Kidlat ng Silanganan

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na landas. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na landas. Ipakita ang lahat ng mga post

Ago 9, 2018

Ano ang likas na katangian ng problema ng tao kapag hindi niya alam ang kahalagahan ng pangalan ng Diyos at hindi niya tinanggap ang bagong pangalan ng Diyos?

Fariseo, iglesia, Landas, Biblia, Jesus


Nauugnay na mga Salita ng Makapangyarihang Diyos:
Sa bawat panahon, ang Diyos ay magsisimula ng bagong gawain, at sa bawat panahon, magkakaroon ng bagong simula ang mga tao. Kung ang tao ay susunod lamang sa mga katotohanan na "ang Jehovah ang Diyos" at "si Jesus ang Kristo," na mga katotohanan na nagagamit lamang sa isang panahon, sa gayon ang tao ay hindi makakasabay sa gawain ng Banal na Espiritu, at mawawalan ng kakayahang magkamit ng gawain ng Banal na Espiritu. Hindi alintana kung paano gumagawa ang Diyos, ang tao ay sumusunod nang walang pag-aalinlangan, at siya ay sumusunod nang malapitan. Sa paraang ito, paano maaalis ng Banal na Espiritu ang tao? Hindi alintana kung ano ang ginagawa ng Diyos, hangga't ang tao ay tiyak na ito ay gawain ng Banal na Espiritu, at nakikipagtulungan sa gawain ng Banal na Espiritu nang walang pag-aalinlangan, at sinusubukang matupad ang mga atas ng Diyos, paano siya maparurusahan? Hindi huminto ang gawain ng Diyos, hindi natigil ang Kanyang mga yapak, at bago pa man matupad ang Kanyang gawain ng pamamahala, Siya ay palaging maraming ginagawa, at hindi tumigil. Ngunit iba ang tao: Nagkamit lamang ng maliit na gawain ng Banal na Espiritu, itinuring niya na ito ay hindi kailanman magbabago; nagkamit lamang ng maliit na kaalaman, hindi na siya nagpatuloy sa pagsunod sa mga yapak ng bagong gawain ng Diyos; nakakita lamang ng maliit na bahagi ng gawain ng Diyos, dali-daling itinuring na niyang kahoy na imahen ang Diyos, at naniniwala na mananatili sa ganoong anyo ang Diyos sa harap niya, na ganito rin sa nakalipas at sa hinaharap; nagkamit lamang ng mababaw na kaalaman, naging mayabang ang tao at nakalimutan niya ang sarili at nagsimulang ihayag ang disposisyon at pagkatao ng Diyos na hindi talaga umiiral; at nanatili sa isang yugto ng gawain ng Banal na Espiritu, kahit anong uri ng tao ang maghayag ng bagong gawain ng Diyos, hindi ito tinatanggap ng tao. Ito ang mga taong hindi matanggap ang bagong gawain ng Banal na Espiritu; masyado silang maingat, at hindi kayang tumanggap ng mga bagong bagay. Ang mga taong iyon ay naniniwala sa Diyos ngunit tinatanggihan din Siya. Naniniwala ang tao na mali rin ang mga Israelita na "maniwala lamang sa Jehovah at hindi kay Jesus," ngunit karamihan ng mga tao ay "maniwala lamang sa Jehovah at tanggihan si Jesus" at "manabik sa pagbabalik ng Tagapagligtas, ngunit tututulan ang Tagapagligtas na nagngangalang Jesus." Hindi na nakapagtataka, na ang mga tao ay nabubuhay pa rin sa ilalim ng sakop ni Satanas matapos tanggapin ang isang yugto ng gawain ng Banal na Espiritu, at hindi pa rin nakatatanggap ng pagpapala ng Diyos. Hindi ba't ito ang bunga ng pagsuway ng tao? … Ang mga taong ito, na ang tanging sinasambit lamang ay "budhi," at hindi alam ang gawain ng Banal na Espiritu, sa huli ay puputulin ang kanilang mga inaasam-asam dahil sa kanilang mga konsensya. Ang gawain ng Diyos ay hindi sumusunod sa katuruan, at kahit na ito ay Kanyang sariling gawa, hindi pa rin kumakapit ang Diyos dito. Kung ano ang dapat tanggihan ay tanggihan, kung ano ang dapat maalis ay aalisin. Ngunit inilagay pa rin ng tao ang kanyang sarili sa galit ng Diyos sa pamamagitan ng pagkapit sa maliit na bahagi ng gawain ng pamamahala ng Diyos. Hindi ba't nakakatawa ang tao? Hindi ba't ito ang kamangmangan ng tao?
mula sa “Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ago 5, 2018

Dapat Mong Malaman ang Adhikain ng Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos



Nauugnay na mga Salita ng Makapangyarihang Diyos:

Ang layunin ng tatlong mga yugto ng gawain ay ang kaligtasan ng buong sangkatauhan—na nangangahulugang ang ganap na kaligtasan ng tao mula sa sakop ni Satanas. Bagaman ang bawa’t isa sa tatlong mga yugto ng gawain ay may ibang layunin at kabuluhan, ang bawa’t isa ay bahagi ng gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan, at ito ay naiibang gawain ng pagliligtas na isinasakatuparan ayon sa mga pangangailangan ng sangkatauhan. ...
………...
… Kapag ang buong pamamahala ng Diyos ay malapit na sa katapusan, uuriin ng Diyos ang lahat ng bagay ayon sa uri. Ang tao ay ginawa ng mga kamay ng Maylalang, at sa katapusan dapat Niyang ganap na ibalik ang tao sa ilalim ng Kanyang dominyon; ito ang konklusyon ng tatlong mga yugto ng gawain. ...

Hul 21, 2018

Kristianong Awitin | Ang Mga Paniwala at Imahinasyon Ay Hindi Kailanman Makakatulong na Makilala Mo ang Diyos


I Ang kaalaman sa Diyos ay hindi nakasalalay sa karanasan ni imahinasyon. Ang mga ito ay hindi dapat kailanman ipataw sa Diyos. Dahil kahit na gaano kayaman at kanais-nais ang karanasan ng tao, sila ay limitado, hindi sila katunayan ni katotohanan, pagiging hindi rin tugma sa tunay na disposisyon ng Diyos, pagiging hindi rin naaayon sa tunay na diwa ng Diyos. Ang matuwid na disposisyon ng Diyos ay ang Kanyang sariling tunay na diwa; ito ay hindi idinikta ng tao, ni katulad sa Kanyang paglikha. Ang Diyos ay Diyos matapos ang lahat, Siya ay hindi kailanman bahagi ng Kanyang sariling paglikha. Kahit na Siya ay makiisa, ang Kanyang disposisyon, ang kakanyahan ay hindi magbabago, hindi magbabago.

Hul 20, 2018

Tinubos ng Diyos ang sangkatauhan sa Kapanahunan ng Biyaya kaya bakit kailangan pa rin Niyang gawin ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw?


Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:
kayo nga'y magpakabanal, sapagka't ako'y banal” (Levitico 11:45).
“At ang pagpapakabanal na kung wala ito'y sinoman ay di makakakita sa Panginoon” (Mga Hebreo 12:14).
At kung ang sinomang tao'y nakikinig sa aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi ko siya hinahatulan: sapagka't hindi ako naparito upang humatol sa sanglibutan, kundi upang iligtas ang sanglibutan. Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya'y hahatol sa huling araw” (Juan 12:47-48).
Nauugnay na mga Salita ng Makapangyarihang Diyos:

Sa panahong iyon ang gawain ni Jesus ay ang pagtubos sa buong sangkatauhan. Ang mga kasalanan ng yaong mga naniniwala sa Kanya ay napatawad; hangga't ikaw ay naniniwala sa Kanya, ikaw ay Kanyang tutubusin; kung ikaw ay naniniwala sa Kanya, hindi ka na isang makasalanan, ikaw ay hinalinhan sa iyong mga kasalanan. Ito ang kahulugan ng pagiging ligtas, at mapangatwiranan ng pananampalataya. Ngunit sa yaong mga naniwala, mayroon pa ring nanatiling mga mapanghimagsik at sumalungat sa Diyos, at mga kailangang dahan-dahang alisin. Ang kaligtasan ay hindi nangangahulugan na ang tao ay lubusang nakamit ni Jesus, sa halip na ang tao ay wala na sa kasalanan, na sila ay pinatawad na sa kanilang mga kasalanan: Kapag ikaw ay naniwala, hindi ka na kailanman nasa kasalanan pa.

