Kidlat ng Silanganan

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Jehovah. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Jehovah. Ipakita ang lahat ng mga post

Set 30, 2018

Salita ng Diyos-Ang Gawain sa Kapanahunan ng Kautusan


Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Ang Gawain sa Kapanahunan ng Kautusan"


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Noong Kapanahunan ng Kautusan, naglatag si Jehova ng maraming mga utos kay Moises upang ipasa sa mga Israelitang sumunod sa kanya palabas ng Egipto...Itinatag ni Jehova ang Kanyang mga utos at batas upang, habang pinangungunahan Niya sila sa kanilang buhay, ang mga tao ay makikinig at tatalima sa Kanyang salita at hindi magrerebelde laban sa Kanya. Ginamit Niya ang mga batas na ito upang ang bagong-silang na lahi ng tao ay makokontrol, mas mainam upang mailatag ang pundasyon para sa Kanyang gawain sa hinaharap. At kaya, batay sa gawain na ginawa ni Jehova, ang unang kapanahunan ay tinawag na Kapanahunan ng Kautusan."



Ago 7, 2018

Ang pangalan ng Diyos ay maaaring magbago, pero ang Kanyang tunay na diwa ay hindi magbabago kailanman

Diyos, Jehovah, krus, Panginoong, Jesus

Nauugnay na mga Salita ng Makapangyarihang Diyos:
Mayroong mga nagsasabi na ang Diyos ay di-mababago. Tama iyon, ngunit ito ay tumutukoy sa di-nababagong sangkap at disposisyon ng Diyos. Ang mga pagbabago sa Kanyang pangalan at gawain ay hindi nagpapatunay na ang Kanyang sangkap ay nagbago; sa madaling sabi, ang Diyos ay mananatiling Diyos, at hindi ito kailanman magbabago. Kung sinasabi mo na hindi nagbabago ang gawain ng Diyos, matatapos ba Niya ang Kanyang anim na libong taong plano sa pamamahala? Ang alam mo lamang ay hindi magpakailanman nagbabago ang Diyos, ngunit alam mo ba na ang Diyos ay palaging bago at hindi kailanman luma? Kung hindi kailanman nagbago ang gawain ng Diyos, gayon madadala ba Niya ang sangkatauhan sa kasalukuyan? Kung hindi nagbabago ang Diyos, bakit Niya naisagawa ang gawain sa dalawang kapanahunan? Ang Kanyang gawain ay palaging umuunlad pasulong, ang Kanyang disposisyon ay unti-unting naibubunyag sa tao, at ang naibubunyag ay ang Kanyang likas na disposisyon. Sa simula, ang disposisyon ng Diyos ay nakatago mula sa mga tao, hindi Niya kailanman tuwirang ibinunyag ang Kanyang disposisyon sa tao, at walang kaalaman ang tao tungkol sa Kanya, kaya ginamit Niya ang Kanyang gawain upang unti-unting ibunyag ang Kanyang disposisyon sa tao, ngunit hindi ito nangangahulugan na ang Kanyang disposisyon ay nagbabago sa bawat kapanahunan. Hindi ito tungkol sa ang disposisyon ng Diyos ay patuloy sa pagbabago dahil ang Kanyang kalooban ay palaging nagbabago. Sa halip, dahil ang mga kapanahunan ng Kanyang gawain ay magkaiba, ang Kanyang likas na disposisyon sa kabuuan nito ay unti-unting naibunyag sa tao, nang sa gayon ay makilala Siya ng mga tao. Ngunit hindi ito patunay na sa simula ay walang tiyak na disposisyon ang Diyos at ang disposisyon Niya ay unti-unting nagbago sa paglipas ng mga kapanahunan-ang ganoong pagkaunawa ay mali. Ibinubunyag ng Diyos sa tao ang Kanyang likas, particular na disposisyon, kung ano Siya, ayon sa paglipas ng mga kapanahunan. Ang gawain sa nag-iisang kapanahunan ay hindi makapagpapaliwanag sa buong disposisyon ng Diyos. At kaya, ang mga salitang "Ang Diyos ay palaging bago at kailanman ay hindi luma" ay tumutukoy sa Kanyang gawain, at ang mga salitang "Ang Diyos ay hindi magbabago" ay tungkol sa likas na kung ano ang mayroon at kung ano ang Diyos. Gayunpaman, hindi mo maaaring maipaliwanag ang anim na libong taong gawain sa isang punto, o mailarawan ito sa pamamagitan ng mga di-nagbabagong mga salita lamang. Gayon ay ang kahangalan ng tao. Ang Diyos ay hindi payak katulad ng ipinapalagay ng mga tao, at ang Kanyang gawain ay hindi magtatapos sa isang kapanahunan lamang. Si Jehovah, halimbawa, ay hindi laging kakatawan sa pangalan ng Diyos; isinasagawa rin ng Diyos ang Kanyang gawain sa ilalim ng pangalan na Jesus, na isang simbolo ng kung paanong patuloy ang pag-unlad nang pasulong ng gawain ng Diyos.
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ago 2, 2018

Bakit tinatawag ang Diyos sa iba’t ibang pangalan sa iba’t ibang kapanahunan? Ano ang mga kahalagahan ng mga pangalan ng Diyos?

Jesus, Jehovah, biyaya, Diyos, karunungan

Nauugnay na mga Salita ng Makapangyarihang Diyos:
Nararapat mong malaman na ang Diyos sa simula ay walang pangalan. Gumamit lang Siya ng isa o dalawa, o maraming pangalan dahil mayroon Siyang gawaing kailangang isagawa at pamahalaan ang sangkatauhan. Kahit anuman ang tawag sa Kanya, hindi ba't ito ay Kanyang pinili nang malaya? Kailangan ka ba Niya, isang nilalang, upang pagpasyahan ito? Ang pangalan kung saan tinatawag ang Diyos ay ayon sa kung ano ang nauunawaan ng tao at ang wika ng tao, ngunit ang pangalang ito ay di kayang lagumin ng tao.
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Hul 19, 2018

Bakit Tinatawag ang Diyos sa Iba’t-ibang Pangalan sa Iba’t-ibang Kapanahunan?

kaligtasan, Jesus, Jehovah, Espiritu, Langit


Nauugnay na mga Salita ng Makapangyarihang Diyos:

Sa bawat kapanahunan, gumagawa ang Diyos ng bagong gawain at tinatawag ng bagong pangalan; paano Siya makakagawa ng parehong gawain sa iba’t ibang kapanahunan? Paano Siya makakakapit sa luma? Ang pangalan ni Jesus ay kinuha para sa kapakanan ng gawain ng pagtubos, kaya tatawagin pa rin ba Siya sa parehong pangalan kapag bumalik Siya sa mga huling araw? Gagawin pa rin ba Niya ang gawain ng pagtubos? Bakit si Jehova at si Jesus ay iisa, gayunman tinatawag Sila sa magkaibang mga pangalan sa magkaibang mga kapanahunan? Hindi ba sa dahilang ang mga kapanahunan ng Kanilang gawain ay magkaiba? Maaari bang kumatawan ang iisang pangalan sa Diyos sa Kanyang kabuuan? Kung kaya nga, dapat tawagin ang Diyos sa ibang pangalan sa ibang kapanahunan, at dapat gamitin ang pangalan para baguhin ang kapanahunan at katawanin ang kapanahunan. Dahil walang isang pangalan ang maaaring ganap na kumatawan sa Diyos Mismo, at bawat pangalan ay maaari lamang kumatawan sa makalupang aspeto ng disposisyon ng Diyos sa ibinigay na kapanahunan; ang tanging kailangang gawin nito ay kumatawan sa Kanyang gawain. Kung gayon, maaaring pumili ang Diyos ng kahit anong pangalan na bumabagay sa Kanyang disposisyon upang kumatawan sa buong kapanahunan.
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Hun 21, 2018

Isang Seleksyon Mula sa Apat na Pangkat ng Salita ng Diyos Ukol sa “Ang Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa”

Diyos, Ebanghelyo, Jehovah, Katapatan, Panginoon


1. Ang sangkatauhan, lubusang ginawang masama ni Satanas, ay hindi alam na mayroong Diyos at huminto na sa pag-samba sa Diyos. Sa panimula, nang si Adan at Eba ay nilikha, ang kaluwalhatian ni Jehova at ang patotoo ni Jehova ay laging nariyan. Ngunit matapos ginawang masama, ang tao ay nawalan ng kaluwalhatian at patotoo sapagkat ang lahat ay naghimagsik laban sa Diyos at tuluyang huminto sa paggalang sa Kanya. Ang gawaing panlulupig ngayon ay upang mabawi ang lahat ng patotoo at kaluwalhatian, at ang lahat ng tao ay pasambahin sa Diyos, upang mayroong patotoo sa mga nilikha. Ito ang dapat na matapos sa hakbang na ito ng gawain. Paano ba talaga malulupig ang sangkatauhan? Ito ay magagawa sa paggamit nitong gawa ng mga salita upang lubos na mahikayat ang tao; sa paggamit ng pagsisiwalat, paghatol, pagkastigo, at walang-awang sumpa upang siya ay lubos na masupil; at sa pagsisiwalat ng pagka-mapaghimagsik ng tao at paghatol sa kanyang paglaban upang malaman niya ang di-pagkamatuwid at karumihan ng sangkatauhan, na gagamitin upang itampok ang matuwid na disposisyon ng Diyos. Higit sa lahat, itong mga paggamit ng mga salitang ito ang lumulupig sa tao at lubos na humihikayat sa kanya. Ang mga salita ay ang paraan sa kahuli-hulihang panlulupig sa sangkatauhan, at silang lahat na tumatanggap ng pag-lupig ay dapat tanggapin ang pananakit at paghatol ng mga salita. Ang kasalukuyang proseso ng pagsasalita ay ang proseso ng panlulupig. Paano ba talaga dapat makipagtulungan ang mga tao? Sa pamamagitan ng mabisang pagkain at pag inom ng mga salitang ito at pag-unawa sa mga ito. Hindi maaaring malupig ang mga tao ng kanilang mga sarili. Dapat, mula sa pagkain at pag-inom ng mga salitang ito, ay makilala nila ang kanilang kasamaan at karumihan, ang ka-nilang pagka-mapaghimagsik at di-pagkamatuwid, at magpatirapa sa harap ng Diyos. Kung kaya mong unawain ang kalooban ng Diyos at pagkatapos ay isagawa ito at, bukod diyan, magkaroon ng pangitain, at kung kaya mong lubos na sundin ang mga salitang ito at hindi tutuparin ang kahit na alin sa iyong mga sariling pagpili, saka ka nalulupig. At itong mga sali-tang ito ang nakalupig sa iyo. Bakit nawala ng sangkatauhan ang patotoo? Dahil walang sinuman ang may pananampalataya sa Diyos o tangan sa paanuman ang Diyos sa kanyang puso. Ang panlulupig sa sangkatauhan ay nangangahulugan ng panunumbalik ng tao sa pananampalatayang ito. Ang mga tao ay laging nakahilig sa kamunduhan, nagkikimkim ng napakaraming inaasahan, nagnanasa nang sobra-sobra para sa kanilang kinabukasan, at may napakaraming maluhong pangangailangan. Lagi nilang iniisip ang patungkol sa at pagplano para sa kanilang laman at hindi kailanman interesado sa paghahanap ng daan sa paniniwala sa Diyos. Ang kanilang mga puso ay nabihag na ni Satanas, nawala na nila ang kanilang paggalang sa Diyos, at itinatalaga nila ang kanilang puso kay Satanas. Ngunit ang tao ay nilikha ng Diyos. Gayon, nawala ng tao ang kanyang patotoo, ibig sabihin ay nawala na niya ang kaluwalhatian ng Diyos. Ang layunin ng panlulupig sa tao ay upang mabawi ang kaluwalhatian ng paggalang ng tao sa Diyos.

