Dahil sa ang aking asawa ay hindi tapat sa pagtatrabaho, palaging umiinom, at walang ipinakikitang malasakit sa mga usaping pampamilya, madalas akong nasasadlak sa kapaitan at kapighatian. Sa isang pagkakataon na wala akong lakas na lumaban, ibinahagi ng isang kamag-anak ang ebanghelyo ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos sa akin. Sa pamamagitan ng pagbabasa ng salita ng Diyos, naunawaan ko na ipinahahayag ng Diyos ang katotohanan at ginagawa ang gawain ng paghatol ng mga huling araw upang iligtas ang sangkatauhan mula sa mga kamay ni Satanas. Itinutulot Niyang makaunawa ang tao, sumunod, at bumaling sa Kanya upang tanggapin ang Kanyang pag-iingat at pagkalinga. Bilang resulta, masaya kong tinanggap ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw at kaagad nagsimulang isabuhay ang buhay ng iglesia. Gayunpaman, habang nararamdaman ko kung gaano ako kapalad at kasaya dahil sa nakatagpo ako ng masasandalan sa buhay, binugbog ako ng mga pagsubok ni Satanas kagaya ng isang mabangis na hayop na humahabol sa biktima nito, at isang digmaang espiritwal ang naganap…
Isang araw, ang anak kong babae ay umuwi galing sa paaralan at sinabi sa akin, “Nay, sa araw na ito nang tinutulungan ko ang aking gurong ipanhik sa itaas ang ilang mga bagay, aksidenteng naihampas ko ang aking kamay sa barandilya. Napakasakit nito.” Nag-aalala, tiningnan ko ang kaniyang kamay. Hindi naman ito namumula o namamaga. Mayroon lamang kaunting napunit na balat sa ilalim ng kaniyang hinlalaki. Inalo ko ang aking anak at sinabi, “Huwag kang mag-alala, gagaling ito pagkalipas ng ilang araw.” Naisip ko, “Naniniwala na ako ngayon sa Makapangyarihang Diyos, kaya sa pag-iingat at pagkalinga ng Diyos, ang aking anak ay tiyak na magiging maayos.” Subali’t, pagkalipas ng sampu o higit pang mga araw, at ang kaniyang hinlalaki at kalahati ng kaniyang palad ay lalo pang namaga. Pagkatapos ng dalawang buwan, ang kabuuan ng bahaging iyon ay kulay itim at ube na. Ang kaniyang hinlalaki ay naging mas malaki pa kaysa sa malaking daliri ng kanyang paa. Doon ako nag-alala nang husto. Kaagad naming dinalang mag-asawa ang aming anak sa pagamutan, nguni’t walang anumang lampas sa karaniwan ang lumitaw sa lahat ng mga pagsusuri. Taimtim akong nanalangin sa Diyos sa aking puso, “Makapangyarihang Diyos. Ano ang nangyari sa kamay ng aking anak? Nakahanda akong umasa sa Iyo at ipagkatiwala ang aking anak sa Iyo. Pakiusap na kalingain Mo siya at ingatan siya.” Subali’t, nang makita ng pamilya at mga kaibigan ang kaniyang kamay, lahat sila ay nagsabing, “Mayroon talagang kakaibang nangyayari sa kamay ng iyong anak.” Buong pag-aalala ring sinabi ng kaniyang lola, “Malamang na magkaroon ng kapansanan ang batang ito sa kamay na ito.” Nagbunsod ng magkakahalong mga damdamin ang pagkarinig sa mga bagay na ito; nataranta talaga ako. Kung ang aking anak ay talagang magkakaroon ng kapansanan sa kamay na iyon, ano ang gagawin namin simula ngayon? Napakaliit niya. Paano niya mababata ang ganitong uri ng dagok? Habang lalo akong nag-iisip, mas lalo akong nairita, nag-alala at napighati. Naisip ko, “Nananalangin ako sa Diyos sa buong panahong ito. Bakit hindi gumagaling ang kamay ng anak ko? Hindi nasasagot ng Diyos ang aking mga panalangin; hindi Niya naiingatan ang aking anak!” Ang aking puso ay napuno ng mga maling pagkaunawa at mga hinaing sa Diyos. At sa panahong ito naging padaskul-daskol na naman ang aking asawa sa kaniyang trabaho dahil sa kaniyang paglalasing at gusto siyang sisantihin ng kaniyang amo. Kapag umuulan, bumubuhos—sunud-sunod ang mga bagay na ito! Nang mabalitaan ko ito, mas lalo pa akong nabalisa. Kapag natanggal sa trabaho ang aking asawa, paano ito malalampasan ng aming pamilya? Lalong pinalala ng mga bagay na ito ang aking nararamdaman at hindi ko magawang kumalma anuman ang gawin ko. Kahit kapag nagbabasa ako ng salita ng Diyos, wala akong maunawaang anuman dito. Naisip ko, “Naniniwala ako sa Diyos. Bakit nangyayari ang lahat ng masasamang bagay na ito sa aking pamilya? Bakit hindi kami binabantayan ng Diyos?” Naging lubos akong negatibo ukol dito.
