isang pagpapasya: Paglaki ko, magtatrabaho ako nang husto upang kumita ng pera, magiging mayaman at babaguhin ang aking sariling kapalaran!

Isang Buhay ng Pagsasakripisyo sa Kalusugan para sa Pera
          Pagkatapos ko sa senior middle school, upang matupad ang aking mga pangarap sa lalong madaling panahon na aking makakaya, pumasok ako sa isang vocational school at nag-aral ng pagmemekaniko, nagtrabaho ako nang husto upang mapag-aralan ang kaalamang espesyalista. Kapag lumalabas ang aking mga kaklase upang gugulin ang kanilang bakanteng oras sa maghapon, naroroon pa rin ako na pinag-aaralan ang mga kasanayang pangmakina; kapag natutulog na ang lahat, nananatili akong gising at nag-aaral nang husto.

"Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" | Sipi 14

Ang bawa’t yugto ng gawain ng Banal na Espiritu ay kasabay na nangangailangan ng patotoo ng tao. Ang bawa’t yugto ng gawain ay isang p...