Ang pagsisiyasat kung iyong isinasagawa ang pagkamatuwid sa lahat ng iyong ginagawa, at kung minamasdan ng Diyos lahat ng pagkilos mo, ay mga prinsipyo sa pag-uugali ng mga naniniwala sa Diyos. Tatawagin kayong matuwid dahil napalulugod ninyo ang Diyos, at dahil tinatanggap ninyo ang Kanyang pag-aalaga at proteksyon. Sa paningin ng Diyos, lahat ng tumatanggap ng Kanyang pag-aalaga, proteksyon, at pagka-perpekto at mga nakakamit Niya, ay mga matuwid at tinitingnan nang may pagtatangi ng Diyos. Mas tinatanggap ninyo ang mga salita ng Diyos dito at ngayon, mas nagagawa ninyong matanggap at maunawaan ang Kanyang kalooban, at kaya mas maisasabuhay ninyo ang mga salita ng Diyos at masusunod ninyo ang Kanyang mga pamantayan.
Ang Kidlat ng Silanganan, ang Makapangyarihang Diyos ay ang pangalawang pagdating ng Panginoon Jesus. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos! Tinatanggap natin ang lahat ng naghahanap ng katotohanan na pumarito at maghanap.
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na krus. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na krus. Ipakita ang lahat ng mga post
Abr 3, 2019
Ang Masama ay Dapat Parusahan
Ang pagsisiyasat kung iyong isinasagawa ang pagkamatuwid sa lahat ng iyong ginagawa, at kung minamasdan ng Diyos lahat ng pagkilos mo, ay mga prinsipyo sa pag-uugali ng mga naniniwala sa Diyos. Tatawagin kayong matuwid dahil napalulugod ninyo ang Diyos, at dahil tinatanggap ninyo ang Kanyang pag-aalaga at proteksyon. Sa paningin ng Diyos, lahat ng tumatanggap ng Kanyang pag-aalaga, proteksyon, at pagka-perpekto at mga nakakamit Niya, ay mga matuwid at tinitingnan nang may pagtatangi ng Diyos. Mas tinatanggap ninyo ang mga salita ng Diyos dito at ngayon, mas nagagawa ninyong matanggap at maunawaan ang Kanyang kalooban, at kaya mas maisasabuhay ninyo ang mga salita ng Diyos at masusunod ninyo ang Kanyang mga pamantayan.
Ago 30, 2018
Tagalog Christian Music Video | "Ang Tanging Nais ng Diyos ay Makinig at Sumunod ang Tao"
Tagalog Christian Music Video | "Ang Tanging Nais ng Diyos ay Makinig at Sumunod ang Tao"
I
Yamang nilikha ng Diyos ang mundo
maraming taon na ang nakalilipas,
natapos Niya ang isang napakahusay na trabaho
sa mundong ito,
Siya ay nagdusa ng pinakamasamang
pagtanggi ng sangkatauhan
at nakaranas ng maraming panirang-puri.
Walang sinuman ang tumanggap
sa pagdating ng Diyos sa lupa.
Lahat sila ay nagpaalis sa Kanya sa
pamamagitan ng gayong pagwawalang-bahala.
Nagdusa siya ng libu-libong tao'ng paghihirap.
Ang pag-uugali ng tao sa nakalipas na panahon
ay sumira sa Kanyang puso.
Hindi na Niya pinapansin ang panghihimagsik ng tao,
ngunit pinaplano upang baguhin at linisin sila sa halip.
Ago 18, 2018
Hinahangad ng Diyos na Mas Marami pang Tao ang Magkamit ng Kanyang Kaligtasan
I
Nais ng Diyos na maraming tao ang mag-aaral nang mabuti
kapag naharap sa salita ng Diyos at Kanyang gawain,
lumalapit sa mahalagang salita na ito
na may maka-diyos na puso.
Huwag sundan ang yapak ng mga pinarusahan.
Huwag tularan si Pablo, tamang daa'y malinaw na alam
ngunit sadyang sumuway, nawala ang handog sa kasalanan.
Tanggapin ang bago Nyang gawa,
kamtin katotohanan Nyang bigay.
Gayo'y iyong matatamo ang kaligtasan ng Diyos!
II
Hindi hangad ng Diyos na marami ang maparusahan,
sa halip ay nais Nya na mas marami ang maligtas,
upang mas maraming tao ang magsikap,
at sumunod sa Kanyang mga yapak,
upang higit pa ang makapasok sa kaharian ng Diyos!
Tanggapin ang bago Nyang gawa,
kam'tin katotohanan Nyang bigay.
Gayo'y iyong matatamo ang kaligtasan ng Diyos!
Ago 15, 2018
Kailangang maunawaan ng isang tao na ang mensaheng ipinalalaganap ng Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya ang tanging daan tungo sa pagsisisi
Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:
“Mangagsisi kayo; sapagka’t malapit na ang kaharian ng langit” (Mateo 4:17).
“Sapagka’t ito ang aking dugo ng tipan, na nabubuhos dahil sa marami, sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan” (Mateo 26:28).
“At ipangaral sa kaniyang pangalan ang pagsisisi at pagpapatawad ng mga kasalanan sa lahat ng mga bansa, magbuhat sa Jerusalem” (Lucas 24:47).
Nauugnay na mga Salita ng Makapangyarihang Diyos:
Sa simula, ipinakalat ni Jesus ang ebanghelyo at ipinangaral ang paraan ng pagsisisi, pagkatapos ay natuloy ito sa bumautismo ng tao, pagpapagaling ng karamdaman, at magpalayas ng mga demonyo. Sa katapusan, tinubos Niya ang sangkatauhan mula sa kasalanan at kinumpleto ang Kanyang trabaho para sa buong panahon.
mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ago 7, 2018
Ang pangalan ng Diyos ay maaaring magbago, pero ang Kanyang tunay na diwa ay hindi magbabago kailanman
Nauugnay na mga Salita ng Makapangyarihang Diyos:
Mayroong mga nagsasabi na ang Diyos ay di-mababago. Tama iyon, ngunit ito ay tumutukoy sa di-nababagong sangkap at disposisyon ng Diyos. Ang mga pagbabago sa Kanyang pangalan at gawain ay hindi nagpapatunay na ang Kanyang sangkap ay nagbago; sa madaling sabi, ang Diyos ay mananatiling Diyos, at hindi ito kailanman magbabago. Kung sinasabi mo na hindi nagbabago ang gawain ng Diyos, matatapos ba Niya ang Kanyang anim na libong taong plano sa pamamahala? Ang alam mo lamang ay hindi magpakailanman nagbabago ang Diyos, ngunit alam mo ba na ang Diyos ay palaging bago at hindi kailanman luma? Kung hindi kailanman nagbago ang gawain ng Diyos, gayon madadala ba Niya ang sangkatauhan sa kasalukuyan? Kung hindi nagbabago ang Diyos, bakit Niya naisagawa ang gawain sa dalawang kapanahunan? Ang Kanyang gawain ay palaging umuunlad pasulong, ang Kanyang disposisyon ay unti-unting naibubunyag sa tao, at ang naibubunyag ay ang Kanyang likas na disposisyon. Sa simula, ang disposisyon ng Diyos ay nakatago mula sa mga tao, hindi Niya kailanman tuwirang ibinunyag ang Kanyang disposisyon sa tao, at walang kaalaman ang tao tungkol sa Kanya, kaya ginamit Niya ang Kanyang gawain upang unti-unting ibunyag ang Kanyang disposisyon sa tao, ngunit hindi ito nangangahulugan na ang Kanyang disposisyon ay nagbabago sa bawat kapanahunan. Hindi ito tungkol sa ang disposisyon ng Diyos ay patuloy sa pagbabago dahil ang Kanyang kalooban ay palaging nagbabago. Sa halip, dahil ang mga kapanahunan ng Kanyang gawain ay magkaiba, ang Kanyang likas na disposisyon sa kabuuan nito ay unti-unting naibunyag sa tao, nang sa gayon ay makilala Siya ng mga tao. Ngunit hindi ito patunay na sa simula ay walang tiyak na disposisyon ang Diyos at ang disposisyon Niya ay unti-unting nagbago sa paglipas ng mga kapanahunan-ang ganoong pagkaunawa ay mali. Ibinubunyag ng Diyos sa tao ang Kanyang likas, particular na disposisyon, kung ano Siya, ayon sa paglipas ng mga kapanahunan. Ang gawain sa nag-iisang kapanahunan ay hindi makapagpapaliwanag sa buong disposisyon ng Diyos. At kaya, ang mga salitang "Ang Diyos ay palaging bago at kailanman ay hindi luma" ay tumutukoy sa Kanyang gawain, at ang mga salitang "Ang Diyos ay hindi magbabago" ay tungkol sa likas na kung ano ang mayroon at kung ano ang Diyos. Gayunpaman, hindi mo maaaring maipaliwanag ang anim na libong taong gawain sa isang punto, o mailarawan ito sa pamamagitan ng mga di-nagbabagong mga salita lamang. Gayon ay ang kahangalan ng tao. Ang Diyos ay hindi payak katulad ng ipinapalagay ng mga tao, at ang Kanyang gawain ay hindi magtatapos sa isang kapanahunan lamang. Si Jehovah, halimbawa, ay hindi laging kakatawan sa pangalan ng Diyos; isinasagawa rin ng Diyos ang Kanyang gawain sa ilalim ng pangalan na Jesus, na isang simbolo ng kung paanong patuloy ang pag-unlad nang pasulong ng gawain ng Diyos.
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Hul 14, 2018
Sinabi ng Panginoong Jesus na Siya ay babalik, at ano ang paraan ng Kanyang pagbabalik?
Sa loob ng libong mga taon, inasam ng tao na masaksihan ang pagdating ng Tagapagligtas. Inasam ng tao na makita si Jesus na Tagapagligtas na nasa puting ulap habang Siya ay bumababa, sa Kanyang pagkatao, sa mga taong nanabik at naghangad sa Kanya sa loob ng libong mga taon. Hinangad ng tao na bumalik ang Tagapagligtas at muling makiisa sa mga tao, yan ay, na si Jesus na Tagapagligtas ay bumalik sa mga tao na napahiwalay sa Kanya sa loob ng libong mga taon. At umaasa ang tao na muli Niyang isasagawa ang gawain ng pagtubos na ginawa Niya sa mga Hudyo, magiging mahabagin at mapagmahal sa tao, magpapatawad sa mga kasalanan ng tao, dadalhin ang mga kasalanan ng tao, at papasanin na pati lahat ng mga paglabag ng tao, at ililigtas ang tao mula sa kasalanan. Hangad nila na si Jesus na Tagapagligtas na maging katulad dati—isang Tagapagligtas na kaibig-ibig, magiliw at kagalang-galang, na hindi kailanman mabagsik sa tao, at na hindi kailanman sinisisi ang tao. Ang Tagapagligtas na ito ay nagpapatawad at pinapasan ang lahat ng mga kasalanan ng tao, at namatay rin muli sa krus para sa tao. Mula nang lumisan si Jesus, ang mga disipulo na sumunod sa Kanya, at lahat ng mga santo na naligtas na nagpapasalamat sa Kanyang pangalan, ay naging desperado sa pag-asam sa Kanya at hinihintay Siya. Lahat ng mga taong naligtas ng biyaya ni Jesucristo sa panahon ng Kapanahunan ng Biyaya ay nananabik sa nakakagalak na araw sa panahon ng mga huling araw, kapag si Jesus ang Tagapagligtas ay dumating sakay sa isang puting ulap at magpakita sa tao. Mangyari pa, ito rin ang sama-samang pagnanais ng lahat ng mga taong tumatanggap sa pangalan ni Jesus na Tagapagligtas ngayon. Sa buong sansinukob, lahat ng mga tao na nakakaalam sa pagliligtas ni Jesus na Tagapagligtas ay naging desperado nang may matinding pagnanais sa biglaang pagdating ni Jesucristo, upang tuparin ang mga salita ni Jesus nang nasa lupa: “Babalik ako tulad ng Aking paglisan.” Ang tao ay naniniwala na, sumunod sa pagpako sa krus at muling pagkabuhay na mag-uli, si Jesus ay bumalik sa langit sa ibabaw ng isang puting ulap, at naupo sa Kanyang luklukan sa kanan ng Kataas-taasan. Kahalintulad din, nag-iisip ang tao na si Jesus ay bababa muli sakay sa isang puting ulap (ang ulap na ito ay tumutukoy sa ulap na sinakyan ni Jesus nang bumalik Siya sa langit), sa mga taong naging desperado sa pananabik sa Kanya sa loob ng libong mga taon, at na dadalhin Niya ang imahe at mga pananamit ng mga Hudyo. Matapos ang pagpapakita sa mga tao, magbibigay Siya ng pagkain sa kanila, magiging dahilan ng pagbukal ng buhay na tubig para sa kanila, at mamumuhay kasama ng mga tao, puspos ng biyaya at pagmamahal, buhay at tunay. At iba pa. Datapwat si Jesus na Tagapagligtas ay hindi ganito ang ginawa; ginawa Niya ang kabaliktaran nang iniisip ng tao. Hindi Siya dumating doon sa mga taong naghahangad sa Kanyang pagbabalik at hindi nagpakita sa lahat ng mga tao habang nakasakay sa puting ulap. Siya ay dumating na, subalit hindi Siya kilala ng tao, at nananatiling mangmang sa Kanyang pagdating. Ang tao ay walang layon na naghihintay lamang sa Kanya, walang malay na nakababa na Siya sakay sa isang puting ulap (ang ulap na siyang Kanyang Espiritu, Kanyang mga salita, at Kanyang buong disposisyon at lahat ng Siya), at ngayon ay kasama ng isang grupo ng mga mapagtagumpay na Kanyang gagawin sa panahon ng mga huling araw. Hindi ito alam ng tao: Bagaman ang banal na Tagapagligtas na si Jesus ay puno ng pagkagiliw at pagmamahal sa tao, paano Siya makakagawa sa mga “templo” na pinamamahayan ng karumihan at di-malinis na mga espiritu? Bagaman hinihintay ng tao ang Kanyang pagdating, paano Siya maaaring magpakita sa mga taong kumakain ng laman ng mga di-matuwid, umiinom ng dugo ng di-matuwid, nagsusuot ng mga damit ng di-matuwid, na naniniwala sa Kanya ngunit hindi Siya kilala, at patuloy na kinikikilan Siya? Ang tanging alam lang ng tao ay na si Jesus na Tagapagligtas ay puno ng pagmamahal at habag, at ang paghahandog para sa kasalanan ay puspos ng pagtubos. Ngunit ang tao ay walang idea na Siya rin ay ang Diyos Mismo, na nag-uumapaw sa pagkamatuwid, kamahalan, matinding galit, at paghatol, at nag-aangkin ng awtoridad at puno ng dangal. At sa gayon bagaman masugid na nagnanais at nananabik sa pagbabalik ng Manunubos, at kahit ang Langit ay naaantig sa mga dalangin ng tao, si Jesus na Tagapagligtas ay hindi nagpapakita sa mga taong naniniwala sa Kanya subalit hindi Siya nakikilala.
