Kidlat ng Silanganan

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na panalangin. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na panalangin. Ipakita ang lahat ng mga post

Dis 19, 2019

Ang mga Patotoo ng mga Mananagumpay | Mga Pagdurusa at mga Pagsubok—ang mga Pagpapala ng Pinapaboran

Pananampalataya

Wang Gang Lalawigan ng Shandong

Ako ay isang magsasaka at dahil ang aking pamilya ay mahirap, kailangan kong palaging maglakbay kung saan-saan upang makahanap ng mga pansamantalang trabaho upang kumita ng pera; akala ko kaya kong mapabuti ang aking buhay sa pamamagitan ng aking pisikal na paggawa. Gayunpaman, sa katotohanan, nakita kong walang mga garantiya para sa mga legal na karapatan ng mga migranteng manggagawang tulad ko; madalas na ibininbin ang aking sahod nang walang dahilan. Paulit-ulit akong dinaya at pinagsamantalahan ng iba. Pagkatapos ng isang taon ng pagsisipag, hindi ko natanggap ang dapat kong tanggapin. Nadama kong tunay na madilim ang mundong ito! Tinatrato ng mga tao ang bawat isa na tulad ng mga hayop kung saan binibiktima ng malakas ang mahina; nagpapaligsahan sila sa bawat isa, naglalaban nang kamao sa kamao, at hindi ko talaga kayang panindigan ang patuloy na mabuhay nang ganito.

Hul 21, 2019

Tagalog Prayer Song | "Panalangin ng Bayan ng Diyos" | Mabuhay sa Pag-ibig ng Diyos


Tagalog Worship Songs | "Panalangin ng Bayan ng Diyos" (With Panalangin Lyrics) | Mabuhay sa Pag-ibig ng Diyos




Bayan ng Diyos itinanyag sa Kanyang trono,

puno ng dalangin sa puso.

Pinagpapala ng Diyos lahat ng nagbabalik-loob sa Kanya;

sila'y buhay sa liwanag.

Hilingin sa Banal na Espiritu na salita ng Diyos liwanagin

nang lubos nating malaman ang kalooban ng Diyos.

May 15, 2019

Tagalog na Cristianong Kanta | Disidido Akong Sundin ang Diyos




Tagalog Christian Songs with Lyrics | Disidido Akong Sundin ang Diyos


Tinangan nang matagal ang pananalig, 
nakita ngayon ang liwanag.
Dumanas ng tagumpay, kabiguan, pag-uusig at kahirapan.
Tinanggihan ng mundo; nilayuan ng mga mahal ko.
Maraming gabing nanatiling gising at nanalangin?
Ligaya at kalungkutan, damit na basa ng luha.
Naglilibot araw-araw, walang lugar na pahingahan.
Kalayaan, isa lang paimbabaw, karapatang pantao’y di umiiral?

May 8, 2019

Tungkol sa Pagsasagawa ng Panalangin


Hindi kayo nagtutuon ng pansin sa panalangin sa inyong pang-araw-araw na buhay. Palaging nakakaligtaan ng mga tao ang panalangin. Sa kanilang mga panalangin noong nakaraan sila ay nakikisabay lang sa agos at naglalaro, at walang sinuman ang nagbigay nang lubos ng kanilang puso sa harap ng Diyos at tunay na nanalangin sa Diyos. Nananalangin lamang ang mga tao sa Diyos kapag mayroong isang bagay na nangyayari sa kanila. Sa buong panahong ito, nakapanalangin ka na ba nang tunay sa Diyos? Tumangis ka na ba kailanman sa harap ng Diyos?

Abr 28, 2019

Tungkol sa Pagsasagawa ng Panalangin


   Hindi kayo nagtutuon ng pansin sa panalangin sa inyong pang-araw-araw na buhay. Palaging nakakaligtaan ng mga tao ang panalangin. Sa kanilang mga panalangin noong nakaraan sila ay nakikisabay lang sa agos at naglalaro, at walang sinuman ang nagbigay nang lubos ng kanilang puso sa harap ng Diyos at tunay na nanalangin sa Diyos. Nananalangin lamang ang mga tao sa Diyos kapag mayroong isang bagay na nangyayari sa kanila. Sa buong panahong ito, nakapanalangin ka na ba nang tunay sa Diyos?

Abr 23, 2019

Tagalog Full Christian Movie | "Pagtakas mula sa Yungib ng Diablo" | God Is My Salvation


      Tagalog Full Christian Movie | "Pagtakas mula sa Yungib ng Diablo" | God Is My Salvation

Ang kanyang pangalan ay Zhang at siya ay isang Kristiyano na kabilang sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Dahil naniniwala siya sa Diyos, siya ay palihim na minanmanan ng pamahalaan ng Komunistang Tsino at nahuli ng kanilang pulisya. Pinilit siya ng pulisya na ipagkanulo ang mga pinuno ng iglesia gayundin ang mga gugulin ng iglesia. Tinangka nilang gamiting sandata ang kanyang mga kaanak upang guluhin ang kanyang isip. Pinalibutan nila siya at hindi siya hinayaang matulog sa loob ng kalahating buwan upang sirain ang kanyang loob.

Abr 9, 2019

Tanong 4: Ang mga tao ay makasalanan, pero ang handog ng Panginoong Jesus para sa kasalanan ay epektibo magpakailanman. Basta’t inamin natin ang ating mga sala sa Panginoon, patatawarin Niya tayo. Wala tayong kasalanan sa paningin ng Panginoon, kaya makakapasok tayo sa kaharian ng langit!