Nang malaman ng aking kamag-anak na nagbahagi ng ebanghelyo sa akin ang aking mga iniisip, matiyaga siyang nagbahagi sa akin, “Ang pagsagupa sa mga usaping hindi kanais-nais ngayon ay dahil sa paggambala ni Satanas—mayroong nangyayaring digmaan sa espiritwal na mundo. Ang gawain ng Diyos sa mga huling araw ay ang iligtas ang sangkatauhan, kaya kapag tinalikuran ng mga tao si Satanas at nagbalik-loob sa Diyos, hindi basta na lamang susuko si Satanas. Gagambalain at lilinlangin nito ang tao sa bawa’t posibleng paraan. Magpapadala ito ng lahat ng uri ng pagdurusa at mga kapighatian sa mga tao kaya nagsisimula silang magkaroon ng mga maling pagkaunawa at mga hinaing tungkol sa Diyos. Ang layunin nito ay upang magaang itatwa at itakwil ng tao ang Diyos, upang mawala ang pagliligtas ng Diyos at muling bumalik sa ilalim ng pagkakasakop ni Satanas. Kung ganito tayo kanegatibo at inilalayo ang ating mga sarili sa Diyos, nahuhulog na tayo sa mga tusong pakana ni Satanas! Ang totoo, ang mga bagay na ito ay hindi maiiwasan kahit na hindi tayo naniwala sa Diyos, nguni’t binibigyan natin ng pagkakataon si Satanas upang pinsalain tayo kapag ang ating pananaw sa pananampalataya ay mali. Suriin natin ang isang sipi ng mga salita ng Diyos. Sinabi ng Makapangyarihang Diyos, ‘Ang karamihan sa mga tao ay naniniwala sa Diyos para sa kapakanan ng kapayapaan at iba pang mga kapakinabangan. Kapag hindi ito sa iyong kapakinabangan, hindi ka naniniwala sa Diyos, at kung hindi ka nakakatanggap ng mga biyaya ng Diyos, nahuhulog ka sa pagmamaktol. Paano naging ito ang iyong tunay na tayog? Pagdating sa hindi maiiwasang mga pangyayari sa sambahayan (ang mga anak ay nagkakasakit, ang mga asawang lalaki ay napupunta sa mga pagamutan, mahinang ani, pag-uusig sa mga miyembro ng sambahayan, at iba pa), ni hindi ka makatawid sa mga bagay na ito na nangyayari nang madalas sa pang-araw-araw na buhay. Kapag nangyari ang gayong mga bagay, ikaw ay natataranta, hindi mo alam kung ano ang gagawin—at kadalasan, nagrereklamo ka tungkol sa Diyos. Inirereklamo mo na nilinlang ka ng mga salita ng Diyos, na ginugulo ka ng gawain ng Diyos. Wala ba kayong gayong mga saloobin? Iniisip mo ba na ang gayong mga bagay ay nangyayari sa iyo nang madalang lamang? Ginugugol ninyo ang bawat araw sa gitna ng gayong mga pangyayari. Hindi kayo nagbibigay ni katiting na isipan sa tagumpay ng inyong pananampalataya sa Diyos, at kung paano mapalugod ang kalooban ng Diyos. Ang inyong tunay na tayog ay napakaliit, mas maliit pa kaysa doon sa maliit na sisiw. … Ang iyong tiyan ay punung-puno ng mga reklamo, at may mga pagkakataon na hindi ka dumadalo sa mga pagtitipon o kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos dahil dito, at malamang na ikaw ay magiging negatibo sa napakahabang panahon’” (“Pagsasagawa (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
Pagkarinig sa mga salitang ito ng Diyos, nanginig ang puso ko: Talagang sinisiyasat nang husto ng Diyos ang kailaliman ng puso ng mga tao! Ang bawa’t isang salita ay tumagos nang husto sa aking puso. Ang talagang rason para sa aking pananampalataya ay dahil sa gusto kong maging ligtas ang aking pamilya! Nang nakasagupa ako ng isang mahirap na bagay, hindi ko naunawaan ang Diyos, nagreklamo ako tungkol sa Diyos at nawala ang aking pananampalataya sa Kanya. Namumuhay ako sa isang negatibong kalagayan at napakaliit ng aking katayuan. Nagpatuloy ang aking kaanak sa pagbabahagi, “Ipinakikita ng mga salita ng Diyos ang ating maling pananaw ng pagkakaroon ng pananampalataya upang maghangad lamang na pagpalain. Dahil sa ating mga pagkaunawa at imahinasyon, iniisip natin