Kidlat ng Silanganan

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Tanong at Sagot ng Ebanghelyo. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Tanong at Sagot ng Ebanghelyo. Ipakita ang lahat ng mga post

Ago 4, 2020

Bakit sinabi na ang tiwaling sangkatauhan ay dapat maligtas ng nagkatawang-taong Diyos? Ito ang isang bagay na hindi nauunawaan ng karamihan sa mga tao—mangyaring magbahagi tungkol dito.


Sagot:

Kaya kailangang iligtas ang tiwaling sangkatauhan sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay dahil ang katawan ng tao ay lubusan nag nalinlang at nagawang tiwali ni Satanas. Ang buong sangkatauhan ay nabubuhay sa ilalim ng pamamahala ni Satanas, hindi nila matukoy ang pagkakaiba ng mabuti sa masama, kagandahan sa kapangitan. Hindi nila masabi ang pagkakaiba ng positibo sa negatibo. Nabubuhay sila ayon sa pilosopiya, batas at likas na pagkatao ni Satanas, sila ay mayabang, mapagmagaling, walang ingat, at walang kinikilalang batas.

Hul 22, 2020

Bakit sinasabi na ginagawang ganap ng dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ang kabuluhan ng pagkakatawang-tao?



Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“Ay gayon din naman si Cristo, na inihandog na minsan upang dalhin ang mga kasalanan ng marami, sa ikalawa’y pakikita na hiwalay sa kasalanan, sa ikaliligtas ng mga nagsisipaghintay sa kaniya” (Mga Hebreo 9:28).

Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios” (Juan 1:1).

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang unang pagkakatawang-tao ay upang tubusin ang tao mula sa kasalanan sa pamamagitan ng katawang-tao ni Jesus, iyon ay, iniligtas Niya ang tao mula sa krus, nguni’t ang tiwaling maka-satanas na disposisyon ng tao ay nanatili pa rin sa loob ng tao. Ang ikalawang pagkakatawang-tao ay hindi na upang magsilbing handog para sa kasalanan kundi upang lubos na iligtas yaong mga taong tinubos mula sa kasalanan.

Hul 9, 2020

Paano winawakasan ng pagkakatawang-tao ng Diyos para gawin ang gawain ng paghatol ang kapanahunan ng pananalig ng sangkatauhan sa malabong Diyos at ang madilim na kapanahunan na sakop ni Satanas?


Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“At mangyayari sa mga huling araw, na ang bundok ng bahay ni Jehova ay matatatag sa taluktok ng mga bundok, at magiging mataas sa mga burol; at lahat ng bansa ay magsisiparoon doon. At maraming bayan ay magsisiyaon at mangagsasabi, Halina kayo, at tayo’y magsiahon sa bundok ni Jehova, sa bahay ng Dios ni Jacob; at tuturuan niya tayo ng kaniyang mga daan, at tayo’y magsisilakad sa kaniyang mga landas: sapagka’t mula sa Sion ay lalabas ang kautusan, at ang salita ni Jehova ay mula sa Jerusalem.

Hul 1, 2020

Ano ang pagkakatawang-tao? Ano ang diwa ng pagkakatawang-tao?


Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios” (Juan 1:1).

“At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan” (Juan 1:14).

May 31, 2020

Tinubos ng Diyos ang sangkatauhan sa Kapanahunan ng Biyaya, kaya bakit kailangan pa rin Niyang gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw?



Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“Sundin ninyo ang kapayapaan sa lahat ng mga tao, at ang pagpapakabanal na kung wala ito’y sinoman ay di makakakita sa Panginoon” (Mga Hebreo 12:14).

At kung ang sinomang tao’y nakikinig sa aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi ko siya hinahatulan: sapagka’t hindi ako naparito upang humatol sa sanglibutan, kundi upang iligtas ang sanglibutan. Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya’y hahatol sa huling araw” (Juan 12:47–48).

