Kidlat ng Silanganan

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Biblia. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Biblia. Ipakita ang lahat ng mga post

Dis 10, 2019

Nagbago Ang Pangalan ng Diyos?! | "May Iba pa Bang mga Salita ang Diyos Maliban sa Nasa Biblia?"


Tagalog Christian Movie | Nagbago Ang Pangalan ng Diyos?! | "May Iba pa Bang mga Salita ang Diyos Maliban sa Nasa Biblia?"


         Sinasabi sa Biblia, "At nakita ko sa kanang kamay niyaong nakaupo sa luklukan ang isang aklat na may sulat sa loob at sa labas, na tinatakang mahigpit ng pitong tatak" (Pahayag 5:1). "Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia. Ang magtagumpay ay bibigyan ko ng manang natatago" (Pahayag 2:17). Sang-ayon sa Biblia, sa pagbabalik ng Panginoon sa mga huling araw ay ilaladlad Niya ang scroll o balumbon, bubuksan ang pitong tatak at ipagkakaloob sa tao ang manang natatago. Ngunit karamihan ng mga pastor at elder ng mga relihiyon ay naniniwala na lahat ng mga salita ng Diyos ay nakatala sa Biblia at walang mga salita ang Diyos maliban sa nasa Biblia. Ang ganitong uri ba ng pananaw ay naaayon sa katotohanan? Wala ba talagang mga salita ang Diyos maliban sa nasa Biblia? Aalamin ng maikling video na ito ang mga tanong na ito para sa iyo.

Inirekomendang pagbabasa: 2. Bakit Tinatawag ang Diyos sa Iba’t-ibang Pangalan sa Iba’t-ibang Kapanahunan?

Okt 25, 2019

IV Mga Klasikong Salita tungkol sa Biblia

propesiya sa bibliya
Alamin natin ang higit pa tungkol sa mga misteryo ng mga Propesiya sa Biblia na magkakasama.
         1. Sa maraming taon, ang mga kinaugaliang paraan ng paniniwala ng mga tao (ng Kristiyanismo, ang isa sa tatlong pangunahing relihiyon ng mundo) ay ang basahin ang Biblia; ang paglihis mula sa Biblia ay hindi paniniwala sa Panginoon, ang paglihis mula sa Biblia ay paglihis sa pananampalataya, at hidwang paniniwala, at kahit na basahin pa ng mga tao ang ibang mga libro, ang pundasyon ng mga librong ito ay dapat ang pagpapaliwanag sa Bibilia. Na ang ibig sabihin, kung sinasabi mo na naniniwala ka sa Panginoon, dapat mong basahin ang Biblia, dapat mong kainin at inumin ang Biblia, at bukod sa Biblia hindi ka dapat sumamba ng anumang libro na walang kinalaman ang Biblia. Kung gagawin mo iyon, samakatwid pinagtataksilan mo ang Diyos. Mula noong panahong mayroong Biblia, ang pananalig ng mga tao sa Panginoon ay ang paniniwala sa Biblia. Sa halip na sabihing ang mga tao ay nananalig sa Panginoon, mas mabuti pang sabihin na naniniwala sila sa Biblia; sa halip na sabihing nagsimula na silang magbasa ng Biblia, mas mabuti pang sabihing nagsimula na silang maniwala sa Biblia;

Ago 3, 2019

Tagalog Christian Variety Show | "Ang Paglabas sa Biblia" (Crosstalk 2019)


Tagalog Christian Variety Show | "Ang Paglabas sa Biblia" (Crosstalk 2019)


      Nagtatrabaho si Xiang Yang sa isang bahay-iglesia, at gaya ng maraming mga relihiyong mananampalataya, iniisip niyang ang mga salita at gawain ng Diyos ay nasa Biblia, na ang paniniwala sa Panginoon ay nangangahulugang paniniwala sa Biblia, na ang Biblia ang kumakatawan sa Panginoon, at kapag sumusunod siya sa Biblia, makakapasok siya sa kaharian ng langit at magkakamit ng buhay na walang hanggan. Si Brother Zhang Yi, na katatanggap pa lang sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, ay may mga pag-aalinlangan tungkol sa pananaw na ito. Naglaban ang dalawa sa isang nakakatawang debate: Talaga bang nasa Biblia ang lahat ng mga salita at gawain ng Diyos? Talaga bang ang Biblia ang kumakatawan sa Panginoon? Sa pamamagitan ng pag-iingat sa Biblia, makakapasok ba tayo sa kaharian ng langit at magtatamo ng buhay na walang hanggan? Para malaman ang mga sagot, mangyaring panoorin ang Crosstalk na Ang Paglabas sa Biblia.

Abr 28, 2019

Malinaw na ipinropesiya ng Panginoon: “Narito ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo ko” (Pahayag 3:20). Malinaw na kapag nagbalik ang Panginoon, magsasalita Siya at sasambitin ang Kanyang mga salita, at lahat ng nakikinig sa tinig ng Diyos, at sumasalubong sa Panginoon ay madadala sa harap ng Diyos at dadalo sa piging kasama ang Panginoon bago ang sakuna.


