Sagot: Sa pagbabasa ng Biblia nauunawaan natin na ang Diyos ang Lumikha ng lahat ng bagay at sinisimulan nating makilala ang Kanyang kamangha-manghang mga gawa. Ito ay dahil ang Biblia ay isang patotoo sa unang dalawang yugto ng gawain ng Diyos. Ito ay isang talaan ng mga salita at gawain ng Diyos at ang patotoo ng tao noong Kapanahunan ng Kautusan at Kapanahunan ng Biyaya. Kaya, napakahalaga ng Biblia sa ating pananampalataya. Pag-isipan n’yo ito, kung hindi dahil sa Biblia, paano mauunawaan ng tao ang salita ng Panginoon at makikilala ang Panginoon? Paano pa sasaksi ang tao sa mga gawa ng Diyos at magkakaroon ng tunay na pananampalataya sa Diyos? Kung hindi nagbabasa ng Biblia ang tao, paano pa siya sasaksi sa tunay na patotoo ng lahat ng banal sa lahat ng panahon na sumusunod sa Diyos? Kaya, ang pagbabasa ng Biblia ay mahalaga sa pagsampalataya, at walang sinumang nananalig sa Panginoon na dapat lumihis sa Biblia kailanman. Masasabi mong, siya na lumilihis mula sa Biblia ay hindi maaaring manalig sa Panginoon. Napatunayan na ito sa mga karanasan ng mga banal sa lahat ng panahon. Wala ni isang mangangahas na ikaila ang kahalagahan at kahulugan ng pagbabasa ng Biblia sa pagsampalataya. Kaya, ang tingin ng lahat ng banal at nananalig sa lahat ng panahon sa pagbabasa ng Biblia ay isa itong napakahalagang bagay. Sasasabihin pa nga ng ilan na, ang pagbabasa ng Biblia at pagdarasal ay kasinghalaga ng dalawang paa natin para makalakad, na kung wala ang alinman dito ay hindi tayo uusad. Pero sinabi na ng Panginoong Jesus: “Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka’t iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito’y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin. At ayaw kayong magsilapit sa akin, upang kayo’y magkaroon ng buhay” (Juan 5:39-40). Nalilito ang ilang tao, iniisip nila, kung ang Biblia ay isang talaan ng salita ng Diyos at patotoo ng tao, ang pagbabasa ng Biblia ay dapat magbigay ng buhay na walang hanggan sa tao! Kung gayon bakit sinabi ng Panginoong Jesus na walang buhay na walang hanggan sa Biblia? Ang totoo, hindi ito isang napakahirap na ideya. Basta't nauunawaan natin ang tunay na pangyayari at diwa ng mga salita at gawain ng Diyos noong Kapanahunan ng Batas at noong Kapanahunan ng Biyaya gayundin ang epekto nito, likas nating matatanto kung bakit hindi maaaring tumanggap ang isang tao ng buhay na walang hanggan sa pagbabasa ng Biblia. Una, tingnan natin ang Kapanahunan ng Batas. Sa panahong ito, si Jehova higit sa lahat ang nag-abalang magpalaganap ng mga batas, utos at ordenansang susundin ng tao. Ang kanyang mga salita ay karaniwang isang uri ng gabay para sa sangkatauhan, mula pa sa kanilang kamusmusan, sa buhay sa lupa. Hindi kasama sa mga salitang ito ang pagbabago ng disposisyon sa buhay ng tao. Kaya ang mga salita ng Diyos noong Kapanahunan ng Kautusan ay pawang nakatuon sa pagpapasunod sa mga tao sa mga batas at kautusan. Bagama’t katotohanan ang mga salitang ito, kinakatawan ng mga ito ang napakapayak na katotohanan. Noong Kapanahunan ng Biyaya, Ang mga salita at gawa ng Panginoong Jesus ay nakatuon sa gawain ng pagtubos. Ang mga salitang ibinigay Niya ay tungkol sa katotohanan ng