Sa loob ng dalawanlibong taon, ang teoryang teolohiko ng Trinidad ay nakita bilang isang pangunahing doktrina ng pananampalatayang Kristiyano. Pero, talaga bang isang Trinidad ang Diyos? Ano ba, mismo, ang relasyon sa pagitan ng Ama, ng Anak, at ng Banal na Espiritu? Wala pang sinuman ang malinaw na nakakasagot sa mga tanong. Isang araw, nag-post ng isang tanong si Brother Zhang sa online discussion group ng iglesia niya: Talaga Bang Umiiral ang Trinidad? Ang tanong na ito ang nagsimula ng matinding debate sa gitna ng mga mananampalataya, at pagkatapos ay tinalakay at pinagbahaginan nina Zheng Xun at Li Rui ang tanong na ito. Ano ang kongklusyon nila? Mangyaring tamasahin ang crosstalk na May Isang Diyos Lamang.
Ang Kidlat ng Silanganan, ang Makapangyarihang Diyos ay ang pangalawang pagdating ng Panginoon Jesus. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos! Tinatanggap natin ang lahat ng naghahanap ng katotohanan na pumarito at maghanap.
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na relihiyon. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na relihiyon. Ipakita ang lahat ng mga post
Dis 4, 2019
Nob 24, 2019
The Church of Almighty God Documentary | Mga Salaysay ng Pag-Uusig sa Relihiyon sa China (1)
Mga Salaysay ng Pag-Uusig sa Relihiyon sa China | "Sino ang Salarin?"
Simula nang magkaroon ng kapangyarihan sa Mainland China noong 1949, hindi na tumigil ang Chinese Communist Party (CCP) sa pang-uusig sa relihiyosong pananampalataya. Galit na galit nitong pinag-aaresto at pinagpapatay ang mga Kristiyano, pinaalis at inabuso ang mga misyonerong nangangaral sa China, kinumpiska at sinunog ang napakaraming kopya ng Biblia, ikinandado at giniba ang mga gusali ng iglesia, at walang saysay na tinangkang wasakin ang lahat ng bahay-sambahan. Ang dokumentaryong it ay naglalarawan ng tunay na karanasan ng Kristiyanong Chinese na si Zhou Haijiang na inaresto at labis na pinahirapan ng gobyernong CCP, at namatay mula sa pagmamaltrato sa kanya dahil sa kanyang pananalig sa Diyos at pagtupad sa tungkulin. Pagkamatay ni Zhou Haijiang, sinubaybayan, binantaan, at tinakot din ng CCP ang kanyang pamilya. Hindi lang hindi sila nakakuha ng hustisya para sa namatay, kundi naguluhan pa dahil sa pagpapahirap ng CCP.
Okt 15, 2019
Tagalog Christian Movie | "Pananampalataya sa Diyos 2 – Nang Bumagsak ang Simbahan"
Tagalog Christian Movie | "Pananampalataya sa Diyos 2 – Nang Bumagsak ang Simbahan"
Mangyaring tumawag sa amin kung may mga katanungan ka. Messenger:
Mula nang maging makapangyarihan ang Chinese Communist Party, patuloy na nitong sinugpo at inusig ang Kristiyanismo at Katolisismo upang lubos na mapawi ang lahat ng paniniwala sa relihiyon at maitatag ang China bilang lugar ng ateismo. Lalo na nang maging Pangulo si Xi Jinping umabot na sa sukdulan ang mga pag-atake ng CCP sa pananampalataya, at pati na ang Three-Self Church na opisyal na pinahintulutan ay winawasak at binabaklas ang mga krus.