Talata ng Biblia para Sanggunian:

Kayo rin naman ay mangagsihanda: sapagka’t sa oras na hindi ninyo iniisip, ang Anak ng tao ay darating” (Lucas 12:40).

Ako’y pumaparitong gaya ng magnanakaw” (Pahayag 16:15).

Narito ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo ko” (Pahayag 3:20).

Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia” (Pahayag 2-3).

Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig, at sila’y aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa akin” (Juan 10:27).

Mga Klasikong Salita Mula sa Diyos:

Ang “pagiging nadagit” ay hindi ang makuha mula sa isang mababang lugar tungo sa isang mataas na lugar gaya ng iniisip ng mga tao. Ito ay isang malaking pagkakamali. Ang pagiging nadagit ay tumutukoy sa Aking pagtatadhana bago pa man at pagpipili. Ito ay nakatutok sa lahat ng Aking naordinahan bago pa man at pinili.

Abr 24, 2019

Mga Salaysay ng Pag-Uusig sa Relihiyon sa China | "Isang Kabataang Puno ng Pagdurusa"

Mga Salaysay ng Pag-Uusig sa Relihiyon sa China | "Isang Kabataang Puno ng Pagdurusa"

Mula noong naluklok sa kapangyarihan sa kalakhang China noong 1949, ang Chinese Communist Party ay walang humpay sa pag-uusig sa relihiyosong pananampalataya. Inaresto at pinatay nito ang mga Kristiyano, pinalayas at inabuso ang mga misyonero na nagtatrabaho sa China, kinumpiska at sinira ang di mabilang na mga kopya ng Biblia, ipinasara at winasak ang mga gusali ng simbahan, at walang tigil sa pagtatangkang alisin ang lahat ng mga bahay-iglesia.

Abr 3, 2019

Ang Masama ay Dapat Parusahan




    Ang pagsisiyasat kung iyong isinasagawa ang pagkamatuwid sa lahat ng iyong ginagawa, at kung minamasdan ng Diyos lahat ng pagkilos mo, ay mga prinsipyo sa pag-uugali ng mga naniniwala sa Diyos. Tatawagin kayong matuwid dahil napalulugod ninyo ang Diyos, at dahil tinatanggap ninyo ang Kanyang pag-aalaga at proteksyon. Sa paningin ng Diyos, lahat ng tumatanggap ng Kanyang pag-aalaga, proteksyon, at pagka-perpekto at mga nakakamit Niya, ay mga matuwid at tinitingnan nang may pagtatangi ng Diyos. Mas tinatanggap ninyo ang mga salita ng Diyos dito at ngayon, mas nagagawa ninyong matanggap at maunawaan ang Kanyang kalooban, at kaya mas maisasabuhay ninyo ang mga salita ng Diyos at masusunod ninyo ang Kanyang mga pamantayan.

Mar 22, 2019

Best Tagalog Christian Movie | "Lumabas Sa Biblia" - Makapagtatamo ba Tayo ng Buhay na Walang Hanggan sa Pagkapit sa Biblia? (Clip 2/2)

Ano ang Biblia? Maraming tao ang nakakaalam na ito ay isang klasiko ng Kristiyanismo, kabilang ang Luma at Bagong Tipan, gayunpaman, kung ano ang nasa loob ng katotohanan ng Biblia, walang sinuman ang maaari itong gawing malinaw. alamin natin ang tungkol sa bibliya.


Clip ng Pelikulang Lumabas Sa Biblia (2) "Makapagtatamo ba Tayo ng Buhay na Walang Hanggan sa Pagkapit sa Biblia?"

Sa mga huling araw, ginagawa ng Makapangyarihang Diyos ang Kanyang gawain at inihahatid ang daan tungo sa buhay na walang hanggan, at sa magtatamo lang tayo ng buhay na walang hanggan sa pagtanggap sa katotohanang ipinahayag ni Cristo sa mga huling araw. Subalit sinasabi ng mga pastor at elder ng mga relihiyon na ang buhay ay nasa loob ng Biblia, at na basta’t sumusunod tayo sa Biblia magtatamo tayo ng buhay na walang hanggan. Ang Biblia ba ang may buhay na walang hanggan, o si Cristo? Noong ginagawa ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawain, ayaw tanggapin ng mga Fariseo ang pagliligtas ng Panginoon base sa pagdadahilan na ang buhay na walang hanggan ay nasa loob ng Biblia, sa gayon ay pinagalitan ng Panginoong Jesus ang mga Fariseo, at sinabi, "Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka’t iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito’y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin. At ayaw kayong magsilapit sa akin, upang kayo’y magkaroon ng buhay" (Juan 5:39-40). Maaari bang katawanin ng Biblia ang pagkakaloob ng Diyos ng buhay sa atin? Maaari ba talaga tayong magtamo ng buhay na walang hanggan sa pagkapit sa Biblia? Sama-sama nating tatalakayin sa videong ito ang mga tanong na ito.

Mar 6, 2019

Tanong 1: Pero sabi mo nagkatawang-tao ang Diyos sa mga huling araw para gawin ang gawaing paghatol. May batayan ba ito sa Biblia, o tinutupad ang anumang mga propesiya sa biblia? Kung walang batayan sa biblia, hindi natin dapat paniwalaan ito kaagad.

