Suxing Lalawigan ng Shanxi
Ako
ay taong arogante at masyadong bilib sa sarili at ang katungkulan ay
ang aking kahinaan. Sa loob ng maraming taon, nakatali ako sa reputasyon
at katungkulan at hindi ko nagawang makalaya mula dito. Paulit-ulit
akong naitaas at napalitan; nagkaroon ako ng maraming kabiguan sa aking
katungkulan at mga problema sa pagdaan ng panahon. Pagkatapos ng
maraming taon na ako ay pinakitunguhan at nagawang pino, naramdaman ko
na hindi ko sineseryoso ang aking katungkulan. Ayaw kong maging kaparis
ng aking nakaraan na inisip na hangga't ako ay isang pinuno, maaari
akong gawing perpekto ng Diyos at kung hindi ako pinuno, wala akong
pag-asa. Naunawaan ko na kahit ano pa ang tungkulin na aking tinutupad,
kinakailangan ko lamang hanapin ang katotohanan at ako ay gagawing
perpekto ng Diyos; ang paghahangad sa reputasyon at katungkulan ay
paraan ng anticristo. Ngayon, pakiramdamn ko'y kahit ano pang tungkulin
ang aking tinutupad, matatanggap ko ang hindi magkaroon ng katungkulan.
Batas ng langit at lupa na ang nilikha ay tumutupad sa kanyang papel.
Kahit saan ka pa nailagay, dapat mong tanggapin ang mga kaayusang ginawa
ng Diyos. Kapag ang katiwalian ng pagiging tanyag at katungkulan ay
nailantad, ito ay malulunasan sa pamamgitan ng paghahanap sa
katotohanan. Kahit ano pa ang aking makaharap habang tinutupad ko ang
aking tungkulin, basta nauunawaan ko ang katotohanan, nakahanda akong
bayaran ang kapalit. Sa dahilang ito, akala ko na nakapaglakad na ako sa
landas ng paghahanap sa katotohanan. Akala ko nabawi ko na ang katauhan
at katwiran. Sinusuri ng Diyos ang puso at sinisiyasat ang isip. Alam
Niya na hindi ako malinis sa aking paghahanap sa katotohanan, at na
hindi ako tunay na naglalakad sa landas ng paghahanap sa katotohanan.
Alam ng Diyos kung anong paraan ang gagamitin para ako ay linisin at
mailigtas.
Sa katapusan ng Hunyo 2013, napalitan ang pinuno dito.
Pagkatapos, pinili ako ng mga kapatid para maging bagong pinuno.
Hinayaan ako ng pamilya ng Diyos na bumangon at gawin ang gawain. Noong
narinig ko na gagampanan ko ang ganoong napakalaking responsibilidad,
naramdaman ko na hindi ko taglay ang realidad ng katotohanan at na hindi
ko makakaya ang gawain. Napakalaki ng saklaw nito at napakaraming mga
kapatid. Paano ko sila pamumunuan? Napakaraming napalitang mga taong
nagtataglay ng mas maraming panloob na katangian kaysa sa akin. Paano
ako magiging mas mabuti? Hindi kaya ito maglalantad sa akin? Hindi ako
nakahanda na dumanas ng mga ginhawa at paghihirap. Basta't natutupad ko
ang aking mga tungkulin, gagawin ko ang lahat ng aking makakaya saanman
ang kinakailangang gawain. Kung kaya tumanggi ako kaagad. “Hindi, wala
akong kakayahan para sa gawaing ito. ...” Nasabi ko ang lahat ng uri ng
mga katwiran at mga dahilan. Lubos kong pinaniwalaan na ako ay may
katwiran sa ginawa kong ito at na ito ang katotohanan. Paglaon, nabatid
ko sa pamamagitan ng pagbabahagi ng aking mga kapatid na taglay ko ang
lason ng malaking pulang dragon sa aking kalooban; ito ay, “Habang mas
mataas ang iyong naaakyat, mas matindi ang iyong pagkahulog” at “Habang
mas mataas ang iyong naaakyat, mas lalong lumalamig.” Hindi ko gustong
mapahirapan ulit ng katungkulan. Kahit na sa pangangatwiran alam ko na
ang dahilan kung bakit ang mga tao ay natatanggal ay dahil hindi nila
hinanap ang katotohanan at ang kanilang mga kalikasan ay napakasama at
ginawa nila ang lahat ng mga uri ng kasamaan; subalit, sa likod ng aking
isip, naniwala ako na kung hindi ako isang dakilang pinuno, kung gayon,
wala nang mga pagkakataon para makagawa ng masama; ito ay proteksyon
para sa aking sarili. Pagkatapos naisip ko, ang kasalukuyan kong pamilya
ay wala na, ang mga pag-asa sa aking hinaharap ay wala na, at ako ay
tinutugis ng malaking pulang dragon. Kung ako ay maging isang dakilang
pinuno, at sa huli, masasaktan ko ang disposisyon ng Diyos at mapatalsik