Sagot: Hindi komo napatawad na ng Panginoong Jesus ang mga kasalanan ng sangkatauhan ay wala nang kasalanan ang tao, na hindi na sila nagkakasala o naging banal na sila. Pinatatawad ng Panginoong Jesus ang mga kasalanan ng tao. Ano talaga ang tinutukoy ng “kasalanan” sa kontekstong ito? Tinutukoy nito ang pakikiapid, pagnanakaw, atbp., anumang labag sa mga batas, kautusan o salita ng Diyos ay kasalanan. Kasalanan din ang kumalaban, tumuligsa o humatol sa Diyos. Anumang kalapastanganan sa Diyos ay kasalanan, na walang kapatawaran! Sa Kapanahunan ng Biyaya, naging handog ang Panginoong Jesus para sa kasalanan ng sangkatauhan. Yaon lamang nanalangin sa Panginoon at nagsisi ang hindi parurusahan o mamamatay. Ibig sabihin, hindi na ituturing ng Diyos na makasalanan. Ang taong pinatawad sa kanyang mga kasalanan ay makapagdarasal nang direkta sa Panginoon at makakabahagi sa Kanyang biyaya. ‘Yan ang tunay na kahulugan ng “Pinatawad ang mga kasalanan.” Hindi komo pinatawad na ang mga kasalanan ng tao dahil sa handog ng Panginoong Jesus para sa kasalanan, tumigil na sila sa paggawa ng kasalanan at pagkalaban sa Diyos. Nananatili pa rin ang likas na pagkamakasalanan ng tao, kaya nagagawa pa rin nilang kalabanin at pagtaksilan ang Diyos at ituring Siyang kaaway. Pa’no magiging marapat ang ganyang mga tao na makapasok sa kaharian ng langit? Sabi nga ng Makapangyarihang Diyos, “Ang makasalanang tulad mo, na natubos pa lang, at hindi nabago, at hindi ginawang perpekto ng Diyos, susundin mo ba kung ano ang nais ng Diyos? Para sa iyo, ikaw na siyang nananahan pa rin sa iyong dating sarili, totoo na ikaw ay iniligtas ni Jesus, at ikaw ay hindi itinuturing na isang makasalanan dahil sa kaligtasan ng Diyos, ngunit hindi ito nagpapatunay na ikaw ay hindi makasalanan, at hindi marumi. Paano ka nagiging banal kung hindi ka pa nababago? Sa iyong kalooban, ikaw ay puno ng karumihan, kasakiman at kasamaan, ngunit ninanais mo pa rin na bumaba kasama ni Jesus—napakapalad mo naman! Nagmintis ka sa isang hakbang sa iyong paniniwala sa Diyos: Ikaw ay natubos lang, ngunit hindi nabago. Upang ikaw ay makasunod sa ninanais ng Diyos, ang Diyos ang personal na gagawa ng pagbabago at paglilinis sa’yo; kung ikaw ay tinubos lang, hindi ka magkakaroon ng kakayahang magtamo ng kabanalan. Sa paraang ito hindi ka magiging karapat-dapat na makibahagi sa mga biyaya ng Diyos, dahil nakalimutan mo ang isang hakbang sa gawain ng Diyos na pamamahala sa tao, na isang mahalagang hakbang sa pagbabago at pag-perpekto. Kaya ikaw, na isang makasalanang tinubos, ay walang kakayahang direktang matamo ang pamana ng Diyos” (“Hinggil sa mga Pangalan at Pagkakakilanlan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Ang pagtubos ng Panginoong Jesus ay pinatawad lang ang mga kasalanan ng tao; hindi nito nilutas ang kanilang tiwaling disposisyon. Ang kayabangan sa utak, pagkamakasarili, kasakiman, panloloko at nananatili pa rin ang iba pang mga aspeto ng kanilang napakasamang disposisyon. Ang tiwaling disposisyong ito ay mas malalim at mas determinado kaysa kasalanan. Ito ang pinagmumulan ng ating pagkakasala at pagkalaban sa Diyos. Pag hindi nalutas ang tiwali at napakasamang disposisyong ito, patuloy silang magkakasala, kakalaban sa Diyos, at hahatulan at tutuligsain Siya ayon sa kanilang sariling mga imahinasyon at ideya. Pag nagdurusa at pinahihirapan sila, maaari nilang itanggi at itakwil pa ang Diyos tulad ng ginawa ni Judas. Kapag may kapangyarihan sila, maaari silang magtatag ng mga kaharian na malayang kakalaban sa Diyos. Nagnanakaw pa nga ng mga alay sa Diyos ang ilan at sinasaktan ang Kanyang disposisyon; parurusahan at papatayin sila ng Diyos. Karamihan ngayon ng mga pastor at pinuno ng mga relihiyon ay hindi sumusunod sa mga salita ng Panginoong Jesus. Iniinterpret nila ang Biblia batay sa sarili nilang mga ideya. Itinuturing nilang mga salita ng Diyos ang mga salita ng mga tao sa Biblia. Pinupuri nila ang mga salita ng mga tao sa halip na patotohanan ang mga salita ng Panginoong Jesus. Dahil dito, mga tao ang sinasamba at sinusunod ng mga tao, at walang lugar sa puso nila ang Panginoong Jesus. Ang mga nananalig na ito ay nabibitag at kontrolado ng mga pinuno ng mga relihiyon. Totoo ito lalo na pag nagbalik ang Panginoong Jesus para humatol. Hindi hinahanap o inaaral ng mga pastor at pinunong ‘yon ang gawain ng Diyos. Sa halip, tinutuligsa nila ang Kanyang gawain, at hinahatulan at nilalapastangan Siya. Nagtatahi-tahi sila ng mga kasinungalingan para linlangin ang mga nananalig at harangin ang iglesia. Hayagan nilang itinuturing na kaaway ang Diyos at sinasaktan ang Kanyang disposisyon. Ito ang pinakamalubhang pagkalaban sa Diyos. Kasalanan ito na walang kapatawaran! Mas nakakagulat pa ang kanilang kasamaan kaysa sa mga Fariseo sa pagkalaban sa Panginoong Jesus! Kung gayon, pag ‘di nalutas ang ugali ng mga tao na kalabanin ang Diyos, pag ‘di nalinis ang masama at tiwali nilang disposisyon, kaya nilang gumawa ng anumang kasamaan para kalabanin ang Diyos. Pa’no makakapasok ang ganitong klaseng mga tao sa kaharian ng Diyos? Kung gayon, ayon sa Kanyang plano ng pamamahala na iligtas ang sangkatauhan at sa mga aktuwal na kinakailangan ng tiwaling sangkatauhan, nagpapahayag Siya ng iba’t ibang aspeto ng katotohanan sa mga huling araw, at isinasagawa Niya ang Kanyang gawain na tumutupad sa propesiya sa Biblia na, “[kailangang magsimula ang] paghuhukom sa bahay ng Dios,” at nilulutas ang pangunahing problema na ang tiwaling sangkatauhan ay kontrolado ng kanilang kademonyohan. Ganyan dahan-dahang kakawala ang tao mula sa kanilang tiwali at masamang disposisyon, titigil sa paghihimagsik at pagkalaban sa Diyos, magagawang sumunod at magpitagan sa Diyos. Noon lamang sila malilinis at makakapasok sa kaharian ng langit.