Alamin natin ang higit pa tungkol sa mga misteryo ng mga propesiya sa Biblia na magkakasama.



   Sagot: Anumang malalaking insidente ng gawain ng Diyos ay iprinopesiya sa Biblia, at marami-rami rin ang mga propesiyang nauugnay sa pangalawang pagdating ng Panginoong Jesus at gawaing paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Pero dapat nating maintindihan na sinasabi lang ng mga propesiya sa mga tao kung ano ang mangyayari. Paalala ang mga ito para maging mapagmatyag ang mga tao at maghanap at magsiyasat nang mabuti sa mga huling araw, para hindi sila abandonahin o alisin ng Diyos. Iyan lang ang magagawa ng mga propesiya.

Mar 2, 2019

Clip ng Pelikulang (5) "Paano Nagkaroon ng mga Pagkakamali sa Loob ng Biblia?"

Clip ng Pelikulang Ibunyag ang Misteryo Tungkol sa Biblia (5) "Paano Nagkaroon ng mga Pagkakamali sa Loob ng Biblia?"

Maraming naniniwala na ang buong Biblia ay binigyang-inspirasyon ng Diyos, na lubos itong nagmumula sa Banal na Espiritu, at na walang mali ni isang salita. Umaayon ba sa mga tunay na pangyayari ang ganitong klaseng pananaw? Ang Biblia ay isinulat ng mahigit 40 awtor, ang mga nilalaman nito ay itinala at isinaayos ng tao, at hindi tuwirang inihayag ng Banal na Espiritu. Mahirap iwasang ipakita ang mga ideya at pagkakamali ng tao kapag tao ang nagtala at nagsaayos nito.

Ano ang Biblia? Maraming tao ang nakakaalam na ito ay isang klasiko ng Kristiyanismo, kabilang ang Luma at Bagong Tipan, gayunpaman, kung ano ang nasa loob ng katotohanan ng Biblia, walang sinuman ang maaari itong gawing malinaw. alamin natin ang tungkol sa bibliya.

Rekomendasyon:The bible tagalog movies|propesiya sa bibliya


Ene 15, 2019

Gospel Movie Trailer "Ibunyag ang Misteryo Tungkol sa Biblia" | Revealing the Inside Story of Bible


Tagalog Gospel Movie Trailer "Ibunyag ang Misteryo Tungkol sa Biblia" | Revealing the Inside Story of Bible


Si Feng Jiahui ay pastor sa isang bahay-iglesia sa China. Maraming taon siyang nanalig sa Panginoon at noon pa man ay naisip na niya na ang Biblia ay binigyang-inspirasyon ng Diyos, na ito ay dapat sundin ng isang tao sa kanyang pagsampalataya, ang mga salita ng Diyos ay hindi lumilitaw sa labas ng Biblia, at ang paglihis sa Biblia ay maling paniniwala. Pero nitong nakaraang mga taon ang iglesia ay naging mapanglaw at nanlamig ang pananampalataya ng mga nananalig, na naging sanhi ng kanyang malalaking pagdududa.

Dis 16, 2018

Tagalog the bible tagalog movies "Ibunyag ang Misteryo Tungkol sa Biblia" | How Should We Treat the Bible?


The bible tagalog movies "Ibunyag ang Misteryo Tungkol sa Biblia" | How Should We Treat the Bible?


Si Feng Jiahui ay pastor sa isang bahay-iglesia sa China. Maraming taon siyang nanalig sa Panginoon at noon pa man ay naisip na niya na ang Biblia ay binigyang-inspirasyon ng Diyos, na ito ay dapat sundin ng isang tao sa kanyang pagsampalataya, ang mga salita ng Diyos ay hindi lumilitaw sa labas ng Biblia, at ang paglihis sa Biblia ay maling paniniwala.

Nob 30, 2018

Ang Pagsugpo at Pagpapahirap ng Gobyerno ng Tsina sa mga Kristiyano: Ang Matibay na Ebidensya


Ang Pagsugpo at Pagpapahirap ng Gobyerno ng Tsina sa mga Kristiyano: Ang Matibay na Ebidensya


nang umupo sa kapangyarihan ang ateistang Partido Komunista ng Tsina, ipinagpatuloy nito ang matinding pagkalaban sa Diyos at ang pagiging kaaway Niya. Hindi lamang nila binansagan ang Kristiyanismo at Katolisismo bilang "mga kulto," ngunit tinawag din nila ang Biblia bilang aklat ng kulto, hindi mabilang ang mga kinukuha at winawasak nilang kopya. Walang-awa rin nilang binihag ang mga Kristiyano, dahilan para maaresto at mabilanggo ang halos isang milyong mananampalataya. Sa kanila, umabot na ng halos 10,000 katao ang pinahirapan hanggang sa mamatay.

Nob 18, 2018

Bible Movie | "Lumabas Sa Biblia" | Interpreting the Mysteries About the Bible


Best Tagalog Christian Movie | "Lumabas Sa Biblia" | Interpreting the Mysteries About the Bible


Si Wang Yue ay pastor sa isang bahay-iglesia sa China. Buong puso’t kaluluwa siyang nangaral at namuno sa iglesia para sa Panginoon. Pero nang mas lalong nawalan ng mga tao ang kanyang iglesia, lubha siyang nabalisa pero wala siyang nagawa tungkol doon. Habang nagdurusa at nalilito, sinuwerte siyang tanggapin ang ebanghelyo ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos. Nang matamasa niya ang saganang salita ng Diyos, lubos niyang nalaman ang lawak ng pagliligtas ng Kanyang pagliligtas.