dahil hindi ko taglay ang katotohanan, kung gayon, hindi ako talaga
makapagpapatuloy na mabuhay. Dahil nakatali ako sa mga pananaw at lason
na ito, nabuhay ako sa kadiliman at pagdurusa. Sa aking paghihirap,
napilitan akong tumawag sa Diyos: “O Diyos ko, sa pagharap ko sa
responsibilidad na ito, alam ko na ako ay Iyong pinarangalan. Alam ko na
ang pagtanggi ko sa responsibilidad na ito ay pagtaksil sa Diyos at
hindi ako mangangahas na gawin ito. Natatakot ako na manawagan sa
matinding galit ng Diyos. Ngunit sa ngayon, nabubuhay akong nakatali sa
lason ni Satanas at hindi ko magawang makawala dito. Lubos akong
natatakot sa pagpapasan sa malaking responsibilidad na ito, natatakot
ako na ang aking kalikasan ay mapanganib, na hindi ko taglay ang
katotohanan at na ako ay mapaparusahan sa paggawa ng malaking kasamaan. O
Diyos ko, ako ay nasasaktan at lalong nalilito. Hindi ko alam kung ano
ang kaligtasan o kung paano sumuko sa Diyos. Hinihingi ko sa Iyo Diyos
ko na tulungan mo ako at iligtas ako.” Sa aking pagdarasal, binigyan ako
ng Diyos ng pagliliwanag sa mga salitang “Paano Makilala ang Diyos na
nasa Lupa”: “At ang kaalaman ninyo sa Akin ay higit pang malayo kaysa
di lang pagkakaunawaan, higit pa rito, nariyan ang inyong
paglapastangan laban sa Espiritu ng Diyos at panlalait sa langit. Kayat
sinasabi Ko sa inyo na ang ganitong uri ng pananampalataya ang magiging
sanhi ng inyong lalo pang paglayo sa Akin at mas higit pang pagsalungat
laban sa Akin. Sa paglipas nang maraming taong paggawa, marami nang
katotohanan ang inyong nakita, subalit alam ba ninyo kung ano ang
narinig ng Aking mga tainga? Ilan sa inyo ang handang tanggapin ang
katotohanan? Naniniwala kayong lahat na handa kayong bayaran ang halaga
para sa katotohanan, ngunit ilan na ba ang totoong nagdusa dahil sa
katotohanan? Ang lahat nang nasa inyong mga puso ay kasamaan, kaya
pinaniniwalaan ninyo na ang bawat isa, kahit sino, ay tuso at manloloko.”
Ang mapanghatol na mga salita ng Diyos ay parang nakakabinging kulog,
na naging dahilan para ang aking pagkalito at paghihirap ay maging takot
at panginginig. Lalo na, “paglapastangan laban sa Espiritu,” “panlalait sa langit,” at “Ang lahat nang nasa inyong mga puso ay kasamaan,”
ang mga salitang ito ay parang tabak na tumagos sa aking puso,
ipinaparamdam sa akin ang pagkamatuwid, kadakilaan, at matinding galit
ng disposisyon ng Diyos. Nakita ko na ang aking kasalukuyang sitwasyon
ay tunay na tumututol sa Diyos at nilalapastangan ang Diyos at na ito ay
nakapalubha! Dahil dito ang aking rebeldeng puso ay nagbago at
humandusay ako sa harapan ng Diyos para sumuko sa Kanya. Sinuri ko kung
ano ang nailantad tungkol sa aking sarili. Hindi ko alam kung ilang
beses kong naranasan ang paghahatol at pagkastigo ng Diyos sa paglipas
ng mga taon, ngunit hindi lang sa hindi ko kilala ang Diyos, sa
katunayan ay mali ang pagkaunawa ko sa Kanya at maingat sa Kanya, na
nagpalala dito. Sinisi ko ang Diyos sa lahat ng hindi makatarungan na
parang ang gawain ng Diyos ay malaking abala para sa tao. Pagkatapos ng
maraming taon ng pagdanas sa gawain ng Diyos, ang aking relasyon sa
Diyos ay hindi naging mas malapit o regular; sa halip, lalo akong
humiwalay at naging malayo sa Diyos. Nagkaroon ng malaking siwang sa
pagitan namin ng Diyos at hindi ko ito magawang tawirin. Ito ba ang
aking nakamtan pagkatapos ng lahat ng mga taong ito? Sa oras na ito,
nabatid ko na ang aking makasarili at kalunos-lunos na kalikasan ay
itinutulak ako na talikuran ang aking konsensya. Nakalimutan ko ang
ibinuwis ng Diyos para sa akin; nakalimutan ko ang Kanyang pagliligtas
at pagpapalago sa akin. Sa oras na ito, nagdasal ulit ako sa Diyos: “O
Diyos ko, hindi na ako mabubuhay sa lason ni satanas, hindi ko na
sasakatan ulit ang Iyong puso. Nakahanda akong tanggapin ang paghahatol
at pagkastigo ng Diyos at talikuran ang aking maling mga pananaw.”
