Kidlat ng Silanganan

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Katapatan. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Katapatan. Ipakita ang lahat ng mga post

Nob 29, 2019

Tanging Yaong Nakararanas ng Gawain ng Diyos ang Tunay na Naniniwala sa Diyos (Sipi)


Tanging Yaong Nakararanas ng Gawain ng Diyos ang Tunay na Naniniwala sa Diyos (Sipi)


Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.

Okt 11, 2019

4. Ano ang likas na katangian ng problema ng hindi pagkaalam ng tao sa kabuluhan ng pangalan ng Diyos o hindi pagtanggap sa Kanyang bagong pangalan?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Sa bawat sakop ng panahon, ang Diyos ay magsisimula ng bagong gawain, at sa bawat panahon, magkakaroon ng bagong simula sa gitna ng tao. Kung ang tao ay sumusunod lamang sa mga katotohanan na “si Jehova ang Diyos” at “si Jesus ang Cristo,” na mga katotohanan na nailalapat lamang sa iisang kapanahunan, sa gayon ang tao ay hindi kailanman makakasabay sa gawain ng Banal na Espiritu, at magpakailanmang walang kakayahang magkamit ng gawain ng Banal na Espiritu. Hindi alintana kung paano gumagawa ang Diyos, ang tao ay sumusunod nang wala ni katiting na pag-aalinlangan, at siya ay sumusunod nang mabuti. Sa paraang ito, paano maaalis ng Banal na Espiritu ang tao?

Set 29, 2019

Marami ang Tinatawag, Datapuwa’t Kakaunti ang Nahihirang

             Marami na Akong nahanap sa lupa upang maging Aking mga tagasunod. Kabilang sa lahat nitong mga tagasunod, mayroon yaong mga nagsisilbing mga pari, yaong mga namumuno, yaong mga bumubuo sa mga anak na lalaki, yaong bumubuo sa mga tao, at yaong mga gumagawa ng serbisyo. Pinaghihiwa-hiwalay Ko sila tungo rito sa iba’t ibang kategorya batay sa katapatan na ipinakikita nila sa Akin. Kapag napagbukud-bukod na ang lahat ng tao ayon sa kanilang uri, iyon ay, kapag ang kalikasan ng bawat uri ng tao ay nabunyag na, Akin namang ibibilang ang bawat tao sa kanilang nararapat na uri at ilalagay ang bawat uri sa kanilang naaangkop na lugar nang sa gayon ay maaari Kong matupad ang Aking layunin ng pagliligtas para sa sangkatauhan. Isa-isa, tinatawag Ko ang mga grupo niyaong mga nais Kong iligtas upang bumalik sa Aking tahanan, at pagkatapos ay hinahayaan Ko ang lahat ng taong ito na tanggapin ang Aking gawain sa mga huling araw. Kasabay nito, Aking pinagbubukud-bukod ang tao ayon sa uri, pagkatapos ay ginagantimpalaan o pinarurusahan ang bawat isa batay sa kanyang mga gawa. Ganyan ang mga hakbang na bumubuo sa Aking gawain.

Set 20, 2019

5. Ang Pananampalataya sa Diyos ay Hindi Dapat para Lamang sa Paghahanap ng Kapayapaan at mga Pagpapala

panalangin,Ebanghelyo
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ano na ang natanggap ng tao magmula nang siya ay unang naniwala sa Diyos? Ano na ang nalalaman mo tungkol sa Diyos? Gaano na kalaki ang iyong ipinagbago dahil sa iyong paniniwala sa Diyos? Ngayon ay alam na ninyong lahat na ang paniniwala ng tao sa Diyos ay hindi lamang para sa kaligtasan ng kaluluwa at kapakanan ng katawan at hindi rin upang mapayaman lamang ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pag-ibig sa Diyos, at iba pa. Sa ngayon, kung mahal mo ang Diyos alang-alang sa kapakanan ng katawan o panandaliang kasiyahan, sa gayon kahit na, sa katapusan, umabot sa rurok ang iyong pag-ibig sa Diyos at walang anumang hilingin, ang hanap mong pag-ibig na ito ay isa pa ring hindi dalisay na pag-ibig at hindi kalugud-lugod sa Diyos. Ang mga gumagamit ng pag-ibig sa Diyos upang mapayaman ang kanilang nakakabagot na mga buhay at punan ang isang puwang sa kanilang puso ay ang mga naghahanap upang mamuhay sa kaluwagan, hindi mga tunay na naghahanap na mahalin ang Diyos. Ang ganitong uri ng pag-ibig ay laban sa kalooban ng sinuman, isang paghahangad ng madamdaming kasiyahan, at hindi kailangan ng Diyos ang ganitong uri ng pag-ibig. Anong uri, kung ganoon, ang pag-ibig na katulad ng sa iyo? Para ano at mahal mo ang Diyos?

Ago 14, 2019

Tagalog Gospel Movie "Ang mga Tao ng Kaharian ng Langit" | Only the Honest Can Enter God's Kingdom

Tagalog Gospel Movie 2019 | "Ang mga Tao ng Kaharian ng Langit" | Only the Honest Can Enter God's Kingdom


       Sabi ng Panginoong Jesus, "Truly I say to you, Except you be converted, and become as little children, you shall not enter into the kingdom of heaven" (Matthew 18:3). Sinabi sa atin ng Panginoong Jesus na matatapat na tao lamang ang makakapasok sa kaharian ng langit; matatapat na tao lang ang maaaring maging mga tao ng kaharian. Ikinukuwento ng pelikulang ito ang karanasan ng Kristiyanong si Cheng Nuo sa gawain ng Diyos at ang patuloy na paghahangad niyang maging matapat na tao sa buhay.

Abr 28, 2019

Tungkol sa Pagsasagawa ng Panalangin


   Hindi kayo nagtutuon ng pansin sa panalangin sa inyong pang-araw-araw na buhay. Palaging nakakaligtaan ng mga tao ang panalangin. Sa kanilang mga panalangin noong nakaraan sila ay nakikisabay lang sa agos at naglalaro, at walang sinuman ang nagbigay nang lubos ng kanilang puso sa harap ng Diyos at tunay na nanalangin sa Diyos. Nananalangin lamang ang mga tao sa Diyos kapag mayroong isang bagay na nangyayari sa kanila. Sa buong panahong ito, nakapanalangin ka na ba nang tunay sa Diyos?

Abr 10, 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo|Marami ang mga Tinawag, Datapuwa’t Kakaunti ang mga Nahirang




  Ako ay naghanap ng marami sa mundo upang maging Aking mga alagad. Kabilang sa kanila ay iyong mga nagsisilbing mga pari, iyong mga namumuno, iyong mga bumubuo sa mga anak, iyong bumubuo sa mga tao, at iyong mga nagbibigay serbisyo. Pinaghiwa-hiwalay Ko sila sa iba’t ibang kategorya alinsunod sa katapatan ng tao sa Akin. Kapag napagbukud-bukod na ang lahat ng tao ayon sa kanilang uri, iyon ay, kapag ang kalikasan ng bawat uri ng tao ay naipahayag, Aking ibibilang kung gayon ang bawat tao sa kanilang nararapat na uri at ilalagay ang bawat uri sa kanilang naaangkop na lugar sa gayon ay maaari Kong matupad ang Aking layunin para sa kaligtasan ng sangkatauhan. Kaugnay nito, tinatawag Ko ang mga grupo ng mga nais Ko na maligtas upang bumalik sa Aking tahanan, at pagkatapos ay pinapayagan Ko ang lahat ng mga ito na tanggapin ang Aking gawain sa mga huling araw. Kasabay nito, Aking pinagbukud-bukod ang mga tao ayon sa uri, at pagkatapos ay ginagantimpalaan o pinarurusahan ang bawat isa batay sa kanilang mga gawa. Ganyan ang mga hakbang na bumubuo sa Aking gawain.