Hun 16, 2018

Kidlat ng Silanganan | Kanta ng Papuri | Magbigay-pansin sa Kapalaran ng Sangkatauhan



I Hinihimok ng Diyos ang mga tao ng lahat ng mga etniko, lahat ng mga bansa at maging mga industriya: Makinig sa tinig ng Diyos at tingnan ang Kanyang gawain; bigyang pansin ang kapalaran ng sangkatauhan; gawing pinakabanal at marangal ang Diyos, ang pinakamataas at tanging bagay para sa pagsamba; pahintulutan ang buong sangkatauhan na mabuhay sa ilalim ng pagpapala ng Diyos, tulad ng mga inapo ni Abraham ay namuhay sa ilalim ng pangako ni Jehova, tulad ng nilikha ng Diyos na sina Adan at Eva ay nanirahan sa Hardin ng Eden.

Hun 13, 2018

Kidlat ng Silanganan | Pag-bigkas ng Diyos | Ano ang Alam Mo sa Pananampalataya?

Espiritu, Jehovah, Jesus, Ebanghelyo, Langit

Umiiral lamang sa tao ang hindi tiyak na salita ng pananampalataya, subalit hindi alam ng tao kung ano ang bumubuo sa pananampalataya, at lalo na kung bakit siya may pananampalataya. Masyadong maliit ang pang-unawa ng tao at ang tao mismo ay masyadong kulang; Siya ay may pananampalataya lamang sa Akin nang wala sa isip at walang pagkaalam. Bagaman hindi niya nalalaman kung ano ang pananampalataya o kung bakit siya may pananampalataya sa Akin, patuloy at mapilit niyang ginagawa. Ang hinihiling ko sa tao ay hindi lamang para tawagan niya Ako nang masidhi sa ganitong paraan o maniwala sa Akin sa isang paraang magulo. Sapagkat ang Aking gawain ay para sa tao upang makita niya Ako at makilala Ako, hindi para mamangha at tingnan Ako ng tao sa isang bagong liwanag dahil sa Aking gawain. Dati akong nagpamalas ng maraming tanda at himala at nagsagawa ng maraming milagro. Ang mga Israelita noong panahong iyon ay nagpakita sa Akin ng lubos na paghanga at lubhang sinamba ang Aking pambihirang kakayahang magpagaling ng maysakit at magpalayas ng mga demonyo. Noong panahong iyon, inakala ng mga Hudyo na ang Aking kapangyarihan sa pagpapagaling ay dalubhasa at hindi pangkaraniwan. Dahil sa Aking maraming naturang gawain, tinanaw nila Ako nang may respeto; nakaramdam sila ng malaking paghanga sa lahat ng Aking kapangyarihan. Kaya sinumang nakakita sa Aking gumawa ng mga milagro ay sinundan ako nang mabuti, kung saan napalibutan ako ng libu-libo upang panoorin akong magpagaling ng maysakit. Nagpamalas ako ng maraming tanda at himala, ngunit tinanaw lamang Ako ng tao bilang isang dalubhasang manggagamot; nagsalita rin Ako ng maraming salita ng pagtuturo sa mga tao noong panahong iyon, ngunit tinanaw lamang nila Ako bilang isang mataas na guro sa kanyang mga disipulo! Maging sa araw na ito, matapos matunghayan ng mga tao ang pangkasaysayang tala ng Aking gawain, nagpapatuloy ang kanilang interpretasyon sa Akin bilang isang magaling na doktor na nagpapagaling ng maysakit at isang guro sa mga mangmang. At tinukoy nila Ako bilang ang mahabaging Panginoong Jesucristo. Ang mga nagbibigay kahulugan sa banal na kasulatan ay maaaring nalampasan ang Aking kakayahan sa pagpapagaling, o maaaring mga disipulo na dinaig pa ang kanilang mga guro, ngunit ang mga ganoong tao na may dakilang katanyagan, na ang mga pangalan ay kilala sa buong mundo, ay tinatanaw Ako nang mababa bilang isang hamak na manggagamot! Mas higit pa sa bilang ng mga butil ng buhangin sa tabing-dagat ang Aking mga gawa, at mas lalong dakila pa kaysa sa lahat ng mga anak ni Solomon ang Aking karunungan, ngunit ang mga tao ay basta na lamang Akong pinapalagay bilang isang manggagamot na maliit ang kabuluhan at isang hindi kilalang guro ng tao! Gaano karami ang naniniwala sa Akin upang pagalingin lamang sila? Gaano karami ang naniniwala sa Akin para gamitin lamang ang Aking kapangyarihan sa pagtaboy ng mga masasamang espiritu mula sa kanilang katawan? At gaano karami ang naniniwala sa Akin upang makatanggap lamang ng kapayapaan at kaligayahan mula sa Akin? Gaano karami ang naniniwala sa Akin upang hingian lamang Ako ng higit pang materyal na kayamanan, at gaano karami ang naniniwala sa Akin upang gugulin ang buhay na ito sa kaligtasan at upang maging ligtas at maayos sa mundong darating? Gaano karami ang naniniwala sa Akin para maiwasan lamang ang paghihirap ng impiyerno at tumanggap ng mga pagpapala ng langit? Gaano karami ang naniniwala sa Akin para lamang sa pansamantalang ginhawa ngunit hindi naghahangad na may makamit man lang sa mundong darating? Nang Ako ay naghatid ng Aking matinding galit sa tao at kinuha ang lahat ng kaligayahan at kapayapaan na dati niyang taglay, nagsimulang magduda ang tao. Nang ibinigay Ko sa tao ang paghihirap ng impiyerno at tinubos ang mga pagpapala ng langit, naging galit ang kahihiyan ng tao. Nang tinanong Ako ng tao upang pagalingin siya, ngunit hindi ko siya kinilala at nakadama ng poot para sa kanya, ang tao ay lumayo mula sa Akin at hinahangad ang paraan ng mga doktor sa pangungulam at mangbabarang. Nang inalis Ko ang lahat ng hiningi ng tao sa Akin, nangagsiwalaan ang lahat nang walang bakas. Samakatuwid, sinasabi Ko na ang tao ay may pananampalataya sa Akin sapagkat Ako’y nagbibigay ng masyadong maraming biyaya, at masyadong maraming pakinabang. Ang mga Hudyo ay naniwala sa Akin dahil sa Aking biyaya, at sumunod sa Akin saan man ako nagtungo. Ang mga ignoranteng tao na ito na may limitadong kaalaman at karanasan ay hinanap lamang ang mga tanda at himala na ipinamalas ko. Tinanaw nila Ako bilang pinuno ng tahanan ng mga Hudyo na kayang gumawa ng mga pinakamagagandang milagro. Samakatuwid, kapag pinalayas Ko ang mga demonyo mula sa mga tao, nag-uusap usap sila na may malaking kalituhan, sinasabing ako si Elijah, ako si Moses, na ako ang pinaka sinauna sa lahat ng mga propeta, na ako ang pinakamagaling sa lahat ng mga manggagamot. Bukod sa Aking sarili na nagsasabing Ako ang buhay, ang daan at ang katotohanan, walang sinuman ang makaaalam ng Aking pagkatao o ng Aking pagkakakilanlan. Bukod sa Aking sarili na nagsasabing ang langit ang lugar kung saan naninirahan ang Aking Ama, walang nakaalam na Ako ang Anak ng Diyos, at Diyos Mismo. Bukod sa Aking sarili na nagsasabing dadalhin ko sa kaligtasan ang lahat ng sangkatauhan at tutubusin ang sangkatauhan, walang nakaalam na Ako ang Tagapagligtas ng sangkatauhan; kilala lang Ako ng tao bilang isang mabait at maawaing tao. At bukod sa Aking sarili na nagagawang ipaliwanag ang lahat ng tungkol sa Akin, walang nakakilala sa Akin, at walang naniwala na Ako ang Anak ng buhay na Diyos. Ang tao lang ang may ganitong paraan ng pananampalataya sa Akin, at nililinlang Ako sa ganitong paraan. Paanong magagawa ng tao na maging saksi sa Akin kapag taglay niya ang ganitong pananaw tungkol sa Akin?