Hul 13, 2018
Kidlat ng Silanganan | Ebangheliyong pelikula | "Pananabik" (Trailer)
Ang nakuha pagkatapos manood: Sapagkat ang Panginoong Jesus ay ipinako sa krus, at pagkatapos ay nabuhay na mag-uli at umakyat sa langit, Ang Panginoon ay nagpropesiya na kapag Siya ay darating ay tatanggapin Niya tayo sa lugar na inihanda. Babalik ba ang Panginoon ng mga ulap? O sa ibang paraan? Hindi na kailangang pahirapan pa ang ating utak, makikita mo ang mga sagot dito. Ang trailer ng pelikula na "Pananabik".
Dalawang libong taon na ang nakararaan, ipinangako ng Panginoong Jesus sa Kanyang mga alagad: "Ako’y paroroon upang ipaghanda ko kayo ng dakong kalalagyan. At kung ako’y pumaroon at kayo’y maipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto ako, at kayo’y tatanggapin ko sa aking sarili; upang kung saan ako naroroon, kayo naman ay dumoon" (Juan 14:2-3). Dahil dito, patuloy na lubhang inasam at ipinagdasal ng mga henerasyon ng mga nananalig ang katuparan ng pangako ng Panginoon, at inasam at ipinagdasal na madala sila sa kalangitan para salubungin ang Panginoon at pumasok sa kaharian ng langit pagdating ng Panginoon. Inilalarawan din nito ang bida sa pelikula na si Chen Xiangguang. Masigasig siyang naghahanap, nangangaral ng ebanghelyo, at nagpapatotoo sa Panginoon para makasalubong sa pagdating ng Panginoon. Kahit natanggal sa trabaho sa paaralan at hindi siya naunawaan ng kanyang mga kapamilya, hindi siya nawawalan ng pag-asa sa kanyang puso kailanman. Isang araw habang nasa isang pagtitipon, inaresto si Chen Xiangguang at ibinilanggo ng gobyernong Chinese Communist. Sa ilalim ng nakamamanghang pamamahala ng Diyos at pakikipag-ayos, nakilala niya si Zhao Zhiming, isang Kristiyano mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Nagpatotoo sa kanya si Zhao Zhiming tungkol sa pagpapakita at gawain ng Diyos sa mga huling araw, na nakalutas sa maraming taon niyang paniwala at imahinasyon sa pag-asam at pagdarasal para sa pagbalik ng Panginoon. Nang makalaya sa bilangguan, hinikayat ni Chen Xiangguang ang kanyang mga kapatid na pag-aralan ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Sa wakas ay naunawaan ng lahat kung ano ang madala sa kaharian ng langit, kung nasa lupa ba o sa langit ang kaharian, at kung paano dapat salubungin ng mga tao ang pagbalik ng Panginoon ...
Hul 1, 2018
Ebangheliyong pelikula | "Sino ang Muling Nagpapako sa Diyos sa Krus?" (Tagalog Dubbed)
Ang nakuha pagkatapos manood: Sa pagbalik tanaw sa panahon ng Biyaya, ang mga Pariseo nang panahong iyon ay natatakot na ang kanilang posisyon ay nanganganib, kaya ayaw nilang hanapin ang salita ng Panginoong Jesus, at higit pa, pinagsama nila ang pamahalaan ng Roma upang ipako ang Panginoong Jesus sa krus, na sinaktan ang disposisyon ng Diyos, at sa wakas ay isinumpa at pinarusahan ng Diyos. Sa pagharap sa pagbalik ng Diyos ngayon, kung paano natin iwasan ang paglakad sa parehong paraan ng mga Pariseo? Sinasabi sa atin ng pelikulang "Sino Ang Muling Nagpapako Sa Diyos Sa Krus?" ang aspetong ito ng katotohanan at ang paraan upang magsanay, na madagdagan ang ating pag-unawa. Salamat sa Diyos. Ibahagi ang pelikulang ito sa iyo.
Si Gu Shoucheng ay isang pastor sa isang bahay-sambahan sa China. Nanalig na siya sa Panginoon nang maraming taon, at hindi nagbabago sa pagsisikap na magbigay ng mga sermon, at marami na siyang napuntahan para ipangaral ang ebanghelyo. Naaresto na siya at nakulong dahil sa pangangaral ng ebanghelyo, at nakulong nang 12 taon. Nang makalabas na siya ng bilangguan, patuloy na naglingkod si Gu Shoucheng sa iglesia. Gayunman, nang dumating ang ebanghelyo ng Makapangyarihang Diyos sa iglesiang kinsasapian ni Gu Shoucheng, ni hindi niya ito hinahanap o sinisiyasat, kundi umaasa siya sa sarili niyang mga paniwala at pagkaintindi nang buong katigasan ng ulo na husgahan ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, at ginagawa niya ang lahat para magkalat ng mga paniwala at maling pagkaintindi upang putulin at pigilan ang pagtanggap ng mga nananalig sa tunay na daan. Matapos basahin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos noon natuklasan ni Gu Shoucheng na tunay ngang sila ay may awtoridad at kapangyarihan at na sinuman ang nakarinig sa mga ito ay makumbinsi, at natakot siya nang husto na sinuman sa iglesia ang makabasa sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay mananalig sa Kanya. Natakot siya na kung magkagayo'y hindi niya mapapanatili ang kanyang katayuan at pamumuhay. Kaya nga, tinalakay niya ito kay Elder Wang Sen at sa iba pa sa iglesia at ipinasiya niyang linlangin ang mga tao sa mga tsismis na ginamit ng pamahalaang Chinese Communist sa pag-atake at paghusga sa Makapangyarihang Diyos. Ginagawa nina Gu Shoucheng at Wang Sen ang lahat para isara ang iglesia at pigilan ang mga tao sa pagtanggap sa tunay na daan, at tumutulong pa sila sa makademonyong rehimen ng CCP para arestuhin at usigin ang mga nagpapatotoo sa Makapangyarihang Diyos. Malaking kasalanan sa disposisyon ng Diyos ang kanilang ginagawa at sumasailalim sila sa Kanyang sumpa. Dahil aarestuhin na ni Wang Sen ang ilang taong nagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian, naaksidente siya at namatay doon mismo. Nabubuhay si Gu Shoucheng sa takot at kawalang-pag-asa at natataranta. Madalas niyang sinasabi sa sarili: "Ang paghatol ko ba sa Makapangyarihang Diyos ay ipinapakong muli ang Diyos sa krus?"
Rekomendasyon:
Paano Dapat Unawain ang Kristiyanismo?
Rekomendasyon:
Paano Dapat Unawain ang Kristiyanismo?
Hun 23, 2018
Kanta ng Papuri | D'yos Nagkatawang-tao upang Iligtas ang Sangkatauhan
¸.•*¨☆¸.•*¨☆¸.•*¨☆¸.•*¨☆¸.•*¨☆¸.•*¨☆¸.•*¨☆¸.•*¨☆¸.•*¨☆¸.•*¨☆¸.•*¨☆
I
Ngayon ang araw, kita mo ba?