Si Yu Congguang ay isang evangelista na gagawa ng mapanganib na pagtakas mula sa isang maramihang pag-aresto ng CCP. Pagkatapos niyon, pupunta siya sa bahay ng Kristiyanong si Chen Song'en ng Three-Self Patriotic Movement. Gigibain ng CCP ang simbahan ng Three-Self Patriotic Movement ni Chen Song'en, at ipagdarasal ng ilan sa simbahan, matapos makinig sa mga turo ng kanilang mga pastor at elder, ang rehimeng CCP, sa paniwalang sa paggawa nito, sinusunod nila ang mga salita ng Panginoong Jesus na, "Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, at idalangin ninyo ang sa inyo'y nagsisiusig" (Mateo 5:44). Gayunman, maraming nananalig ang nalilito, dahil sa kabila ng katotohanan na matagal na nilang ipinagdarasal na mapagpala ang CCP, hindi lamang hindi nagsisi ang CCP, kundi giniba pa ang kanilang simbahan. Nagtaka sila: Talaga bang naaayon sa kalooban ng Diyos ang pagdarasal para sa CCP? Magtatalo ang kongregasyon tungkol sa tanong na ito pero hindi sila magkakasundo. Kalaunan, sa pagbasa sa mga salita ng Diyos at pagbabahagi ni Yu Congguang at ng kanyang kasamahan, malalaman ni Chen Song'en at ng iba pa ang tunay na kahulugan ng turo ng Panginoong Jesus na "ibigin ang inyong mga kaaway." Mahihiwatigan din nila ang kademonyohan ng CCP, na labanan ang Diyos at kamuhian ang katotohanan, at malinaw nilang makikita ang mapanganib na mga bunga ng pagsunod sa mga pastor at elder sa Three-Self church at pag-asa sa proteksyon ng isang napakasamang namumunong kapangyarihan …
Hun 22, 2019
Mga Movie Clip (1) | "Ano ang Pinakamahalagang Gawi para Masalubong ang Pagdating ng Panginoon?
Mga Movie Clip (1) | Kumakatok sa Pintuan | "Ano ang Pinakamahalagang Gawi para Masalubong ang Pagdating ng Panginoon?"
Sabi ng Panginoong Jesus, "Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig, at sila'y aking nakikilala, at sila'y nagsisisunod sa akin"(Juan 10:27). Ilang beses ding iprinoposiya sa Pahayag na, "Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia." Ang tinig at mga salita ng Espiritu ang tinig ng Panginoon, at ang tupa ng Diyos ang siyang makakikilala sa tinig ng Diyos. Kung ganon, ano nga bang gawain ang pinakamahalaga para sa mga Kristiyano sa pagsalubong nila sa pagdating ng Panginoon?
May 30, 2019
Clip ng Pelikulang (1) "Niyanig ng Kidlat ng Silanganan ang mga Relihiyon"
Clip ng Pelikulang Mapanganib Ang Landas Papunta sa Kaharian Ng Langit (1) "Niyanig ng Kidlat ng Silanganan ang mga Relihiyon"
Ang Kidlat ng Silanganan—ang pagpapakita at gawain ng Diyos sa mga huling araw ay niyanig ang lahat ng sekta at denominasyon, at ibinunyag na ang lahat ng klase ng tao. Mas gusto pa ng maraming mabubuting tupa sa iglesia na dumanas ng di-mapigil na pag-aresto at pagpapahirap ng Chinese Communist Party para lang mahanap at masiyasat ang Kidlat ng Silanganan. Gayunman, naniniwala ang ilang tao sa mga salita ng mga pastor at elder at pilit na tumatangging siyasatin ang Kidlat ng Silanganan, samantalang ayaw namang maglakas-loob ng iba, kahit alam na alam nila na pinatototohanan ng Kidlat ng Silanganan ang katotohanan, na hanapin at siyasatin ito sa takot na pahirapan sila ng Chinese Communist Party. Bakit nagagawang siyasatin ng mabubuting tupa sa iglesia ang Kidlat ng Silanganan? Makakapasok nga ba ang mga taong hindi naghahanap at nagsisiyasat sa gawain ng Diyos sa mga huling araw? Ang maikling videong ito ay bibigyan kayo ng inspirasyon.
