Kidlat ng Silanganan

菜單

Abr 28, 2019

Malinaw na ipinropesiya ng Panginoon: “Narito ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo ko” (Pahayag 3:20). Malinaw na kapag nagbalik ang Panginoon, magsasalita Siya at sasambitin ang Kanyang mga salita, at lahat ng nakikinig sa tinig ng Diyos, at sumasalubong sa Panginoon ay madadala sa harap ng Diyos at dadalo sa piging kasama ang Panginoon bago ang sakuna.


Talata ng Biblia para Sanggunian:

Kayo rin naman ay mangagsihanda: sapagka’t sa oras na hindi ninyo iniisip, ang Anak ng tao ay darating” (Lucas 12:40).

Ako’y pumaparitong gaya ng magnanakaw” (Pahayag 16:15).

Narito ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo ko” (Pahayag 3:20).

Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia” (Pahayag 2-3).

Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig, at sila’y aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa akin” (Juan 10:27).

Mga Klasikong Salita Mula sa Diyos:

Ang “pagiging nadagit” ay hindi ang makuha mula sa isang mababang lugar tungo sa isang mataas na lugar gaya ng iniisip ng mga tao. Ito ay isang malaking pagkakamali. Ang pagiging nadagit ay tumutukoy sa Aking pagtatadhana bago pa man at pagpipili. Ito ay nakatutok sa lahat ng Aking naordinahan bago pa man at pinili. Yaong mga nagkamit ng estado ng pagiging mga panganay na anak, ang estado ng Aking mga anak, o Aking bayan, ay ang lahat ng mga tao na nadagit. Ito ay napaka-hindi-tugma sa mga paniwala ng mga tao. Sinuman na may bahagi sa Aking bahay sa hinaharap ay ang lahat ng tao na nadagit sa harap Ko. Ito ay tunay na tunay, hindi-nagbabago-kaylan-man, at hindi kayang pasubalian ng kahit sino. Ito ang Aking ganting-atake laban kay Satanas. Sino mang Aking naordinahan bago pa man ay madadagit sa harap Ko.

mula sa “Kabanata 104” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang tao ay naniniwala na, kasunod ng pagkakapako sa krus at pagkabuhay na mag-uli, si Jesus ay bumalik sa langit sa ibabaw ng isang puting ulap, at naupo sa Kanyang luklukan sa kanan ng Kataas-taasan. Kahalintulad din, iniisip ng tao na si Jesus ay bababa muli sakay sa isang puting ulap (ang ulap na ito ay tumutukoy sa ulap na sinakyan ni Jesus nang bumalik Siya sa langit), sa gitna niyaong mga desperadong nananabik sa Kanya sa loob ng libong mga taon, at na tataglayin Niya ang larawan at pananamit ng mga Judio. Matapos ang pagpapakita sa tao, magkakaloob Siya ng pagkain sa kanila, at magsasanhi ng pagbukal ng buháy na tubig para sa kanila, at mamumuhay kasama ng tao, puspos ng biyaya at pagmamahal, buháy at tunay. At iba pa. Datapwa’t hindi ito ginawa ni Jesus na Tagapagligtas; ginawa Niya ang kabaligtaran ng iniisip ng tao. Hindi Siya dumating sa gitna niyaong mga naghangad sa Kanyang pagbabalik, at hindi nagpakita sa lahat ng mga tao habang nakasakay sa puting ulap. Siya ay nakarating na, subali’t hindi Siya kilala ng tao, at nananatiling walang-alam tungkol sa Kanyang pagdating. Ang tao ay walang layon na naghihintay lamang sa Kanya, hindi-nakakamalay na nakababa na Siya sakay sa isang puting ulap (ang ulap na siyang Kanyang Espiritu, Kanyang mga salita, at Kanyang buong disposisyon at lahat ng kung ano Siya), at ngayon ay kasama ng isang grupo ng mga mananagumpay na Kanyang gagawin sa panahon ng mga huling araw.

mula sa “Ang Tagapagligtas ay Nakabalik na sa Ibabaw ng ‘Puting Ulap’”

“Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia.” Narinig na ba ninyo ngayon ang salita ng Banal na Espiritu? Ang mga salita ng Diyos ay napasainyo. Narinig ninyo ba sila? Ginagawa ng Diyos ang gawain ng salita sa mga huling araw, at ang mga nasabing salita ay sa Banal na Espiritu, dahil ang Diyos ang Banal na Espiritu at maaari ding magkatawang-tao; samakatwid, ang mga salita ng Banal na Espiritu, na binigkas sa nakalipas, ay mga salita ng nagkatawang-taong Diyos ngayon. Napakaraming taong kakatwa na naniniwala na ang mga salita ng Banal na Espiritu ay dapat bumaba mula sa kalangitan patungo sa mga tainga ng tao. Sinuman ang nag-iisip ng ganito ay hindi kilala ang gawain ng Diyos. Sa katotohanan, ang mga pagbigkas na binanggit ng Banal na Espiritu ay ang mga binigkas ng Diyos na nagkatawang-tao. Hindi maaaring direktang magsalita ang Banal na Espiritu sa tao, at si Jehova ay hindi direktang nagsalita sa mga tao, kahit na sa Kapanahunan ng Kautusan. Hindi ba mukhang malamang na hindi Niya gagawin ito sa kapanahunan ngayon? Para magwika ang Diyos ng mga pagbigkas upang ipatupad ang gawain, dapat Siyang magkatawang-tao, kung hindi ang Kanyang gawain ay hindi makapagkakamit ng Kanyang hangarin. Yaong mga nagkakaila na ang nagkatawang-tao ang Diyos ay ang mga hindi kilala ang Espiritu o ang mga panuntunan kung paano gumagawa ang Diyos. Yaong mga naniniwala na ngayon ang kapanahunan ng Banal na Espiritu ngunit hindi tinatanggap ang Kanyang bagong gawain ay ang mga namumuhay sa hindi malinaw na pananampalataya. Ang mga nasabing pamamaraan ng tao ay hindi kailanman makakatanggap ng gawain ng Banal na Espiritu. Ang mga nagnanais lamang para sa Banal na Espiritu na direktang magsalita at isagawa ang Kanyang gawain, ngunit hindi tinatanggap ang mga salita o gawain ng nagkatawang-taong Diyos, ay hindi kailanman makakatapak sa bagong kapanahunan o makakatanggap nang ganap na kaligtasan mula sa Diyos!

mula sa “Paano Makatatanggap ng mga Pahayag ng Diyos ang Taong Ipinakahulugan ang Diyos sa Kanyang Pagkaintindi?”

Ang Diyos ay walang imik, at hindi kailanman nagpakita sa atin, ngunit ang Kanyang gawain ay hindi huminto. Binabantayan Niya ang lahat ng lupain, at inuutusan ang lahat ng bagay, at pinagmamasdan ang lahat ng mga salita at gawa ng tao. Ang Kanyang pamamahala ay isinasagawa sa bawat hakbang at alinsunod sa Kanyang plano. Ito ay tahimik na nagpapatuloy, hindi masigabo, ngunit ang Kanyang mga yapak ay sumusulong nang palapit sa sangkatauhan, at ang Kanyang upuan sa paghatol ay lumawak hanggang pandaigdigan na kasing-bilis ng kidlat, kasunod nito ang pagpanaog ng Kanyang trono sa ating kalagitnaan. Isang makahari na tanawin yaon, isang marangal at taimtim na larawan. Katulad ng isang kalapati, at katulad ng umaatungal na leon, ang Espiritu at dumating sa ating kalagitnaan. Siya ay matalino, Siya ay matuwid at makahari, Siya ay tahimik na dumarating sa ating kalagitnaan na may angking awtoridad at puno ng pagmamahal at awa. …

…………

Ngunit ang karaniwang taong ito na nakatago sa mga tao ang siyang gumagawa ng bagong tungkulin ng pagliligtas sa atin. Hindi Niya nililinaw ang anumang bagay para sa atin, hindi rin Niya sinasabi kung bakit Siya dumating. Ginagawa Niya lamang ang mga gawain na kailangan Niyang gawin sa mga hakbang na alinsunod sa Kanyang plano. Ang Kanyang mga salita at mga pagbigkas ay naging mas madalas. Mula sa pag-aliw, pagpapayo, pagpapaalala, at mga babala, hanggang sa pagpapagalit at pagdidisiplina; mula sa tinig na banayad at maawain, hanggang sa mga salitang malupit at makahari—ang mga iyon ay parehong nagtatanim ng awa at pangamba sa tao. Lahat ng Kanyang sinasabi ay palaging tumatama sa mga lihim na nakatago sa ating kaibuturan. Ang Kanyang mga salita ay kumakagat sa ating mga puso, kumakagat sa ating mga kaluluwa, at iniiwan tayong napahiya at naaba. …

