Kidlat ng Silanganan

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Tinubos. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Tinubos. Ipakita ang lahat ng mga post

Set 26, 2019

Ginagawa ng Diyos na Nagkakatawang-tao ang Pinakamahalagang Gawaing Pagliligtas ng Tao

Latest Tagalog Christian Song | "Ginagawa ng Diyos na Nagkakatawang-tao ang Pinakamahalagang Gawaing Pagliligtas ng Tao"

Gawain ng Diyos na nagkakatawang-tao
ang pinakadakila sa lahat.
Gawain ng Diyos na nagkakatawang-tao,
pinakamalalim sa lahat.
Sa tatlong yugto ng gawain ng Diyos,
pinakamahalaga ang dalawang ito,
ang dalawang yugtong ito,
gawain ng Diyos na nagkakatawang-tao.

Pinakamahalaga sa gawain Niya
ay ginagawa sa katawang-tao.
Pagliligtas ng Diyos sa tao
dapat magawa sa katawang-tao.
Pakiramdam man ng tao 
Diyos sa katawang-tao'y 'di kaugnay,
itong katawang-tao'y totoong hinggil
sa kapalara't buhay ng tao,
dahil pinakamahalaga ang ginagawa N'ya.

May 29, 2019

Ang Diyos ay ang Panginoon ng Buong Sangnilikha


  Ang isang yugto sa gawain ng dalawang nakaraang mga kapanahunan ay naganap sa Israel; ang isa pa ay naganap sa Judea. Sa pangkalahatan, wala sa alinmang yugto ng gawaing ito ang umalis sa Israel; ang mga iyon ay ang mga yugto ng gawain na isinakatuparan sa gitna ng mga paunang piniling tao. Kaya, sa paningin ng mga Israelita, ang Diyos na Jehova ay Diyos lamang ng mga Israelita. Dahil sa gawain ni Jesus sa Judea, at dahil sa Kanyang pagtatapos sa gawain ng pagpapapako sa krus, mula sa pananaw ng mga Judio, si Jesus ay ang Manunubos ng mga Judio. Siya ay Hari lamang ng mga Judio, hindi ng anumang iba pang mga tao; hindi Siya ang Panginoon na nagtutubos sa mga Ingles, ni ang Panginoon na nagtutubos sa mga Amerikano, kundi Siya ang Panginoon na nagtutubos sa mga Israelita, at sa Israel ang mga Judio ang Kanyang tinutubos.

May 14, 2019

1. Ipinropesiya ng Panginoong Jesus Mismo na magkakatawang-tao ang Diyos sa mga huling araw at magpapakita bilang Anak ng tao para gumawa ng gawain.


Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

Kayo rin naman ay mangagsihanda: sapagka’t sa oras na hindi ninyo iniisip, ang Anak ng tao ay darating” (Lucas 12:40).

Sapagka’t gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa kaniyang kaarawan” (Lucas 17:24-25).

Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya” (Mateo 25:6).

Narito ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo ko” (Pahayag 3:20).

Narito, ako’y pumaparitong gaya ng magnanakaw. Mapalad siyang nagpupuyat, at nagiingat ng kaniyang mga damit, na baka siya’y lumakad na hubad, at makita nila ang kaniyang kahihiyan” (Pahayag 16:15).

May 3, 2019

Ang Mga Taong Hindi Madaya ay Hindi Nangangahulugang Mga Matapat na Tao


Cheng Mingjie Lungsod ng Xi’an, Probinsiya ng Shaanxi

Itinuturing ko ang sarili ko na isang uri ng tao na mapagkaibigan at tapat kung magsalita. Nakikipag-usap ako sa mga tao sa paraan na tapat; anuman ang nais kong sabihin, sinasabi ko ito—hindi ako ang uri na nagpapaliguy-ligoy. Sa aking mga pakikipag-ugnayan sa mga tao may posibilidad akong maging medyo prangka. Madalas, nadaraya ako o kinukutya dahil sa madaling pagtitiwala sa iba.

Abr 17, 2019

Tagalog Christian Movie | "Bakit Dalawang Beses na Naging Tao ang Diyos Upang Iligtas ang Sangkatauhan?"

Tagalog Christian Movie | Ang Hiwaga ng Kabanalan: Ang Karugtong (4) - "Bakit Dalawang Beses na Naging Tao ang Diyos Upang Iligtas ang Sangkatauhan?"