Okt 26, 2018

Tagalog Christian Skit "Ang Aking Ama, ang Pastor" A Debate on the Bible Between Father and Daughter


Tagalog Christian Skit "Ang Aking Ama, ang Pastor" A Debate on the Bible Between Father and Daughter

Si Chi  Shou, isang relihiyosong pastor na apatnapu't taon nang nananampalataya sa Panginoon, ay palaging nanghawak sa pananaw na "lahat ng salita at gawain ng Panginoon ay nasa Biblia," at "ang paniniwala sa Panginoon ay hindi maaaring lumihis mula sa Biblia, at ang paniniwala sa Biblia ay nangangahulugang paniniwala sa Panginoon." Noong tinanggap ng kanyang anak na babae ang gawain ng Diyos ng mga huling araw, gumawa sila ng kanyang asawa ng plano para pigilan siya. Sa araw na ito, babalik ang kanyang anak para magpatotoo sa kanila sa ebanghelyo ng pagbabalik ng Panginoon, at nagkaroon ng mainit, matalino, ngunit seryosong pagtatalo ang pamilya …

Okt 10, 2018

Ang Biblia ay isang patotoo sa gawain ng Diyos, napakalaki ng pakinabang nito sa sangkatauhan. Sa pagbabasa ng Biblia, nauunawaan natin na ang Diyos ang Lumikha ng lahat ng bagay, nakikita natin ang kamangha-mangha at makapangyarihang mga gawa, at ang walang-hanggang kapangyarihan ng Diyos. Biblia ay isang talaan ng salita ng Diyos at patotoo ng tao sa Diyos, hindi matatanggap ng isang tao ang buhay na walang hanggan sa pagbabasa ng Biblia. bakit hindi matagpuan sa Biblia ang daan tungo sa buhay na walang hanggan?

Biblia

Sagot: Sa pagbabasa ng Biblia nauunawaan natin na ang Diyos ang Lumikha ng lahat ng bagay at sinisimulan nating makilala ang Kanyang kamangha-manghang mga gawa. Ito ay dahil ang Biblia ay isang patotoo sa unang dalawang yugto ng gawain ng Diyos. Ito ay isang talaan ng mga salita at gawain ng Diyos at ang patotoo ng tao noong Kapanahunan ng Kautusan at Kapanahunan ng Biyaya. Kaya, napakahalaga ng Biblia sa ating pananampalataya. Pag-isipan n’yo ito, kung hindi dahil sa Biblia, paano mauunawaan ng tao ang salita ng Panginoon at makikilala ang Panginoon?

Ago 9, 2018

Ano ang likas na katangian ng problema ng tao kapag hindi niya alam ang kahalagahan ng pangalan ng Diyos at hindi niya tinanggap ang bagong pangalan ng Diyos?

Fariseo, iglesia, Landas, Biblia, Jesus


Nauugnay na mga Salita ng Makapangyarihang Diyos:
Sa bawat panahon, ang Diyos ay magsisimula ng bagong gawain, at sa bawat panahon, magkakaroon ng bagong simula ang mga tao. Kung ang tao ay susunod lamang sa mga katotohanan na "ang Jehovah ang Diyos" at "si Jesus ang Kristo," na mga katotohanan na nagagamit lamang sa isang panahon, sa gayon ang tao ay hindi makakasabay sa gawain ng Banal na Espiritu, at mawawalan ng kakayahang magkamit ng gawain ng Banal na Espiritu. Hindi alintana kung paano gumagawa ang Diyos, ang tao ay sumusunod nang walang pag-aalinlangan, at siya ay sumusunod nang malapitan. Sa paraang ito, paano maaalis ng Banal na Espiritu ang tao? Hindi alintana kung ano ang ginagawa ng Diyos, hangga't ang tao ay tiyak na ito ay gawain ng Banal na Espiritu, at nakikipagtulungan sa gawain ng Banal na Espiritu nang walang pag-aalinlangan, at sinusubukang matupad ang mga atas ng Diyos, paano siya maparurusahan? Hindi huminto ang gawain ng Diyos, hindi natigil ang Kanyang mga yapak, at bago pa man matupad ang Kanyang gawain ng pamamahala, Siya ay palaging maraming ginagawa, at hindi tumigil. Ngunit iba ang tao: Nagkamit lamang ng maliit na gawain ng Banal na Espiritu, itinuring niya na ito ay hindi kailanman magbabago; nagkamit lamang ng maliit na kaalaman, hindi na siya nagpatuloy sa pagsunod sa mga yapak ng bagong gawain ng Diyos; nakakita lamang ng maliit na bahagi ng gawain ng Diyos, dali-daling itinuring na niyang kahoy na imahen ang Diyos, at naniniwala na mananatili sa ganoong anyo ang Diyos sa harap niya, na ganito rin sa nakalipas at sa hinaharap; nagkamit lamang ng mababaw na kaalaman, naging mayabang ang tao at nakalimutan niya ang sarili at nagsimulang ihayag ang disposisyon at pagkatao ng Diyos na hindi talaga umiiral; at nanatili sa isang yugto ng gawain ng Banal na Espiritu, kahit anong uri ng tao ang maghayag ng bagong gawain ng Diyos, hindi ito tinatanggap ng tao. Ito ang mga taong hindi matanggap ang bagong gawain ng Banal na Espiritu; masyado silang maingat, at hindi kayang tumanggap ng mga bagong bagay. Ang mga taong iyon ay naniniwala sa Diyos ngunit tinatanggihan din Siya. Naniniwala ang tao na mali rin ang mga Israelita na "maniwala lamang sa Jehovah at hindi kay Jesus," ngunit karamihan ng mga tao ay "maniwala lamang sa Jehovah at tanggihan si Jesus" at "manabik sa pagbabalik ng Tagapagligtas, ngunit tututulan ang Tagapagligtas na nagngangalang Jesus." Hindi na nakapagtataka, na ang mga tao ay nabubuhay pa rin sa ilalim ng sakop ni Satanas matapos tanggapin ang isang yugto ng gawain ng Banal na Espiritu, at hindi pa rin nakatatanggap ng pagpapala ng Diyos. Hindi ba't ito ang bunga ng pagsuway ng tao? … Ang mga taong ito, na ang tanging sinasambit lamang ay "budhi," at hindi alam ang gawain ng Banal na Espiritu, sa huli ay puputulin ang kanilang mga inaasam-asam dahil sa kanilang mga konsensya. Ang gawain ng Diyos ay hindi sumusunod sa katuruan, at kahit na ito ay Kanyang sariling gawa, hindi pa rin kumakapit ang Diyos dito. Kung ano ang dapat tanggihan ay tanggihan, kung ano ang dapat maalis ay aalisin. Ngunit inilagay pa rin ng tao ang kanyang sarili sa galit ng Diyos sa pamamagitan ng pagkapit sa maliit na bahagi ng gawain ng pamamahala ng Diyos. Hindi ba't nakakatawa ang tao? Hindi ba't ito ang kamangmangan ng tao?
mula sa “Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Hul 24, 2018

Ang Kabuluhan ng Gawain ng Diyos na Mga Salita

Ebanghelyo, Salita ng Diyos, Kaharian, Biblia, Jesus

Nauugnay na mga Salita ng Makapangyarihang Diyos:

Sa Kapanahunan ng Kaharian, ginagamit ng Diyos ang salita upang ihatid ang isang bagong kapanahunan, upang baguhin ang paraan ng Kanyang gawain, at upang gawin ang gawain para sa buong kapanahunan. Ito ang panuntunan ng paggawa ng Diyos sa Kapanahunan ng Salita. Siya ay nagkatawang-tao upang magsalita mula sa iba’t-ibang pananaw, binibigyang-kakayahan ang tao na tunay na makita ang Diyos, na Siyang Salita na nagpapakita sa katawang-tao, at ang Kanyang karunungan at himala. Ang ganoong gawain ay ginagawa upang mas makamit ang mga layunin ng paglupig sa tao, paggawang perpekto sa tao, at pag-aalis sa tao. Ito ang tunay na kahulugan ng paggamit sa salita upang gumawa sa Kapanahunan ng Salita. Sa pamamagitan ng salita, nalalaman ng tao ang gawain ng Diyos, ang disposisyon ng Diyos, ang kakanyahan ng tao, at kung ano ang kailangang pasukin ng tao. Sa pamamagitan ng salita, ang lahat ng gawain na nais isagawa ng Diyos sa Kapanahunan ng Salita ay natutupad. Sa pamamagitan ng salita, nahahayag ang tao, naaalis at sinusubukan. Nakita ng tao ang salita, narinig ang salita, at nabuksan ang kamalayan patungkol sa pag-iral ng salita. Ang bunga nito, naniniwala ang tao sa pag-iral ng Diyos; naniniwala ang tao sa pagiging-makapangyarihan at karunungan ng Diyos, gayundin sa puso ng Diyos para sa pagmamahal sa tao at Kanyang pagnanais na iligtas ang tao. Bagaman ang salitang “salita” ay payak at karaniwan, ang salita mula sa bibig ng Diyos na nagkatawang-tao ay niyayanig ang buong sansinukob; binabago ng Kanyang salita ang puso ng tao, ang mga paniwala at ang lumang disposisyon ng tao, at ang lumang anyo ng buong mundo. Sa pagdaan ng mga kapanahunan, tanging ang Diyos ng kasalukuyan ang gumagawa sa ganoong paraan, at Siya ang tanging nagsasalita at nagliligtas sa tao. Pagkatapos noon, namumuhay ang tao sa ilalim ng patnubay ng salita, inaakay at tinutustusan ng salita; sila ay namumuhay sa mundo ng salita, namumuhay sa gitna ng mga sumpa at mga pagpapala ng salita ng Diyos, at higit pa ay namumuhay sa ilalim ng paghatol at pagkastigo ng salita. Ang mga salita at gawaing ito ay para lahat sa kapakanan ng kaligtasan ng tao, pagkamit sa kalooban ng Diyos, at pagbabago sa orihinal na anyo ng mundo ng unang paglikha. Nilikha ng Diyos ang mundo sa pamamagitan ng salita, pinamumunuan ang mga tao sa buong sansinukob sa pamamagitan ng salita, nilulupig at inililigtas sila sa pamamagitan ng salita. Sa huli, gagamitin Niya ang salita upang dalhin ang buong lumang mundo sa katapusan. Doon lamang ganap na matatapos ang plano sa pamamahala. Sa buong Kapanahunan ng Kaharian, ginagamit ng Diyos ang salita upang gawin ang Kanyang gawain at makamit ang mga bunga ng Kanyang gawain; hindi Siya gumagawa ng kababalaghan o gumaganap ng mga himala: ginagawa lamang Niya ang Kanyang mga gawain sa pamamagitan ng salita. Dahil sa salita, ang tao ay pinalulusog at tinutustusan; dahil sa salita, nagtatamo ang tao ng kaalaman at tunay na karanasan. Ang tao sa Kapanahunan ng Salita ay tunay na nakatanggap ng mga bukod-tanging pagpapala. Ang tao ay hindi nagdurusa ng sakit ng laman at nagtatamasa lamang ng masaganang tustos ng salita ng Diyos; hindi nila kailangang maghanap o maglakbay, at walang kahirap-hirap na nakikita nila ang anyo ng Diyos, naririnig nila Siyang nagsasalita sa kanilang sarili, natatanggap ang Kanyang panustos, at nakikita nila sa kanilang sarili na ginagawa Niya ang Kanyang gawain. Ang tao sa mga nakaraang Kapanahunan ay hindi natamasa ang ganoong mga bagay, at ito ang mga pagpapala na hindi nila kailanman matatanggap.
mula sa “Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Hun 25, 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Ang Kakanyahan ng Katawang-tao na Pinanahanan ng Diyos

