Kidlat ng Silanganan

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Ebanghelyo. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Ebanghelyo. Ipakita ang lahat ng mga post

Okt 25, 2019

IV Mga Klasikong Salita tungkol sa Biblia

propesiya sa bibliya
Alamin natin ang higit pa tungkol sa mga misteryo ng mga Propesiya sa Biblia na magkakasama.
         1. Sa maraming taon, ang mga kinaugaliang paraan ng paniniwala ng mga tao (ng Kristiyanismo, ang isa sa tatlong pangunahing relihiyon ng mundo) ay ang basahin ang Biblia; ang paglihis mula sa Biblia ay hindi paniniwala sa Panginoon, ang paglihis mula sa Biblia ay paglihis sa pananampalataya, at hidwang paniniwala, at kahit na basahin pa ng mga tao ang ibang mga libro, ang pundasyon ng mga librong ito ay dapat ang pagpapaliwanag sa Bibilia. Na ang ibig sabihin, kung sinasabi mo na naniniwala ka sa Panginoon, dapat mong basahin ang Biblia, dapat mong kainin at inumin ang Biblia, at bukod sa Biblia hindi ka dapat sumamba ng anumang libro na walang kinalaman ang Biblia. Kung gagawin mo iyon, samakatwid pinagtataksilan mo ang Diyos. Mula noong panahong mayroong Biblia, ang pananalig ng mga tao sa Panginoon ay ang paniniwala sa Biblia. Sa halip na sabihing ang mga tao ay nananalig sa Panginoon, mas mabuti pang sabihin na naniniwala sila sa Biblia; sa halip na sabihing nagsimula na silang magbasa ng Biblia, mas mabuti pang sabihing nagsimula na silang maniwala sa Biblia;

Okt 15, 2019

Tagalog Christian Movie | "Pananampalataya sa Diyos 2 – Nang Bumagsak ang Simbahan"

Tagalog Christian Movie | "Pananampalataya sa Diyos 2 – Nang Bumagsak ang Simbahan"

Mangyaring tumawag sa amin kung may mga katanungan ka. Messenger: 
Mula nang maging makapangyarihan ang Chinese Communist Party, patuloy na nitong sinugpo at inusig ang Kristiyanismo at Katolisismo upang lubos na mapawi ang lahat ng paniniwala sa relihiyon at maitatag ang China bilang lugar ng ateismo. Lalo na nang maging Pangulo si Xi Jinping umabot na sa sukdulan ang mga pag-atake ng CCP sa pananampalataya, at pati na ang Three-Self Church na opisyal na pinahintulutan ay winawasak at binabaklas ang mga krus.
Si Yu Congguang ay isang evangelista na gagawa ng mapanganib na pagtakas mula sa isang maramihang pag-aresto ng CCP. Pagkatapos niyon, pupunta siya sa bahay ng Kristiyanong si Chen Song'en ng Three-Self Patriotic Movement. Gigibain ng CCP ang simbahan ng Three-Self Patriotic Movement ni Chen Song'en, at ipagdarasal ng ilan sa simbahan, matapos makinig sa mga turo ng kanilang mga pastor at elder, ang rehimeng CCP, sa paniwalang sa paggawa nito, sinusunod nila ang mga salita ng Panginoong Jesus na, "Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, at idalangin ninyo ang sa inyo'y nagsisiusig" (Mateo 5:44). Gayunman, maraming nananalig ang nalilito, dahil sa kabila ng katotohanan na matagal na nilang ipinagdarasal na mapagpala ang CCP, hindi lamang hindi nagsisi ang CCP, kundi giniba pa ang kanilang simbahan. Nagtaka sila: Talaga bang naaayon sa kalooban ng Diyos ang pagdarasal para sa CCP? Magtatalo ang kongregasyon tungkol sa tanong na ito pero hindi sila magkakasundo. Kalaunan, sa pagbasa sa mga salita ng Diyos at pagbabahagi ni Yu Congguang at ng kanyang kasamahan, malalaman ni Chen Song'en at ng iba pa ang tunay na kahulugan ng turo ng Panginoong Jesus na "ibigin ang inyong mga kaaway." Mahihiwatigan din nila ang kademonyohan ng CCP, na labanan ang Diyos at kamuhian ang katotohanan, at malinaw nilang makikita ang mapanganib na mga bunga ng pagsunod sa mga pastor at elder sa Three-Self church at pag-asa sa proteksyon ng isang napakasamang namumunong kapangyarihan …

Set 6, 2019

Tagalog Christian Movie | "Pagbibinyag sa Pamamagitan ng Apoy"


Tagalog Christian Movie | "Pagbibinyag sa Pamamagitan ng Apoy"

Mangyaring tumawag sa amin kung may mga katanungan ka. Messenger: 
Sabi ng Panginoong Jesus, "Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit" (Mateo 7:21). Paano ba talaga natin dapat pagsikapang maging mga tao na gumagawa ng kalooban ng Ama sa langit at masunurin sa Diyos, para dalhin tayo ng Diyos sa kaharian ng langit?