Peb 6, 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo | "Tatlong Paalaala"

Mga Pagbigkas ni Cristo,Salita ng Diyos

Bilang isang nananampalataya sa Diyos, dapat kang maging tapat sa Kanya lamang sa lahat ng mga bagay at makayang umayon sa Kanyang kalooban sa lahat ng mga bagay. Gayunman, kahit naiintindihan ng lahat ang doktrinang ito, ang mga katotohanang ito na pinaka-kitang-kita at pangunahin, sa ganang sa tao, ay hindi lubusang nakikita sa kanya, salamat sa kanyang iba’t ibang mga paghihirap, gaya ng kamangmangan, pagiging-katawa-tawa, at katiwalian. Samakatuwid, bago pagpasyahan ang inyong katapusan, kailangan munang sabihin Ko sa inyo ang ilang bagay, na sukdulang napakahalaga para sa inyo.

Peb 3, 2019

Mga Patotoo tungkol sa Paghatol sa Harapan ng Hukuman ni Cristo|Ang mga Pamantayan ng Tunay na Mabuting Tao

✼•┈┈┈┈•✼•┈┈┈┈•✼•┈┈┈┈•✼•┈┈┈┈•✼•┈┈┈┈•✼•┈┈┈┈•✼


Ang Patotoo ng isang CristianoMoran Linyi City, Shandong Province


Mula noong bata pa ako, palagi ko nang binibigyan ng importansya ang tingin ng ibang tao sa akin at ang kanilang opinyon tungkol sa akin. Upang makakuha ako ng papuri mula sa ibang mga tao para sa lahat ng ginagawa ko, hindi ako kailanman nakipagtalo sa sinuman tuwing may lumilitaw na anumang bagay, upang maiwasang sirain ang mabuting imahe ng mga tao tungkol sa akin. Pagkatapos kong tanggapin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, nagpatuloy ako nang ganito, itinataguyod sa bawat posibleng paraan ang mabuting imahe ng aking mga kapatid tungkol sa akin. Dati, kapag may hinahawakan akong gawain, madalas na sinasabi ng aking pinuno na ang aking pagganap ay parang sa isang “palatangong-tao,” hindi ang pagganap ng isang tao na nagsasa-gawa sa katotohanan. Hindi ko kailanman dinibdib ito, ngunit sa halip kung iniisip ng ibang mga tao na isa akong mabuting tao, kuntento na ang pakiramdam ko.

Ene 30, 2019

Tagalog Christian Songs| Praise and Worship 'Pag Binuksan Mo'ng Puso Mo sa Diyos (Tagalog Song)



Tagalog Christian Songs | Praise and Worship 'Pag Binuksan Mo'ng Puso Mo sa Diyos (Tagalog Song)

'Pag ang Diyos ay 'di mo batid, at likas Niya'y di mo tanto,
puso mo'y hindi magbubukas ng tunay para sa Diyos.
'Pag naintindihan mo na'ng iyong Diyos,
ang nasa puso Niya'y mauunawaan mo,
at ito'y daranasin mong lubusan ng
may buong pananampalataya.
'Pag nilasap mo ang nasa puso ng Diyos nang unti-unti,
sa bawat araw,
'pag nilasap mo ang nasa puso ng Diyos,
pagbubuksan Siya ng iyong puso.

Dis 18, 2018

Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Dapat Ninyong Isaalang-alang ang Inyong mga Gawa"


Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Dapat Ninyong Isaalang-alang ang Inyong mga Gawa"


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sa inyong araw-araw na pamumuhay, nakatira kayo sa isang kapaligiran at kaligiran na walang katotohanan o mabuting katinuan. Kulang kayo sa puhunan para sa pag-iral at hindi nagkaroon ng batayan na makilala Ako o ang katotohanan. Ang inyong pananampalataya ay itinayo lamang sa isang di-malinaw na pagtitiwala o sa mga ritwal ng relihiyon at kaalamang lubos na batay sa doktrina. Araw-araw Kong minamasdan ang inyong mga pagkilos at sinusuri ang inyong mga intensyon at masamang bunga.

Ago 10, 2018

Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I

Salita ng Diyos, Katapatan, pananalig, Kaharian, Karanasan

Ang Awtoridad ng Diyos (I)

