Ang Kidlat ng Silanganan, ang Makapangyarihang Diyos ay ang pangalawang pagdating ng Panginoon Jesus. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos! Tinatanggap natin ang lahat ng naghahanap ng katotohanan na pumarito at maghanap.
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Panginoong. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Panginoong. Ipakita ang lahat ng mga post
Ago 11, 2018
Tagalog Christian Music Video "Dalawang Libong Taon ng Pananabik" The Heart's Voice of a Christian
Na ang Diyos ay nagkatawang-tao niyayanig ang relihiyosong mundo, nagugulong pangrelihiyong kaayusan, at ginigising lahat ng kaluluwang nananabik sa pagpapakita ng Diyos. Sinong 'di namamangha dito? Sino ang hindi nasasabik na makita ang Diyos? Ilang taon ang ginugol ng Diyos sa piling ng tao, ngunit 'di ito namalayan ng tao. Ngayon, ang Diyos Mismong nagpakita para muling ibalik ang dati Niyang pagmamahal sa tao.
Ago 7, 2018
Ang pangalan ng Diyos ay maaaring magbago, pero ang Kanyang tunay na diwa ay hindi magbabago kailanman
Nauugnay na mga Salita ng Makapangyarihang Diyos:
Mayroong mga nagsasabi na ang Diyos ay di-mababago. Tama iyon, ngunit ito ay tumutukoy sa di-nababagong sangkap at disposisyon ng Diyos. Ang mga pagbabago sa Kanyang pangalan at gawain ay hindi nagpapatunay na ang Kanyang sangkap ay nagbago; sa madaling sabi, ang Diyos ay mananatiling Diyos, at hindi ito kailanman magbabago. Kung sinasabi mo na hindi nagbabago ang gawain ng Diyos, matatapos ba Niya ang Kanyang anim na libong taong plano sa pamamahala? Ang alam mo lamang ay hindi magpakailanman nagbabago ang Diyos, ngunit alam mo ba na ang Diyos ay palaging bago at hindi kailanman luma? Kung hindi kailanman nagbago ang gawain ng Diyos, gayon madadala ba Niya ang sangkatauhan sa kasalukuyan? Kung hindi nagbabago ang Diyos, bakit Niya naisagawa ang gawain sa dalawang kapanahunan? Ang Kanyang gawain ay palaging umuunlad pasulong, ang Kanyang disposisyon ay unti-unting naibubunyag sa tao, at ang naibubunyag ay ang Kanyang likas na disposisyon. Sa simula, ang disposisyon ng Diyos ay nakatago mula sa mga tao, hindi Niya kailanman tuwirang ibinunyag ang Kanyang disposisyon sa tao, at walang kaalaman ang tao tungkol sa Kanya, kaya ginamit Niya ang Kanyang gawain upang unti-unting ibunyag ang Kanyang disposisyon sa tao, ngunit hindi ito nangangahulugan na ang Kanyang disposisyon ay nagbabago sa bawat kapanahunan. Hindi ito tungkol sa ang disposisyon ng Diyos ay patuloy sa pagbabago dahil ang Kanyang kalooban ay palaging nagbabago. Sa halip, dahil ang mga kapanahunan ng Kanyang gawain ay magkaiba, ang Kanyang likas na disposisyon sa kabuuan nito ay unti-unting naibunyag sa tao, nang sa gayon ay makilala Siya ng mga tao. Ngunit hindi ito patunay na sa simula ay walang tiyak na disposisyon ang Diyos at ang disposisyon Niya ay unti-unting nagbago sa paglipas ng mga kapanahunan-ang ganoong pagkaunawa ay mali. Ibinubunyag ng Diyos sa tao ang Kanyang likas, particular na disposisyon, kung ano Siya, ayon sa paglipas ng mga kapanahunan. Ang gawain sa nag-iisang kapanahunan ay hindi makapagpapaliwanag sa buong disposisyon ng Diyos. At kaya, ang mga salitang "Ang Diyos ay palaging bago at kailanman ay hindi luma" ay tumutukoy sa Kanyang gawain, at ang mga salitang "Ang Diyos ay hindi magbabago" ay tungkol sa likas na kung ano ang mayroon at kung ano ang Diyos. Gayunpaman, hindi mo maaaring maipaliwanag ang anim na libong taong gawain sa isang punto, o mailarawan ito sa pamamagitan ng mga di-nagbabagong mga salita lamang. Gayon ay ang kahangalan ng tao. Ang Diyos ay hindi payak katulad ng ipinapalagay ng mga tao, at ang Kanyang gawain ay hindi magtatapos sa isang kapanahunan lamang. Si Jehovah, halimbawa, ay hindi laging kakatawan sa pangalan ng Diyos; isinasagawa rin ng Diyos ang Kanyang gawain sa ilalim ng pangalan na Jesus, na isang simbolo ng kung paanong patuloy ang pag-unlad nang pasulong ng gawain ng Diyos.