Hun 9, 2018

Kidlat ng Silanganan | Salita ng Diyos | Ano ang Kahulugan ng Maging Isang Tunay na Tao


Jehovah, Langit, Jesus, krus, buhay

    Ang pamamahala sa tao ang Aking gawain, at ang siya ay malupig Ko ay isang bagay na tunay na naitakda noong likhain Ko ang mundo. Maaring hindi alam ng mga tao na ganap Ko silang lulupigin sa mga huling araw at maaari ding walang kamalay-malay na ang katibayan ng Aking pagtalo kay Satanas ay ang paglupig sa mga mapaghimagsik sa gitna ng sangkatauhan. Ngunit, nang ang Aking kaaway ay nakipaglaban sa Akin, napagsabihan Ko na ito na Ako ang magiging tagalupig nilang nabihag na ni Satanas at ginawang mga anak nito at mga tapat nitong tagapaglingkod na nagbabantay ng bahay nito. Ang orihinal na kahulugan ng lupigin ay talunin, upang isailalim sa kahihiyan. Kasama sa wika ng mga Israelita, ito ay upang ganap na talunin, sirain, at alisan ng kakayahan sa higit pang paglaban sa Akin. Nguni’t ngayon, gaya ng paggamit sa gitna ninyong mga tao, ang kahulugan nito ay lupigin. Dapat ninyong malaman na ang Aking hangarin ay ganap na patayin at pasukuin ang masama sa sangkatauhan, upang hindi na ito makapaghimagsik laban sa Akin, lalong hindi magkaroon ng pagkakataon upang guluhin o gambalain ang Aking gawain. Sa gayon, sa kaalaman ng tao, nagkaroon ito ng kahulugan na paglupig. Anuman ang mga ipinahihiwatig ng salita, ang Aking gawain ay talunin ang sangkatauhan. Sapagka’t, magkagayunman na ang sangkatauhan ay kasama sa Aking pamamahala, sa higit na eksaktong pananalita, ang sangkatauhan ay walang iba kundi Aking kaaway. Ang sangkatauhan ay ang masama na sumasalungat at sumusuway sa Akin. Ang sangkatauhan ay walang iba kundi ang anak ng masama na Aking isinumpa. Ang sangkatauhan ay walang iba kundi ang inapo ng arkanghel na nagkanulo sa Akin. Ang sangkatauhan ay walang iba kundi ang pamana ng diyablo na, tinanggihan Ko nang matagal na, ay naging Aking hindi muling-makakasundong kaaway mula noon. Sa ibabaw ng sangkatauhan, ang papawirin ay bumababa, madilim at malungkot, walang anumang banaag ng kalinawan, at ang mundo ng tao ay nalubog sa lubhang kadiliman, upang ang isa na nabubuhay dito ay hindi man lamang makita ang kanyang nakaunat na kamay sa harap ng kanyang mukha o ang araw kapag siya ay tumitingala. Ang daan sa ilalim ng kanyang mga paa, maputik at puno ng lubak, ay paliku-liko; ang buong lupain ay nakakalatan ng mga bangkay. Ang madidilim na mga sulok ay puno ng mga labi ng patay, at sa malamig at madidilim na mga sulok ay naninirahan ang mga pulutong ng mga demonyo. At saanman sa mundo ng mga tao ang mga demonyo ay umaalis at dumarating nang sama-sama. Ang mga anak ng lahat ng klase ng mga ganid, puno ng putik, ay subsob sa matinding paglalaban-laban, na ang ingay ay nakasisindak sa puso. Sa gayong mga pagkakataon, sa gayong mundo, gayong “makalupang paraiso,” Saan tutungo ang isa upang maghanap ng kagalakan ng buhay? Saan pupunta ang isa upang masumpungan ang hantungan ng kanyang buhay? Ang sangkatauhan, niyurakan sa ilalim ng mga paa ni Satanas matagal nang nakalipas, mula pa sa simula ay naging artistang tinataglay ang larawan ni Satanas–lalong-lalo na, ang pagsasakatawan ni Satanas, nagsisilbing katibayan na sumasaksi kay Satanas, malinaw na malinaw. Paanong ang ganyang lahi ng tao, ang gayong pangkat na masama't kasuklam-suklam, at ang ganyang supling ng masamang pamilyang ito ng tao ay sasaksi sa Diyos? Saan nagmumula ang Aking luwalhati? Saan ang isa ay maaaring mag-umpisang magsalita ng Aking pagsaksi? Dahil ang kaaway na, nagawang masama ang sangkatauhan, naninindigan laban sa Akin, ay nakuha na ang sangkatauhan—ang sangkatauhang nilikha Ko noong sinaunang panahon at napuspos ng Aking luwalhati at Aking pagsasabuhay—at dinumihan sila. Naagaw na nito ang Aking luwalhati, at ang tanging inilipos nito sa tao ay lasong labis na hinaluan ng kapangitan ni Satanas, at katas mula sa bunga ng puno ng kaalaman ng mabuti at masama. Sa pasimula, Aking nilikha ang sangkatauhan, ibig sabihin, Aking nilikha ang ninuno ng sangkatauhan, si Adan. Siya ay binigyan ng anyo at larawan, puno ng kalakasan, puno ng buhay, at, higit pa rito, nasa piling ng Aking luwalhati. Iyan ang maluwalhating araw nang Aking nilikha ang tao. Pagkatapos niyan, si Eba ay ibinunga mula sa katawan ni Adan, at siya rin ay ang ninuno ng tao, kaya’t ang mga taong Aking nilalang ay puno ng Aking hininga at puno ng Aking luwalhati. Si Adan ay orihinal na isinilang mula sa Aking kamay at ang pagkakatawan ng Aking larawan. Sa gayon ang orihinal na kahulugan ng “Adan” ay isang katauhan na nilikha Ko, sinamahan ng Aking buhay na lakas, sinamahan ng Aking luwalhati, nagtataglay ng anyo at larawan, nagtataglay ng diwa at hininga. Siya ang nag-iisang nilalang, may angking espiritu, na may kakayahan ng pagkatawan sa Akin, ng pagtataglay ng Aking larawan, at pagtanggap ng Aking hininga. Sa pasimula, si Eba ang ikalawang taong pinagkalooban ng hininga na ang paglikha ay Aking naitalaga, kaya ang orihinal na kahulugan ng “Eba” ay isang nilikhang magpapatuloy sa Aking luwalhati, puno ng Aking sigla at lalo pang masaganang pinagkalooban ng Aking luwalhati. Si Eba ay nagmula kay Adan, kaya taglay rin niya ang Aking larawan, sapagka’t siya ang ikalawang taong nilalang sa Aking larawan. Ang orihinal na kahulugan ng “Eba” ay isang buhay na tao, may espiritu, laman, at buto, ang Aking ikalawang patotoo gayundin ang Aking ikalawang larawan sa gitna ng sangkatauhan. Sila ang mga ninuno ng sangkatauhan, ang dalisay at mahalagang kayamanan ng tao, at, mula sa nauna, ay buhay na mga nilalang na pinagkalooban ng espiritu. Subali’t kinuha ng masama ang mga anak ng mga ninuno ng sangkatauhan at niyurakan sila at binihag sila, inilulubog ang mundo ng tao sa ganap na kadiliman, at ginagawa ito upang ang mga anak ay hindi na maniniwala sa Aking pag-iral. Lalo pang higit na kasuklam-suklam na, habang ang siyang masama ay pinasasama ang mga tao at niyuyurakan sila, malupit nitong inaagaw ang Aking luwalhati, ang Aking patotoo, ang siglang ipinagkaloob Ko sa kanila, ang hininga at ang buhay na iniihip Ko tungo sa kanila, ang buo Kong luwalhati sa mundo ng tao, at ang lahat ng dugo ng puso na Aking nagugol sa sangkatauhan. Ang sangkatauhan ay wala na sa liwanag, at naiwala na ang lahat ng Aking naipagkaloob sa kanila, tinatanggal ang luwalhating Aking naipagkaloob. Paano nila maaaring kilalanin na Ako ang Panginoon ng lahat ng mga nilalang? Paano sila makapagpapatuloy na maniwala sa Aking pag-iral sa langit? Paano nila matutuklasan ang mga pagpapamalas ng Aking luwalhati sa ibabaw ng lupa? Paano maipapalagay ng mga apong lalaki at babaeng ito ang Diyos na iginalang ng kanilang sariling mga ninuno bilang ang Panginoon na lumikha sa kanila? Malugod na "iniharap" nitong mga kawawang apong lalaki at babae sa masama ang luwalhati, ang larawan, gayundin ang patotoo na ipinagkaloob Ko kina Adan at Eba, gayundin ang buhay na ipinagkaloob Ko sa sangkatauhan at kung saan sila ay umaasa upang umiral, at, nang wala ni katiting na pag-aalala sa presensya ng masama, ay naibigay ang Aking buong luwalhati dito. Hindi ba’t ito ang pinagmulan ng paggamit ng “linab”? Paanong maaangkin ng gayong sangkatauhan, gayong kasamang mga demonyo, gayong lumalakad na mga bangkay, gayong mga anyo ni Satanas, at gayong Aking mga kaaway ang Aking kaluwalhatian? Aangkinin Kong muli ang Aking kaluwalhatian, aangkinin ang Aking patotoo na umiiral sa gitna ng mga tao, at lahat ng dating pag-aari Ko na ibinigay Ko sa sangkatauhan noong unang panahon—lulupigin Kong ganap ang sangkatauhan. Gayunman, dapat mong malaman, ang mga taong nilikha Ko ay mga banal na tao na taglay ang Aking larawan at Aking luwalhati. Hindi sila pag-aari ni Satanas, ni sakop sila ng pagyurak nito, kundi Aking kahayagan lamang, malaya sa katiting na bahid ng lason ni Satanas. At gayon nga, hinahayaan Ko ang sangkatauhan na malaman na ang tanging nais Ko ay yaong nilikha ng Aking kamay, ang mga banal na Aking minamahal at hindi pag-aari ng iba pang kalikhaan. Bukod diyan, masisiyahan Ako sa kanila at ituturing silang Aking luwalhati. Datapwa’t, ang nais Ko ay Hindi ang sangkatauhan na nagawang masama ni Satanas, na pag-aari ni Satanas ngayon, at hindi na ang Aking orihinal na likha. Dahil layunin Kong angkining muli ang Aking luwalhati na umiiral sa mundo ng tao, kakamtin Ko ang ganap na paglupig sa mga natitirang nakaligtas sa gitna ng sangkatauhan, bilang patunay ng Aking luwalhati sa pagtalo kay Satanas. Tanging ang Aking patotoo ang tinatanggap Ko bilang pagliliwanag ng Aking sarili, bilang layon ng Aking kasiyahan. Ito ang Aking kalooban.