May 16, 2020

Ang pangako ng Panginoon ay darating Siyang muli upang dalhin tayo sa kaharian ng langit, pero nagpapatotoo ka na nagkatawang-tao na ang Panginoon para gawin ang paghatol sa mga huling araw. Malinaw ang mga propesiya ng Biblia na ang Panginoon ay bababa nang may kapangyarihan at malaking kaluwalhatian sa mga ulap. Medyo kaiba ito sa pinatotohanan mo, na ang Panginoon ay nagkatawang-tao na at lihim na bumaba sa mga tao.



Sagot: Sinasabi mo na nangako ang Panginoon sa tao na Siya ay muling darating upang dalhin ang tao sa kaharian ng langit, sigurado ito, dahil matapat ang Panginoon, tutuparin Niya ang Kanyang mga pangako. Pero kailangan muna nating linawin na ang muling pagdating ng Panginoon sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao sa mga huling araw para sa gawain ng paghatol ay may direktang kaugnayan sa kung paano tayo dadalhin sa kaharian ng langit. Kung pag-aaralan nating mabuti ang Biblia, hindi mahirap hanapin ang katibayan nito. Sa ilang talata mula sa Biblia, malinaw na nakapropesiya na ang ikalawang pagdating ng Diyos ay ang pagkakatawang-tao. Halimbawa: “Kayo rin naman ay mangagsihanda: sapagka’t sa oras na hindi ninyo iniisip, ang Anak ng tao ay darating” (Lucas 12:40).

May 6, 2020

Ang Madalas na Pangyayari ng mga Kalamidad: Alam Mo Ba Kung Paano Magpapakita ang Panginoon at Gagawa sa Kanyang Ikalawang Pagparito?



Ni Gensui, South Korea

Kapag ang ilang mga tao ay nagpapatotoo na ang Diyos ay naging laman at isinagawa ang gawain ng paghatol sa mga huling araw, maraming mga kapatid ang hindi matanggap ito, iniisip na kapag ang Panginoon ay bumalik, Siya ay darating sa mga puting ulap bilang muling nabuhay na espirituwal na katawan at hayag na magpapakita sa tao, at hindi Siya posibleng darating sa laman bilang Anak ng tao, sapagkat sinasabi ng Bibliya, “At kung magkagayo’y lilitaw ang tanda ng Anak ng tao sa langit: at kung magkagayo’y magsisitaghoy ang lahat ng mga angkan sa lupa, at mangakikita nila ang Anak ng tao na napaparitong sumasa mga alapaap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian” (Mateo 24:30).

Abr 21, 2020

Paraan Upang Dinggin ng Diyos ang Ating Panalangin sa Araw-araw



Ni Guoshi, Tsina

Mga kapatid:

Umaasa tayong lahat na diringgin at tatanggapin ang mga panalangin natin, pero maraming mga kapatid ngayon ang nababagabag sa katotohanang hindi dinirinig o tinatanggap ang kanilang mga panalanginKaya, pa’no tayo magdadasal nang naaayon sa kalooban ng Diyos para pakinggan ng Panginoon ang ating mga panalangin?

Mar 20, 2020

Pag di natin tinanggap ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos, magagawa ba talaga natin ang kalooban ng Ama sa langit? Makakapasok ba tayo talaga sa kaharian ng langit?


Pag di natin tinanggap ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos, magagawa ba talaga natin ang kalooban ng Ama sa langit? Makakapasok ba tayo talaga sa kaharian ng langit?


Sagot: Pag ang tinatanggap lang ng mga tao ay ang pagtubos ng Panginoong Jesus noong Kapanahunan ng Biyaya, pero hindi nila tinatanggap ang paghatol at pagkastigo ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, Hindi sila makakalaya mula sa kasalanan, hindi nila magagawa ang kalooban ng Ama sa langit, at hindi sila makakapasok sa kaharian ng Diyos. Walang duda ‘yan! Kasi noong Kapanahunan ng Biyaya, ginawa ng Panginoong Jesus ang pagtubos.

