Kidlat ng Silanganan

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Espiritu. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Espiritu. Ipakita ang lahat ng mga post

Hul 19, 2018

Bakit Tinatawag ang Diyos sa Iba’t-ibang Pangalan sa Iba’t-ibang Kapanahunan?

kaligtasan, Jesus, Jehovah, Espiritu, Langit


Nauugnay na mga Salita ng Makapangyarihang Diyos:

Sa bawat kapanahunan, gumagawa ang Diyos ng bagong gawain at tinatawag ng bagong pangalan; paano Siya makakagawa ng parehong gawain sa iba’t ibang kapanahunan? Paano Siya makakakapit sa luma? Ang pangalan ni Jesus ay kinuha para sa kapakanan ng gawain ng pagtubos, kaya tatawagin pa rin ba Siya sa parehong pangalan kapag bumalik Siya sa mga huling araw? Gagawin pa rin ba Niya ang gawain ng pagtubos? Bakit si Jehova at si Jesus ay iisa, gayunman tinatawag Sila sa magkaibang mga pangalan sa magkaibang mga kapanahunan? Hindi ba sa dahilang ang mga kapanahunan ng Kanilang gawain ay magkaiba? Maaari bang kumatawan ang iisang pangalan sa Diyos sa Kanyang kabuuan? Kung kaya nga, dapat tawagin ang Diyos sa ibang pangalan sa ibang kapanahunan, at dapat gamitin ang pangalan para baguhin ang kapanahunan at katawanin ang kapanahunan. Dahil walang isang pangalan ang maaaring ganap na kumatawan sa Diyos Mismo, at bawat pangalan ay maaari lamang kumatawan sa makalupang aspeto ng disposisyon ng Diyos sa ibinigay na kapanahunan; ang tanging kailangang gawin nito ay kumatawan sa Kanyang gawain. Kung gayon, maaaring pumili ang Diyos ng kahit anong pangalan na bumabagay sa Kanyang disposisyon upang kumatawan sa buong kapanahunan.
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Hul 17, 2018

Bakit May Mga Pangalan ang Diyos, at Maari ba na ang Isang Pangalan ay Kumatawan sa Kabuuan ng Diyos?

Jesus, Espiritu, Langit, Biyaya, Diyos
Nauugnay na mga Salita ng Makapangyarihang Diyos:
Maaari bang ang pangalan ni Jesus, “Sumasaatin ang Diyos,” ay kumakatawan sa disposisyon ng Diyos sa kabuuan nito? Maaari ba nitong ganap na maipaliwanag ang Diyos? Kung sinasabi ng tao na ang Diyos ay maaari lamang matawag na Jesus at maaaring walang anumang iba pang pangalan sa dahilang hindi maaaring baguhin ng Diyos ang Kanyang disposisyon, tunay na kalapastanganan ang mga salitang ito! Naniniwala ka ba na ang pangalang Jesus, sumasaatin ang Diyos, ay maaaring mag-isang kumatawan sa Diyos sa Kanyang kabuuan? Maaaring matawag ang Diyos sa maraming pangalan, ngunit sa maraming pangalang yaon, wala ni isa ang maaaring taglayin ang kabuuan ng Diyos, wala ni isa ang maaaring ganap na kumatawan sa Diyos. At kaya, ang Diyos ay mayroong maraming pangalan, ngunit ang maraming pangalang ito ay hindi kayang ganap na mailarawan ang disposisyon ng Diyos, sa dahilang ang disposisyon ng Diyos ay napakayaman na lumalampas lamang ito sa kapasidad ng tao na makilala Siya. Walang paraan para sa tao, gamit ang wika ng sangkatauhan, na lubusang ilarawan ang Diyos. Ang sangkatauhan ay may limitadong bokabularyo lamang na tumataglay sa lahat ng kanilang nalalaman tungkol sa disposisyon ng Diyos: dakila, ginagalang, nakakamangha, hindi maarok, kataas-taasan, banal, matuwid, matalino, at iba pa. Masyadong maraming salita! Ang limitadong bokabularyong ito ay walang kakayahang ilarawan ang kaunting nasaksihan ng tao sa disposisyon ng Diyos. Sa paglipas ng panahon, maraming iba pa ang nagdagdag ng mga salita na sa tingin nila ay mas mahusay na maaaring maglarawan sa sigla ng kanilang mga puso: Ang Diyos ay lubhang dakila! Ang Diyos ay lubhang banal! Ang Diyos ay lubhang kaibig-ibig! Ngayon, ang mga kasabihan ng tao gaya ng mga ito ay naabot na ang kanilang sukdulan, gayon pa man ang tao ay wala pa ring kakayahang ipahayag ang kanyang sarili nang malinaw. At kaya, para sa tao, ang Diyos ay may maraming pangalan, gayunman wala Siyang iisang pangalan, at ito ay dahil lubhang masagana ang pagiging Diyos ng Diyos, at lubhang kulang ang wika ng tao. Ang isang partikular na salita o pangalan ay walang kapasidad na kumatawan sa Diyos sa Kanyang kabuuan, kaya sa tingin mo ba ang Kanyang pangalan ay maaaring maging pirmihan? Ang Diyos ay napakadakila at napakabanal gayunman hindi mo Siya papayagang magbago ng Kanyang pangalan sa bawat bagong kapanahunan? Kung gayon, sa bawat kapanahunan kung saan ang Diyos ay personal na ginagawa ang Kanyang sariling gawain, gumagamit Siya ng pangalan na bumabagay sa kapanahunan upang mataglay ang gawain na Kanyang binabalak gawin. Ginagamit Niya ang partikular na pangalang ito, isa na nagtataglay ng makalupang kabuluhan, upang kumatawan sa Kanyang disposisyon sa kapanahunang iyan. Ito ang Diyos na gumagamit ng wika ng sangkatauhan upang ipahayag ang Kanyang sariling disposisyon. Kahit na pagkatapos, ang maraming tao na nagkaroon ng mga karanasang espirituwal at nakita nang personal ang Diyos gayunman ay may palagay na ang isang partikular na pangalang ito ay walang kakayahang kumatawan sa Diyos sa Kanyang kabuuan—ah, imposible itong maiwasan! Kaya hindi na tinatawag ng tao ang Diyos sa anumang pangalan, at tinatawag lang Siya na “Diyos.” Parang ang puso ng tao ay puno ng pag-ibig ngunit napapaligiran din ng mga pagsalungat, sa dahilang hindi nalalaman ng tao kung paano ipaliwanag ang Diyos. Kung ano ang Diyos ay lubhang sagana, walang paraan kung paano ito mailalarawan. Walang iisang pangalan ang maaaring magbuod sa disposisyon ng Diyos, at walang iisang pangalan ang maaaring maglarawan sa lahat ng kung anong mayroon at kung ano ang Diyos. Kung magtanong ang isang tao sa Akin, “Anong eksaktong pangalan ang ginagamit Mo?” Sasabihin Ko sa kanila, “Ang Diyos ay Diyos!” Hindi ba ito ang pinakamabuting pangalan para sa Diyos? Hindi ba ito ang pinakamabuting pagbubuod sa disposisyon ng Diyos? Kaya nga, bakit kayo gumugugol ng labis na pagsisikap sa paghahanap ng pangalan ng Diyos? Bakit ninyo binabambo ang inyong mga utak, hindi kumakain at natutulog, lahat para sa kapakanan ng isang pangalan? Darating ang araw na ang Diyos ay hindi na tinatawag na Jehova, Jesus, o Mesiyas—Siya lamang ay magiging “ang Manlilikha.” Sa pagkakataong yaon, lahat ng mga pangalan na Kanyang nagamit sa mundo ay magwawakas, sa dahilang ang Kanyang gawain sa mundo ay magwawakas, pagkatapos nito ang Kanyang mga pangalan ay wala na. … Kinuha lamang Niya ang isa, o dalawa, o maraming pangalan dahil may gawain Siyang dapat magawa at kailangang pamahalaan ang sangkatauhan. Kahit anong pangalan ang itinatawag sa Kanya—hindi ba malayang pinili Niya ito Mismo? Kakailanganin ka ba Niya—isa sa Kanyang mga nilalang—na magpasya nito? Ang pangalan kung saan tinatawag ang Diyos ay pangalang umaayon sa kung ano ang nakakayang maunawaan ng tao, sa wika ng sangkatauhan, ngunit ang pangalang ito ay hindi isang bagay na maaaring masaklaw ng tao. Maaari mo lang sabihin na may Diyos sa langit, na tinatawag Siyang Diyos, na Siya ang Diyos Mismo na may dakilang kapangyarihan, na lubhang matalino, lubhang mataas, lubhang kahanga-hanga, lubhang mahiwaga, at lubhang makapangyarihan, at pagkatapos ay wala ka nang maaaring sabihin pa; ganito kaunti ang maaari mo lamang malaman. Kaya nga, ang pangalan lamang ba ni Jesus ang maaaring kumatawan sa Diyos Mismo?