Hun 7, 2018

Kidlat ng Silanganan | Salita ng Diyos | Ano ang Inyong Pagkakaunawa sa “Mga Pagpapala”

Jehovah, langit, buhay, katotohanan, kaligtasan

Bagaman ang mga ipinanganak sa panahong ito ay sumasailalim sa katiwalian ni Satanas at ng maruruming demonyo, totoo rin na maaari nilang makamit ang dakilang kaligtasan dahil sa katiwaliang ito, na higit pang mas malaki kaysa sa mga hayop na nagkalat sa mga bundok at mga kapatagan at sa malaking pampamilyang ari-arian na natamo ni Job, at mas higit din ito sa pagpapalang tinanggap ni Job na makita si Jehovah pagkatapos ng kanyang mga pagsubok. Pagkatapos lamang na danasin ni Job ang pagsubok sa kamatayan na kanyang narinig ang mga salita ni Jehovah at narinig ang Kanyang madagundong na boses mula sa ulap. Gayunman, hindi niya nakita ang mukha ni Jehovah at hindi niya nalaman ang Kanyang disposisyon. Ang nakamit ni Job ay ang pisikal na pag-aari lamang na nagbibigay ng mga kasiyahang pangkatawan at ang pinakamagagandang anak sa mga kalapit na lungsod pati na rin ang proteksyon mula sa mga anghel ng langit. Hindi niya kailanman nakita si Jehovah, at bagaman Siya ay tinawag na matuwid, hindi niya kailanman nalaman ang disposisyon ni Jehovah. Bagaman ang mga tao ngayon ay pansamantalang salat sa mga materyal na kasiyahan o dumaranas ng kasamaan sa panlabas na kapaligiran, ipinaalam Ko ang Aking disposisyon na hindi Ko kailanman ibinunyag sa sangkatauhan noong mga lumipas na kapanahunan, na laging naging lihim, at ang Aking mga hiwaga bago ng mga kapanahunan sa mga pinakaabang tao na binigyan Ko din ng pinakadakilang kaligtasan, at ito ang kauna-unahang pagkakataon na ginawa Ko ito. Hindi Ko kailanman nagawa pa ang ganitong uri ng gawain noon, at bagaman kayo ay higit na mas mababa kaysa kay Job, labis na nadaig ninyo si Job ng inyong natamo at ng inyong nakita. Kahit na kayo ay dumanas ng lahat ng uri ng pagdurusa at paghihirap, ang pagdurusang iyon ay hindi katulad ng mga pagsubok ni Job, ngunit ito ay paghatol at pagkastigo na tinaggap ng mga tao dahil sa kanilang pagrerebelde at paglaban, at dahil sa Aking matuwid na disposisyon. Ito ay matuwid na paghatol, pagkastigo, at sumpa. Si Job ay isa sa mga Israelita, isa sa mga matuwid na nakatanggap ng dakilang pagmamahal at awa ni Jehovah. Siya ay hindi gumawa ng masamang mga gawain at hindi siya lumaban kay Jehovah; sa halip, siya ay matapat na nagmahal kay Jehovah, at siya ay sumailalim sa mga pagsubok dahil sa kanyang pagkamatuwid, at siya ay dumaan sa maalab na mga pagsubok dahil siya ay isang matapat na tagapaglingkod ni Jehovah. Ang mga tao ngayon ay sumasailalim sa Aking paghatol at pagsumpa dahil sa kanilang karumihan at kasalanan. Kahit na ang kanilang pagdurusa ay hindi maitutulad sa dinanas ni Job nang siya ay mawalan ng kanyang mga hayop, mga ari-arian, mga katulong, mga anak, at lahat ng mga mahal sa kanya, ang pinagdurusahan ng mga tao ay ang maalab na kapinuhan at pagsusunog; ang mas seryoso pa sa dinanas ni Job ay yaong uri ng pagsubok na ito na hindi nababawasan o naaalis dahil sa kanilang mga kahinaan, ngunit sa halip, ito ay pangmatagalang panahon hanggang sa huling araw ng kanilang buhay. Ito ay kaparusahan, paghatol, sumpa—ito ay walang awang pagsunog, at mas higit pa ito ay makatwirang “pamana” ng sangkatauhan. Ito ang nararapat sa kanila, at ito ang lugar ng pagpapahayag ng Aking matuwid na disposisyon. Ito ay isang hayag na katotohanan. Ngunit ang malaking nakamit ng mga tao ay mas higit pang lumagpas sa kanilang tiniis ngayon. Ang inyong mga pinagdusahan ay mga balakid lamang dahil sa kamangmangan, subalit ang inyong mga nakamit ay daan-daang beses na mas higit sa inyong pagdudursa. Ayon sa mga batas ng Israel sa Lumang Tipan, ang lahat ng mga lumalaban sa Akin, lahat ng hayagang nanghuhusga sa Akin, at lahat ng hindi sumusunod sa Aking pamamaraan ngunit lakas-loob na naghahandog ng mga di-banal na sakripisyo sa Akin ay tiyak na tutupukin ng apoy sa templo, o babatuhin hanggang sa kamatayan ng ilan sa mga piniling tao, at maging ang mga inanak man ng kanilang angkan at ibang direktang kamag-anak ay magdurusa sa Aking sumpa, at sa mundong padating sila ay hindi magiging malaya, ngunit magiging mga alipin ng Aking mga alipin, at itataboy Ko sila patungo sa pagkatapon sa mga Gentil at sila ay hindi makakabalik sa kanilang lupang tahanan. Batay sa kanilang mga kilos, sa kanilang mga pag-uugali, ang pagdurusang tiniis ng mga tao ngayon ay hindi man lang kasing-seryoso ng kaparusahang dinanas ng mga Israelita. Ang pagsasabi na ang inyong dinadanas ay paghihiganti ay may katwiran, at ito ay dahil talagang tinawid ninyo ang linya, at kung kayo ay nasa Israel kayo ay magiging isa sa mga walang hanggang makasalanan at kayo ay pinagputol-putol na ng mga Israelita noong unang panahon at pati na rin sinunog ng apoy mula sa langit sa templo ni Jehovah. At ano ang inyong nakamit ngayon? Ano ang inyong natanggap, ano ang inyong tinamasa? Aking ipinaalam ang Aking matuwid na disposisyon sa inyo, ngunit ang pinakamahalaga ay ipinaalam ko ang Aking pagpapasensya para sa pagtubos sa sangkatauhan. Maaaring masabi na lahat ng Aking ginawa sa inyo ay gawain ng pagpapasensya, na ito ay para sa Aking Pamamahala, at mas higit pa ito ay alang-alang sa kasiyahan ng sangkatauhan.

Hun 3, 2018

Kidlat ng Silanganan | Ang Kalooban ng Diyos | Maglingkod Kagaya ng Ginawa ng Mga Israelita

iglesia, Jehovah, krus, Espiritu, Landas

    Sa kasalukuyan maraming mga tao ang hindi nag-uukol ng pansin sa kung anong mga aral ang dapat na matutuhan sa panahon ng pakikipagtulungan sa iba. Aking natuklasan na marami sa inyo ang hindi kayang matutuhan ang mga aral sa anumang paraan sa panahon ng pakikipagtulungan sa iba. Karamihan sa inyo’y nananatili sa inyong sariling mga pananaw, at kapag gumagawa sa iglesia, sinasabi mo ang iyong bahagi at sinasabi niya ang kanya, isa na walang kaugnayan sa iba, hindi nakikipagtulungan sa anumang paraan. Kayo ay abalang-abala sa pakikipagtalastasan lamang sa inyong panloob na mga pananaw, abalang-abala sa pagpapalaya lamang sa inyong “mga pasanin” sa loob ninyo, hindi naghahangad ng buhay sa anumang paraan. Tila ginagawa mo na lamang basta ang gawain, palaging naniniwala na dapat mong sundin ang iyong sariling paraan hindi alintana ang ibang mga tao, at dapat kang makipagniig sapagkat ginagabayan ka ng Banal na Espiritu, hindi alintana ang ibang mga tao. Hindi ninyo nagagawang matuklasan ang mga kalakasan ng iba, at hindi nagagawang siyasatin ang inyong mga sarili. Ang inyong paraan sa pagtanggap ng mga bagay ay talagang mali. Maaaring sabihin na maging sa ngayon nagpapakita pa rin kayo ng napakaraming pansariling pagkamatuwid, na parang ang dating sakit ay muling nagbalik. Hindi kayo nag-uusap sa isa’t-isa upang matamo ang lubos na pagkakapalagayang-loob, na parang anong kahihinatnan ang natamo sa pagdalaw sa iglesiang yaon, o kumusta ang inyong panloob na kalagayan kamakailan lamang, at iba pa—hindi kayo talaga nakikipag-usap kagaya nito. Kayo ay pangunahin nang walang mga pagsasagawa kagaya ng pagsasantabi sa inyong sariling mga pagkaintindi o pagtatanggi sa inyong mga sarili. Nag-iisip lamang yaong mga nasa liderato ng pagpapasigla sa mga kapatid sa mga iglesia sa ibaba sa pamamagitan ng kanilang pagsasamahan, at nalalaman lamang niyaong mga sumusunod na maghangad sa kanilang mga sarili. Pangunahing nang hindi ninyo nalalaman kung ano ang paglilingkod o kung ano ang pakikipagtulungan, at iniisip lamang ninyo ang pagkakaroon ng kahandaan sa inyong mga sarili upang tumbasan ang pag-ibig ng Diyos, ng pagkakaroon ng kahandaan sa inyong mga sarili upang isabuhay ang paraan ni Pedro, at wala ng iba pa. Iyo pang sinasabi, maging anuman ang kalagayan ng ibang mga tao, hindi ka rin naman pasasakop anuman ang mangyari, at kahit na anupaman ang nakakatulad ng ibang mga tao, ikaw sa iyong sarili ay naghahangad ng pagka-perpekto ng Diyos, at iyon ay magiging sapat. Sa katunayan, hindi pa nakatagpo ang iyong kalooban ng anumang matibay na pagpapahayag sa katotohanan sa aumang paraan. Hindi ba ito lahat ang uri ng pag-uugali na inyong ipinakikita sa kasalukuyan? Pinanghahawakang mahigpit ng bawat isa sa inyo ang inyong sariling pananaw, at nais ninyong lahat na maging perpekto. Nakikita Ko na naglingkod kayo sa mahabang panahon at hindi gaanong sumulong, lalong lalo na sa leksiyong ito ng paggawang magkakasama sa pagkakaisa hindi kayo nakagawa ng anumang pagsulong! Sa pagpunta sa mga iglesia nakikipagtalastasan ka sa sarili mong paraan, at siya ay nakikisama sa kanyang paraan. Madalang na magkaroon ng pagtutulungan na mayroong pagkakaisa. At ang mga tao sa ibaba na nangagsisusunod ay higit pa sa ganitong paraan. Iyon ay upang sabihin na bihirang nauuunawaan ng sinuman sa kalagitnaan ninyo kung ano ang paglilingkod sa Diyos, o kung paano dapat paglingkuran ng isang tao ang Diyos. Kayo ay nalilito, at tinatrato ang mga ganitong uri ng mga leksiyon bilang isang walang halagang bagay, sa gayon na lamang kalawak anupa’t maraming mga tao ang hindi lamang ipinatutupad ang ganitong aspeto ng katotohanan, sinasadya pa nilang gumawa ng mali. Maging ang mga tao na naglilingkod sa maraming mga taon ay naglalaban at nagbabangayan. Hindi ba ang lahat ng ito ay ang inyong tunay na tayog? Kayong mga tao na naglilingkod na magkakasama sa araw-araw ay kagaya ng mga Isaraelita na tuwirang naglingkod sa Diyos Sarili Niya sa templo araw-araw. Paano nangyaring kayong mga taong kagaya ng mga pari ay hindi ninyo nalalaman kung paano ang makipagtulungan at kung paano ang maglingkod?