Pagkatapos nito, binasa ko ang sermon na inilabas noong Hunyo 15, 2013
mula sa itaas: “Ang lahat ng hindi nagmamahal sa Diyos ay nasa landas ng
anticristo at tuluyang maibubunyag at maaalis. Ang gawain ng Diyos sa
mga huling araw ay ang pagligtas at paggawang perpekto sa mga tao at
bawat masamang tao na hindi maililigtas ay maibubunyag at maaalis.
Samakatuwid, bawat tao ay susunod sa kanyang kauri. Bakit nakaparaming
tao ang nailalantad na gumagawa ng masama gamit ang kanilang katungkulan
at kapangyarihan? Hindi dahil ang kanilang katungkulan ay nakakasakit
sa kanila. Ang pangunahing problema ay ang diwa ng kalikasan ng tao. Ang
katungkulan ay tiyak na magbubunyag sa mga tao, ngunit kung ang taong
may mabuting puso ay may mataas na katungkulan, kung gayon, hindi sila
gagawa ng iba’t-ibang gawain na masama. Ang ilang tao na walang
katungkulan ay hindi gagawa ng masama. Sa panlabas na anyo, mukha silang
mabubuting tao, ngunit kung magkaroon sila ng katungkulan, gagawa sila
ng lahat ng uri ng kasamaan.” (“Kailangan Ninyong Maranasang Pumasok sa
Realidad ng Katotohanan ng Salita ng Diyos Upang Makamit ang
Pagpeperpekto ng Diyos” sa Ang Pangangaral at Pagbabahagi ng Itaas). Sa
pamamagitan ng pagbabahaging ito, nakita ko kung gaano kakatwa at
katawatawa ang mga pananaw na nandito sa aking puso. Kung makakalakad
man o hindi ang sinuman sa landas ng paghahanap sa katotohanan ay hindi
nakabatay sa pagkakaroon o kawalan ng katungkulan, at hindi ang
pagkakaroon ng katungkulan ang magpapahirap sa paglalakad sa landas ng
paghahanap sa katotohanan. Ang susi ay nakasalalay sa kung ang kalikasan
ng tao ay magiliw sa katotohanan o hindi at kung mahal ng tao ang Diyos
o hindi. Akala ko na sa maraming taon kong “pagpigil sa aking sarili,”
hindi ko sineryoso ang aking katungkulan at inisip ko na ako ay parang
damo na hindi makuhang maging isang malaking puno at nakaya kong maging
matapat sa paghahanap sa katotohanan at sa pagtupad sa aking mga
tungkulin. Hindi na ako kagaya ng dati na nakakaramdam ng sakit,
panghihina, pagkanegatibo at kasiraan ng loob kapag nakita ko ang
pamilya ng Diyos na itinataguyod ang ibang tao sa halip na ako. Dahil sa
mga paghahayag na ito, naniwala ako na ang aking disposisyon ay nagbago
na nang kaunti at ako ay naglalakad na sa landas ni Pedro. Ngayon, sa
liwanag ng mga katibayan at katotohanan, nakita ko nang malinaw ang
aking mga tunay na kulay: Hindi ko talaga pinapakawalan ang aking
katungkulan, kundi, ako ay naging mas matalino at tuso. Pagkatapos ng
maraming beses na pakikitungo dito, hindi ko ibinibigay ang aking puso
sa Diyos at matapat na hinahanap ang pagmamahal sa Diyos. Sa halip,
pinag-iingatan ko ang aking sarili. Palagi kong pinagtutuunan sa aking
isipan ang aking kapakanan sa hinaharap. Itinanim ko ang kakatwang
pananaw sa aking puso na “Ang mga matataas na katungkulan ay hindi
ligtas." Paano ko ipinapakita ang pagmamahal sa Diyos at lumalakad sa
landas ni Pedro?
Tungkol sa aking maling mga pananaw, binasa ko
ang prinsipyo 121, “Ang Prinsipyo ng Pagpapatibay sa Iyong mga Tungkulin
at Katungkulan” pati na ang prinsipyo 155, “Ang Prinsipyo ng Paggugol
para sa Diyos” sa “Ang Realidad ng Katotohanan na Dapat Ninyong Pasukin
Upang Mapangasiwaan ang mga Bagay nang may Prinsipyo.” Kabilang sa mga
prinsipyong ito ang mga salita sa dasal ni Pedro: “Alam Mo kung ano
ang kaya kong gawin, at alam Mo pa kung anong papel ang maaari kong
gampanan. Ang Iyong pagnanais ay aking gagawin at iaalay ko ang lahat na
mayroon ako sa Iyo. Ikaw lamang ang nakaaalam kung ano ang makakaya
kong gawin para sa Iyo. Bagaman labis akong nilinlang ni Satanas at
nag-alsa ako laban sa Iyo, naniniwala akong hindi Mo tinatandaan ang mga
pagkakasalang iyon, na hindi Mo ako tinatrato batay sa mga iyon.
Ninanais kong ialay ang buong buhay ko sa Iyo. Wala akong hinihiling, at
wala akong ibang mga inaasahan o mga plano; ninanais ko lamang na
kumilos sang-ayon sa Iyong nilalayon at gawin ang Iyong kalooban. Iinom
ako mula sa Iyong mapait na tasa, at ako ay Iyong pag-utusan.” Pati na rin ang: “Walang
pagkakaugnay sa pagitan ng tungkulin ng tao at ng kung siya ay
pinagpala o isinumpa. Ang tungkulin ay kung ano ang nararapat na tuparin
ng tao; ito ang kanyang nakalaang tungkulin at hindi dapat umasa sa
gantimpala, mga kalagayan, o mga kadahilanan. Ito lamang ang paggawa ng
kanyang tungkulin. Ang taong pinagpala ay nagtatamasa ng kabutihan sa
pagiging pineperpekto pagkatapos ng paghatol. Ang taong isinumpa ay
tumatanggap ng kaparusahan kapag ang kanyang disposisyon ay nananatiling
hindi nagbabago kasunod ng pagkastigo at paghatol, iyan ay, hindi pa
siya nagagawang perpekto. Bilang isang taong nilalang, nararapat tuparin
ng tao ang kanyang tungkulin, gawin ang nararapat niyang gawin, at
gawin ang kaya niyang gawin, hindi alintana kung siya man ay pagpapalain
o isusumpa. Ito ang pinakapangunahing kundisyon para sa tao, bilang isa
na naghahanap sa Diyos. Hindi mo dapat gawin ang iyong tungkulin para
lamang pagpalain, at hindi ka dapat tumangging kumilos dahil sa takot na
maisumpa. Hayaan ninyong sabihin Ko sa inyo itong isang bagay: Kung
kaya ng tao na gawin ang kanyang tungkulin, ito ay nangangahulugan na
ginagampanan niya ang dapat niyang gawin. Kung hindi kaya ng tao na
gawin ang kanyang tungkulin, ito ay napapakita ng pagiging-suwail ng
tao.” Mula sa mga salita ng Diyos, makikita na hinangad ni Pedro na
tunay na makayang mahalin ang Diyos sa kanyang buong buhay at sinunod
niya ang mga kaayusan ng Diyos sa lahat ng bagay; hindi niya ginawa ang
kanyang sariling mga kagustuhan o mga kahilingan. Kahit paano pa inayos
ng Diyos ang mga bagay, palagi siyang sumusunod. Sa wakas, ginawa niya
ang kanyang tungkulin bilang nilikha at ibinigay ang kanyang buhay sa
Diyos at ang kanyang lubusang pagmamahal sa Kanya. Ang dahilan kung
bakit nagtagumapay si Pedro sa kanyang paniniwala sa Diyos ay hindi
dahil wala siyang mataas na katungkulan. Isa siyang apostol at binigyan
siya ng Panginoong Jesus ng malaking kautusan ng pagpapastol sa mga
iglesia. Ngunit hindi siya nagtatrabaho sa kanyang katungkulan bilang
apostol, siya ay hindi tanyag at hindi kilala, siya ay masipag at
matapat sa pagtupad sa kanyang mga tungkulin bilang isang nilikha, para
lubusang mahalin ang Diyos at sumunod sa Kanya. Nakamit niya ang
kasiyahan ng Diyos sa paggawa ng lahat ng kanyang makakaya sa pagtupad
sa kanyang mga tungkulin. Ito ang sikreto ng kanyang tagumpay.
Pagkatapos magkumpra sa dasal ni Pedro at sa paghahatol at pagkastigo ng
salita ng Diyos, nakaramdam ako ng pagkahiya. Tinamaan ang puso ko ng
salita ng Diyos at hinayaan akong makita na hindi ako sumusunod at ako
ay lumalaban sa Diyos. Sa paniniwala sa Diyos, palagi ko pa ring
pinanindigan ang aking sariling mga pag-asa at plano. Sa loob ng
maraming taong ito, ako ay naging abalang nagmamadali sa paghahanap para
sa huling hantungan, para sa aking mga kapakanan sa hinaharap, para sa
katanyagan, kita at katungkulan. Kapag tinutupad ko lamang ang ilan sa
aking mga tungkulin, sinubukan kong makipag-usap sa Diyos at hayaan ang
Diyos na ibigay ang Kanyang pagsang-ayon dito para masigurado na ako ay
maililigtas. Ang mga kahilingan ko sa Diyos na gawin ito para sa akin ay
nagbubunyag sa kalikasan ni Satanas na nasa akin na masyadong
makasarili, kalunos-lunos, at masama. Hindi ako nagkaroon ng kaunting
antas ng katwiran at konsensya na dapat ay taglay ng isang nilikha.