mula sa iskrip ng pelikulang Masasakit na Alaala

Peb 19, 2019

Christian Full Movie 2018 | "Anak, Umuwi Ka Na!" | Amazing Grace of God (Tagalog Dubbed)

Christian Full Movie 2018 | "Anak, Umuwi Ka Na!" | Amazing Grace of God (Tagalog Dubbed)

Isang mag-aaral ng senior high school si Li Xinguang. Isa siyang makatwiran at matinong bata simula pa noong maliit siya. Paborito siya ng kanyang mga magulang at guro. Nang tumuntong na siya sa middle school, nahumaling siya sa mga internet computer game. Madalas siyang lumiliban sa klase upang makapunta sa internet cafe. Ginawa ng kanyang mga magulang ang lahat upang makalaya siya sa adiksyon ng internet. Sa kasamaang palad, lumala nang lumala ang adiksyon ni Li Xinguang. Nawalan siya ng gana at dahan-dahang naging delinkwente. ... Nang malapit nang mawalan ng pag-asa ang mga magulang ni Li Xinguang, nalaman nilang kayang iligtas ng Diyos ang mga tao, kayang tulungang makalaya sa kanilang adiksyon sa internet at makawala sa paninira ni Satanas. Dahil dito, nagpasya silang maniwala sa Diyos at hinangad na maliligtas ng Diyos ang kanilang anak. Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan nila ang pinagmumulan ng kasiraan at kabuktutan ng sangkatauhan. Nakita nila ang katotohanan sa likod ng kasamaan at kadiliman ng tao at naunawaan na tanging Diyos lang ang makapagliligtas sa tao at makapagpapalaya mula sa paninira at pagpapahirap ni Satanas. Kailangan lamang maniwala ni Xinguang sa Diyos at maunawaan ang katotohanan, at magagawa niyang lumaya sa kanyang adiksyon sa internet. Dahil dito, ipinalaganap nila ang ebanghelyo kay Xinguang at ginabayan si Xinguang basahin ang mga salita ng Diyos. Nagdasal sila sa Diyos at hiningi sa Kanyang iligtas ang kanilang anak at tulungan siyang makalaya sa kanyang adiksyon sa internet. ... Pagkatapos ng isang laban, nagsimulang magdasal at magtiwala sa Diyos si Xinguang. Sa ilalim ng gabay ng mga salita ng Diyos, nagawa niyang makawala sa wakas sa kanyang adiksyon sa internet at pinalaya ang sarili mula sa paninira at pagpapahirap ni Satanas. Ang anak na dating wala nang pag-asa dahil sa mga internet game at internet cafe ay umuwi na sa wakas! 
Rekomendasyon:Biyaya ng Diyos

Set 24, 2018

Christian prayer-Ano ang ibig sabihin ng tunay na manalangin?

panalangin, Tanong at Sagot ng Ebanghelyo, Christian prayer, prayer,

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ano ang ibig sabihin ng manalangin nang tunay? Nangangahulugan ito ng pagsasabi ng mga salita sa loob ng iyong puso sa Diyos, at pakikipagniig sa Diyos na mayroong pagkaunawa sa Kanyang kalooban at batay sa Kanyang mga salita; nangangahulugan ito ng pakiramdam na talagang malapit sa Diyos, pakiramdam na Siya ay nasa harap mo, at na mayroon kang isang bagay na gustong sabihin sa Kanya; at nangangahulugan ito ng pagiging talagang masigla sa loob ng iyong puso, at damdamin na ang Diyos ay sadyang kaibig-ibig. Madarama na ikaw ay sadyang pinukaw, at pagkatapos marinig ang iyong mga salita ang iyong mga kapatid ay malulugod, madadama nila na ang mga salita na iyong sinabi ay ang mga salita sa loob ng kanilang mga puso, mga salitang gusto nilang sabihin, at kinakatawan ng iyong sinasabi kung ano ang gusto nilang sabihin.

Ago 15, 2018

Kailangang maunawaan ng isang tao na ang mensaheng ipinalalaganap ng Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya ang tanging daan tungo sa pagsisisi

panalangin, Ebanghelyo, Jesus, krus, Langit


Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:
Mangagsisi kayo; sapagka’t malapit na ang kaharian ng langit” (Mateo 4:17).
Sapagka’t ito ang aking dugo ng tipan, na nabubuhos dahil sa marami, sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan” (Mateo 26:28).
At ipangaral sa kaniyang pangalan ang pagsisisi at pagpapatawad ng mga kasalanan sa lahat ng mga bansa, magbuhat sa Jerusalem” (Lucas 24:47).
Nauugnay na mga Salita ng Makapangyarihang Diyos:
Sa simula, ipinakalat ni Jesus ang ebanghelyo at ipinangaral ang paraan ng pagsisisi, pagkatapos ay natuloy ito sa bumautismo ng tao, pagpapagaling ng karamdaman, at magpalayas ng mga demonyo. Sa katapusan, tinubos Niya ang sangkatauhan mula sa kasalanan at kinumpleto ang Kanyang trabaho para sa buong panahon.
mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ago 12, 2018

Ano ang kaibhan sa pagitan ng mga salitang ipinahayag ng Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya at ng mga salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian?

Ebanghelyo, panalangin, Salita ng Diyos, Kaharian, kaligtasan


Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:
Mangagsisi kayo; sapagka’t malapit na ang kaharian ng langit” (Mateo 4:17).
At ipangaral sa kaniyang pangalan ang pagsisisi at pagpapatawad ng mga kasalanan sa lahat ng mga bansa, magbuhat sa Jerusalem” (Lucas 24:47).
At kung ang sinomang tao’y nakikinig sa aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi ko siya hinahatulan: sapagka't hindi ako naparito upang humatol sa sanglibutan, kundi upang iligtas ang sanglibutan. Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya’y hahatol sa huling araw” (Juan 12:47-48).
Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios” (1 Pedro 4:17).
Nauugnay na mga Salita ng Makapangyarihang Diyos:
Sa simula, ipinakalat ni Jesus ang ebanghelyo at ipinangaral ang paraan ng pagsisisi, pagkatapos ay natuloy ito sa bumautismo ng tao, pagpapagaling ng karamdaman, at magpalayas ng mga demonyo. Sa katapusan, tinubos Niya ang sangkatauhan mula sa kasalanan at kinumpleto ang Kanyang trabaho para sa buong panahon.
mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ago 3, 2018

Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II

panalangin, Salita ng Diyos, pananampalataya sa diyos, Katapatan, pananalig

Noong ating huling pulong ay naibahagi natin ang napakahalagang paksa. Naalala ba ninyo kung ano iyon? Hayaan ninyong ulitin Ko. Ang paksa ng ating huling pagsasama ay ang: Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo. Mahalaga ba ang paksang ito para sa inyo? Aling mga bahagi ang pinakamahalaga para sa inyo? Gawain ng Diyos, Disposisyon ng Diyos, o ang Diyos Mismo? Saan kayo pinaka-interesado? Aling mga bahagi ang pinakagusto ninyong marinig? Alam Kong mahirap ito para sa inyo na sagutin ang tanong na iyan, dahil ang disposisyon ng Diyos ay makikita sa bawat aspeto ng Kanyang gawain, at ang Kanyang disposisyon ay palaging ibinubunyag sa Kanyang gawain at sa lahat ng lugar, at, sa katunayan, kumakatawan sa Diyos Mismo; sa pangkalahatang plano sa pamamahala ng Diyos, ang gawain ng Diyos, ang disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo ay hindi mapaghihiwalay mula sa bawat isa.

Hul 11, 2018

Bakit sinasabi na kinukumpleto ng dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ang kahalagahan ng pagkakatawang-tao?

    Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

    “Ay gayon din naman si Cristo, na inihandog na minsan upang dalhin ang mga kasalanan ng marami, sa ikalawa'y pakikita na hiwalay sa kasalanan, sa ikaliligtas ng mga nagsisipaghintay sa kaniya” (Mga Hebreo 9:28).

    “Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios” (Juan 1:1).

    Nauugnay na mga Salita ng Makapangyarihang Diyos:

    Ang unang pagkakatawang-tao ay upang tubusin ang tao mula sa kasalanan sa pamamagitan ng laman ni Jesus, iyon ay, iniligtas Niya ang tao mula sa krus, nguni't ang tiwaling maka-satanas na disposisyon ng tao ay nanatili pa rin sa loob ng tao. Ang ikalawang pagkakatawang-tao ay hindi na upang magsilbing handog sa kasalanan kundi upang lubos na iligtas yaong mga taong tinubos mula sa kasalanan. Ito ay ginagawa upang ang mga pinatawad ay mapalaya mula sa kanilang mga kasalanan at magawang ganap na malinis, at magkamit ng pagbabago sa disposisyon, at sa gayon ay makakawala sa kapangyarihan ng kadiliman ni Satanas at makakabalik sa harap ng trono ng Diyos. Tanging sa paraang ito maaaring maging lubos na mapabanal ang tao. Sinimulan ng Diyos ang gawain ng pagliligtas sa Kapanahunan ng Biyaya nang matapos na ang Kapanahunan ng Kautusan. Nitong mga huling araw na lamang, nang ganap na nadalisay ng Diyos ang sangkatauhan sa pamamagitan ng paggawa ng gawain ng paghatol at pagkastigo sa tao para sa pagka-mapanghimagsik, saka tatapusin ng Diyos ang Kanyang gawain ng pagliligtas at papasok sa kapahingahan. Samakatuwid, sa tatlong yugto ng gawain, dalawang beses lamang nagkatawang-tao ang Diyos upang isagawa Niya Mismo ang Kanyang gawain sa tao. Iyon ay dahil isa lamang sa tatlong yugto ng gawain ang pag-akay sa tao sa kanilang mga buhay, habang ang iba pang dalawa ay ang gawain ng pagliligtas. Tanging kung nagiging laman ang Diyos saka Siya maaaring mamuhay kasama ng tao, nararanasan ang paghihirap ng mundo, at mamuhay sa isang ordinaryong laman. Tanging sa ganitong paraan Niya maaaring matustusan ang taong Kanyang nilikha ng praktikal na salitang kailangan nila. Ang tao ay nakakatanggap ng lubos na kaligtasan mula sa Diyos dahil sa Diyos na nagkatawang-tao, hindi direkta mula sa kanilang mga panalangin sa langit. Sapagka't ang tao ay makalaman; hindi kaya ng tao na makita ang Espiritu ng Diyos at lalong hindi niya kayang lapitan Siya. Ang kaya lamang na makasama ng tao ay ang laman ng nagkatawang-taong Diyos; sa pamamagitan lamang Niya mauunawaan ng tao ang lahat ng mga salita at ang lahat ng mga katotohanan, at makakatanggap ng buong kaligtasan. Ang ikalawang pagkakatawang-tao ay sapat upang alisin ang mga kasalanan ng tao at ganap na dalisayin ang tao. Samakatuwid, ang pangalawang pagkakatawang-tao ay magdadala sa pagtatapos ng lahat ng gawain ng Diyos sa laman at kukumpleto sa kabuluhan ng pagkakatawang-tao ng Diyos.

Hul 3, 2018

Isang Mapagpanggap na Diwa Bago sa Isang Pagkabuwal

iglesia, ebanghelyo, panalangin, Himno, Diyos

Baixue    Shenyang City
Dahil sa isang pangangailangan sa trabaho, inilipat ako sa ibang lugar ng trabaho. Nang panahong iyon, labis akong nagpasalamat sa Diyos. Pakiramdam ko’y marami pang kulang sa akin, gayunman sa pamamagitan ng banal na pagsusulong ng Diyos, nabigyan ako ng pagkakataon upang tuparin ang aking tungkulin sa isang kahanga-hangang lugar ng trabaho. Gumawa ako ng panata sa Diyos sa aking puso: Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang makabayad sa Diyos.

Hun 27, 2018

Ang Sangkap ni Cristo ay Pagtalima sa Kalooban ng Ama sa Kalangitan

panalangin, Diyos, Katapatan, Kabutihan, Cristo
Ang nagkatawang-taong Diyos ay tinatawag na Cristo, at si Cristo ay ang katawang-tao na isinuot ng Espiritu ng Diyos. Ang laman na ito ay hindi katulad ng kahit sinong taong galing sa laman. Ang pagkakaibang ito ay dahil si Cristo ay hindi nagmula sa laman at dugo kundi Siya ang pagkakatawang-tao ng Espiritu. Siya ay may kapwa normal na pagkatao at ganap na pagka-Diyos. Ang Kanyang pagka-Diyos ay hindi taglay ng kahit sinong tao. Ang Kanyang normal na pagkatao ang Siyang umaalalay sa lahat ng Kanyang karaniwang mga gawain sa katawang-tao, habang ang Kanyang pagka-Diyos ang nagsasakatuparan ng gawain ng Diyos Mismo. Maging ang Kanyang pagkatao o pagka-Diyos, kapwa itong nagpapasakop sa kalooban ng Amang nasa langit. Ang sangkap ni Cristo ay ang Espiritu, iyon ay, ang pagka-Diyos. Samakatuwid, ang Kanyang sangkap ay yaong sa Diyos Mismo; ang sangkap na ito ay hindi gagambala sa Kanyang sariling gawain, at hindi Siya posibleng makagawa ng anumang bagay na nakasisira sa Kanyang sariling gawain, ni hindi rin Siya bibigkas ng anumang bagay na sumasalungat sa Kanyang kalooban. Samakatuwid, ang nagkatawang-taong Diyos ay siguradong hindi kailanman gagawa ng kahit anong gawain na nakagagambala sa Kanyang sariling pamamahala. Ito ang dapat maintindihan ng lahat ng tao. Ang kakanyahan ng gawain ng Banal na Espiritu ay upang iligtas ang tao at ito ay para sa kapakanan ng sariling pamamahala ng Diyos. Gayundin, ang gawain ni Cristo ay upang iligtas ang tao at ito ay alang-alang sa kalooban ng Diyos. Sapagkat ang Diyos ay nagkatawang-tao, Kanyang napapaging-tunay ang Kanyang sangkap sa loob ng Kanyang laman, sa gayon ang Kanyang katawang-tao ay sapat upang isagawa ang Kanyang gawain. Samakatuwid, lahat ng gawain ng Espiritu ng Diyos ay pinapalitan ng gawain ni Cristo sa loob ng panahon ng Kanyang pagkakatawang-tao, at ang kaibuturan ng buong gawain sa buong panahon ng pagkakatawang-tao ay ang gawain ni Cristo. Ito ay hindi maaaring maihalo sa gawain mula sa kahit anong ibang kapanahunan. At mula nang nagkatawang-tao ang Diyos, Siya ay gumagawa sa pagkakakilanlan ng Kanyang katawang-tao; yamang Siya ay nagkatawang-tao, tinatapos din Niya sa katawang-tao ang gawain na dapat Niyang gawin. Maging ito man ay ang Espiritu ng Diyos o ito man ay si Cristo, Sila ay kapwa Diyos Mismo, at ginagawa Niya ang gawain na dapat Niyang gawin at ginagampanan ang ministeryong dapat Niyang gampanan.