Hun 2, 2018

Kidlat ng Silanganan | Pag-bigkas ng Diyos | Pagsasagawa (6)

Jesus, Cristo, Jehovah, iglesia, krus

Sa kasalukuyan, maraming mga tao ang ni hindi taglay ang pagkamaykatwiran o ang pansariling kamalayan ni Pablo, na, bagamat siya ay pinabagsak ng Panginoong Jesus, tinaglay na ang paninindigan na gumawa at magdusa para sa Kanya. Binigyan siya ng karamdaman ni Jesus, at kalaunan, patuloy na tiniis ni Pablo ang karamdamang ito sa sandaling nagsimula siyang gumawa. Bakit niya sinabi na mayroon siyang tinik sa laman? Ang tinik, sa totoo lang, ay karamdaman, at para kay Pablo, ito ay isang nakamamatay na kahinaan. Gaano man siya kahusay gumawa o gaano man katindi ang kanyang paninindigang magtiis, palagi niyang tinaglay ang karamdamang ito. Si Pablo ay mayroong mas matatag na kakayahan kaysa sa inyong mga tao sa kasalukuyan; hindi lamang na siya ay mayroong mahusay na kakayahan, ngunit tinaglay din niya ang kamalayang pansarili at tinaglay niya ang higit na pagkamaykatwiran kaysa sa inyo. Sa kasalukuyan, huwag nang isipin kailanman ang pagtatamo sa pagkamaykatwiran ni Pedro—maraming mga tao ang ni hindi magagawang matamo ang pagkamaykatwiran ni Pablo. Matapos na si Pablo ay pabagsakin ni Jesus, siya ay tumigil sa pag-uusig sa mga disipulo, at nagsimulang mangaral at magdusa para kay Jesus. At ano ang gumabay sa kanyang pagdurusa? Pinaniniwalaan ni Pablo na, yamang nakita niya ang dakilang liwanag, kailangan niyang magpatotoo sa Panginoong Jesus, dapat hindi na usigin pa ang mga disipulo ng Panginoong Jesus, at hindi na dapat salungatin pa ang gawain ng Diyos. Pagkatapos niyang makita ang dakilang liwanag, sinimulan niyang magdusa para sa Diyos, at ialay ang sarili niya sa Diyos, at kanyang itinakda ang kanyang paninindigan. Pagkatapos na ang “dakilang liwanag” ay lumiwanag sa kanya, nagsimula siyang gumawa para sa Diyos, at nagawa niyang itakda ang kanyang paninindigan, na nagpapatunay na taglay niya ang pagkamaykatwiran. Sa relihiyon, si Pablo ay isang mataas-na-ranggong tao. Siya ay totoong maalam at likas na matalino, mababa ang tingin niya sa karamihan ng mga tao, at taglay ang isang higit na mas malakas na pagkatao kaysa sa karamihan. Ngunit pagkatapos na ang “dakilang liwanag” ay lumiwanag sa kanya, sinabi niya na dapat siyang gumawa para sa Panginoong Jesus—at ito ang kanyang pagkamaykatwiran. Nang inusig niya ang mga disipulo, si Jesus ay nagpakita sa kanya at sinabing: “Pablo, bakit mo ako inuusig?” Kaagad natumba si Pablo at sinabing: “Sino Ka?” Isang tinig mula sa langit ang nagsabing: “Ako ang Panginoong Jesus, na iyong inuusig.” Sa isang iglap, nagising si Pablo, kanyang naunawaan, at sa gayon lamang niya nalaman na si Jesus ay si Cristo, na Siya ay Diyos. Dapat akong sumunod, ibinigay sa akin ng Diyos ang biyayang ito, at inusig ko Siya sa halip, gayunman hindi Niya ako pinabagsak, ni hindi Niya ako sinumpa—dapat akong magdusa para sa Kanya. Kinilala ni Pablo na inusig niya ang Panginoong Jesuscristo at sa kasalukuyan ay pinapatay ang Kanyang mga disipulo, na hindi siya sinumpa ng Diyos, ngunit pinagliwanag ang ilaw sa kanya; ito ang gumabay sa kanya, at kanyang sinabi: “Bagamat hindi ako tumingin sa Kanyang mukha, narinig ko ang Kanyang tinig at nakita ang Kanyang dakilang liwanag. Ngayon ko pa lamang tunay na nakikita na iniibig talaga ako ng Diyos, at na ang Panginoong Jesus ay talagang ang Diyos na mayroong habag sa tao at pinatatawad Niya ang mga pagkakasala ng tao magpakailanman. Tunay kong nakikita na ako ay isang makasalanan.” Bagamat, pagkatapos, ginamit ng Diyos ang mga kaloob ni Pablo upang gumawa, kalimutan ito sumandali. Ang kanyang paninindigan sa panahong iyon, ang kanyang normal na pantaong pagkamaykatwiran, at ang kanyang pansariling kamalayan—wala kayong kakayahan na matamo ang mga bagay na ito. Sa kasalukuyan, hindi ba kayo nakakatanggap ng gaanong liwanag? Hindi ba nakikita ng maraming mga tao na ang disposisyon ng Diyos ay isa na kamahalan, poot, paghatol, at pagkastigo? Madalas mayroong mga sumpa, mga pagsubok, at pagpipino ang sumasapit sa mga tao—at ano ang kanilang natutunan? Nakapagkamit ba kayo ng anuman mula sa inyong displina at pakikitungo? Ang malabis na mga pananalita, paghampas, at paghatol ay sumapit sa inyo sa maraming mga pagkakataon, ngunit hindi ninyo pinag-ukulan ng pansin ang mga ito. Ni hindi ninyo taglay ang kaunting pagkamaykatwiran na taglay ni Pablo—hindi ba kayo masyadong paurong? Napakarami ang hindi nakita nang malinaw ni Pablo. Nalaman lamang niya na ang liwanag ay nagliwanag sa kanya, at hindi namalayang siya ay pinabagsak. Sa kanyang personal na paniniwala, pagkatapos na ang ilaw ay magliwanag sa kanya, dapat niyang gugulin ang sarili niya para sa Diyos, magdusa para sa Diyos, gawin ang lahat upang ihanda ang daan para sa Panginoong Jesucristo, at magtamo ng mas maraming makasalanan upang iligtas ng Panginoon. Ito ang kanyang paninindigan, at ang tanging layunin ng kanyang gawain—ngunit kapag siya ay gumawa, hindi pa rin siya iniwan ng karamdaman, hanggang sa kanyang kamatayan. Si Pablo ay gumawa nang mahigit sa dalawampung taon. Siya ay nagdusa nang husto, at nagdanas ng maraming mga pag-uusig at mga kapighatian, bagamat, mangyari pa, ang kanyang mga pagsubok ay higit na kaunti kaysa doon kay Pedro. Gaano pa ito kahabag-habag kung hindi pa ninyo taglay ang pagkamaykatwiran ni Pablo? Sa ganito, paano makapagsisimula ang Diyos sa mas higit na gawain sa inyo?

May 31, 2018

Kidlat ng Silanganan | Pag-bigkas ng Diyos | Ang Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa (2)