Hul 15, 2018

Pag-bigkas ng Diyos | "Paano Maglingkod Ayon sa Kalooban ng Diyos"



Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Kung nais ninyong maglingkod sa kalooban ng Diyos, dapat muna ninyong maunawaan kung anong uri ng mga tao ang minamahal ng Diyos, kung anong uri ng mga tao ang kinamumuhian ng Diyos, kung anong uri ng mga tao ang ginagawang perpekto ng Diyos, at kung anong uri ng mga tao ang karapat-dapat maglingkod sa Diyos. Ito man lang ang dapat na mayroon kayo. Dagdag pa rito, dapat ninyong malaman ang mga hangarin ng gawa ng Diyos, at ang gawa ng Diyos na gagawin dito at ngayon. Matapos unawain ito, at sa pamamagitan ng paggabay ng mga salita ng Diyos, kailangan muna ninyong pumasok, at unang tumanggap ng komisyon ng Diyos.

Hul 14, 2018

Sinabi ng Panginoong Jesus na Siya ay babalik, at ano ang paraan ng Kanyang pagbabalik?

Kaharian, Jesus, krus, Espiritu, Langit

Ang Sagot mula sa Salita ng Makapangyarihang Diyos:
Sa loob ng libong mga taon, inasam ng tao na masaksihan ang pagdating ng Tagapagligtas. Inasam ng tao na makita si Jesus na Tagapagligtas na nasa puting ulap habang Siya ay bumababa, sa Kanyang pagkatao, sa mga taong nanabik at naghangad sa Kanya sa loob ng libong mga taon. Hinangad ng tao na bumalik ang Tagapagligtas at muling makiisa sa mga tao, yan ay, na si Jesus na Tagapagligtas ay bumalik sa mga tao na napahiwalay sa Kanya sa loob ng libong mga taon. At umaasa ang tao na muli Niyang isasagawa ang gawain ng pagtubos na ginawa Niya sa mga Hudyo, magiging mahabagin at mapagmahal sa tao, magpapatawad sa mga kasalanan ng tao, dadalhin ang mga kasalanan ng tao, at papasanin na pati lahat ng mga paglabag ng tao, at ililigtas ang tao mula sa kasalanan. Hangad nila na si Jesus na Tagapagligtas na maging katulad dati—isang Tagapagligtas na kaibig-ibig, magiliw at kagalang-galang, na hindi kailanman mabagsik sa tao, at na hindi kailanman sinisisi ang tao. Ang Tagapagligtas na ito ay nagpapatawad at pinapasan ang lahat ng mga kasalanan ng tao, at namatay rin muli sa krus para sa tao. Mula nang lumisan si Jesus, ang mga disipulo na sumunod sa Kanya, at lahat ng mga santo na naligtas na nagpapasalamat sa Kanyang pangalan, ay naging desperado sa pag-asam sa Kanya at hinihintay Siya. Lahat ng mga taong naligtas ng biyaya ni Jesucristo sa panahon ng Kapanahunan ng Biyaya ay nananabik sa nakakagalak na araw sa panahon ng mga huling araw, kapag si Jesus ang Tagapagligtas ay dumating sakay sa isang puting ulap at magpakita sa tao. Mangyari pa, ito rin ang sama-samang pagnanais ng lahat ng mga taong tumatanggap sa pangalan ni Jesus na Tagapagligtas ngayon. Sa buong sansinukob, lahat ng mga tao na nakakaalam sa pagliligtas ni Jesus na Tagapagligtas ay naging desperado nang may matinding pagnanais sa biglaang pagdating ni Jesucristo, upang tuparin ang mga salita ni Jesus nang nasa lupa: “Babalik ako tulad ng Aking paglisan.” Ang tao ay naniniwala na, sumunod sa pagpako sa krus at muling pagkabuhay na mag-uli, si Jesus ay bumalik sa langit sa ibabaw ng isang puting ulap, at naupo sa Kanyang luklukan sa kanan ng Kataas-taasan. Kahalintulad din, nag-iisip ang tao na si Jesus ay bababa muli sakay sa isang puting ulap (ang ulap na ito ay tumutukoy sa ulap na sinakyan ni Jesus nang bumalik Siya sa langit), sa mga taong naging desperado sa pananabik sa Kanya sa loob ng libong mga taon, at na dadalhin Niya ang imahe at mga pananamit ng mga Hudyo. Matapos ang pagpapakita sa mga tao, magbibigay Siya ng pagkain sa kanila, magiging dahilan ng pagbukal ng buhay na tubig para sa kanila, at mamumuhay kasama ng mga tao, puspos ng biyaya at pagmamahal, buhay at tunay. At iba pa. Datapwat si Jesus na Tagapagligtas ay hindi ganito ang ginawa; ginawa Niya ang kabaliktaran nang iniisip ng tao. Hindi Siya dumating doon sa mga taong naghahangad sa Kanyang pagbabalik at hindi nagpakita sa lahat ng mga tao habang nakasakay sa puting ulap. Siya ay dumating na, subalit hindi Siya kilala ng tao, at nananatiling mangmang sa Kanyang pagdating. Ang tao ay walang layon na naghihintay lamang sa Kanya, walang malay na nakababa na Siya sakay sa isang puting ulap (ang ulap na siyang Kanyang Espiritu, Kanyang mga salita, at Kanyang buong disposisyon at lahat ng Siya), at ngayon ay kasama ng isang grupo ng mga mapagtagumpay na Kanyang gagawin sa panahon ng mga huling araw. Hindi ito alam ng tao: Bagaman ang banal na Tagapagligtas na si Jesus ay puno ng pagkagiliw at pagmamahal sa tao, paano Siya makakagawa sa mga “templo” na pinamamahayan ng karumihan at di-malinis na mga espiritu? Bagaman hinihintay ng tao ang Kanyang pagdating, paano Siya maaaring magpakita sa mga taong kumakain ng laman ng mga di-matuwid, umiinom ng dugo ng di-matuwid, nagsusuot ng mga damit ng di-matuwid, na naniniwala sa Kanya ngunit hindi Siya kilala, at patuloy na kinikikilan Siya? Ang tanging alam lang ng tao ay na si Jesus na Tagapagligtas ay puno ng pagmamahal at habag, at ang paghahandog para sa kasalanan ay puspos ng pagtubos. Ngunit ang tao ay walang idea na Siya rin ay ang Diyos Mismo, na nag-uumapaw sa pagkamatuwid, kamahalan, matinding galit, at paghatol, at nag-aangkin ng awtoridad at puno ng dangal. At sa gayon bagaman masugid na nagnanais at nananabik sa pagbabalik ng Manunubos, at kahit ang Langit ay naaantig sa mga dalangin ng tao, si Jesus na Tagapagligtas ay hindi nagpapakita sa mga taong naniniwala sa Kanya subalit hindi Siya nakikilala.