Hul 11, 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Kapahingahan

Katapatan, Kaharian, kapalaran, Landas, kaligtasan
Sa simula, ang Diyos ay nagpapahinga. Walang mga tao o anumang bagay sa lupa nang panahon na iyon, at wala pang nagagawa ang Diyos kahit anong gawain pa man. Sinimulan lang ng Diyos ang Kanyang gawaing pamamahala noong umiral ang sangkatauhan at noong ang sangkatauhan ay nagawang masama. Mula sa puntong ito, ang Diyos ay hindi na nagpahinga ngunit sa halip ay nagsimulang gawing abala ang Kanyang sarili sa gitna ng sangkatauhan. Ang Diyos ay naalis mula sa Kanyang kapahingahan dahil sa kasamaan ng sangkatauhan, at dahil din sa paghihimagsik ng arkanghel kaya naalis ang Diyos mula sa Kanyang kapahingahan. Kung hindi tatalunin ng Diyos si Satanas at ililigtas ang sangkatauhan, na naging masama, ang Diyos ay hindi na muling makapapasok sa kapahingahan. Tulad na ang tao ay kulang sa pahinga, ganoon din ang Diyos. Kapag ang Diyos ay muling pumasok sa kapahingahan, ang tao ay papasok din sa kapahingahan. Ang buhay na nasa kapahingahan ay isa na walang digmaan, walang karumihan, walang namamalagi na di-pagkamatuwid. Ibig sabihin nito ay walang panliligalig ni Satanas (dito ang “Satanas” ay tumutukoy sa kalabang mga puwersa), kasamaan ni Satanas, pati na rin ang pagsalakay ng anumang puwersang tutol sa Diyos. Lahat ng bagay ay sumusunod sa sarili nitong uri at sumasamba sa Panginoon ng sangnilikha. Ang langit at lupa ay ganap na payapa. Ito ang matiwasay na buhay ng sangkatauhan. Kapag pumasok ang Diyos sa kapahingahan, wala ng di-pagkamatuwid ang magpapatuloy sa ibabaw ng lupa, at wala ng pagsalakay ng anumang kalabang mga puwersa. Ang sangkatauhan ay papasok din sa isang bagong saklaw; sila ay hindi na magiging isang sangkatauhan na ginawang masama ni Satanas, bagkus ay isang sangkatauhan na nailigtas pagkatapos na magáwáng masama ni Satanas. Ang araw ng kapahingahan ng sangkatauhan ay araw din ng kapahingahan ng Diyos. Nawala ng Diyos ang Kanyang kapahingahan dahil sa kawalang-kakayahan ng sangkatauhan na pumasok sa kapahingahan; hindi iyon dahil sa Siya ay dati-rating hindi makapagpahinga. Ang pagpasok sa kapahingahan ay hindi nangangahulugan na ang lahat ng mga bagay ay titigil sa paggalaw, o na ang lahat ng bagay ay titigil sa pag-unlad, ni nangangahulugan ito na ang Diyos ay titigil sa paggawa o ang tao ay titigil na mabuhay. Ang tanda ng pagpasok sa kapahingahan ay ganito: Si Satanas ay nawasak na; yaong mga masasamang tao na sumapi kay Satanas sa masama nitong gawain ay naparusahan at napawi na; lahat ng mga puwersang laban sa Diyos ay tumigil sa pag-iral. Ang pagpasok ng Diyos sa kapahingahan ay nangangahulugan na hindi na Niya isasakatuparan ang Kanyang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan. Ang pagpasok ng sangkatauhan sa kapahingahan ay nangangahulugan na ang buong sangkatauhan ay mabubuhay sa loob ng liwanag ng Diyos at sa ilalim ng Kanyang mga pagpapala; walang na ang kasamaan ni Satanas, ni mangyayari man ang anumang bagay na di-matuwid. Ang sangkatauhan ay mamumuhay nang normal sa lupa, at mamumuhay sila sa ilalim ng pangangalaga ng Diyos. Kapag ang Diyos at ang tao ay magkasamang pumasok sa kapahingahan, ito ay mangangahulugan na ang sangkatauhan ay nailigtas at si Satanas ay nawasak na, na ang gawain ng Diyos sa gitna ng tao ay lubusang natapos. Hindi na magpapatuloy sa paggawa ang Diyos sa gitna ng tao, at ang tao ay hindi na mamumuhay sa ilalim ng sakop ni Satanas. Kaya, ang Diyos ay hindi na magiging abala, at ang tao ay hindi na magmamadali; ang Diyos at ang tao ay sabay na papasok sa kapahingahan. Ang Diyos ay babalik sa Kanyang orihinal na posisyon, at ang bawa’t tao ay babalik sa kani-kanyang lugar. Ito ang mga hantungan na kani-kanyang tatahanan ng Diyos at ng tao sa katapusan ng buong pamamahala ng Diyos. Ang Diyos ay may hantungan ng Diyos, at ang tao ay may hantungan ng tao. Habang nagpapahinga, ang Diyos ay patuloy na gagabay sa buong sangkatauhan sa kanilang mga buhay sa lupa. Habang nasa liwanag ng Diyos, ang tao ay sasamba sa isang tunay na Diyos sa langit. Ang Diyos ay hindi na mamumuhay kasama ng sangkatauhan, at ang tao ay hindi rin magagawang mamuhay kasama ng Diyos sa hantungan ng Diyos. Ang Diyos at tao ay hindi maaaring mamuhay sa loob ng parehong saklaw; sa halip, kapwa sila may sariling mga kaukulang mga paraan ng pamumuhay. Ang Diyos ay ang Isa na siyang gumagabay sa buong sangkatauhan, habang ang buong sangkatauhan ay ang pagbubuu-buo ng gawaing pamamahala ng Diyos. Ang sangkatauhan ay siyang inaakay; ukol sa kakanyahan, ang sangkatauhan ay hindi tulad ng Diyos. Ang ibig sabihin ng pagpapahinga ay ang pagbalik sa orihinal na lugar ng isa. Samakatuwid, kapag pumasok ang Diyos sa kapahingahan, nangangahulugan ito na ang Diyos ay babalik sa Kanyang orihinal na lugar. Ang Diyos ay hindi na mamumuhay sa ibabaw ng lupa o makikibahagi sa kagalakan at paghihirap ng sangkatauhan habang kasama ng sangkatauhan. Kapag ang sangkatauhan ay pumasok tungo sa kapahingahan, ito ay nangangahulugang naging isang tunay na likha ang tao; ang sangkatauhan ay sasamba sa Diyos mula sa ibabaw ng lupa at magkakaroon ng mga normal na buhay ng tao. Ang mga tao ay hindi na magiging suwail sa Diyos o lalaban sa Diyos; sila ay babalik sa orihinal na buhay ni Adan at Eba. Ito ang kanya-kanyang mga buhay at mga hantungan ng Diyos at sangkatauhan pagkatapos nilang pumasok sa kapahingahan. Ang pagkatalo ni Satanas ay isang hindi-maiiwasang pangyayari sa digmaan sa pagitan ng Diyos at ni Satanas. Sa ganitong paraan, ang pagpasok ng Diyos sa kapahingahan pagkatapos na gawing ganap ang Kanyang gawaing pamamahala at ganap na kaligtasan ng tao at pagpasok sa kapahingahan ay hindi rin maiiwasang mga pangyayari. Ang lugar ng kapahingahan ng tao ay nasa lupa, at ang lugar ng kapahingahan ng Diyos ay nasa langit. Habang nagpapahinga ang tao, sasambahin niya ang Diyos at mamumuhay din sa lupa, at habang nagpapahinga ang Diyos, aakayin Niya ang natitirang bahagi ng sangkatauhan; aakayin Niya sila mula sa langit, hindi mula sa lupa. Ang Diyos ay magiging ang Espiritu pa rin, habang ang tao ay magiging laman pa rin. Ang Diyos at tao ay kapwa may kanya-kanyang mga paraan ng pagpapahinga. Habang nagpapahinga ang Diyos, Siya ay darating at magpapakita sa gitna ng tao; habang nagpapahinga ang tao, siya ay aakayin ng Diyos upang dumalaw sa langit at upang masiyahan din sa buhay sa langit. Matapos na ang Diyos at tao ay pumasok sa kapahingahan, si Satanas ay hindi na iiral pa, at tulad ni Satanas, yaong masasamang tao ay hindi na rin iiral. Bago pumasok ang Diyos at tao sa kapahingahan; yaong masasamang indibidwal na minsan ay umusig sa Diyos sa ibabaw ng lupa at ang mga kaaway na mga suwail sa Kanya sa lupa ay nawasak na; sila ay nawasak na sa pamamagitan ng malalaking sakuna ng mga huling araw. Pagkatapos na yaong masasamang indibidwal ay ganap nang nawasak, hinding-hindi na muling mababatid ng lupa ang panliligalig ni Satanas. Matatamo ng sangkatauhan ang ganap na kaligtasan, at dito pa lamang ganap na magtatapos ang gawain ng Diyos. Ito ang mga kinakailangan para ang Diyos at ang tao ay makapasok sa kapahingahan.

Hul 5, 2018

Bakit hindi ginagamit ng Diyos ang tao para gawin ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw sa halip na magkatawang-tao Siya at gawin Niya Mismo iyon?

salita ng Diyos, Kaharian, landas, kaligtasan, Espiritu

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:
Sapagka’t ang Ama’y hindi humahatol sa kanino mang tao, kundi ipinagkaloob niya sa Anak ang buong paghatol” (Juan 5:22).
At binigyan niya siya ng kapamahalaang makahatol, sapagka’t siya’y anak ng tao” (Juan 5:27).