Ang ilan sa huli kong tinalakay sa mga pagsasamahan ay tungkol sa gawain ng Diyos, disposisyon ng Diyos, at Diyos Mismo. Pagkatapos mapakinggan ang mga pagtalakay sa mga pagsasamahan na ito, naramdaman ba ninyo na nagkaroon kayo ng kaunawaan at kaalaman tungkol sa disposisyon ng Diyos? Gaano katinding kaunawaan at kaalaman? Maaari niyo ba itong lagyan ng numero? Nagbigay ba sa inyo ang mga pagsasamahang ito ng mas malalim na kaunawaan sa Diyos? Maaari bang sabihing ang kaunawaang ito ay isang tunay na kaalaman sa Diyos? Maaari bang sabihin na itong kaalaman at kaunawaan sa Diyos ay isang kaalaman sa kabuuang diwa ng Diyos, at ang lahat ng mayroon at kung ano Siya? Hindi, malinaw na hindi! Ito’y dahil nagbigay lamang ang mga pagsasamahang ito ng kaunawaan sa bahagi ng disposisyon ng Diyos, at kung ano ang mayroon at kung ano Siya—hindi ang lahat ng ito, o ang kabuuan nito. Ang mga pagsasamahan ay nagpaunawa sa inyo ng bahagi sa gawaing minsa’y ginawa ng Diyos, kung saan nakita ninyo ang disposisyon ng Diyos, at kung ano ang mayroon at kung ano Siya, pati na rin ang pamamaraan at pag-iisip sa likod ng lahat ng Kanyang ginawa. Ngunit isa lamang itong literal, sinabing kaunawaan sa Diyos, at, sa inyong puso, nananatili kayong hindi sigurado kung gaano karami rito ang totoo. Ano ang mga pangunahing tumutukoy sa kung mayroon bang anumang katotohanan sa kaunawaan ng mga tao sa mga naturang bagay? Natutukoy ito sa pamamagitan ng kung gaano katindi ang mga salita ng Diyos at disposisyon na tunay nilang naranasan sa panahon ng kanilang aktwal na mga karanasan, at kung gaano karami ang nakita at nalaman nila sa panahon nitong aktwal na mga karanasan. “Ang ilang mga huling pagsasamahan ay nagpaunawa sa atin ng mga bagay na ginawa ng Diyos, ang mga pag-iisip ng Diyos, at bukod diyan, ang saloobin ng Diyos tungo sa sangkatauhan at ang mga basehan ng Kanyang mga pagkilos, pati na rin ang mga prinsipyo ng Kanyang mga pagkilos. At kaya natin nauunawaan ang disposisyon ng Diyos, at nalaman ang kabuuan ng Diyos.” May nagsabi ba ng mga naturang salita? Tama ba na sabihin ito? Ito’y malinaw na hindi. At bakit ko sinabi na ito’y hindi? Ang disposisyon ng Diyos, at kung ano ang mayroon at kung ano Siya, ay naipahayag sa mga bagay na Kanyang ginawa at ang mga salitang Kanyang sinabi. Maaaring makita ng tao kung anong mayroon at kung ano ang Diyos sa pamamagitan ng gawain na Kanyang ginawa at ang mga salitang Kanyang sinabi, ngunit ito lang ay para sabihin na ang gawain at mga salita ay nagpapaunawa sa tao ng bahagi ng disposisyon ng Diyos, at bahagi ng kung ano ang mayroon at kung ano Siya. Kung naisin ng tao na magkaroon pa ng mas marami at malalim na kaunawaan sa Diyos, kung gayon dapat ay mas maranasan ng tao ang mga salita at gawain ng Diyos. Bagama’t ang tao ay nagkakaroon lamang ng bahagyang kaunawaan sa Diyos kapag nakararanas ng bahagi ng mga salita o gawain ng Diyos, ito bang bahagyang kaunawaang ito ay kumakatawan sa tunay na disposisyon ng Diyos? Kumakatawan ba ito sa diwa ng Diyos? Syempre ito’y kumakatawan sa tunay na disposisyon ng Diyos, at sa diwa ng Diyos, walang duda diyan. Anumang oras o lugar, o sa kung anumang paraan gawin ng Diyos ang Kanyang gawain, o sa kung anumang anyo Siya magpakita sa tao, o sa kung anong paraan Niya ipahayag ang Kanyang kalooban, ang lahat na Kanyang ibinubunyag at ipinapahayag ay kumakatawan sa Diyos Mismo, sa diwa ng Diyos at kung ano ang mayroon at kung ano Siya. Ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain sa pamamagitan ng kung ano ang mayroon at kung ano Siya, maging sa Kanyang totoong pagkakakilanlan; ito ay talagang tunay. Ngunit, ngayon, ang mga tao ay may bahagya lang na pag-unawa sa Diyos sa pamamagitan ng Kanyang mga salita, at sa pamamagitan ng kung ano ang naririnig nila sa katuruan, at kaya sa partikular na lawak, ang kaunawaang ito ay maaaring sabihing panteoryang kaalaman lamang. Sa pagtingin sa iyong aktwal na kalagayan, maaari mo lang beripikahin ang kaunawaan o kaalaman sa Diyos na iyong narinig, nakita, o nalaman at naintindihan sa iyong puso ngayon kung ang bawat isa sa inyo ay mapagdaanan ito sa iyong mga aktwal na mga karanasan, at malaman ito nang paunti-unti. Kung hindi ko tatalakayin sa pagsasamahan ang mga salitang ito sa inyo, makukuha niyo ba ang tunay na kaalaman sa Diyos sa pamamagitan lamang ng inyong mga karanasan? Para gawin iyon, sa tingin ko, ay magiging napakahirap. Iyon ay dahil kinakailangan ng mga tao na taglayin muna ang mga salita ng Diyos para malaman kung paano makaranas. Gayun pa man, marami sa mga salita ng Diyos na kinakain ng tao, ganyan ang bilang ng maaari nilang aktwal na maranasan. Nangunguna ang salita ng Diyos sa daanan, at gagabayan ang tao sa kanyang karanasan. Sa madaling salita, para sa mga nagkaroon ng ilang tunay na karanasan, ang huling ilang mga pagsasamahan ang tutulong sa kanilang makamit ang mas malalim na pag-unawa sa katotohanan, at mas makatotohanang kaalaman sa Diyos. Ngunit para sa mga wala pang anumang tunay na karanasan, o sa mga nagsisimula pa lamang sa kanilang karanasan, o nagsisimula pa lamang na mapunta sa realidad, ito ay isang malaking pagsubok.

Ago 3, 2018

Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II

panalangin, Salita ng Diyos, pananampalataya sa diyos, Katapatan, pananalig

Noong ating huling pulong ay naibahagi natin ang napakahalagang paksa. Naalala ba ninyo kung ano iyon? Hayaan ninyong ulitin Ko. Ang paksa ng ating huling pagsasama ay ang: Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo. Mahalaga ba ang paksang ito para sa inyo? Aling mga bahagi ang pinakamahalaga para sa inyo? Gawain ng Diyos, Disposisyon ng Diyos, o ang Diyos Mismo? Saan kayo pinaka-interesado? Aling mga bahagi ang pinakagusto ninyong marinig? Alam Kong mahirap ito para sa inyo na sagutin ang tanong na iyan, dahil ang disposisyon ng Diyos ay makikita sa bawat aspeto ng Kanyang gawain, at ang Kanyang disposisyon ay palaging ibinubunyag sa Kanyang gawain at sa lahat ng lugar, at, sa katunayan, kumakatawan sa Diyos Mismo; sa pangkalahatang plano sa pamamahala ng Diyos, ang gawain ng Diyos, ang disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo ay hindi mapaghihiwalay mula sa bawat isa.

