Kidlat ng Silanganan

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Ang Awtoridad ng Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Ang Awtoridad ng Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post

Nob 15, 2019

Tagalog Christian Musical Documentary "Siya na May Kapangyarihan sa Lahat" | The Great Power of God

Tagalog Christian Musical Documentary "Siya na May Kapangyarihan sa Lahat" | The Great Power of God

Sa buong kalawakan ng sansinukob, lahat ng bagay sa kalawakan ay gumagalaw nang eksakto sa sarili nilang orbit. Sa ilalim ng kalangitan, mga bundok, mga ilog, at mga lawa, lahat ay may hangganan, at lahat ng nilalang ay nabubuhay at nagpaparami sa loob ng apat na panahon alinsunod sa mga batas ng buhay …. Napakaganda ng pagkadisenyo sa lahat ng ito—may Isang Makapangyarihan bang namamahala at nagsasaayos sa lahat ng ito? Mula nang dumating tayo sa mundong ito na umiiyak, nakapagsimula na tayong gumanap ng iba’t ibang papel sa buhay. Mula pagsilang hanggang pagtanda hanggang sa magkasakit at mamatay, kung minsa’y nagagalak tayo at kung minsa’y nalulungkot …. Saan ba talaga nanggagaling ang tao, at saan tayo talaga patutungo? Sino ang namamahala sa ating mga tadhana? Mula noong unang panahon hanggang sa makabagong panahon, nagsibangon ang mga dakilang bansa, nagdatingan at nangawala ang mga dinastiya, at ang mga bansa at mga tao ay umunlad at naglaho sa pahina ng kasaysayan…. Tulad sa mga batas ng kalikasan, ang mga batas sa pagsulong ng sangkatauhan ay nagtataglay ng walang katapusang mga hiwaga. Gusto mo bang malaman ang mga sagot sa mga ito? Ang dokumentaryong Siya na May Kapangyarihan sa Lahat ay gagabayan ka upang malaman ang pinag-ugatan nito, at para maihayag ang lahat ng hiwagang ito!

          Rekomendasyon: Tagalog Christian Musical Drama | "Kuwento ni Xiaozhen" Ang Diyos ang Kaligtasan Ko (Tagalog Dubbed)

Ago 11, 2019

Kabanata 6

Sa mga bagay na napapaloob sa espiritu, kailangan kang maging mas sensitibo; sa Aking mga salita, dapat kang maging mas mapagmatyag. Dapat mong hangarin ang kalagayang makita ang Aking Espiritu at ang Aking sarili sa katawang-tao, ang Aking mga salita at ang Aking sarili sa katawang-tao, bilang isang di-mapaghihiwalay na kabuuan, upang mabigyan Ako ng kasiyahan ng buong sangkatauhan sa Aking presensiya. Niyapakan ng Aking mga paa ang sansinukob, inaabot-tanaw ng Aking sulyap ang buong kalawakan nito, at nakalakad na Ako sa gitna ng buong sangkatauhan, natikman na ang lasa ng tamis, asim, pait, at anghang ng karanasan ng tao, ngunit hindi Ako kailanman totoong nakilala ng tao, ni napansin niya Ako sa paglalakad Ko nang malawakan. Dahil tahimik Ako at walang ginagawang di-pangkaraniwan, dahil dito'y walang tunay na nakakita sa Akin. Hindi na katulad ng dati ang mga bagay ngayon:

Hul 12, 2019

Dumadagundong ang Pitong Kulog—Nanghuhula Na ang Ebanghelyo ng Kaharian ay Lalaganap sa Buong Sansinukob (Sipi)

Dumadagundong ang Pitong Kulog—Nanghuhula Na ang Ebanghelyo ng Kaharian ay Lalaganap sa Buong Sansinukob (Sipi)


     Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.

Hun 27, 2019

Album ng mga Sipi mula sa mga Salita ng Diyos | "Ang Diyos Mismo, Ang Natatangi III" (Sipi 3)


  Album ng mga Sipi mula sa mga Salita ng Diyos | "Ang Diyos Mismo, Ang Natatangi III" (Sipi 3)

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Dahil hindi kinikilala ng mga tao ang pagsasaayos ng Diyos at ang dakilang kapangyarihan ng Diyos, palagi nilang hinaharap ang kapalaran nang may panlalaban, kasama ang isang suwail na saloobin, at palaging nais na isantabi ang awtoridad at dakilang kapangyarihan ng Diyos at ang mga bagay na inilaan ng kapalaran, umaasang walang-kabuluhan na mababago ang kanilang kasalukuyang mga kalagayan at mapapalitan ang kanilang sariling kapalaran. Subalit hindi kailanman sila magtatagumpay; sila ay nahahadlangan sa bawat liko. Ang pakikibakang ito na nagaganap sa kaibuturan ng sariling kaluluwa, ay masakit; ang sakit ay di-malilimutan; samantala unti-unti niyang inaaksaya ang kanyang buhay.

Hun 25, 2019

Album ng mga Sipi mula sa mga Salita ng Diyos | "Ang Diyos Mismo, Ang Natatangi III" (Sipi 4)


Album ng mga Sipi mula sa mga Salita ng Diyos | "Ang Diyos Mismo, Ang Natatangi III" (Sipi 4)

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang awtoridad ng Diyos ay umiiral hindi alintana ang mga kalagayan; sa lahat ng mga sitwasyon, ang Diyos ang nagdidikta at nagsasaayos ng bawat pantaong kapalaran at lahat ng mga bagay ayon sa Kanyang mga pag-iisip, Kanyang mga naisin. Hindi ito mababago sapagkat nagbabago ang mga tao, at ito ay hindi umaasa sa kalooban ng tao, hindi maaaring mapalitan ng anumang pagbabago sa panahon, espasyo, at heograpiya, sapagkat ang awtoridad ng Diyos ay ang Kanyang pinakadiwa.

"Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" | Sipi 14

Ang bawa’t yugto ng gawain ng Banal na Espiritu ay kasabay na nangangailangan ng patotoo ng tao. Ang bawa’t yugto ng gawain ay isang p...