Peb 21, 2020

Ano ang Kahulugan ng “Pagdala Bago Ang Mga Kalamidad”? Ano ang Kahulugan ng “Mga Nagawang Mananagumpay Bago Ang Mga Kalamidad”?


Kamusta mga kapatid sa Espirituwal Q&A,

Narito tayo ngayon sa huling yugto ng mga huling araw, nakita ko sa balita na ang lahat ng mga uri ng kalamidad ay palawak ng palawak ang nasasakop, at kung madadala o hindi ako bago ang mga sakuna at magawang isa sa mga mananagumpay bago ang mga sakuna ay pangunahing isyu para sa akin. Ang aking opinyon tungkol sa dalawang isyu na ito ay, hangga’t nananatili tayo sa pangalan ng Panginoon kahit na anong mangyari, nagsisikap tayo para sa Panginoon at hindi tumatalikod habang pinagdadaanan natin ang lahat ng uri ng mga paghihirap, kung gayon maaari tayong maging mananagumpay. At kapag dumating ang mga sakuna, maaari tayong madala sa kalangitan upang makipagkita sa Panginoon at tamasahin ang Kanyang pangako.

Peb 18, 2020

Pag-imbestiga sa Kidlat ng Silanganan | Mga Palatandaan ng Pagbabalik ni Cristo: 5 mga Propesiya sa Bibliya Natupad na



Mabilis na Pag-navigate

1. Pagsulpot ng Giyera, Taggutom at mga Lindol
2. Ang Pagpapanumbalik ng Israel
3. Ipapangaral ang Ebanghelyo sa Bawat Sulok ng Mundo
4. Sasagana ang Katampalasanan at ang Pag-ibig ng mga Mananampalataya ay Lalamig

Nalalapit na tayo sa katapusan ng mga huling araw, at marami sa ating mga kapatid na matiyagang naniniwala sa Diyos at naghihintay sa Kanyang muling pagbabalik ay malamang na iniisip ang tanong na ito: Ang sabi ng Panginoong Jesus sa Kabanta 22 bersikulo 12 ng Apocalipsis, “Narito, ako’y madaling pumaparito.” Ipinangako sa atin ng Panginoon na darating Siyang muli sa mga huling araw, kung ganoon ay nagbalik na ba Siya?

Peb 3, 2020

Mga patotoo't karanasan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | "Ang Paraan ng Pag-uugali ng Tao"


Tagalog Christian Movies  "Ang Paraan ng Pag-uugali ng Tao" (Full Christian Movie)


Simula pagkabata, tinuruan si Cheng Jianguang ng kanyang mga magulang at guro na ang mga patakarang tulad ng "Ang pagkakasundo'y kayamanan, pagtitimpi'y kabanalan," "Ang pananahimik sa mali ng mabuting kaibigan ay nagpapatagal sa samahan," "Kung mayroon mang mali, magsalita na lang ng kaunti" ang mga batong pansuri sa pagpapanatili ng mabuting ugnayan sa ibang tao. Isinapuso niya ang mga aral na ito, at natutuhan niyang huwag kailan man saktan ang kalooban ng iba sa kanyang mga gawa at salita, at palaging pangalagaan ang kanyang kaugnayan sa iba, kaya nakilala siya bilang "mabuting tao" ng mga nasa paligid niya. Pagkatapos niyang tanggapin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, nalaman ni Cheng Jianguang mula sa salita ng Diyos na tanging sa paghahanap ng katotohanan at pagiging tapat niya makakamit ang pagsang-ayon ng Diyos at mapagkakalooban ng kaligtasan ng Diyos,

Dis 23, 2019

Pagsunod sa kalooban ng Diyos - Talikuran natin ang iba pa, ipangaral ang ebanghelyo ng Panginoon, at patnubayan ang iglesia. Ganitong pagsusumikap ang paraan para maisagawa ang kalooban ng Ama sa langit. May mali ba sa ginagawa nating ito?