Hul 12, 2019

Dumadagundong ang Pitong Kulog—Nanghuhula Na ang Ebanghelyo ng Kaharian ay Lalaganap sa Buong Sansinukob (Sipi)

Dumadagundong ang Pitong Kulog—Nanghuhula Na ang Ebanghelyo ng Kaharian ay Lalaganap sa Buong Sansinukob (Sipi)


     Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.

Hun 20, 2019

Ginabayan Ako ng Mga Salita ng Diyos sa Pamamagitan ng Mga Pagsubok ni Satanas

Edukasyon ng mga Bata,kaligtasan,bible school,saksi

Ni Ma Xin, Tsina

Dahil sa ang aking asawa ay hindi tapat sa pagtatrabaho, palaging umiinom, at walang ipinakikitang malasakit sa mga usaping pampamilya, madalas akong nasasadlak sa kapaitan at kapighatian. Sa isang pagkakataon na wala akong lakas na lumaban, ibinahagi ng isang kamag-anak ang ebanghelyo ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos sa akin. Sa pamamagitan ng pagbabasa ng salita ng Diyos, naunawaan ko na ipinahahayag ng Diyos ang katotohanan at ginagawa ang gawain ng paghatol ng mga huling araw upang iligtas ang sangkatauhan mula sa mga kamay ni Satanas. Itinutulot Niyang makaunawa ang tao, sumunod, at bumaling sa Kanya upang tanggapin ang Kanyang pag-iingat at pagkalinga. Bilang resulta, masaya kong tinanggap ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw at kaagad nagsimulang isabuhay ang buhay ng iglesia. Gayunpaman, habang nararamdaman ko kung gaano ako kapalad at kasaya dahil sa nakatagpo ako ng masasandalan sa buhay, binugbog ako ng mga pagsubok ni Satanas kagaya ng isang mabangis na hayop na humahabol sa biktima nito, at isang digmaang espiritwal ang naganap…

Hun 5, 2019

Ang Kidlat ng Silanganan Clip ng Pelikulang | "Paano Mapagsisikapang Makapasok sa Kaharian sa Langit (2)"


 Cristianong Ebanghelyong Pelikula | "AngMovie Clips Aking Pinapangarap na Kaharian sa Langit" Clip 2 - Paano Mapagsisikapang Makapasok sa Kaharian sa Langit 2


Nadarama ng karamihan sa mga nananalig sa Panginoon na basta't sinusunod natin ang mga salita ng Panginoon, nagpapakumbaba tayo at nagtitiyaga, at sinusunod natin ang halimbawa ni Pablo sa pagsasakripisyo, paggugol at pagsisikap para sa Panginoon, mabibigyang-kasiyahan natin ang kalooban ng Diyos. At dadalhin tayo sa kaharian sa langit pagbalik ng Panginoon. Gayunman, napag-isip-isip na ba natin kung talagang makakamit ng paghahanap na ito ang papuri at pagtanggap ng Panginoon sa kaharian sa langit? Kung hindi, paano natin dapat pagsikapang matamo ang papuri ng Panginoon at madala sa kaharian sa langit?
Anong uri ng mga tao ang maaaring madala sa kaharian ng langit? Sinabi ng Panginoong Jesus, "Hindi ang bawa't nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit."(Mateo 7:21). Mula sa salita ng Panginoon, makikita natin na tanging yaong mga pagsunod sa kalooban ng Diyos ay makakapasok sa kaharian ng langit.

May 11, 2019

Tagalog Gospel Crosstalk | Isang Planong "Mangisda" | CCP's Persecution of Christians by Evil Means


Tagalog Gospel Crosstalk | Isang Planong "Mangisda" | CCP's Persecution of Christians by Evil Means