May 25, 2019
Ang Paglansag sa Mahigpit na Pagkubkob ni Satanas (Ikalawang Bahagi)
Sinabi ng aking asawa sa mga kapatid kung ano ang sinabi ni Kapatid na Guan sa amin nang siya ay nagpunta sa aming bahay, at tinanong ako ni Kapatid na Zhang kung ano ang aking naramdaman tungkol sa buong bagay na ito. Kaya sinabi ko sa mga kapatid ang tungkol sa kahinaan na aking naramdaman at tungkol sa karunungan na aking nalaman. Ngumiti si Kapatid na Zhang, habang sinasabing: Salamat sa Diyos! Ito ay isang napakadalisay na pang-unawa, ito ay ang gabay ng Diyos!" Nagtataka na nagtanong ang aking asawa, "Yamang hindi kami nakagawa ng anumang pagkakamali, bakit sinasabi ng Kapatid na Guan ang mga bagay na iyon? Siya ay isang pangunahing pinuno na naniwala sa Panginoon sa loob ng ilang tao!" Tumingin ako sa aking asawa at sinabing: "Gusto niya lang tayong bumalik sa ating dating simbahan!" Ngumiti si Kapatid na Zhang, habang sinasabing:
Abr 23, 2019
Tagalog Full Christian Movie | "Pagtakas mula sa Yungib ng Diablo" | God Is My Salvation
Tagalog Full Christian Movie | "Pagtakas mula sa Yungib ng Diablo" | God Is My Salvation
Ang kanyang pangalan ay Zhang at siya ay isang Kristiyano na kabilang sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Dahil naniniwala siya sa Diyos, siya ay palihim na minanmanan ng pamahalaan ng Komunistang Tsino at nahuli ng kanilang pulisya. Pinilit siya ng pulisya na ipagkanulo ang mga pinuno ng iglesia gayundin ang mga gugulin ng iglesia. Tinangka nilang gamiting sandata ang kanyang mga kaanak upang guluhin ang kanyang isip. Pinalibutan nila siya at hindi siya hinayaang matulog sa loob ng kalahating buwan upang sirain ang kanyang loob.
Abr 17, 2019
Tagalog Christian Movie | "Bakit Dalawang Beses na Naging Tao ang Diyos Upang Iligtas ang Sangkatauhan?"
Tagalog Christian Movie | Ang Hiwaga ng Kabanalan: Ang Karugtong (4) - "Bakit Dalawang Beses na Naging Tao ang Diyos Upang Iligtas ang Sangkatauhan?"
Sa Kapanahunan ng Biyaya, ang Diyos na nagkatawang-tao ay ipinako sa krus, taglay sa Kanyang Sarili ang mga kasalanan ng tao at kinukumpleto ang gawain ng pagtubos sa sangkatauhan. Sa mga huling araw, minsan pang nagkatawang-tao ang Diyos para ipahayag ang katotohanan at upang lubusang dalisayin at iligtas ang tao. Kaya bakit kailangan ng Diyos na dalawang beses na magkatawang-tao upang gawin ang gawain ng pagliligtas sa tao? Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, "Ang unang pagkakatawang-tao ay upang tubusin ang tao mula sa kasalanan sa pamamagitan ng laman ni Jesus, iyon ay, iniligtas Niya ang tao mula sa krus, nguni’t ang tiwaling maka-satanas na disposisyon ng tao ay nanatili pa rin sa loob ng tao. Ang ikalawang pagkakatawang-tao ay hindi na upang magsilbing handog sa kasalanan kundi upang lubos na iligtas yaong mga taong tinubos mula sa kasalanan. Ito ay ginagawa upang ang mga pinatawad ay mapalaya mula sa kanilang mga kasalanan at magawang ganap na malinis, at magkamit ng pagbabago sa disposisyon, at sa gayon ay makakawala sa kapangyarihan ng kadiliman ni Satanas at makakabalik sa harap ng trono ng Diyos. Tanging sa paraang ito maaaring maging lubos na mapabanal ang tao. ... Ang ikalawang pagkakatawang-tao ay sapat upang alisin ang mga kasalanan ng tao at ganap na dalisayin ang tao. Samakatuwid, ang pangalawang pagkakatawang-tao ay magdadala sa pagtatapos ng lahat ng gawain ng Diyos sa laman at kukumpleto sa kabuluhan ng pagkakatawang-tao ng Diyos" (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-Tao).
Abr 12, 2019
Isang Maikling Pambungad Tungkol sa mga Pangyayari sa Likod ng Pagpapakita at Gawain ni Cristo ng mga Huling Araw sa China
Ang China ang lupain kung saan naninirahan ang malaking pulang dragon, at ang lugar na lumaban at sumumpa sa Diyos nang pinakamatindi sa buong kasaysayan. Ang China ay parang kuta ng mga demonyo at isang bilangguang kontrolado ng diyablo, hindi mapapasok at hindi matatablan. Bukod pa riyan, ang rehimen ng malaking pulang dragon ay nagbabantay sa lahat ng antas at nagtalaga ng mga tanggulan sa bawat sambahayan. Bunga nito, wala saanman ang mas mahirap ipalaganap ang ebanghelyo ng Diyos at isagawa ang gawain ng Diyos. Nang mamuno ang Chinese Communist Party noong 1949, ganap na nasugpo at ipinagbawal ang paniniwala sa relihiyon sa Mainland China. Milyun-milyong Kristiyano ang pinahiya at pinahirapan sa publiko, at ibinilanggo. Ang lahat ng iglesia ay ganap na ipinasara at pinaalis. Kahit ang mga pagpupulong sa bahay ay ipinagbawal.
