Kidlat ng Silanganan

菜單

Abr 6, 2019

Ano ang pagkakaiba ng mga salita ng Diyos na inihatid ng mga propetang katulad nina Isaias, Ezekiel, at Daniel mula sa Kapanahunan ng Kautusan, sa mga salitang ipinahayag ng Diyos sa laman?


   Sagot: Dahil sa pagkakaiba ng diwa ng Diyos na nagkatawang-tao sa diwa ng mga propeta, dumarating ang Diyos na nagkatawang-tao para gawin ang gawain ng Diyos samantalang ginampanan lang ng mga propeta ang tungkulin ng tao. Kaya likas na magkaiba ang kanilang gawain. Tingnan natin kung paano ito sinabi ng Makapangyarihang Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang mga propeta ng Lumang Tipan ay nagsipanghula, at katulad nito, kaya rin ni Jesus. Bakit ganito? Ang pagkakaiba rito ay batay sa kalikasan ng gawain. Upang maarok ang bagay na ito, hindi mo maaaring isaalang-alang ang kalikasan ng laman at hindi mo dapat isaalang-alang ang kalaliman o kababawan ng salita ninuman. Lagi mong dapat unang isaalang-alang ang kanyang gawain at ang mga bunga na nagagawa nito sa tao. Ang mga hula na sinalita ni Isaias sa panahong iyon ay hindi nagtustos ng buhay ng tao, at ang mga mensahe na natanggap niyaong gaya ni Daniel ay mga hula lamang at hindi ang paraan ng pamumuhay. Kung hindi dahil sa tuwirang pagbubunyag ni Jehovah, walang makagagawa ng gawaing yaon, dahil ito ay hindi posible para sa mga mortal. Si Jesus, din, ay maraming sinalita, nguni’t ang gayong mga salita ay ang paraan ng pamumuhay kung saan mula rito ang tao ay makahahanap ng isang landas upang magsagawa. Ibig sabihin, una, makapagtutustos Siya ng buhay ng tao, sapagka’t si Jesus ay buhay; ikalawa, maaari Niyang baligtarin ang mga paglihis ng tao; ikatlo, ang Kanyang gawain ay maaaring sumunod roon sa kay Jehovah upang ipagpatuloy ang kapanahunan; ikaapat, natatarok Niya ang mga pangangailangan ng tao sa loob at nauunawaan kung ano ang pagkukulang ng tao; ikalima, kaya Niyang maipasok ang isang bagong kapanahunan at wakasan ang dati. Iyan ang dahilan kung bakit Siya ay tinatawag na Diyos at Cristo; hindi lamang Siya iba kay Isaias kundi gayundin mula sa lahat ng iba pang mga propeta” (“Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Nagkatawang-taong Diyos at ng Tungkulin ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
Mula sa salita ng Makapangyarihang Diyos, natatanto natin na ginagampanan ng Diyos na nagkatawang-tao ang Kanyang sariling ministeryo at ginagawa ang gawain sa ilalim ng pamamahala ng Diyos na kumakatawan sa gawain ng isang panahon, at ang salitang ipinapahayag Niya ay para sa buong sangkatauhan. Gayunman, mga propeta ang ginamit ng Diyos para gawin ang tungkulin ng tao nang gumawa Siya sa Kapanahunan ng Kautusan. Inihatid lang ng mga propeta ang salita ng Diyos sa pamamagitan ng inspirasyon ng Diyos na si Jehova sa paglalahad ng ilang propesiya, pagbibigay ng ilang babala sa mga tao o paggawa ng ilang manaka-nakang gawain. Kung matutukoy natin ang kaibhan ng mga tungkulin ng mga propeta sa tungkulin ng ministeryo ng Diyos na nagkatawang-tao, makikita natin ang kaibhan ng salita ng Diyos na ipinarating ng mga propeta sa salitang ipinahayag ng Diyos na nagkatawang-tao. Alam nating lahat na ang mga propeta ay mga taong ibinangon sa iba’t ibang panahon ng Kapanahunan ng Kautusan para ihatid ang salita ng Diyos. Ang pangunahing gawain ng mga propeta ay ilahad ang mga propesiya samantalang inihahatid ang mga ipinagagawa, utos, gayundin ang mga payo, paalala, babala, at salita ng kaparusahan sa mga Israelita o sa iba. Halimbawa, nang matuklasan ng Diyos ang mga kasamaang ginawa ng mga taga-Nineve, isinugo Niya si Jonas sa Nineve para ipahayag na, “Apat na pung araw pa at ang Ninive ay mawawasak” (Jonas 3:4). Makikita na inihatid lang ng mga propeta ang salita ni Jehova sa iba’t ibang panahon. Hindi nila ginawa ang gawain ng anumang partikular na kapanahunan. Ang mga salita ng Diyos na inihatid ng mga propeta ay parang mga propesiya, payo, paalala, babala at iba pa, hindi pagpapahayag ng lahat ng katotohanan para sa kaligtasan ng sangkatauhan. Tungkol naman sa salita ng Diyos na nagkatawang-tao, pumaparito Siya para gawin ang isang yugto ng gawain at nagsasalita sa buong sangkatauhan sa katauhan ng Diyos, nagpapahayag ng Kanyang plano sa pamamahala para sa kaligtasan ng sangkatauhan, Kanyang disposisyon, kung ano ang mayroon Siya at kung ano Siya, ang Kanyang mga ipinagagawa sa tao at ang katotohanan na kailangang taglayin ng sangkatauhan. Ang mga salitang ito ang gawaing magbubukas ng isang bagong kapanahunan at magwawakas ng dating kapanahunan, at para iyon sa buong sangkatauhan. Kumakatawan iyon sa gawain ng Diyos sa kapanahunang ito at ang buong katotohanan na kailangang maranasan at pasukin ng mga piling tao ng Diyos sa kapanahunang ito. Ang mga salitang ito ay maaaring ikabuhay ng tao, pagsisihin ang tao, baguhin ang disposisyon ng tao, iligtas at linisin ang tao at gawin siyang perpekto.