Hul 11, 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Kapahingahan

Katapatan, Kaharian, kapalaran, Landas, kaligtasan
Sa simula, ang Diyos ay nagpapahinga. Walang mga tao o anumang bagay sa lupa nang panahon na iyon, at wala pang nagagawa ang Diyos kahit anong gawain pa man. Sinimulan lang ng Diyos ang Kanyang gawaing pamamahala noong umiral ang sangkatauhan at noong ang sangkatauhan ay nagawang masama. Mula sa puntong ito, ang Diyos ay hindi na nagpahinga ngunit sa halip ay nagsimulang gawing abala ang Kanyang sarili sa gitna ng sangkatauhan. Ang Diyos ay naalis mula sa Kanyang kapahingahan dahil sa kasamaan ng sangkatauhan, at dahil din sa paghihimagsik ng arkanghel kaya naalis ang Diyos mula sa Kanyang kapahingahan. Kung hindi tatalunin ng Diyos si Satanas at ililigtas ang sangkatauhan, na naging masama, ang Diyos ay hindi na muling makapapasok sa kapahingahan. Tulad na ang tao ay kulang sa pahinga, ganoon din ang Diyos. Kapag ang Diyos ay muling pumasok sa kapahingahan, ang tao ay papasok din sa kapahingahan. Ang buhay na nasa kapahingahan ay isa na walang digmaan, walang karumihan, walang namamalagi na di-pagkamatuwid. Ibig sabihin nito ay walang panliligalig ni Satanas (dito ang “Satanas” ay tumutukoy sa kalabang mga puwersa), kasamaan ni Satanas, pati na rin ang pagsalakay ng anumang puwersang tutol sa Diyos. Lahat ng bagay ay sumusunod sa sarili nitong uri at sumasamba sa Panginoon ng sangnilikha. Ang langit at lupa ay ganap na payapa. Ito ang matiwasay na buhay ng sangkatauhan. Kapag pumasok ang Diyos sa kapahingahan, wala ng di-pagkamatuwid ang magpapatuloy sa ibabaw ng lupa, at wala ng pagsalakay ng anumang kalabang mga puwersa. Ang sangkatauhan ay papasok din sa isang bagong saklaw; sila ay hindi na magiging isang sangkatauhan na ginawang masama ni Satanas, bagkus ay isang sangkatauhan na nailigtas pagkatapos na magáwáng masama ni Satanas. Ang araw ng kapahingahan ng sangkatauhan ay araw din ng kapahingahan ng Diyos. Nawala ng Diyos ang Kanyang kapahingahan dahil sa kawalang-kakayahan ng sangkatauhan na pumasok sa kapahingahan; hindi iyon dahil sa Siya ay dati-rating hindi makapagpahinga. Ang pagpasok sa kapahingahan ay hindi nangangahulugan na ang lahat ng mga bagay ay titigil sa paggalaw, o na ang lahat ng bagay ay titigil sa pag-unlad, ni nangangahulugan ito na ang Diyos ay titigil sa paggawa o ang tao ay titigil na mabuhay. Ang tanda ng pagpasok sa kapahingahan ay ganito: Si Satanas ay nawasak na; yaong mga masasamang tao na sumapi kay Satanas sa masama nitong gawain ay naparusahan at napawi na; lahat ng mga puwersang laban sa Diyos ay tumigil sa pag-iral. Ang pagpasok ng Diyos sa kapahingahan ay nangangahulugan na hindi na Niya isasakatuparan ang Kanyang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan. Ang pagpasok ng sangkatauhan sa kapahingahan ay nangangahulugan na ang buong sangkatauhan ay mabubuhay sa loob ng liwanag ng Diyos at sa ilalim ng Kanyang mga pagpapala; walang na ang kasamaan ni Satanas, ni mangyayari man ang anumang bagay na di-matuwid. Ang sangkatauhan ay mamumuhay nang normal sa lupa, at mamumuhay sila sa ilalim ng pangangalaga ng Diyos. Kapag ang Diyos at ang tao ay magkasamang pumasok sa kapahingahan, ito ay mangangahulugan na ang sangkatauhan ay nailigtas at si Satanas ay nawasak na, na ang gawain ng Diyos sa gitna ng tao ay lubusang natapos. Hindi na magpapatuloy sa paggawa ang Diyos sa gitna ng tao, at ang tao ay hindi na mamumuhay sa ilalim ng sakop ni Satanas. Kaya, ang Diyos ay hindi na magiging abala, at ang tao ay hindi na magmamadali; ang Diyos at ang tao ay sabay na papasok sa kapahingahan. Ang Diyos ay babalik sa Kanyang orihinal na posisyon, at ang bawa’t tao ay babalik sa kani-kanyang lugar. Ito ang mga hantungan na kani-kanyang tatahanan ng Diyos at ng tao sa katapusan ng buong pamamahala ng Diyos. Ang Diyos ay may hantungan ng Diyos, at ang tao ay may hantungan ng tao. Habang nagpapahinga, ang Diyos ay patuloy na gagabay sa buong sangkatauhan sa kanilang mga buhay sa lupa. Habang nasa liwanag ng Diyos, ang tao ay sasamba sa isang tunay na Diyos sa langit. Ang Diyos ay hindi na mamumuhay kasama ng sangkatauhan, at ang tao ay hindi rin magagawang mamuhay kasama ng Diyos sa hantungan ng Diyos. Ang Diyos at tao ay hindi maaaring mamuhay sa loob ng parehong saklaw; sa halip, kapwa sila may sariling mga kaukulang mga paraan ng pamumuhay. Ang Diyos ay ang Isa na siyang gumagabay sa buong sangkatauhan, habang ang buong sangkatauhan ay ang pagbubuu-buo ng gawaing pamamahala ng Diyos. Ang sangkatauhan ay siyang inaakay; ukol sa kakanyahan, ang sangkatauhan ay hindi tulad ng Diyos. Ang ibig sabihin ng pagpapahinga ay ang pagbalik sa orihinal na lugar ng isa. Samakatuwid, kapag pumasok ang Diyos sa kapahingahan, nangangahulugan ito na ang Diyos ay babalik sa Kanyang orihinal na lugar. Ang Diyos ay hindi na mamumuhay sa ibabaw ng lupa o makikibahagi sa kagalakan at paghihirap ng sangkatauhan habang kasama ng sangkatauhan. Kapag ang sangkatauhan ay pumasok tungo sa kapahingahan, ito ay nangangahulugang naging isang tunay na likha ang tao; ang sangkatauhan ay sasamba sa Diyos mula sa ibabaw ng lupa at magkakaroon ng mga normal na buhay ng tao. Ang mga tao ay hindi na magiging suwail sa Diyos o lalaban sa Diyos; sila ay babalik sa orihinal na buhay ni Adan at Eba. Ito ang kanya-kanyang mga buhay at mga hantungan ng Diyos at sangkatauhan pagkatapos nilang pumasok sa kapahingahan. Ang pagkatalo ni Satanas ay isang hindi-maiiwasang pangyayari sa digmaan sa pagitan ng Diyos at ni Satanas. Sa ganitong paraan, ang pagpasok ng Diyos sa kapahingahan pagkatapos na gawing ganap ang Kanyang gawaing pamamahala at ganap na kaligtasan ng tao at pagpasok sa kapahingahan ay hindi rin maiiwasang mga pangyayari. Ang lugar ng kapahingahan ng tao ay nasa lupa, at ang lugar ng kapahingahan ng Diyos ay nasa langit. Habang nagpapahinga ang tao, sasambahin niya ang Diyos at mamumuhay din sa lupa, at habang nagpapahinga ang Diyos, aakayin Niya ang natitirang bahagi ng sangkatauhan; aakayin Niya sila mula sa langit, hindi mula sa lupa. Ang Diyos ay magiging ang Espiritu pa rin, habang ang tao ay magiging laman pa rin. Ang Diyos at tao ay kapwa may kanya-kanyang mga paraan ng pagpapahinga. Habang nagpapahinga ang Diyos, Siya ay darating at magpapakita sa gitna ng tao; habang nagpapahinga ang tao, siya ay aakayin ng Diyos upang dumalaw sa langit at upang masiyahan din sa buhay sa langit. Matapos na ang Diyos at tao ay pumasok sa kapahingahan, si Satanas ay hindi na iiral pa, at tulad ni Satanas, yaong masasamang tao ay hindi na rin iiral. Bago pumasok ang Diyos at tao sa kapahingahan; yaong masasamang indibidwal na minsan ay umusig sa Diyos sa ibabaw ng lupa at ang mga kaaway na mga suwail sa Kanya sa lupa ay nawasak na; sila ay nawasak na sa pamamagitan ng malalaking sakuna ng mga huling araw. Pagkatapos na yaong masasamang indibidwal ay ganap nang nawasak, hinding-hindi na muling mababatid ng lupa ang panliligalig ni Satanas. Matatamo ng sangkatauhan ang ganap na kaligtasan, at dito pa lamang ganap na magtatapos ang gawain ng Diyos. Ito ang mga kinakailangan para ang Diyos at ang tao ay makapasok sa kapahingahan.

Hul 2, 2018

Kidlat ng Silanganan | Salita ng Diyos | Kanino Ka Matapat?