Si Zhou Zhiyong ay isang Kristiyanong inaresto ng pulisyang CCP dahil sa pangangaral ng ebanghelyo. Pagkaraan ng kalahating buwan ng malupit na pagpapahirap na walang ibinunga ang kanilang interogasyon, bigla siyang pinalaya ng gobyernong CCP. Lihim na natuwa si Zhou Zhiyong na makaalis sa masamang lugar na iyon. Pero nang naghahanda na siyang makipagkita sa kanyang mga kapatid, nagkasunud-sunod ang mga kakatwang pangyayari…. Sa huli isang araw ay muli siyang inaresto ng mga pulis at noon lang niya lubos na naunawaan ang katotohanan. Ginamit pala siyang pain ng CCP sa isang napakahabang pisi para hulihin ang malaking isda! Sa tatlong taong sentensya kay Zhou Zhiyong, mas naunawaan niya ang kasamaan ng CCP sa pagkalaban sa Diyos, at natutuhan niya na talagang kamuhian iyon. Nauhaw siya sa katotohanan at mas naghangad pa ng liwanag at nagpasiya: Gaano man kahirap ang daranasin ko, susundan ko ang Diyos hanggang wakas!
Rekomendasyon:Filipino Variety Show

Abr 24, 2019

Mga Salaysay ng Pag-Uusig sa Relihiyon sa China | "Isang Kabataang Puno ng Pagdurusa"

Mga Salaysay ng Pag-Uusig sa Relihiyon sa China | "Isang Kabataang Puno ng Pagdurusa"

Mula noong naluklok sa kapangyarihan sa kalakhang China noong 1949, ang Chinese Communist Party ay walang humpay sa pag-uusig sa relihiyosong pananampalataya. Inaresto at pinatay nito ang mga Kristiyano, pinalayas at inabuso ang mga misyonero na nagtatrabaho sa China, kinumpiska at sinira ang di mabilang na mga kopya ng Biblia, ipinasara at winasak ang mga gusali ng simbahan, at walang tigil sa pagtatangkang alisin ang lahat ng mga bahay-iglesia.

Abr 12, 2019

Isang Maikling Pambungad Tungkol sa mga Pangyayari sa Likod ng Pagpapakita at Gawain ni Cristo ng mga Huling Araw sa China


     Ang China ang lupain kung saan naninirahan ang malaking pulang dragon, at ang lugar na lumaban at sumumpa sa Diyos nang pinakamatindi sa buong kasaysayan. Ang China ay parang kuta ng mga demonyo at isang bilangguang kontrolado ng diyablo, hindi mapapasok at hindi matatablan. Bukod pa riyan, ang rehimen ng malaking pulang dragon ay nagbabantay sa lahat ng antas at nagtalaga ng mga tanggulan sa bawat sambahayan. Bunga nito, wala saanman ang mas mahirap ipalaganap ang ebanghelyo ng Diyos at isagawa ang gawain ng Diyos. Nang mamuno ang Chinese Communist Party noong 1949, ganap na nasugpo at ipinagbawal ang paniniwala sa relihiyon sa Mainland China. Milyun-milyong Kristiyano ang pinahiya at pinahirapan sa publiko, at ibinilanggo. Ang lahat ng iglesia ay ganap na ipinasara at pinaalis. Kahit ang mga pagpupulong sa bahay ay ipinagbawal.

Mar 16, 2019

Ang Kapanahunan ng Kautusan: Ang Layunin at Kabuluhan ng Gawain ng Diyos

Mga Klasikong Salita Mula sa Diyos:


    Ang kabuluhan, layunin, at mga yugto ng gawain ni Jehova sa Israel ay upang simulan ang Kanyang gawain sa buong lupa, na, mula sa Israel bilang sentro, ay unti-unting lumaganap sa mga bansang Gentil. Ito ang prinsipyong batayan ng Kanyang mga ginagawa sa buong sansinukob—ang magtatag ng modelo at pagkatapos ay palawakin ito hanggang sa ang lahat ng tao sa sansinukob ay tumanggap ng Kanyang ebanghelyo. Ang mga unang Israelita ay mga inapo ni Noe.

Mar 12, 2019

"Ang Sugo ng Ebanghelyo" Clip 2 - Si Cristo ang Diyos na Nagkatawang-tao (Tagalog)


"Ang Sugo ng Ebanghelyo" Clip 2 - Si Cristo ang Diyos na Nagkatawang-tao (Tagalog)

Sa nakalipas na dalawang libong taon, bagama’t alam ng mga mananampalataya sa Panginoon na ang Panginoong Jesus ay si Cristo, na Siya ang Diyos sa katawang-tao, walang nakaunawa sa mga hiwaga ng katotohanan kaugnay sa kung ano talaga ang pagkakatawang-tao ng Diyos at kung paano natin dapat kilalanin ang Diyos na nagkatawang-tao. Ito ang dahilan kung bakit, noong nagkatawang-tao ang Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw para dumating at gawin ang Kanyang gawain na paghatol, itinuring Siya ng ilang tao na para bang Siya’y karaniwang tao lang at tumangging tanggapin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw. Napakamalamang na mawawala ng mga tao ang pagliligtas ng Diyos ng mga huling araw sa ganitong paraan. Makikitang mahalaga ang pagkaunawa sa katotohanan ng pagkakatawang-tao para sa pagsalubong sa pagbabalik ng Panginoon.