na hangga’t naniniwala tayo sa Diyos, pagpapalain Niya tayo at titiyakin na tayo ay ligtas at nasa maayos na kalagayan, na ang lahat ng bagay ay magiging maayos. Dahil sa ang pagkaunawang ito ay umiiral sa loob ng ating mga puso, sa sandaling makaranas tayo ng malulungkot na sitwasyon sa ating mga buhay, kaagad nating sinisisi ang Diyos. Bilang resulta, maaari nating itatwa, pagtaksilan o talikuran ang Diyos sa anumang sandali. Nauunawaang maigi ni Satanas ang mga nakamamatay na kahinaan nating ito; kung kaya ipinadadala nito sa atin ang lahat ng uri ng mga kalamidad at pagdurusa upang ligaligin tayo. Kung hindi natin naaaninag ang mga tusong pakana ni Satanas, lalabanan, sisisihin, at itatatwa natin ang Diyos nang hindi natin namamalayan, at maaari pa nating talikuran at pagtaksilan ang Diyos. Susunggaban at lalamunin tayo sa bandang huli ni Satanas. Sinasabi ng mga salita ng Diyos, ‘Sa lupa, ang lahat ng uri ng masasamang espiritu ay walang-katapusang gumagala-gala sa paghahanap ng lugar upang magpahinga, at hindi humihinto sa paghahanap ng mga bangkay ng mga tao upang kainin’ (‘Kabanata 10’ ng Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Ang inihahayag ng mga salita ng Diyos ay ang buong katotohanan ng espiritwal na mundo! Sa sandaling nilalamon tayo ni Satanas, naiwawala natin ang pagkakataong mailigtas ng Diyos. Dapat nating aninagin ang mga tusong pakana ni Satanas!” Nagliwanag nang husto ang aking puso pagkarinig kong sinasabi niya ang mga bagay na ito. Napagtanto ko na ang mga bagay na nasasagupa ng aking pamilya sa totoo lang ay paggambala at kalamidad ni Satanas. Kasabay nito, inihayag ng Diyos ang aking maling pananaw sa pananampalataya. Sinabi ko sa aking kaanak, “Buhat pa nang maniwala sa Diyos, naiisip ko na ang Diyos ay isang Diyos na nagkakaloob ng biyaya sa tao at na hangga’t naniniwala ka sa Diyos, magiging maayos ang mga bagay-bagay sa iyong pamilya at tataglayin mo ang pagkalinga at pag-iingat ng Diyos. Nang nasadlak ako sa mga suliranin inisip ko na mayroong mali, at na ang pagkakaroon ng pananampalataya ay dapat mangahulugang hindi ako magkakaroon ng ganitong uri ng mga suliranin. Pagkatapos kong marinig na binabasa mo ang mga siping iyon ng mga salita ng Diyos saka ko lamang naunawaan na ang aking pananaw sa pananampalataya ay mali at na ginagamit ni Satanas ito bilang paraan upang ligaligin ako at itulak akong magkaroon ng mga pagkaunawa at mga maling pagkakaintindi tungkol sa Diyos, at upang ilayo ako mula sa Kanya. Nahulog talaga ako sa mga tusong pakana ni Satanas! Mula ngayon, maging anuman ang ginagawa ni Satanas upang takutin ako, kailangan kong aninagin ang mga panlilinlang nito at hindi ko na maaaring sisihin, pagkakamalian o lalong higit pagtaksilan ang Diyos. Dapat akong maging saksi para sa Diyos. Hindi alintana kung bumuti man ang kamay ng aking anak o makapagtrabaho man ang aking asawa, magiging handa ako na ipagkatiwala ang mga bagay na ito sa Diyos at hayaan ang Diyos na gawin ang Kanyang mga pagsasaayos.” Sa aking pagkabigla, sa sandaling naging handa akong sundin ang mga pagsasaayos at mga pagtatakda ng Diyos, sa loob ng maigsing panahon, ang kamay ng aking anak ay naimpeksyon. Nang naalis ng manggagamot ang nana, nalaman niya na mayroong salugsog na nakabaon sa ilalim ng kaniyang daliri. Pagkatapos naalis niyon, ang kamay ng aking anak ay gumaling kaagad. Pagkatapos ng karanasang ito nakikita ko na sa sandaling nabago ko ang aking sariling mga pananaw at naging handang sundin ang Diyos, si Satanas ay napahiya at nagapi. Inalis ng Diyos ang sakit ng aking anak. Ang Diyos ay talagang mapaghimala at makapangyarihan!