Hul 4, 2018

Kidlat ng Silanganan | Salita ng Diyos | Dapat Ninyong Isaalang-alang ang Inyong mga Gawa

relihiyon, Diyos, kaharian, landas, kaligtasan

Batay sa mga kilos at gawa ng inyong buhay, lahat kayo ay kailangan ang araw-araw na pagdaloy ng mga salita upang tustusan at muling punan kayo, dahil kayo ay masyadong nagkukulang, at ang inyong kaalaman at kakayahan upang makatanggap ay masyadong kakaunti. Sa inyong araw-araw na pamumuhay, nakatira kayo sa isang kapaligiran at kaligiran na walang katotohanan o mabuting katinuan. Kulang kayo sa puhunan para sa pag-iral at hindi nagkaroon ng batayan na makilala Ako o ang katotohanan. Ang inyong pananampalataya ay itinayo lamang sa isang di-malinaw na pagtitiwala o sa mga ritwal ng relihiyon at kaalamang lubos na batay sa doktrina. Araw-araw Kong minamasdan ang inyong mga pagkilos at sinusuri ang inyong mga intensyon at masamang bunga. Hindi Ako kailanman nakatagpo ni isa na totoong inilagay ang kanyang puso at espiritu sa Aking altar, na hindi kailanman nalipat. Samakatuwid, hindi Ko nais na ibuhos nang walang kabuluhan ang lahat ng salita na nais Kong ihayag sa sangkatauhan. Sa Aking puso, Ako ay nagpaplano lamang na kumpletuhin ang Aking hindi natapos na gawain at dalhin ang kaligtasan sa sangkatauhan na ililigtas Ko pa lang. Gayon pa man, nais Ko para sa lahat ng sumunod sa Akin na makatanggap ng Aking kaligtasan at ang katotohanan ng Aking salita na ipinagkaloob sa tao. Umaasa Ako na isang araw, kapag isinara mo ang iyong mga mata, makikita mo ang isang lupain kung saan ang samyo ay pupuno sa hangin at ang mga balon ng buhay na tubig ay dadaloy, hindi isang walang sigla, malamig na mundo kung saan ang kadiliman ay binabalot ang kalangitan at ang mga alulong ay hindi kailanman magwawakas.

Hun 24, 2018

Kristianong Awitin | Tanging Landas ng Sangkatauhan Upang Makapasok sa Kapahingahan

🍇¸.•*♡*•☆•.¸¸🍇¸.•*♡*•☆•.¸¸🍇¸.•*♡*•☆•.¸¸🍇¸.•*♡*•☆•.¸¸🍇¸.•*♡*•☆•.¸¸

I Yaong tumatayong matatag sa huling paglilinis ng Diyos sa pamamagitan ng pagkastigo at paghatol ay makakapasok sa huling pahinga. Yaong nakalaya mula sa impluwensiya ni Satanas ay makukuha ng Diyos at papasok sa huling kapahingahan. Ang diwa ng paghatol at pagkastigo ay upang linisin ang tao para sa kanyang huling pahinga. Kung wala ang gawaing ito, tao'y hindi magagawang sundin ang kanyang uri. Ito ang tanging daan upang makapasok sa kapahingahan.

Hun 6, 2018

Kidlat ng Silanganan | Salita ng Diyos | Ang Layunin ng Pamamahala sa Sangkatauhan