'Di simpleng bagay Diyos dumating sa gitna ng tao
upang tao'y iligtas, talunin si Satanas,
kaya Diyos nagkatawang-tao.
Kung di rito, di S'ya gagawa sa Sarili N'ya.
D'yos nagkatawang-tao upang si Satanas ay labanan
at akayin ang tao,
na lama'y naging tiwali't nais iligtas ng D'yos.
D'yos muling nagkatawang-tao
upang talunin si Satanas, at tao'y iligtas.
D'yos lang makalalaban kay Satanas sa Espiritu
o sa katawang-tao.
Hun 9, 2018
Kidlat ng Silanganan | Salita ng Diyos | Ano ang Kahulugan ng Maging Isang Tunay na Tao
Ang pamamahala sa tao ang Aking gawain, at ang siya ay malupig Ko ay isang bagay na tunay na naitakda noong likhain Ko ang mundo. Maaring hindi alam ng mga tao na ganap Ko silang lulupigin sa mga huling araw at maaari ding walang kamalay-malay na ang katibayan ng Aking pagtalo kay Satanas ay ang paglupig sa mga mapaghimagsik sa gitna ng sangkatauhan. Ngunit, nang ang Aking kaaway ay nakipaglaban sa Akin, napagsabihan Ko na ito na Ako ang magiging tagalupig nilang nabihag na ni Satanas at ginawang mga anak nito at mga tapat nitong tagapaglingkod na nagbabantay ng bahay nito. Ang orihinal na kahulugan ng lupigin ay talunin, upang isailalim sa kahihiyan. Kasama sa wika ng mga Israelita, ito ay upang ganap na talunin, sirain, at alisan ng kakayahan sa higit pang paglaban sa Akin. Nguni’t ngayon, gaya ng paggamit sa gitna ninyong mga tao, ang kahulugan nito ay lupigin. Dapat ninyong malaman na ang Aking hangarin ay ganap na patayin at pasukuin ang masama sa sangkatauhan, upang hindi na ito makapaghimagsik laban sa Akin, lalong hindi magkaroon ng pagkakataon upang guluhin o gambalain ang Aking gawain. Sa gayon, sa kaalaman ng tao, nagkaroon ito ng kahulugan na paglupig. Anuman ang mga ipinahihiwatig ng salita, ang Aking gawain ay talunin ang sangkatauhan. Sapagka’t, magkagayunman na ang sangkatauhan ay kasama sa Aking pamamahala, sa higit na eksaktong pananalita, ang sangkatauhan ay walang iba kundi Aking kaaway. Ang sangkatauhan ay ang masama na sumasalungat at sumusuway sa Akin. Ang sangkatauhan ay walang iba kundi ang anak ng masama na Aking isinumpa. Ang sangkatauhan ay walang iba kundi ang inapo ng arkanghel na nagkanulo sa Akin. Ang sangkatauhan ay walang iba kundi ang pamana ng diyablo na, tinanggihan Ko nang matagal na, ay naging Aking hindi muling-makakasundong kaaway mula noon. Sa ibabaw ng sangkatauhan, ang papawirin ay bumababa, madilim at malungkot, walang anumang banaag ng kalinawan, at ang mundo ng tao ay nalubog sa lubhang kadiliman, upang ang isa na nabubuhay dito ay hindi man lamang makita ang kanyang nakaunat na kamay sa harap ng kanyang mukha o ang araw kapag siya ay tumitingala. Ang daan sa ilalim ng kanyang mga paa, maputik at puno ng lubak, ay paliku-liko; ang buong lupain ay nakakalatan ng mga bangkay. Ang madidilim na mga sulok ay puno ng mga labi ng patay, at sa malamig at madidilim na mga sulok ay naninirahan ang mga pulutong ng mga demonyo. At saanman sa mundo ng mga tao ang mga demonyo ay umaalis at dumarating nang sama-sama. Ang mga anak ng lahat ng klase ng mga ganid, puno ng putik, ay subsob sa matinding paglalaban-laban, na ang ingay ay nakasisindak sa puso. Sa gayong mga pagkakataon, sa gayong mundo, gayong “makalupang paraiso,” Saan tutungo ang isa upang maghanap ng kagalakan ng buhay? Saan pupunta ang isa upang masumpungan ang hantungan ng kanyang buhay? Ang sangkatauhan, niyurakan sa ilalim ng mga paa ni Satanas matagal nang nakalipas, mula pa sa simula ay naging artistang tinataglay ang larawan ni Satanas–lalong-lalo na, ang pagsasakatawan ni Satanas, nagsisilbing katibayan na sumasaksi kay Satanas, malinaw na malinaw. Paanong ang ganyang lahi ng tao, ang gayong pangkat na masama't kasuklam-suklam, at ang ganyang supling ng masamang pamilyang ito ng tao ay sasaksi sa Diyos? Saan nagmumula ang Aking luwalhati? Saan ang isa ay maaaring mag-umpisang magsalita ng Aking pagsaksi? Dahil ang kaaway na, nagawang masama ang sangkatauhan, naninindigan laban sa Akin, ay nakuha na ang sangkatauhan—ang sangkatauhang nilikha Ko noong sinaunang panahon at napuspos ng Aking luwalhati at Aking pagsasabuhay—at dinumihan sila. Naagaw na nito ang Aking luwalhati, at ang tanging inilipos nito sa tao ay lasong labis na hinaluan ng kapangitan ni Satanas, at katas mula sa bunga ng puno ng kaalaman ng mabuti at masama. Sa pasimula, Aking nilikha ang sangkatauhan, ibig sabihin, Aking nilikha ang ninuno ng sangkatauhan, si Adan. Siya ay binigyan ng anyo at larawan, puno ng kalakasan, puno ng buhay, at, higit pa rito, nasa piling ng Aking luwalhati. Iyan ang maluwalhating araw nang Aking nilikha ang tao. Pagkatapos niyan, si Eba ay ibinunga mula sa katawan ni Adan, at siya rin ay ang ninuno ng tao, kaya’t ang mga taong Aking nilalang ay puno ng Aking hininga at puno ng Aking luwalhati. Si Adan ay orihinal na isinilang mula sa Aking kamay at ang pagkakatawan ng Aking larawan. Sa gayon ang orihinal na kahulugan ng “Adan” ay isang katauhan na nilikha Ko, sinamahan ng Aking buhay na lakas, sinamahan ng Aking luwalhati, nagtataglay ng anyo at larawan, nagtataglay ng diwa at hininga. Siya ang nag-iisang nilalang, may angking espiritu, na may kakayahan ng pagkatawan sa Akin, ng pagtataglay ng Aking larawan, at pagtanggap ng Aking hininga. Sa pasimula, si Eba ang ikalawang taong pinagkalooban ng hininga na ang paglikha ay Aking naitalaga, kaya ang orihinal na kahulugan ng “Eba” ay isang nilikhang magpapatuloy sa Aking luwalhati, puno ng Aking sigla at lalo pang masaganang pinagkalooban ng Aking luwalhati. Si Eba ay nagmula kay Adan, kaya taglay rin niya ang Aking larawan, sapagka’t siya ang ikalawang taong nilalang sa Aking larawan. Ang orihinal na kahulugan ng “Eba” ay isang buhay na tao, may espiritu, laman, at buto, ang Aking ikalawang patotoo gayundin ang Aking ikalawang larawan sa gitna ng sangkatauhan. Sila ang mga ninuno ng sangkatauhan, ang dalisay at mahalagang kayamanan ng tao, at, mula sa nauna, ay buhay na mga nilalang na pinagkalooban ng espiritu. Subali’t kinuha ng masama ang mga anak ng mga ninuno ng sangkatauhan at niyurakan sila at binihag sila, inilulubog ang mundo ng tao sa ganap na kadiliman, at ginagawa ito upang ang mga anak ay hindi na maniniwala sa Aking pag-iral. Lalo pang higit na kasuklam-suklam na, habang ang siyang masama ay pinasasama ang mga tao at niyuyurakan sila, malupit nitong inaagaw ang Aking luwalhati, ang Aking patotoo, ang siglang ipinagkaloob Ko sa kanila, ang hininga at ang buhay na iniihip Ko tungo sa kanila, ang buo Kong luwalhati sa mundo ng tao, at ang lahat ng dugo ng puso na Aking nagugol sa sangkatauhan. Ang sangkatauhan ay wala na sa liwanag, at naiwala na ang lahat ng Aking naipagkaloob sa kanila, tinatanggal ang luwalhating Aking naipagkaloob. Paano nila maaaring kilalanin na Ako ang Panginoon ng lahat ng mga nilalang? Paano sila makapagpapatuloy na maniwala sa Aking pag-iral sa langit? Paano nila matutuklasan ang mga pagpapamalas ng Aking luwalhati sa ibabaw ng lupa? Paano maipapalagay ng mga apong lalaki at babaeng ito ang Diyos na iginalang ng kanilang sariling mga ninuno bilang ang Panginoon na lumikha sa kanila? Malugod na "iniharap" nitong mga kawawang apong lalaki at babae sa masama ang luwalhati, ang larawan, gayundin ang patotoo na ipinagkaloob Ko kina Adan at Eba, gayundin ang buhay na ipinagkaloob Ko sa sangkatauhan at kung saan sila ay umaasa upang umiral, at, nang wala ni katiting na pag-aalala sa presensya ng masama, ay naibigay ang Aking buong luwalhati dito. Hindi ba’t ito ang pinagmulan ng paggamit ng “linab”? Paanong maaangkin ng gayong sangkatauhan, gayong kasamang mga demonyo, gayong lumalakad na mga bangkay, gayong mga anyo ni Satanas, at gayong Aking mga kaaway ang Aking kaluwalhatian? Aangkinin Kong muli ang Aking kaluwalhatian, aangkinin ang Aking patotoo na umiiral sa gitna ng mga tao, at lahat ng dating pag-aari Ko na ibinigay Ko sa sangkatauhan noong unang panahon—lulupigin Kong ganap ang sangkatauhan. Gayunman, dapat mong malaman, ang mga taong nilikha Ko ay mga banal na tao na taglay ang Aking larawan at Aking luwalhati. Hindi sila pag-aari ni Satanas, ni sakop sila ng pagyurak nito, kundi Aking kahayagan lamang, malaya sa katiting na bahid ng lason ni Satanas. At gayon nga, hinahayaan Ko ang sangkatauhan na malaman na ang tanging nais Ko ay yaong nilikha ng Aking kamay, ang mga banal na Aking minamahal at hindi pag-aari ng iba pang kalikhaan. Bukod diyan, masisiyahan Ako sa kanila at ituturing silang Aking luwalhati. Datapwa’t, ang nais Ko ay Hindi ang sangkatauhan na nagawang masama ni Satanas, na pag-aari ni Satanas ngayon, at hindi na ang Aking orihinal na likha. Dahil layunin Kong angkining muli ang Aking luwalhati na umiiral sa mundo ng tao, kakamtin Ko ang ganap na paglupig sa mga natitirang nakaligtas sa gitna ng sangkatauhan, bilang patunay ng Aking luwalhati sa pagtalo kay Satanas. Tanging ang Aking patotoo ang tinatanggap Ko bilang pagliliwanag ng Aking sarili, bilang layon ng Aking kasiyahan. Ito ang Aking kalooban.
Hun 4, 2018
Kanta ng Papuri | Ang Kabuluhan ng Dalawang Pagkakatawang-tao ng Diyos
.•*¨*•.¸¸♬ .•*¨*•.¸¸ ♪.•*¨*•.¸¸♬.•*¨*•.¸¸♪.•*¨*•.¸¸ ♪.•*¨*•.¸¸♬.•*¨*•.¸¸♪.•*¨*•.¸¸♬ .•*¨*•.¸¸ ♪.•*¨*•.¸¸♬.•*¨*•.¸¸
I
Sinimulan ng Diyos ang gawain ng pagligtas
sa Kapanahunan ng Biyaya,
pagkatapos ng wakas ng Kapanahunan ng Kautusan.
Tinubos ang tao mula sa kasalanan
sa unang pagkakatawang-tao ni Jesucristo.
Tao'y niligtas Niya mula sa krus,
ngunit mga disposisyong masama'y di nakibo.
Sa mga huling araw,
humahatol ang Diyos upang sangkatauha'y madalisay.
Wawakasan lang Niya,
gawain ng pagliligtas
at papasok sa kapahingahan, pagkaraan nito.
Hun 3, 2018
Kidlat ng Silanganan | Ang Kalooban ng Diyos | Maglingkod Kagaya ng Ginawa ng Mga Israelita
Sa kasalukuyan maraming mga tao ang hindi nag-uukol ng pansin sa kung anong mga aral ang dapat na matutuhan sa panahon ng pakikipagtulungan sa iba. Aking natuklasan na marami sa inyo ang hindi kayang matutuhan ang mga aral sa anumang paraan sa panahon ng pakikipagtulungan sa iba. Karamihan sa inyo’y nananatili sa inyong sariling mga pananaw, at kapag gumagawa sa iglesia, sinasabi mo ang iyong bahagi at sinasabi niya ang kanya, isa na walang kaugnayan sa iba, hindi nakikipagtulungan sa anumang paraan. Kayo ay abalang-abala sa pakikipagtalastasan lamang sa inyong panloob na mga pananaw, abalang-abala sa pagpapalaya lamang sa inyong “mga pasanin” sa loob ninyo, hindi naghahangad ng buhay sa anumang paraan. Tila ginagawa mo na lamang basta ang gawain, palaging naniniwala na dapat mong sundin ang iyong sariling paraan hindi alintana ang ibang mga tao, at dapat kang makipagniig sapagkat ginagabayan ka ng Banal na Espiritu, hindi alintana ang ibang mga tao. Hindi ninyo nagagawang matuklasan ang mga kalakasan ng iba, at hindi nagagawang siyasatin ang inyong mga sarili. Ang inyong paraan sa pagtanggap ng mga bagay ay talagang mali. Maaaring sabihin na maging sa ngayon nagpapakita pa rin kayo ng napakaraming pansariling pagkamatuwid, na parang ang dating sakit ay muling nagbalik. Hindi kayo nag-uusap sa isa’t-isa upang matamo ang lubos na pagkakapalagayang-loob, na parang anong kahihinatnan ang natamo sa pagdalaw sa iglesiang yaon, o kumusta ang inyong panloob na kalagayan kamakailan lamang, at iba pa—hindi kayo talaga nakikipag-usap kagaya nito. Kayo ay pangunahin nang walang mga pagsasagawa kagaya ng pagsasantabi