Sagot: Hindi komo ipinapangaral n’yo ang ebanghelyo ng Panginoon at nagsisikap kayo para sa Kanya ay ginagawa n’yo na ang kalooban ng Ama sa langit. Para magawa talaga ang kalooban ng Ama sa langit, kailangang sundin ng tao ang daan ng Panginoon at ang Kanyang mga utos. Kailangan gawin ng tao ang kanyang tungkulin ayon sa hinihiling ng Panginoon. Tulad ng sabi ng Panginoong Jesus, “Iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pagiisip mo. Ito ang dakila at pangunang utos. At ang pangalawang katulad ay ito, Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili” (Mateo 22:37-39). Pagdating sa kalooban ng Ama sa langit, ang pinakamahalagang kailangang gawin ay sundin at isabuhay ang mga salita ng Panginoong Jesus sa ngayon. Ito ang pinakapangunahing prinsipyo.Kung hindi nakatuon ang tao sa pagsunod sa mga salita ng Panginoong Jesus at sa halip ay nakatuon sa pagsunod sa mga salita ng tao sa Biblia, hindi nila ginagawa ang kalooban ang Ama sa langit. Ang paggawa ng kalooban ng Ama sa langit ay pagsunod sa mga salita ng Diyos. Laging pinupuri ng mga tao ang mga salita ng mga apostol sa Biblia sa halip na purihin at patotohanan ang mga salita ng Panginoong Jesus Mismo. Sa paggawa nito, hindi nila ginagawa ang kalooban ng Diyos. Sa halip, kinalaban nila Siya. Ang mga gumagawa sa kalooban ng Diyos ay nasusunod ang Diyos, naisasabuhay ang kanyang mga salita, natatanggap ang Kanyang utos, at nagpapatotoo sa Diyos, anuman ang Kanyang sabihin o gawin. At hindi na sila naghihimagsik o kumakalaban sa Diyos. Sila ang pinupuri ng Diyos. Tingnan n’yo si Abraham, halimbawa, nasunod niya ang mga salita ng Diyos. Kusang-loob niyang ibinalik ang kanyang kaisa-isang mahal na anak sa Diyos. Ginantimpalaan ng Diyos si Abraham sa kanyang ganap na pagsunod. Pinagpala Niya ang mga inapo ni Abraham, pinayagan sila kalaunan na maging mga dakilang bansa. Ang isa pang halimbawa ay si Job. Sinamba niya ang Diyos at lumayo siya sa kasamaan. Sa kanyang mga pagsubok, nang bawiin ang kanyang kayamanan at mga anak, isinumpa niya ang kanyang sarili sa halip na sisihin ang Diyos; patuloy niyang binasbasan ang banal na pangalan ng Diyos na si Jehova. Kung gayon, isa siyang perpektong tao sa mga mata ng Diyos. Isa pa ring halimbawa si Pedro. Buong buhay niyang sinunod ang Panginoong Jesus, na inaasam at hinahanap ang katotohanan. Matapos tanggapin ang utos ng Panginoon, ginabayan niya ang iglesia, na mahigpit na sinusunod ang mga ipinagagawa ng Panginoon. Kalaunan nasunod niya ang Diyos hanggang kamatayan at minahal Siya nang higit sa lahat. Lahat sila ay sumunod at sumamba sa Diyos. Ganitong mga tao ang tunay na gumagawa ng kalooban ng Ama sa langit. Pag sinabi mo na ang pagsusumikap para sa Panginoon ay pagsasagawa ng kalooban ng Ama sa langit, bakit, matapos maglakbay ang mga Fariseo sa mga lupain at karagatan para ipangaral ang ebanghelyo at magsumikap, hinatulan at isinumpa sila ng Panginoong Jesus? Dahil ‘yan sa nanalig sila sa Diyos pero hindi nila sinundan ang Kanyang daan. Nang dumating ang Panginoong Jesus para gumawa ng bagong gawain, hindi lang ito tinanggihan ng mga Fariseo, pinamunuan pa nila ang lahat ng Judio na pikit-matang tuligsain at kalabanin ang Panginoong Jesus. Nagbahagi pa sila ng mga maling patotoo laban sa Kanya. Lahat ng ginawa nila ay pagkakanulo sa daan ng Panginoon; itinuring nilang kaaway ang Panginoong Jesus. Kahit sobra ang paghihirap at pagsusumikap ng mga taong ito, pa’no natin masasabi na ginagawa nila ang kalooban ng Ama sa langit?