Sa Kapanahunan ng Biyaya, ang Diyos na nagkatawang-tao ay ipinako sa krus, taglay sa Kanyang Sarili ang mga kasalanan ng tao at kinukumpleto ang gawain ng pagtubos sa sangkatauhan. Sa mga huling araw, minsan pang nagkatawang-tao ang Diyos para ipahayag ang katotohanan at upang lubusang dalisayin at iligtas ang tao. Kaya bakit kailangan ng Diyos na dalawang beses na magkatawang-tao upang gawin ang gawain ng pagliligtas sa tao? Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, "Ang unang pagkakatawang-tao ay upang tubusin ang tao mula sa kasalanan sa pamamagitan ng laman ni Jesus, iyon ay, iniligtas Niya ang tao mula sa krus, nguni’t ang tiwaling maka-satanas na disposisyon ng tao ay nanatili pa rin sa loob ng tao. Ang ikalawang pagkakatawang-tao ay hindi na upang magsilbing handog sa kasalanan kundi upang lubos na iligtas yaong mga taong tinubos mula sa kasalanan. Ito ay ginagawa upang ang mga pinatawad ay mapalaya mula sa kanilang mga kasalanan at magawang ganap na malinis, at magkamit ng pagbabago sa disposisyon, at sa gayon ay makakawala sa kapangyarihan ng kadiliman ni Satanas at makakabalik sa harap ng trono ng Diyos. Tanging sa paraang ito maaaring maging lubos na mapabanal ang tao. ... Ang ikalawang pagkakatawang-tao ay sapat upang alisin ang mga kasalanan ng tao at ganap na dalisayin ang tao. Samakatuwid, ang pangalawang pagkakatawang-tao ay magdadala sa pagtatapos ng lahat ng gawain ng Diyos sa laman at kukumpleto sa kabuluhan ng pagkakatawang-tao ng Diyos" (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-Tao).

Abr 13, 2019

Tagalog Christian Music | Ang Makapangyarihang Diyos ay Nakaupo sa Maluwalhating Trono

Tagalog Christian Music | Ang Makapangyarihang Diyos ay Nakaupo sa Maluwalhating Trono


Ang matagumpay na Hari 
ay nakaupo sa Kanyang maluwalhating trono.
Natapos na Niya ang pagtubos at napangunahan na 
ang lahat ng Kanyang bayan upang magpakita sa kaluwalhatian.
Tangan niya ang sansinukob sa Kanyang mga kamay 
at sa pamamagitan ng Kanyang dibinong karunungan at kapangyarihan
ay itinayo Niya at pinatatag ang Sion.
Sa Kanyang kamahalan 
hinahatulan Niya ang masamang sanlibutan; 
hinahatulan Niya ang lahat ng mga bansa 
at lahat ng mga tao, ang lupa at mga dagat 
at ang lahat ng nabubuhay na mga bagay na nasa kanila, 
gayon din sila na lasing sa alak ng kalaswaan.

Mar 20, 2019

Tagalog Christian Songs | "Kailangan ng Masamang Sangkatauhan ang Pagliligtas ng Nagkatawang-taong Diyos"



Tagalog Christian Songs| "Kailangan ng Masamang Sangkatauhan ang Pagliligtas ng Nagkatawang-taong Diyos"

I
Diyos naging tao dahil pakay ng gawain N'ya
ay 'di espiritu ni Satanas, ni anumang 'di,
'di ng laman, pero ng tao.
Pinasama ni Satanas laman ng tao't 
naging pakay ng gawain ng Diyos.
Ang lugar ng kaligtasan ng Diyos ay tao, ay tao.
Ang tao ay isang mortal, tanging laman at dugo,
Diyos lang makapagliligtas sa kanya.

Mar 15, 2019

Tagalog Christian Song | "Dumako sa Sion na may pagpupuri"

Tagalog Christian Song | "Dumako sa Sion na may pagpupuri"

I
Dumako sa Sion na may pagpupuri.
Nagpakita na ang tahanan ng Diyos.
Dumako sa Sion na may pagpupuri.
Inaawitan ng lahat banal Niyang pangalan; ito'y lumalaganap.
Makapangyarihang Diyos! 
Hari ng Sansinukob, Huling Cristo,
aming maliwanag at nagniningning na Araw, 
sumikat mula
sa pinaka-marilag na Bundok ng Sion sa sansinukob. 
Dumako sa Sion na may pagpupuri.
Kami'y nagsasaya para sa Iyo, 
umaawit at umiindak.
Ikaw nga ang aming Tagapagligtas
at ang Panginoon ng sansinukob.

"Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" | Sipi 14

Ang bawa’t yugto ng gawain ng Banal na Espiritu ay kasabay na nangangailangan ng patotoo ng tao. Ang bawa’t yugto ng gawain ay isang p...