Kidlat ng Silanganan

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Gawain ng Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Gawain ng Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post

Mar 11, 2019

Tagalog Gospel Movie "Ang Sugo ng Ebanghelyo" (Clips 1/3)


Tagalog Gospel Movie "Ang Sugo ng Ebanghelyo" (Clips 1/3) Anong Ibig Sabihin ng Panginoong Hesus Nang Sabihin Niyang “Tapos na” sa Krus?

Maraming tao sa relihiyosong mundo ang nag-iisip: “Ang pagsasabi ng Panginoong Jesus sa krus na 'Naganap na' ay nagpapatunay na tapos na ang gawain ng Diyos na pagliligtas sa sangkatauhan. Sa paniniwala lamang sa Panginoon, napatawad ang ating kasalanan, inaaring ganap sa pananampalataya, at iniligtas ng biyaya. Kapag darating ang Panginoon, dadalhin Niya tayo sa kaharian ng langit. Hindi na Siya posibleng gumawa ng iba pang gawain ng pagliligtas.” Naaayon ba ang pananaw na ito sa mga katunayan ng gawain ng Diyos?

Rekomendasyon:Ebanghelyo

Mar 9, 2019

Tagalog praise and worship Songs | "Ang Makahulugang Ibig Sabihin ng Poot ng Diyos"

Tagalog praise and worship Songs|Ang Makahulugang Ibig Sabihin ng Poot ng Diyos

I
Paghahayag ng Diyos ng poot N'ya'y nangangahulugan
na titigil sa pag-iral lahat ng masasamang puwersa;
nangangahulugan 'to
na lahat na kumakalabang puwersa'y mawawasak.
Pagkakaiba 'to ng matuwid na disposisyon ng Diyos,
at pagkakaiba 'to ng poot ng Diyos.
Kapag hinahamon ang karangalan at kabanalan ng Diyos,
pag makatarungang puwersa'y nahahadlangan,
'di nakikita ng tao,
ipadadala ng Diyos poot N'ya sa panahong ito.
Ipadadala ng Diyos poot N'ya sa panahong ito.

Peb 11, 2019

Ginaganap at Tinutupad ng Gawain ng Paghatol ng Diyos sa mga Huling Araw ang mga Propesiya sa Biblia

Ang pinakamaraming inihula sa loob ng Kasulatan ay ang gawain ng paghatol at pagkastigo ng Diyos sa mga huling araw. Binabanggit sa Kasulatan ang paglalapat ng paghatol ng Diyos sa may halos dalawang daang lugar; maaaring sabihin na hinulaan nilang lahat na isasakatuparan ng Diyos ang Kanyang gawain ng paghatol at pagkastigo sa mga huling araw. Dito, gamit ang kakaunti lamang na bahagi ng mga kasulatan ay sapat na upang patunayan na ang paglalapat ng Diyos ng Kanyang gawain ng paghatol at pagkastigo ay isang hindi mapipigilang hakbang ng Kanyang gawain sa mga huling araw. Ang gawain ng Diyos sa mga huling araw ay ang paggamit sa pamamaraan ng paghatol at pagkastigo upang dalisayin, iligtas at gawing perpekto ang sangkatauhan; ito ay ang gawain ng pagbukod-bukod sa bawat tao ayon sa kanilang sariling uri sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo upang tapusin ang kapanahunan at sa huli ay itatag ang kaharian ni Cristo–ang pinakamamahal na kaharian ng Diyos. Ito ang paglilinaw sa tatlong yugto ng gawain ng Diyos ng pagliligtas sa sangkatauhan at sa maluwalhating simbolo ng Kanyang tagumpay laban kay Satanas. Kaya, sa buong mgaKasulatan, makikita natin ang sulat ng mga hula sa gawain ng paghatol ng Diyos mga huling araw. Kung binabasa ng isang tao ang mga Kasulatan sa loob ng maraming mga taon mula sa umpisa hanggang sa huli at hindi niya nakikita ang gawain ng paghatol at pagkastigo ng Diyos na kinakailangan sa Kanyang gawain sa mga huling araw, samakatuwid hindi nauunawaan ng taong iyon ang mga kasulatan na kahit na bahagya; tiyak na ang taong ito ay hindi nakakaalam ng gawain ng Diyos. Ang nasa ibaba ay isang maliit lamang na bahagi ng mga malinaw na mga sulat mula sa mga Kasulatan upang patunayan na ang huling gawain ng Diyos sa mga huling araw ay ang gawain ng paghatol at pagkastigo:

Ene 23, 2019

Salita ng Buhay | "Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" (Ikalawang Bahagi)


Salita ng Buhay | "Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" (Ikalawang Bahagi)



Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sa bawa’t pagkakataon ng gawain ng Diyos ay naroon ang mga pangitain na kailangang malaman ng tao, mga pangitain na sinusundan ng mga angkop na kinakailangan ng Diyos sa tao. Kung wala ang mga pangitaing ito bilang saligan, hindi kayang magsagawa ng tao, o makakayang lubos na sumunod sa Diyos. Kung hindi kilala ng tao ang Diyos at hindi nauunawaan ang Kanyang kalooban, lahat ng ginagawa ng tao ay walang kabuluhan, at walang kakayahang sang-ayunan ng Diyos.

"Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" | Sipi 14

Ang bawa’t yugto ng gawain ng Banal na Espiritu ay kasabay na nangangailangan ng patotoo ng tao. Ang bawa’t yugto ng gawain ay isang p...