 langit, pananampalataya sa Diyos, Jehovah, pagmamahal sa Diyos, Diyos

Dati kayong naghangad na maghari bilang mga hari, at ngayon hindi pa rin ninyo ganap itong isinasantabi; nais pa rin ninyong mamahala bilang hari, upang hawakan ang langit at tumulong sa lupa. Ngayon, pag-isipan ito: Iyo bang taglay ang mga nasabing kwalipikasyon? Hindi ka ba nawawalan ng pakiramdam? Makatotohanan ba ang bagay na inyong hinahanap at pinagtutuunan ng pansin? Hindi man lang ninyo taglay ang normal na pagkatao—hindi ba ito kahabag-habag? Kaya, ngayon binanggit Ko lang ang pagiging nalupig, pagtaglay ng pagpapatotoo, pagpapabuti ng iyong kakayahan, at pagpasok sa landas ng pagiging perpekto, at wala nang ibang sasabihin. Pagod na ang ilang tao sa purong katotohanan, at kapag nakita nila ang lahat ng pag-uusap ng karaniwang normal na pagkatao at pagpapabuti ng kakayahan ng mga tao, sila ay nag-aatubili. Ang mga hindi nagmamahal sa katotohanan ay hindi madaling gawing perpekto. Kung kayo ay papasok ngayon, at kikilos ayon sa kalooban ng Diyos, sa bawat hakbang, maaari ka bang maalis? Matapos ang labis na gawain sa lupain ng Tsina—ang naturang napakalaking gawain—at matapos ng napakaraming salitang binigkas, maaari bang magpaubaya ang Diyos? Ihahatid ba Niya ang mga tao paibaba sa hukay na hindi maarok? Ang mahalaga ngayon ay dapat ninyong malaman ang kahalagahan ng tao, at dapat malaman kung ano ang dapat ninyong pasukin; dapat kang magsalita ng pagpasok sa buhay, at mga pagbabago sa katangian, kung paano ba talaga ang malupig, at kung paanong ganap na sumunod sa Diyos, na magdala ng huling pagpapatotoo sa Diyos, at makamit ang pagsunod hanggang kamatayan. Kailangan mong tumuon sa mga bagay na ito, at ang mga hindi makatotohanan o mahalaga ay kinakailangan munang isantabi at hindi isinasaalang-alang. Ngayon, dapat mong mabatid kung paano malupig, at kung paano ikilos ng mga tao ang kanilang sarili matapos na sila ay malupig. Maaaring ikaw ay siya nang nalupig, ngunit maaari ka bang sumunod hanggang kamatayan? Kailangan mong magawang sumunod hanggang sa pinakasukdulan hindi alintana kung mayroong anumang tagumpay, at hindi ka dapat mawalan ng pananampalataya sa Diyos sa kahit ano mang larangan. Sa huli, kailangan mong matamo ang dalawang aspeto ng pagpapatotoo: ang patotoo ni Job—pagtupad hanggang kamatayan—at ang patotoo ni Pedro—ang kataas-taasang pagmamahal ng Diyos. Sa isang banda, kailangan mong maging gaya ni Job: Siya ay walang ari-ariang materyal, at siyang pinahirapan ng sakit ng katawang-tao, nguni't hindi niya tinalikuran ang pangalan ng Jehovah. Ito ang testimonya ni Job. Nagawang mahalin ni Pedro ang Diyos hanggang kamatayan. Noong siya ay namatay—noong siya ay ipinako sa krus—nanatili ang kanyang pagmamahal sa Diyos; hindi niya inisip ang kanyang sariling mga inaasam o maghanap ng maluwalhating pag-asa o maluhong saloobin, at ninais lamang niya na mahalin ang Diyos at sundin ang lahat ng mga pagsasa-ayos ng Diyos. Iyan ang batayan na dapat mong makamit bago ka ituring na nagpatotoo, bago ka maging isang tao na ginawang perpekto matapos na malupig. Ngayon, kung tunay na batid ng mga tao ang kanilang sariling kahalagahan at estado, maghahanap pa ba sila ng mga inaasam at pag-asa? Ito ang dapat mong malaman: Hindi alintana kung ginawa akong perpekto ng Diyos, dapat akong sumunod sa Diyos; ang lahat ng Kanyang ginagawa ngayon ay mabuti, at para sa ating kapakanan, at upang ang ating disposisyon ay maaaring magbago at maaari nating tanggalin sa ating sarili ang impluwensya ni Satanas, upang hayaan tayong mamuhay sa lupain ng mga marurumi at ngunit maaari natin pawalan ang ating sarili sa karumihan, ipagpag ang dumi at impluwensiya ni Satanas, upang magawa nating iwanan ang impluwensiya ni Satanas. Siyempre, ito ang kinakailangan sa iyo, ngunit para sa Diyos ito ay isa lamang paglupig, upang ang mga tao ay magkaroon ng matatag na kapasyahan na tumalima, at maaring sumailalim sa lahat ng Pagtutugma ng Diyos, na siya lamang kinakailangan. Ngayon, karamihan sa mga tao ay nalupig na, ngunit sa loob nila ay marami pa ring mga paghihimagsik at pagsuway. Ang totoong estado ng mga tao ay masyadong maliit, at sila ay bumabangon lamang kung may mga pag-asa at pagkakataon; kung wala, sila ay nagiging negatibo, at nag-iisip pa na lisanin ang Diyos. At ang mga tao ay walang matinding pagnanais upang hanapin ang pagsasabuhay ng normal na pagkatao. Hindi iyon maaari! Kaya, dapat Ko pa rin pag-usapan ng paglupig. Sa katunayan, nangyayari ang kasakdalan kasabay ng paglupig: Kung ikaw ay nalupig, ang unang epekto ng pagiging perpekto ay nakamit. Kung saan mayroong pagkakaiba sa pagitan ng pagka-lupig at kasakdalan, ito ay ayon sa antas ng pagbabago sa mga tao. Ang pagkalupig ay ang unang hakbang ng pagiging perpekto, at hindi nangangahulugang sila ay lubusang ginawang perpekto, o napatotohanang sila ay ganap nang nahimok ng Diyos. Matapos lupigin ang tao, may ilang mga pagbabago sa kanilang katangian, ngunit ang mga nasabing pagbabago ay lubhang kaunti kaysa sa mga tao na ganap nang makamtan ng Diyos. Ngayon, ang nagawa na ay ang paunang gawain upang gawing perpekto ang mga tao—nilulupig sila—at kung hindi mo makamit ang panlulupig, walang paraan upang ikaw ay gawing perpekto at lubusang makamtan ng Diyos. Ikaw ay makakukuha lamang ng ilang salita ng pagpaparusa at paghatol, ngunit hindi nila ganap na mapagbabago ang iyong puso. Kaya ikaw ay isa sa mga maaalis; ito ay hindi naiiba mula sa pagtingin sa isang katakam-takam na kapistahan sa ibabaw ng mesa ngunit hindi kinakain ito. Hindi ba ito trahedya? At kaya dapat kang humanap ng mga pagbabago: Ito man ay paglupig o ginawang perpekto, parehong kaugnay ito kung mayroong pagbabago sa’yo, at kung ikaw man o hindi masunurin—at ito ay tumutukoy kung ikaw man ay maaaring makamtan ng Diyos o hindi. Tandaan na ang "pagkalupig" at "kasakdalan" ay simpleng nakabatay sa hangganan ng pagbabago at pagsunod, pati na rin sa kung gaano kalinis ang iyong pag-ibig sa Diyos. Ang kinakailangan ngayon ay gawin kang ganap na perpekto, ngunit sa simula ay dapat kang malupig—dapat ay mayroon kang sapat na kaalaman sa kaparusahan at paghatol ng Diyos, dapat ay mayroong kang pananampalataya na sumunod, at maging isang tao na naglalayon ng pagbabago at para magkaroon ng mga epekto. Doon ka lamang magiging isang tao na naghahangad maging perpekto. Dapat mong maunawaan na sa kurso ng kasakdalan kayo ay malulupig, at sa kurso ng panlulupig kayo ay gagawing perpekto. Ngayon, maaari mong hangaring magawang perpekto o humanap ng mga pagbabago sa iyong panlabas na pagkatao at mga pag-unlad sa iyong kakayahan, nguni’t ang pinakamahalaga ay iyong nauunawaan na ang lahat ng ginagawa ngayon ng Diyos ay may kahulugan at kapaki-pakinabang: Hinahayaan ka nito, ikaw na nakatira sa lupain ng karumihan, na makatakas sa karumihan at maipagpag ito, hinahayaan ka nitong mapagtagumpayan ang impluwensiya ni Satanas, at iwanan ang madilim na impluwensiya ni Satanas—at sa pagtutok sa mga bagay na ito, ikaw ay iniingatan dito sa lupain ng karumihan. Sa kahuli-hulihan, anong patotoo ang hihingin sa iyong ibigay? Ikaw ay nakatira sa lupain ng karumihan nguni’t nagawang maging banal, at hindi na magiging marumi at may-bahid, ikaw ay nakatira sa ilalim ng nasasakupan ni Satanas nguni’t inaalis sa iyong sarili ang impluwensiya ni Satanas, at hindi pagmamay-ari o ginigipit ni Satanas, at ikaw ay nakatira sa mga kamay ng Makapangyarihan-sa-lahat. Ito ang patotoo, at katibayan ng tagumpay sa pakikipaglaban kay Satanas. Nagagawa mong iwaksi si Satanas, kung ano ang iyong pagsasabuhay ay hindi nagbubunyag kay Satanas, kundi yaong kinailangan ng Diyos na abutin ng tao noong nilikha Niya ang tao: normal na pagkatao, normal na pagkamakatwiran, normal na pananaw, normal na paninindigang mahalin ang Diyos, at katapatan sa Diyos. Ganyan ang patotoo na taglay ng isang nilalang ng Diyos. Sabi mo, “Tayo ay nakatira sa isang lupain ng burak, ngunit dahil sa pag-iingat ng Diyos, dahil sa Kanyang pamumuno, at dahil nilupig Niya tayo, naalis natin ang ating mga sarili sa impluwensiya ni Satanas. Na angkakayahan nating sumunod ngayon ay epekto rin ng paglupig ng Diyos, at ito ay hindi dahil tayo ay mabuti, o dahil natural nating iniibig ang Diyos. Ito ay dahil pinili tayo ng Diyos, at itinalaga tayo, na tayo ay nalupig ngayon, na magagawang magpatotoo sa Kanya, at makapaglingkod sa Kanya; kaya, pati, ito ay dahil pinili Niya tayo, at protektado, na tayo ay nailigtas at nabawi mula sa ilalim ng nasasakupan ni Satanas, at maaaring nang iwanan ang dumi at maging malinis sa bayan ng dakilang pulang dragon. Dagdag pa rito, kung ano ang iyong isinasabuhay ay magpapakita na taglay mo ang normal na pagkatao, mayroong pagkamakatuwiran sa iyong sinasabi, at ikaw ay kahalintulad ng isang normal na tao. Kapag nakikita kayo ng iba hindi nila dapat sabihin, Hindi ba ito ang imahe ng dakilang pulang dragon? Ang pag-uugali ng kapatid na babae ay hindi angkop sa pagiging isang kapatid na babae, ang pag-uugali ng kapatid na lalaki ay hindi angkop sa pagiging isang kapatid na lalaki, at wala silang anumang asal ng mga santo. Hindi sila dapat sumambit, Hindi nakakapagtaka na sinabi ng Diyos na sila ay mga inapo ni Moab, Siya ay ganap na tumpak! Kung titingnan kayo at sasabihin sa inyo ng mga tao, “Kahit na sinabi ng Diyos na ikaw ay inapo ni Moab, kung paano ka mamuhay ay nagpapatotoong iniwan mo ang impluwensiya ni Satanas; bagaman ang mga bagay na iyon ay naka paloob sa iyo, nagawa mong tumalikod sa kanila,” sa gayon ito ay nagpapakita na ikaw ay ganap na nalupig. Ikaw na nalupig at nailigtas ay magsasabi, “Tunay na kami ang mga inapo ni Moab, ngunit kami ay nailigtas ng Diyos, at bagaman ang mga inapo ni Moab noong nakalipas ay pinabayaan at sinumpa, at iwinaksi kasama ng mga Hentil ng mga tao ng Israel, ngayon iniligtas tayo ng Diyos. Tunay na kami ang pinakatiwali sa lahat ng tao—ito ay itinalaga ng Diyos, ito ay katotohanan, at ito ay hindi maikakaila ng lahat. Ngunit ngayon kami ay nakatakas na sa nasabing impluwensiya. Kinamumuhian namin ang aming mga ninuno, handa kaming tumalikod sa aming mga ninuno, upang lubusan itong talikuran at sundin ang lahat ng mga pag-aayos ng Diyos, kumikilos ayon sa kalooban ng Diyos at nakakamit ang Kanyang kahilingan sa amin, at nakukuha ang kasiyahan ng kalooban ng Diyos. Ipinagkanulo ni Moab ang Diyos, hindi siya kumilos ayon sa kalooban ng Diyos, at siya ay kinasusuklaman ng Diyos. Ngunit tayo ay dapat mangalaga sa puso ng Diyos, at ngayon, dahil nauunawaan natin ang kalooban ng Diyos, hindi natin maaaring ipagkanulo ang Diyos, at dapat talikuran ang ating mga nakatatandang ninuno!” Noong nakaraan Aking binanggit ang pagtalikod sa dakilang pulang dragon—at ngayon, iyon ang pangunahing pagtiwalag ng mga tao sa nakatatandang ninuno. Ito ay isang patotoo ng paglupig sa mga tao, at hindi alintana kung paano ka pumasok ngayon, ang iyong pagpapapatotoo sa bagay na ito ay hindi dapat nagkukulang.

May 29, 2018

Pagpapahayag ng Bumalik na Panginoong Jesus | Ang mga Hindi Kaayon kay Kristo ay Tiyak na Kalaban ng Diyos

Cristo, Diyos, Jehovah, Fariseo, Jesus




Ang lahat ng tao ay nais na makita ang tunay na mukha ni Jesus at nagnanais na makasama Siya. Naniniwala ako na wala sa mga kapatid na lalaki o kapatid na babae ang magsasabi na hindi niya gustong makita o makasama si Jesus. Bago ninyo nakita si Jesus, iyon ay, bago niyo pa nakita ang nagkatawang-taong Diyos, magkakaroon kayo ng maraming mga saloobin, halimbawa, tungkol sa hitsura ni Jesus, ang Kanyang paraan ng pagsasalita, ang Kanyang paraan ng pamumuhay, at iba pa. Gayunman, kapag nakita niyo na Siya, ang inyong mga saloobin ay mabilis na magbabago. Bakit ganoon? Nais ninyo bang malaman? Bagaman hindi maaaring balewalain ang pag-iisip ng tao, mas hindi maaaring kunsitihin ng tao na baguhin ang sangkap ni Kristo. Isinaalang-alang ninyo si Kristo bilang isang imortal, isang pantas, ngunit walang kumikilala kay Kristo bilang isang mortal na may maka-Diyos na sangkap. Samakatuwid, marami sa mga taong nananabik nang araw at gabi upang makita ang Diyos ay talagang kaaway ng Diyos at hindi kaayon sa Diyos. Hindi ba ito isang kamalian sa parte ng tao? Kahit ngayon, iniisip niyo pa rin na ang inyong paniniwala at katapatan ay magsisilbing karapat-dapat na makita ang mukha ni Kristo, ngunit pinapayuhan ko kayong sangkapan ang inyong sarili sa mas konkretong mga bagay! Dahil sa nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap, marami sa mga nakakilala kay Kristo ay nabigo; lahat sila’y ginagampanan ang papel ng mga Fariseo. Ano ang dahilan ng inyong kabiguan? Ito mismo’y dahil ipinapalagay ninyo na may isang mapagmataas, kahanga-hangang Diyos. Ngunit ang katotohanan ay ang bagay na hindi gusto ng tao. Hindi lamang di-mapagmataas si Cristo, bagkus Siya ay partikular na maliit; hindi lamang Siya isang tao ngunit isang ordinaryong tao; hindi lamang wala Siyang kakayahang umakyat sa langit, hindi rin Niya kayang kumilos nang malaya sa lupa. Kung kaya ang mga tao ay pinakitunguhan Siya bilang isang ordinaryong tao; ginagawa nila ang kagustuhan nila kapag sila ay kasama Niya, at nagsasalita ng walang ingat na salita sa Kanya, ang lahat ng mga ito habang hinihintay pa rin ang pagdating ng “tunay na Cristo.” Isinaalang-alang ninyo ang Cristong dumating na bilang isang ordinaryong tao at ang Kanyang salita ay tulad ng sa isang ordinaryong tao. Samakatuwid, hindi niyo pa natatanggap ang anumang bagay mula kay Cristo at sa halip ay inilantad nang buo ang inyong kapangitan sa liwanag.

May 24, 2018

Pag-alam sa Layunin at Kahalagahan ng Bawat Isa sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang gawain na ginawa ni Jehova sa mga Israelita ay itinatag sa gitna ng sangkatauhan ang lugar na pinagmulan ng Diyos, na siya ring banal na lugar kung saan Siya naroon. Nilimitahan Niya ang Kanyang gawain sa bayan ng Israel. Noong una, hindi Siya gumawa sa labas ng Israel; sa halip, pinili Niya ang isang bayan na natagpuan Niyang angkop upang itakda ang sakop ng Kanyang gawain. Ang Israel ang lugar kung saan nilikha ng Diyos si Adan at Eba, at mula sa alabok sa lugar na iyon nilikha ni Jehova ang tao; ang lugar na ito ay naging himpilan ng Kanyang gawain sa daigdig. Ang mga Israelita, na siyang mga inapo ni Noe at mga inapo din ni Adan, ay ang mga pantaong saligan ng gawain ni Jehova sa daigdig.

May 22, 2018

Ang Relasyon ng Bawat Isa sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos

★*。:゚*☆*゚:。:*★*。:゚*☆*゚:。:*★*。:゚*☆*゚:。:*★*。:゚*☆*゚:。:*★


Jehovah, krus, Jesus, Espiritu, relihiyon

Nauugnay sa mga Salita ng Makapangyarihang Diyos

    Mula sa gawain ni Jehovah hanggang sa iyong gawain ni Jesus, at mula sa gawain ni Jesus hanggang sa iyong kasalukuyang yugto, ang tatlong yugtong ito ay sumasaklaw sa kabuuang lawak ng pamamahala ng Diyos, at ang lahat ay gawain ng isang Espiritu. Mula sa paglikha Niya sa mundo, pinamamahalaan na ng Diyos ang sangkatauhan. Siya ang Simula at ang Katapusan, Siya ang Una at ang Huli, at Siya ang Siyang magpapasimula ng gawain at Siyang maghahatid sa kapanahunan sa katapusan nito. Ang tatlong yugto ng gawain, sa magkakaibang kapanahunan at lugar, ay tiyak na isinagawa ng isang Espiritu. Ang lahat ng mga naghihiwalay sa tatlong yugtong ito ay sumasalungat sa Diyos.

May 21, 2018

Hinggil sa mga Pangalan at Pagkakakilanlan

ebanghelyo, Biblia, Jehovah, Jesus, Espiritu


    Kung nais mong maging karapat-dapat na magamit ng Diyos, dapat mong malaman ang gawain ng Diyos; dapat mong malaman ang gawain na Kanyang isinagawa noon (sa Bago at Lumang Tipan), at, higit sa lahat, dapat mong malaman ang Kanyang gawain ngayon. Ang ibig sabihin, dapat mong malaman ang tatlong yugto ng gawain ng Diyos sa loob ng 6,000 na taon. Kung ikaw ay inatasang magpalaganap ng ebanghelyo, hindi mo ito magagawa nang hindi nalalaman ang gawain ng Diyos. Magtatanong sa iyo ang mga tao tungkol sa Biblia, at ang Lumang Tipan, at kung ano ang sinabi at ginawa ni Jesus sa panahong iyon. Sasabihin nila, “Hindi ba kayo sinabihan ng Diyos ninyo tungkol dito? Kung hindi Niya (ang Diyos) masabi sa inyo kung ano talaga ang nagaganap sa Biblia, Siya ay hindi Diyos; kung kaya Niya, kami ay makukumbinsi.” Sa simula, nangusap si Jesus tungkol sa Lumang Tipan sa Kanyang mga disipulo. Ang lahat ng kanilang nabasa ay mula sa Lumang Tipan; ang Bagong Tipan ay nasulat lamang ilang dekada pagkatapos ng pagkakapako sa krus ni Jesus. Upang mapalaganap ang ebanghelyo, dapat ninyong maunawaan una sa lahat ang katotohanang panloob ng Biblia, at ang gawain ng Diyos sa Israel, na ang ibig sabihin ay ang gawaing isinagawa ni Jehova. At dapat din ninyong maintindihan ang gawaing isinagawa ni Jesus. Ito ang mga isyung pinaka-aalala ng lahat ng tao, at sila ay hindi nagtataglay ng pang-unawa[a] sa dalawang yugto ng gawain na ito. Sa pagpapalaganap ng ebanghelyo, isantabi muna ang usapan tungkol sa gawain ng Banal na Espiritu ngayon. Ang yugto ng gawaing ito ay hindi abot ng kanilang kakayanan, dahil ang inyong hinahanap ay ang pinakamatayog sa lahat: ang kaalaman sa Diyos at ang kaalaman sa gawain ng Banal na Espiritu, at walang higit na itinataas maliban sa dalawang ito. Kung una mong sasabihin kung ano ang matayog, ito ay magiging labis para sa kanila, dahil walang sinuman sa kanila ang nakaranas sa ganoong gawain ng Banal na Espiritu; wala itong pamamarisan, at hindi madali para sa tao na ito ay tanggapin. Ang kanilang mga karanasan ay mga lumang bagay mula sa nakaraan, na mayroong mga paminsan-minsang gawain ng Banal na Espiritu. Ang naranasan nila ay hindi ang gawain ng Banal na Espiritu ngayon, o ang kalooban ng Diyos ngayon. Sila ay kumikilos pa rin ayon sa mga lumang pamamaraan, na walang bagong liwanag, o bagong mga bagay.

May 18, 2018

Paano unti-unting lumalalim ang tatlong yugto ng gawain ng Diyos para maligtas at magawang perpekto ang mga tao?

<*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*>

Espiritu, Jehovah, Jesus, Krus, landas

<*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*>

Nauugnay sa mga Salita ng Makapangyarihang Diyos
  Ang buong pamamahala ng Diyos ay nahahati sa tatlong yugto, at sa bawat yugto, ang mga angkop na atas ay ibinigay sa tao. At saka, habang lumilipas at sumusulong ang panahon, ang mga atas ng Diyos sa lahat ng sangkatauhan ay mas tumaas. Kaya, dahan-dahan, ang gawaing ito ng pamamahala ng Diyos at naabot ang rurok, hanggang ang tao ay mapagmamasdan ang katotohanan ng "pagpapakita ng Salita sa katawang-tao," at sa paraang ito ang mga atas sa tao ay mas tumaas, at ang mga atas sa tao na sumaksi ay mas tumaas. … Sa nakalipas, ang tao ay inatasang sumunod sa kautusan at mga batas, at inatasang maging matiisin at mapagpakumbaba. Ngayon, ang tao ay inatasan na sundin ang lahat ng pagsasaayos ng Diyos at magtaglay ng labis na pag-ibig sa Diyos, at sa huli ang tao ay inatasan na mahalin ang Diyos sa kabila ng paghihirap. Ang tatlong yugtong ito ay mga atas ng Diyos sa tao, dahan-dahan, sa kabuuan ng Kanyang pamamahala. Ang bawat yugto ng gawain ng Diyos ay mas lumalalim kaysa sa huli, at sa bawat yugto ang mga atas sa tao ay mas tumindi kaysa sa huli, at sa paraang ito, ang buong pamamahala ng Diyos ay unti-unting nabubuo. Dahil ang mga atas sa tao ay lalong tumataas, ang disposisyon ng tao ay mas lumalapit sa pamantayang kailangan ng Diyos, at saka lamang lubusang makalalayo ang buong sangkatauhan sa impluwensya ni Satanas hanggang sa matapos ang gawain ng Diyos, ang buong sangkatauhan ay maililigtas mula sa impluwensya ni Satanas.