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Hul 5, 2018
Kidlat ng Silanganan | Awit ng Papuri | "Ganap na Inilalagay ng Diyos ang Kanyang Pag-asa sa Tao"
I
Mula sa simula hanggang ngayon,
tanging tao lamang ang maaaring makipag-usap sa Diyos.
Iyon ay, tanging tao ang maaaring makipag-usap sa Diyos,
sa lahat ng nabubuhay na bagay at kung ano ang nilikha Niya.
Tao ay may mga tainga upang makarinig,
at mga mata upang makakita;
may mga kaisipan, at wika,
pati na ang kanyang malayang kalooban.
Ang tao ay may lahat ng mga kakayahan na kinakailangan
upang marinig ang Diyos na nagsasalita
at nauunawaan ang kalooban ng Diyos,
at tanggapin ang komisyon ng Diyos,
at tanggapin ang komisyon na mula sa Diyos,
at sa gayon ay inilalagay ng Diyos
ang lahat ng pag-asa Niya sa tao.
Hun 19, 2018
Kidlat ng Silanganan | Kristianong Awitin | "Si Satanas ay Walang Maaaring Mabago sa Ilalim ng Awtoridad ng Diyos"
I
Sa maraming taon, libu-libong taon,
na ang tao'y ginagawang tiwali ni Satanas,
gumawa ng higit na kasamaan.
Mga salinlahi, isa-isang nalinlang nito.
Oh, maraming krimen, kakila-kilabot na krimen
na ginawa ni Satanas sa buong mundong 'to.
Ang tao'y pinukaw na labanan ang Diyos,
inabuso, dinaya ang tao,
hinanap upang wasakin ang plano sa pamamahala ng Diyos.
Bagaman si Satanas ay lumalakad sa mga bagay
na nilikha ng Diyos,
hindi nito, kahit kaunti, mababago ang tao o mga bagay.
Bagaman si Satanas ay lumalakad sa mga bagay
na nilikha ng Diyos,
wala 'tong mababago.
Walang nagbabago sa ilalim ng mga utos ng Diyos.
Walang ni isang bagay itong mababago.
Walang nagbabago sa ilalim ng mga utos ng Diyos.
Abr 23, 2018
Kristiyanong Video | “Umuwi ang isang Pagala-galang Puso” | Hanapin ang Tunay na Buhay
Magmula noong maliit siya, naniwala si Novo sa Panginoong Jesus, tulad ng kanyang ina. Kahit na madalas siyang nagbabasa ng Biblia, nagdarasal, at dumadalo sa mga sermon, madalas niyang hindi mapigilang sundan ang mga masasamang kalakaran ng mundo, hanapin ang mga kasayahan ng laman, at magsinungaling at mandaya … Maraming beses siyang nagpasyang iwaksi ang buhay na paulit-ulit sa pagkakasala at pangungumpisal, pangungumpisal at pagkakasala. Subalit, palagi siyang nabibigo. Paglaon, noong nagtatrabaho si Novo sa Taiwan, narinig niya ang ebanghelyo ng kaharian, at sa pamamagitan ng pagbabasa sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos naisip niya na ang Makapangyarihang Diyos ay ang pagbabalik ng Panginoong Jesus, at na ang Kanyang gawain ng paghatol at pagpapadalisay sa mga huling araw ay ganap na makakayang lutasin ang problema ng makasalanang kalikasan ng sangkatauhan. Kaya tinanggap niya ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw nang may pusong puno ng galak. Pagkalipas ng dalawang taon, bumalik si Novo sa Pilipinas at sinimulang tuparin ang kanyang tungkulin sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Natagpuan niya ang kanyang layunin at direksyon sa buhay, at magmula noon nakauwi na sa wakas ang kanyang pagala-galang puso.