sa inyong sariling mga pagkaintindi o pagtatanggi sa inyong mga sarili. Nag-iisip lamang yaong mga nasa liderato ng pagpapasigla sa mga kapatid sa mga iglesia sa ibaba sa pamamagitan ng kanilang pagsasamahan, at nalalaman lamang niyaong mga sumusunod na maghangad sa kanilang mga sarili. Pangunahing nang hindi ninyo nalalaman kung ano ang paglilingkod o kung ano ang pakikipagtulungan, at iniisip lamang ninyo ang pagkakaroon ng kahandaan sa inyong mga sarili upang tumbasan ang pag-ibig ng Diyos, ng pagkakaroon ng kahandaan sa inyong mga sarili upang isabuhay ang paraan ni Pedro, at wala ng iba pa. Iyo pang sinasabi, maging anuman ang kalagayan ng ibang mga tao, hindi ka rin naman pasasakop anuman ang mangyari, at kahit na anupaman ang nakakatulad ng ibang mga tao, ikaw sa iyong sarili ay naghahangad ng pagka-perpekto ng Diyos, at iyon ay magiging sapat. Sa katunayan, hindi pa nakatagpo ang iyong kalooban ng anumang matibay na pagpapahayag sa katotohanan sa aumang paraan. Hindi ba ito lahat ang uri ng pag-uugali na inyong ipinakikita sa kasalukuyan? Pinanghahawakang mahigpit ng bawat isa sa inyo ang inyong sariling pananaw, at nais ninyong lahat na maging perpekto. Nakikita Ko na naglingkod kayo sa mahabang panahon at hindi gaanong sumulong, lalong lalo na sa leksiyong ito ng paggawang magkakasama sa pagkakaisa hindi kayo nakagawa ng anumang pagsulong! Sa pagpunta sa mga iglesia nakikipagtalastasan ka sa sarili mong paraan, at siya ay nakikisama sa kanyang paraan. Madalang na magkaroon ng pagtutulungan na mayroong pagkakaisa. At ang mga tao sa ibaba na nangagsisusunod ay higit pa sa ganitong paraan. Iyon ay upang sabihin na bihirang nauuunawaan ng sinuman sa kalagitnaan ninyo kung ano ang paglilingkod sa Diyos, o kung paano dapat paglingkuran ng isang tao ang Diyos. Kayo ay nalilito, at tinatrato ang mga ganitong uri ng mga leksiyon bilang isang walang halagang bagay, sa gayon na lamang kalawak anupa’t maraming mga tao ang hindi lamang ipinatutupad ang ganitong aspeto ng katotohanan, sinasadya pa nilang gumawa ng mali. Maging ang mga tao na naglilingkod sa maraming mga taon ay naglalaban at nagbabangayan. Hindi ba ang lahat ng ito ay ang inyong tunay na tayog? Kayong mga tao na naglilingkod na magkakasama sa araw-araw ay kagaya ng mga Isaraelita na tuwirang naglingkod sa Diyos Sarili Niya sa templo araw-araw. Paano nangyaring kayong mga taong kagaya ng mga pari ay hindi ninyo nalalaman kung paano ang makipagtulungan at kung paano ang maglingkod?
May 28, 2018
Mga Pagbigkas ng Bumalik na Panginoong Jesus | Ang Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa (1)
✼•┈┈┈┈•✼•┈┈┈┈•✼•┈┈┈┈•✼•┈┈┈┈•✼•┈┈┈┈•✼•┈┈┈┈•✼•┈┈┈•✼
Ang sangkatauhan, labis nang sini-ra ni Satanas, ay hindi alam na may-roong Diyos at huminto na sa pag-samba sa Diyos. Sa simula, nang si Adan at Eba ay nilikha, ang kalu-walhatian ni Jehovah at ang patotoo ni Jehovah ay laging naririto. Ngunit matapos silang masira, ang tao ay nawalan ng kaluwalhatian at patotoo sapagkat ang lahat ay naghimagsik laban sa Diyos at sabay-sabay na huminto sa paggalang sa Kanya. Ang mapanlupig na gawa ngayon ay upang maibalik ang lahat ng patotoo at ka-luwalhatian, at ang lahat ng tao ay pasambahin sa Diyos, upang may-roong patotoo sa mga nilalang. Ito ang dapat na matapos sa hakbang na ito ng gawain. Paano ba talagang malulupig ang sangkatauhan? Ito ay magagawa sa pamamagitan ng mga ginawang salita upang lubos na mahikayat ang tao; sa pamamagitan ng paghahayag, paghatol, pagparusa, at ang walang-awang sumpa upang siya ay lubos na masupil; at sa pama-magitan ng paghayag ng pagkama-paghimagsik ng tao at paghatol sa kanyang paglaban upang malaman niya ang kasamaan at karumihan ng sangkatauhan, na gagamitin upang mabigyang-diin ang matuwid na ka-tangian ng Diyos. Higit sa lahat, itong mga paggamit ng mga salitang ito ang lumulupig sa tao at lubos na humihikayat sa kanya. Ang mga salita ay ang mga paraan sa kahuli-hulihang paglupig sa sangkatauhan, at silang lahat na tatanggap ng pag-lupig ay dapat tanggapin ang panana-kit at paghatol ng mga salita. Ang kasalukuyang paraan ng pagsasalita ay ang paraan ng paglupig. Paano ba talaga dapat makipagtulungan ang mga tao? Sa pamamagitan ng ma-bisang pagkain at pag inom ng mga salitang ito at pag-unawa sa mga ito. Hindi maaaring malupig ang mga tao ng kanilang mga sarili lamang. Dapat, sa pagkain at pag-inom ng mga sali-tang ito, ay makilala nila ang kanil-ang kasamaan at karumihan, ang ka-nilang pagkamapaghimagsik at ka-likuan, at magpatirapa sa harap ng Diyos. Kung kaya mong unawain ang kalooban ng Diyos at gayon isabuhay ito at, bukod pa rito, magkaroon ng pananaw, at kung kaya mong lubos na sundin ang mga salitang ito at hindi tutuparin ang kahit na alin sa iyong mga sariling napili, gayon ka masasa-bing nalupig na. At itong mga sali-tang ito ang nakapaglupig sa iyo. Bakit nawala ng sangkatauhan ang patotoo? Dahil wala na kahit isa ang may pananampalataya sa Diyos o tan-gan man lang ang Diyos sa kanyang puso. Ang paglupig sa sangkatauhan ay nangangahulugang ang tao ay iba-balik ang pananampalatayang ito. Ang mga tao ay laging nakatingin tungo sa kamunduhan, nagtataglay ng masyadong maraming inaasahan, naghahangad nang labis-labis para sa kanilang kinabukasan, at masyadong maraming marangyang pangan-gailangan. Lagi nilang iniisip ang patungkol sa at pagplano para sa ka-nilang laman at hindi kailanman hinangad ang paghanap ng daan sa paniniwala sa Diyos. Ang kanilang mga puso ay sinakop na ni Satanas, nawala na nila ang kanilang pagga-lang sa Diyos, at itinatalaga nila ang kanilang puso kay Satanas. Ngunit ang tao ay nilikha ng Diyos. Gayon, naiwala ng tao ang kanyang patotoo, ibig sabihin ay