Kung maaari lamang na talagang lubos na maunawaan ng mga tao ang tamang landas ng buhay ng tao pati na din ang layunin ng pamamahala ng Diyos sa sangkatauhan, hindi nila panghahawakan ang kanilang indibidwal na kinabukasan at kapalaran bilang isang kayamanan sa kanilang puso. Hindi na nila nanaising magsilbi sa kanilang mga magulang na mas masahol pa sa mga baboy at mga aso. Ang kinabukasan ba at kapalaran ng tao ay hindi talaga ang kasalukuyang inaakala na “mga magulang” ni Pedro? Sila ay katulad lamang ng sariling laman at dugo ng tao. Ang destinasyon, ang kinabukasan ba ng laman ay ang makita ang Diyos habang nabubuhay, o para sa kaluluwa na makita ang Diyos pagkatapos ng kamatayan? Matatapos ba ang laman sa hinaharap sa isang malaking pugon tulad ng sa mga kapighatian, o ito ba ay sa nasusunog na apoy? Hindi ba ang mga tanong na gaya nito na nauukol sa kung ang laman ng tao ay makakatagal sa kasawian o pagdurusa ang pinakamalaking balita na sinuman sa daloy na ito na may utak at nasa kanilang tamang isip ay pinaka-ikinababahala? (Dito, ang pagtitiis ng pagdurusa ay tumutukoy sa pagtanggap ng mga pagpapala; ang pagdurusa ay nangangahulugan na ang mga pagsubok sa hinaharap na makabubuti para sa patutunguhan ng sangkatauhan. Ang kasawian ay tumutukoy sa pagiging hindi kayang tumayo nang matatag, o nalilinlang; o, ito ay nangangahulugan na ang isang tao ay nakakatagpo ng mga di-kanais-nais na krisis sa gitna ng mga sakuna at ang kanilang buhay ay mahirap na pangalagaan, at na walang naaangkop na patutunguhan para sa kaluluwa.) Ang mga tao ay nasangkapan ng mahusay na katuwiran nguni’t marahil ang kanilang iniisip ay hindi lubos na tumutugma sa kung ano ang dapat na isangkap sa kanilang katuwiran. Ito ay dahil sa sila ay medyo mangmang at pikit-matang sumusunod sa mga bagay. Silang lahat ay dapat na magkaroon ng ganap na pagkakaunawa sa dapat nilang pasukin, at dapat nilang partikular na uriin kung ano ang dapat pasukin sa panahon ng kapighatian (samakatuwid nga, sa panahon ng pagpipino ng pugon), at kung ano ang dapat na mayroon sila sa pagsubok ng apoy. Huwag palaging pagsilbihan ang iyong mga magulang (nangangahulugan ang laman) na parang mga baboy at mga aso, at masahol sa mga langgam at mga kulisap. Ano ang punto ng paghihirap para dito, pag-iisip nang sobra, pagpapahirap sa iyong mga utak? Ang laman ay hindi sa iyo, nguni’t nasa mga kamay ng Diyos na hindi lamang nagkokontrol sa iyo nguni’t nag-uutos din kay Satanas. (Orihinal na nangangahulugan na ito ay pag-aari ni Satanas. Dahil si Satanas ay nasa mga kamay din ng Diyos, ito ay maaari ding ilagay sa gayong paraan. Dahil ito ay mas mapanghikayat na sabihin sa ganoong paraan—ito ay nagmumungkahi na ang mga tao ay hindi ganap na nasa ilalim ng sakop ni Satanas, nguni’t nasa mga kamay ng Diyos.) Ikaw ay nabubuhay sa ilalim ng pagpapahirap ng laman, subali’t ang laman ba ay iyo? Ito ba ay nasa ilalim ng iyong kontrol? Bakit pinag-aabalahang pahirapan ang iyong mga utak dito? Bakit pinag-aabalahang patuloy na pagisipang magsumamo sa Diyos para sa iyong bulok na laman na matagal nang hinatulan at sinumpa, pati na rin nadungisan ng mga maduduming espiritu? Bakit pinag-aabalahan na palaging panatilihin ang mga kasama ni Satanas na malapit sa iyong puso? Hindi ka ba nag-aalala na maaaring sirain ng laman ang iyong tunay na kinabukasan, mga kahanga-hangang pag-asa, at ang tunay na patutunguhan para sa iyong buhay?
Ang landas ng kasalukuyan ay hindi madaling lakaran. Maaaring sabihin na ito ay mahirap na dumating at labis na pambihira sa lahat ng panahon. Gayunpaman, sinong mag-iisip na ang laman ng tao lamang ay sapat na upang sirain siya kaagad? Ang gawain ngayon ay tiyak na kasing halaga ng ulan sa tagsibol at kasing halaga ng kabaitan ng Diyos sa tao. Gayunpaman, kung hindi nalalaman ng tao ang layunin ng Kanyang gawain ngayon o nauunawaan ang sangkap ng sangkatauhan, paano pag-uusapan ang kahalagahan at pagiging mamahalin nito? Ang laman ay hindi nabibilang sa mga tao mismo, kaya walang nakakakita nang malinaw kung saan ang aktwal na patutunguhan nito. Gayunpaman, dapat mong malamang mabuti na ibabalik ng Panginoon ng sangkalikhaan, na nilikha, sa kanilang orihinal na katayuan, at panunumbalikin ang kanilang orihinal na imahe mula sa panahon ng kanilang paglikha. Ganap niyang kukuhaning muli ang hininga na Kanyang inihinga sa tao, at kukuhaning muli ang mga buto at laman at isasauli sa Panginoon ng sangkalikhaan. Ganap niyang papagbaguhing-anyo at papalitan ng bago ang sangkatauhan at kukuhaning muli mula sa tao ang buong pamana na orihinal na hindi sa sangkatauhan, nguni’t pag-aari ng Diyos. Hindi na Niya ito ibibigay sa sangkatauhan. Dahil wala sa alinman sa mga bagay na iyon ay orihinal na pag-aari ng sangkatauhan. Kukuhanin niya silang lahat—ito ay hindi isang hindi makatarungang pandarambong, nguni’t ito ay naglalayon na panumbalikin ang langit at lupa sa kanilang orihinal na kalagayan, at na papagbaguhing-anyo at panibaguhin ang tao. Ito ang makatwirang patutunguhan ng tao, bagama’t marahil hindi nito ito muling kukuhanin pagkatapos na kastiguhin ang tao gaya ng ipinapalagay ng tao. Hindi nais ng Diyos ang mga kalansay ng laman pagkatapos ng pagkasira nito, kundi ang mga orihinal na mga elemento sa tao na pag-aari ng Diyos noong simula. Kaya, hindi Niya pupuksain ang sangkatauhan o ganap na lilipulin ang laman ng tao, dahil ang laman ng tao ay hindi isang pribadong pag-aari na pag-aari ng tao. Sa halip, ito ay dagdag ng Diyos, na namamahala sa sangkatauhan. Paano niya pupuksain ang laman ng tao para sa Kanyang “kasiyahan”? Sa oras na ito, talaga bang pinakawalan mo na ang lahat ng iyong laman na hindi man lamang nagkakahalaga ng isang sentimo? Kung maaari mong maintindhan ang tatlumpung porsiyento ng gawain ng mga huling araw (tatlumpung porsiyento lamang, iyon ay pag-unawa ng gawain ng Espiritu Santo ngayon, pati na rin ang gawain ng salita na ginagawa ng Diyos sa mga huling araw), kung gayon hindi mo patuloy na “paglilingkuran” o maging “deboto” sa iyong laman kagaya ng ginagawa mo ngayon, na naging tiwali sa maraming mga taon. Dapat mong maunawaan nang lubusan na ang mga tao ay nakasulong na sa isang hindi pa kailanman nagawang kalagayan at hindi na magpapatuloy na umunlad na pasulong tulad ng mga gulong ng kasaysayan. Ang iyong inaamag na laman ay matagal nang nabalutan ng mga langaw, kaya paano ito magkakaroon ng kapangyarihan na baligtarin ang mga gulong ng kasaysayan na pinagana ng Diyos na magpatuloy hanggang sa araw na ito? Paano nito maaaring gawin ang orasan na nitong mga huling araw ay parang pipi na muling tumiktik at patuloy na igalaw ang mga kamay na paikot sa kanan? Paano nito muling babaguhing-anyo ang mundo na mukhang nababalutan ng makapal na ulap? Maaari bang muling pasiglahin ng iyong laman ang mga bundok at mga ilog? Maaari bang ang iyong laman, na may iisa lamang na maliit na tungkulin, ay talagang ibalik na muli ang uri ng mundo ng sangkatauhan na iyong ninanais? Maaari mo ba talagang turuan ang iyong mga inapo na maging “mga tao”? Nakukuha mo na ba ito ngayon? Ano eksakto ang kinabibilangan ng iyong laman? Ang orihinal na intensiyon ng Diyos para sa paggawa sa tao, para gawing perpekto ang tao, at para baguhing-anyo ang tao ay hindi upang bigyan ka ng magandang tinubuang bayan o magdala ng mapayapang pahinga sa laman ng tao. Sa halip, ito ay alang-alang sa Kanyang kaluwalhatian at Kanyang patotoo, para sa mas mabuting kasiyahan ng sangkatauhan sa hinaharap, at upang kanilang ikasiyang magpahinga sa lalong madaling panahon. Lalo pa, hindi ito para sa iyong laman, dahil ang tao ang kapital ng pamamahala ng Diyos at ang laman ng tao ay dagdag lamang. (Ang tao man ay isang bagay na may parehong espiritu at katawan, samantalang ang laman ay isa lamang masisirang bagay. Ito ay nangangahulugan na ang laman ay isang kagamitan para sa plano ng pamamahala.) Dapat mong malaman na ang paggawang perpekto ng mga tao, paggawang ganap ng mga tao, at pagkakamit ng mga tao ay walang dinala maliban sa mga espada at pagdagok para sa kanilang laman, at nagdala ng walang katapusang pagdurusa, ng pagsusunog ng apoy, walang habag na paghatol, pagkastigo, at sumpa, pati na rin walang hanggang mga pagsubok. Gayon ang kasaysayan sa loob at katotohanan ng ng pamamahala ng tao. Gayunpaman, ang lahat ng mga ito ay naglalayon laban sa laman ng tao, at lahat ng mga dulo ng sibat ng poot ay walang awang nakadirekta sa laman ng tao (dahil ang tao ay orihinal na inosente). Ang lahat ng iyon ay para sa kapakanan ng Kanyang kaluwalhatian at patotoo, at para sa Kanyang pamamahala. Ito ay dahil sa ang Kanyang gawain ay hindi lamang para sa kapakanan ng sangkatauhan, nguni’t ito ay para sa buong plano at upang tuparin ang Kanyang orihinal na kalooban nang Kanyang ginawa ang sangkatauhan. Kaya, marahil siyamnapung porsiyento ng dinadanas ng mga tao ay mga paghihirap at mga pagsubok ng apoy, nguni’t may napakakaunti o wala man lang matatamis o masayang mga araw na ninais ng laman ng tao, at hindi man nila higit na nagawang tamasahin ang masasayang mga sandali sa laman na ginugugol sa magagandang mga gabing kasama ang Diyos. Ang laman ay marumi, kaya ang nakikita o tinatamasa ng laman ng tao ay walang anuman kundi ang pagkastigo ng Diyos na hindi pinapaboran ng tao, at na parang nagkukulang sa normal na dahilan. Ito ay dahil Kanyang ihahayag ang Kanyang makatwirang disposisyon na hindi pinapaboran ng tao, na hindi pinahihintulutan ang mga kasalanan ng tao, at kinapopootan ang mga kaaway. Lantarang ibinubunyag ng Diyos ang lahat ng kanyang disposisyon sa pamamagitan ng anumang mga paraan na kailangan, sa gayong paraan ay tinatapos ang gawain ng Kanyang anim-na-libong taong labanan kay Satanas—ang gawain ng pagliligtas sa lahat ng sangkatauhan at ang pagkawasak sa sinaunang Satanas!
Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Rekomendasyon:
Pag-imbestiga sa Kidlat ng Silanganan 
Alamin pa ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw

May 30, 2018

Kidlat ng Silanganan | Pag-bigkas ng Diyos | Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (3)