Diyos, katapatan, kapalaran, kaligtasan, buhay

Bawat araw na pinagdaraanan ninyo ngayon ay lubhang maselan at mahalaga sa inyong hantungan at inyong kapalaran, kaya’t dapat ninyong pakamahalin ang lahat ng inyong mga pag-aari at bawat minutong lumilipas. Maging matalino sa paggamit ng inyong panahon upang bigyan ang inyong mga sarili ng pinaka-malalaking matatamo, nang sa gayon ay hindi mawalan ng saysay ang inyong buhay. Marahil nalilito kayo kung bakit sinasabi Ko ang mga ito. Sa totoo lang, hindi Ako nalulugod sa mga ikinikilos ng sinuman sa inyo. Sapagkat ang mga inaasahan Ko para sa inyo ay hindi lamang kung ano kayo ngayon. Kaya’t maipapahayag Ko ito sa ganitong paraan: Kayong lahat ay nasa bingit ng kapahamakan. Ang inyong dating mga panaghoy para sa kaligtasan maging ang mga dating hangaring makamit ang katotohanan at hanapin ang liwanag ay nalalapit na sa katapusan. Ito ang kung paano ninyo Ako bayaran sa katapusan na hindi Ko inasam kailanman. Hindi Ko nais magsalita ng salungat sa katotohanan, sapagka’t labis ninyo Akong nabigo. Marahil hindi ninyo nais na iwanan ang bagay na ito nang ganoon na lamang o hindi ninyo nais harapin ang realidad, ngunit mataimtim Kong itatanong ito sa inyo: Sa buong panahong ito, napuno ng ano ang inyong mga puso? Kanino tapat ang inyong mga puso? Huwag ninyong sabihin na biglaan ang Aking katanungan at huwag ninyo Akong tanungin kung bakit nagtatanong Ako ng ganito. Kailangan ninyong malaman ito: Ito ay dahil labis Ko kayong kilala, pinagmalasakitan nang labis, at labis na inilaan ang Aking puso sa inyong mga ginagawa; kaya kayo’y tinatanong Ko nang paulit-ulit at tinitiis ang matinding hirap. Gayunman, Ako’y ginantihan ng pagwawalang-bahala at di-makayanang pagpayag. Sobrang mapagpabaya kayo sa Akin; paanong wala Akong nalaman tungkol dito? Kung naniniwala kayo na ito ay posible, higit itong nagpapatunay nang hindi mabuting pakikitungo ninyo sa Akin. Kung gayon, sasabihin Kong nililinlang ninyo ang inyong mga sarili. Masyado kayong tuso na hindi ninyo alam ang inyong mga ginagawa; ano kung gayon ang inyong gagamitin upang magsulit sa Akin?

Hun 30, 2018

Ang Kalooban ng Diyos | Dapat Kang Maghanda ng Sapat na Mabubuting Gawa para sa Iyong Hantungan

katapatan, kaligtasan, Langit, Sakuna, katotohanan

Nakágáwâ na Ako ng maraming gawain sa kalagitnaan ninyo, at siyempre, nakágáwâ na rin ng ilang mga pagbigkas. Nguni’t hindi Ko mapigilang maramdaman na hindi pa lubusang natutupad ng mga salita at mga gawain Ko ang layunin ng Aking gawain sa mga huling araw. Dahil, sa mga huling araw, ang gawain Ko ay hindi alang-alang sa isang tao o grupo ng mga tao, kundi upang ipakita ang Aking likas na disposisyon. Gayunman, dahil sa hindi mabilang na kadahilanan—marahil sa kakulangan ng oras o masyadong abala sa trabaho—hindi nagawa ng Aking disposisyon na makilala ako ng tao kahit na katiting. Kaya nagpapatuloy ako sa bago Kong plano, tungo sa pangwakas Kong gawain, para magbuklat ng isang bagong pahina sa Aking gawain upang ang lahat ng makakakita sa Akin ay magsisisuntok sa kanilang dibdib at tatangis at mananaghoy nang walang tigil dahil sa Aking pag-iral. Ito ay dahil dinadala ko ang katapusan ng sangkatauhan sa mundo, at mula sa puntong ito, inilalantad Ko ang Aking buong disposisyon sa harap ng sangkatauhan, upang ang lahat ng nakakakilala sa Akin at lahat ng hindi ay magpiyesta ang kanilang mga mata at makita na totoo ngang nakarating ako sa daigdig ng tao, dumating sa lupa kung saan ang lahat ng bagay ay nagpaparami. Ito ang plano Ko, ito ang tangi Kong “pangungumpisal” mula nang likhain Ko ang sangkatauhan. Ninanais Ko na maibigay sana ninyo ang buo ninyong pansin sa bawa’t galaw Ko, dahil minsan pang lumalapit ang Aking pamalo sa sangkatauhan, sa lahat ng sumasalungat sa Akin.

Hun 27, 2018

Ang Kalooban ng Diyos | Pagpapanumbalik sa Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan

iglesia, katapatan, kaharian, karanasan, kapalaran
Kakaunti lamang ang nauunawaan ng tao sa gawain sa kasalukuyan at sa gawain sa hinaharap, ngunit hindi niya nauunawaan ang hantungan kung saan ang sangkatauhan ay papasok. Bilang isang nilalang, kailangang gampanan ng tao ang kanyang tungkulin bilang isang nilikha: Kailangang sundin ng tao ang Diyos sa anumang Kanyang ginagawa, at kailangang magpatuloy kayo sa kahit anumang paraan na sasabihin Ko sa inyo. Ikaw ay walang paraan upang gumawa ng mga kaayusan para sa iyong sarili, at ikaw ay walang kakayahan na kontrolin ang iyong sarili; ang lahat ay dapat ipaubaya sa habag ng Diyos, at ang lahat ay nasa pamamahala ng Kanyang mga kamay. Kung ang gawain ng Diyos ay naglaan sa tao ng isang katapusan, isang kamangha-manghang hantungan, nang mas maaga, at kung ginagamit ito ng Diyos upang hikayatin ang tao at magawang pasunurin ang tao sa Kanya—kung gumawa Siya ng kasunduan sa tao—kung gayon hindi ito magiging paglupig, ni hindi ito para trabahuin ang buhay ng tao. Kung gagamitin ng Diyos ang katapusan upang kontrolin ang tao at matamo ang kanyang puso, kung gayon sa ganito ay hindi Niya magagawang sakdal ang tao, at ni hindi Niya magagawang matamo ang tao, ngunit sa halip gagamitin ang hantungan upang kontrolin siya. Walang inaalala ang tao nang higit pa sa hinaharap na katapusan, ang huling hantungan, at kung mayroon man o walang inaasahang mabuti. Kung ang tao ay nabigyan ng magandang pag-asa sa panahon ng gawain ng panlulupig, at kung, bago pa ang paglupig sa tao, siya ay nabigyan ng isang angkop na hantungan upang hangarin, kung gayon hindi lamang sa hindi matatamo ang epekto ng gawain ng panlulupig sa tao, ngunit ang epekto ng gawain ng panlulupig ay maiimpluwensyahan din. Iyon ay upang sabihin, natatamo ang epekto ng gawain ng panlulupig sa pamamagitan ng pag-aalis sa kapalaran at mga inaasam ng tao at paghatol at pagpaparusa sa mapaghimagsik na disposisyon ng tao. Hindi ito matatamo sa paggawa ng isang kasunduan sa tao, iyon ay, sa pamamagitan ng pagbibigay sa tao ng mga biyaya at mga pagpapala, ngunit sa pamamagitan ng pagbunyag sa katapatan ng tao sa pamamagitan ng pagtanggal sa kanyang kalayaan at pagpuksa sa kanyang mga inaasam. Ito ang diwa ng gawain ng panlulupig. Kung ang tao ay nabigyan na ng magandang pag-asa sa simula pa lamang, at ang gawaing pagkastigo at paghatol ay ginawa pagkatapos, kung gayon ay tatanggapin ng tao ang ganitong pagkastigo at paghatol sa batayang nagkaroon siya ng mga inaasam, at sa katapusan, ang walang pasubaling pagsunod at pagsamba sa Lumikha ng Kanyang mga nilikha ay hindi makakamit; magkakaroon lang ng bulag, walang malay na pagsunod, kung hindi ay magkakaroon ng bulag na mga kahilingan ang tao sa Diyos, kung kaya magiging imposible na ganap na lupigin ang puso ng tao. Dahil dito, hindi makakaya ng gayong gawaing panlulupig na matamo ang tao, ni hindi, higit pa rito, maglalahad ng patotoo sa Diyos. Ang gayong mga nilalang ay hindi na makatutupad ng kanilang tungkulin, at makikipagtawaran na lamang sa Diyos; hindi ito magiging paglupig, ngunit habag at biyaya. Ang pinakamalaking suliranin ng tao ay ang wala siyang iniisip kundi ang kanyang kapalaran at mga inaasam, na sinasamba niya ang mga ito. Hinahanap ng tao ang Diyos para sa kanyang kapalaran at mga inaasam; hindi niya sinasamba ang Diyos dahil sa kanyang pag-ibig sa Kanya. Kung kaya, sa paglupig sa tao, ang pagiging makasarili ng tao, kasakiman at ang mga bagay na pinakahadlang sa kanyang pagsamba sa Diyos ay dapat maalis. Sa paggawa nito, ang mga epekto ng paglupig sa tao ay matatamo. Bilang resulta, sa mga pinakaunang paglupig sa tao, mahalaga na linisin muna ang mga ligaw na ambisyon at ang pinakamalalang mga kahinaan ng tao, at, sa pamamagitan nito, upang ibunyag ang pag-ibig ng tao sa Diyos, at mapalitan ang kanyang kaalaman sa buhay ng tao, kanyang pagtingin sa Diyos, at ang kahulugan ng kanyang pag-iral. Sa ganitong paraan, ang pag-ibig ng tao sa Diyos ay malilinis, na ang ibig sabihin, ang puso ng tao ay nalupig. Ngunit sa Kanyang saloobin sa lahat ng mga nilalang, hindi lumulupig ang Diyos para lamang sa kapakanan ng panlulupig; sa halip, Siya ay lumulupig upang matamo ang tao, para sa kapakanan ng Kanyang sariling kaluwalhatian, at upang mabawi ang pinakauna at orihinal na wangis ng tao. Kung Siya ay lulupig para lamang sa kapakanan ng paglupig, kung gayon ang kabuluhan ng gawain ng panlulupig ay mawawala. Ito ay upang masabi na kung, pagkatapos ang panlulupig sa tao, kung pababayaan na lang ng Diyos ang tao, at hindi na makikialam sa kanyang buhay at kamatayan, hindi na ito magiging pamamahala sa sangkatauhan, ni ang paglupig sa tao ay magiging para sa kapakanan ng kanyang kaligtasan. Ang pagtatamo lamang sa tao pagkatapos ng kanyang paglupig at ang kanyang posibleng pagdating sa isang kamangha-manghang hantungan ay nasa puso ng lahat ng gawain ng pagliligtas, at ito lamang ang makapagtatamo ng layunin sa kaligtasan ng tao. Sa madaling sabi, ang pagdating lamang ng tao sa magandang hantungan at ang kanyang pagpasok sa pamamahinga ay ang mga inaasam na dapat taglay ng lahat ng mga nilalang, at ang gawain na dapat isagawa ng Lumikha. Kung gagawin ng tao ang ganitong gawain, kung gayon ito ay magiging masyadong limitado: Maaaring dalhin nito ang tao sa isang tukoy na punto, ngunit hindi nito maaaring madala ang tao sa walang hanggang hantungan. Hindi kayang pagpasyahan ng tao ang kanyang tadhana, ni, higit pa rito, hindi niya kayang matiyak ang mga inaasam ng tao at hinaharap na hantungan. Ang gawain na ginawa ng Diyos, gayunman, ay naiiba. Yayamang nilikha Niya ang tao, pinangungunahan Niya ito; yayamang inililigtas Niya ang tao, ililigtas Niya siya nang lubos, at ganap na tatamuhin siya; yayamang pinangungunahan Niya ang tao, dadalhin Niya siya sa angkop na hantungan; at yayamang nilikha Niya at pinamamahalaan ang tao, kailangang akuin Niya ang kapalaran at mga inaasam ng tao. Ito nga ay ang gawaing isinagawa ng Lumikha. Bagamat ang gawaing panlulupig ay natatamo sa paglilinis sa mga inaasam ng tao, ang tao sa huli ay dapat madala sa angkop na hantungan na inilalaan para sa kanya ng Diyos. Ito ay tiyak na sapagkat tinatrabaho ng Diyos ang tao, na ang tao ay may hantungan at ang kanyang kapalaran ay tiyak na. Dito, ang akmang hantungan na nabanggit ay hindi ang mga pag-asa at mga inaasam ng tao sa mga lumipas na panahon; ang dalawa ay magkaiba. Yaong mga inaasam ng tao at sinisikap na matamo ay ang mga paghahangad sa kanyang paghahanap ng labis na mga pagnanasa ng laman, sa halip na ang hantungan na marapat sa tao. Ang inilaan ng Diyos sa tao, samantala, ay ang mga pagpapala at mga pangako na marapat sa tao sa oras na siya ay nagawang dalisayin, na inihanda ng Diyos sa tao matapos likhain ang mundo, na hindi nabahiran ng pagpili, mga pananaw, imahinasyon o laman ng tao. Ang hantungan na ito ay hindi inihanda para sa isang partikular na tao, kundi ang dako ng kapahingaan ng buong sangkatauhan. At kaya, ang hantungang ito ay ang pinakaangkop na hantungan para sa sangkatauhan.

Ang Sangkap ni Cristo ay Pagtalima sa Kalooban ng Ama sa Kalangitan

panalangin, Diyos, Katapatan, Kabutihan, Cristo
Ang nagkatawang-taong Diyos ay tinatawag na Cristo, at si Cristo ay ang katawang-tao na isinuot ng Espiritu ng Diyos. Ang laman na ito ay hindi katulad ng kahit sinong taong galing sa laman. Ang pagkakaibang ito ay dahil si Cristo ay hindi nagmula sa laman at dugo kundi Siya ang pagkakatawang-tao ng Espiritu. Siya ay may kapwa normal na pagkatao at ganap na pagka-Diyos. Ang Kanyang pagka-Diyos ay hindi taglay ng kahit sinong tao. Ang Kanyang normal na pagkatao ang Siyang umaalalay sa lahat ng Kanyang karaniwang mga gawain sa katawang-tao, habang ang Kanyang pagka-Diyos ang nagsasakatuparan ng gawain ng Diyos Mismo. Maging ang Kanyang pagkatao o pagka-Diyos, kapwa itong nagpapasakop sa kalooban ng Amang nasa langit. Ang sangkap ni Cristo ay ang Espiritu, iyon ay, ang pagka-Diyos. Samakatuwid, ang Kanyang sangkap ay yaong sa Diyos Mismo; ang sangkap na ito ay hindi gagambala sa Kanyang sariling gawain, at hindi Siya posibleng makagawa ng anumang bagay na nakasisira sa Kanyang sariling gawain, ni hindi rin Siya bibigkas ng anumang bagay na sumasalungat sa Kanyang kalooban. Samakatuwid, ang nagkatawang-taong Diyos ay siguradong hindi kailanman gagawa ng kahit anong gawain na nakagagambala sa Kanyang sariling pamamahala. Ito ang dapat maintindihan ng lahat ng tao. Ang kakanyahan ng gawain ng Banal na Espiritu ay upang iligtas ang tao at ito ay para sa kapakanan ng sariling pamamahala ng Diyos. Gayundin, ang gawain ni Cristo ay upang iligtas ang tao at ito ay alang-alang sa kalooban ng Diyos. Sapagkat ang Diyos ay nagkatawang-tao, Kanyang napapaging-tunay ang Kanyang sangkap sa loob ng Kanyang laman, sa gayon ang Kanyang katawang-tao ay sapat upang isagawa ang Kanyang gawain. Samakatuwid, lahat ng gawain ng Espiritu ng Diyos ay pinapalitan ng gawain ni Cristo sa loob ng panahon ng Kanyang pagkakatawang-tao, at ang kaibuturan ng buong gawain sa buong panahon ng pagkakatawang-tao ay ang gawain ni Cristo. Ito ay hindi maaaring maihalo sa gawain mula sa kahit anong ibang kapanahunan. At mula nang nagkatawang-tao ang Diyos, Siya ay gumagawa sa pagkakakilanlan ng Kanyang katawang-tao; yamang Siya ay nagkatawang-tao, tinatapos din Niya sa katawang-tao ang gawain na dapat Niyang gawin. Maging ito man ay ang Espiritu ng Diyos o ito man ay si Cristo, Sila ay kapwa Diyos Mismo, at ginagawa Niya ang gawain na dapat Niyang gawin at ginagampanan ang ministeryong dapat Niyang gampanan.

Hun 23, 2018

Salita ng Diyos | Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Nagkatawang-taong Diyos at ng Tungkulin ng Tao

Diyos, Katapatan, Kaharian, Karanasan, kabutihan
Dapat kayong makarating sa pagkakaalam sa pangitain ng gawain ng Diyos at matarok ang pangkalahatang tunguhin ng Kanyang gawain. Ito ay pagpasok sa isang positibong paraan. Sa sandaling makabisado ninyo nang tumpak ang mga katotohanan ng pangitain, ang iyong pagpasok ay magiging ligtas; paano man nagbabago ang Kanyang gawain, ikaw ay mananatiling matatag sa iyong puso, magiging malinaw tungkol sa pangitain, at ikaw ay magkakaroon ng isang tinutumbok para sa iyong pagpasok at iyong paghahabol. Sa gayong paraan, ang lahat ng karanasan at kaalaman sa loob mo ay lalalim at magiging mas pino. Sa sandaling matarok mo ang mas malaking larawan sa kabuuan nito, hindi ka magdurusa ng mga kawalan sa buhay, at hindi ka mawawala. Kung hindi mo malalaman ang mga hakbang na ito ng gawain, magdurusa ka ng kawalan sa bawa’t isa sa mga iyon. Hindi ka makababawi sa loob lamang ng ilang araw, at hindi ka makatatahak sa tamang landas kahit sa loob ng ilang linggo. Hindi ba ito nakapipigil sa iyo? Mayroong napakarami sa pagpasok sa isang positibong paraan at ganoong mga pagsasagawa na dapat mong makabisa, at ganoon din dapat mong tarukin ang maraming punto hinggil sa pangitain ng Kanyang gawain, katulad ng kahalagahan ng Kanyang gawain ng paglupig, ang landas sa pagiging pineperpekto sa hinaharap, ano ang dapat makamtan sa pamamagitan ng karanasan sa mga pagsubok at mga paghihirap, ang kahalagahan ng paghatol at pagkastigo, ang mga prinsipyo ng gawain ng Banal na Espiritu, at ang mga prinsipyo ng pagkaperpekto at ng paglupig. Ang mga ito ay lahat mga katotohanan ng pangitain. Ang iba pa ay ang tatlong yugto ng gawain ng Kapanahunan ng Kautusan, Kapanahunan ng Biyaya at Kapanahunan ng Kaharian, gayundin ang patotoo sa hinaharap. Ang mga ito ay mga katotohanan din patungkol sa pangitain, at ang mga pinakapangunahin, gayundin ay pinakamahalaga. Sa kasalukuyan, may napakarami na dapat ninyong pasukin at isagawa, at ito ngayon ay higit na susun-suson at mas detalyado. Kung ikaw ay walang kaalaman sa mga katotohanang ito, ito ay patunay na hindi ka pa nakapapasok. Kadalasan, ang kaalaman ng tao sa katotohanan ay masyadong mababaw; hindi kayang isagawa ng tao ang ilang mga pangunahing katotohanan at hindi alam kung papaano gampanan kahit ang mga di-gaanong mahahalagang bagay. Ang dahilan kung bakit hindi makayang isagawa ng tao ang katotohanan ay dahil sa kanyang disposisyon ng pagiging suwail, at dahil ang kanyang kaalaman sa mga gawain ng kasalukuyan ay masyadong mababaw at may pinapanigan. Sa gayon, hindi madaling gawain na ang tao ay gawing perpekto. Ang iyong pagiging-suwail ay masyadong matindi, at napakalaki ng iyong dating sarili ang nananatili sa iyo; hindi ka makapanindigan sa panig ng katotohanan, at hindi mo makayang isagawa kahit ang pinakamaliwanag sa mga katotohanan. Ang ganoong mga tao ay hindi maililigtas at ang mga yaong hindi pa nalulupig. Kung ang iyong pagpasok ay walang detalye ni mga layunin, magiging mabagal ang dating ng paglago para sa iyo. Kung ang iyong pagpasok ay wala ni kaunti mang reyalidad, kung gayon ang iyong paghahabol ay masasayang lamang. Kung ikaw ay hindi nakakamalay sa nilalaman ng katotohanan, ikaw ay mananatiling hindi-nababago. Ang paglago sa buhay ng tao at mga pagbabago sa kanyang disposisyon ay nakakamtang lahat sa pamamagitan ng pagpasok tungo sa reyalidad at, higit sa rito, sa pamamagitan ng pagpasok sa detalyadong mga karanasan. Kung ikaw ay maraming detalyadong mga karanasan sa panahon ng iyong pagpasok, at ikaw ay maraming tunay na kaalaman at pagpasok, ang iyong disposisyon ay mabilis na magbabago. Kahit na sa kasalukuyan ay hindi ka pa masyadong naliliwanagan sa pagsasagawa, ikaw ay dapat na maliwanagan man lamang tungkol sa pangitain ng gawain. Kung hindi, ikaw ay hindi makapapasok, at hindi mo ito magagawa malibang magkaroon ka muna ng kaalaman sa katotohanan. Tangi lamang kung liliwanagan ka ng Banal na Espiritu sa iyong karanasan magkakamit ka ng mas malalim na pang-unawa sa katotohanan at makapapasok nang mas malalim. Dapat mong malaman ang gawain ng Diyos.

Hun 22, 2018

Tanging Yaong mga Kilala ang Diyos at Kanyang Gawa ang Makapagbibigay-kasiyahan sa Diyos

Diyos, katapatan, Karanasan, pag-ibig ng Diyos, kaligtasan
Ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao ay may dalawang bahagi. Nang una Siyang naging katawang-tao, di Siya pinaniwalaan ni kinilala ng mga tao, anupat ipinako si Jesus sa krus. Sa pangalawang pagkakataon din, di pa rin naniwala sa Kanya o kinilala man lang Siya, at minsan pang ipinako si Cristo sa krus. Hindi ba’t ang tao ay kaaway ng Diyos? Kung hindi Siya kilala ng mga tao, paano sila magiging matalik na kaibigan sa Diyos? At paano siya nagkaroon ng kakayanang magpatotoo sa Diyos? Ang pagmamahal sa Diyos, ang paglilingkod sa Diyos, ang pagluluwalhati sa Diyos—hindi ba ito mga mapanlinlang na kasinungalingan? Kung itutuon mo ang iyong buhay sa mga walang katunayan at di-praktikal na mga bagay na ito, hindi ba gumagawa ka nang walang kabuluhan? Paano ka magiging matalik na kaibigan ng Diyos kung hindi mo naman kilala kung sino ang Diyos? Hindi ba ang ganitong pagsisikap ay malabo at mahirap maunawaan? Hindi ba ito mapanlinlang? Paano ba maging matalik na kaibigan ng Diyos? Ano ba ang makabuluhang kahalagahan ng pagiging malapit sa Diyos? Maaari ka bang maging matalik na kaibigan ng Espiritu ng Diyos? Kaya mo bang makita kung gaano kadakila at kabunyi ang Espiritu? Ang maging matalik na kaibigan ng di-nakikita at di-nahahawakang Diyos—hindi ba iyon malabo at mahirap maunawaan? Ano ang praktikal na kahalagahan ng ganiyang pagsisikap? Hindi ba ang lahat ng ito ay mga mapanlinlang na kasinungalingan? Ang pinagsisikapan mo ay maging matalik na kaibigan ng Diyos, gayong sa totoo lang ikaw ay masunuring aso ni Satanas, dahil hindi mo kilala ang Diyos, at pinagsisikapan mo ang di-umiiral na “Diyos ng lahat ng mga bagay” na di-nakikita at di-nahahawakan at mula sa iyong mga sariling pagkaintindi. Sa malabong pananalita, ang gayong “Diyos” ay si Satanas, at sa praktikal na pananalita, ito ay ikaw sarili mo. Matalik na kaibigan mo ang iyong sarili ngunit sinasabi mo na nagsisikap ka para maging matalik na kaibigan ng Diyos—hindi ba iyon isang paglalapastangan? Ano ang halaga ng gayong pagsisikap? Kung ang Espiritu ng Diyos ay hindi maging tao, ang sangkap ng Diyos Mismo ay magiging di-nakikita, di-nahahawakang Espiritu, walang anyo at walang hugis, di-malapitan at di-maunawaan ng mga tao. Paano magiging matalik na kaibigan ng tao ang isang walang katawan, kamangha-mangha, at di-maarok na Espiritu na gaya nito? Hindi ba ito isang biro? Ang ganitong kakatuwang pangangatuwiran ay hindi tama at hindi praktikal. Ang nilikhang mga tao ay ibang-iba sa Espiritu ng Diyos, kaya paano sila magiging matalik na magkaibigan? Kung ang Espiritu ng Diyos ay hindi naging tao, kung ang Diyos ay hindi nagkatawang-tao at nagpakumbaba sa Sarili Niya upang maging nilalang, ang taong nilalang ay walang kakayanan at hindi magiging Kanyang matalik na kaibigan, at maliban sa mga mananampalatayang maka-Diyos na may pagkakataong maging mga matalik na kaibigan ng Diyos matapos makapasok ang kanilang kaluluwa sa langit, karamihan sa mga tao ay hindi maaaring maging mga matalik na kabigan ng Diyos. At kung nais ng tao na maging matalik na kaibigan ng Diyos sa langit sa ilalim ng gabay ng Diyos na nagkatawang-tao, hindi ba siya isang kagila-gilalas na hangal na di-tao? Ang mga tao ay nagsusumikap magpamalas ng “katapatan” sa isang di-nakikitang Diyos, at hindi nagtutuon ni katiting na pansin sa nakikitang Diyos sapagkat madaling magsikap sa isang di-nakikitang Diyos—maaari itong gawin ng tao ayon sa gusto niya. Ngunit ang pagsisikap sa nakikitang Diyos ay hindi madali. Ang mga tao na naghahanap sa isang malabong Diyos ay isa na hindi matatamo ang Diyos sapagkat lahat ng malabo at di-maintindihang mga bagay ay iniisip lamang ng mga tao, at hindi nila maaaring matamo. Kung ang Diyos na pumarito sa inyo ay mataas at matayog na Diyos na hindi ninyo maabot, paano ninyo mahahanap ang Kanyang kalooban? At paano ninyo Siya makikilala at mauunawaan? Kung ginawa lamang Niya ang Kanyang gawain, at nagkaroon ng karaniwang ugnayan sa tao, at walang taglay na normal na pagkatao at hindi malapitan ng mga mortal lamang, kahit na marami Siyang ginawa para sa inyo ngunit wala kayong pakikipag-ugnayan sa Kanya, hindi Siya makita, paano ninyo Siya makikilala? Kung hindi dahil sa katawang-tao na ito na taglay ang normal na pagkatao, hindi makikilala ng tao ang Diyos; ito lamang ay dahil sa pagkakatawang-tao ng Diyos kaya ang mga tao ay may kakayanang maging malapit sa Diyos na nagkatawang-tao. Ang mga tao ay nagiging matalik na kaibigan ng Diyos dahil nakikipag-ugnayan ang tao sa Kanya, sapagkat ang tao ay naninirahan kasama Siya at nananatiling Siya ay kasama, at unti-unti na kinikilala Siya. Kung hindi ito ganoon, hindi ba ang pagsisikap ng mga tao ay walang kabuluhan? Sa madaling salita, hindi lamang dahil sa mga gawain ng Diyos kung kaya ang mga tao ay maaaring maging matalik na kaibigan Niya, kundi sa pagkatotoo at pagka-karaniwan ng Diyos na nagkatawang-tao. Ito ay dahil lamang sa ang Diyos ay nagiging tao kaya ang mga tao ay nagkakaroon ng pagkakataon upang gawin ang kanyang tungkulin, at pagkakataon upang sambahin ang Diyos. Hindi ba ito ang pinakatunay at praktikal na katotohanan? Ngayon, nais mo pa bang maging matalik na kaibigan ng Diyos na nasa langit? Tanging kapag nagpakababa ang Diyos Mismo hanggang sa isang punto, na ibig sabihin, tanging kapag ang Diyos ay nagiging tao, na ang mga tao ay maaaring maging matalik na kaibigan Niya. Ang Diyos ay Espiritu: Paano magkakaroon ng kakayanan ang tao na maging matalik na kaibigan Niya, na napakataas at di-maarok? Tanging kapag bumaba ang Espiritu ng Diyos sa katawang-tao, at maging isang nilalang na may parehong panlabas na anyo ng tao, kayang unawain ng tao ang Kanyang kalooban at talagang matamo Niya. Siya ay nagsasalita at kumikilos sa katawang-tao, nakikihati sa kaligayahan, kalungkutan at kapighatian ng tao, naninirahang kasama ng tao, iniingatan ang tao, ginagabayan siya, at sa pamamagitan nito nililinis Niya ang tao, at hinahayaang matamo ng tao ang Kanyang kaligtasan at Kanyang mga pagpapala. Matapos matamo ang mga bagay na ito, mauunawaan ng tao ang kalooban ng Diyos, at saka lamang maaari siyang maging matalik Niyang kaibigan. Natatanging ito ang praktikal. Kung ang Diyos ay di-nakikita at di-nauunawaan ng mga tao, paano sila magiging matalik na kaibigan Niya? Hindi ba ito isang doktrinang walang katuturan?

"Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" | Sipi 14

Ang bawa’t yugto ng gawain ng Banal na Espiritu ay kasabay na nangangailangan ng patotoo ng tao. Ang bawa’t yugto ng gawain ay isang p...