Kidlat ng Silanganan

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Mga Salaysay ng Pag-uusig. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Mga Salaysay ng Pag-uusig. Ipakita ang lahat ng mga post

Okt 22, 2019

Tagalog Christian Movie | "Pagbibinyag sa Pamamagitan ng Apoy"

Tagalog Christian Movie | "Pagbibinyag sa Pamamagitan ng Apoy"


Sabi ng Panginoong Jesus, "Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit" (Mateo 7:21). Paano ba talaga natin dapat pagsikapang maging mga tao na gumagawa ng kalooban ng Ama sa langit at masunurin sa Diyos, para dalhin tayo ng Diyos sa kaharian ng langit?
Ang Kristiyanong si Song Enze ay inaresto at ikinulong ng Chinese Communist Party nang pitong taon dahil naniwala siya sa Diyos at nangaral ng ebanghelyo ng Diyos. Nang makalaya na siya, nagpilit siyang magpatuloy sa paggugol para sa Diyos sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng ebanghelyo. Pakiramdam niya, sa pagtalikod sa kanyang tahanan at propesyon, pagpapagod, at pagtatrabaho, ginagawa niya ang kalooban ng Diyos, at na siguradong matatamo niya ang pagsang-ayon ng Diyos at dadalhin siya ng Diyos sa kaharian ng langit. Kalaunan, nagkasakit nang malubha ang anak na lalaki ni Song Enze, at nanganib ang buhay, na ikinasama ng loob ni Song Enze sa Diyos, tinangka niyang makipagtalo sa Diyos, at nawalan siya ng hangaring gawin ang kanyang mga tungkulin. Sa pamamagitan ng ipinakita sa kanyang mga totoong pangyayari sa kanyang sitwasyon at ng mga paghahayag sa salita ng Diyos, natanto ni Song Enze na ang maraming taon ng pagtalikod at paggugol niya para sa Diyos ay dating pagtatangka niyang ipalit iyon sa biyaya at mga pagpapala ng Diyos, at na hindi siya isang taong masunurin sa Diyos. Sa huli, sa pamamagitan ng paghahanap, natutuhan din niya sa wakas kung paano sikaping makawala sa kanyang mga tiwaling disposisyon, maging tunay na masunurin sa Diyos, at maligtas ng Diyos.

Okt 20, 2019

Latest Tagalog Christian Movie | "Nakamamatay na Kamangmangan" | Why Are Foolish Virgins Abandoned?

Latest Tagalog Christian Movie | "Nakamamatay na Kamangmangan" | Why Are Foolish Virgins Abandoned?

Si Zheng Mu'en ay kapanalig sa isang simbahang Kristiyanong Chinese sa US, matagal na nanalig sa Panginoon, at marubdob na naglingkod at gumugol para sa Panginoon. Isang araw, nagpatotoo sa kanya ang kanyang tita na nagbalik na ang Panginoong Jesus para ipahayag ang katotohanan at hatulan at dalisayin ang tao sa mga huling araw, isang balitang labis niyang ikinatuwa. Matapos basahin ang salita ng Makapangyarihang Diyos at panoorin ang mga pelikula at video ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, nadama ni Zheng Mu'en na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan, at na maaari ngang ang Makapangyarihang Diyos ang pagbabalik ng Panginoong Jesus, kaya sinimulan nilang siyasatin ng kanyang mga kapatid ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Pero nang matuklasan ito ni Pastor Ma, ang lider ng kanilang iglesia, paulit-ulit nitong pinakialaman at pinigilan si Zheng Mu'en. Ipinakita niya kay Zheng Mu'en ang isang propaganda video ng gobyernong CCP na naninira at tumutuligsa sa Kidlat ng Silanganan sa pagtatangkang patigilin si Zheng Mu'en sa pagsisiyasat nito sa tunay na daan, at nalito siya nang husto sa videong ito:

Peb 22, 2019

Paglalantad sa Katotohanan ng Patakarang Pangrelihiyon ng CCP na Lihim na Nakasaad sa Konstitusyon Nito


    Ma Jinlong (Kapitan ng National Security Team): Han Lu, ito na ang pagkakataon mo para makapuntos. Basta't sasabihin mo sa amin kung sino-sino ang mga pinuno mo at kung saan nakatago ang pera ng iglesia, maghihinay-hinay kami sa iyo. Natural, kung magiging mahusay ka, hinid imposible na pakawalan ka namin.

Chen Jun (Deputy Captain ng National Security Team): Humph. Ayon sa mga naka-record sa notebook. nakasulat doon ang halaga ng pera ng simbahan. Nagpapatunay ito na isa ka'ng pinuno ng ng simbahan. Sino ang nakakataas? Ipaliwanag mo.

"Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" | Sipi 14

Ang bawa’t yugto ng gawain ng Banal na Espiritu ay kasabay na nangangailangan ng patotoo ng tao. Ang bawa’t yugto ng gawain ay isang p...