relihiyon, Diyos, Salita ng Diyos, Biblia, Jesus
Ang unang nagkatawang-taong Diyos ay nanirahan sa mundo sa loob ng tatlumpu’t-tatlo at kalahating taon, datapwa’t ginampanan Niya ang Kanyang ministeryo sa loob lamang ng tatlo at kalahati sa mga taong iyon. Kapwa sa panahon ng Kanyang paggawa, at bago Niya sinimulan ang Kanyang gawain, Siya ay nagtaglay ng karaniwang katauhan. Nanahan Siya sa Kanyang karaniwang katauhan sa loob ng tatlumpu’t-tatlo at kalahating taon. Sa buong huling tatlo at kalahating taon ibinunyag Niya ang Kanyang sarili bilang ang nagkatawang-taong Diyos. Bago Niya sinimulang gampanan ang Kanyang ministeryo, Nagpakita Siya sa payak, at normal na pagkatao, hindi nagpapakita ng tanda ng Kanyang pagka-Diyos, at ito’y pagkatapos lamang nang sinimulan Niyang pormal na gampanan ang Kanyang ministeryo na ang Kanyang pagka-Diyos ay nahayag. Ang Kanyang buhay at gawain noong panahon ng mga unang dalawampu’t siyam na taon ay nagpakita lahat na Siya ay isang tunay na tao, isang anak ng tao, isang katawang-tao; sapagka’t ang Kanyang ministeryo ay nagsimula lamang umalab matapos ang edad na dalawampu’t-siyam. Ang kahulugan ng pagkakatawang-tao ay na ang Diyos ay nagpapakita sa katawang-tao, at Siya’y naparito upang gumawa sa gitna ng mga tao na Kanyang nilikha sa imahe ng isang katawang-tao. Kaya, para magkatawang-tao ang Diyos, Siya ay dapat munang maging katawang-tao, katawan na may karaniwang katauhan; ito, sa pinakamababa, ay dapat maging totoo. Sa katunayan, ang implikasyon ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay na ang Diyos ay nabubuhay at gumagawa sa katawang-tao, ang Diyos sa Kanyang tunay na diwa ay nagiging laman, nagiging isang tao. Ang Kanyang nagkatawang-taong buhay at gawain ay maaaring hatiin sa dalawang yugto. Ang una ay ang buhay na Kanyang isinasabuhay bago gampanan ang Kanyang ministeryo. Namumuhay Siya sa isang ordinaryong pantaong pamilya, sa lubos na karaniwang katauhan, sumusunod sa karaniwang mga asal at batas ng buhay ng tao, na may karaniwang mga pangangailangan ng tao (pagkain, damit, tirahan, tulugan), karaniwang mga kahinaan ng tao, at karaniwang mga damdamin ng tao. Sa ibang salita, noong unang yugto Siya ay namumuhay bilang di-banal, ganap na karaniwang katauhan, sumasangkap sa lahat ng mga karaniwang gawain ng tao. Ang pangalawang yugto ay ang buhay na Kanyang isinasabuhay matapos simulang gampanan ang Kanyang ministeryo. Siya ay nananahan pa rin sa karaniwang katauhan na may isang karaniwang anyo ng tao, hindi nagpapakita ng panlabas na palatandaan nang higit-sa-karaniwan. Nguni’t Siya ay namumuhay nang dalisay para sa kapakanan ng Kanyang ministeryo, at sa panahong ito ang Kanyang karaniwang katauhan ay umiiral nang ganap sa paglilingkod sa normal na gawain ng Kanyang pagka-Diyos; sapagka’t sa panahong iyon ang Kanyang karaniwang katauhan ay gumulang hanggang sa puntong kaya na Niyang gampanan ang Kanyang ministeryo. Kaya ang ikalawang yugto ng Kanyang buhay ay upang gampanan ang Kanyang ministeryo sa Kanyang karaniwang katauhan, ay isang buhay na parehong karaniwang katauhan at ganap na pagka-Diyos. Sa kadahilanang, sa panahon ng unang yugto ng Kanyang buhay, Siya ay nabubuhay sa ganap na karaniwang pagkatao at ang Kanyang katauhan ay hindi pa katumbas ng kabuuan ng banal na gawa, ay hindi pa magulang; matapos lamang na ang Kanyang pagiging tao ay gumulang, magkaroon ng kakayahang pasanin ang Kanyang ministeryo, maaari Niyang simulang gampanan ang Kanyang ministeryo. Dahil Siya, bilang katawang-tao, ay kailangang lumago at gumulang, ang