Espiritu, Jesus, langit, landas, Diyos

Kapag ipinatutupad ng Diyos ang Kanyang gawain, Siya ay dumarating hindi upang makibahagi sa anumang pagtatayo o mga pagkilos; Siya ay dumarating upang tuparin ang kanyang ministeryo. Sa bawat pagkakataon na Siya ay nagiging katawang-tao, ito ay para lamang maisakatuparan ang isang yugto ng gawain at magbukas ng isang bagong kapanahunan. Ngayon ay Kapanahunan ng Kaharian, at ang tao ay pumasok sa pagsasanay ng kaharian. Ang yugtong ito ng gawain ay hindi gawain ng tao o para gawing ganap ang tao sa isang partikular na antas; ito ay para buuin ang isang bahagi ng gawain ng Diyos. Ang Kanyang gawain ay hindi ang gawain ng tao at hindi upang gawing ganap ang tao sa isang partikular na antas bago Niya lisanin ang lupa; ito ay upang lubos na tuparin ang Kanyang ministeryo at tapusin ang gawain na kailangan Niyang gawin, na gumawa ng angkop na pagsasaayos para sa Kanyang gawain sa lupa, sa gayon ay magiging maluwalhati. Ang gawain ng nagkatawang-tao na Diyos ay hindi tulad ng mga ginamit ng Banal na Espiritu. Kapag ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain sa lupa, ang pananagutan Niya lamang ay sa katuparan ng Kanyang ministeryo. Patungkol naman sa lahat ng iba pang mga bagay na walang kinalaman sa Kanyang ministeryo, sadyang hindi Siya nakikibahagi, maging hanggang sa puntong nagwawalang-bahala siya. Isinasagawa lamang Niya ang gawaing dapat Niyang gawin, at pinakahuli sa Kanyang pananagutan ay ang tungkol sa gawaing dapat gawin ng tao. Ang gawain na ginagawa Niya ay kaugnay lamang sa kapanahunang kinapapalooban Niya at ang ministeryo na dapat Niyang tuparin, na para bagang ang iba pang bagay ay hindi Niya tungkulin. Hindi Niya binibigyan ang Kanyang sarili ng mas maraming payak na kaalaman sa pamumuhay bilang tao, at hindi Niya inaaral ang ibang kasanayang pakikipagkapwa o ano man na naiintindihan ng tao. Hindi Siya nagpapakita ng pag-aalala sa lahat ng dapat ibigay sa tao at ang tanging ginagawa ay ang gawain na Kanyang tungkulin. At kaya, sa paningin ng tao, ang nagkatawang-tao na Diyos ay lubhang “kulang”, na maging hanggang sa puntong pinagwawalang-bahala Niya ang maraming bagay na dapat mayroon ang tao, at wala Siyang pang-unawa sa mga ganitong bagay. Ang mga bagay tulad ng pangkalahatang kaalaman sa buhay, pati na rin ang mga prinsipyo ng pag-uugali at pakikipag-ugnayan sa iba ay nagmumukhang hindi mahalaga para sa Kanya. Sa kabila nito, hindi mo mararamdaman mula sa nagkatawang-tao na Diyos ang kahit na kaunting di normal na pag-uugali. Ibig sabihin, pinananatili lamang ng Kanyang pagkatao ang Kanyang buhay bilang isang karaniwang tao na may karaniwang pangangatwiran ng Kanyang pag-iisip, na nagbibigay sa Kanya ng kakayahang kumilala ng kaibahan ng tama at mali. Gayunman, hindi Siya binigyan ng anumang bagay, na para sa tao (mga nilikhang tao) lamang. Ang Diyos ay naging tao lamang upang matupad ang Kanyang ministeryo. Ang Kanyang gawain ay nakadirekta para sa isang buong kapanahunan at hindi sa anumang partikular na tao o lugar. Ang Kanyang gawain ay nakadirekta para sa buong sansinukob. Ito ang direksyon ng Kanyang gawain at sa pamamagitan ng prinsipyong ito Siya ay gumagawa. Walang makakapagpabago nito, at hindi maaaring makibahagi ang tao. Sa bawat pagkakataong ang Diyos ay nagiging katawang-tao, dinadala Niya sa Kanya ang gawain ng gayong kapanahunan, at hindi ang layunin na mamuhay kasama ng tao sa loob ng dalawampu, tatlumpu, apatnapu, o kahit pitumpu, walumpu upang mas mahusay nilang maunawaan at makamit ang kabatiran sa Kanya. Walang pangangailangan para sa ganyan! Gawin man iyon hindi nito mapapalalim ang kaalamang taglay ng tao ukol sa likas na disposisyon ng Diyos; sa halip, makakadagdag lang ito sa kanilang mga paniwala at gagawing makaluma ang mga paniwala at mga saloobin ng tao. At dapat ninyong maintindihang lahat kung ano talaga ang gawain ng nagkatawang-taong Diyos. Posible kaya na hindi ninyo nauunawaan ang Aking mga salita: “Ako ay dumating hindi upang maranasan ang buhay ng isang karaniwang tao”? Nalimutan ba ninyo ang mga salitang: “Ang Diyos ay dumating sa lupa hindi upang isabuhay ang buhay ng isang karaniwang tao”? Hindi ninyo nauunawaan ang layunin ng Diyos sa pagiging tao, ni nalalaman ninyo ang kahulugan ng “Paanong ang Diyos ay dumating sa lupa sa layuning maranasan ang buhay ng isang nilalang”? Dumating ang Diyos sa mundo para ganapin lamang ang Kanyang gawain, at kaya ang Kanyang gawain sa mundo ay hindi nagtagal. Dumating Siya sa mundo na walang layunin na linangin ng Espiritu ng Diyos ang Kanyang laman tungo sa isang pambihirang lider ng iglesia. Kapag dumating ang Diyos sa mundo, ito ay ang Salita na naging tao; gayunman, ang tao, ay hindi nakakakilala ng Kanyang gawain at ipinipilit ang nasabing layunin sa Kanya. Ngunit dapat ninyong maunawaang lahat na ang Diyos ay ang Salita na nagkatawang- tao, hindi laman na nilinang ng Espiritu ng Diyos upang pansamantalang panindigan ang tungkulin ng Diyos. Ang Diyos Mismo ay hindi nilinang, ngunit ang Salita na nagkatawang-tao, at ngayon opisyal Niyang isinasagawa ang Kanyang gawain sa inyong lahat. Nalalaman ninyong lahat at kinikilala na ang pagkakatawang-tao ng Diyos ay isang katotohanan, ngunit nagkukunwari kayo sa isang pagkaunawa na sa totoo lang ay hindi ninyo taglay. Hindi ninyo lahat pinahahalagahan ang gawain ng nagkatawang-taong Diyos o ang kahalagahan at ang katuturan ng kanyang pagiging katawang-tao, at basta na lamang ninyo binibigkas ang mga salitang sinasabi ng iba. Naniniwala ka ba na ang nagkatawang-taong Diyos ay gaya ng iyong inaakala?

May 19, 2018

Alamin ang layunin ng tatlong yugto ng gawain ng pamamahala ng Diyos sa sangkatauhan

★⋰ * ⋱★⋰ *⋱★⋰*⋱★⋰ * ⋱★⋰ *★⋰ * ⋱★⋰ *⋱★⋰*⋱★⋰ * ⋱★⋰ *
buhay, pananampalataya sa Diyos, landas, langit, katotohanan

Nauugnay sa mga Salita ng Makapangyarihang Diyos
  Ang kabuuan ng Aking plano sa pamamahala, isang plano na sumasaklaw ng anim na libong taon, ay binubuo ng tatlong yugto, o tatlong kapanahunan: ang Kapanahunan ng Kautusan sa pasimula; ang Kapanahunan ng Biyaya (na tinatawag ding Kapanahunan ng Pagtubos); at ang Kapanahunan ng Kaharian sa mga huling araw. Ang aking gawain sa tatlong kapanahunang ito ay nagkakaiba sa nilalaman ayon sa kalikasan ng bawat kapanahunan, ngunit sa bawat yugto ito ay tumutugma sa mga pangangailangan ng tao-o, upang maging mas tumpak, ito ay tinutupad batay sa mga panlilinlang na ginagamit ni Satanas sa Aking pakikipagdigma laban dito. Ang layunin ng Aking gawain ay upang talunin si Satanas, upang ipakita ang Aking karunungan at walang-hanggang kapangyarihan, upang ilantad ang lahat ng mga panlilinlang ni Satanas, at sa gayon ay iligtas ang buong lahi ng tao, na namumuhay sa ilalim ng sakop nito. Ito ay upang ipakita ang Aking karunungan at walang-hanggang kapangyarihan habang ibinubunyag ang di-matiis na pagiging kakila-kilabot ni Satanas. Lalong higit pa, ito ay upang turuan ang Aking mga nilalang na kumiling sa pagitan ng mabuti at masama, upang makilala na Ako ang Tagapamahala ng lahat ng bagay, upang makita nang malinaw na si Satanas ay kaaway ng sangkatauhan, ang pinakamababa sa mababa, ang siyang masama, at upang makita, nang may katiyakang walang-pasubali, ang pagkakaiba sa pagitan ng mabuti at masama, katotohanan at kasinungalingan, kabanalan at karumihan, at kung ano ang dakila at kung ano ang hamak. Sa ganitong paraan, ang mangmang na sangkatauhan ay makakayang maging saksi sa Akin na hindi Ako ang tumitiwali ng sangkatauhan, at tanging Ako lamang-ang Panginoon ng sangnilikha-ang makapagliligtas sa sangkatauhan, ang makapagbibigay sa tao ng mga bagay na ikasisiya nila; at kanilang malalaman na Ako ang Tagapamahala ng lahat ng bagay at si Satanas ay isa lamang sa Aking mga nilikha at nang naglaon ay kumalaban sa Akin.

May 13, 2018

Kristianong video | Babagsak ang Lungsod (Trailer)


Latest Christian Full Movie 2018 | "Babagsak ang Lungsod" | God is My Salvation (Tagalog Dubbed)

Ang Kristiyanong si Cheng Huize ay isang kapanalig sa isang bahay-iglesia sa China. Nakita niya na nagbukas ng isang pabrika ang kanyang iglesia at hinikayat ng pastor ang mga nananalig na sumapi sa Three-Self Church para sumuko sa gobyernong CCP. Nagpakahirap nang hayagan at patago ang pastor at elder ng iglesia para mapanatili ang kanilang personal na kalagayan at pangalan, nagkainggitan, at nahati ang iglesia.

May 8, 2018

Ang Kaligtasan ay Maaari Lamang Makamtan sa Pamamagitan ng Pananampalataya sa Makapangyarihang Diyos


Cristo, Jesus, Espiritu, Langit, Landas

♡*•☆•.¸¸.•*♡*•☆•.¸¸.•*♡*•☆•.¸¸.•*♡*•☆•.¸¸.•*♡*•☆•.¸¸.•*♡*•☆•.¸¸.•*♡*•.¸¸.•*♡*•☆•.¸¸.•*♡


Nauugnay sa mga Salita ng Makapangyarihang Diyos


      Nang si Jesus ay naparito sa mundo ng tao, dinala Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at tinapos ang Kapanahunan ng Kautusan. Sa panahon ng mga huling araw, ang Diyos ay muling naging katawang-tao, at nang Siya’s naging katawang-tao sa panahong ito, tinapos Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at dinala ang Kapanahunan ng Kaharian. Ang lahat ng mga tumatanggap sa ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay madadala tungo sa Kapanahunan ng Kaharian, at personal na makakatanggap ng paggabay ng Diyos. Bagaman maraming ginawa si Jesus kapiling ang tao, kinumpleto lamang Niya ang pagtutubos sa buong sangkatauhan at naging pinakahandog para sa kasalanan ng tao, at hindi inalis sa tao ang lahat ng kanyang tiwaling disposisyon. Ang ganap na pagliligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang nangailangan kay Jesus na akuin ang mga kasalanan ng tao bilang handog para sa kasalanan, kundi nangailangan din sa Diyos na gumawa ng mas malaking gawain upang ganap na tanggalin sa tao ang kanyang disposisyon, na napasama ni Satanas. At sa gayon, matapos mapatawad ang tao sa kanyang mga kasalanan, ang Diyos ay nakabalik sa katawang-tao upang pangunahan ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan ang gawain ng pagkastigo at paghatol, at ang gawaing ito ay nagdala sa tao sa isang mas mataas na kinasasaklawan. Ang lahat ng nagpapasailalim sa Kanyang dominyon ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at makakatanggap ng mas malaking mga pagpapala. Sila’y tunay na mamumuhay sa liwanag, at makakamtan ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.