mula sa iskrip ng pelikulang Masasakit na Alaala

Okt 17, 2019

Ang pangako ng Panginoon ay darating Siyang muli upang dalhin tayo sa kaharian ng langit, pero nagpapatotoo ka na nagkatawang-tao na ang Panginoon para gawin ang paghatol sa mga huling araw. Malinaw ang mga propesiya ng Biblia na ang Panginoon ay bababa nang may kapangyarihan at malaking kaluwalhatian sa mga ulap. Medyo kaiba ito sa pinatotohanan mo, na ang Panginoon ay nagkatawang-tao na at lihim na bumaba sa mga tao.

Sagot: Sinasabi mo na nangako ang Panginoon sa tao na Siya ay muling darating upang dalhin ang tao sa kaharian ng langit, sigurado ito, dahil matapat ang Panginoon, tutuparin Niya ang Kanyang mga pangako. Pero kailangan muna nating linawin na ang muling pagdating ng Panginoon sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao sa mga huling araw para sa gawain ng paghatol ay may direktang kaugnayan sa kung paano tayo dadalhin sa kaharian ng langit. Kung pag-aaralan nating mabuti ang Biblia, hindi mahirap hanapin ang katibayan nito. Sa ilang talata mula sa Biblia, malinaw na nakapropesiya na ang ikalawang pagdating ng Diyos ay ang pagkakatawang-tao. Halimbawa: “Kayo rin naman ay mangagsihanda: sapagka’t sa oras na hindi ninyo iniisip, ang Anak ng tao ay darating” (Lucas 12:40). “Sapagka’t gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa kaniyang kaarawan. Datapuwa’t kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito” (Lucas 17:24-25). Lahat ng mga propesiyang ito ay tungkol sa “Anak ng tao” o “dumarating ang Anak ng tao.” Ang katagang “ang Anak ng tao” ay tumutukoy sa Isang isinilang sa tao at may normal na pagkatao. Kaya’t ang Espiritu ay hindi maaaring tawaging Anak ng tao. Halimbawa, dahil ang Diyos na Jehova ay Espiritu, hindi Siya matatawag na “ang Anak ng tao.” Ang ilang tao ay nakakita ng mga anghel, ang mga anghel ay espirituwal na nilalang din, kaya hindi sila matatawag na Anak ng tao. Lahat ng may anyo ng tao ngunit binubuo ng mga espirituwal na katawan ay hindi matatawag na “ang Anak ng tao.” Ang nagkatawang-tao na Panginoong Jesus ay tinawag na “ang Anak ng tao” at “Cristo” dahil Siya ang nagkatawang-taong Espiritu ng Diyos at sa gayon ay naging karaniwan at normal na tao, nabubuhay na kapiling ang ibang mga tao. Kaya’t nang sinabi ng Panginoong Jesus na “ang Anak ng tao” at “dumarating ang Anak ng tao,” tinutukoy Niya ang pagdating ng Diyos na magkakatawang-tao sa mga huling araw. Lalo na nang sinabi Niyang, “kailangan muna Siyang magdusa ng maraming bagay, at tanggihan ng salinlahing ito.” patunay lamang ito na kapag muling dumating ang Panginoon, Siya ay darating sa pagkakatawang-tao. Kung hindi Siya dumating sa laman at sa halip ay bilang espirituwal na katawan, tiyak na wala Siyang daranasing anumang pagdurusa at tiyak na hindi tatanggihan ng henerasyong ito, walang duda iyan. Kaya, ang pagbabalik ng Panginoong Jesus ay tiyak na sa anyo ng pagkakatawang-tao at dumarating para gawin ang paghatol sa mga huling araw.