Gayunpaman, sa kasamaan nito, si satanas ay hindi titiklop. Kapag ang isang panlilinlang ay nabibigo, susubok ito ng iba. Isang gabi sa ganap na ika-walo, biglang tinawag ako ng aking asawa at ako ay pinabababa upang bigyan siya ng pera. Kinarga ko ang aming anak, na mahigit isang taon pa lang, at bumaba, kung saan nakita ko ang aking asawa na medyo hirap na lumalabas sa isang taxi. Nahihirapan pa siyang maglakad. Pagkakita sa kanya sa ganitong kalagayan, nag-alala talaga ako at hindi ko alam kung ano ang gagawin. Ang tanging magagawa ko lang ay ang patuloy na tumawag sa Diyos, “Makapangyarihang Diyos. Sa harap ng sitwasyong ito, hinihiling ko na ingatan Mo ang aking puso. Ang katayuan ko ay maliit. Pakiusap bigyan Mo ako ng pananampalataya upang maging saksi sa ganitong sitwasyon at huwag ang sisihin Ka.” Kapansin-pansin na nakadama ako ng higit pang kapayapaan pagkapanalangin. Nguni’t pagkatapos niyon ang paa ng aking asawa ay lumala nang lumala hanggang sa puntong ni hindi na siya makalakad. Wala akong magawa kundi ipadala siya sa kanyang kuya at sa kanyang asawa sa pagamutan. Lubos akong nangamba nang maisip ko ang tungkol sa kung papaanong hindi magamit ng aking asawa ang kanyang paa, kaya minsan pa akong nanalangin sa Diyos, “O Diyos! Ang aking asawa ay hindi maayos sa ngayon. Dumating si Satanas upang ligaligin ako para magreklamo ako at magtaksil sa Iyo. Gusto kong aninagin ang mga panlilinlang ni Satanas. Gaano man kamahal ang pagpapagamot sa aking asawa, hindi Kita sisisihin. Nakahanda akong sumunod sa Iyo. Hinihiling ko sa Iyo na ingatan ako upang magawa kong maging saksi para sa Iyo.” Pagkatapos manalangin nakadama ako ng higit pang kapayapaan. Hindi nagtagal pagkatapos noon, tumawag ang bilas ko at sinabi sa akin na ayaw ng asawa kong padala sa pagamutan; nagpipilit siyang umuwi ng bahay. Sa paniniwalang ito ang kalooban ng Diyos, sumang-ayon ako. Pagkabalik nila, sinubukan ng bayaw ko at ng kanyang asawa na pisilin ang kanyang paa at hinuhugasan ito ng maligamgam na tubig. Ginawa nila ang ganito nang matagal-tagal, nguni’t wala pa ring nararamdamang anuman ang aking asawa sa kanyang paa. Sa kawalan ng pag-asa, sinabi niya, “Wala ng mangyayari. Wala akong anumang nararamdaman sa aking mga paa!” Pagkarinig nito, biglang umagos ang mga luha sa aking mukha at naisip ko. “Iyon na. Hindi na siya muling makalalakad. Ano ang gagawin niya kung siya ay paralisado? Paano ito malalampasan ng aming pamilya?”
Nang ako ay malapit ng mapagtagumpayan ng kapighatian at kabiguan, naalala ko ang mga salita ng Diyos: “Kung maraming mga bagay ang dumating sa iyo na hindi ayon sa iyong mga paniwala nguni’t nagagawa mong isantabi ang mga iyon at nakikilala ang mga pagkilos ng Diyos mula sa mga bagay na ito, at sa gitna ng mga pagpipino ibinubunyag mo ang iyong puso ng pag-ibig para sa Diyos, ito ay pagtayong saksi. Kung mapayapa ang iyong tahanan, tinatamasa mo ang mga kaginhawahan ng laman, walang sinuman ang umuusig sa iyo, at sumusunod sa iyo ang iyong mga kapatirang lalaki at babae sa iglesia, maipakikita mo ba ang iyong puso ng pag-ibig sa Diyos? Mapipino ka ba nito? Sa pamamagitan lamang ng pagpipino maipakikita ang iyong pag-ibig sa Diyos, at sa pamamagitan lamang ng mga bagay na nangyayari na hindi naaayon sa iyong mga pagkaintindi maaari kang magawang perpekto. Sa pamamagitan ng maraming mga negatibong bagay, maraming mga kagipitan ginagawa kang perpekto ng Diyos. Sa pamamagitan ng maraming mga pagkilos ni Satanas, mga paratang, at pagpapahayag nito sa maraming mga tao na tinutulutan ka ng Diyos na magtamo ng pagkakilala, sa gayon ay ginagawa kang perpekto” (“Yaong Mga Gagawing Perpekto ay Kailangang Sumailalim sa Pagpipino” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, naunawaan ko na ginagamit ni Satanas ang kalagayan ng aking asawa upang pakilusin ang mga pakana nito. Dahil sa ang nasa isip kong pagtatamo ng mga biyaya mula sa Diyos at pakikipagtawaran sa Kanya kapalit ng pananampalataya ay hindi pa lubos na nalulutas, ginawa ni Satanas ang ganito upang hilahin ako tungo sa maling pag-aakala, paninisi, pagtatatwa, at pagtataksil sa Diyos, na sa bandang huli ay naiwawala ang pagliligtas ng Diyos. Nguni’t ginamit ng Diyos ang gayong kapaligiran upang gawing perpekto ang aking pananampalataya sa Kanya, hinahayaan akong makita ang mga bagay-bagay ayon sa mga salita ng Diyos at aninagin ang mga tusong pakana ni Satanas upang hindi na ako makikipagtawaran pa sa Diyos sa layuning magtamo ng mga pagpapala. Nagbigay-daan ito upang ako ay tumindig sa panig ng Diyos at maging matibay na saksi para sa Kanya sa labanan sa pagitan ng Diyos at ni Satanas. Sa sandaling naunawaan ko ang kalooban ng Diyos, taimtim akong dumalangin sa Diyos, “O Diyos, ingatan ang aking puso upang ako ay makapanindigan sa ganitong sitwasyon. Maging anuman ang mangyari sa aking asawa, hindi Kita sisisihin. Siya man ay paralisado, nakahanda akong patuloy na sumunod sa Iyo.” Kamangha-mangha, pagkatapos na pagkatapos kong manalangin, narinig ko ang aking asawang masayang nagsasabi, “Mas maayos na ako ngayon, Naigagalaw ko na ang aking mga paa.” Masayang-masaya ako—ang Diyos ay tunay na lubos na marunong at makapangyarihan! Hindi sinadya ng Diyos na iparanas sa akin ang mga bagay na ito. Sa halip, ginamit niya ang mga pangyayaring ito upang subukin ako at upang baguhin ang mga maling pananaw na pinanghahawakan ko sa aking pananampalataya!
Pagkatapos, nagpatuloy ako sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos, “Patuloy na nagsasagawa ng mga balangkas si Satanas; patuloy pinasasama ni Satanas ang sangkatauhan, at patuloy na isinasagawa ng Diyos na si Jehova ang Kanyang matalinong gawain. Hindi Siya kailanman nabigo, at hindi Niya itinitigil ang Kanyang gawain mula sa paglikha ng mundo hanggang ngayon. Matapos pinasama ni Satanas ang sangkatauhan, patuloy Siyang gumawa sa mga tao upang talunin ang Kanyang kaaway na pinasasama ang sangkatauhan. Magpapatuloy ang labanang ito mula sa simula hanggang sa katapusan ng mundo. Sa paggawa ng lahat na mga gawaing ito, hindi lamang Niya pinahintulutan ang sangkatauhan, na ginawang masama ni Satanas, na matanggap ang Kanyang dakilang kaligtasan, nguni’t pinahintulutan din Niya ang sangkatauhan na makita ang Kanyang karunungan, pagkamakapangyarihan at awtoridad, at sa katapusan hahayaan Niyang makita ng sangkatauhan ang Kanyang matuwid na disposisyon—pinarurusahan ang masama at ginagantimpalaan ang mabuti. Nilalabanan Niya si Satanas hanggang sa araw na ito at hindi kailanman natalo, dahil Siya ay isang marunong na Diyos, at ang Kanyang karunungan ay nagagamit ayon sa mga balangkas ni Satanas. Kaya hindi Niya lamang napasusunod ang lahat sa langit sa Kanyang awtoridad; nagagawa rin Niyang panatilihin ang lahat sa Kanyang paanan, at hindi huli sa lahat, napababagsak sa Kanyang pagkastigo ang mga gumagawa ng masama na nanghihimasok at nanggugulo sa sangkatauhan. Ang lahat ng mga bunga ng Kanyang gawain ay dulot ng Kanyang karunungan” (“Dapat Mong Malaman Kung Paano Sumulong ang Buong Sangkatauhan Hanggang sa Kasalukuyang Araw” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Naunawaan ko mula sa mga salita ng Diyos na simula pa noong ang sangkatauhan ay pinásámâ ni Satanas, noon pa man, naliligalig at napipinsala na ni Satanas ang tao. At noon pa mang una, inililigtas na ng Diyos ang tao upang siya ay makatakas sa pamiminsala ni Satanas. Sa paggunita sa aking sariling karanasan, noon pa mang nakamit ko ang aking pananampalataya, hindi kailanman tumigil si Satanas sa paggawa ng mga pakana upang takutin ako. Ginamit nito ang mga suliranin sa kalusugan ng aking anak at ng aking asawa upang gawin akong negatibo at mahina, upang pagkamalian ko at sisihin ang Diyos. Buong sikap nitong tinangka na ilayo ako at magtaksil sa Diyos, upang hilahin akong pababa sa impiyerno. Idagdag pa, ang karunungan ng Diyos ay palaging nakabatay sa mga pakana ni Satanas. Ginamit ng Diyos ang mga paggambala ni Satanas upang ihayag ang aking maling pananaw sa pananampalataya habang ginagamit din ang Kanyang mga salita upang liwanagan at paliwanagin ako. Nakatulong ito na makilala ko ang aking motibo ng pagtatamo ng mga pagpapala mula sa Diyos at pakikipagtawaran sa Kanya. Sa pamamagitan ng totoong mga tao, mga pangyayari, at mga bagay-bagay, natutulutan ako ng Diyos na maaninag ang masamang kalikasan at kasuklan-suklam na mga motibo ni Satanas, na nagtutulot upang talikuran ko ang kasamaan at bumaling sa kabutihan. Hindi na ako mabubuhay sa aking pagnanais na magkamit ng mga pagpapala. Sa pagkakaroon ng tunay na pananampalataya sa Diyos, nagagapi ko si Satanas at nakakamit ng Diyos.
Ipinakita sa akin ng mga karanasang ito kung gaano katotoo ang pagmamahal at pagliligtas ng Diyos sa tao! Mula ngayon, mananalangin ako sa Diyos at lalong aasa sa Diyos, at ako ay magiging saksi sa pamamagitan ng mga pagsubok. Determinado akong sundin ang Diyos nang walang-maliw hanggang sa wakas! Ang lahat ng kaluwalhatian ay sa Makapangyarihang Diyos!
Ang karunungan ng Diyos ay lumalagong mas mataas kaysa sa kalangitan at madalas nating pinupuri ang karunungan at ang pagka-makapangyarihan ng Diyos. Gayunpaman, mula sa kung anong aspeto natin malalaman ang karunungan at pagka-makapangyarihan ng Diyos sa partikular, magbasa ng higit pa kung gusto nating malaman ang higit pa.
Ang karunungan ng Diyos ay lumalagong mas mataas kaysa sa kalangitan at madalas nating pinupuri ang karunungan at ang pagka-makapangyarihan ng Diyos. Gayunpaman, mula sa kung anong aspeto natin malalaman ang karunungan at pagka-makapangyarihan ng Diyos sa partikular, magbasa ng higit pa kung gusto nating malaman ang higit pa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento