Ano ang Biblia? Maraming tao ang nakakaalam na ito ay isang klasiko ng Kristiyanismo, kabilang ang Luma at Bagong Tipan, gayunpaman, kung ano ang nasa loob ng katotohanan ng Biblia, walang sinuman ang maaari itong gawing malinaw. alamin natin ang tungkol sa bibliya.
Clip ng Pelikulang Lumabas Sa Biblia (2) "Makapagtatamo ba Tayo ng Buhay na Walang Hanggan sa Pagkapit sa Biblia?"
Sa mga huling araw, ginagawa ng Makapangyarihang Diyos ang Kanyang gawain at inihahatid ang daan tungo sa buhay na walang hanggan, at sa magtatamo lang tayo ng buhay na walang hanggan sa pagtanggap sa katotohanang ipinahayag ni Cristo sa mga huling araw. Subalit sinasabi ng mga pastor at elder ng mga relihiyon na ang buhay ay nasa loob ng Biblia, at na basta’t sumusunod tayo sa Biblia magtatamo tayo ng buhay na walang hanggan. Ang Biblia ba ang may buhay na walang hanggan, o si Cristo? Noong ginagawa ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawain, ayaw tanggapin ng mga Fariseo ang pagliligtas ng Panginoon base sa pagdadahilan na ang buhay na walang hanggan ay nasa loob ng Biblia, sa gayon ay pinagalitan ng Panginoong Jesus ang mga Fariseo, at sinabi, "Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka’t iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito’y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin. At ayaw kayong magsilapit sa akin, upang kayo’y magkaroon ng buhay" (Juan 5:39-40). Maaari bang katawanin ng Biblia ang pagkakaloob ng Diyos ng buhay sa atin? Maaari ba talaga tayong magtamo ng buhay na walang hanggan sa pagkapit sa Biblia? Sama-sama nating tatalakayin sa videong ito ang mga tanong na ito.