Abr 10, 2018

Salita ng Diyos | Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao


Langit, Diyos, Walang hanggan, Landas, Buhay,

      Mula ng sandaling isilang kang umiiyak sa mundong ito, sinimulan mo nang gawin ang iyong tungkulin. Ginagampanan mo ang iyong papel ayon sa plano ng Diyos at sa pagtatalaga ng Diyos. Sinimulan mo ang paglalakbay ng buhay. Anuman ang iyong kinagisnan at anumang paglalakbay ang nasa iyong hinaharap, walang maaaring makaligtas sa pagsasaayos at pagkakaayos na inilaan ng Langit, at walang sinuman ang may kontrol ng kanilang kapalaran, sapagkat Siya lamang na namumuno sa lahat ng bagay ang may kakayahan ng naturang gawain. Mula ng araw na dumating ang pag-iral ng tao, ang Diyos ay naging matatag sa Kanyang gawain, namamahala sa sansinukob at nangangasiwa sa pagbabago at paggalaw ng lahat ng mga bagay. Tulad ng lahat ng mga bagay, tahimik at hindi alintanang tinatanggap ng tao ang sustansya ng katamisan at ng ulan at hamog mula sa Diyos. Tulad ng lahat ng mga bagay, hindi alam ng tao na siya’y namumuhay sa ilalim ng pagsasaayos ng kamay ng Diyos. Ang puso at espiritu ng tao ay tangan ng kamay ng Diyos, at lahat ng buhay ng tao ay nakikita ng mga mata ng Diyos. Ikaw man ay naniniwala rito o hindi, anuman at lahat ng mga bagay, buhay o patay, ay magpapalipat-lipat, magbabago, manunumbalik, at maglalaho ayon sa mga saloobin ng Diyos. Ganito mamahala sa lahat ng bagay ang Diyos.

Mar 27, 2018

Ang Kalooban ng Diyos | Tanging ang mga Ginawang Perpekto ang Maaaring Mamuhay ng Makahulugang Buhay


Buhay, Jesus, landas, katotohanan, kapalaran


    Sa katunayan, ang gawain na ginagawa ngayon ay upang talikdan ng mga tao si Satanas, talikdan ang kanilang dating ninuno. Nilalayon ng lahat ng mga paghatol ayon sa salita na ilantad ang tiwaling disposisyon ng sangkatauhan at mangyaring maipaunawa sa mga tao ang diwa ng buhay. Ang paulit-ulit na mga paghatol na ito ay tumatagos lahat sa mga puso ng mga tao. Tuwirang nakaaapekto ang bawat paghatol sa kanilang kapalaran at sinadyang sugatan ang kanilang mga puso upang mapakawalan nila ang lahat ng mga bagay na iyon at sa gayon mapanuto sa buhay, malaman ang maruming mundong ito, at malaman din ang karunungan ng Diyos at kapangyarihan at malaman ang sangkatauhang ito na ginawang tiwali ni Satanas. Habang nararagdagan ang ganitong uri ng pagkastigo at paghatol, lalong masusugatan ang puso ng tao at lalong magigising ang kanyang espiritu. Ang layunin ng mga ganitong uri ng paghatol ay ang paggising sa mga espiritu ng mga lubhang tiwali at pinakanalinlang sa mga tao. Walang espiritu ang tao, iyon ay, namatay ang kanyang espiritu sa matagal na panahong nakalipas at hindi niya alam na may langit, hindi alam na may Diyos, at tiyak na hindi batid na siya ay nagpupumiglas sa kailaliman ng kamatayan; paano niya posibleng malalaman na siya ay namumuhay sa buktot na impiyerno sa daigdig? Paano niya posibleng malalaman na ang nabubulok na bangkay niya ay, sa pamamagitan ng katiwalian ni Satanas, ay nahulog sa Hades ng kamatayan? Paano niya posibleng malaman na ang lahat ng bagay sa daigdig ay matagal nang sira na hindi na makukumpuni ng sangkatauhan? At paano niya posibleng malaman na ang Maylalang ay dumating sa daigdig sa ngayon at naghahanap ng isang grupo ng mga tiwaling tao na Kanyang ililigtas? Kahit matapos na maranasan ng tao ang bawat posibleng kapinuhan at paghatol, ang kanyang mapurol na kamalayan ay bahagya pang napukaw at tila walang tugon. Napakasama ng sangkatauhan! Bagaman ang ganitong paghatol ay tulad ng malupit na graniso na nahuhulog mula sa kalangitan, ito ang pinakadakilang pakinabang sa tao. Kung hindi sa paghatol sa mga tao na tulad nito, walang resulta at walang pasubali na imposibleng iligtas ang mga tao sa kailaliman ng paghihirap. Kung hindi dahil sa gawaing ito, magiging napakahirap para sa mga tao na lumabas mula sa Hades dahil ang kanilang mga puso ay namatay sa matagal ng panahon at ang kanilang mga espiritu ay matagal ng niyurakan ni Satanas. Ang pagligtas sa inyo na lumubog sa kailaliman ng kasamaan ay kinakailangan na walang humpay na tawagan kayo, na walang humpay na hatulan kayo, at sa gayon lamang na ang nagyeyelong puso ninyo ay magigising. Ang inyong katawang-tao, ang inyong mga mararangyang pagnanasa, ang inyong kasakiman, at ang inyong kalibugan ay malalim na nakaugat sa inyo. Ang mga bagay na ito ay walang tigil na kumokontrol sa inyong mga puso na kayo ay walang kapangyarihan na itakwil ang yugto ng mga piyudal at masasamang kaisipang iyon. Hindi kayo nananabik na baguhin ang inyong kasalukuyang sitwasyon, ni takasan ang impluwensya ng kadiliman. Kayo ay simpleng nakatali sa mga bagay na iyon. Kahit na alam ninyo na ang gayong buhay ay lubhang nakasasakit at ang gayong mundo ay napakadilim, magkagayunman, walang ni isa man sa inyo ang may tapang na baguhin ang ganitong uri ng buhay. Nananabik lamang kayo na tumakas sa ganitong tunay na buhay, pakawalan ang inyong mga kaluluwa mula sa purgatoryo, at mamuhay sa isang kapaligirang mapayapa, maligaya, at katulad ng langit. Hindi kayo handang tiisin ang mga kahirapan upang baguhin ang inyong kasalukuyang buhay; hindi kayo handang hanapin sa loob ng paghatol at pagkastigo na ito para sa buhay na dapat ninyong pasukan. Sa halip, nangangarap kayo ng mga hindi makatotohanang pangarap tungkol sa magandang mundo sa ibayo ng katawang-tao. Ang buhay na pinananabikan ninyo ay isa na walang pagpupunyagi ninyong makakamit nang hindi makararanas ng anumang kirot. Iyan ay ganap na hindi makatotohanan! Dahil kung ano ang inyong inaasahan ay hindi ang isabuhay ang makahulugang haba ng buhay sa katawang-tao at matamo ang katotohanan sa buong haba ng buhay, iyon ay, upang mamuhay para sa katotohanan at tumayo para sa katarungan. Hindi ito ang dapat isaalang-alang ninyo na isang maningning, nakasisilaw na buhay. Naramdaman ninyo na ito ay hindi kahali-halina o makahulugang buhay. Sa inyo, ang pagsasabuhay ng gayong buhay ay tunay na pagmamaliit ng inyong sarili! Kahit na tinanggap ninyo ang ganitong pagkastigo sa kasalukuyan, magkagayunman kung ano ang inyong hinahangad ay hindi upang makamit ang katotohanan o mamuhay sa katotohanan sa kasalukuyan, ngunit sa halip upang pumasok sa isang maligayang buhay sa ibayo ng katawang-tao sa kinalaunan. Kayo ay hindi naghahanap ng katotohanan, ni hindi naninindigan para sa katotohanan, at tiyak na kayo ay hindi nabubuhay para sa katotohanan. Hindi kayo naghahangad sa pagpasok sa ngayon, ngunit walang tigil na nag-iisip na may darating na araw kapag tumitingin kayo sa bughaw na kalangitan at umiyak ng mga mapapait na luha, umaasang dadalhin sa langit. Hindi ninyo ba alam na ang gayong pag-iisip ay wala na sa katotohanan? Nanatili kang nag-iisip na ang Tagapagligtas ng walang hanggang kabaitan at malasakit ay walang dudang darating isang araw na kukunin ka kasama Niya, ikaw na nagtiis ng kahirapan at pagdurusa sa mundong ito, at Siya ay walang dudang maghihiganti para sa inyo na nabiktima at inapi. Hindi ka ba puno ng kasalanan? Ikaw lamang ba ang nadusa sa mundong ito? Nahulog ka mismo sa sakop ni Satanas at nagdusa, at gayunma’y kailangan mo ang Diyos upang ipaghiganti ka? Yaong mga hindi mabigyang kasiyahan ang mga hinihingi ng Diyos—sila bang lahat ay mga kaaway ng Diyos? Yaong mga hindi naniniwala sa Diyos na nagkatawang-tao—hindi ba sila ang antikristo? Ano ang silbi ng iyong mabubuting gawa? Mapapalitan ba nila sa lugar ang isang puso na sumasamba sa Diyos? Hindi mo matatanggap ang biyaya ng Diyos sa paggawa lamang ng ilang mga mabubuting gawa, at hindi ipaghihiganti ng Diyos ang mga pagkakasala laban sa iyo dahil lamang sa nabiktima o inapi ka. Yaong mga naniniwala sa Diyos ngunit hindi kilala ang Diyos, ngunit gumagawa ng mga mabubuting gawa—hindi rin ba sila kakastiguhin? Naniniwala ka lamang sa Diyos, gusto mo lamang sa Diyos na ituwid at ipaghiganti ang mga pagkakasala laban sa iyo, at nagnanais na tustusan ka ng Diyos ng pagtatakasan mula sa iyong kahirapan. Ngunit tumatanggi kang magbigay pansin sa katotohanan; ni nauuhaw na isabuhay ang katotohanan. Lalong mas mahirap na kayanin mong tumakas sa mahirap, walang katuturang buhay. Sa halip, habang isinasabuhay ang iyong buhay sa katawang-tao at iyong buhay sa kasalanan, umaasa ka sa Diyos na itama ang iyong mga karaingan at hawiin ang hamog ng iyong pag-iral. Paano ito naging posible? Kung tinataglay mo ang katotohanan, maaari mong sundan ang Diyos. Kung isinasabuhay mo, maaaring ikaw ay kahayagan ng salita ng Diyos. Kung tinataglay mo ang buhay, malalasap mo ang biyaya ng Diyos. Yaong mga nagtataglay ng katotohanan ay maaaring tamasahin ng biyaya ng Diyos. Tinitiyak ng Diyos ang pagtutuwid para sa mga taong buong pusong iniibig Siya gayundin ang pagtitiis sa mga kahirapan at mga pagdurusa, hindi para sa mga taong iniibig lamang ang kanilang mga sarili at nasilo ng mga panlilinlang ni Satanas. Paano magkakaroon ng kabutihan sa mga taong hindi umiibig sa katotohanan? Paano magkakaroon ng pagkamatuwid sa mga taong iniibig lamang ang laman? Hindi ba ang pagkamatuwid at kabutihan ay lahat sa pagtukoy sa katotohanan? Hindi ba sila nakalaan sa mga taong buong pusong iniibig ang Diyos? Yaong mga hindi umiibig sa katotohanan at na walang iba kundi mga nabubulok na mga bangkay—hindi ba ang lahat ng mga taong ito kumukupkop sa kasamaan? Yaong mga hindi kayang isabuhay ang katotohanan—hindi ba silang lahat ay mga kaaway ng katotohanan? Paano naman kayo?