Hindi ako nagkaroon ng kaunting kalikasan ng tao! Tinanggihan ko ang
kautusan dahil sa aking mapanlinlang na kalikasan. Tinanggihan ko ang
tawag ng Diyos para mapag-ingatan ang aking sarili; sa kabaligtaran,
ginamit ko ang kakatwang argumento at naghanap ng mga dahilan. Nagsalita
ako nang may katwiran sa Diyos; tunay ngang ako ay kasabwat ni Satanas
at puwersa na kaaway ng Diyos. Sa oras na ito, binasa ko ang salita ng
Diyos, “Kung kaya ng tao na gawin ang kanyang tungkulin, ito ay
nangangahulugan na ginagampanan niya ang dapat niyang gawin. Kung hindi
kaya ng tao na gawin ang kanyang tungkulin, ito ay napapakita ng
pagiging-suwail ng tao.” Nakadama ng malalim na paninisi ng sarili
ang aking konsensya; nagbalik-tanaw ako kung paano na ang lahat ng
mayroon ako ay ibinigay ng Diyos at anuman ang aking nagawa, anuman ang
akin mararanasan, ay inayos lahat ng Diyos. Paulit-ulit ang paghahatol
at pagkastigo ng Diyos sa akin para mapanumbalik ang aking katwiran at
konsensya at maging dahilan para tunay kong matupad ang aking mga
tungkulin bilang isang nilikha. Kahit paano pa hilingin sa akin ng
Diyos, dapat ko sanang inialay ang aking sarili at sinuklian ang
pagmamahal ng Diyos. Kung hindi, ito sana ay kataksilan at dapat akong
maparusahan! Ang paghatol at pagkastigo ng salita ng Diyos sa wakas ay
nagpabago sa aking mga maling ideya at ginising ang aking konsensya. Sa
ngayon, ang tanong ay hindi kung ang kautusan ba ng Diyos ay inayos ng
sinuman, ngunit sa halip ito ay ang Diyos na sumusubok sa landas na
aking tinatahak sa loob ng maraming taong ito at kung ano ang aking
hinanap sa loob ng maraming taong ito. Sa ngayon, hindi ko taglay ang
realidad ng katotohanan at ako ay maliit sa katayuan. Hindi ibinigay ng
Diyos sa akin ang responsibilidad na ito dahil ako ay kasalukuyang
magaling; kung hindi, ito ay para hayaan ako na paghusayin ang
paghahanap sa katotohanan at tanggapin ang pagsasanay. Pinipilit ako
nito na lubusang ialay ang aking sarili sa Diyos at pumasok sa realidad
ng pagmamahal sa Diyos nang aking buong puso, kaluluwa, lakas at isip.
Noong nakaraan, nabubuhay ako na taglay ang kakatwang mga paniwala.
Naniwala ako na nasigurado ko ang aking mga tungkulin at katungkulan.
Habang tinutupad ko ang aking mga tungkulin nang may ganitong pag-uugali
at karanasan, hindi ako nakakatanggap ng gaanong pagpipino o gaanong
panggigipit. Subalit, ibinunyag nito ang aking napakasamang disposisyon
sa pamamagitan ng aking pagkakuntento at kasiyahan sa aking kasalukuyang
sitwasyon. Ibinunyag nito ang aking makasarili at kalunos-lunos na mga
paniniwala: Hinahangad ko na matupad ang aking mga tungkulin nang may
paniniwala sa Diyos nang hindi ko ginagawa ang lahat ng aking makakaya
para pasayahin at mahalin ang Diyos. Sa oras na ito, nagising na ako. Sa
loob ng maraming taong ito, akala ko na ako ay tumatahak na sa landas
ni Pedro na naghahanap sa katotohanan. Ngunit ngayon, ibinubunyag ng mga
katibayan na inilakip ko ang pinakamalaking pagpapahalaga sa aking mga
kapakanan sa hinaharap. Hindi ako nagkaroon ng kaunting antas ng
pagmamahal sa Diyos at hindi ako naging handa na kayanin ang mabigat na
pasanin o ialay ang aking buong katauhan para sa Diyos. Paano ito
naaayon sa hinahangad ni Pedro?
Sa aking pagsasaliksik, nabasa ko
ang dalawang sipi sa “100 Sipi ng Salita ng Diyos Na Kailangang
Maranasan at Isagawa ng mga Piniling Tao ng Diyos”: “At kaya ang tao,
bilang isang nilalang ng Diyos, dapat ring gumawa ng tungkulin ng tao.
Hindi alintana kung siya ay panginoon o pinuno ng lahat ng bagay, gaano
man kataas ang estado ng tao sa lahat ng bagay, siya pa rin ay isang
maliit na tao sa ilalim ng kapangyarihan ng Diyos, at ito ay hindi higit
kaysa sa isang karaniwang tao, isang nilalang ng Diyos, at siya ay
hindi kailanman magiging higit sa Diyos. Bilang isang nilalang ng Diyos,
dapat sumumpong ang tao na gawin ang tungkulin ng isang nilalang ng
Diyos, at sumumpong na mahalin ang Diyos na hindi gumagawa ng ibang mga
pagpili, dahil ang Diyos ay karapat-dapat sa pag-ibig ng tao. Ang mga
sumusumpong na magmahal sa Diyos ay hindi dapat maghanap ng kahit anong
personal na pakinabang o ang kanilang personal na inaasam; ito ay ang
pinakatamang paraan ng paggawa. Kung ang iyong hinahanap ay ang
katotohanan, ang iyong isagawa ay ang katotohanan, at kung ano ang iyong
matamo ay isang pagbabago sa iyong disposisyon, kung gayon ang landas
na iyong tinatahak ay ang tamang landas. Kung ang iyong hinahanap ay ang
mga biyaya ng laman, at ang isagawa mo sa ay ang katotohanan ng iyong
sariling pagkaintindi, at kung walang pagbabago sa iyong disposisyon, at
ikaw ay hindi kailanman masunurin sa Diyos sa laman, at naninirahan ka
pa rin sa kalabuan, kung gayon ang iyong sinusumpungan at siguradong
dadalhin ka sa impyerno, dahil ang landas na iyong tinatahak ay ang
landas ng kabiguan. Kahit ikaw ay ginagawang perpekto o inaalis ay
depende sa iyong gawa, sa madaling sabi ‘ang tagumpay o pagkabigo ay
depende sa landas na tinatahak ng tao.’ Ang Tagumpay o Pagkabigo ay
Depende sa Daan na Tinatahak ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa
Katawang-tao). Ang salita ng Diyos ay ang katotohanan, ang daan, at ang
buhay, at sa oras na ito, isinama kong muli ang aking tunay na sitwasyon
sa dalawang sipi ng salita ng Diyos. Napagpanto ko na ibinunyag na ng
salita ng Diyos ang landas ni Pedro tungo sa tagumpay pati na ang
paghahayag ng landas sa tagumpay. Ang landas ni Pedro tungo sa tagumpay
ay hindi tumutukoy sa paghahangad ng katungkulan o pagkuha at pagpili ng
mga tungkulin. Hindi lamang ito tungkol sa paglaban sa negatibong mga
aspeto, mas mahalaga itong tumutukoy sa positibong paghahangad na
mahalin ang Diyos at pagtupad sa iyong tungkulin bilang isang nilikha.
Dagdag pa rito, ang pagtahak sa tamang landas ay magdudulot ng maraming
positibo at tunay na resulta kagaya ng mas mabuting pagkilala sa Diyos,
pagiging mas masunurin sa pamamagitan ng paghahangad sa katotohanan at
pagsasagawa dito, at hindi na pagkakaroon ng sarilli mong mga
kahilingan, pag-asa, at mga karumihan; ang iyong disposisyon ay
mababago, at ang pinakamahalaga, ang mga tao ay mas mabuting makakapasok
sa katotohanan at magkakaroon ng mas tunay na pagmamahal para sa Diyos
para tuluyan nilang ialay ang kanilang mga sarili sa Diyos nang walang
ibang kahilingan at maging masigasig sa pagmamahal sa Diyos sa buong
buhay nila. Akala ko ako ay tumatahak sa tamang landas at ako ay
nakapasok na sa tunay na kalagayan ng ilang katotohanan. Subalit sa
ibinunyag na mga katibayan, nasaan ang aking paghahayag sa pagkamit sa
katotohanan at pagbabago sa aking disposisyon? Nasaan ang aking
paghahayag ng tunay na pagmamahal sa Diyos? Kung talagang nakapasok na
ako, kung gayon dapat sanang ako ay sinusubukan. Kahit ano pa ang mga
kaayusan na ginawa ng Diyos, ako ay makakasunod. Kung ako ay talagang
nakapasok na, kung gayon, dapat ay makikita ko ang diwa ng kalikasan ni
Satanas na nasa akin at dapat ay tunay na makikita ang pagliligtas ng
Diyos. Mas nakahanda sana ako na ialay ang aking sarili sa Diyos at
suklian ang Kanyang pagmamahal. Sa mga katibayang ito at sa paghatol at
pagkastigo ng salita ng Diyos, nakita ko na ako ay tumatahak sa maling
landas. Hindi ako tumatahak sa landas ng pagtupad sa aking mga tungkulin
bilang isang nilikha o naghahangad na mahalin ng Diyos. Sa halip, ako
ay nasa landas ng paghahangad ng sarili kong mga kagustuhan at personal
na pag-asa; ito ay ang landas ng panloloko sa Diyos dahil napipilitan
lamang sumunod at pagbabayad ng limitadong halaga para lang