pagtubos at itinuro nito sa mga tao na dapat nilang ipagtapat ang kanilang mga kasalanan at pagsisihan at iwasang magkasala at gumawa ng masama. Itinuro din ng mga salitang ito sa mga tao ang tamang paraan ng pagdarasal sa Panginoon at sinabi sa mga tao na kailangan nilang mahalin ang Panginoon nang buong puso’t kaluluwa, mahalin ang kanilang kapwa gaya ng kanilang sarili maging mapagparaya at matiyaga, at patawarin ang iba nang makapitumpong pitong beses, atbp. Lahat ng ito ay kasama sa daan tungo sa pagsisisi. sa pagbabasa ng Biblia, nauunawaan lamang natin ang gawain ng Diyos noong Kapanahunan ng Batas at Kapanahunan ng Biyaya. Natatanto natin na lahat ng bagay ay nilikha ng Diyos at natututunan nila kung paano mabuhay sa lupa at sumamba sa Diyos. Nauunawaan natin kung ano ang kasalanan, sino ang mga pinagpala ng Diyos at sino ang isinumpa ng Diyos. Nalalaman natin kung paano ipagtapat ang ating mga kasalanan at magsisi sa Diyos. Natututo tayo magpakumbaba, magtiis at magpatawad, at alam natin na nararapat silang magpasan ng krus upang masundan ang Panginoon. Nakikita natin mismo ang walang-hangganang awa at habag ng Panginoong Jesus, at natatanto nila na sa paglapit lamang sa Panginoong Jesus nang may pananampalataya matatamasa natin ang Kanyang saganang biyaya at katotohanan. Ang mga salita at gawa ng Diyos noong Kapanahunan ng Batas at Kapanahunan ng Biyaya ayon sa nakatala sa Biblia ang katotohanang sinambit ng Diyos ayon sa plano ng pagliligtas sa sangkatauhan at sa mga pangangailangan ng sangkatauhan sa panahong iyon. Ang mga katotohanang ito ay kaya lamang tulungan ang tao na magkaroon ng ilang paimbabaw na mabubuting asal pero lubos itong walang kakayahang lutasin ang mga ugat ng pagiging makasalanan ng tao, baguhin ang disposisyon sa buhay ng tao, at tulutan ang tao na maging dalisay, maligtas at maging sakdal. Sa gayon, ang mga salitang ibinigay ng Panginoong Jesus noong Kapanahunan ng Biyaya ay maaari lamang tawaging daan tungo sa pagsisisi, pero hindi ang daan tungo sa buhay na walang hanggan. Ang daan tungo sa buhay na walang hanggan ang landas ng katotohanan na nagtutulot sa tao na mabuhay magpakailanman, na ibig sabihin ay, ito ang landas na nagtutulot sa tao na iwaksi ang mga gapos at kontrol ng kanyang pagiging likas na makasalanan, na baguhin ang kanyang disposisyon sa buhay, at tulutan siyang mamuhay sa katotohanan, at lubusang makalaya sa impluwensya ni Satanas at kaayon ni Cristo. Tinutulutan nito ang tao na makilala, masunod at pagpitaganan ang Diyos upang hindi na sila muling magkamaling kontrahin o ipagkanulo ang Diyos. Ang tanging paraan para makamit ang epektong ito ay maaaring tawaging ang daan tungo sa buhay na walang hanggan. Ang tao ay namamatay dahil sa kasalanan. Kung mamumuhay ang tao sa katotohanan at lulutasin ang lahat ng kasalanang bumabagabag sa kanya, bibiyaan siya ng Diyos ng buhay na walang hanggan. Kaya, sa pamamagitan lamang ng pagtanggap ng pagliligtas ng Diyos sa mga huling araw masisiyahan tayo sa daan tungo sa buhay na walang hanggan na ipinagkakaloob ng Diyos sa sangkatauhan.
mula sa iskrip ng pelikulang Sino ang Aking Panginoon
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento