Kidlat ng Silanganan

菜單

Peb 22, 2019

Paglalantad sa Katotohanan ng Patakarang Pangrelihiyon ng CCP na Lihim na Nakasaad sa Konstitusyon Nito


    Ma Jinlong (Kapitan ng National Security Team): Han Lu, ito na ang pagkakataon mo para makapuntos. Basta't sasabihin mo sa amin kung sino-sino ang mga pinuno mo at kung saan nakatago ang pera ng iglesia, maghihinay-hinay kami sa iyo. Natural, kung magiging mahusay ka, hinid imposible na pakawalan ka namin.

Chen Jun (Deputy Captain ng National Security Team): Humph. Ayon sa mga naka-record sa notebook. nakasulat doon ang halaga ng pera ng simbahan. Nagpapatunay ito na isa ka'ng pinuno ng ng simbahan. Sino ang nakakataas? Ipaliwanag mo.

Han Lu (Isang Kristiyano): Kaming mananampalataya ng Diyos ay hindi lumalabag sa batas o gumagawa ng krimen. Anong karapatan ninyong tanungin ako na parang isang kriminal? Ipinapangaral namin ang ebanghelyo upang sumaksi para sa Diyos nang sa gayon ay mapalapit ang mga tao sa Diyos upang tanggapin ang katotohanan, upang alisin ang mga kasalanan para sa kaligtasan ng Diyos, at makapasok sa magandang hantungan. Ang mga ito ay mga tamang gawa, matutuwid na gawain. Kaming mga mananampalataya ng Diyos ay walang nilabag na anumang batas. Ano ang gusto ninyong ipaliwanag ko? Maliwanag na itinatakda ng Saligang Batas ang kalayaan sa paniniwala. Bakit hindi kayo kumilos nang naaayon sa Konstitusyon? Tinatanong ninyo ako kung sino-sino ang mga pinuno ko at kung magkanong pera mayroon ang iglesia. Ano ang layunin ninyo? Legal ba ito?

Chen Jun: Gusto mo'ng isampal sa amin ang Konstitusyon! Isinulat ba ang Konstitusyon para sa inyo? Kwalipikado ba kayo para pag-usapan ang saligang batas? Sa ilalim ng pamamahala ng Partido Komunista, ang Partido Komunista ang amo! Ang Partido Komunista ay ateista at pinakakontra sa mga nananampalataya sa Diyos. Ang paniniwala ninyo sa Diyos ay paglabag sa batas ng Partido Komunista, isang paglabag sa mga ipinagbabawal ng Partido Komunista. Kaya dapat lang na pigilan ito. Kapag nahuli namin kayong mga mananampalataya ng Diyos, gigipitin at tatanungin namin kayo sa anumang paraang gusto namin. Ito ay kaukulang karapatan na ibinigay sa amin ng Sentrong Komite ng Partido! Lalo na kayong mga importanteng tao ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. dapat namin kayong parusahan nang matindi, at puwede namin kayong patayin! Iyon ang patakaran ng Partido Komunista! Ang patakaran ng Partido Komunista ang tunay na batas! Ano ang halaga ng Saligang Batas? Isa itong kasangkapan upang paglingkuran ang pamumuno ng Partido Komunista! Naiintindihan mo na ba ito ngayon?

Han Lu: Ang Konstitusyon ang pinakamataas na batas ng isang bansa. Kumikilos ang mga opisyal ng pamahalaan sa buong mundo alinsunod sa Saligang Batas upang mamahala at mangasiwa. Sa halip na sundin ng Communist Government ang Konstitusyon, hayagan pa itong niyuyurakan Ayon sa sarili niyong salita, sinabi ninyong mas mataas sa Konstitusyon ang tunay na batas ng Partido Komunista. Ilang hanay ng mga batas ang mayroon kayo? Kung may isa pang hanay ng batas sa likod ng Konstitusyon ang Chinese Communist government, hindi ba sapat na itong patunay na sa estado ng komunista, mas malakas ang kapangyarihan sa kaysa sa batas? Ang Saligang Batas na nilikha ng pamahalaan ng Komunistang Tsino ay hindi nilalayon na sundin ng mga mamamayang Tsino, kahit na ang pamahalaan ay hindi nakatali sa Saligang Batas. Ano pa ang gamit ng Konstitusyon? Ano'ng pinupunto mo?

