Kidlat ng Silanganan

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Panginoong Jesus. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Panginoong Jesus. Ipakita ang lahat ng mga post

Hun 13, 2019

Ang Anak ng tao ay panginoon ng sabbath

1. (Mateo 12:1) Nang panahong yaon ay naglalakad si Jesus nang araw ng sabbath sa mga bukiran ng trigo; at nangagutom ang kaniyang mga alagad at nangagpasimulang magsikitil ng mga uhay at magsikain.

2. (Mateo 12:6-8) Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, na dito ay may isang lalong dakila kay sa templo. Datapuwa’t kung nalalaman ninyo kung ano ang kahulugan nito, Habag ang ibig ko, at hindi hain, ay hindi sana ninyo hinatulan ang mga walang kasalanan. Sapagka’t ang Anak ng tao ay panginoon ng sabbath.


    Tingnan muna natin ang talatang ito: “Nang panahong yaon ay naglalakad si Jesus nang araw ng sabbath sa mga bukiran ng trigo; at nangagutom ang kaniyang mga alagad at nangagpasimulang magsikitil ng mga uhay at magsikain.”

May 9, 2019

Kapag Dumating ang Panginoon na Kumakatok sa Pintuan, Paano Tayo Sasagot

Xiao Fei

Pagkapasok ko sa paniniwala sa Panginoon, gustong awitin ng mga kapatid ang himnong tinatawag na “Ang Mabuting Tao ay Kumakatok sa Pintuan” na ganito: “Ang mabuting tao ay kumakatok sa pintuan, Ang Kanyang buhok ay basa sa hamog; kaagad tayong bumangon at buksan ang pintuan, at huwag hahayaan ang mabuting tao na tumalikod at umalis. …” Sa bawat pagkakataong inaawit namin ang himnong ito, ang aming mga puso ay lubos na naaantig at napupukaw. Nais naming lahat na hilingin sa mabuting tao na magpalipas ng gabi, kaya pagdating ng mabuting tao at kakatok sa pintuan sasalubungin natin ang Panginoon sa unang pagkakataon na maririnig natin ang tinig ng mabuting tao. Maaaring sabihin na lahat tayong naniniwala sa Panginoon ay mayroong ganoong pag-asa. Ngunit pagdating ng Panginoon, paano Siya kakatok? Kapag kumatok ang Panginoon, ano ang dapat nating gawin upang matiyak na tinatanggap natin Siya bilang Panginoon? Ito ay isang bagay na dapat pag-isipan ng mga tao na naniniwala sa Panginoon.

Abr 25, 2019

Alam Mo Ba ang Tunay na Kahulugan ng Pasko ng Pagkabuhay?


   Ano Ang Pasko ng Pagkabuhay? Ang Pinagmulan ng Pasko ng Pagkabuhay
Pasko ng Pagkabuhay, o tinatawag din na Linggo ng Pagkabuhay, ay isang pista na nagdiriwang sa muling pagkabuhay ng Panginoong Hesus na naganap tatlong araw matapos Siyang ipako sa krus. Ang eksaktong oras na ito ay nataon sa unang Linggo ng kasunod na unang kabilugan ng buwan matapos ang panahon sa tagsibol kung saan magkasinghaba ang umaga at gabi sa bawa’t taon. Upang gunitain ang muling pagkabuhay ni Hesus at upang alalahanin ang kaligtasan at pag-asang dinala ni Hesus sa sangkatauhan, taun-taon mula Marso hanggang Abril, nagsasagawa ng pagdiriwang ang mga Kristiyano sa buong mundo ng araw ng Pasko ng Pagkabuhay. Kaya habang ipinagdiriwang nating mga Kristiyano ang muling pagkabuhay ni Hesus, alam ba natin kung bakit Siya nagbalik mula sa kamatayan at nagpakita sa tao sa kabila nang natapos na Niya ang gawain ng pagtubos? At ano ang ibig sabihin sa likod ng Kanyang muling pagkabuhay at pagpapakita Niya sa tao?

Mar 17, 2019

Ano ang Pagkakaiba ng Cristianismo at ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?


 
    Ang Cristianismo at ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay naniniwala sa iisang Diyos. Alam ng mga taong nakauunawa sa kasaysayan ng relihiyon na ang Judaismo sa Israel ay lumitaw mula sa gawain na ginawa ng Diyos na Jehova sa Kapanahunan ng Kautusan. Ang Cristianismo, Catolisismo, at Eastern Orthodoxy ay pawang mga iglesia na lumitaw pagkatapos na ginawa ng nagkatawang-taong Panginoong Jesus ang gawain ng pagtubos. Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay lumitaw nang ang Diyos ay naging tao sa mga huling araw upang gawin ang gawain ng paghatol. Binabasa ng mga Cristiano sa Kapanahunan ng Biyaya ang Luma at Bagong Tipan ng Biblia, at ang mga Cristiano ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian ngayon ay binabasa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao, na personal na binigkas ng Diyos sa mga huling araw.


Peb 25, 2019

Mga Movie Clip | "Ang Panginoong Jesus ba ang Anak ng Diyos o ang Diyos Mismo?"

Mga Movie Clip | Ang Hiwaga ng Kabanalan: Ang Karugtong (6) - "Ang Panginoong Jesus ba ang Anak ng Diyos o ang Diyos Mismo?"

Malinaw na nakatala sa Biblia na ang Panginoong Jesus ang Cristo, na Siya ang Anak ng Diyos.Gayunman ang Kidlat sa Silanganan ay nagpapatotoo na ang Cristo na nagkatawang-tao ay ang pagpapakita ng Diyos, na Siya ang Diyos Mismo. Kung gayon, ang Cristo ba na nagkatawang-tao ang Anak ng Diyos? O Siya Mismo ang Diyos? Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, "'Si Jesus ang sinisintang Anak ng Diyos, na Kanyang kinalulugdan'.... ay tunay na sinalita ng Diyos Mismo. Iyon ang Diyos na nagpapatotoo sa Sarili Niya mismo, ngunit mula lamang sa magkaibang pananaw, na ang Espiritu sa langit ay sumasaksi sa Kanyang sariling pagkakatawang-tao. Si Jesus ay ang Kanyang pagkakatawang-tao, hindi ang Kanyang Anak sa langit. Naiintindihan mo ba? Hindi ba ang mga salita ni Jesus, 'Ang Ama ay nasa Akin at Ako ay nasa Ama,' nagsasabing sila ay isang Espiritu? At hindi ba dahil sa pagkakatawang-tao na Sila ay nagkahiwalay sa pagitan ng langit at lupa? Sa katotohanan, Sila ay isa pa rin; kahit ano pa, ito ay para lamang ang Diyos ay sumasaksi sa Sarili Niya" (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-Tao).

Set 18, 2018

Ttagalog Dubbed Movies-Mga Palatandaan ng Pangalawang Pagbabalik ng Panginoong Jesus

Tagalog Christian Movie | Clip ng Pelikulang Awit ng Tagumpay - "Mga Palatandaan ng Pangalawang Pagbabalik ng Panginoong Jesus"


Nang dumating ang Panginoong Jesus upang gawin ang Kanyang gawain, ipinangaral Niya ang ebanghelyo ng makalangit na kaharian sa lahat ng dako sa isang malawakang antas, at ito ay umalingawngaw sa buong relihiyosong mundo at sa bansang Judio. Sa araw na bumalik ang Panginoong Jesus upang gawin ang Kanyang gawain, niyanig nito ang mga tao mula sa bawat sekta at grupo, at nagdulot ito ng pagkabalisa sa buong mundo. Napansin mo ba ang mga palatandaan ng ikalawang pagdating ng Panginoon? Tinatanggap mo ba ang Kanyang pagbabalik?

Hul 31, 2018

Kristianong video | Pananabik "Saan ang Lugar na Naihanda ng Panginoon para sa Atin?"

Sa aking pagkakaintindi: Ipinangako ng Panginoong Jesus, "Pupunta ako upang maghanda ng lugar para sa inyo. At kung pupunta ako at maghanda ng lugar para sa inyo, babalik ako at tatanggapin kayo sa aking sarili; na kung saan ako naroroon, naroon din kayo. "(Juan 12: 2-3) Yamang natapos na ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagtubos, nabuhay na mag-uli at umakyat sa langit. Ang mga tunay na naniniwala sa Diyos ay naghihintay sa Panginoon sa pagbalik sa lalong madaling panahon, at dadalhin tayo sa lugar na inihanda ng Panginoon para sa atin, at makikita ang mukha ng Panginoon. Paano tayo tatanggapin ng Panginoon? Ang videong ito ay magdadala sa atin upang makita ang sagot!



Dalawang libong taon na ang nakararaan, ipinangako ng Panginoong Jesus, "Ako’y paroroon upang ipaghanda ko kayo ng dakong kalalagyan. At kung ako’y pumaroon at kayo’s maipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto ako, at kayo’y tatanggapin ko sa aking sarili; upang kung saan ako naroroon, kayo naman ay dumoon" (Juan 14:2-3). Maraming naniniwala na nagbalik sa langit ang Panginoon, kaya siguradong naghanda Siya ng lugar para sa atin sa langit. Naaayon ba ang pagkaunawang ito sa mga salita ng Panginoon? Anong mga hiwaga ang nakapaloob sa pangakong ito?

Rekomendasyon:

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw

Hul 22, 2018

Ebangheliyong pelikula | "Pananabik" Lord Jesus Has Come Again (Tagalog Dubbed)



Dalawang libong taon na ang nakararaan, ipinangako ng Panginoong Jesus sa Kanyang mga alagad: "Ako’y paroroon upang ipaghanda ko kayo ng dakong kalalagyan. At kung ako’y pumaroon at kayo’y maipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto ako, at kayo’y tatanggapin ko sa aking sarili; upang kung saan ako naroroon, kayo naman ay dumoon" (Juan 14:2-3). Dahil dito, patuloy na lubhang inasam at ipinagdasal ng mga henerasyon ng mga nananalig ang katuparan ng pangako ng Panginoon, at inasam at ipinagdasal na madala sila sa kalangitan para salubungin ang Panginoon at pumasok sa kaharian ng langit pagdating ng Panginoon. Inilalarawan din nito ang bida sa pelikula na si Chen Xiangguang. Masigasig siyang naghahanap, nangangaral ng ebanghelyo, at nagpapatotoo sa Panginoon para makasalubong sa pagdating ng Panginoon. Kahit natanggal sa trabaho sa paaralan at hindi siya naunawaan ng kanyang mga kapamilya, hindi siya nawawalan ng pag-asa sa kanyang puso kailanman. Isang araw habang nasa isang pagtitipon, inaresto si Chen Xiangguang at ibinilanggo ng gobyernong Chinese Communist. Sa ilalim ng nakamamanghang pamamahala ng Diyos at pakikipag-ayos, nakilala niya si Zhao Zhiming, isang Kristiyano mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Nagpatotoo sa kanya si Zhao Zhiming tungkol sa pagpapakita at gawain ng Diyos sa mga huling araw, na nakalutas sa maraming taon niyang paniwala at imahinasyon sa pag-asam at pagdarasal para sa pagbalik ng Panginoon. Nang makalaya sa bilangguan, hinikayat ni Chen Xiangguang ang kanyang mga kapatid na pag-aralan ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Sa wakas ay naunawaan ng lahat kung ano ang madala sa kaharian ng langit, kung nasa lupa ba o sa langit ang kaharian, at kung paano dapat salubungin ng mga tao ang pagbalik ng Panginoon ...

Rekomendasyon:

 Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan

Mar 22, 2018

Cristianong Papuring Kanta | Bumababa ang Diyos nang may Paghatol


Salita ng Diyos,Paghatol




I
Sa pagbaba sa bayan ng malaking pulang dragon,
hinaharap ng Diyos ang sansinukob
at ito'y nagsimulang mayanig.
Mayro'n bang lugar na 'di abot ng hatol Niya?
O nabubuhay sa Kanyang hagupit?
Sa'n man Siya magpunta
kinakalat Niya'y mga buto ng sakuna,
sa pamamagitan nito ay ibinibigay Niya
ang kaligtasan at pag-ibig Niya.
Nais ng Diyos na makilala Siya ng mas maraming tao,
makita at igalang ang Diyos na di nila nakita ng napakatagal,
ngunit Siya ngayon ay tunay.


Peb 13, 2018

Salita ng Diyos | Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Nagkatawang-taong Diyos at ng Tungkulin ng Tao (2)



Kidlat ng SilangananSalita ng Diyos | Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Nagkatawang-taong Diyos at ng Tungkulin ng Tao (2)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Kung ang nagkatawang-taong Diyos man ay nagsasalita, gumagawa, o naghahayag ng mga himala, Siya ay gumagawa ng dakilang gawain sa loob ng Kanyang pamamahala, at ang ganoong gawain ay hindi maaaring magawa ng tao bilang kahalili Niya. Ang gawain ng tao ay ang gawin lamang ang kanyang tungkulin bilang isang taong nilalang sa isang partikular na yugto ng gawaing pamamahala ng Diyos. Kung wala ang ganoong pamamahala, iyon ay, kung ang ministeryo ng Diyos na nagkatawang-tao ay nawala, gayundin ang tungkulin ng isang taong nilalang. Ang gawain ng Diyos sa pagsasakatuparan ng Kanyang ministeryo ay ang pamahalaan ang tao, samantalang ang paggawa ng tao sa kanyang tungkulin ay ang pagganap sa kanyang sariling mga pananagutan upang matugunan ang mga hinihingi ng Maylalang at sa anumang paraan ay hindi maituturing na pagsasakatuparan ng ministeryo ninuman. Sa likas na esensya ng Diyos, iyon ay, Espiritu, ang gawain ng Diyos ay ang Kanyang pamamahala, nguni’t sa Diyos na nagkatawang-tao na nasa panlabas na anyo ng isang taong nilalang, ang Kanyang gawain ay ang pagsasakatuparan ng Kanyang ministeryo. Anumang gawain ang Kanyang ginagawa ay upang isakatuparan ang Kanyang ministeryo, at maaari lamang magawa ng tao ang kanyang makakaya sa loob ng Kanyang sakop ng pamamahala at sa ilalim ng Kanyang pangunguna."

"Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" | Sipi 14

Ang bawa’t yugto ng gawain ng Banal na Espiritu ay kasabay na nangangailangan ng patotoo ng tao. Ang bawa’t yugto ng gawain ay isang p...