Kidlat ng Silanganan

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Nagbalik na ang Panginoon. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Nagbalik na ang Panginoon. Ipakita ang lahat ng mga post

Hun 22, 2019

Mga Movie Clip (1) | "Ano ang Pinakamahalagang Gawi para Masalubong ang Pagdating ng Panginoon?

Mga Movie Clip (1) | Kumakatok sa Pintuan | "Ano ang Pinakamahalagang Gawi para Masalubong ang Pagdating ng Panginoon?"

Sabi ng Panginoong Jesus, "Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig, at sila'y aking nakikilala, at sila'y nagsisisunod sa akin"(Juan 10:27). Ilang beses ding iprinoposiya sa Pahayag na, "Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia." Ang tinig at mga salita ng Espiritu ang tinig ng Panginoon, at ang tupa ng Diyos ang siyang makakikilala sa tinig ng Diyos. Kung ganon, ano nga bang gawain ang pinakamahalaga para sa mga Kristiyano sa pagsalubong nila sa pagdating ng Panginoon?

May 9, 2019

Kapag Dumating ang Panginoon na Kumakatok sa Pintuan, Paano Tayo Sasagot

Xiao Fei

Pagkapasok ko sa paniniwala sa Panginoon, gustong awitin ng mga kapatid ang himnong tinatawag na “Ang Mabuting Tao ay Kumakatok sa Pintuan” na ganito: “Ang mabuting tao ay kumakatok sa pintuan, Ang Kanyang buhok ay basa sa hamog; kaagad tayong bumangon at buksan ang pintuan, at huwag hahayaan ang mabuting tao na tumalikod at umalis. …” Sa bawat pagkakataong inaawit namin ang himnong ito, ang aming mga puso ay lubos na naaantig at napupukaw. Nais naming lahat na hilingin sa mabuting tao na magpalipas ng gabi, kaya pagdating ng mabuting tao at kakatok sa pintuan sasalubungin natin ang Panginoon sa unang pagkakataon na maririnig natin ang tinig ng mabuting tao. Maaaring sabihin na lahat tayong naniniwala sa Panginoon ay mayroong ganoong pag-asa. Ngunit pagdating ng Panginoon, paano Siya kakatok? Kapag kumatok ang Panginoon, ano ang dapat nating gawin upang matiyak na tinatanggap natin Siya bilang Panginoon? Ito ay isang bagay na dapat pag-isipan ng mga tao na naniniwala sa Panginoon.

Abr 28, 2019

Malinaw na ipinropesiya ng Panginoon: “Narito ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo ko” (Pahayag 3:20). Malinaw na kapag nagbalik ang Panginoon, magsasalita Siya at sasambitin ang Kanyang mga salita, at lahat ng nakikinig sa tinig ng Diyos, at sumasalubong sa Panginoon ay madadala sa harap ng Diyos at dadalo sa piging kasama ang Panginoon bago ang sakuna.


Talata ng Biblia para Sanggunian:

Kayo rin naman ay mangagsihanda: sapagka’t sa oras na hindi ninyo iniisip, ang Anak ng tao ay darating” (Lucas 12:40).

Ako’y pumaparitong gaya ng magnanakaw” (Pahayag 16:15).

Narito ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo ko” (Pahayag 3:20).

Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia” (Pahayag 2-3).

Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig, at sila’y aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa akin” (Juan 10:27).

Mga Klasikong Salita Mula sa Diyos:

Ang “pagiging nadagit” ay hindi ang makuha mula sa isang mababang lugar tungo sa isang mataas na lugar gaya ng iniisip ng mga tao. Ito ay isang malaking pagkakamali. Ang pagiging nadagit ay tumutukoy sa Aking pagtatadhana bago pa man at pagpipili. Ito ay nakatutok sa lahat ng Aking naordinahan bago pa man at pinili.

Dis 26, 2018

Pag-alpas sa Ulap upang Makita ang Liwanag

Faith China

Isa akong karaniwang manggagawa. Noong katapusan ng Nobyembre 2013, nakita ng isa kong kasamahan sa trabaho na ako at ang aking asawa ay laging nag-iingay tungkol sa maliliit na bagay, na araw-araw ay nababalisa at namimighati kami, kaya ipinasa niya sa amin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Mula sa salita ng Makapangyarihang Diyos, natutunan namin na nilikha ng Diyos ang mga langit at lupa at lahat ng bagay, at ang buhay ng tao ay ipinagkaloob sa kanya ng Diyos.

Dis 13, 2018

Tinuturuan din tayo ng mga pastor at elder ng mga relihiyon na sinumang Panginoong Jesus na hindi pumaparito sa mga ulap ay bulaan at kailangang talikuran. Kaya hindi tayo nakatitiyak kung naaayon ang pananaw na ito sa Biblia o hindi; tama bang tanggapin itong katotohanan o hindi?


Sagot:


Pagdating sa paghihintay sa Panginoon na bumaba nang nasa mga alapaap, hindi tayo dapat umasa sa mga paniniwala at imahinasyon ng tao! Nakagawa ng malaking pagkakamali ang mga Fariseo sa paghihintay sa pagdating ng Mesias. Ginamit nila mismo ang mga palagay at imahinasyon ng tao upang sukatin ang Panginoong Jesus na dumating na. Sa huli, ipinako nila ang Panginoong Jesus sa krus.

Nob 26, 2018

Best Tagalog Christian Movie Trailer | "Umabot sa Huling Tren Caught the Last Train"


Best Tagalog Christian Movie Trailer | "Umabot sa Huling Tren Caught the Last Train" 


Si Chen Peng ay pastor sa isang bahay-iglesia. Noon pa man ay marubdob na siyang naglingkod sa Panginoon, at kadalasa’y nagsilbing pastor, sa pagtulong sa kanyang mga alagad, at binalikat ang malalaking pasanin para sa iglesia. Pero nitong nakaraang mga taon, mas lalong nawalan ng tao sa iglesia. Nanghina ang espiritu ng mga mananampalataya at hindi na nagsimba, at hindi na dumadalo sa mga miting. Kaya nga kahit si Pastor Chen ay nakadama ng kadiliman sa kanyang kaluluwa, na para bang natuyo na ang balon ng kanyang espiritu, at hindi na niya madama ang presensya ng Panginoon. Sa mga miting, nalaman niya na wala siyang maipangaral. … Ginawa niya ang lahat ng maaari niyang maisip para muling pasiglahin ang iglesia, pero nawalan ng saysay ang lahat ng pagsisikap niya. … Naging miserable si Chen Peng, nalito, at hindi maunawaan kung bakit nagiging mapanglaw ang kanyang iglesia, at bakit nawala sa kanila ang presensya ng Panginoon.

Okt 25, 2018

Pananabik | "Ganito Pala ang Pagbalik ng Panginoon"


Tagalog Christian Movie Clips 2018 | Pananabik "Ganito Pala ang Pagbalik ng Panginoon"

Nabasa na ng maraming nananalig sa Panginoon ang sumusunod na propesiya sa Biblia: "Mangakikita nila ang Anak ng tao na napaparitong sumasa mga alapaap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian" (Mateo 24:30). Naniniwala sila na pagbalik ng Panginoon, siguradong bababa Siya sakay ng ulap, pero may iba pang mga propesiya sa Biblia na nagsasabing: "Narito, ako’y pumaparitong gaya ng magnanakaw" (Pahayag 16:15). "Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya" (Mateo 25:6). Malinaw na may mga propesiya na darating ang Panginoon nang lihim bukod pa sa propesiya na hayagan Siyang bababa sakay ng ulap. Kaya ano ang katotohanan tungkol sa Kanyang pagbalik?

Okt 15, 2018

Mga Patotoo ng Pagbabalik sa Diyos-Ang Araw na Iyon Kung Saan ang Himpapawid ay Lalong Malinaw at Maaraw (Unang Bahagi)

Tian Ying

  Tandaan: Ang may-katha ay nalinlang at nagapos ng mga ideya ng “pananampalataya lamang” at “ang maligtas minsan ay maligtas magpakailanman” na ikinalat ng mga pastor at tumanggi na makipag-ugnayan sa kapatiran na nagpapalaganap ng ebanghelyo ng Diyos sa mga huling araw. Gayunman, hindi nagtagal nang masaksihan niya ang isang kapatid na nagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian ng Diyos sa bahay ng kaniyang nakatatandang kapatid, at sa pamamagitan ng pakikibahagi, ang may-katha ay dumating sa pagkaunawa sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, at nagsimulang makita nang malinaw ang pagiging kakatwa ng mga relihiyosong paniniwala. Siya ay nakawala sa kontrol ng pastor at tinanggap ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, at nanumbalik sa Diyos.

Set 29, 2018

Kristyano Maikling Dula - "Paggutom sa Sarili sa Takot na Mabulunan" (Tagalog Dubbed)


Maikling Dula - "Paggutom sa Sarili sa Takot na Mabulunan" (Tagalog Dubbed)


In the matter of welcoming the Lord's coming, there are some in the religious world who close their door and wait alone for fear of being deceived by false Christs. They starve themselves for fear of choking, and cling to the words, "Then if any man shall say to you, See, here is Christ, or there; believe it not. For there shall arise false Christs, and false prophets, and shall show great signs and wonders; so that, if it were possible, they shall deceive the very elect" (Mat 24:23-24). They think anyone who preaches God's gospel of the last days or testifies the Lord's return is false, and utterly refuse to hear, see, or come into contact with them, but they ignore how to welcome the Lord's coming. The protagonist of this skit is one such person …

Set 28, 2018

"Mapalad ang Mapagpakumbaba" | The Lord Has Come Back


Tagalog Christian Movie "Mapalad ang Mapagpakumbaba" | The Lord Has Come Back


Si Cho Yeonghan ay pastor sa isang iglesia sa South Korea. Malugod siyang naglingkod sa Panginoon nang ilang dekada at nakamtan ang matinding paggalang ng kanyang kapwa mananampalataya. Sa nagdaang mga taon, ang iglesia niya ay naging mas mapanglaw araw-araw. Ang masasamang gawa ay naging pangkaraniwan na lamang, at kahit siya, madalas niyang natatagpuan ang sarili niya na nagkakasala. Bilang resulta, naging masyado siyang miserable at nakadama ng labis na pagkalito. Pagkatapos niyang pag-isipan ang lahat, maayos niyang ibinigay ang kanyang posisyon bilang pastor at iniwan ang kanyang denominasyon, naghanap ng isang iglesya na may gawain ng Banal na Espiritu, umaasa na matatagpuan ang landas na mag-aalis ng kanyang kasalanan.

"Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" | Sipi 14

Ang bawa’t yugto ng gawain ng Banal na Espiritu ay kasabay na nangangailangan ng patotoo ng tao. Ang bawa’t yugto ng gawain ay isang p...