Mar 24, 2018

Kidlat ng Silanganan | Salita ng Diyos | Ang Kabuluhan ng Pagliligtas sa Mga Inápó ni Moab

Jesus, Langit, Espiritu, Landas, Buhay


    Sa dalawa hanggang tatlong taon ng gawaing ito, ang dapat sanang nakamit sa gawain ng paghatol na ginawa sa inyo ay pangunahing nagawa na. Karamihan sa mga tao ay isinantabi ang kanilang panghinaharap na mga pagkakataon at kapalaran. Gayunpaman, kapag binabanggit na kayo ang mga inápó ni Moab, marami ang hindi ito matagalan—ang inyong mukha ay tumatabingi, ang inyong bibig ay ngumingiwî, at ang inyong mga mata ay nagiging walang-sigla. Kayo ay hindi basta makapaniwala na kayo ang mga inápó ni Moab. Si Moab ay itinapon sa lupaing ito pagkatapos isumpa. Ang lahi ng anak ni Moab ay naipasa pababa hanggang ngayon, at kayong lahat ang kanyang mga inápó. Wala Akong magagawa—sinong may gawa na maisilang ka sa bahay ni Moab? Naaawa Ako sa iyo at hindi Ako sang-ayon na magkaganito ka, nguni’t ang katunayan ay hindi mababago ng mga tao. Ikaw ay isang inápó ni Moab, at hindi Ko masasabi na ikaw ay isang inápó ni David. Kung kanino ka mang inápó, ikaw ay isa pa rin sa sangnilikha. Kaya lamang ikaw ay isang nilalang na mababa ang katayuan—ikaw ay isang nilalang na mula sa hamak na kapanganakan. Ang buong sangnilikha ay dapat maranasan ang buong gawain ng Diyos, lahat sila ay mga pinag-uukulan ng Kanyang paglupig, at dapat na makita nilang lahat ang Kanyang matuwid na disposisyon, at maranasan ang Kanyang karunungan at pagkamakapangyarihan-sa-lahat. Ngayon ikaw ay isang inápó ni Moab at dapat mong tanggapin ang paghatol na ito at pagkastigo, kaya kung ikaw ay hindi isang inápó ni Moab, kung gayon hindi ba’t kailangan mo ring tanggapin ang paghatol na ito at pagkastigo? Dapat mong kilalanin ito! Sa katotohanan, ang kasalukuyang paggawa sa mga inápó ni Moab ay pinakamahalaga at pinakamakabuluhan. Yamang ang gawain ay ginagawa sa inyo, ito ay may napakalaking kabuluhan. Kung ang gawain ay ginawa sa mga inápó ni Ham ito ay hindi magiging makabuluhan dahil sila ay hindi mula sa gayong hamak na kapanganakan at ang kanilang mga kapanganakan ay hindi kapareho ng kay Moab. Ang mga inápó ng pangalawang anak ni Noe na si Ham ay isinumpa lamang—sila ay hindi nagmula sa pakikiapid. Sila nga lamang ay may mababang katayuan, dahil isinumpa sila ni Noe at sila ay mga alipin ng mga alipin. Sila ay may mababang katayuan, subali’t ang kanilang orihinal na kahalagahan ay hindi mababa. Tungkol kay Moab, alam ng mga tao na siya sa pasimula ay may mababang katayuan sapagka’t ipinanganak siya mula sa pakikiapid. Bagaman ang katayuan ni Lot ay napakataas, si Moab ay nagmula kay Lot at sa kanyang anak na babae. Bagaman si Lot ay isang matuwid na tao, si Moab ay ang pinag-ukulan pa rin ng sumpa. Si Moab ay may mababang halaga at may mababang katayuan, at kung hindi man siya isinumpa siya ay mula sa karumihan, kaya siya ay iba kay Ham. Hindi siya kumilala at lumaban, nagrebelde laban kay Jehova, ang dahilan kung bakit siya ay nahulog tungo sa pinakamadilim na mga lugar. Ang paggawa ngayon sa mga inápó ni Moab ay pagliligtas sa mga yaon na nahulog tungo sa pinakamatinding kadiliman. Bagaman sila ay isinumpa, ang Diyos ay handang magkamit ng kaluwalhatian mula sa kanila. Ito ay sapagka’t sa pasimula, silang lahat ay mga tao na walang Diyos sa kanilang mga puso—ang magawa lamang sila na mga yaong tumatalima at nagmamahal sa Kanya ay tunay na paglupig, at ang gayong bunga ng gawain ay ang pinakamakabuluhan at pinakakapani-paniwala. Ito lamang ang pagkakamit ng kaluwalhatian—ito ang kaluwalhatian na nais makamit ng Diyos sa mga huling araw. Bagaman ang mga taong ito ay may mababang katayuan, sila ngayon ay may kakayahang makamit ang gayon kadakilang kaligtasan, na tunay na pagtataas ng Diyos. Ang gawaing ito ay napakamakahulugan, at ito ay sa pamamagitan ng paghatol kaya nakakamtan Niya ang mga taong ito. Hindi Niya sinasadyang parusahan sila, kundi dumating Siya upang iligtas sila. Kung isinasagawa pa rin Niya ang gawain ng paglupig sa Israel sa panahon ng mga huling araw ito ay magiging walang-halaga; kung ito man ay magkaroon ng bunga, hindi ito magkakaroon ng anumang halaga o anumang malaking kabuluhan, at hindi Niya makakamit ang lahat ng kaluwalhatian. Siya ay gumagawa sa inyo, iyan ay, yaong mga nahulog tungo sa pinakamadilim na mga lugar, yaong mga pinakapaurong. Ang mga taong ito ay hindi kumikilala na mayroong isang Diyos at kailanman ay hindi nakaalam na mayroong isang Diyos. Ang mga nilalang na ito ay ginawang tiwali ni Satanas hanggang sa punto na nakalimutan na nila ang Diyos. Sila ay nabulag ni Satanas at wala silang kaalam-alam na mayroong isang Diyos sa langit. Sa inyong mga puso kayong lahat ay sumasamba sa mga diyus-diyosan, sinasamba si Satanas—hindi ba kayo ang pinakahamak, ang pinakapaurong na mga tao? Kayo ang pinakahamak sa laman, walang anumang pansariling kalayaan, at nagdurusa rin kayo ng mga kahirapan. Kayo rin ang mga tao sa pinakamababang antas sa lipunang ito, na wala kahit ang kalayaan ng pananampalataya. Ito ang kabuluhan ng paggawa sa inyo. Ang paggawa sa inyo ngayon, mga inápó ni Moab, ay hindi para sadyang hamakin kayo, kundi para ibunyag ang kabuluhan ng gawain. Ito ay isang dakilang pag-aangat para sa inyo. Kung ang isang tao ay may katwiran at kabatiran, sasabihin niya: “Ako ay isang inápó ni Moab. Tunay na hindi ako karapat-dapat sa ganito kadakilang pag-aangat ng Diyos na aking natanggap ngayon, o sa gayong dakilang mga pagpapala. Ayon sa aking ginagawa at sinasabi, at batay sa aking estado at kahalagahan—ako ay walang-pasubaling hindi karapat-dapat sa gayong kadakilang mga pagpapala mula sa Diyos. Ang mga Israelita ay may dakilang pag-ibig sa Diyos, at ang biyaya na kanilang tinatamasa ay ipinagkaloob Niya sa kanila, nguni’t ang kanilang estado ay lalong higit na mataas kaysa sa atin. Si Abraham ay napakatapat kay Jehova, at si Pedro ay napakatapat kay Jesus—ang kanilang katapatan ay nakahihigit sa atin ng makaisandaang ulit, at batay sa ating mga pagkilos tayo ay walang-pasubaling hindi karapat-dapat sa pagtatamasa ng biyaya ng Diyos.” Ang paglilingkod ng mga taong ito sa Tsina ay hindi maaaring madala sa harap ng Diyos kahit kailan. Ito ay ganap na magulo, at ang lubhang pagtatamasa ninyo ngayon ng biyaya ng Diyos ay totoong pagtataas ng Diyos! Kailan ba ninyo nahanap ang gawain ng Diyos? Kailan ba ninyo naisakripisyo ang inyong buhay para sa Diyos? Kailan ba ninyo naisuko ang inyong pamilya, inyong mga magulang, at ang inyong mga anak? Wala sa inyong nakabayad ng malaking halaga! Kung hindi sa paglalabas ng Banal na Espiritu sa iyo, ilan sa inyo ang makakayang isakripisyo ang lahat? Dahil lamang sa kayo ay napuwersa at napilitan kaya kayo ay nakasunod hanggang ngayon. Nasaan ang inyong debosyon? Nasaan ang inyong pagsunod? Batay sa inyong mga pagkilos, matagal na sana kayong winasak—dapat sana ay winalis kayo nang malinis. Anong karapatan ninyo na magtamasa ng gayong kalaking mga pagpapala—kayo ay ganap na hindi karapat-dapat! Sino sa gitna ninyo ang bumuo ng kanyang sariling landas? Sino sa gitna ninyo ang nakasumpong sa totoong daan sa kanyang sarili? Kayong lahat ay tamad at matakaw, walang-kwentang hampaslupa na buong-kasakiman na nagpapasasà sa kaginhawahan! Palagay ba ninyo ay napakadakila ninyo? Ano’ng inyong ipagyayabang? Kahit na hindi Ko sinabing kayo ay mga inápó ni Moab, ang inyo bang kalikasan, ang inyong lugar ng kapanganakan ang pinakamataas? Kahit na hindi Ko sinabing kayo ay mga inapo ni Moab, hindi ba kayong lahat ay tunay na mga anak ni Moab? Ang katotohanan ba ng mga katunayan ay mababago? Ang paglalantad ba ng inyong kalikasan ngayon ay sumasalungat sa katotohanan ng mga katunayan? Tingnan kung gaano kayo kaalipin, ang inyong mga buhay, ang inyong mga pag-uugali—hindi ba ninyo alam na kayo ang pinakamababa sa lahat ng mababa sa gitna ng sangkatauhan? Ano’ng inyong ipagyayabang? Tingnan ang inyong katayuan sa lipunan. Hindi ba’t kayo ay nasa pinakamababang antas? Palagay ba ninyo ay nagkamali Ako sa pagsasalita? Inialay ni Abraham si Isaac. Ano’ng inyong naialay? Inialay ni Job ang lahat ng bagay. Ano’ng inyong naialay? Napakaraming tao ang nagbigay ng kanilang mga buhay, nagtayâ ng kanilang mga ulo, nagbuhos ng kanilang dugo upang hanapin ang tunay na daan. Nakabayad ba kayo ng halagang iyan? Sa pagkukumpara, kayo ay hindi kailanman kwalipikadong magtamasa ng gayong kalaking biyaya, kaya nagkakamali ba sa inyo kung sabihin ngayon na kayo ang mga inápó ni Moab? Huwag ninyong tingnan ang inyong mga sarili nang napakataas. Wala kang maipagyayabang. Ang gayong kadakilang kaligtasan, gayong kalaking biyaya ay ibinigay sa inyo nang libre. Wala kayong naisakripisyo, nguni’t basta nagtamasa ng biyaya nang libre. Hindi ba kayo nahihiya? Ang tunay na daang ito ba ay isang bagay na nasumpungan ninyo sa inyong mga sarili sa pamamagitan ng paghahanap? Hindi ba’t ang Banal na Espiritu ang pumilit sa inyo na tanggapin ito? Kayo ay hindi kailanman nagkaroon ng puso sa paghahanap at sa partikular ay wala kayong mga puso ng paghahanap ng katotohanan, ng pananabik sa katotohanan. Nangakaupo lamang kayo at nasisiyahan dito, at nakamit ninyo ang katotohanang ito nang walang pagsisikap sa inyong bahagi. Ano’ng inyong karapatan na dumaing? Palagay mo ba ay ikaw ang pinakamahalaga? Kumpara sa mga yaon na nagsakripisyo ng kanilang mga buhay at nagbubô ng kanilang dugo, ano’ng inyong maidaraing? Ang pagwasak sa inyo ngayon din ay kusang darating! Bukod sa pagtalima at pagsunod, wala kayong iba pang pagpipilian. Kayo ay basta hindi karapat-dapat! Karamihan sa inyo ay tinawag, nguni’t kung hindi kayo napilit ng kapaligiran o kung hindi kayo natawag, kayo ay lubos na hindi handang lumabas. Sino ang handang talikdan ang mga bagay-bagay sa ganitong paraan? Sino ang handang iwan ang mga kasiyahan ng laman? Kayong lahat ay mga tao na buong-kasakiman na nagpapasasà sa kaginhawahan at naghahanap ng isang maluhong pamumuhay! Kayo ay nagkamit ng gayong kalaking mga pagpapala—ano pa ang inyong masasabi? Ano’ng inyong mga idinaraing? Nagtamasa kayo ng pinakadakilang mga pagpapala at ng pinakadakilang biyaya sa langit, at ang gawain ay naibunyag ngayon sa inyo na hindi pa kailanman nagawa sa lupa noong una. Hindi ba ito isang pagpapala? Dahil kayo ay lumaban at nagrebelde laban sa Diyos, kayo ngayon ay sumailalim sa ganito katinding pagkastigo. Dahil sa pagkastigong ito nakita ninyo ang habag at pag-ibig ng Diyos, at higit pa nakita ninyo ang Kanyang pagkamatuwid at kabanalan. Dahil sa pagkastigong ito at dahil sa karumihan ng sangkatauhan, inyong nakita ang dakilang kapangyarihan ng Diyos, at inyong nakita ang Kanyang kabanalan at kadakilaan. Hindi ba ito ang pinakamadalang sa mga katotohanan? Hindi ba’t ito ay isang buhay na may kahulugan? Ang gawaing ginagawa ng Diyos ay punô ng kahulugan! Kaya mas mababa ang inyong katayuan, mas ipinakikita nito ang pagpapataas ng Diyos, at mas pinatutunayan nito kung gaano kahalaga ang Kanyang gawain sa inyo ngayon. Ito ay isang kayamanang walang-katumbas na halaga! Hindi ito makukuha kahit saan, at sa pagdaan ng mga kapanahunan walang sinuman ang nakapagtamasa ng gayong kadakilang kaligtasan. Ang katunayan na ang inyong katayuan ay mababa ay nagpapakita kung gaano kadakila ang pagliligtas ng Diyos, at ipinakikita nito na ang Diyos ay tapat sa sangkatauhan—Siya ay nagliligtas, hindi nagwawasak.

"Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" | Sipi 14

Ang bawa’t yugto ng gawain ng Banal na Espiritu ay kasabay na nangangailangan ng patotoo ng tao. Ang bawa’t yugto ng gawain ay isang p...