unang yugto ng Kanyang buhay ay karaniwang pagkatao, samantalang sa pangalawang yugto, dahil ang Kanyang pagkatao ay may kakayahang isabalikat ang Kanyang gawain at gampanan ang Kanyang ministeryo, ang buhay na ipinamumuhay ng nagkatawang-taong Diyos sa panahon ng Kanyang ministeryo ay isa na parehong pagkatao at ganap na pagka-Diyos. Kung mula sa sandali ng Kanyang kapanganakan ang nagkatawang-taong Diyos ay nagsimula ng Kanyang ministeryo nang maalab, gumaganap ng higit-sa-karaniwan na mga tanda at mga himala, kung gayon Siya ay hindi magkakaroon ng mala-pisikal na kakanyahan. Samakatuwid, ang Kanyang pagiging tao ay umiiral para sa kapakanan ng Kanyang mala-pisikal na kakanyahan; hindi magkakaroon ng laman kung walang katauhan, at ang isang persona na walang katauhan ay hindi isang tao. Sa ganitong paraan, ang katauhan ng laman ng Diyos ay tunay na pagmamay-ari ng katawang-taong laman ng Diyos. Ang pagsasabi na “kapag ang Diyos ay nagiging laman Siya ay ganap na banal, ay hindi talaga tao,” ay isang kalapastanganan, dahil ito ay isang imposibleng paninindigan na mapangangatawanan, isa na lumalabag sa alituntunin ng pagkakatawang-tao. Kahit pagkatapos Niyang simulang gampanan ang Kanyang ministeryo, ang Kanyang pagka-Diyos ay nananahan pa rin sa panlabas na balat ng tao kapag ginagawa Niya ang Kanyang gawain; ito ay dahil nang panahong iyon, ang Kanyang pagkatao ay naglilingkod sa tanging layunin ng pagpapahintulot sa Kanyang pagka-Diyos na gampanan ang gawain sa normal na laman. Kaya ang kumakatawan ng gawain ay ang pagka-Diyos na nananahan sa Kanyang katauhan. Ang Kanyang pagka-Diyos, hindi ang Kanyang pagkatao, ang nasa gawain, datapwa’t ito ay isang pagka-Diyos na nakatago sa loob ng Kanyang pagkatao; ang Kanyang gawain sa katunayan ay tinutupad sa pamamagitan ng Kanyang ganap na pagka-Diyos, hindi sa pamamagitan ng Kanyang pagkatao. Nguni’t ang tagaganap ng gawain ay ang Kanyang katawang-tao. Maaaring sabihin ng isa na Siya ay isang tao at isa ring Diyos, sapagka’t ang Diyos ay nagiging isang Diyos na namumuhay sa katawang-tao, may balat ng tao at diwa ng tao nguni’t mayroon ding diwa ng Diyos. Sapagka’t Siya ay isang tao na may diwa ng Diyos, Siya ay nasa itaas ng sinumang nilikhang tao, sa itaas ng sinumang tao na kayang gampanan ang gawain ng Diyos. Kaya, sa lahat ng may balat ng taong kagaya Niya, sa lahat ng nagtataglay ng katauhan, tanging Siya lamang ang nagkatawang-taong Diyos Mismo -- lahat ng iba ay nilikhang mga tao. Kahit lahat sila ay may katauhan, ang mga nilikhang tao ay walang iba kundi tao, habang ang Diyos na nagkatawang-tao ay naiiba: Sa Kanyang laman hindi lamang pagkatao ang mayroon Siya ngunit higit na mas mahalaga ay mayroong pagkadiyos. Ang Kanyang pagkatao ay makikita sa panlabas na anyo ng Kanyang laman at sa Kanyang pang-araw-araw na buhay, nguni’t ang Kanyang pagka-Diyos ay mahirap matalos. Dahil ang Kanyang pagka-Diyos ay naipapahayag lamang kapag Siya ay may katauhan, at hindi bilang higit-sa-karaniwan na naguguni-guni ng tao tungkol dito, ito ay lubhang mahirap para sa mga tao na makita. Kahit ngayon ito ay lubos na mahirap para sa mga tao na arukin ang totoong kakanyahan ng nagkatawang-taong Diyos. Sa katunayan, kahit pagkatapos Kong magsalita tungkol dito nang ganoong kahaba, Inaasahan Ko na ito ay isa pa ring misteryo sa karamihan sa inyo. Ang isyung ito ay napaka-simple: Yamang ang Diyos ay naging laman, ang Kanyang kakanyahan ay isang kumbinasyon ng pagkatao at pagka-Diyos. Ang kumbinasyong ito ay tinatawag na Diyos Mismo, ang Diyos Mismo sa lupa.