Hun 18, 2018

Walang Nasa Laman ang Makatatakas sa Araw ng Poot

Diyos, kabutihan, , panalangin, Salita ng Diyos, Espiritu


Ngayon, pinagsasabihan Ko kayo para sa kapakanan ng inyong kaligtasan, upang ang Aking gawain ay sumulong nang maayos, at upang ang Aking kauna-unahang gawain sa buong sansinukob ay maisakatuparan nang higit na angkop at ganap, Ibinubunyag ng Aking mga salita, awtoridad, kamahalan, at paghatol sa mga tao ng lahat ng bayan at bansa. Ang Aking gawain na kasama ninyo ay ang umpisa ng Aking gawain sa buong sansinukob. Bagaman ngayon na ang mga huling araw, dapat batid ninyo na ang “mga huling araw” ay isa lamang pangalan ng isang kapanahunan: Gaya ng Kapanahunan ng Kautusan at ng Kapanahunan ng Biyaya, ito ay tumutukoy sa isang kapanahunan, at tanda ng kabuuan ng isang kapanahunan, sa halip na sa huling ilang taon o buwan. Ngunit ang mga huling araw ay hindi gaya ng Kapanahunan ng Biyaya at ng Kapanahunan ng Kautusan. Ang gawain para sa mga huling araw ay hindi isasagawa sa Israel, kundi sa mga Gentil; ito ay ang paglupig ng mga tao mula sa lahat ng bansa at tribu sa labas ng Israel sa harap ng Aking trono, upang ang Aking kaluwalhatian sa buong sansinukob ay kayang punuin ang buong kosmos. Ito ay upang makamtan Ko ang mas dakilang kaluwalhatian, upang ang lahat ng nilikha sa lupa ay maipasa ang Aking kaluwalhatian sa bawat bansa, sa lahat ng salinlahi magpakailanman, at lahat ng nilikha sa langit at lupa ay makita ang lahat ng kaluwalhatian na Aking natamo sa lupa. Ang gawaing isinasagawa sa mga huling araw ay ang gawain ng panlulupig. Hindi ito ang pagpatnubay sa lahat ng mga tao sa lupa, kundi ang konklusyon ng walang pagkasira at libong-taong buhay ng pagdurusa ng sangkatauhan sa lupa. Dahil dito, ang gawain ng mga huling araw ay hindi maitutulad sa ilang libong taon na gawain sa Israel, ni hindi rin maitutulad sa dekadang gawain sa Judea na nagpatuloy nang ilang libong taon hanggang sa pangalawang pagkakatawang-tao ng Diyos. Dinaranas lamang ng mga tao sa mga huling araw ang muling pagpapakita ng Manunubos sa katawang-tao, at tinatanggap nila ang personal na gawain at mga salita ng Diyos. Hindi ito aabot ng dalawang libong taon bago dumating ang mga huling araw ng katapusan; ang mga ito ay maikli, kagaya nang isinagawa ni Jesus ang mga gawain noong Kapanahunan ng Biyaya sa Judea. Ito ay dahil sa ang mga huling araw ay ang konklusyon ng buong panahon. Ang mga ito ay ang kabuuan at ang katapusan ng anim-na-libong-taong plano sa pamamahala ng Diyos, at ang mga ito ang tumatapos sa paglalakbay sa buhay ng pagdurusa ng sangkatauhan. Hindi nila dinadala ang buong sangkatauhan sa bagong kapanahunan o pinahihintulutan ang buhay ng sangkatauhan na magpatuloy. Iyan ay walang kabuluhan para sa Aking plano sa pamamahala o sa pag-iral ng tao. Kung ang sangkatauhan ay magpatuloy nang ganito, kung gayon sa bandang huli sila ay lalamunin nang buo ng diyablo, at ang mga kaluluwa na nauukol sa Akin ay sa bandang huli maiwawala sa mga kamay nito. Ang Aking gawain ay tatagal lang ng anim na libong taon, at Ako ay nangako na ang paghawak ng masama sa buong sangkatauhan ay hindi rin tatagal ng higit sa anim na libong taon. At sa gayon, napapanahon na. Hindi Ko na ipagpapatuloy o ipagpapaliban pa: Sa mga huling araw Aking lulupigin si Satanas, babawiin Ko ang lahat ng Aking kaluwalhatian, at babawiin Ko ang lahat ng mga kaluluwa sa lupa na nauukol sa Akin upang itong mga kaluluwang naghihinagpis ay makawala sa dagat ng pagdurusa, at sa gayon matatapos na ang Aking buong gawain sa lupa. Simula sa araw na ito, hindi na Ako kailanman magkakatawang-tao sa lupa, at hindi na muling gagawa pa sa lupa ang Aking may pagka-dominanteng Espiritu. Ako ay gagawa lamang ng isang bagay sa lupa: Babaguhin Ko ang sangkatauhan, ang sangkatauhan na banal, at ang Aking tapat na lungsod sa lupa. Ngunit dapat batid ninyo na hindi Ko lilipulin ang buong mundo, hindi Ko rin lilipulin ang buong sangkatauhan. Iingatan Ko ang natitirang ikatlong bahagi—ang ikatlong bahaging nagmamahal sa Akin at lubusang nagpasakop sa Akin, at sila ay Aking gagawing mabunga at mapagparami sa lupa kagaya ng ginawa ng mga Israelita sa ilalim ng kautusan, binubusog sila ng masaganang mga tupa at baka at lahat ng mga kasaganaan ng lupa. Ang sangkatauhang ito ay mananatili sa Akin magpakailanman, ngunit hindi ito ang karumaldumal na maruming sangkatauhan sa ngayon, kundi ang sangkatauhan na naipon mula sa Aking mga nalikom. Ang sangkatauhang iyon ay hindi mapipinsala, maaabala, o makukubkob ni Satanas, at sila ang tanging sangkatauhan na mananatili sa mundo pagkatapos Kong magtagumpay laban kay Satanas. Ito ang sangkatauhan na nasakop Ko na ngayon at natamo ang Aking pangako. At sa gayon, ang sangkatauhan na nasakop sa mga huling araw ang siya ring sangkatauhan na maliligtas at magkakamit ng Aking mga walang hanggang pagpapala. Ito ang tanging magiging patunay ng Aking tagumpay laban kay Satanas, at ang tanging mga nasamsam sa Aking pakikipaglaban kay Satanas. Ang mga nasamsam sa digmaan ay Aking nailigtas mula sa sakop ni Satanas, at ang tanging pagkakabuo-buo at bunga ng Aking anim-na-libong-taong plano sa pamamahala. Sila ay nagmula sa bawat bansa at denominasyon, at bawat lugar at bayan, sa buong sansinukob. Sila ay galing sa iba’t ibang lahi, iba’t ibang wika, kaugalian at mga kulay ng balat, at sila ay nakakalat sa lahat ng mga bansa at denominasyon sa buong mundo, at maging sa bawat sulok ng mundo. Hindi magtatagal, sila ay magsasama-sama upang buuin ang ganap na sangkatauhan, ang pulong ng sangkatauhan na hindi kayang abutin ng mga puwersa ni Satanas. Silang mga nasa sangkatauhan na hindi nailigtas at nasakop Ko ay tahimik na lulubog sa kailaliman ng dagat, at masusunog ng Aking tumutupok na apoy nang walang hanggan. Lilipulin Ko itong luma, at lubos na kadungisan ng sangkatauhan, kagaya ng paglipol Ko sa mga panganay na lalaking anak at mga baka sa Ehipto, itinira lamang ang mga Israelita, na kumain ng karne ng tupa, uminom ng dugo ng tupa, at nagtatak ng dugo ng tupa sa biga ng kanilang mga pinto. Hindi ba't ang mga taong Aking sinakop at naging pamilya ay siya ring mga taong kumain sa Aking laman bilang Kordero at uminom ng aking dugo bilang Kordero at Aking tinubos at sinasamba Ako? Hindi ba sila ang mga uri ng tao na laging sinasamahan ng Aking kaluwalhatian? Hindi ba silang walang katawan Ko, ang Kordero, ay tahimik nang lumubog sa kailaliman ng dagat? Ngayon sumasalungat sila sa Akin, at ngayon ang Aking mga salita ay tulad lamang ng mga sinabi ni Jehova sa mga lalaking anak at mga lalaking apo ng Israel. Ngunit ang katigasan sa kaibuturan ng inyong mga puso ay nag-iimbak ng Aking poot, nagdudulot ng higit pang pagdurusa sa inyong mga laman, higit pang paghatol sa inyong mga kasalanan, at higit pang poot sa inyong di-pagkamatuwid. Sino ang maliligtas sa Aking araw ng poot, kung ganito ang turing ninyo sa Akin sa ngayon? Kaninong di-pagkamatuwid ang kayang makatakas sa Aking mga mata ng pagkastigo? Kaninong mga kasalanan ang makakaiwas sa mga kamay Ko, ang Makapangyarihan sa lahat? Kaninong mga pagsalungat ang makakatanggap ng Aking paghatol, ang Makapangyarihan sa lahat? Ako, si Jehova, ay nagsasalita sa inyo, mga angkan ng mga pamilyang Gentil, at ang mga salitang binibigkas Ko sa inyo ay higit sa lahat ng mga binigkas sa Kapanahunan ng Kautusan at sa Kapanahunan ng Biyaya, ngunit kayo ay mas matigas pa sa lahat ng mga tao sa Ehipto. Hindi ba ninyo iniipon ang Aking poot habang ihinahanda Ko ang Aking kapahingahan? Paano kayo makakatakas nang walang pinsala mula sa araw Ko, ang Makapangyarihan sa lahat?

May 11, 2018

Kanta ng Papuri | 'Pag Binuksan Mo'ng Puso Mo sa Diyos


'Pag ang Diyos ay 'di mo batid, at likas Niya'y di mo tanto,
puso mo'y hindi magbubukas ng tunay para sa Diyos.
'Pag naintindihan mo na'ng iyong Diyos,
ang nasa puso Niya'y mauunawaan mo,
at ito'y daranasin mong lubusan ng
may buong pananampalataya.
'Pag nilasap mo ang nasa puso ng Diyos nang unti unti,
sa bawat araw,
'pag nilasap mo ang nasa puso ng Diyos,
pagbubuksan Siya ng iyong puso.
'Pag tunay na bukas ang 'yong puso,
'pag tunay na bukas ang 'yong puso,
Iyong makikitang suklam
at kahihiyang mapaglustay't makasariling hiling.
'Pag tunay na bukas ang 'yong puso,
'pag tunay na bukas ang 'yong puso.
Makikita sa puso Niya'y mundong walang-hanggan,
tungo sa kahariang walang katulad.

Mar 8, 2018

Ang tinig ng Diyos | Tanging Yaong Mga Nagtutuon ng Pansin sa Pagsasagawa Ang Maaaring Gawing Perpekto

Diyos, katotohanan, panalangin, Buhay, Espiritu


Kidlat ng SilangananAng tinig ng Diyos | Tanging Yaong Mga Nagtutuon ng Pansin sa Pagsasagawa Ang Maaaring Gawing Perpekto



    Sa mga huling araw, ang Diyos ay naging tao upang gawin ang gawain na kailangan Niyang gawin at upang gampanan ang Kanyang ministeryo ng mga salita. Siya ay dumating sa anyong tao upang gumawa sa kalagitnaan ng mga tao sa layuning gawing perpekto yaong mga tao na sumusunod sa Kanyang puso. Mula sa paglikha hanggang sa kasalukuyan ginagawa lamang Niya ang gawain sa panahon ng mga huling araw. Sa panahon lamang ng mga huling araw nagkatawang-tao ang Diyos upang gawin ang gayong kalaking gawain. Bagamat nagtititiis Siya ng mga kahirapan na mahihirapang tiisin ng mga tao, bagamat Siya bilang isang dakilang Diyos ay mayroong kababaang-loob na maging isang karaniwang tao, walang aspeto ng Kanyang gawain ang naantala, at ang Kanyang plano ay hindi itinapon na sa kalituhan kahit kaunti. Ginagawa Niya ang gawain alinsunod sa Kanyang orihinal na plano. Ang isa sa mga layunin ng pagkakatawang-taong ito ay para lupigin ang mga tao. Ang isa pa ay para gawing perpekto ang mga taong Kanyang iniibig. Hinahangad Niya na makita ng Kanyang sariling mga mata ang mga tao na Kanyang ginagawang perpekto, at nais Niyang makita sa Sarili Niya Mismo kung paanong sumaksi para sa Kanya ang mga tao na Kanyang ginagawang perpekto. Hindi iisang tao ang ginawang perpekto, at hindi dalawa. Ito gayunpaman ay, isang grupo ng kakaunting mga tao. Ang grupo ng mga taong ito ay mula sa iba’t-ibang mga bansa sa mundo, at mula sa iba’t-ibang nasyonalidad sa mundo. Ang layunin sa paggawa ng ganito karaming gawain ay para makamit ang grupong ito ng mga tao, upang makamit ang pagiging saksi ng grupo ng mga taong ito para sa Kanya, at para makamit ang kaluwalhatian na nakukuha Niya sa pamamagitan ng grupo ng mga taong ito. Hindi Siya gumagawa ng gawain na walang kabuluhan, ni hindi Siya gumagawa ng gawain na walang halaga. Maaaring sabihin na, sa paggawa ng napakaraming gawain, ang layunin ng Diyos ay upang gawing perpekto ang lahat ng mga iyong hinahangad Niyang gawing perpekto. Sa anumang bakanteng oras na mayroon Siya sa labas nito, aalisin Niya yaong mga masasama. Alamin na hindi Niya ginagawa ang dakilang gawaing ito dahil sa kanilang mga masasama; sa kabaligtaran, ibinibigay Niya ang lahat ng Kanya dahil sa maliit na bilang na mga taong Kanyang gagawing perpekto. Ang gawain na Kanyang ginagawa, ang mga salita na Kanyang sinasabi, ang mga misteryo na Kanyang ibinubunyag, at ang Kanyang paghatol at pagkastigo ay lahat para sa kapakanan ng maliit na bilang ng mga taong iyon. Hindi Siya naging tao dahil sa mga iyon na masasama, lalong hindi sila nag-uudyok ng malaking pagkapoot sa Kanya. Sinasabi Niya ang katotohanan, at nagsasalita ukol sa pagpasok, dahil sa mga iyon na gagawing perpekto, Siya ay naging tao dahil sa kanila, at dahil sa kanila kaya Niya ipinagkakaloob ang Kanyang mga pangako at mga pagpapala. Ang katotohanan, pagpasok, at buhay sa pagkatao na Kanyang sinasabi ay hindi para sa kapakanan nilang mga masasama. Nais Niyang umiwas makipag-usap sa mga iyon na masasama, at hinahangad na ipagkaloob ang lahat ng mga katotohanan sa mga iyon na gagawing perpekto. Subalit kinakailangan ng Kanyang gawain na, pansamantala, yaong masasama ay tutulutang matamasa ang ilan sa Kanyang mga kayamanan. Yaong mga hindi ipinatutupad ang katotohanan, na hindi napalulugod ang Diyos, at gumagambala sa Kanyang gawain ay masasamang lahat. Hindi sila maaaring gawing perpekto, at kinasusuklaman at itinatakwil ng Diyos. Sa kabilang banda, ang mga tao na isinasagawa ang katotohanan at kayang mapalugod ang Diyos at ginugugol ang kanilang buong mga sarili sa gawain ng Diyos ay ang mga tao na gagawing perpekto ng Diyos. Yaong mga hinahangad ng Diyos na maging ganap ay walang iba kung hindi ang grupong ito ng mga tao, at ang gawain na ginagawa ng Diyos ay para sa kapakanan ng mga taong ito. Ang katotohanan na Kanyang sinasabi ay nakatuon tungo sa mga tao na nakahanda sa pagsasagawa. Hindi Siya nakikipag-usap sa mga tao na hindi isinasagawa ang katotohanan. Ang pagdaragdag ng kabatiran at paglago ng pagkakilala na Kanyang sinasabi ay nakatuon sa mga tao na kayang ipatupad ang katotohanan. Kapag Siya ay nagsasalita tungkol sa mga iyon na gagawing perpekto Siya ay nagsasalita tungkol sa mga taong ito. Ang gawain ng Banal na Espiritu ay nakatuon tungo sa mga tao na makapagsasagawa sa katotohanan. Ang mga bagay kagaya ng pagmamay-ari ng karunungan at pagkakaroon ng pagkatao ay nakatuon tungo sa mga tao na nakahandang isagawa ang katotohanan. Yaong mga hindi ipatutupad ang katotohanan ay maaaring makarinig ng maraming mga katotohanan at maaaring makaunawa ng maraming mga katotohanan, ngunit dahil sila ay nabibilang sa masasamang tao, ang katotohanan na kanilang nauunawaan ay nagiging mga doktrina at mga salita lamang, at walang kahalagahan para sa pagbabago ng kanilang disposisyon o para sa kanilang mga buhay. Walang sinuman sa kanila ang tapat sa Diyos; silang lahat ay mga taong nakikita ang Diyos ngunit hindi nila Siya maaaring makamit, at lahat ay hinatulan ng Diyos.

Peb 16, 2018

Ang Kalooban ng Diyos | Tungkol sa Pagsasagawa ng Panalangin

 Diyos, Iglesia, katotohanan, Panalangin, buhay

Kidlat ng Silanganan | Ang Kalooban ng Diyos | Tungkol sa Pagsasagawa ng Panalangin


    Hindi kayo nagtutuon ng pansin sa panalangin sa inyong pang-araw-araw na buhay. Palaging nakakaligtaan ng mga tao ang panalangin. Sa kanilang mga panalangin noong nakaraan sila ay nakikisabay lang sa agos at naglalaro, at walang sinuman ang nagbigay nang lubos ng kanilang puso sa harap ng Diyos at tunay na nanalangin sa Diyos. Nananalangin lamang ang mga tao sa Diyos kapag mayroong isang bagay na nangyayari sa kanila. Sa buong panahong ito, nakapanalangin ka na ba nang tunay sa Diyos? Tumangis ka na ba kailanman sa harap ng Diyos? Nakarating ka na ba kailanman sa pagkakilala sa iyong sarili sa harap ng Diyos? Nagkaroon ka na ba kailanman ng masinsinang pananalangin sa Diyos? Ang pananalangin ay unti-unting isinasagawa: Kung hindi ka karaniwang nananalangin sa bahay, hindi ka magkakaroon ng pagkakataon na makapanalangin sa iglesia, at kung hindi ka talaga nananalangin sa panahon ng maliliit na pagtitipon, kung gayon hindi mo makakayang manalangin sa panahon ng malalaking pagtitipon. Kung hindi ka normal na lumalapit sa Diyos o hindi binubulay ang mga salita ng Diyos, kung gayon wala kang anumang masasabi kapag oras na ng pananalangin–at kahit na ikaw ay nananalangin, ang iyong mga labi ay kikilos lamang, hindi ka talaga nananalangin. 

Peb 10, 2018

Salita ng Diyos | Kumusta Ang Iyong Kaugnayan sa Diyos

buhay, panalangin, katotohanan, Salita ng Diyos, panalangin

 Kidlat ng Silanganan | Salita ng Diyos | Kumusta Ang Iyong Kaugnayan sa Diyos



    Sa paniniwala sa Diyos, kahit paano dapat mong lutasin ang usapin tungkol sa pagkakaroon ng isang normal na kaugnayan sa Diyos. Kung wala ang isang normal na kaugnayan sa Diyos, kung gayon ang kabuluhan sa paniniwala sa Diyos ay nawawala. Ang pagtatatag ng isang normal na kaugnayan sa Diyos ay lubos na natatamo sa pamamagitan ng pagpapatahimik sa iyong puso sa presensiya ng Diyos. Ang isang normal na kaugnayan sa Diyos ay nangangahulugan na nagagawang hindi pagdudahan o itanggi ang anuman sa gawain ng Diyos at pasakop dito, at saka ito ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng tamang mga layunin sa presensiya ng Diyos, hindi pag-iisip sa sarili mo, palaging pagkakaroon ng mga interes ukol sa sambahayan ng Diyos bilang siyang pinakamahalagang bagay maging anuman ang iyong ginagawa, pagtanggap sa pagmamasid ng Diyos, at pagpapasakop sa pagsasaaayos ng Diyos. Nagagawa mong mapatahimik ang iyong puso sa presensiya ng Diyos sa bawat sandaling gumagawa ka ng anumang bagay; kahit na hindi mo nauunawaan ang kalooban ng Diyos, dapat mo pa ring tuparin ang iyong mga tungkulin at mga pananagutan sa abot ng iyong makakaya. Hindi pa masyadong huli upang hintayin na mabunyag sa iyo ang kalooban ng Diyos at pagkatapos ay isagawa ito. Kapag naging normal ang iyong kaugnayan sa Diyos, kung gayon magkakaroon ka rin ng isang normal na kaugnayan sa mga tao. Ang lahat ay itinatag sa saligan ng mga salita ng Diyos. Sa pamamagitan ng pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, pagsasagawa alinsunod sa mga kinakailangan ng Diyos, itama ang iyong mga pananaw, at huwag gumawa ng mga bagay na kumakalaban sa Diyos o gumagambala sa iglesia. Huwag gumawa ng mga bagay na walang pakinabang sa mga buhay ng mga kapatid, huwag magsasalita ng mga bagay na hindi nakatutulong sa ibang mga tao, huwag gumawa ng mga kahiya-hiyang mga bagay. Maging makatarungan at kagalang-galang kapag ginagawa ang lahat ng mga bagay at gawing kaaya-aya ang mga ito sa harap ng Diyos. Bagamat ang laman ay mahina paminsan-minsan, nagagawa mong ilakip ang pinakamataas na kahalagahan sa kapakinabangan ng sambahayan ng Diyos, huwag pag-imbutan ang iyong sariling mga pakinabang, at ipatupad ang pagkamakatuwiran. Kung makapagsasagawa ka sa ganitong paraan, ang iyong kaugnayan sa Diyos ay magiging normal.

"Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" | Sipi 14

Ang bawa’t yugto ng gawain ng Banal na Espiritu ay kasabay na nangangailangan ng patotoo ng tao. Ang bawa’t yugto ng gawain ay isang p...