Walang tayong kaalam-alam, ang hamak na taong ito ay pinangunahan tayo sa hakbang-hakbang na pagpunta sa gawain ng Diyos. Nagdadaan tayo sa hindi mabilang na mga pagsubok, sumailalim sa napakaraming pagpaparusa, at sinubok ng kamatayan. Natutunan natin ang matuwid at makahari na disposisyon ng Diyos, matamasa, din, ang Kanyang pag-ibig at awa, pahalagahan ang dakilang kapangyarihan at talino ng Diyos, masaksihan ang kagandahan ng Diyos, at mapagmasdan ang Kanyang sabik na pagnanais na iligtas ang tao. Sa mga salita ng karaniwang taong ito, nalalaman natin ang katangian at diwa ng Diyos, at ating naiintindihan ang disposisyon ng Diyos, nalalaman ang kalikasan at diwa ng tao, at makita ang paraan ng kaligtasan at pagka-perpekto.

mula sa “Minamasdan ang Pagpapakita ng Diyos sa Kanyang Paghatol at Pagkastigo”

Ang bawat salita ng Diyos ay tumatama sa ating mortal na bahagi, at nililisan tayong malungkot at takot. Ibinubunyag Niya ang ating mga paniniwala, ibinubunyag ang ating mga guni-guni, at ibinubunyag ang ating tiwaling disposisyon. Sa pamamagitan ng lahat ng ating sinasabi at ginagawa, at lahat ng ating mga saloobin at mga kaisipan, ang ating kalikasan at diwa at naibubunyag sa pamamagitan ng Kanyang mga salita, iniiwan tayong napahiya at nanginginig sa takot. Sinasabi Niya ang lahat ng ating mga ginagawa, ang ating mga layunin at mga balak, maging ang ating tiwaling disposisyon na hindi pa natin natutuklasan, at nararamdaman natin na tila lubusan tayong nailantad, at higit nating nararamdaman na talagang nahikayat tayo. Tayo ay Kanyang hinahatulan sa ating pagsalungat sa Kanya, tayo ay Kanyang pinarurusahan dahil sa ating kalapastanganan at paghusga sa Kanya, at ipinararamdam Niya na sa Kanyang mga mata tayo ay walang kabuluhan, at tayo ang nabubuhay na Satanas. Ang ating mga pag-asa ay nawasak, hindi na tayo naglalakas-loob na gumawa ng anumang hindi makatuwirang pangangailangan at pagtatangka sa Kanya, at maging ang ating mga pangarap ay naglaho sa magdamag. Ito ang katotohanan na hindi natin inakala at wala sa atin ang makatatanggap. Sa isang sandali, ang mga isip natin ay tumabingi at hindi natin alam kung papaano magpapatuloy sa daan na hinaharap, hindi alam kung papaano magpapatuloy sa ating paniniwala. Tila ang ating pananampalataya ay bumalik sa umpisa, at tila hindi pa natin nakikilala ang Panginoong Jesus. Naguluhan tayo dahil sa lahat ng nakikita natin, at ating naramdaman na parang tayo ay naitangay ng alon. Nasira ang ating loob, tayo ay nabigo, at sa ating mga puso ay mayroong matigas na galit at kahihiyan. Sinubukan nating magbulalas, sinubukang maghanap ng daan palabas, at, higit sa lahat, tinangka natin na ipagpatuloy ang paghihintay sa ating Jesus na Tagapagligtas, at ibuhos ang ating mga damdamin sa Kanya. Bagaman may mga pagkakataong hindi man tayo mapagmayabang o mapagpakumbaba sa labas, sa ating mga puso tayo ay tinablan ng pakiramdam ng pagkawala na hindi tulad ng dati. Bagaman minsan maaaring tila tayo ay tiwasay sa panlabas, sa loob tinitiis natin ang mga lumiligid na dagat ng pagdurusa. Ang Kanyang paghatol at pagkastigo ay binaklas ang lahat ng ating mga pag-asa at mga pangarap, iniwan tayong walang mga napakaluhong pagnanais, at ayaw loobing paniwalaan na Siya ang ating Tagapagligtas at may kakayanang tayo ay iligtas. Ang Kanyang paghatol at pagkastigo ay nagbukas ng malalim na agwat sa pagitan natin at Niya at walang sinuman ang nais tumawid. Ang Kanyang paghatol at pagkastigo ang unang pagkakataon na tayo ay nakaranas nang ganoon kalaking sagabal at ganoon kalaking kahihiyan. Ang Kanyang paghatol at pagkastigo ay pinayagan tayo na lubusang pahalagahan ang karangalan ng Diyos at kawalang-pagpaparaya nito sa pagkakasala ng tao, paghahalintulad na kung saan tayo ay mababa at marumi. Ang Kanyang paghatol at pagkastigo ay nagpatalos sa atin sa unang pagkakataon kung gaano tayo kayabang at kahambog, at kung papaanong kahit kailan ay hindi magiging kapantay ang tao sa Diyos, o nasa kaparis ng Diyos. Dahil sa Kanyang paghatol at pagkastigo tayo ay naghangad na hindi na muling mamuhay sa tiwaling disposisyon, at nagawang magnasa na tanggalin ang ganoong kalikasan at diwa sa lalong madaling panahon, at hindi na maging kinamumuhian Niya at nakapandidiri sa Kaniya. Ang Kanyang paghatol at pagkastigo ay ginawa tayong masayang sumusunod sa Kanyang salita, at hindi na kailanman susuway laban sa Kanyang pamamatnugot at pagsasaayos. Ang Kanyang paghatol at pagkastigo ay minsan pang tayo binigyan ng pagnanais na hanapin ang buhay, at ginawa tayong masaya na tanggapin Siya bilang ating Tagapagligtas.… Iniwan natin ang gawain ng panlulupig, lumabas mula sa impiyerno, lumabas mula sa lambak ng kamatayan.… Nakamit tayo, itong pangkat ng mga tao, ng Makapangyarihang Diyos! Siya ay nagtagumpay laban kay Satanas, at tinalo ang lahat ng Kanyang mga kaaway!