Hul 10, 2018

Ang Nagkatawang-taong Diyos Inaakay ang Tao sa Isang Bagong Kapanahunan


paniniwala, Espiritu, Pag-ibig ng Diyos, Diyos, Himno

I
Winak'san ng nagkatawang-taong D'yos ang panahon
nang "ang likod lang ni Jehova ang nagpakita sa tao,"
at tinatapos ang kapanahunan ng paniniwala
sa malabong D'yos.
Gawain ng huling nagkatawang-taong D'yos
dalhin lahat ng sangkatauhan,
dalhin ang tao sa mas totoo,
mas praktikal, at mas mabuting panahon.

Hul 9, 2018

Kumikilos ang Banal na Espiritu sa Maprinsipyong Paraan


Salita ng Diyos, Karanasan, Espiritu, Buhay, katotohanan
Qin Shuting, Lungsod ng Linyi, Lalawigan ng Shandong
Sa ilang panahon, bagama't hindi ako tumigil sa pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, hindi ko kailanman naramdaman ang liwanag. Ako ay nanalangin sa Diyos para dito ngunit, pagkatapos, hindi pa rin ako naliwanagan. Kaya naisip ko, "kumain ako at uminom ng nararapat sa akin at ang Diyos ay hindi ako nililiwanagan. Wala akong magagawa, at wala akong kakayahan upang makatanggap ng mga salita ng Diyos. May oras para liwanagan ng Diyos ang bawat tao, kaya hindi kailangang pagsikapang madaliin ito." Pagkaraan, iningatan ko ang mga alituntunin at kumain at uminom ng mga salita ng Diyos nang walang pagkabalisa, "matiyagang" naghihintay sa pagliliwanag ng Diyos.

Hun 23, 2018

Kanta ng Papuri | D'yos Nagkatawang-tao upang Iligtas ang Sangkatauhan


¸.•*¨☆¸.•*¨☆¸.•*¨☆¸.•*¨☆¸.•*¨☆¸.•*¨☆¸.•*¨☆¸.•*¨☆¸.•*¨☆¸.•*¨☆¸.•*¨☆
I
Ngayon ang araw, kita mo ba?
'Di simpleng bagay Diyos dumating sa gitna ng tao
upang tao'y iligtas, talunin si Satanas,
kaya Diyos nagkatawang-tao.
Kung di rito, di S'ya gagawa sa Sarili N'ya.
D'yos nagkatawang-tao upang si Satanas ay labanan
at akayin ang tao,
na lama'y naging tiwali't nais iligtas ng D'yos.
D'yos muling nagkatawang-tao
upang talunin si Satanas, at tao'y iligtas.
D'yos lang makalalaban kay Satanas sa Espiritu

o sa katawang-tao.

Hun 13, 2018

Kidlat ng Silanganan | Pag-bigkas ng Diyos | Ano ang Alam Mo sa Pananampalataya?

Espiritu, Jehovah, Jesus, Ebanghelyo, Langit

Umiiral lamang sa tao ang hindi tiyak na salita ng pananampalataya, subalit hindi alam ng tao kung ano ang bumubuo sa pananampalataya, at lalo na kung bakit siya may pananampalataya. Masyadong maliit ang pang-unawa ng tao at ang tao mismo ay masyadong kulang; Siya ay may pananampalataya lamang sa Akin nang wala sa isip at walang pagkaalam. Bagaman hindi niya nalalaman kung ano ang pananampalataya o kung bakit siya may pananampalataya sa Akin, patuloy at mapilit niyang ginagawa. Ang hinihiling ko sa tao ay hindi lamang para tawagan niya Ako nang masidhi sa ganitong paraan o maniwala sa Akin sa isang paraang magulo. Sapagkat ang Aking gawain ay para sa tao upang makita niya Ako at makilala Ako, hindi para mamangha at tingnan Ako ng tao sa isang bagong liwanag dahil sa Aking gawain. Dati akong nagpamalas ng maraming tanda at himala at nagsagawa ng maraming milagro. Ang mga Israelita noong panahong iyon ay nagpakita sa Akin ng lubos na paghanga at lubhang sinamba ang Aking pambihirang kakayahang magpagaling ng maysakit at magpalayas ng mga demonyo. Noong panahong iyon, inakala ng mga Hudyo na ang Aking kapangyarihan sa pagpapagaling ay dalubhasa at hindi pangkaraniwan. Dahil sa Aking maraming naturang gawain, tinanaw nila Ako nang may respeto; nakaramdam sila ng malaking paghanga sa lahat ng Aking kapangyarihan. Kaya sinumang nakakita sa Aking gumawa ng mga milagro ay sinundan ako nang mabuti, kung saan napalibutan ako ng libu-libo upang panoorin akong magpagaling ng maysakit. Nagpamalas ako ng maraming tanda at himala, ngunit tinanaw lamang Ako ng tao bilang isang dalubhasang manggagamot; nagsalita rin Ako ng maraming salita ng pagtuturo sa mga tao noong panahong iyon, ngunit tinanaw lamang nila Ako bilang isang mataas na guro sa kanyang mga disipulo! Maging sa araw na ito, matapos matunghayan ng mga tao ang pangkasaysayang tala ng Aking gawain, nagpapatuloy ang kanilang interpretasyon sa Akin bilang isang magaling na doktor na nagpapagaling ng maysakit at isang guro sa mga mangmang. At tinukoy nila Ako bilang ang mahabaging Panginoong Jesucristo. Ang mga nagbibigay kahulugan sa banal na kasulatan ay maaaring nalampasan ang Aking kakayahan sa pagpapagaling, o maaaring mga disipulo na dinaig pa ang kanilang mga guro, ngunit ang mga ganoong tao na may dakilang katanyagan, na ang mga pangalan ay kilala sa buong mundo, ay tinatanaw Ako nang mababa bilang isang hamak na manggagamot! Mas higit pa sa bilang ng mga butil ng buhangin sa tabing-dagat ang Aking mga gawa, at mas lalong dakila pa kaysa sa lahat ng mga anak ni Solomon ang Aking karunungan, ngunit ang mga tao ay basta na lamang Akong pinapalagay bilang isang manggagamot na maliit ang kabuluhan at isang hindi kilalang guro ng tao! Gaano karami ang naniniwala sa Akin upang pagalingin lamang sila? Gaano karami ang naniniwala sa Akin para gamitin lamang ang Aking kapangyarihan sa pagtaboy ng mga masasamang espiritu mula sa kanilang katawan? At gaano karami ang naniniwala sa Akin upang makatanggap lamang ng kapayapaan at kaligayahan mula sa Akin? Gaano karami ang naniniwala sa Akin upang hingian lamang Ako ng higit pang materyal na kayamanan, at gaano karami ang naniniwala sa Akin upang gugulin ang buhay na ito sa kaligtasan at upang maging ligtas at maayos sa mundong darating? Gaano karami ang naniniwala sa Akin para maiwasan lamang ang paghihirap ng impiyerno at tumanggap ng mga pagpapala ng langit? Gaano karami ang naniniwala sa Akin para lamang sa pansamantalang ginhawa ngunit hindi naghahangad na may makamit man lang sa mundong darating? Nang Ako ay naghatid ng Aking matinding galit sa tao at kinuha ang lahat ng kaligayahan at kapayapaan na dati niyang taglay, nagsimulang magduda ang tao. Nang ibinigay Ko sa tao ang paghihirap ng impiyerno at tinubos ang mga pagpapala ng langit, naging galit ang kahihiyan ng tao. Nang tinanong Ako ng tao upang pagalingin siya, ngunit hindi ko siya kinilala at nakadama ng poot para sa kanya, ang tao ay lumayo mula sa Akin at hinahangad ang paraan ng mga doktor sa pangungulam at mangbabarang. Nang inalis Ko ang lahat ng hiningi ng tao sa Akin, nangagsiwalaan ang lahat nang walang bakas. Samakatuwid, sinasabi Ko na ang tao ay may pananampalataya sa Akin sapagkat Ako’y nagbibigay ng masyadong maraming biyaya, at masyadong maraming pakinabang. Ang mga Hudyo ay naniwala sa Akin dahil sa Aking biyaya, at sumunod sa Akin saan man ako nagtungo. Ang mga ignoranteng tao na ito na may limitadong kaalaman at karanasan ay hinanap lamang ang mga tanda at himala na ipinamalas ko. Tinanaw nila Ako bilang pinuno ng tahanan ng mga Hudyo na kayang gumawa ng mga pinakamagagandang milagro. Samakatuwid, kapag pinalayas Ko ang mga demonyo mula sa mga tao, nag-uusap usap sila na may malaking kalituhan, sinasabing ako si Elijah, ako si Moses, na ako ang pinaka sinauna sa lahat ng mga propeta, na ako ang pinakamagaling sa lahat ng mga manggagamot. Bukod sa Aking sarili na nagsasabing Ako ang buhay, ang daan at ang katotohanan, walang sinuman ang makaaalam ng Aking pagkatao o ng Aking pagkakakilanlan. Bukod sa Aking sarili na nagsasabing ang langit ang lugar kung saan naninirahan ang Aking Ama, walang nakaalam na Ako ang Anak ng Diyos, at Diyos Mismo. Bukod sa Aking sarili na nagsasabing dadalhin ko sa kaligtasan ang lahat ng sangkatauhan at tutubusin ang sangkatauhan, walang nakaalam na Ako ang Tagapagligtas ng sangkatauhan; kilala lang Ako ng tao bilang isang mabait at maawaing tao. At bukod sa Aking sarili na nagagawang ipaliwanag ang lahat ng tungkol sa Akin, walang nakakilala sa Akin, at walang naniwala na Ako ang Anak ng buhay na Diyos. Ang tao lang ang may ganitong paraan ng pananampalataya sa Akin, at nililinlang Ako sa ganitong paraan. Paanong magagawa ng tao na maging saksi sa Akin kapag taglay niya ang ganitong pananaw tungkol sa Akin?

Hun 6, 2018

Kidlat ng Silanganan | Salita ng Diyos | Ang Layunin ng Pamamahala sa Sangkatauhan


Kung maaari lamang na talagang lubos na maunawaan ng mga tao ang tamang landas ng buhay ng tao pati na din ang layunin ng pamamahala ng Diyos sa sangkatauhan, hindi nila panghahawakan ang kanilang indibidwal na kinabukasan at kapalaran bilang isang kayamanan sa kanilang puso. Hindi na nila nanaising magsilbi sa kanilang mga magulang na mas masahol pa sa mga baboy at mga aso. Ang kinabukasan ba at kapalaran ng tao ay hindi talaga ang kasalukuyang inaakala na “mga magulang” ni Pedro? Sila ay katulad lamang ng sariling laman at dugo ng tao. Ang destinasyon, ang kinabukasan ba ng laman ay ang makita ang Diyos habang nabubuhay, o para sa kaluluwa na makita ang Diyos pagkatapos ng kamatayan? Matatapos ba ang laman sa hinaharap sa isang malaking pugon tulad ng sa mga kapighatian, o ito ba ay sa nasusunog na apoy? Hindi ba ang mga tanong na gaya nito na nauukol sa kung ang laman ng tao ay makakatagal sa kasawian o pagdurusa ang pinakamalaking balita na sinuman sa daloy na ito na may utak at nasa kanilang tamang isip ay pinaka-ikinababahala? (Dito, ang pagtitiis ng pagdurusa ay tumutukoy sa pagtanggap ng mga pagpapala; ang pagdurusa ay nangangahulugan na ang mga pagsubok sa hinaharap na makabubuti para sa patutunguhan ng sangkatauhan. Ang kasawian ay tumutukoy sa pagiging hindi kayang tumayo nang matatag, o nalilinlang; o, ito ay nangangahulugan na ang isang tao ay nakakatagpo ng mga di-kanais-nais na krisis sa gitna ng mga sakuna at ang kanilang buhay ay mahirap na pangalagaan, at na walang naaangkop na patutunguhan para sa kaluluwa.) Ang mga tao ay nasangkapan ng mahusay na katuwiran nguni’t marahil ang kanilang iniisip ay hindi lubos na tumutugma sa kung ano ang dapat na isangkap sa kanilang katuwiran. Ito ay dahil sa sila ay medyo mangmang at pikit-matang sumusunod sa mga bagay. Silang lahat ay dapat na magkaroon ng ganap na pagkakaunawa sa dapat nilang pasukin, at dapat nilang partikular na uriin kung ano ang dapat pasukin sa panahon ng kapighatian (samakatuwid nga, sa panahon ng pagpipino ng pugon), at kung ano ang dapat na mayroon sila sa pagsubok ng apoy. Huwag palaging pagsilbihan ang iyong mga magulang (nangangahulugan ang laman) na parang mga baboy at mga aso, at masahol sa mga langgam at mga kulisap. Ano ang punto ng paghihirap para dito, pag-iisip nang sobra, pagpapahirap sa iyong mga utak? Ang laman ay hindi sa iyo, nguni’t nasa mga kamay ng Diyos na hindi lamang nagkokontrol sa iyo nguni’t nag-uutos din kay Satanas. (Orihinal na nangangahulugan na ito ay pag-aari ni Satanas. Dahil si Satanas ay nasa mga kamay din ng Diyos, ito ay maaari ding ilagay sa gayong paraan. Dahil ito ay mas mapanghikayat na sabihin sa ganoong paraan—ito ay nagmumungkahi na ang mga tao ay hindi ganap na nasa ilalim ng sakop ni Satanas, nguni’t nasa mga kamay ng Diyos.) Ikaw ay nabubuhay sa ilalim ng pagpapahirap ng laman, subali’t ang laman ba ay iyo? Ito ba ay nasa ilalim ng iyong kontrol? Bakit pinag-aabalahang pahirapan ang iyong mga utak dito? Bakit pinag-aabalahang patuloy na pagisipang magsumamo sa Diyos para sa iyong bulok na laman na matagal nang hinatulan at sinumpa, pati na rin nadungisan ng mga maduduming espiritu? Bakit pinag-aabalahan na palaging panatilihin ang mga kasama ni Satanas na malapit sa iyong puso? Hindi ka ba nag-aalala na maaaring sirain ng laman ang iyong tunay na kinabukasan, mga kahanga-hangang pag-asa, at ang tunay na patutunguhan para sa iyong buhay?
Ang landas ng kasalukuyan ay hindi madaling lakaran. Maaaring sabihin na ito ay mahirap na dumating at labis na pambihira sa lahat ng panahon. Gayunpaman, sinong mag-iisip na ang laman ng tao lamang ay sapat na upang sirain siya kaagad? Ang gawain ngayon ay tiyak na kasing halaga ng ulan sa tagsibol at kasing halaga ng kabaitan ng Diyos sa tao. Gayunpaman, kung hindi nalalaman ng tao ang layunin ng Kanyang gawain ngayon o nauunawaan ang sangkap ng sangkatauhan, paano pag-uusapan ang kahalagahan at pagiging mamahalin nito? Ang laman ay hindi nabibilang sa mga tao mismo, kaya walang nakakakita nang malinaw kung saan ang aktwal na patutunguhan nito. Gayunpaman, dapat mong malamang mabuti na ibabalik ng Panginoon ng sangkalikhaan, na nilikha, sa kanilang orihinal na katayuan, at panunumbalikin ang kanilang orihinal na imahe mula sa panahon ng kanilang paglikha. Ganap niyang kukuhaning muli ang hininga na Kanyang inihinga sa tao, at kukuhaning muli ang mga buto at laman at isasauli sa Panginoon ng sangkalikhaan. Ganap niyang papagbaguhing-anyo at papalitan ng bago ang sangkatauhan at kukuhaning muli mula sa tao ang buong pamana na orihinal na hindi sa sangkatauhan, nguni’t pag-aari ng Diyos. Hindi na Niya ito ibibigay sa sangkatauhan. Dahil wala sa alinman sa mga bagay na iyon ay orihinal na pag-aari ng sangkatauhan. Kukuhanin niya silang lahat—ito ay hindi isang hindi makatarungang pandarambong, nguni’t ito ay naglalayon na panumbalikin ang langit at lupa sa kanilang orihinal na kalagayan, at na