Set 13, 2019

4. Paano Mo Masasabi ang Kaibhan ng Tunay na Daan sa mga Maling Daan, at ng Tunay na Simbahan sa mga Maling Simbahan?


Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ano ang pinaka-pangunahing prinsipyo sa paghahanap sa tunay na daan? Kailangan mong tingnan kung naroon ang gawain ng Banal na Espiritu o wala, sa ganitong paraan, kung ang mga salitang ito ay pagpapahayag ng katotohanan o hindi, sino ang pinatototohanan, at kung ano ang maidudulot nito sa iyo. Ang pag-alam ng pagkakaiba sa pagitan ng tunay na daan at maling daan ay nangangailangan ng maraming aspeto ng pangunahing kaalaman, kung saan ang pinakasaligan ay ang pagsasabi kung naroon ang gawain ng Banal na Espiritu o wala. Sapagka’t ang sangkap ng paniniwala ng tao sa Diyos ay ang paniniwala sa Espiritu ng Diyos, at kahit ang paniniwala niya sa Diyos na nagkatawang-tao ay dahil sa ang katawang-tao na ito ay ang pagsasakatawan ng Espiritu ng Diyos, na nangangahulugan na ang gayong paniniwala ay paniniwala pa rin sa Espiritu.

Set 3, 2019

2. Paano Mo Dapat Tukuyin ang Pagkakaiba ng Gawain ng Banal na Espiritu sa Gawain ng Masasamang Espiritu?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Hindi inuulit ng Diyos ang Kanyang gawain, hindi Siya gumagawa ng gawaing hindi-makatotohanan, hindi Siya nag-aatas ng labis-labis sa tao, at hindi Siya gumagawa ng higit sa katinuan ng tao. Ang lahat ng Kanyang ginagawa ay napapaloob lamang sa hangganan ng normal na katinuan ng tao, at hindi lumalampas sa katinuan ng normal na pagkatao, at ang Kanyang gawain ay naaayon sa mga karaniwang iniatas sa tao. Kung ito ang gawain ng Banal na Espiritu, ang tao ay nagiging lalong higit na normal, at ang kanyang pagkatao ay nagiging lalong higit na normal. Ang tao ay may dumaraming kaalaman sa kanyang satanikong tiwaling disposisyon, at ng kakanyahan ng tao, at mayroon siyang higit na pananabik sa katotohanan.

Ago 24, 2019

2. Talaga bang Anak ng Diyos si Cristo o Siya Mismo ang Diyos?


Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“Sinabi sa kaniya ni Felipe, Panginoon, ipakita mo sa amin ang Ama, at sukat na ito sa amin. Sinabi sa kaniya ni Jesus: “Malaon nang panahong ako’y inyong kasama, at hindi mo ako nakikilala, Felipe? ang nakakita sa akin ay nakakita sa Ama; paanong sinasabi mo, Ipakita mo sa amin ang Ama? Hindi ka baga nananampalataya na ako’y nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin? ang mga salitang aking sinasabi sa inyo’y hindi ko sinasalita sa aking sarili: kundi ang Ama na tumatahan sa akin ay gumagawa ng kaniyang mga gawa. Magsisampalataya kayo sa akin na ako’y nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin: o kungdi kaya’y magsisampalataya kayo sa akin dahil sa mga gawa rin” (Juan 14:8-11).