Abr 18, 2018
Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III
Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III
Ikalawang bahagi
Katatalakay pa lamang natin ukol sa lahat ng gawain na nabuo ng
Diyos, ang pagkakasunod-sunod ng mga bagay na Kanyang ginawa sa unang
pagkakataon. Ang bawat isa sa mga bagay na ito ay kaugnay sa plano sa
pamamahala ng Diyos, at sa kalooban ng Diyos. Ang mga ito din ay kaugnay
sa sariling disposisyon ng Diyos at sa Kanyang diwa. Kung nais nating
higit na maintindihan kung anong mayroon at kung ano ang Diyos, hindi
tayo maaaring tumigil sa Lumang Tipan o sa Kapanahunan ng Kautusan,
kundi kailangan nating humakbang pasulong kasabay ng mga hakbang na
tinahak ng Diyos sa Kanyang gawain. Kaya, yamang tinatapos ng Diyos ang
Kapanahunan ng Kautusan at sinimulan ang Kapanahunan ng Biyaya, ang
ating sariling mga hakbang ay nakarating sa Kapanahunan ng Biyaya—isang
kapanahunan na puno ng biyaya at pagtubos. Sa kapanahunang ito, gumawa
muli ang Diyos ng isang napakahalagang bagay sa unang pagkakataon. Ang
gawain para sa bagong kapanahunang ito kapwa para sa Diyos at
sangkatauhan ay isang bagong panimula. Ang bagong panimulang ito ay isa
muling bagong gawain na ginawa ng Diyos sa unang pagkakataon. Ang bagong
gawaing ito ay isang bagay na walang kapantay na pinatupad ng Diyos na
hindi malilirip ng mga tao at lahat ng mga nilalang. Ito ay isang bagay
na ngayon ay tanyag na sa lahat ng mga tao—ito ang unang pagkakataon na
ang Diyos ay naging isang tao, ang unang pagkakataon na nagsimula Siya
ng bagong gawain sa anyo ng isang tao, sa pagkakakilanlan ng isang tao.
Ang bagong gawaing ito ay sumasagisag na natapos ng Diyos ang Kanyang
gawain sa Kapanahunan ng Kautusan, na hindi na Siya gagawa o magsasalita
ng anuman sa ilalim ng kautusan. Ni magsasalita Siya o gumawa ng
anumang bagay sa anyo ng kautusan o alinsunod sa mga panuntunan o mga
patakaran ng kautusan. Iyon ay, ang lahat ng Kanyang gawain batay sa
kautusan ay pinatigil na magpakailanman at hindi na matutuloy, dahil
gusto ng Diyos na magsimula ng bagong gawain at gumawa ng mga bagong
bagay, at ang Kanyang plano ay muling nagkaroon ng bagong pasimula.
Kaya, kailangang pangunahan ng Diyos ang sangkatauhan tungo sa bagong
kapanahunan.
Peb 9, 2018
Tagalog Kristiyanong Pelikula | "Ang Misteryo ng Kabanalan"
Tagalog Kristiyanong Pelikula | "Ang Misteryo ng Kabanalan" | Kidlat ng Silanganan
Si Lin Bo'en ay isang elder noon sa isang bahay na iglesia sa China. Sa lahat ng kanyang mga taon bilang isang mananampalataya, ikinarangal niya ang magdusa para sa Panginoon, at pinahalagahan ang kaalaman at pagkakamit ng Panginoong Jesucristo nang higit sa anupaman sa mundo. Isang nakatadhanang araw, lumabas siya upang mangaral at may narinig na nakabibiglang balita: Ang Panginoong Jesus ay nagbalik na sa katawang-tao, at Siya ang Cristo ng mga huling araw—Makapangyarihang Diyos! Naguluhan si Lin Bo'en. Sa pagbabalik ng Panginoon, Siya ay dapat bumaba sa mga ulap, kaya bakit Siya magkakatawang-tao Mismo at lihim na gagawin ang Kanyang gawain? Anong mga hiwaga ang nakatago sa likod ng pagkakatawang-tao ng Diyos? Kung totoong nagbalik na ang Panginoon, bakit hindi pa tayo dinala? … Nagkaroon ng isang matinding debate sa pagitan ni Lin Bo'en at ng kanyang mga kasamahang manggagawa at mga mangangaral mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos … Mauunawaan ba nila sa wakas na ang Makapangyarihang Diyos ay ang pagbabalik ng Panginoong Jesus, ang pagpapakita ng Diyos sa katawang-tao?
Ene 21, 2018
Kristianong video | Drama-musikal | Kuwento ni Xiaozhen (4) – Pagkabulok
Kidlat ng Silanganan | Kristianong video | Drama-musikal | Kuwento ni Xiaozhen (4) – Pagkabulok
Naharap sa masamang mundo at malupit na katotohanan, sa kalungkutan, tinalikuran ni Xiaozhen ang kanyang integridad at nagpunyaging magbalatkayo. Mula sa sandaling iyon, naligaw na siya ng landas …
Ene 11, 2018
Pag-bigkas ng Diyos | Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III (Ikawalong bahagi)
Kidlat ng Silanganan | Pag-bigkas ng Diyos | Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III (Ikawalong bahagi)
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Bagamat ang Panginoong Jesus ay muling nabuhay, ang Kanyang puso at ang Kanyang gawain ay hindi iniwanan ang sangkatauhan. Sinabi Niya sa mga tao sa Kanyang pagpapakita na sa anumang anyo Siya umiiral, sasamahan Niya ang mga tao, lalakad kasama nila, at sasakanila sa lahat ng oras at sa lahat ng dako. At sa lahat ng oras at sa lahat ng dako, magkakaloob Siya sa sangkatauhan at papastulin sila, tutulutan silang makita at mahipo Siya, at titiyakin na hindi na nila kailanman mararamdaman ang kawalan ng pag-asa. Gusto din ng Panginoong Jesus na malaman ng mga tao ito: Ang kanilang mga buhay sa mundong ito ay hindi nag-iisa. Ang sangkatauhan ay may pagmamalasakit ng Diyos, kasama nila ang Diyos; ang mga tao ay palaging makaaasa sa Diyos; Siya ang pamilya ng bawat isa sa Kanyang mga tagasunod. Kasama ang Diyos para sandigan, ang sangkatauhan ay hindi na magiging malungkot at mawawalan ng pag-asa, at yaong tumanggap sa Kanya bilang handog sa pagkakasala ay hindi na matatali sa kasalanan. Sa mga mata ng tao, ang mga bahaging ito ng Kanyang gawain na pinatupad ng Panginoong Jesus pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay ay masyadong malilit na mga bagay, ngunit sa tingin Ko, ang bawat isang bagay ay totoong makahulugan, totoong mahalaga, at lahat sila ay totoong mahalaga at mabibigat."
Dis 18, 2017
Pananalig sa Diyos | Ano ang Dinadala ng Gawain at Pagpapakita ng Diyos sa Relihiyosong Komunidad?
Kidlat ng Silanganan | Pananalig sa Diyos | Ano ang Dinadala ng Gawain at Pagpapakita ng Diyos sa Relihiyosong Komunidad?
Sa bawat panahon na nagkakatawang-tao ang Diyos at nagpapakita para gawin ang Kanyang gawain, malupit na sinusuway at binabatikos ng masasamang puwersa ni Satanas ang tunay na daan. Sa ganitong paraan, nagkakaroon ng digmaan sa loob ng espirituwal na mundo na humahati at naglalantad sa relihiyosong mundo. Sinabi ng Panginoong Jesus, “Huwag ninyong isiping ako’y naparito upang magdala ng kapayapaan sa lupa: hindi ako naparito upang magdala ng kapayapaan, kundi tabak” (Mateo 10:34). Noong nagpakita ang Panginoong Jesus at nagtrabaho sa Kapanahunan ng Biyaya, nahati sa maraming pangkat ang Judaismo. Sa pagpapakita ngayon at gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, ang relihiyosong mundo ay sumasailalim sa malaking paglalantad; ang trigo at ang mga damo, ang mga tupa at ang mga kambing, ang matatalinong birhen at ang mga hangal na birhen, at ang mga mabuting lingkod at ang mga masamang lingkod—ay lahat inilantad, ang bawat isa sa kanilang sariling uri. Tunay na hindi maarok ang karunungan at kamanghaan ng Diyos!
Dis 17, 2017
Pelikulang Kristiano | Pananalig sa Diyos | Ang Landas bang Binabatikos ng CCP at ng Relihiyosong Samahan ay Hindi ang Tunay na Daan?
Pelikulang Kristiano | Pananalig sa Diyos | Ang Landas bang Binabatikos ng CCP at ng Relihiyosong Samahan ay Hindi ang Tunay na Daan?
Maraming tao ang naghahanap at nagsisiyasat sa tunay na daan nang hindi binabatay ang mga pagkilos na ito sa mga salita at gawain ng Diyos. Sa halip, sinusunod nila ang mga takbo ng relihiyosong mundo at naniniwala sila na ang binabatikos ng Komunistang gobyerno ng Tsina at ng relihiyosong mundo ay hindi ang tunay na daan—ito ba ang tamang daan para tahakin? Sinasabi ng Biblia, “ang buong sanglibutan ay nakahilig sa masama” (1 Juan 5:19). “Ang lahing ito'y isang masamang lahi” (Lucas 11:29). Kung kaya, makikita na ang mga ateistang politikal na rehimen at ang relihiyosong mundo ay tiyak na itatakwil at babatikusin ang tunay na daan. Noong ginawa ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawain noong Kapanahunan ng Biyaya, gigil na gigil Siyang sinalungat at hinatulan ng mga Judio at ng gobyerno ng Roma, at sa huli, ipinako sa krus ang Panginoong Jesus. Hindi ba ito ang tunay na sitwasyon? Kapag dumating ang Makapangyarihang Diyos para gawin ang Kanyang gawain sa mga huling araw, magdudusa Siya sa mabagsik na pagsuway at pambabatikos ng gobyerno ng Tsina at ng relihiyosong mundo. Ano ang ipinapakita nito? Hindi ba karapat-dapat na pagnilayan natin ito?
Dis 13, 2017
Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Umaasa ang Diyos na Makamit ang Totoong Pananampalataya't Pag-ibig ng Tao Para sa Kanya
Kidlat ng Silanganan | Umaasa ang Diyos na Makamit ang Totoong Pananampalataya't Pag-ibig ng Tao Para sa Kanya
Umaasa ang Diyos na kapag iyong nauunawaan
ang tunay na bahagi Niya,
sa Kanya'y ikaw ay lalong mapapalapit;
tunay mong mapapahalagahan ang pag-ibig Niya
at malasakit Niya sa sangkatauhan;
puso mo'y ibibigay sa Kanya,
wala nang mga alinlangan
at wala nang mga hinala sa Kanya.
Palihim Niyang ginagawa ang lahat para sa tao.
Kanyang sinseridad, katapatan,
at pag ibig ay lihim na ibinigay sa tao.
'Di Siya nagsisisi sa Kanyang mga ginagawa;
ni may hinihintay na kapalit sa tao,
o may inaasahang anuman sa kanila.
Ang tanging layunin ng ginagawa Niya ay tunay
na pananampalataya at pag-ibig.
ang tunay na bahagi Niya,
sa Kanya'y ikaw ay lalong mapapalapit;
tunay mong mapapahalagahan ang pag-ibig Niya
at malasakit Niya sa sangkatauhan;
puso mo'y ibibigay sa Kanya,
wala nang mga alinlangan
at wala nang mga hinala sa Kanya.
Palihim Niyang ginagawa ang lahat para sa tao.
Kanyang sinseridad, katapatan,
at pag ibig ay lihim na ibinigay sa tao.
'Di Siya nagsisisi sa Kanyang mga ginagawa;
ni may hinihintay na kapalit sa tao,
o may inaasahang anuman sa kanila.
Ang tanging layunin ng ginagawa Niya ay tunay
na pananampalataya at pag-ibig.
Nob 30, 2017
Babagsak ang Lungsod | Ano ang Diwa ng Pagsalungat ng mga Fariseo sa Diyos
Babagsak ang Lungsod | Ano ang Diwa ng Pagsalungat ng mga Fariseo sa Diyos
Sa dalawang libong taon, kahit na alam ng mga mananampalataya ang katunayan na sumuway ang mga Fariseo sa Panginoong Jesus, walang sinuman sa buong relihiyosong mundo ang tiyak na nakakaalam kung ano ang tunay na dahilan at diwa ng pagsuway sa Diyos ng mga Fariseo. Tanging sa pagdating ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw na maaaring mabunyag ang katotohanan sa katanungang ito. Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, "Ang mga Fariseong ito sa pagkatao ay mga sutil, mayayabang, at ayaw sumunod sa katotohanan. Ang panuntunan ng paniniwala nila sa Diyos ay: Gaano man kalalim ang pangangaral Mo, gaano man kataas ang Iyong awtoridad, hindi Ikaw si Cristo maliban kung Ikaw ang tinatawag na Mesiyas. Hindi ba katawa-tawa at kakatwa ang mga pananaw na ito?" (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
Nob 27, 2017
When the Lord Returns, How Will He Appear to Mankind?
The last days have already arrived, and many believers yearn for the Lord to return and take them up into the kingdom of heaven. But do you know how the Lord will appear to us when He returns? Will it really be as we imagine, that He will appear openly, directly descending upon a cloud? Almighty God says, "Do you wish to see Jesus? Do you wish to live with Jesus? Do you wish to hear the words spoken by Jesus? ... In what manner will Jesus return? You believe that Jesus will return upon a white cloud, but I ask you: To what does this white cloud refer? With so many followers of Jesus awaiting His return, among which people shall He descend?" "When you see Jesus descend from the heaven upon a white cloud with your own eyes, this will be the public appearance of the Sun of righteousness. ... It will herald the end of God's management plan, and will be when God rewards the good and punishes the wicked. For the judgment of God will have ended before man sees signs, when there is only the expression of truth" (The Word Appears in the Flesh).
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)
"Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" | Sipi 14
Ang bawa’t yugto ng gawain ng Banal na Espiritu ay kasabay na nangangailangan ng patotoo ng tao. Ang bawa’t yugto ng gawain ay isang p...
-
Kidlat ng Silanganan | Salita ng Diyos | Paano Malaman ang Realidad Ang Diyos ay Diyos ng realidad: Lahat ng Kanyang mga g...
-
Tagalog Christian Songs | Ang Pamamahala ng Diyos ay Patuloy na Sumusulong I Pagkatapos ng gawain ni Jehova, naging t...
-
Kidlat ng Silanganan | Kristianong video | Drama-musikal | Kuwento ni Xiaozhen (4) – Pagkabulok Naharap sa masamang mundo a...