Mar 11, 2019

Tagalog Gospel Movie "Ang Sugo ng Ebanghelyo" (Clips 1/3)


Tagalog Gospel Movie "Ang Sugo ng Ebanghelyo" (Clips 1/3) Anong Ibig Sabihin ng Panginoong Hesus Nang Sabihin Niyang “Tapos na” sa Krus?

Maraming tao sa relihiyosong mundo ang nag-iisip: “Ang pagsasabi ng Panginoong Jesus sa krus na 'Naganap na' ay nagpapatunay na tapos na ang gawain ng Diyos na pagliligtas sa sangkatauhan. Sa paniniwala lamang sa Panginoon, napatawad ang ating kasalanan, inaaring ganap sa pananampalataya, at iniligtas ng biyaya. Kapag darating ang Panginoon, dadalhin Niya tayo sa kaharian ng langit. Hindi na Siya posibleng gumawa ng iba pang gawain ng pagliligtas.” Naaayon ba ang pananaw na ito sa mga katunayan ng gawain ng Diyos?

Rekomendasyon:Ebanghelyo

Peb 22, 2019

Paglalantad sa Katotohanan ng Patakarang Pangrelihiyon ng CCP na Lihim na Nakasaad sa Konstitusyon Nito


    Ma Jinlong (Kapitan ng National Security Team): Han Lu, ito na ang pagkakataon mo para makapuntos. Basta't sasabihin mo sa amin kung sino-sino ang mga pinuno mo at kung saan nakatago ang pera ng iglesia, maghihinay-hinay kami sa iyo. Natural, kung magiging mahusay ka, hinid imposible na pakawalan ka namin.

Chen Jun (Deputy Captain ng National Security Team): Humph. Ayon sa mga naka-record sa notebook. nakasulat doon ang halaga ng pera ng simbahan. Nagpapatunay ito na isa ka'ng pinuno ng ng simbahan. Sino ang nakakataas? Ipaliwanag mo.

Peb 16, 2019

Sino Siya na Nagbalik" Clip 4 - Tanging ang Diyos ang Makagagawa ng Paghatol


"Sino Siya na Nagbalik" Clip 4 - Tanging ang Diyos ang Makagagawa ng Paghatol

Alam mo ba kung bakit personal na ginagawa ng Diyos ang Kanyang paghatol sa mga huling araw sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao, sa halip na gumamit ng tao para gawin ito? Ipapakita sa iyo ng maikling video na ito ang tamang landas.

Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.

Rekomendasyon:Mga aklat ng ebanghelyo|Tagalog Christian Movies


Peb 5, 2019

Filipino Variety Show | "Mga Kamera sa Buong Lungsod" (Tagalog Crosstalk 2018)

Filipino Variety Show | "Mga Kamera sa Buong Lungsod" (Tagalog Crosstalk 2018)

Sa ngalan ng kaligtasan ng publiko, nagkakabit ng mga kamera ang Chinese Communist Party sa buong paligid, na ang tunay na layunin ay gamitin ang mga high-tech na pamamaraan para batikusin ang pagtutol at pahirapan ang mga nananalig sa Diyos. Nahaharap ang mga Kristiyano sa matitinding hamon sa pagsisikap na maligtasan ang gayon katinding pagmamatyag. Ang crosstalk na Mga Kamera sa Buong Lungsod ay gumagamit ng nakakatawa at malinaw na pagtatanghal ng dalawang tao para ihayag ang masamang katotohanan kung paano ginagamit ng CCP ang mga kamera nito para kontrolin ang mga Kristiyano, gayundin ang maiitim na lihim na balak ng CCP sa pagpapahirap sarelihiyon relihiyon …
Rekomendasyon:Ebanghelyo|Patotoo ng Isang Kristiyano|Ano ang pananampalataya?

Dis 6, 2018

Tagalog Christian Movies | "Ang Sugo ng Ebanghelyo" | Bear the Cross and Preach the Gospel of Kingdom


Tagalog Christian Movies | "Ang Sugo ng Ebanghelyo" | Bear the Cross and Preach the Gospel of Kingdom


Maraming taon nang naniwala ang Kristiyanong si Chen Yixin sa Panginoon, at naging mapalad na sumalubong sa pagbabalik ng Panginoong Jesus sa mga huling araw—Makapangyarihang Diyos! Naintindihan niya ang agarang kalooban ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos pati na ang misyon at tungkulin na dapat gawin ng isang nilikhang nilalang, kaya sinimulan niyang ibahagi ang ebanghelyo at sumaksi sa gawain ng Diyos sa mga huling araw.