Kaya bakit nga ba naililigtas at nagagawang perpekto ang tao ng katotohanang ipinahayag ng Diyos na nagkatawang-tao? Dahil ang Diyos na nagkaawang-tao ay may diwa ng Diyos. Siya ang Espiritu ng Diyos sa laman, ibig sabihin, ang diwa ng buhay ng Diyos, kung ano ang mayroon ang Diyos at kung ano ang Diyos, ang awtoridad at karunungan ng Diyos, lahat ng taglay ng Espiritu ng Diyos ay nasa laman. Kaya naipapahayag ng Diyos na nagkatawang-tao ang lahat ng katotohanan para linisin at iligtas at gawing perpekto ang tao. Wala itong katapusan, hindi nauubos, kahit saan at kahit kailan. Tulad ng nakikita natin mula sa katotohanan na dalawang beses nagkatawang-tao ang Diyos para gawin ang gawain, maipapahayag ng Diyos na nagkatawang-tao ang katotohanan kahit kailan at kahit saan para lutasin ang lahat ng paghihirap at pagkalito ng tao sa pananalig sa Diyos, na ginagawa ang kanyang tungkulin at pumapasok sa buhay. Masasagip Niya nang lubusan ang tao mula sa pananakop ni Satanas. Pero ang mga propeta ay mga ordinaryong tao lamang na walang diwa ng Diyos. Kaya hindi nila maipapahayag ang katotohanan. Magagawa lang nila ang kanilang mga tungkulin na ihatid ang salita ng Diyos. Ang mga salita ng Diyos na inihatid ng mga propeta ay limitado. Limitado rin ang saklaw ng sinabi nila. Maihahatid lang nila ang mga salitang binigyang-inspirasyon sa kanila ng Diyos, wala nang iba. Kung wala ang inspirasyon ng Diyos, titigil ang mga tungkulin nila na ihatid ang mga salita ng Diyos. Bukod dito, ginawa lang ng mga propeta ang kanilang mga tungkulin na ihatid ang mga salita ng Diyos. Wala sa kanila ang katotohanan, ni hindi nila maipapahayag ang katotohanan. Ito ang kaibhan ng mga salita ng Diyos na inihatid ng mga propeta sa mga salitang ipinahayag ng Diyos na nagkatawang-tao.

May isa pang kaibhan ang mga salita ng Diyos na inihatid ng mga propeta sa mga salitang ipinahayag ng Diyos na nagkatawang-tao. Marami sa mga salitang ipinahayag ng Diyos na nagkatawang-tao ay mga pananalita ng tao. Ang mga pananalita ay karaniwan at madaling maunawaan kapag narinig ng tao. Karamihan sa mga salita ng Diyos na inihatid ng mga propeta ay mga banal na pananalitang mahirap maunawaan nang marinig ng tao. Tingnan natin ang dalawang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos.

