Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Noong Kanyang unang pagkakatawang-tao, kinakailangan ng Diyos na magpagaling ng maysakit at palayasin ang mga demonyo dahil ang Kanyang gawain ay ang tumubos. Upang tubusin ang buong lahi ng tao, Siya’y kinailangang maging maawain at mapagpatawad. Ang gawain na Kanyang ginawa bago Siya napako sa krus ay ang magpagaling ng maysakit at magpalayas ng mga demonyo, na nagbabadya ng Kanyang pagliligtas sa tao mula sa kasalanan at kadungisan. Dahil ito ay Kapanahunan ng Biyaya, kinailangan Niyang magpagaling ng maysakit, at dahil doon nagpakita ng mga palatandaan at kababalaghan, na kumatawan sa biyaya noong panahong iyon;