Abr 9, 2019
Tanong 4: Ang mga tao ay makasalanan, pero ang handog ng Panginoong Jesus para sa kasalanan ay epektibo magpakailanman. Basta’t inamin natin ang ating mga sala sa Panginoon, patatawarin Niya tayo. Wala tayong kasalanan sa paningin ng Panginoon, kaya makakapasok tayo sa kaharian ng langit!
Sagot: Hindi komo napatawad na ng Panginoong Jesus ang mga kasalanan ng sangkatauhan ay wala nang kasalanan ang tao, na hindi na sila nagkakasala o naging banal na sila. Pinatatawad ng Panginoong Jesus ang mga kasalanan ng tao. Ano talaga ang tinutukoy ng “kasalanan” sa kontekstong ito? Tinutukoy nito ang pakikiapid, pagnanakaw, atbp., anumang labag sa mga batas, kautusan o salita ng Diyos ay kasalanan. Kasalanan din ang kumalaban, tumuligsa o humatol sa Diyos. Anumang kalapastanganan sa Diyos ay kasalanan, na walang kapatawaran! Sa Kapanahunan ng Biyaya, naging handog ang Panginoong Jesus para sa kasalanan ng sangkatauhan. Yaon lamang nanalangin sa Panginoon at nagsisi ang hindi parurusahan o mamamatay. Ibig sabihin, hindi na ituturing ng Diyos na makasalanan. Ang taong pinatawad sa kanyang mga kasalanan ay makapagdarasal nang direkta sa Panginoon at makakabahagi sa Kanyang biyaya. ‘Yan ang tunay na kahulugan ng “Pinatawad ang mga kasalanan.” Hindi komo pinatawad na ang mga kasalanan ng tao dahil sa handog ng Panginoong Jesus para sa kasalanan, tumigil na sila sa paggawa ng kasalanan at pagkalaban sa Diyos. Nananatili pa rin ang likas na pagkamakasalanan ng tao, kaya nagagawa pa rin nilang kalabanin at pagtaksilan ang Diyos at ituring Siyang kaaway. Pa’no magiging marapat ang ganyang mga tao na makapasok sa kaharian ng langit? Sabi nga ng Makapangyarihang Diyos, “Ang makasalanang tulad mo, na natubos pa lang, at hindi nabago, at hindi ginawang perpekto ng Diyos, susundin mo ba kung ano ang nais ng Diyos? Para sa iyo, ikaw na siyang nananahan pa rin sa iyong dating sarili, totoo na ikaw ay iniligtas ni Jesus, at ikaw ay hindi itinuturing na isang makasalanan dahil sa kaligtasan ng Diyos, ngunit hindi ito nagpapatunay na ikaw ay hindi makasalanan, at hindi marumi. Paano ka nagiging banal kung hindi ka pa nababago? Sa iyong kalooban, ikaw ay puno ng karumihan, kasakiman at kasamaan, ngunit ninanais mo pa rin na bumaba kasama ni Jesus—napakapalad mo naman! Nagmintis ka sa isang hakbang sa iyong paniniwala sa Diyos: Ikaw ay natubos lang, ngunit hindi nabago. Upang ikaw ay makasunod sa ninanais ng Diyos, ang Diyos ang personal na gagawa ng pagbabago at paglilinis sa’yo; kung ikaw ay tinubos lang, hindi ka magkakaroon ng kakayahang magtamo ng kabanalan. Sa paraang ito hindi ka magiging karapat-dapat na makibahagi sa mga biyaya ng Diyos, dahil nakalimutan mo ang isang hakbang sa gawain ng Diyos na pamamahala sa tao, na isang mahalagang hakbang sa pagbabago at pag-perpekto. Kaya ikaw, na isang makasalanang tinubos, ay walang kakayahang direktang matamo ang pamana ng Diyos” (“Hinggil sa mga Pangalan at Pagkakakilanlan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Ang pagtubos ng Panginoong Jesus ay pinatawad lang ang mga kasalanan ng tao; hindi nito nilutas ang kanilang tiwaling disposisyon. Ang kayabangan sa utak, pagkamakasarili, kasakiman, panloloko at nananatili pa rin ang iba pang mga aspeto ng kanilang napakasamang disposisyon. Ang tiwaling disposisyong ito ay mas malalim at mas determinado kaysa kasalanan. Ito ang pinagmumulan ng ating pagkakasala at pagkalaban sa Diyos. Pag hindi nalutas ang tiwali at napakasamang disposisyong ito, patuloy silang magkakasala, kakalaban sa Diyos, at hahatulan at tutuligsain Siya ayon sa kanilang sariling mga imahinasyon at ideya. Pag nagdurusa at pinahihirapan sila, maaari nilang itanggi at itakwil pa ang Diyos tulad ng ginawa ni Judas. Kapag may kapangyarihan sila, maaari silang magtatag ng mga kaharian na malayang kakalaban sa Diyos. Nagnanakaw pa nga ng mga alay sa Diyos ang ilan at sinasaktan ang Kanyang disposisyon; parurusahan at papatayin sila ng Diyos. Karamihan ngayon ng mga pastor at pinuno ng mga relihiyon ay hindi sumusunod sa mga salita ng Panginoong Jesus. Iniinterpret nila ang Biblia batay sa sarili nilang mga ideya. Itinuturing nilang mga salita ng Diyos ang mga salita ng mga tao sa Biblia. Pinupuri nila ang mga salita ng mga tao sa halip na patotohanan ang mga salita ng Panginoong Jesus. Dahil dito, mga tao ang sinasamba at sinusunod ng mga tao, at walang lugar sa puso nila ang Panginoong Jesus. Ang mga nananalig na ito ay nabibitag at kontrolado ng mga pinuno ng mga relihiyon. Totoo ito lalo na pag nagbalik ang Panginoong Jesus para humatol. Hindi hinahanap o inaaral ng mga pastor at pinunong ‘yon ang gawain ng Diyos. Sa halip, tinutuligsa nila ang Kanyang gawain, at hinahatulan at nilalapastangan Siya. Nagtatahi-tahi sila ng mga kasinungalingan para linlangin ang mga nananalig at harangin ang iglesia. Hayagan nilang itinuturing na kaaway ang Diyos at sinasaktan ang Kanyang disposisyon. Ito ang pinakamalubhang pagkalaban sa Diyos. Kasalanan ito na walang kapatawaran! Mas nakakagulat pa ang kanilang kasamaan kaysa sa mga Fariseo sa pagkalaban sa Panginoong Jesus! Kung gayon, pag ‘di nalutas ang ugali ng mga tao na kalabanin ang Diyos, pag ‘di nalinis ang masama at tiwali nilang disposisyon, kaya nilang gumawa ng anumang kasamaan para kalabanin ang Diyos. Pa’no makakapasok ang ganitong klaseng mga tao sa kaharian ng Diyos? Kung gayon, ayon sa Kanyang plano ng pamamahala na iligtas ang sangkatauhan at sa mga aktuwal na kinakailangan ng tiwaling sangkatauhan, nagpapahayag Siya ng iba’t ibang aspeto ng katotohanan sa mga huling araw, at isinasagawa Niya ang Kanyang gawain na tumutupad sa propesiya sa Biblia na, “[kailangang magsimula ang] paghuhukom sa bahay ng Dios,” at nilulutas ang pangunahing problema na ang tiwaling sangkatauhan ay kontrolado ng kanilang kademonyohan. Ganyan dahan-dahang kakawala ang tao mula sa kanilang tiwali at masamang disposisyon, titigil sa paghihimagsik at pagkalaban sa Diyos, magagawang sumunod at magpitagan sa Diyos. Noon lamang sila malilinis at makakapasok sa kaharian ng langit.
mula sa iskrip ng pelikulang Masasakit na Alaala
Mar 31, 2019
Isang Debate sa Pagitan ng Isang Kristiyano at Isang Opisyal ng CCP: Ano Ba Talaga ang Isang Kulto?
Zheng Yi: Isang Kristiyanong Chinese. Nang magtrabaho siya sa Amerika, siniyasat niya ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa Internet at tinanggap ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Makalipas ang tatlong taon, nagbalik siya sa China, at itinuro ang ebanghelyo ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos sa kapatid niyang si Zheng Rui.
Mar 24, 2019
Filipino Variety Show "Paghihigpit sa mga Tao sa Nayon" | A Horrible Experience of Preaching the Gospel
Filipino Variety Show "Paghihigpit sa mga Tao sa Nayon" | A Horrible Experience of Preaching the Gospel
Ang salitang pag-uusap na Paghihigpit sa mga Tao sa Nayon ay isinalasaysay ang nakapanlulumong kuwento tungkol kay Christian Yang Ming na tiniktikan ng mga espiya ng CCP at muntik nang maaresto habang nagbabahagi ng ebanghelyo sa kanyang tita. Ang dalawang aktor ay nagpapakita ng malinaw at nakakatawang pagtatanghal ng mga paghihirap na dinanas ng mga Kristiyano sa China na nangangaral ng ebanghelyo. Ang mga taktika ng CCP sa pag-atake at pagsupil sa mga paniniwala sa relihiyon ay masama; marami silang ginawang pandaraya at nakamatyag sila sa lahat ng dako. Lubhang pinag-iingat ngayon kahit ang maliliit na nayon, at parang mga lawin na nakamatyag ang mga espiya ng gobyerno sa mga tagalabas. Masusi silang nag-iimbestiga at lubhang limitado ang mga pagtitipon at pangangaral ng mga Kristiyano. Pero gaano man kahibang ang CCP sa pagsupil sa kanila, ikinakalat pa rin ng mga Kristiyano ang ebanghelyo ng kaharian ng Diyos sa pag-asa sa karunungan at pananampalatayang bigay sa kanila ng Diyos.
Mar 21, 2019
Dapat Ipagbawal ang Relihiyosong Paraan ng Paglilingkod
Mula pa sa simula ng Kanyang gawain sa buong sansinukob, ang Diyos ay nagtalaga na ng maraming tao upang paglingkuran Siya, kabilang ang mga tao mula sa iba’t ibang uri ng pamumuhay. Ang Kanyang layunin ay tuparin ang Kanyang sariling kalooban at tiyaking ang Kanyang gawain sa daigdig ay nadadala sa maayos na kaganapan. Ito ang layunin ng Diyos sa pagpili ng mga tao na maglilingkod sa Kanya. Ang bawat tao na naglilingkod sa Diyos ay dapat nauunawaan ang kaloobang ito ng Diyos. Sa pamamagitan ng Kanyang gawaing ito, mas mahusay na nakikita ng mga tao ang karunungan ng Diyos at pagka-makapangyarihan ng Diyos, at nakikita ang mga prinsipyo ng Kanyang gawain sa daigdig. Ang Diyos ay tunay na dumarating sa daigdig upang gawin ang Kanyang gawain, nakikipag-ugnayan sa mga tao, upang mas malinaw nilang malaman ang Kanyang mga gawa.
Peb 7, 2019
5. Ano ang ibubunga at kahihinatnan ng pagtanggi ng iba’t ibang relihiyon sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw?
Sa bawat panahon, ang Diyos ay magsisimula ng bagong gawain, at sa bawat panahon, magkakaroon ng bagong simula ang mga tao. Kung ang tao ay susunod lamang sa mga katotohanan na "ang Jehovah ang Diyos" at "si Jesus ang Kristo," na mga katotohanan na nagagamit lamang sa isang panahon, sa gayon ang tao ay hindi makakasabay sa gawain ng Banal na Espiritu, at mawawalan ng kakayahang magkamit ng gawain ng Banal na Espiritu. Hindi alintana kung paano gumagawa ang Diyos, ang tao ay sumusunod nang walang pag-aalinlangan, at siya ay sumusunod nang malapitan. Sa paraang ito, paano maaalis ng Banal na Espiritu ang tao? Hindi alintana kung ano ang ginagawa ng Diyos, hangga't ang tao ay tiyak na ito ay gawain ng Banal na Espiritu, at nakikipagtulungan sa gawain ng Banal na Espiritu nang walang pag-aalinlangan, at sinusubukang matupad ang mga atas ng Diyos, paano siya maparurusahan? Hindi huminto ang gawain ng Diyos, hindi natigil ang Kanyang mga yapak, at bago pa man matupad ang Kanyang gawain ng pamamahala, Siya ay palaging maraming ginagawa, at hindi tumigil.
Peb 5, 2019
Filipino Variety Show | "Mga Kamera sa Buong Lungsod" (Tagalog Crosstalk 2018)
Filipino Variety Show | "Mga Kamera sa Buong Lungsod" (Tagalog Crosstalk 2018)
Sa ngalan ng kaligtasan ng publiko, nagkakabit ng mga kamera ang Chinese Communist Party sa buong paligid, na ang tunay na layunin ay gamitin ang mga high-tech na pamamaraan para batikusin ang pagtutol at pahirapan ang mga nananalig sa Diyos. Nahaharap ang mga Kristiyano sa matitinding hamon sa pagsisikap na maligtasan ang gayon katinding pagmamatyag. Ang crosstalk na Mga Kamera sa Buong Lungsod ay gumagamit ng nakakatawa at malinaw na pagtatanghal ng dalawang tao para ihayag ang masamang katotohanan kung paano ginagamit ng CCP ang mga kamera nito para kontrolin ang mga Kristiyano, gayundin ang maiitim na lihim na balak ng CCP sa pagpapahirap sarelihiyon relihiyon …
Rekomendasyon:Ebanghelyo|Patotoo ng Isang Kristiyano|Ano ang pananampalataya?
Rekomendasyon:Ebanghelyo|Patotoo ng Isang Kristiyano|Ano ang pananampalataya?
Dis 29, 2018
Maliligtas ba ang Isang Tao sa Pananalig sa Panginoon sa Loob ng Relihiyon? (4/7) | Clip ng Pelikulang | "Kumawala sa Bitag"
The bible tagalog movies Clip|Maliligtas ba ang Isang Tao sa Pananalig sa Panginoon sa Loob ng Relihiyon?"
Sa relihiyon, maraming taong naniniwala na, kahit hawak ng mga pastor at elder ang kapangyarihan sa relihiyon at ginagaya ang ginawa ng mga ipokritong Fariseo, kahit tinatanggap at sinusunod nila ang mga pastor at elder, nananalig sila sa Panginoong Jesus, hindi sa mga pastor at elder, kaya paano masasabi na ginagaya nila ang mga Fariseo? Hindi ba talaga maliligtas ang isang tao sa pananalig sa Diyos sa loob ng relihiyon?
Dis 13, 2018
Tinuturuan din tayo ng mga pastor at elder ng mga relihiyon na sinumang Panginoong Jesus na hindi pumaparito sa mga ulap ay bulaan at kailangang talikuran. Kaya hindi tayo nakatitiyak kung naaayon ang pananaw na ito sa Biblia o hindi; tama bang tanggapin itong katotohanan o hindi?
Sagot:
Pagdating sa paghihintay sa Panginoon na bumaba nang nasa mga alapaap, hindi tayo dapat umasa sa mga paniniwala at imahinasyon ng tao! Nakagawa ng malaking pagkakamali ang mga Fariseo sa paghihintay sa pagdating ng Mesias. Ginamit nila mismo ang mga palagay at imahinasyon ng tao upang sukatin ang Panginoong Jesus na dumating na. Sa huli, ipinako nila ang Panginoong Jesus sa krus.
Dis 7, 2018
Pagbubunyag sa Katotohanan ng mga Paliwanag ng mga Pinuno ng Relihiyon sa Biblia (2)
Tagalog Christian Movies Clip | "Pagbubunyag sa Katotohanan ng mga Paliwanag ng mga Pinuno ng Relihiyon sa Biblia"
Madalas ipaliwanag ng mga pastor at elder ng mga relihiyon ang Biblia sa mga tao at hinihikayat silang manghawakan sa Biblia. Sa paggawa nito, talaga bang pinupuri at pinatototohanan nila ang Panginoon? Hindi ito maunawaan ng karamihan sa mga tao. Pinupuri ng mga pastor at elder ang mga salita ng tao na nasa Biblia, ginagamit ang mga salita ng tao na nasa Biblia para palitan at suwayin ang mga salita ng Panginoon, at hinihikayat ang mga tao na maniwala sa mga pamahiin at sambahin ang Biblia, kaya kapag ginawa ng Diyos ang bago Niyang gawain, Biblia lang ang alam ng maraming at hindi nila kilala ang Diyos, hanggang sa ipako na nila sa krus ang Diyos na nagkatawang-tao alinsunod sa Biblia. Batay sa katotohanang ito, talaga bang pinupuri ng mga pastor at elder ng relihiyon ang Panginoon sa pagpapaliwanag sa Biblia? Ibubunyag sa inyo ng maikling videong ito ang katotohanan.