May 24, 2018

Pag-alam sa Layunin at Kahalagahan ng Bawat Isa sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang gawain na ginawa ni Jehova sa mga Israelita ay itinatag sa gitna ng sangkatauhan ang lugar na pinagmulan ng Diyos, na siya ring banal na lugar kung saan Siya naroon. Nilimitahan Niya ang Kanyang gawain sa bayan ng Israel. Noong una, hindi Siya gumawa sa labas ng Israel; sa halip, pinili Niya ang isang bayan na natagpuan Niyang angkop upang itakda ang sakop ng Kanyang gawain. Ang Israel ang lugar kung saan nilikha ng Diyos si Adan at Eba, at mula sa alabok sa lugar na iyon nilikha ni Jehova ang tao; ang lugar na ito ay naging himpilan ng Kanyang gawain sa daigdig. Ang mga Israelita, na siyang mga inapo ni Noe at mga inapo din ni Adan, ay ang mga pantaong saligan ng gawain ni Jehova sa daigdig.

May 21, 2018

Hinggil sa mga Pangalan at Pagkakakilanlan

ebanghelyo, Biblia, Jehovah, Jesus, Espiritu


    Kung nais mong maging karapat-dapat na magamit ng Diyos, dapat mong malaman ang gawain ng Diyos; dapat mong malaman ang gawain na Kanyang isinagawa noon (sa Bago at Lumang Tipan), at, higit sa lahat, dapat mong malaman ang Kanyang gawain ngayon. Ang ibig sabihin, dapat mong malaman ang tatlong yugto ng gawain ng Diyos sa loob ng 6,000 na taon. Kung ikaw ay inatasang magpalaganap ng ebanghelyo, hindi mo ito magagawa nang hindi nalalaman ang gawain ng Diyos. Magtatanong sa iyo ang mga tao tungkol sa Biblia, at ang Lumang Tipan, at kung ano ang sinabi at ginawa ni Jesus sa panahong iyon. Sasabihin nila, “Hindi ba kayo sinabihan ng Diyos ninyo tungkol dito? Kung hindi Niya (ang Diyos) masabi sa inyo kung ano talaga ang nagaganap sa Biblia, Siya ay hindi Diyos; kung kaya Niya, kami ay makukumbinsi.” Sa simula, nangusap si Jesus tungkol sa Lumang Tipan sa Kanyang mga disipulo. Ang lahat ng kanilang nabasa ay mula sa Lumang Tipan; ang Bagong Tipan ay nasulat lamang ilang dekada pagkatapos ng pagkakapako sa krus ni Jesus. Upang mapalaganap ang ebanghelyo, dapat ninyong maunawaan una sa lahat ang katotohanang panloob ng Biblia, at ang gawain ng Diyos sa Israel, na ang ibig sabihin ay ang gawaing isinagawa ni Jehova. At dapat din ninyong maintindihan ang gawaing isinagawa ni Jesus. Ito ang mga isyung pinaka-aalala ng lahat ng tao, at sila ay hindi nagtataglay ng pang-unawa[a] sa dalawang yugto ng gawain na ito. Sa pagpapalaganap ng ebanghelyo, isantabi muna ang usapan tungkol sa gawain ng Banal na Espiritu ngayon. Ang yugto ng gawaing ito ay hindi abot ng kanilang kakayanan, dahil ang inyong hinahanap ay ang pinakamatayog sa lahat: ang kaalaman sa Diyos at ang kaalaman sa gawain ng Banal na Espiritu, at walang higit na itinataas maliban sa dalawang ito. Kung una mong sasabihin kung ano ang matayog, ito ay magiging labis para sa kanila, dahil walang sinuman sa kanila ang nakaranas sa ganoong gawain ng Banal na Espiritu; wala itong pamamarisan, at hindi madali para sa tao na ito ay tanggapin. Ang kanilang mga karanasan ay mga lumang bagay mula sa nakaraan, na mayroong mga paminsan-minsang gawain ng Banal na Espiritu. Ang naranasan nila ay hindi ang gawain ng Banal na Espiritu ngayon, o ang kalooban ng Diyos ngayon. Sila ay kumikilos pa rin ayon sa mga lumang pamamaraan, na walang bagong liwanag, o bagong mga bagay.

"Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" | Sipi 14

Ang bawa’t yugto ng gawain ng Banal na Espiritu ay kasabay na nangangailangan ng patotoo ng tao. Ang bawa’t yugto ng gawain ay isang p...