Kidlat ng Silanganan

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Katotohana. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Katotohana. Ipakita ang lahat ng mga post

Dis 21, 2019

Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Ang Pagpapakita ng Diyos ay Nagdala ng Bagong Kapanahunan"

Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Ang Pagpapakita ng Diyos ay Nagdala ng Bagong Kapanahunan"


       Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang pagpapakita ng Diyos ay tumutukoy sa Kanyang personal na pagdating sa lupa upang gampanan ang Kanyang gawain. Dala ang Kanyang pagkakakilanlan at disposisyon, at ang Kanyang likas na pamamaraan, Siya ay bumababa sa sangkatauhan upang isakatuparan ang gawain ng pag-uumpisa ng isang panahon at pagtatapos ng isang panahon. Ang uri ng pagpapakitang ito ay hindi isang anyo ng seremonya. Ito ay hindi isang simbolo, isang larawan, isang himala, o magarbong pangitain, at lalong hindi ito isang prosesong pangrelihiyon. Ito ay isang tunay at makatotohanang kaalaman na maaaring hawakan at makita.

Okt 30, 2019

Mga Pagpapala ng Diyos: Hindi na Alipin ng Pera, Tunay na Ako’y Pinalaya

Gusto Kong Maging Mayaman

“Punong-guro, pakiusap bigyan ng isang pagkakataon ang aking anak at hayaan siyang makapagsulit!” Nakikiusap ang mga mata ng nanay ko sa punong-guro habang nagsasalita siya sa isang bahagyang nanginginig na tinig.

Hindi natitinag, sinabi ng punong-guro, “Hindi, ang paaralan ay may mga patakaran. Makapagsusulit lang ang bata kapag nabayaran na ang singil sa pagsusulit!”

Mukhang napahiya ang nanay ko at nakiusap sa punong-guro, na sinasabi, “Punong-guro, alam ko na napakahirap nito para sa iyo at gayundin sa paaralan, ngunit napakarami kong anak at kami ay nakakaraos din lang. Hindi talaga namin makakaya ang bayad sa pagsusulit. Halimbawa ay susulat ako sa paaralan ng IOU, hahayaan ninyong makapagsulit ang aking anak, at iisip ako ng paraan upang mabayaran kayo sa lalong madaling panahon….”

Tumingin ang punong-guro sa nanay ko at saglit na nag-isip. Tila wala siyang ibang mapagpipilian, sinabi niya, “OK, sige!”

…………

Hindi ko kailanman malilimutan ang sandaling lumipat ako sa senior middle school nang, dahil sa hindi makaya ng aking pamilya ang bayad sa pagsusulit, pinakiusapan ng nanay ko ang punong-guro ng paaralan para hayaan akong makapagsulit at kinailangan niyang sumulat ng IOU. Nakadama ako ng sobrang galit sa panahong iyon. Sa lipunang ito kung saan ang pera ay nakapangingibabaw, kung wala kang pera hindi ka kung gayon makagagawa ng anuman, at tahimik akong gumawa ng isang pagpapasya: Paglaki ko, magtatrabaho ako nang husto upang kumita ng pera, magiging mayaman at babaguhin ang aking sariling kapalaran!

Isang Buhay ng Pagsasakripisyo sa Kalusugan para sa Pera
          Pagkatapos ko sa senior middle school, upang matupad ang aking mga pangarap sa lalong madaling panahon na aking makakaya, pumasok ako sa isang vocational school at nag-aral ng pagmemekaniko, nagtrabaho ako nang husto upang mapag-aralan ang kaalamang espesyalista. Kapag lumalabas ang aking mga kaklase upang gugulin ang kanilang bakanteng oras sa maghapon, naroroon pa rin ako na pinag-aaralan ang mga kasanayang pangmakina; kapag natutulog na ang lahat, nananatili akong gising at nag-aaral nang husto.

