Ang lahat ng mga sangay sa kanluran ay dapat makinig sa Aking tinig:
Sa nakaraan, naging tapat ba kayo sa Akin? Sinunod ba ninyo ang Aking napakahusay na mga salita ng payo? May mga pag-asa ba kayong makatotohanan at hindi malabo at walang katiyakan? Ang katapatan, pag-ibig, at pananampalataya ng tao—walang iba maliban sa nagmumula sa Akin, maliban sa mga ipinagkaloob Ko. Bayan Ko, kapag nakikinig kayo sa Aking mga salita, nauunawaan ba ninyo ang Aking kalooban? Nakikita ba ninyo ang puso Ko? Sa nakaraan, habang naglalakbay kayo sa daan ng paglilingkod, naranasan ninyo ang mga tagumpay at kabiguan, ang mga pagsulong at mga kabiguan, at may mga panahong nanganib kayong bumagsak at maging sa puntong Ako ay inyong pagtaksilan; ngunit alam ba ninyong sa bawat sandali, nakahanda Akong laging iligtas kayo?