“Ako at ang Ama ay iisa” (Juan 10:30).

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Hul 17, 2019

Kailangang maunawaan ng isang tao na lahat ng katotohanang ipinahayag ng Diyos sa mga huling araw ang daan tungo sa buhay na walang hanggan.

Salita ng Diyos, Katotohana,Langit

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating” (Juan 16:12-13).

Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia. Ang magtagumpay ay hindi parurusahan ng ikalawang kamatayan” (Pahayag 2:11).

At ipinakita niya sa akin ang isang ilog ng tubig ng buhay, na maningning na gaya ng bubog, na lumalabas sa luklukan ng Dios at ng Cordero, Sa gitna ng lansangang yaon. At sa dako rito ng ilog, at sa ibayo nito, naroon ang punong kahoy ng buhay, na namumunga ng labingdalawang iba’t ibang bunga, na namumunga sa bawa’t buwan: at ang mga dahon ng punong kahoy ay pangpagaling sa mga bansa” (Pahayag 22:1-2).

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Hul 3, 2019

Ang Kaibahan sa Pag-itan ng Pagsunod sa Diyos at Pagsunod sa Mga Tao.

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang pangunahing kahalagahan ng pagsunod sa Diyos ay na ang lahat ay dapat alinsunod sa mga salita ng Diyos ngayon: Maging ikaw ay naghahangad ng pagpasok sa buhay o ang katuparan ng kalooban ng Diyos, ang lahat ay dapat nakasentro sa mga salita ng Diyos ngayon. Kung ang iyong pakikipag-isa at hinahangad ay hindi nakasentro sa palibot ng mga salita ng Diyos ngayon, kung gayon isa kang estranghero sa mga salita ng Diyos, at ganap na nawalan ukol sa gawain ng Banal na Espiritu.

mula sa “Alamin ang Pinakabagong Gawain ng Diyos at Sumunod sa Mga Yapak ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Hun 29, 2019

Paano Mo Masasabi ang Kaibahan sa Pag-itan ng Totoong Cristo at mga Bulaang Cristo?



Kristo,Kristiyanismo

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang Diyos na nagkatawang-tao ay tinawag na Cristo, at ang Cristo na kayang magbigay ng katotohanan sa tao ay tinawag na Diyos. Walang kalabisan tungkol dito, sapagkat Siya ang may taglay ng sangkap ng Diyos, at may taglay ng disposisyon ng Diyos, at may katalinuhan sa Kanyang gawain, na hindi kayang abutin ng tao. Sila na itinuturing ang sarili nila bilang Cristo, ngunit hindi kayang gawin ang gawain ng Diyos ay mga mapanlinlang. Si Cristo ay hindi lang ang pagpapakita ng Diyos sa lupa, ngunit sa halip, ang partikular na katawang-tao na kinuha ng Diyos habang ginagawa Niya at tinatapos ang Kanyang gawain sa sangkatauhan. Itong katawang-tao na ito ay hindi kayang palitan ng kahit na sinong tao lang, kundi ang isang akma na makapagpapasan ng gawain ng Diyos sa lupa, at ipahayag ang disposisyon ng Diyos, at kayang kumatawan sa Diyos, at magbigay ng buhay sa tao. Sa malao’t madali, silang mga huwad na Cristo ay babagsak lahat, dahil kahit na sila ay umaangkin na maging Cristo, sila ay walang tinataglay na sangkap ng pagiging Cristo. Dahil dito, sinasabi ko na ang katunayan ni Cristo ay hindi kayang ihayag ng tao, ngunit ito ay nasagot at napagpasiyahan ng Diyos Mismo.

"Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" | Sipi 14

Ang bawa’t yugto ng gawain ng Banal na Espiritu ay kasabay na nangangailangan ng patotoo ng tao. Ang bawa’t yugto ng gawain ay isang p...