Set 13, 2019

4. Paano Mo Masasabi ang Kaibhan ng Tunay na Daan sa mga Maling Daan, at ng Tunay na Simbahan sa mga Maling Simbahan?


Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ano ang pinaka-pangunahing prinsipyo sa paghahanap sa tunay na daan? Kailangan mong tingnan kung naroon ang gawain ng Banal na Espiritu o wala, sa ganitong paraan, kung ang mga salitang ito ay pagpapahayag ng katotohanan o hindi, sino ang pinatototohanan, at kung ano ang maidudulot nito sa iyo. Ang pag-alam ng pagkakaiba sa pagitan ng tunay na daan at maling daan ay nangangailangan ng maraming aspeto ng pangunahing kaalaman, kung saan ang pinakasaligan ay ang pagsasabi kung naroon ang gawain ng Banal na Espiritu o wala. Sapagka’t ang sangkap ng paniniwala ng tao sa Diyos ay ang paniniwala sa Espiritu ng Diyos, at kahit ang paniniwala niya sa Diyos na nagkatawang-tao ay dahil sa ang katawang-tao na ito ay ang pagsasakatawan ng Espiritu ng Diyos, na nangangahulugan na ang gayong paniniwala ay paniniwala pa rin sa Espiritu.

Ago 1, 2019

Ang Maging Isang Matapat na Tao ay Tunay na Dakila

Salita ng Diyos,Matapat na Tao,

Wu Ming, China

Isang araw noong 2004 sinabi sa akin ng isang kaibigan: “Bawat araw gumigising ka nang maaga at buong araw na abala sa paggupit ng tela, pinapagod mo ang sarili mo, ngunit hindi ka pa rin kumikita ng pera. Ang lipunan sa panahong ito ay umaasa sa dila para kumita ng pera, gaya ng sinasabi ng kilalang kasabihan: ‘Mas maigi ang magkaroon ng matatas na dila kaysa magkaroon ng malalakas na mga braso at binti.’ Alam mo na ako ngayon ay nasa negosyong direct sales na nagbebenta ng mga makeup na produkto, hindi lang ako napapaganda nito, hindi ko rin kailangan magpakapagod bawat araw, kailangan ko lang magsalita nang kaunti sa aking mga mamimili at ibenta ang aking mga produkto para kumita ng maraming pera. Bakit hindi ka magpalit ng trabaho at dito ka magtinda ng mga makeup na produkto kasama ko?” Tinignan ko ang aking kaibigan, talagang mas maganda siya kaysa dati, at naisip ko din kung paano ako naging mananahi sa higit 10 taon, paanong hindi talaga ako kumita ng pera, at paanong hindi na ako bumabata. Kung talagang kagaya siya ng sinasabi ng aking kaibigan, kung sa paglipat sa isang trabaho kung saan ako ay magtitinda ng mga makeup na produkto ay madali akong kikita ng pera, at maaari pang magmukhang mas bata at mas maganda at tumanggap ng matataas na papuri ng ibang tao, magiging mas maigi iyon! Habang pinag-iisipan ko ito, sinabi ko sa kanya doon din mismo na handa akong maging bahagi ng kumpanya. Kinalaunan, pagkatapos ng aking pagsusuri, bumili ako ng higit 3,000 yuan na halaga ng mga produkto, at sinimulang ko ang aking trabaho sa industriya ng cosmetics bilang isang beauty consultant para sa kumpanyang ito.

Hul 27, 2019

2. Sa Paghahanap sa Totoong Daan, Dapat Mong Mataglay ang Katuwiran.

Salita ng Diyos,Panalangin,Katapatan

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang Diyos at ang tao ay hindi maaaring masabing magkapantay. Ang Kanyang substansya at ang Kanyang gawain ay ang pinaka-di-maaarok at hindi-kayang-unawain ng tao. Kung ang Diyos ay hindi personal na gumagawa ng Kanyang gawain at bumibigkas ng Kanyang mga salita sa mundo ng tao, kung gayon hindi kailanman mauunawaan ng tao ang kalooban ng Diyos, at sa gayon, kahit yaong mga naglaan ng kanilang buong buhay sa Diyos ay hindi maaaring makatamo ng Kanyang pagsang-ayon. Kung wala ang gawain ng Diyos, gaano man kabuti ang ginagawa ng tao, mababalewala iyon, pagka’t ang mga pag-iisip ng Diyos ay palaging magiging mas mataas kaysa mga pag-iisip ng tao, at ang karunungan ng Diyos ay hindi maaarok ng tao.