nawala na niya ang ka-luwalhatian ng Diyos. Ang mungkahi ng paglupig sa tao ay upang kamka-min muli ang kaluwalhatian ng pag-galang ng tao sa Diyos. Maaari itong sabihin nang ganito: Maraming mga tao ang hindi naghahangad ng buhay; kung mayroon mang nangilan-ilan, ang dami ay maaaring bilangin sa mga daliri ng isa. Lubhang ikinababahala ng mga tao ang tungkol sa kanilang kinabukasan at hindi sila nag-uukol ng anumang pansin sa buhay o anupaman. Ang ilang mga tao ay kapwa naghihimagsik laban sa at nilalabanan ang Diyos, hinahatulan Siya sa likod Niya at hindi isinasagawa ang katotohanan. Hindi Ko papansinin ang mga taong ito sa ngayon, at iiwas mula sa pakikitungo sa ganitong uri ng mga anak na lalaki ng paghihimagsik sa ngayon. Sa hinaharap ikaw ay mabubuhay sa kadiliman, tatangis at magngangalit ang mga ngipin. Hindi mo nadadama ang kahalagahan ng liwanag kapag ikaw ay nabubuhay sa loob nito, ngunit mababatid mo ang kahalagahan nito sa sandaling ikaw ay nabubuhay sa madilim na gabi. Magiging kawawa ka noon. Maayos ang pakiramdam mo ngayon, ngunit darating ang araw na ikaw ay magiging kawawa. Kapag dumating ang araw na iyon at ang kadiliman ay bumaba at wala na kailanman ang liwanag, ang iyong mga pagsisisi ay magiging huli. Ito ay dahil hindi mo pa rin nauunawaan ang kasalukuyang gawain na nabigo na pahalagahan ang iyong panahon ngayon. Sa sandaling magsimula ang gawain ng buong sandaigdigan, na ang ibig sabihin ay kapag ang lahat ng Aking sinasabi sa kasalukuyan ay nagkatotoo, maraming mga tao ang hahawak sa kanilang mga ulo sa pagtangis. Hindi ba iyon pagkahulog sa kadiliman na may kasamang pagtangis at pagngangalit ng mga ngipin? Ang lahat ng mga tao na tunay na naghahangad ng buhay at mga ginawang ganap ay maaaring gamitin, samantalang ang lahat ng mga anak na lalaki ng paghihimagsik na hindi angkop para kasangkapanin ay mahuhulog sa kadiliman, hindi makatatanggap ng gawain ng Banal na Espiritu o anupaman at nananatiling walang naiintindihan ukol sa anumang bagay. Kaya naman sila ay mapupunta sa kaparusahan upang managhoy at manangis. Kung ikaw ay mahusay na sinangkapan sa yugtong ito ng gawain at ang iyong buhay ay gumulang, kung gayon ikaw ay isang tao na angkop kasangkapanin. Kung ikaw ay hindi sinangkapan nang mabuti, kung gayon kahit ikaw ay pinili para sa susunod na yugto ng gawain ikaw ay hindi magiging angkop. Sa puntong iyon, kahit na gusto mong sangkapan ang sarili mo, lalampas ang pagkakataon. Ang Diyos ay aalis; saan ka pupunta kung gayon upang hanapin ang uri ng pagkakataon na nasa harap mo sa ngayon, at saan ka kung gayon pupunta upang tanggapin ang pagsasanay na personal na inilalaan ng Diyos? Sa puntong iyon, hindi ang Diyos ang personal na magsasalita o personal na ibibigay ng Diyos ang Kanyang tinig. Magagawa mo lamang mabasa kung ano ang sinasabi sa kasalukuyan; paano mo ito magagawang maunawaan nang madali? Paano mapapantayan ng buhay sa hinaharap ang buhay sa kasalukuyan? Sa puntong iyon, hindi ba magbabata ang iyong pagtangis at pagngangalit ng iyong mga ngipin ng isang nabubuhay na kamatayan? Ipinagkakaloob sa iyo ngayon ang pagpapala ngunit hindi mo nalalaman kung paano ito tatamasahin; ikaw ay nabubuhay sa pagiging-pinagpapala, ngunit hindi mo ito natatanto. Pinatutunayan nito na ikaw ay tiyak na mapapahamak! Ang ilang mga tao sa kasalukuyan ay lumalaban, ang iba ay naghihimagsik, ang ilan ay ginagawa ang ganito o ganoon. Ikaw ay babalewalain Ko lamang; huwag iisipin na wala Akong malay sa iyong mga gawain. Hindi Ko ba nauunawaan ang inyong kakanyahan? Bakit mananatiling lumalaban sa Akin? Hindi ba para sa iyong sariling kapakanan kaya ikaw ay naghahangad ng buhay at pagpapala? Hindi ba para sa iyong sariling kapakanan kaya mayroong kang pananampalataya? Sa ngayon ginagawa Ko lamang ang gawaing panlulupig sa pamamagitan ng Aking mga salita. Sa sandaling matapos ang gawaing panlulupig na ito, magiging malinaw ang iyong wakas. Kailangan Ko pa bang gawing mas malinaw ang Sarili Ko?
May 26, 2018
Kidlat ng Silanganan | Pag-bigkas ng Diyos | Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (2)
🍇🍇🍇🍇🍇🍇🍇🍇🍇🍇🍇🍇🍇
Sa panahong iyon, nang si Jesus ay gumawa sa Judea, gumawa Siya nang lantaran, ngunit ngayon, gumagawa Ako at nagsasalita sa inyo nang lihim. Ganap na hindi ito alam ng mga hindi mananampalataya. Ang Aking gawain sa inyo ay hiwalay sa iba. Ang mga salitang ito, ang mga pagkastigong ito at mga paghatol, ay hayag lamang sa inyong lahat at wala nang iba. Lahat ng mga gawaing ito ay isinasagawa sa inyo at binuksan lamang sa inyo; wala sa mga hindi mananampalataya ang nakakaalam nito, dahil hindi pa dumarating ang oras.
May 22, 2018
Ang Relasyon ng Bawat Isa sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos
★*。:゚*☆*゚:。:*★*。:゚*☆*゚:。:*★*。:゚*☆*゚:。:*★*。:゚*☆*゚:。:*★
Ang pinagmulan:Ang Ebanghelyo ng Kaharian ng Langit
Nauugnay sa mga Salita ng Makapangyarihang Diyos
Mula sa gawain ni Jehovah hanggang sa iyong gawain ni Jesus, at mula sa gawain ni Jesus hanggang sa iyong kasalukuyang yugto, ang tatlong yugtong ito ay sumasaklaw sa kabuuang lawak ng pamamahala ng Diyos, at ang lahat ay gawain ng isang Espiritu. Mula sa paglikha Niya sa mundo, pinamamahalaan na ng Diyos ang sangkatauhan. Siya ang Simula at ang Katapusan, Siya ang Una at ang Huli, at Siya ang Siyang magpapasimula ng gawain at Siyang maghahatid sa kapanahunan sa katapusan nito. Ang tatlong yugto ng gawain, sa magkakaibang kapanahunan at lugar, ay tiyak na isinagawa ng isang Espiritu. Ang lahat ng mga naghihiwalay sa tatlong yugtong ito ay sumasalungat sa Diyos.
May 18, 2018
Paano unti-unting lumalalim ang tatlong yugto ng gawain ng Diyos para maligtas at magawang perpekto ang mga tao?
