Tagalog Christian Movie | Nagbago Ang Pangalan ng Diyos?! | "May Iba pa Bang mga Salita ang Diyos Maliban sa Nasa Biblia?"
Sinasabi sa Biblia, "At nakita ko sa kanang kamay niyaong nakaupo sa luklukan ang isang aklat na may sulat sa loob at sa labas, na tinatakang mahigpit ng pitong tatak" (Pahayag 5:1). "Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia. Ang magtagumpay ay bibigyan ko ng manang natatago" (Pahayag 2:17). Sang-ayon sa Biblia, sa pagbabalik ng Panginoon sa mga huling araw ay ilaladlad Niya ang scroll o balumbon, bubuksan ang pitong tatak at ipagkakaloob sa tao ang manang natatago. Ngunit karamihan ng mga pastor at elder ng mga relihiyon ay naniniwala na lahat ng mga salita ng Diyos ay nakatala sa Biblia at walang mga salita ang Diyos maliban sa nasa Biblia. Ang ganitong uri ba ng pananaw ay naaayon sa katotohanan? Wala ba talagang mga salita ang Diyos maliban sa nasa Biblia? Aalamin ng maikling video na ito ang mga tanong na ito para sa iyo.
Inirekomendang pagbabasa: 2. Bakit Tinatawag ang Diyos sa Iba’t-ibang Pangalan sa Iba’t-ibang Kapanahunan?