Sinabi ng Makapangyarihang Diyos, “Nang ang Diyos ay hindi pa naging tao, hindi masyadong naintindihan ng mga tao ang Kanyang sinabi sapagkat ito ay nanggaling sa ganap na pagka-Diyos. Ang pananaw at ang nilalaman ng Kanyang sinabi ay hindi nakikita at hindi maabot ng sangkatauhan; ito ay ipinahayag mula sa espirituwal na kaharian na hindi nakikita ng mga tao. Sapagkat ang mga tao na nabubuhay sa laman, hindi sila makadadaan sa espirituwal na kaharian. Ngunit pagkatapos naging tao ang Diyos, nagsalita Siya sa sangkatauhan mula sa pananaw ng pagiging tao, at Siya ay lumabas at dinaig ang saklaw ng espirituwal na kaharian. Maaari Niyang ipahayag ang Kanyang banal na disposisyon, kalooban, at saloobin, sa mga bagay na maiisip ng mga tao at mga bagay na kanilang nakita at nakasagupa sa kanilang mga buhay, at paggamit ng mga pamamaraan na matatanggap ng mga tao, sa isang wika na kanilang maiintindihan, at kaalaman na kanilang mauunawaan, upang tulutan ang mga tao na maintindihan at makilala ang Diyos, upang maintindihan ang Kanyang layunin at ang Kanyang mga kinakailangan na pamantayan sa loob ng saklaw ng kanilang kakayahan, sa antas na kanilang makakaya. Ito ang pamamaraan at panuntunan ng gawain ng Diyos sa pagkatao” (“Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Ito ang kabutihan ng pagkakatawang-tao ng Diyos: Maaari Niyang samantalahin ang kalaman ng sangkatauhan at gamitin ang wika ng tao upang magsalita sa mga tao, upang ipahayag ang Kanyang kalooban. Ipinaliwanag Niya o ‘isinalin’ sa tao ang Kanyang malalim, pagka-Diyos na wika na pinagsisikapang maintindihan ng mga tao sa wika ng tao, sa paraan ng isang tao. Nakatulong ito sa mga tao na maintindihan ang Kanyang kalooban at malaman kung ano ang gusto Niyang gawin. Maaari din Siyang makipag-usap sa mga tao mula sa pananaw ng isang tao, gamit ang wika ng tao, at makipagniig sa mga tao sa isang paraan na kanilang maiintindihan. Maaari pa Siyang magsalita at gumawa gamit ang wika ng tao at kaalaman nang upang maramdaman ng mga tao ang kabaitan at pagiging malapit ng Diyos, nang upang makita nila ang Kanyang puso” (“Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Nililinaw itong mabuti ng salita ng Makapangyarihang Diyos. Lahat ng salitang sinambit ng Diyos bago Siya nagkatawang-tao ay banal na pananalita. Pagkatapos na magkatawang-tao, maaaring lampasan ng Diyos ang kaharian ng espirituwal na mundo at makausap ang tao sa pananalita ng tao mula sa pananaw ng tao. Dahil maaaring mamuhay ang Diyos na nagkatawang-tao sa piling ng tao, personal Niyang nararanasan at nasasaksihan ang pamumuhay ng sangkatauhan. Natututuhan Niyang maunawaan at nabibihasa Siya sa ilang kaalaman, sentido-komun, pananalita o mga pahayag mula sa mga tao sa pamamagitan ng pamumuhay sa piling ng tao. Kaya magagamit ng Diyos na nagkatawang-tao ang katalinuhan o personal na karanasan ng tao para magbigay ng mga halimbawa at lumikha ng mga talinghaga, at magsalita nang mas malinaw, lubusan, at tiyak tungkol sa mga ipinagagawa ng Diyos sa sangkatauhan, kalooban ng Diyos, diwa, disposisyon, at kung ano ang mayroon ang Diyos at kung ano ang Diyos. Kapag narinig ng tao ang mga salitang ito, mauunawaan niya nang tumpak ang kalooban ng Diyos, mahahanap ang daang tatahakin at papasukin, at kasabay nito, mauunawaan ang disposisyon ng Diyos at kung ano ang mayroon ang Diyois at kung ano ang Diyos. Halimbawa, sinabi ni Pedro kay Jesus, “Panginoon, makailang magkakasala ang aking kapatid laban sa akin na siya’y aking patatawarin? Hanggang sa makapito?” Sinabi sa kaniya ni Jesus, “Hindi ko sinasabi sa iyo, Hanggang sa makapito; kundi, Hanggang sa makapitongpung pito” (Mateo 18: 21-22). Mula sa mga salita ng Panginoong Jesus, mauunawaan natin na nais ng Diyos na matuto ang tao na patawarin ang iba, na patawarin sila nang walang kundisyon, kahit ilang beses, at magawa ito sa diwa ng pag-unawa at pagpaparaya sa kanila. Kasabay niyon, nakikita rin natin ang diwa ng kabutihan ng Diyos sa mga salita ng Panginoong Jesus. Ang iba pang mga halimbawa ay ang sermon ng Panginoong Jesus sa bundok tungkol sa mga pagpapala, galit, mga sumpa, pagmamahal sa kaaway, pagmamahal sa kapwa tulad sa sarili, ang talinghaga ng Panginoong Jesus tungkol sa nawawalang tupa, at iba pa, at lahat ng iyon ay sa pananalita ng tao. Matapos makinig, maaari nating maunawaan nang tumpak ang kalooban ng Diyos nang hindi naghahanap o nagsisiyasat, at malaman ang disposisyon ng Diyos mula sa mga salitang ito. Malinaw na bahagi ito ng mga salita ng Diyos na nagkatawang-tao. Inihatid lang ng mga propeta ang salita ng Diyos o nagpropesiya mula sa natanggap na inspirasyon ng Diyos. Lahat ng salitang ito ay mga banal na pananalita. Pahapyaw lang itong mauunawaan ng mga tao at hindi buung-buo. Ito ang malinaw na kaibhan ng pananalita ng mga propeta sa paghahatid ng salita ng Diyos sa salitang ipinahayag ng Diyos na nagkatawang-tao.

mula sa iskrip ng pelikulang Paghihintay

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

"Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" | Sipi 14

Ang bawa’t yugto ng gawain ng Banal na Espiritu ay kasabay na nangangailangan ng patotoo ng tao. Ang bawa’t yugto ng gawain ay isang p...