<*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*>
<*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*>
Nauugnay sa mga Salita ng Makapangyarihang Diyos
Ang buong pamamahala ng Diyos ay nahahati sa tatlong yugto, at sa bawat yugto, ang mga angkop na atas ay ibinigay sa tao. At saka, habang lumilipas at sumusulong ang panahon, ang mga atas ng Diyos sa lahat ng sangkatauhan ay mas tumaas. Kaya, dahan-dahan, ang gawaing ito ng pamamahala ng Diyos at naabot ang rurok, hanggang ang tao ay mapagmamasdan ang katotohanan ng "pagpapakita ng Salita sa katawang-tao," at sa paraang ito ang mga atas sa tao ay mas tumaas, at ang mga atas sa tao na sumaksi ay mas tumaas. … Sa nakalipas, ang tao ay inatasang sumunod sa kautusan at mga batas, at inatasang maging matiisin at mapagpakumbaba. Ngayon, ang tao ay inatasan na sundin ang lahat ng pagsasaayos ng Diyos at magtaglay ng labis na pag-ibig sa Diyos, at sa huli ang tao ay inatasan na mahalin ang Diyos sa kabila ng paghihirap. Ang tatlong yugtong ito ay mga atas ng Diyos sa tao, dahan-dahan, sa kabuuan ng Kanyang pamamahala. Ang bawat yugto ng gawain ng Diyos ay mas lumalalim kaysa sa huli, at sa bawat yugto ang mga atas sa tao ay mas tumindi kaysa sa huli, at sa paraang ito, ang buong pamamahala ng Diyos ay unti-unting nabubuo. Dahil ang mga atas sa tao ay lalong tumataas, ang disposisyon ng tao ay mas lumalapit sa pamantayang kailangan ng Diyos, at saka lamang lubusang makalalayo ang buong sangkatauhan sa impluwensya ni Satanas hanggang sa matapos ang gawain ng Diyos, ang buong sangkatauhan ay maililigtas mula sa impluwensya ni Satanas.
May 10, 2018
Pagpapahayag ng Bumalik na Panginoong Jesus | Tungkol sa Biblia (4)
✼•┈┈┈┈•✼•┈┈┈┈•✼•┈┈┈┈•✼•┈┈┈┈•✼•┈┈┈┈•✼•┈┈┈┈•✼•┈┈┈•✼
✼•┈┈┈┈•✼•┈┈┈┈•✼•┈┈┈┈•✼•┈┈┈┈•✼•┈┈┈┈•✼•┈┈┈┈•✼•┈┈┈•✼
✼•┈┈┈┈•✼•┈┈┈┈•✼•┈┈┈┈•✼•┈┈┈┈•✼•┈┈┈┈•✼•┈┈┈┈•✼•┈┈┈•✼
Maraming tao ang naniniwala na ang pag-unawa at magawang ipaliwanag ang Biblia ay katulad ng paghahanap ng tunay na landas—ngunit sa katunayan, ganoon ba kadali ang mga bagay? Walang kahit isa ang nakakakilala sa katotohanan ng Biblia: na hindi hihigit pa sa makasaysayang tala ng gawain ng Diyos, at isang testamento sa nakaraang dalawang yugto ng gawain ng Diyos, at hindi nagbibigay sa iyo ng pag-unawa sa mga layunin ng gawain ng Diyos. Ang bawat isa na nakapagbasa ng Biblia ay alam na ito ay nagtatala sa dalawang yugto ng gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan at ang Kapanahunan ng Biyaya. Ang Lumang Tipan ay nagsasalaysay sa kasaysayan ng Israel at ang gawain ni Jehova mula sa oras ng paglikha hanggang sa katapusan ng Kapanahunan ng Kautusan. Ang Bagong Tipan ay nagtatala ng gawain ni Jesus sa lupa, na kung saan ay nasa Apat na Ebanghelyo, pati na rin ang gawain ni Pablo; hindi ba sila mga tala ng kaysayan? Ang pagpapalitaw sa mga bagay ng nakaraan sa panahon ngayon ay ginagawa silang kasaysayan, at hindi mahalaga kung gaano katotoo o tunay ang mga ito, ang mga ito ay kasaysayan pa rin—at ang kasaysayan ay hindi maaaring makatugon sa kasalukuyan. Sapagka’t ang Diyos ay hindi tumitingin pabalik sa kasaysayan! At kaya, kung iyo lamang nauunawaan ang Biblia, at walang naiintindihan sa gawain na nilaan na gawin ngayon ng Diyos, at kung naniniwala kayo sa Diyos ngunit hindi hinahanap ang gawain ng Banal na Espiritu, sa gayon ay hindi ninyo nauunawaan kung ano ang ibig sabihin ng paghahanap sa Diyos . Kung binabasa ninyo ang Biblia upang pag-aralan ang kasaysayan ng Israel, upang saliksikin ang kasaysayan ng paglikha ng Diyos sa lahat ng mga kalangitan at kalupaan, sa gayon ay hindi kayo naniniwala sa Diyos. Ngunit ngayon, dahil naniniwala kayo sa Diyos, at nagpapatuloy sa buhay, dahil kayo ay nagpapatuloy sa pagkakilala sa Diyos, at hindi ipinagpapatuloy ang mga patay na liham at doktrina, o ang pag-unawa ng kasaysayan, dapat ninyong hanapin ang kalooban ng Diyos ngayon, at dapat ninyong hanapin ang direksyon ng gawain ng Banal na Espiritu. Kung kayo ay isang arkeologo maaari ninyong mabasa ang Biblia—ngunit kayo ay hindi, hindi kayoang isa sa mga taong naniniwala sa Diyos, at mabuting hanapin ninyo ang kalooban ng Diyos sa ngayon. Sa pagbabasa ng Biblia, sa pinakamababa kaunting mauunawaan mo ang kasaysayan ng Israel, matutunan mo ang tungkol sa buhay ni Abraham, David, at ni Moises, iyong malalaman kung paano nila iginalang si Jehova, kung paano sinunog ni Jehova ang mga laban sa Kanya, at kung paano Siya nakipag-usap sa mga tao sa kapanahunann iyon. Malalaman lamang ninyo ang tungkol sa gawain ng Diyos sa nakaraan. Ang mga talaan ng Biblia ay kaugnay sa kung paano ang unang mga tao ng Israel ay iginalang ang Diyos at nabuhay sa ilalim ng gabay ni Jehova. Dahil ang mga Israelita ay ang piniling mga tao ng Diyos, sa Lumang Tipan makikita ninyo ang katapatan ng lahat ng tao ng Israel kay Jehova, kung paano ang lahat ng sumunod kay Jehova ay inalagaan at pinagpapala Niya, maaari ninyong matutunan na noong ang Diyos ay nagtrabaho sa Israel Siya ay puno ng awa at habag, pati na rin ang pagmamay-ari ng naglalagablab na apoy, at na ang lahat ng mga Israelita, mula sa abahanggang sa makapangyarihan, ay iginalang siJehova, at sa gayon ang buong bansa ay pinagpala ng Diyos. Ganoon ang kasaysayan ng Israel na naitala sa Lumang Tipan.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)
"Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" | Sipi 14
Ang bawa’t yugto ng gawain ng Banal na Espiritu ay kasabay na nangangailangan ng patotoo ng tao. Ang bawa’t yugto ng gawain ay isang p...
-
Kidlat ng Silanganan | Salita ng Diyos | Paano Malaman ang Realidad Ang Diyos ay Diyos ng realidad: Lahat ng Kanyang mga g...
-
Tagalog Christian Songs | Ang Pamamahala ng Diyos ay Patuloy na Sumusulong I Pagkatapos ng gawain ni Jehova, naging t...
-
Kidlat ng Silanganan | Kristianong video | Drama-musikal | Kuwento ni Xiaozhen (4) – Pagkabulok Naharap sa masamang mundo a...