Okt 4, 2018
Mga Salaysay ng Pag-Uusig sa Relihiyon sa China [Trailer]
Simula nang magkaroon ng kapangyarihan sa Mainland China noong 1949, hindi na tumigil ang Chinese Communist Party (CCP) sa pang-uusig sa relihiyosong pananampalataya. Galit na galit nitong pinag-aaresto at pinagpapatay ang mga Kristiyano, pinaalis at inabuso ang mga misyonerong nangangaral sa China, kinumpiska at sinunog ang napakaraming kopya ng Biblia, ikinandado at giniba ang mga gusali ng iglesia, at walang saysay na tinangkang wasakin ang lahat ng bahay-sambahan. Nitong nakaraang mga taon nakita rin ang malawakang pagpapasimula ng pamahalaang CCP ng mga patakarang nakatutok sa "Pagpapailalim sa Impluwensya ng Lipunang Han" ng Kristiyanismo. Libu-libong krus ng iglesia ang winasak, maraming gusali ng iglesia ang giniba, at maraming Kristiyano sa mga bahay-sambahan ang inaresto at inusig. Dumanas ng malupit at madugong pang-uusig ang mga iglesiang Kristiyano sa China …
Set 19, 2018
Kidlat ng Silanganan-Pag-bigkas ng Diyos:Ikaw ba ay Totoong Mananampalataya sa Diyos?
Marahil ang iyong paglalakbay ng pananampalataya sa Diyos ay mahigit isa o dalawang taon na, at marahil sa iyong buhay sa paglipas ng mga taong ito, marami kang pinagdaanan na kahirapan; o marahil hindi ka sumailalim sa kahirapan at sa halip tumanggap ng labis na biyaya. Maaaring hindi ka nakaranas ng alinman sa paghihirap o biyaya, nguni’t sa halip ay namuhay nang napaka-karaniwan. Sa kabila nito, ikaw ay tagasunod pa rin ng Diyos, kaya’t hayaang magkaroon tayo ng pagbabahagi tungkol sa paksa ng pagsunod sa Kanya. Gayunman, Aking pinaaalalahanan ang lahat ng magbabasa ng mga salitang ito na ang salita ng Diyos ay nakadirekta tungo sa lahat ng kumikilala sa Diyos at lahat ng sumusunod sa Diyos, hindi tungo sa lahat ng tao sa pangkalahatan, kabilang ang mga hindi kumikilala sa Diyos. Kung ikaw ay naniniwala na ang Diyos ay nagsasalita para sa karamihan, sa lahat ng tao sa mundo, walang magiging epekto sa iyo kung gayon ang salita ng Diyos. Kaya, dapat mong ingatan ang lahat ng mga salita na malapit sa inyong puso, at huwag mong ilagay ang iyong sarili sa labas ng nasasakupan nito. Sa anumang pagkakataon, ating pag-usapan kung anong nangyayari sa ating tahanan.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)
"Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" | Sipi 14
Ang bawa’t yugto ng gawain ng Banal na Espiritu ay kasabay na nangangailangan ng patotoo ng tao. Ang bawa’t yugto ng gawain ay isang p...
-
Tagalog Christian Songs | Ang Pamamahala ng Diyos ay Patuloy na Sumusulong I Pagkatapos ng gawain ni Jehova, naging t...
-
Awit ng Papuri Lyrics| Awit ng Pagmamahal sa Diyos nang Walang Panghihinayang I Ang daan patungo sa kaharian ay mab...
-
Ang panalangin ay hindi isang uri ng ritwal; ito ay isang tunay na pagniniig sa pagitan ng mga tao at ng Diyos, at may malalim na kabu...