mula sa “Minamasdan ang Pagpapakita ng Diyos sa Kanyang Paghatol at Pagkastigo”

Kapag naranasan mo ang bawa’t hakbang ng gawain ng Diyos na nagkatawang-tao sa Kapanahunan ng Kaharian, mararamdaman mo na ang mga pag-asa ng maraming mga taon ay sa wakas naisakatuparan na. Mararamdaman mo na ngayon mo lamang tunay na nakita ang Diyos nang harap-harapan; ngayon mo lamang natitigan ang mukha ng Diyos, narinig ang personal na pagbigkas ng Diyos, pinahalagahan ang karunungan ng gawain ng Diyos at tunay na nadama kung gaano katotoo at kamakapangyarihan ang Diyos. Madarama mo na nakamtan mo ang maraming mga bagay na hindi nakita ni naangkin ng mga tao nang nakaraang mga panahon. Sa panahong ito, malinaw mong makikita kung ano ang maniwala sa Diyos, at kung ano ang sumunod sa puso ng Diyos. Mangyari pa, kung kakapitan mo ang mga pananaw ng nakaraan, at hindi tatanggapin o tatanggihan ang katunayan ng ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, sa gayon ikaw ay mananatiling walang dala at walang nakamtan, at sa kahuli-hulihan ay magkakasala ng pagsalungat sa Diyos. Yaong mga sumusunod sa katotohanan at nagpapasailalim sa gawain ng Diyos ay darating sa ilalim ng pangalan ng ikalawang nagkatawang-taong Diyos—ang Makapangyarihan-sa-lahat. Makakatanggap sila ng personal na paggabay ng Diyos, at makakamit ang mas higit at mas mataas na katotohanan at matatanggap ang tunay na pantaong buhay.

mula sa “Tanging Yaong Nakararanas ng Gawain ng Diyos ang Tunay na Naniniwala sa Diyos”


Ang parabula ng sampung dalaga na sinabi ng Panginoong Jesus ay isang paalaala sa atin sa mga huling araw. Inaasahan ng Diyos na maaari tayong maging matalinong mga birhen upang matanggap ang pagbabalik ng Panginoon.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

"Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" | Sipi 14

Ang bawa’t yugto ng gawain ng Banal na Espiritu ay kasabay na nangangailangan ng patotoo ng tao. Ang bawa’t yugto ng gawain ay isang p...