papagbaguhing-anyo at panibaguhin ang tao. Ito ang makatwirang patutunguhan ng tao, bagama’t marahil hindi nito ito muling kukuhanin pagkatapos na kastiguhin ang tao gaya ng ipinapalagay ng tao. Hindi nais ng Diyos ang mga kalansay ng laman pagkatapos ng pagkasira nito, kundi ang mga orihinal na mga elemento sa tao na pag-aari ng Diyos noong simula. Kaya, hindi Niya pupuksain ang sangkatauhan o ganap na lilipulin ang laman ng tao, dahil ang laman ng tao ay hindi isang pribadong pag-aari na pag-aari ng tao. Sa halip, ito ay dagdag ng Diyos, na namamahala sa sangkatauhan. Paano niya pupuksain ang laman ng tao para sa Kanyang “kasiyahan”? Sa oras na ito, talaga bang pinakawalan mo na ang lahat ng iyong laman na hindi man lamang nagkakahalaga ng isang sentimo? Kung maaari mong maintindhan ang tatlumpung porsiyento ng gawain ng mga huling araw (tatlumpung porsiyento lamang, iyon ay pag-unawa ng gawain ng Espiritu Santo ngayon, pati na rin ang gawain ng salita na ginagawa ng Diyos sa mga huling araw), kung gayon hindi mo patuloy na “paglilingkuran” o maging “deboto” sa iyong laman kagaya ng ginagawa mo ngayon, na naging tiwali sa maraming mga taon. Dapat mong maunawaan nang lubusan na ang mga tao ay nakasulong na sa isang hindi pa kailanman nagawang kalagayan at hindi na magpapatuloy na umunlad na pasulong tulad ng mga gulong ng kasaysayan. Ang iyong inaamag na laman ay matagal nang nabalutan ng mga langaw, kaya paano ito magkakaroon ng kapangyarihan na baligtarin ang mga gulong ng kasaysayan na pinagana ng Diyos na magpatuloy hanggang sa araw na ito? Paano nito maaaring gawin ang orasan na nitong mga huling araw ay parang pipi na muling tumiktik at patuloy na igalaw ang mga kamay na paikot sa kanan? Paano nito muling babaguhing-anyo ang mundo na mukhang nababalutan ng makapal na ulap? Maaari bang muling pasiglahin ng iyong laman ang mga bundok at mga ilog? Maaari bang ang iyong laman, na may iisa lamang na maliit na tungkulin, ay talagang ibalik na muli ang uri ng mundo ng sangkatauhan na iyong ninanais? Maaari mo ba talagang turuan ang iyong mga inapo na maging “mga tao”? Nakukuha mo na ba ito ngayon? Ano eksakto ang kinabibilangan ng iyong laman? Ang orihinal na intensiyon ng Diyos para sa paggawa sa tao, para gawing perpekto ang tao, at para baguhing-anyo ang tao ay hindi upang bigyan ka ng magandang tinubuang bayan o magdala ng mapayapang pahinga sa laman ng tao. Sa halip, ito ay alang-alang sa Kanyang kaluwalhatian at Kanyang patotoo, para sa mas mabuting kasiyahan ng sangkatauhan sa hinaharap, at upang kanilang ikasiyang magpahinga sa lalong madaling panahon. Lalo pa, hindi ito para sa iyong laman, dahil ang tao ang kapital ng pamamahala ng Diyos at ang laman ng tao ay dagdag lamang. (Ang tao man ay isang bagay na may parehong espiritu at katawan, samantalang ang laman ay isa lamang masisirang bagay. Ito ay nangangahulugan na ang laman ay isang kagamitan para sa plano ng pamamahala.) Dapat mong malaman na ang paggawang perpekto ng mga tao, paggawang ganap ng mga tao, at pagkakamit ng mga tao ay walang dinala maliban sa mga espada at pagdagok para sa kanilang laman, at nagdala ng walang katapusang pagdurusa, ng pagsusunog ng apoy, walang habag na paghatol, pagkastigo, at sumpa, pati na rin walang hanggang mga pagsubok. Gayon ang kasaysayan sa loob at katotohanan ng ng pamamahala ng tao. Gayunpaman, ang lahat ng mga ito ay naglalayon laban sa laman ng tao, at lahat ng mga dulo ng sibat ng poot ay walang awang nakadirekta sa laman ng tao (dahil ang tao ay orihinal na inosente). Ang lahat ng iyon ay para sa kapakanan ng Kanyang kaluwalhatian at patotoo, at para sa Kanyang pamamahala. Ito ay dahil sa ang Kanyang gawain ay hindi lamang para sa kapakanan ng sangkatauhan, nguni’t ito ay para sa buong plano at upang tuparin ang Kanyang orihinal na kalooban nang Kanyang ginawa ang sangkatauhan. Kaya, marahil siyamnapung porsiyento ng dinadanas ng mga tao ay mga paghihirap at mga pagsubok ng apoy, nguni’t may napakakaunti o wala man lang matatamis o masayang mga araw na ninais ng laman ng tao, at hindi man nila higit na nagawang tamasahin ang masasayang mga sandali sa laman na ginugugol sa magagandang mga gabing kasama ang Diyos. Ang laman ay marumi, kaya ang nakikita o tinatamasa ng laman ng tao ay walang anuman kundi ang pagkastigo ng Diyos na hindi pinapaboran ng tao, at na parang nagkukulang sa normal na dahilan. Ito ay dahil Kanyang ihahayag ang Kanyang makatwirang disposisyon na hindi pinapaboran ng tao, na hindi pinahihintulutan ang mga kasalanan ng tao, at kinapopootan ang mga kaaway. Lantarang ibinubunyag ng Diyos ang lahat ng kanyang disposisyon sa pamamagitan ng anumang mga paraan na kailangan, sa gayong paraan ay tinatapos ang gawain ng Kanyang anim-na-libong taong labanan kay Satanas—ang gawain ng pagliligtas sa lahat ng sangkatauhan at ang pagkawasak sa sinaunang Satanas!
Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Rekomendasyon:
Pag-imbestiga sa Kidlat ng Silanganan 
Alamin pa ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw

Hun 3, 2018

Kidlat ng Silanganan | Ang Kalooban ng Diyos | Maglingkod Kagaya ng Ginawa ng Mga Israelita

iglesia, Jehovah, krus, Espiritu, Landas

    Sa kasalukuyan maraming mga tao ang hindi nag-uukol ng pansin sa kung anong mga aral ang dapat na matutuhan sa panahon ng pakikipagtulungan sa iba. Aking natuklasan na marami sa inyo ang hindi kayang matutuhan ang mga aral sa anumang paraan sa panahon ng pakikipagtulungan sa iba. Karamihan sa inyo’y nananatili sa inyong sariling mga pananaw, at kapag gumagawa sa iglesia, sinasabi mo ang iyong bahagi at sinasabi niya ang kanya, isa na walang kaugnayan sa iba, hindi nakikipagtulungan sa anumang paraan. Kayo ay abalang-abala sa pakikipagtalastasan lamang sa inyong panloob na mga pananaw, abalang-abala sa pagpapalaya lamang sa inyong “mga pasanin” sa loob ninyo, hindi naghahangad ng buhay sa anumang paraan. Tila ginagawa mo na lamang basta ang gawain, palaging naniniwala na dapat mong sundin ang iyong sariling paraan hindi alintana ang ibang mga tao, at dapat kang makipagniig sapagkat ginagabayan ka ng Banal na Espiritu, hindi alintana ang ibang mga tao. Hindi ninyo nagagawang matuklasan ang mga kalakasan ng iba, at hindi nagagawang siyasatin ang inyong mga sarili. Ang inyong paraan sa pagtanggap ng mga bagay ay talagang mali. Maaaring sabihin na maging sa ngayon nagpapakita pa rin kayo ng napakaraming pansariling pagkamatuwid, na parang ang dating sakit ay muling nagbalik. Hindi kayo nag-uusap sa isa’t-isa upang matamo ang lubos na pagkakapalagayang-loob, na parang anong kahihinatnan ang natamo sa pagdalaw sa iglesiang yaon, o kumusta ang inyong panloob na kalagayan kamakailan lamang, at iba pa—hindi kayo talaga nakikipag-usap kagaya nito. Kayo ay pangunahin nang walang mga pagsasagawa kagaya ng pagsasantabi sa inyong sariling mga pagkaintindi o pagtatanggi sa inyong mga sarili. Nag-iisip lamang yaong mga nasa liderato ng pagpapasigla sa mga kapatid sa mga iglesia sa ibaba sa pamamagitan ng kanilang pagsasamahan, at nalalaman lamang niyaong mga sumusunod na maghangad sa kanilang mga sarili. Pangunahing nang hindi ninyo nalalaman kung ano ang paglilingkod o kung ano ang pakikipagtulungan, at iniisip lamang ninyo ang pagkakaroon ng kahandaan sa inyong mga sarili upang tumbasan ang pag-ibig ng Diyos, ng pagkakaroon ng kahandaan sa inyong mga sarili upang isabuhay ang paraan ni Pedro, at wala ng iba pa. Iyo pang sinasabi, maging anuman ang kalagayan ng ibang mga tao, hindi ka rin naman pasasakop anuman ang mangyari, at kahit na anupaman ang nakakatulad ng ibang mga tao, ikaw sa iyong sarili ay naghahangad ng pagka-perpekto ng Diyos, at iyon ay magiging sapat. Sa katunayan, hindi pa nakatagpo ang iyong kalooban ng anumang matibay na pagpapahayag sa katotohanan sa aumang paraan. Hindi ba ito lahat ang uri ng pag-uugali na inyong ipinakikita sa kasalukuyan? Pinanghahawakang mahigpit ng bawat isa sa inyo ang inyong sariling pananaw, at nais ninyong lahat na maging perpekto. Nakikita Ko na naglingkod kayo sa mahabang panahon at hindi gaanong sumulong, lalong lalo na sa leksiyong ito ng paggawang magkakasama sa pagkakaisa hindi kayo nakagawa ng anumang pagsulong! Sa pagpunta sa mga iglesia nakikipagtalastasan ka sa sarili mong paraan, at siya ay nakikisama sa kanyang paraan. Madalang na magkaroon ng pagtutulungan na mayroong pagkakaisa. At ang mga tao sa ibaba na nangagsisusunod ay higit pa sa ganitong paraan. Iyon ay upang sabihin na bihirang nauuunawaan ng sinuman sa kalagitnaan ninyo kung ano ang paglilingkod sa Diyos, o kung paano dapat paglingkuran ng isang tao ang Diyos. Kayo ay nalilito, at tinatrato ang mga ganitong uri ng mga leksiyon bilang isang walang halagang bagay, sa gayon na lamang kalawak anupa’t maraming mga tao ang hindi lamang ipinatutupad ang ganitong aspeto ng katotohanan, sinasadya pa nilang gumawa ng mali. Maging ang mga tao na naglilingkod sa maraming mga taon ay naglalaban at nagbabangayan. Hindi ba ang lahat ng ito ay ang inyong tunay na tayog? Kayong mga tao na naglilingkod na magkakasama sa araw-araw ay kagaya ng mga Isaraelita na tuwirang naglingkod sa Diyos Sarili Niya sa templo araw-araw. Paano nangyaring kayong mga taong kagaya ng mga pari ay hindi ninyo nalalaman kung paano ang makipagtulungan at kung paano ang maglingkod?

Hun 1, 2018

Ang Tagapagligtas ay Nakabalik na sa Ibabaw ng “Puting Ulap”




Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Mula nang lumisan si Jesus, ang mga disipulo na sumunod sa Kanya, at lahat ng mga santo na naligtas salamat sa Kanyang pangalan, ay desperadong nalulumbay sa Kanya at hinihintay Siya. Lahat ng mga taong naligtas ng biyaya ni Jesucristo sa panahon ng Kapanahunan ng Biyaya ay nananabik sa nakakagalak na araw sa panahon ng mga huling araw, kapag si Jesus ang Tagapagligtas ay dumating sa isang puting ulap at magpakita sa tao. ...At iba pa. Datapwat si Jesus na Tagapagligtas ay hindi ganito ang ginawa; ginawa Niya ang kabaliktaran nang iniisip ng tao. Hindi Siya dumating doon sa mga taong naghahangad sa Kanyang pagbabalik at hindi nagpakita sa lahat ng mga tao habang nakasakay sa puting ulap. Siya ay nakarating na, subalit hindi Siya kilala ng tao, at nananatiling walang-alam sa Kanyang pagdating. Ang tao ay walang layon na naghihintay lamang sa Kanya, walang malay na nakababa na Siya sakay sa isang puting ulap (ang ulap na siyang Kanyang Espiritu, Kanyang mga salita, at Kanyang buong disposisyon at lahat ng Siya), at ngayon ay kasama ng isang grupo ng mga mananagumpay na Kanyang gagawin sa panahon ng mga huling araw."

May 30, 2018

Kidlat ng Silanganan | Pag-bigkas ng Diyos | Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (3)

Espiritu, Jesus, langit, landas, Diyos

Kapag ipinatutupad ng Diyos ang Kanyang gawain, Siya ay dumarating hindi upang makibahagi sa anumang pagtatayo o mga pagkilos; Siya ay dumarating upang tuparin ang kanyang ministeryo. Sa bawat pagkakataon na Siya ay nagiging katawang-tao, ito ay para lamang maisakatuparan ang isang yugto ng gawain at magbukas ng isang bagong kapanahunan. Ngayon ay Kapanahunan ng Kaharian, at ang tao ay pumasok sa pagsasanay ng kaharian. Ang yugtong ito ng gawain ay hindi gawain ng tao o para gawing ganap ang tao sa isang partikular na antas; ito ay para buuin ang isang bahagi ng gawain ng Diyos. Ang Kanyang gawain ay hindi ang gawain ng tao at hindi upang gawing ganap ang tao sa isang partikular na antas bago Niya lisanin ang lupa; ito ay upang lubos na tuparin ang Kanyang ministeryo at tapusin ang gawain na kailangan Niyang gawin, na gumawa ng angkop na pagsasaayos para sa Kanyang gawain sa lupa, sa gayon ay magiging maluwalhati. Ang gawain ng nagkatawang-tao na Diyos ay hindi tulad ng mga ginamit ng Banal na Espiritu. Kapag ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain sa lupa, ang pananagutan Niya lamang ay sa katuparan ng Kanyang ministeryo. Patungkol naman sa lahat ng iba pang mga bagay na walang kinalaman sa Kanyang ministeryo, sadyang hindi Siya nakikibahagi, maging hanggang sa puntong nagwawalang-bahala siya. Isinasagawa lamang Niya ang gawaing dapat Niyang gawin, at pinakahuli sa Kanyang pananagutan ay ang tungkol sa gawaing dapat gawin ng tao. Ang gawain na ginagawa Niya ay kaugnay lamang sa kapanahunang kinapapalooban Niya at ang ministeryo na dapat Niyang tuparin, na para bagang ang iba pang bagay ay hindi Niya tungkulin. Hindi Niya binibigyan ang Kanyang sarili ng mas maraming payak na kaalaman sa pamumuhay bilang tao, at hindi Niya inaaral ang ibang kasanayang pakikipagkapwa o ano man na naiintindihan ng tao. Hindi Siya nagpapakita ng pag-aalala sa lahat ng dapat ibigay sa tao at ang tanging ginagawa ay ang gawain na Kanyang tungkulin. At kaya, sa paningin ng tao, ang nagkatawang-tao na Diyos ay lubhang “kulang”, na maging hanggang sa puntong pinagwawalang-bahala Niya ang maraming bagay na dapat mayroon ang tao, at wala Siyang pang-unawa sa mga ganitong bagay. Ang mga bagay tulad ng pangkalahatang kaalaman sa buhay, pati na rin ang mga prinsipyo ng pag-uugali at pakikipag-ugnayan sa iba ay nagmumukhang hindi mahalaga para sa Kanya. Sa kabila nito, hindi mo mararamdaman mula sa nagkatawang-tao na Diyos ang kahit na kaunting di normal na pag-uugali. Ibig sabihin, pinananatili lamang ng Kanyang pagkatao ang Kanyang buhay bilang isang karaniwang tao na may karaniwang pangangatwiran ng Kanyang pag-iisip, na nagbibigay sa Kanya ng kakayahang kumilala ng kaibahan ng tama at mali. Gayunman, hindi Siya binigyan ng anumang bagay, na para sa tao (mga nilikhang tao) lamang. Ang Diyos ay naging tao lamang upang matupad ang Kanyang ministeryo. Ang Kanyang gawain ay nakadirekta para sa isang buong kapanahunan at hindi sa anumang partikular na tao o lugar. Ang Kanyang gawain ay nakadirekta para sa buong sansinukob. Ito ang direksyon ng Kanyang gawain at sa pamamagitan ng prinsipyong ito Siya ay gumagawa. Walang makakapagpabago nito, at hindi maaaring makibahagi ang tao. Sa bawat pagkakataong ang Diyos ay nagiging katawang-tao, dinadala Niya sa Kanya ang gawain ng gayong kapanahunan, at hindi ang layunin na mamuhay kasama ng tao sa loob ng dalawampu, tatlumpu, apatnapu, o kahit pitumpu, walumpu upang mas mahusay nilang maunawaan at makamit ang kabatiran sa Kanya. Walang pangangailangan para sa ganyan! Gawin man iyon hindi nito mapapalalim ang kaalamang taglay ng tao ukol sa likas na disposisyon ng Diyos; sa halip, makakadagdag lang ito sa kanilang mga paniwala at gagawing makaluma ang mga paniwala at mga saloobin ng tao. At dapat ninyong maintindihang lahat kung ano talaga ang gawain ng nagkatawang-taong Diyos. Posible kaya na hindi ninyo nauunawaan ang Aking mga salita: “Ako ay dumating hindi upang maranasan ang buhay ng isang karaniwang tao”? Nalimutan ba ninyo ang mga salitang: “Ang Diyos ay dumating sa lupa hindi upang isabuhay ang buhay ng isang karaniwang tao”? Hindi ninyo nauunawaan ang layunin ng Diyos sa pagiging tao, ni nalalaman ninyo ang kahulugan ng “Paanong ang Diyos ay dumating sa lupa sa layuning maranasan ang buhay ng isang nilalang”? Dumating ang Diyos sa mundo para ganapin lamang ang Kanyang gawain, at kaya ang Kanyang gawain sa mundo ay hindi nagtagal. Dumating Siya sa mundo na walang layunin na linangin ng Espiritu ng Diyos ang Kanyang laman tungo sa isang pambihirang lider ng iglesia. Kapag dumating ang Diyos sa mundo, ito ay ang Salita na naging tao; gayunman, ang tao, ay hindi nakakakilala ng Kanyang gawain at ipinipilit ang nasabing layunin sa Kanya. Ngunit dapat ninyong maunawaang lahat na ang Diyos ay ang Salita na nagkatawang- tao, hindi laman na nilinang ng Espiritu ng Diyos upang pansamantalang panindigan ang tungkulin ng Diyos. Ang Diyos Mismo ay hindi nilinang, ngunit ang Salita na nagkatawang-tao, at ngayon opisyal Niyang isinasagawa ang Kanyang gawain sa inyong lahat. Nalalaman ninyong lahat at kinikilala na ang pagkakatawang-tao ng Diyos ay isang katotohanan, ngunit nagkukunwari kayo sa isang pagkaunawa na sa totoo lang ay hindi ninyo taglay. Hindi ninyo lahat pinahahalagahan ang gawain ng nagkatawang-taong Diyos o ang kahalagahan at ang katuturan ng kanyang pagiging katawang-tao, at basta na lamang ninyo binibigkas ang mga salitang sinasabi ng iba. Naniniwala ka ba na ang nagkatawang-taong Diyos ay gaya ng iyong inaakala?

May 26, 2018

Kidlat ng Silanganan | Pag-bigkas ng Diyos | Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (2)

   
   Espiritu, Jesus, krus, Diyos, Buhay


🍇🍇🍇🍇🍇🍇🍇🍇🍇🍇🍇🍇🍇

    Sa panahong iyon, nang si Jesus ay gumawa sa Judea, gumawa Siya nang lantaran, ngunit ngayon, gumagawa Ako at nagsasalita sa inyo nang lihim. Ganap na hindi ito alam ng mga hindi mananampalataya. Ang Aking gawain sa inyo ay hiwalay sa iba. Ang mga salitang ito, ang mga pagkastigong ito at mga paghatol, ay hayag lamang sa inyong lahat at wala nang iba. Lahat ng mga gawaing ito ay isinasagawa sa inyo at binuksan lamang sa inyo; wala sa mga hindi mananampalataya ang nakakaalam nito, dahil hindi pa dumarating ang oras.

May 24, 2018

Pag-alam sa Layunin at Kahalagahan ng Bawat Isa sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang gawain na ginawa ni Jehova sa mga Israelita ay itinatag sa gitna ng sangkatauhan ang lugar na pinagmulan ng Diyos, na siya ring banal na lugar kung saan Siya naroon. Nilimitahan Niya ang Kanyang gawain sa bayan ng Israel. Noong una, hindi Siya gumawa sa labas ng Israel; sa halip, pinili Niya ang isang bayan na natagpuan Niyang angkop upang itakda ang sakop ng Kanyang gawain. Ang Israel ang lugar kung saan nilikha ng Diyos si Adan at Eba, at mula sa alabok sa lugar na iyon nilikha ni Jehova ang tao; ang lugar na ito ay naging himpilan ng Kanyang gawain sa daigdig. Ang mga Israelita, na siyang mga inapo ni Noe at mga inapo din ni Adan, ay ang mga pantaong saligan ng gawain ni Jehova sa daigdig.

May 22, 2018

Ang Relasyon ng Bawat Isa sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos

★*。:゚*☆*゚:。:*★*。:゚*☆*゚:。:*★*。:゚*☆*゚:。:*★*。:゚*☆*゚:。:*★


Jehovah, krus, Jesus, Espiritu, relihiyon

Nauugnay sa mga Salita ng Makapangyarihang Diyos

    Mula sa gawain ni Jehovah hanggang sa iyong gawain ni Jesus, at mula sa gawain ni Jesus hanggang sa iyong kasalukuyang yugto, ang tatlong yugtong ito ay sumasaklaw sa kabuuang lawak ng pamamahala ng Diyos, at ang lahat ay gawain ng isang Espiritu. Mula sa paglikha Niya sa mundo, pinamamahalaan na ng Diyos ang sangkatauhan. Siya ang Simula at ang Katapusan, Siya ang Una at ang Huli, at Siya ang Siyang magpapasimula ng gawain at Siyang maghahatid sa kapanahunan sa katapusan nito. Ang tatlong yugto ng gawain, sa magkakaibang kapanahunan at lugar, ay tiyak na isinagawa ng isang Espiritu. Ang lahat ng mga naghihiwalay sa tatlong yugtong ito ay sumasalungat sa Diyos.

May 14, 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Ang Gawain ng Banal na Espiritu at Ang Gawain ni Satanas



buhay, Espiritu, Iglesia, Jesus, Diyos

  <*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*>
 Paano mo nauunawaan ang mga partikular sa Espiritu? Paano gumagawa ang Banal na Espiritu sa tao? Paano gumagawa si Satanas sa tao? Paano gumagawa ang masasamang espiritu sa tao? At anu-ano ang mga pagpapakita ng gawaing ito? Kapag mayroong nangyayaring isang bagay sa iyo, ito ba ay mula sa Banal na Espiritu, at dapat mo ba itong sundin, o itatakwil ito? Ang totoong pagsasagawa ng mga tao ay nag-aangat sa marami na mula sa kalooban ng tao ngunit palaging pinaniniwalaan ng mga tao na nagmumula sa Banal na Espiritu.

May 12, 2018

Kidlat ng Silanganan | Pag-bigkas ng Diyos | Pagsasagawa (3)

Diyos, iglesia, Jehovah, Espiritu, Langit
    Dapat kayong magkaroon ng kakayahan na mabuhay nang mag-isa, nagagawang kumain at uminom ng mga salita ng Diyos sa inyong mga sarili, upang maranasan ang mga salita ng Diyos nang sarilinan, at upang mamuhay ng isang normal na buhay espirituwal nang walang pangunguna ng iba; dapat ninyong magawang umasa sa mga salita ng Diyos sa kasalukuyan upang mabuhay, makapasok sa tunay na karanasan, at tunay na pagkakita. Sa gayon pa lamang kayo makapaninindigan. Sa kasalukuyan, marami sa mga tao ang hindi ganap na nauunawaan ang hinaharap na mga kapighatian at mga pagsubok. Sa hinaharap, ang ilang mga tao ay makakaranas ng mga kapighatian, at ang ilan ay makakaranas ng kaparusahan. Ang kaparusahang ito ay magiging lalong matindi; ito ay magiging ang pagdating ng mga katotohanan. Sa kasalukuyan, ang lahat ng iyong nararanasan, ginagawa, at ipinahahayag ay inilalatag ang saligan para sa mga pagsubok sa hinaharap, at kahit papaano, dapat mong magawa na mabuhay nang mag-isa. Ngayon, ang sitwasyon tungkol sa marami sa iglesia sa pangkalahatan ay ang mga sumusunod: Kung may mga manggagawa na gagawa ng gawain ng iglesia,[a] sila ay masaya, at kung sila ay hindi, sila ay hindi masaya; at hindi nila pinagtutuunan ng pansin ang gawain sa iglesia, ni hindi sa kanilang sariling pagkain at pag-inom, at wala ni kakatiting na pasan—sila ay kagaya ng ardilya na sumisigaw sa lamig.[b] Sa tapat na pagsasalita, sa maraming mga tao ang gawain na Aking ginawa ay gawain lamang ng paglupig, sapagkat marami ang pangunahin nang hindi karapat-dapat na gawing perpekto. Isang maliit na bahagi lamang ng mga tao ang maaaring gawing perpekto. Kung, sa pagkarinig sa mga salitang ito, naniniwala ka na ang gawain na ginagawa ng Diyos ay para lamang lupigin ang mga tao, at kaya susunod ka na lamang nang walang interes, papaano magiging katanggap-tanggap ang gayong ugali? Kung ikaw ay tunay na nagtataglay ng konsiyensya, kung gayon kailangan mong magkaroon ng isang pasan, at isang pagkadama ng pananagutan. Dapat mong sabihin: Hindi ko alintana kung ako man ay lulupigin o gagawing perpekto, ngunit dapat kong taglayin nang maayos ang hakbang na ito ng patotoo. Bilang isang nilikha ng Diyos, ang isa ay maaring ganap na lupigin ng Diyos, at sa huli, nagagawa nilang mapalugod ang Diyos, tinutumbasan ang pag-ibig ng Diyos ng pag-ibig sa kanilang puso at sa ganap na paglalaan ng kanilang mga sarili sa Diyos. Ito ang pananagutan ng tao, ito ang tungkulin na dapat gampanan ng tao, at ang pasan na dapat batahin ng tao, at dapat matapos ng tao ang komisyon na ito. Sa gayon lamang sila tunay na naniniwala sa Diyos. Sa kasalukuyan, ang ginagawa mo ba sa iglesia ay ang katuparan ng iyong pananagutan? Ito ay nakasalalay sa kung ikaw ay nabibigatan, at sa sarili mong kaalaman. Sa pagdanas sa gawaing ito, kung ang tao ay nilupig at mayroong tunay na kaalaman, kung gayon may kakayahan ka sa pagsunod maging anuman ang iyong sariling mga inaasahan o kapalaran. Sa ganitong paraan, ang dakilang gawain ng Diyos ay magkakatotoo sa kabuuan nito, sapagkat ang mga taong ito ay may kakayahang hindi hihigit dito, at hindi magagawang matupad ang anumang mas mataas na mga pangangailangan. Gayunman sa hinaharap, ang ilang mga tao ay gagawing perpekto. Ang kanilang kakayahan ay mapapabuti, sa kanilang espiritu sila ay magkakaroon ng isang mas malalim na pagkaunawa, ang kanilang mga buhay ay lalago…. Ngunit ang ilan ay ganap na walang kakayahan na makamit ito, at kaya hindi maliligtas. Mayroong isang dahilan kung bakit sinasabi Kong hindi sila maliligtas. Sa hinaharap, ang ilan ay lulupigin, ang ilan ay aalisin, ang ilan ay gagawing perpekto, at ang ilan ay kakasangkapanin—at kaya ang ilan ay makakaranas ng mga kapighatian, ang ilan ay makakaranas ng kaparusahan (kapwa ng mga natural na kalamidad at mga kasawiang gawa ng tao), ang ilan ay maaalis, at ang ilan ay makaliligtas. Sa ganito, ang bawat isa ay pagbubukud-bukurin ayon sa uri, na ang bawat grupo ay kakatawan sa isang uri ng tao. Hindi lahat ng tao ay aalisin, ni ang lahat ng tao ay gagawing perpekto. Ito ay dahil ang kakayahan ng mga taong Tsino ay napakababa, at mayroon lamang maliit na bilang sa kanila ang nagtataglay ng uri ng kamalayang pansarili na mayroon si Pablo. Sa mga taong ito, kaunti ang mayroong pagpapasya na ibigin ang Diyos katulad ni Pedro, o kagaya ng uri ng pananampalataya ni Job. Halos wala sa sinuman sa kanila ang mayroong katulad na antas ng paggalang para kay Jehovah, o kaparehong antas ng katapatan sa paglilingkod kay Jehovah kagaya ng kay David. Kahabag-habag kayo!

"Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" | Sipi 14

Ang bawa’t yugto ng gawain ng Banal na Espiritu ay kasabay na nangangailangan ng patotoo ng tao. Ang bawa’t yugto ng gawain ay isang p...