May 23, 2019

Tagalog Christian Song | "Ang Katotohanan ang Pinakamataas sa Lahat ng Talinghaga ng Buhay"

Tagalog Christian Song | "Ang Katotohanan ang Pinakamataas sa Lahat ng Talinghaga ng Buhay"

I
Ang ''Katotohanan'' ay ang pinaka-tunay 
sa mga talinghaga ng buhay,
at pinakamataas ito sa buong sangkatauhan.
Tinatawag itong "talinghaga ng buhay",
ito ang hinihingi ng Diyos sa tao 
at ginagawa Niyang personal,
hinihingi ng Diyos sa tao at ginagawa Niya nang personal.
Di kasabihang binuod mula sa isang bagay,
ni tanyag na kasabihang mula sa isang dakila.
Ngunit ito'y pagbigkas sa sangkatauhan
mula sa Panginoon ng lahat sa lupa at langit'.

May 21, 2019

3. Ang Kabuluhan ng Gawain ng Diyos ng Paghatol at Pagkastigo.


Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang gawain ng mga huling araw ay upang pagbukud-bukurin ang lahat ayon sa kanilang uri, upang tapusin ang plano sa pamamahala ng Diyos, sapagka’t ang oras ay malapit na at ang araw ng Diyos ay nakárátíng na. Dinadala ng Diyos ang lahat ng nakapasok sa Kanyang kaharian, iyon ay, lahat ng naging tapat sa Kanya hanggang sa katapusan, tungo sa kapanahunan ng Diyos Mismo. Subali’t, hanggang sa pagdating ng kapanahunan ng Diyos Mismo, ang gawaing gagawin ng Diyos ay hindi upang magmasid sa mga gawa ng tao o magtanong tungkol sa buhay ng tao, kundi upang hatulan ang kanyang paghihimagsik, sapagka’t dadalisayin ng Diyos ang lahat ng lalapit sa harap ng Kanyang luklukan. Lahat ng mga nakásúnód sa mga yapak ng Diyos hanggang sa araw na ito ay yaong mga nagsilapit sa harap ng luklukan ng Diyos, at yamang ganito, ang bawat isang tao na tumatanggap sa gawain ng Diyos sa huling yugto nito ang siyang pinag-uukulan ng pagdadalisay ng Diyos. Sa ibang salita, ang lahat ng tumatanggap sa gawain ng Diyos sa huling yugto nito ang siyang pinag-uukulan ng paghatol ng Diyos.

Abr 22, 2019

Hinggil sa mga Pangalan at Pagkakakilanlan (Ikalawang bahagi)




       Sa simula, nang hindi pa nasisimulan ni Jesus ang pagsasagawa ng Kanyang ministeryo, katulad ng mga disipulong sumunod sa kanya, minsan ay dumalo rin Siya sa mga pagtitipon, at umawit ng mga himno, nagbigay ng papuri, at binasa ang Lumang Tipan sa templo. Matapos Niyang mabautismuhan at umahon, ang Espiritu ay opisyal na bumaba sa Kanya at nagsimulang gumawa, ibinubunyag ang Kanyang pagkakakilanlan at ang ministeryo na isasagawa Niya. Bago ito, walang nakakaalam sa Kanyang pagkakakilanlan, at maliban kay Maria, maging si Juan ay hindi rin ito alam. Si Jesus ay 29 nang Siya ay sumailalim sa bautismo. Nang matapos ang Kanyang bautismo, nagbukas ang kalangitan, at isang tinig ang nagsabi: “Ito ang sinisinta kong Anak, na siya kong lubos na kinalulugdan.”

"Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" | Sipi 14

Ang bawa’t yugto ng gawain ng Banal na Espiritu ay kasabay na nangangailangan ng patotoo ng tao. Ang bawa’t yugto ng gawain ay isang p...