May 16, 2018

Mga Pagbigkas ng Bumalik na Panginoong Jesus | Pagsasagawa (1)

<*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*>
Jehovah, Jesus, Espiritu, langit, Diyos
  <*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*>


    Noong una, napakaraming paglihis sa paraan ng pagdanas ng mga tao, at ito ay maaari pang nakayayamot. Sapagkat hindi nila talaga naintindihan ang mga pamantayan ng mga kinakailangan ng Diyos, maraming mga lugar kung saan ang karanasan ng mga tao ay napipilipit. Ang hinihingi ng Diyos sa tao ay para sa kanila na magawang maisabuhay ang isang normal na pagkatao. Ang mga paraan ng tao na may kaugnayan sa pagkain at pananamit, halimbawa. Maaari silang magsuot ng amerikana at maaari nilang matutuhan ang ilan tungkol sa makabagong sining, at sa kanilang libreng oras maaari silang magkaroon ng isang medyo pampanitikan at nakawiwiling buhay. Maaari silang kumuha ng mga larawan na hindi malilimutan at maaari silang magbasa at magkamit ng ilang kaalaman at magkaroon ng isang medyo magandang kapaligiran para mabuhay. Ito ang buhay na angkop sa isang normal na katauhan, ngunit itinuturing ito ng mga tao bilang isang bagay na kinamumuhian ng Diyos. Ang kanilang pagsasagawa ay susundin lamang nila ang ilang mga patakaran, at ito ay aakay sa kanila upang maisabuhay ang isang buhay na kasimpangit ng pusali, nang walang kahulugang anuman. Sa totoo lang, hindi kailanman hiniling ng Diyos sa tao na gawin ang gayon. Inaasam ng mga tao na bawasan ang kanilang sariling mga disposisyon, nananalangin nang walang tigil sa kanilang mga espiritu na maging malapit sa Diyos, ang kanilang mga pag-iisip ay palaging naookupahan ng pag-iisip ng maka-diyos na mga bagay, lubhang ikinatatakot na ang kanilang kaugnayan sa Diyos ay mahihiwalay kahit paano. Ang mga ito ang lahat ng mga bagay na nabuod ng tao para sa kanilang mga sarili; ang mga ito ay ang mga patakarang itinakda para sa tao ng kanilang mga sarili. Kung hindi mo naiintindihan ang sarili mong diwa o kung anong antas ang maaabot ng iyong sarili, kung gayon wala kang magiging paraan para makamit ang isang maaasahang pagkaunawa sa kung ano ba talaga ang mga pamantayan ng kung ano ang kinakailangan ng Diyos sa iyo, at sa gayon ay wala kang magiging paraan na matamo ang isang pagsasagawa na isinasagawa sa isang angkop na sukat. Ang iyong isip ay palaging bumabaling sa gawing ito at doon, iniisip mo ang bawat posibleng paraan upang makapag-aral at makapa kung paanong sa lupa ay maaari kang makilos at liwanagan ng Banal na Espiritu, sa resulta ikaw ay nagbubuod ng isang kalipunan ng mga paraan ng pagsasagawa na sa tingin mo ay makatutulong sa iyong makamit ang pagpasok. Kapag nagsasagawa ka sa ganitong paraan, hindi mo talaga alam kung ano ang hinihingi ng Diyos sa iyo; nagsasagawa ka lamang sa iyong sariling paraan, nakadarama ng lubos na kaluwagan, hindi nag-aalala tungkol sa kalalabasan at lalong hindi nag-aalala tungkol sa kung naroon ang paglihis at mga pagkakamali. Habang ikaw ay nagpapatuloy sa ganitong paraan, ang iyong pagsasagawa ay nagkukulang sa napakaraming mga bagay, gaya ng pagpuri ng Diyos, pakikipagtulungan ng Banal na Espiritu at ang kalalabasan na natamo sa pamamagitan ng mga kinakailangan ng Diyos. Ni wala man itong anumang normal na katauhan o diwa ng katwiran ng isang normal na tao. Ang iyong pagsasagawa ay pagsunod mo lamang sa mga patakaran, o kusa mong dinadagdagan ang iyong pasanin upang higpitan ang iyong sarili, upang makontrol ang iyong sarili. Ngunit iyong iniisip na gawing perpekto ang iyong pagsasagawa, nang hindi alam na karamihan sa iyong pagsasagawa ay isang proseso o pangingilin na hindi na kinakailangan. Marami ang nagsasagawa na kagaya nito sa loob ng maraming mga taon na wala talagang pagbabago sa kanilang mga disposisyon, walang bagong pagkaunawa, at walang bagong pagpasok. Hindi nila sinasadyang gamitin sa kanilang malupit na mga kalikasan, maging hanggang sa yugto na maraming beses na silang gumagawa nang hindi makatuwiran, hindi makataong mga bagay at maraming beses na sila ay gumagawa ng mga bagay na nagpapatigil sumandali sa mga tao at kung saan ay hindi maintindihan. Ang ganitong uri ba ng tao ay isa na nagbago?

May 12, 2018

Kidlat ng Silanganan | Pag-bigkas ng Diyos | Pagsasagawa (3)

Diyos, iglesia, Jehovah, Espiritu, Langit
    Dapat kayong magkaroon ng kakayahan na mabuhay nang mag-isa, nagagawang kumain at uminom ng mga salita ng Diyos sa inyong mga sarili, upang maranasan ang mga salita ng Diyos nang sarilinan, at upang mamuhay ng isang normal na buhay espirituwal nang walang pangunguna ng iba; dapat ninyong magawang umasa sa mga salita ng Diyos sa kasalukuyan upang mabuhay, makapasok sa tunay na karanasan, at tunay na pagkakita. Sa gayon pa lamang kayo makapaninindigan. Sa kasalukuyan, marami sa mga tao ang hindi ganap na nauunawaan ang hinaharap na mga kapighatian at mga pagsubok. Sa hinaharap, ang ilang mga tao ay makakaranas ng mga kapighatian, at ang ilan ay makakaranas ng kaparusahan. Ang kaparusahang ito ay magiging lalong matindi; ito ay magiging ang pagdating ng mga katotohanan. Sa kasalukuyan, ang lahat ng iyong nararanasan, ginagawa, at ipinahahayag ay inilalatag ang saligan para sa mga pagsubok sa hinaharap, at kahit papaano, dapat mong magawa na mabuhay nang mag-isa. Ngayon, ang sitwasyon tungkol sa marami sa iglesia sa pangkalahatan ay ang mga sumusunod: Kung may mga manggagawa na gagawa ng gawain ng iglesia,[a] sila ay masaya, at kung sila ay hindi, sila ay hindi masaya; at hindi nila pinagtutuunan ng pansin ang gawain sa iglesia, ni hindi sa kanilang sariling pagkain at pag-inom, at wala ni kakatiting na pasan—sila ay kagaya ng ardilya na sumisigaw sa lamig.[b] Sa tapat na pagsasalita, sa maraming mga tao ang gawain na Aking ginawa ay gawain lamang ng paglupig, sapagkat marami ang pangunahin nang hindi karapat-dapat na gawing perpekto. Isang maliit na bahagi lamang ng mga tao ang maaaring gawing perpekto. Kung, sa pagkarinig sa mga salitang ito, naniniwala ka na ang gawain na ginagawa ng Diyos ay para lamang lupigin ang mga tao, at kaya susunod ka na lamang nang walang interes, papaano magiging katanggap-tanggap ang gayong ugali? Kung ikaw ay tunay na nagtataglay ng konsiyensya, kung gayon kailangan mong magkaroon ng isang pasan, at isang pagkadama ng pananagutan. Dapat mong sabihin: Hindi ko alintana kung ako man ay lulupigin o gagawing perpekto, ngunit dapat kong taglayin nang maayos ang hakbang na ito ng patotoo. Bilang isang nilikha ng Diyos, ang isa ay maaring ganap na lupigin ng Diyos, at sa huli, nagagawa nilang mapalugod ang Diyos, tinutumbasan ang pag-ibig ng Diyos ng pag-ibig sa kanilang puso at sa ganap na paglalaan ng kanilang mga sarili sa Diyos. Ito ang pananagutan ng tao, ito ang tungkulin na dapat gampanan ng tao, at ang pasan na dapat batahin ng tao, at dapat matapos ng tao ang komisyon na ito. Sa gayon lamang sila tunay na naniniwala sa Diyos. Sa kasalukuyan, ang ginagawa mo ba sa iglesia ay ang katuparan ng iyong pananagutan? Ito ay nakasalalay sa kung ikaw ay nabibigatan, at sa sarili mong kaalaman. Sa pagdanas sa gawaing ito, kung ang tao ay nilupig at mayroong tunay na kaalaman, kung gayon may kakayahan ka sa pagsunod maging anuman ang iyong sariling mga inaasahan o kapalaran. Sa ganitong paraan, ang dakilang gawain ng Diyos ay magkakatotoo sa kabuuan nito, sapagkat ang mga taong ito ay may kakayahang hindi hihigit dito, at hindi magagawang matupad ang anumang mas mataas na mga pangangailangan. Gayunman sa hinaharap, ang ilang mga tao ay gagawing perpekto. Ang kanilang kakayahan ay mapapabuti, sa kanilang espiritu sila ay magkakaroon ng isang mas malalim na pagkaunawa, ang kanilang mga buhay ay lalago…. Ngunit ang ilan ay ganap na walang kakayahan na makamit ito, at kaya hindi maliligtas. Mayroong isang dahilan kung bakit sinasabi Kong hindi sila maliligtas. Sa hinaharap, ang ilan ay lulupigin, ang ilan ay aalisin, ang ilan ay gagawing perpekto, at ang ilan ay kakasangkapanin—at kaya ang ilan ay makakaranas ng mga kapighatian, ang ilan ay makakaranas ng kaparusahan (kapwa ng mga natural na kalamidad at mga kasawiang gawa ng tao), ang ilan ay maaalis, at ang ilan ay makaliligtas. Sa ganito, ang bawat isa ay pagbubukud-bukurin ayon sa uri, na ang bawat grupo ay kakatawan sa isang uri ng tao. Hindi lahat ng tao ay aalisin, ni ang lahat ng tao ay gagawing perpekto. Ito ay dahil ang kakayahan ng mga taong Tsino ay napakababa, at mayroon lamang maliit na bilang sa kanila ang nagtataglay ng uri ng kamalayang pansarili na mayroon si Pablo. Sa mga taong ito, kaunti ang mayroong pagpapasya na ibigin ang Diyos katulad ni Pedro, o kagaya ng uri ng pananampalataya ni Job. Halos wala sa sinuman sa kanila ang mayroong katulad na antas ng paggalang para kay Jehovah, o kaparehong antas ng katapatan sa paglilingkod kay Jehovah kagaya ng kay David. Kahabag-habag kayo!

"Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" | Sipi 14

Ang bawa’t yugto ng gawain ng Banal na Espiritu ay kasabay na nangangailangan ng patotoo ng tao. Ang bawa’t yugto ng gawain ay isang p...