mapag-ingatan ang aking sarili at masigurado na ako ay magkakaroon ng
huling hantungan. Palagi kong hinanap ang mga kasiyahan ng laman. Para
pagbigyan ang mga pansamantalang kaginhawahan, hindi ako nakahandang
tanggapin ang paghatol at pagkastigo ng Diyos at makamit ang
katotohanan; hindi ako nakahandang hangarin ang pagmamahal sa Diyos,
ialay ang lahat sa Diyos, o gugulin ang lahat para sa Diyos sa
pamamagitan ng Kanyang paghahatol at pagkastigo at mga pagsubok at
pagpipino. Ang aking pananaw mula sa kaibuturan ng aking puso ay:
Hangarin lamang na matupad ang mga tungkulin nang matiwasay, huwag
saktan ang disposisyon ng Diyos. Sa huli, makakamit ko ang magandang
hantungan at ito ay sapat na. Paulit-ulit na ipinakita ng salita ng
Diyos na ang pinakaugat ng kabiguan ni Pablo ay nasa pakikitungo niya sa
Diyos. Kumilos siya para sa sarili niyang gatimpala at korona sa
hinaharap at hindi siya nagkaroon ng kaunting pagpapakita ng pagsunod at
pagmamahal sa Panginoon ng nilikha. Sa huli, nagbunga ito sa kanyang
pagkabigo at pagtanggap sa kaparusahan ng Diyos. Ang salita ng Diyos ay
malinaw na pinapaalalahanan tayo: “ang mga taong nagsisikhay lamang
para sa kanilang patutunguhan ay tatanggap ng kanilang pangwakas na
pagkatalo, dahil ang mga kabiguan sa paniniwala ng mga tao sa Diyos ay
nangyayari nang dahil sa panlilinlang.” (“Hinggil sa Patutunguhan”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Ang ganitong uri ng
puhunan ay hindi ginawa nang taimtim; ito ay may huwad na kaanyuhan at
nanlilinlang. Lubusan kong pinatigas ang aking leeg at iniwasan ang
paghahatol ng mga salita ng Diyos sa pamamagitan ng pagtahak ko sa aking
sariling landas. Pinagharian ng aking kalikasan, tumatahak lagi ako sa
landas na sumusunod sa mga taong nabigo. Noong ang gawain ng Diyos na
pagliligtas ay dumating sa akin, hindi ko masabi ang tama sa mali,
kinakagat ko ang kamay na nagpapakain sa akin. Ang tangi kong ibinibigay
sa Diyos ay mga maling pananaw, pagtututol at pagtaksil. Sa oras na
ito, malinaw kong nakikita kung gaano kamakasarili, kalunos-lunos at
kasama ang dati kong kalikasan. Naniwala ako sa Diyos sa loob ng
maraming taong ito at nasiyahan sa Diyos subalit nagplano pa rin laban
sa Diyos, palaging naghihintay para makipag-usap sa Diyos. Hindi ako
nagkaroon ng kaunting pagmamahal sa Diyos sa aking puso. Ito ang
eksatong dahilan kung bakit ako tumatahak sa maling landas at ito ang
eksaktong sinasabi ng Diyos: “Dahil ang tao ay hindi ‘magaling sa’
buong paglalaan ng kanyang sarili sa Diyos, dahil ang tao ay hindi
kusang gumagawa ng kanyang tungkulin sa Lumikha, dahil nakita na ng tao
ang katotohanan ngunit iniiwasan ito at tumatahak ng kanyang sariling
landas, dahil laging naghahanap ang tao sa pamamagitan ng pagsunod sa
landas ng mga nagkasala, dahil laging sinasalungat ng tao ang Langit,
kaya, laging nagkakamali ang tao, laging nakukuha sa pamamagitan ng
panlilinlang ni Satanas, at nabitag sa sarili niyang lambat.” (“Ang Tagumpay o Pagkabigo ay Depende sa Daan na Tinatahak ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
Pagkatapos,
nabasa ko ang sermon mula sa itaas na nagsasabing: “May mga tao na
inaasahang magkaroon ng ganitong mga pangamba: ‘Tinutupad ko ang aking
tungkulin, ngunit ako ay natatakot na tumahak sa landas ng anticristo;
natatakot ako na makagawa ng mali at tumutol sa Diyos.’ Marami bang mga
tao na may ganitong mga uri ng pangamba? Lalo na yaong mga nagsisilbi
bilang mga manggagawa at pinuno, nakikita nila si ganito o si ganoong
tao na masigasig na naghangad noong nakaraan, may mga talento, may
mabuting isip, at pagkatapos siya ay nahulog. Si ganito o si ganoong tao
ay medyo magaling sa pangangaral, ngunit sa huli, hindi nila kailanman
inasahan na mahuhulog din. Sabi nila: ‘Kung gagawin ko ang mga bagay na
iyon, magiging kagaya kaya nila ako at mahuhulog din?’ Kung ikaw ay
nagmamahal sa Diyos, matatakot ka pa rin ba sa mga bagay na ito? Kung
may taglay kang tunay na pagmamahal sa Diyos, kontrolado ka pa rin ba ng
mga pangamba? Ang mga taong nagmamahal sa Diyos ay palaging
isinasaalang-alang ang kalooban ng Diyos at hindi gagawa ng mali. ...
