Kidlat ng Silanganan

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Persecution. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Persecution. Ipakita ang lahat ng mga post

Dis 26, 2019

Ang Puwersa ng Buhay na Hindi Kailanman Mapapawi



Dong Mei, Probinsya ng Henan

Isa akong ordinaryong tao. Hindi espesyal ang buhay na ipinamuhay ko. Tulad ng maraming naghahangad sa liwanag, sinubukan ko ang maraming paraan upang hanapin ang tunay na kahulugan ng pag-iral ng tao, sinisikap na bigyan ang aking buhay ng higit na kabuluhan. Sa huli, ang lahat ng aking mga pagsisikap ay walang kabuluhan. Ngunit pagkatapos kong mapalad na tinanggap ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw, nagkaroon ng mga mahimalang pagbabago sa aking buhay.

Nob 24, 2019

The Church of Almighty God Documentary | Mga Salaysay ng Pag-Uusig sa Relihiyon sa China (1)


Mga Salaysay ng Pag-Uusig sa Relihiyon sa China | "Sino ang Salarin?"


         Simula nang magkaroon ng kapangyarihan sa Mainland China noong 1949, hindi na tumigil ang Chinese Communist Party (CCP) sa pang-uusig sa relihiyosong pananampalataya. Galit na galit nitong pinag-aaresto at pinagpapatay ang mga Kristiyano, pinaalis at inabuso ang mga misyonerong nangangaral sa China, kinumpiska at sinunog ang napakaraming kopya ng Biblia, ikinandado at giniba ang mga gusali ng iglesia, at walang saysay na tinangkang wasakin ang lahat ng bahay-sambahan. Ang dokumentaryong it ay naglalarawan ng tunay na karanasan ng Kristiyanong Chinese na si Zhou Haijiang na inaresto at labis na pinahirapan ng gobyernong CCP, at namatay mula sa pagmamaltrato sa kanya dahil sa kanyang pananalig sa Diyos at pagtupad sa tungkulin. Pagkamatay ni Zhou Haijiang, sinubaybayan, binantaan, at tinakot din ng CCP ang kanyang pamilya. Hindi lang hindi sila nakakuha ng hustisya para sa namatay, kundi naguluhan pa dahil sa pagpapahirap ng CCP.

May 11, 2019

Tagalog Gospel Crosstalk | Isang Planong "Mangisda" | CCP's Persecution of Christians by Evil Means


Tagalog Gospel Crosstalk | Isang Planong "Mangisda" | CCP's Persecution of Christians by Evil Means

Si Zhou Zhiyong ay isang Kristiyanong inaresto ng pulisyang CCP dahil sa pangangaral ng ebanghelyo. Pagkaraan ng kalahating buwan ng malupit na pagpapahirap na walang ibinunga ang kanilang interogasyon, bigla siyang pinalaya ng gobyernong CCP. Lihim na natuwa si Zhou Zhiyong na makaalis sa masamang lugar na iyon. Pero nang naghahanda na siyang makipagkita sa kanyang mga kapatid, nagkasunud-sunod ang mga kakatwang pangyayari…. Sa huli isang araw ay muli siyang inaresto ng mga pulis at noon lang niya lubos na naunawaan ang katotohanan. Ginamit pala siyang pain ng CCP sa isang napakahabang pisi para hulihin ang malaking isda! Sa tatlong taong sentensya kay Zhou Zhiyong, mas naunawaan niya ang kasamaan ng CCP sa pagkalaban sa Diyos, at natutuhan niya na talagang kamuhian iyon. Nauhaw siya sa katotohanan at mas naghangad pa ng liwanag at nagpasiya: Gaano man kahirap ang daranasin ko, susundan ko ang Diyos hanggang wakas!
Rekomendasyon:Filipino Variety Show

Abr 23, 2019

Tagalog Full Christian Movie | "Pagtakas mula sa Yungib ng Diablo" | God Is My Salvation


      Tagalog Full Christian Movie | "Pagtakas mula sa Yungib ng Diablo" | God Is My Salvation

Ang kanyang pangalan ay Zhang at siya ay isang Kristiyano na kabilang sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Dahil naniniwala siya sa Diyos, siya ay palihim na minanmanan ng pamahalaan ng Komunistang Tsino at nahuli ng kanilang pulisya. Pinilit siya ng pulisya na ipagkanulo ang mga pinuno ng iglesia gayundin ang mga gugulin ng iglesia. Tinangka nilang gamiting sandata ang kanyang mga kaanak upang guluhin ang kanyang isip. Pinalibutan nila siya at hindi siya hinayaang matulog sa loob ng kalahating buwan upang sirain ang kanyang loob.

"Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" | Sipi 14

Ang bawa’t yugto ng gawain ng Banal na Espiritu ay kasabay na nangangailangan ng patotoo ng tao. Ang bawa’t yugto ng gawain ay isang p...