Nob 9, 2018

Bakit Inilalagay ng mga Kristiyano sa Panganib ang Kanilang Buhay para Ipangaral ang Ebanghelyo at Sumaksi sa Diyos?


Hou Xiangke (Hepe ng Public Security Bureau): Talagang imposible para sa inyo na maniwala sa Diyos at ipangaral ang ebanghelyo sa isang bansang pinamumunuan ng Partido Komunistang Tsino.Tinatapos ang sinumang nagpipilit na maniwala sa Diyos at magpalaganap ng ebanghelyo.Alam mo ba kung ilang Kristiyano ang nagdusa sa kalunus-lunos na kamatayan sa bilangguan?Alam mo ba kung ilang Kristiyano ang pinatay at sinira ang kanilang mga pamilya?Walang makakalaban sa kapangyarihan ng Partido Komunista!Kung ipipilit mo ang paniniwala sa Diyos at pagpapalaganap ng ebanghelyo,ang kapalaran mo ay pagkabilanggo at kamatayan!Nakikita mo ba nang malinaw ang kahinatnang ito?

Okt 5, 2018

Ano ang matatalinong dalaga? Ano ang mangmang na mga dalaga?

Tanong at Sagot ng Ebanghelyo, Ebanghelyo, matatalinong dalaga


Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Sa kasalukuyan, lahat niyaong sumusunod sa totoong mga salita ng Diyos ay nasa daloy ng Banal na Espiritu; yaong mga estranghero sa totoong mga salita ng Diyos ay nasa labas ng daloy ng Banal na Espiritu, at ang gayong mga tao ay hindi pupurihin ng Diyos. … "Ang pagsunod sa gawain ng Banal na Espiritu" ay nangangahulugan ng pagkaunawa sa kalooban ng Diyos sa kasalukuyan, ang magawang kumilos alinsunod sa kasalukuyang mga kinakailangan ng Diyos, ang magawang talimahin at sundin ang Diyos sa kasalukuyan, at pagpasok alinsunod sa pinakabagong mga pagbigkas ng Diyos.

Set 18, 2018

Ttagalog Dubbed Movies-Mga Palatandaan ng Pangalawang Pagbabalik ng Panginoong Jesus

Tagalog Christian Movie | Clip ng Pelikulang Awit ng Tagumpay - "Mga Palatandaan ng Pangalawang Pagbabalik ng Panginoong Jesus"


Nang dumating ang Panginoong Jesus upang gawin ang Kanyang gawain, ipinangaral Niya ang ebanghelyo ng makalangit na kaharian sa lahat ng dako sa isang malawakang antas, at ito ay umalingawngaw sa buong relihiyosong mundo at sa bansang Judio. Sa araw na bumalik ang Panginoong Jesus upang gawin ang Kanyang gawain, niyanig nito ang mga tao mula sa bawat sekta at grupo, at nagdulot ito ng pagkabalisa sa buong mundo. Napansin mo ba ang mga palatandaan ng ikalawang pagdating ng Panginoon? Tinatanggap mo ba ang Kanyang pagbabalik?

Ago 15, 2018

Kailangang maunawaan ng isang tao na ang mensaheng ipinalalaganap ng Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya ang tanging daan tungo sa pagsisisi

panalangin, Ebanghelyo, Jesus, krus, Langit


Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:
Mangagsisi kayo; sapagka’t malapit na ang kaharian ng langit” (Mateo 4:17).
Sapagka’t ito ang aking dugo ng tipan, na nabubuhos dahil sa marami, sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan” (Mateo 26:28).
At ipangaral sa kaniyang pangalan ang pagsisisi at pagpapatawad ng mga kasalanan sa lahat ng mga bansa, magbuhat sa Jerusalem” (Lucas 24:47).
Nauugnay na mga Salita ng Makapangyarihang Diyos:
Sa simula, ipinakalat ni Jesus ang ebanghelyo at ipinangaral ang paraan ng pagsisisi, pagkatapos ay natuloy ito sa bumautismo ng tao, pagpapagaling ng karamdaman, at magpalayas ng mga demonyo. Sa katapusan, tinubos Niya ang sangkatauhan mula sa kasalanan at kinumpleto ang Kanyang trabaho para sa buong panahon.
mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

"Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" | Sipi 14

Ang bawa’t yugto ng gawain ng Banal na Espiritu ay kasabay na nangangailangan ng patotoo ng tao. Ang bawa’t yugto ng gawain ay isang p...