Ma Jinlong: Pagkatapos ng ilang dekadang paninirahan sa China, hindi mo pa rin ito alam? Isang ateistang partido ang Partido Komunista, isang rebolusyonaryong partido. Bakit sobra itong kontra sa mga naniniwala sa Diyos? Ito ay dahil ang Partido Komunista ang pinakalabag sa Biblia,ang pinakalabag sa salita ng Diyos! Kapag umakyat sa kapangyarihan ang Partido Komunista, ipagbabawal at aalisin nito ang lahat ng relihiyon, sa huli ay magtatatag ng isang lupaing walang diyos sa China para siguraduhin ang permanente nitong pamamahala. Ito ang pinakamahalagang patakaran ng Partido Komunista sa pakikitungo sa mga paniniwalang panrelihiyon. Ang itinakda ng konstitusyonal na kalayaang panrelihiyon ay ginawa para lang bulagin ang mga dayuhan, isang paraang pulitikal ng Partido Komunista para pagsamahin ang kapangyarihang pulitikal ng rehimen at palawakin ang pandaigdigan impluwensya nito. Hangga't nasa kapangyarihan ang Partido Komunista sa China, huwag kang mangarap na magkaroon ng kalayaang panrelihiyon! Kung pilit pa rin ninyong susundan ang landas ng paniniwala sa Diyos, nakikipagsapalaran kayo sa kamatayan! Kahit hindi mo harapin ang firing squad, mabubulok at mamamatay ka sa bilangguan. Naiintindihan mo na ba ngayon? Kailangan ko ba itong mas liwanagin pa?

Chen Jun: Ang China ang mundo ng Partido Komunista. Kung ipinanganak ka sa China, dapat kang makinig sa Partido Komunista, dapat kang maging isang masunuring mamamayan para magkaroon ng mapayapang buhay. Gusto mo'ng maniwala sa Diyos nang malaya? Hindi puwede! Kahit na tumakas ka papunta sa ibang bansa para maniwala sa Diyos, pababalikin ka pa rin namin. Sinasabi ko sa iyo, isang rebolusyonaryong partido ang Partido Komunista. Kapag nilabanan mo ang pamumuno ng Partido Komunista, tatapusin ng Partido Komunista ang buhay mo, pupugutan ka ng ulo! Pinapayuhan kitang kumilos nang tama at makipagtulungan sa amin nang mahusay. Kamatayan ang kapalit! Kailangan mo itong pag-isipan nang mabuti!

Han Lu: Hindi ko lang maintindihan kung bakit kailangang lusubin at pigilin ng Partido Komunista ang mga paniniwala sa relihiyon. Bakit tinatrato ang mga tao bilang mga pusakal na kriminal? Bakit sila pinipigilan at inuusig sa rebolusyunaryong paraan, at tinotortyur hanggang mamatay? hindi ito makakalusot sa international law! Pinalalaki at iginagalang ang Diyos ng mga naniniwala sa Diyos. Pinahahalagahan nila ang paghahangad sa katotohanan at nabubuhay sila sa salita ng Diyos. Sila ay masunurin sa batas na tintahak ang tamang landas ng buhay. Bakit itinuturing ng Partido Komunista ang mga nananampalataya sa Diyos na mga problema at mahigpit na mga kaaway na hindi kayang mabuhay kasama nila. Ibig ba'ng sabihin gusto ng Chinese Communist government na sundin ng mga tao ang malulupit at masasamang paraan at pagbawalan silang sundan ang tamang landas? Hindi nakapagataka na ang Chinese society ay lalong nagiging madilim at mas masama. Hindi ba't resulta ito ng galit ng Partido Komunista sa katotohanan, pag-atake sa hustisya, at pagsalungat sa Diyos? Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Ang pagbangon at pagbagsak ng isang bayan o bansa ay nababatay kung ang mga tagapamahala ay sumasamba sa Diyos, at kung inaakay nila ang kanilang mga tao na maging mas malapit sa Diyos at sambahin Siya. … Pangyayarihin ng Diyos na yaong sumusunod at sumasamba sa Kanya ay sumagana, at siya’y magdadala ng pag-unti at pagkalipol sa mga taong lalaban at tatanggi sa Kanya."

Chen Jun: Han Lu! Mukhang naiintindihan mo talaga ang Partido Komunista. Inaamin ko, hindi tumitigil ang Partido Komunista sa paggawa ng masasamang bagay mula nang nakuha nito ang kapangyarihan. Napukaw na nito ngayon ang paglaban ng mga tao. Pero ano ba ang mga tao sa mga mata ng Partido Komunista? Walang pakialam dito ang Partido Komunista! Sinasabi ko sa iyo ngayon ang katotohanan, isang napakasamang partido ang Partido Komunista, napakasamang kulto na tumututol sa Diyos. Mga lider ng masasamang kulto sina Karl Marx, Vladimir Lenin, Joseph Stalin, at Mao Zedong. Sila ay mga sumumpang kalaban ng Diyos na kumilos ng matindi laban sa Diyos. Walang silbi para sa sinuman ang kumontra o magalit sa Partido Komunista. Mayroong mga tangke at machine gun ang Partido Komunista. Pipigilan at pupuksain namin ang sinumang lumaban sa Partido Komunista. Ateista ang Partido Komunista samantalang kayong mga mananampalataya ng Diyos ay mga teista. Magkakaaway lamang ang Partido Komunista at ang mga mananampalataya ng Diyos. Isa itong nakamamatay na labanan ng klase ng ideolohiya. Naiintindihan mo? Dapat mo ring malaman na ang paniniwala ng Partido Komunista ay dumaranas ng malubhang krisis. Wala nang naniniwala sa teorya ng komunismo. Karamihan sa mga Chinese ay kinikilala ang pag-iral ng Diyos sa kanilang mga puso. Kinikilala nila ang pag-iral ng kapalaran at karma. Kaya parami na nang parami ang mga naniniwala sa Diyos ngayon. Sabihin mo sa akin, paanong hindi kayo pipigilan ng Partido Komunista? Upang mapanatili ang kapangyarihang pulitikal nito, may kakayahan ang Partido Komunista na gawin ang anumang bagay, kahit ang paglulunsad ng digmaan at pagpatay sa sangkatauhan. Kaya itong gawin ng Partido Komunista. Sinong makakapigil dito?

Han Lu: Talaga ngang may kakayahan ang Partido Komunista na sumupil at pumatay. Ngunit wala bang pagganti? Galit na galit na hinatulan at nilabanan ng pamahalaang Romano ang gawain ng Panginoong Jesus, at brutal na hinuli at pinatay ang mga KrisAuntieno. Ipinadala ng Diyos ang mga salot at winasak ang Romano. Nilabanan, hinatulan at ipinako sa krus ng mga Israelita ang Panginoong Jesus. Itinigil ng Diyos ang pagtulong sa Israel nang halos dalawang libong taon. Mula sa sinaunang panahon hanggang ngayon, hindi ba't ang lahat nang lumaban sa Diyos ay sinira ng Diyos? Madalas sinasabi na walang kabuluhan ang tao sa kalikasan. Pero hindi ba mas higit na walang halaga ang tao sa harap ng Lumikha? "Ang mabuti ay namumunga ng mabuti, ang masama ay namumunga ng masama." Isa itong katotohanan na hindi maitatanggi ng sinuman. Ang pag-iral ng batas ng Kalangitan ay ang katotohanan ng pangingibabaw ng Diyos. Kahit hindi ninyo kinikilala ang Diyos, tanggapin niyo na lang na may karma.

mula sa script ng pelikulang Katamisan sa Kahirapan
Rekomendasyon:Patotoo ng Isang Kristiyano

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

"Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" | Sipi 14

Ang bawa’t yugto ng gawain ng Banal na Espiritu ay kasabay na nangangailangan ng patotoo ng tao. Ang bawa’t yugto ng gawain ay isang p...