Kung kaya mo talaga na kilalanin kung ano ang pagtahak sa landas ng
anticristo, at ano ang pagtahak sa landas ng paghahangad sa katotohanan
at magawang perpekto, kung ganon, bakit ka natatakot na tumahak sa
landas ng anticristo? Hindi ba pinatutunayan ng iyong takot na tumahak
dito na gusto mo pa ring tumahak dito at hindi ka handang iwanan ang
landas ng pagkakamali? Hindi ba ito ang problema? (“Paano Hangarin na
Mahalin ang Diyos at Sumaksi sa Diyos” sa Pagbabahagi at Pangangaral
Tungkol sa Pagpasok sa Buhay IX). Sa pamamagitan ng pagsisiwalat ng
pagbabahagi mula sa itaas, nakita ko nang mas malinaw na ang mga taong
hindi nagmamahal sa Diyos ay nasa landas ng anticristo; na ang mga taong
hindi nagmamahal sa Diyos ang pinagmumulan ng pagkabigo; nakita ko rin
nang mas malinaw ang mga dahilan at katwiran kong nagmula kay Satanas na
nakatago sa aking kalooban; naunawaan ko ang mga panloloko ni Satanas.
Na hindi ako handang tanggapin ang mga mas malalaking responsibilidad at
na natatakot akong tumahak sa landas ng pagkabigo ang nagbunyag na ang
aking kalikasan ay makasarili, kalunos-lunos at masama. Ibinunyag nito
na masyado kong mahal ang aking sarili at si Satanas at na hindi ko
kinasusuklaman ang landas ng anticristo, na paghahangad ng katungkulan
at katanyagan at ng kapakanan at hantungan sa hinaharap. Hindi ko
pinahalagahan ang katotohanan o nagkaroon ng kaunting pagmamahal para sa
Diyos. Nagawa ko ring tunay na maunawan na ang sinabi sa itaas tungkol
sa mga taong naniwala sa Diyos nang maraming taon at wala pa ring
pagmamahal para sa Diyos ay walang kalikasan ng tao; masasabi nating
taglay nilang lahat ang ilang masasamang kalikasan; lahat sila'y
makasarili, kalunos-lunos at masasamang tao. Kaya nagkaroon ako ng
totoong kaalaman sa diwa ng aking sariling kalikasan. Kasabay nito,
naging dahilan din ito para tunay kong baguhin ang aking mga maling
pananaw at mapalaya at magkaroon ng tamang direksyon at landas ng
pagsasagawa upang hindi na ako mabuhay nang makasarili at kalunos-lunos;
lahat ay inayos ng Diyos at kailangan ko lang na tunay na hanapin ang
katotohanan at isagawa ang pagmamahal para sa Diyos habang tinutupad ang
aking mga tungkulin.
Purihin ang Diyos para sa Kanyang paghahatol
at pagkastigo na nagpabago sa layunin ng aking paghahanap at ibinalik
ako mula sa landas ng pagkakamali. Pinahintulutan din ako nito na tunay
na makilala ang diwa ng kalikasan ni Satanas na nasa akin at hanapin ang
pinagmumulan ng aking kabiguan. Naniwala ako sa Diyos sa loob ng
maraming taong ito at hindi kailanman minahal ang Diyos. Nakaramdam ako
ng hiya at paninisi ng sarili. Talagang binigo ko ang Diyos at sinaktang
mabuti ang Diyos. Hinahangad ng aking puso na magkaroon ng tunay na
pagmamahal para sa Diyos. Nagawang perpekto si Pedro dahil tunay niyang
minahal ang Diyos at dahil nagkaroon siya ng kagustuhan at pagsisikap na
hanapin ang katotohanan. Kahit na malayo pa ako diyan, hindi na ako
mabubuhay nang napakasama at kasuklam-suklam upang pag-ingatan ang aking
sarili; nakahanda akong gawin ang pagmamahal sa Diyos bilang layunin ng
aking paghahanap, at walang hindi gagawin at babayaran ang kapalit sa
pagtupad sa aking mga tungkulin. Tunay kong papasanin ang aking mga
responsibilidad at isasagawa ang katotohanan habang tinutupad ang aking
mga tungkulin at papasukin ang realidad ng pagmamahal sa Diyos.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento