Kidlat ng Silanganan

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Magtagumpay. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Magtagumpay. Ipakita ang lahat ng mga post

Dis 7, 2019

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos|Kabanata 29


Noong araw na ang lahat ng bagay ay muling nabuhay, Ako ay tumungo sa gitna ng tao, at nagpalipas na Ako ng magagandang araw at gabi kasama siya. Dito lamang sa puntong ito nadarama nang kaunti ng tao ang Aking pagiging-madaling-lapitan, at habang ang kanyang pakikipag-ugnayan sa Akin ay nagiging mas madalas, nakikita niya ang ilan sa kung ano ang mayroon Ako at kung ano Ako—at bilang bunga, nakakatamo siya ng kaunting pagkakakilala sa Akin. Sa gitna ng lahat ng tao, itinutunghay Ko ang Aking ulo at nagmamasid, at lahat sila ay nakakakita sa Akin. Nguni’t kapag ang sakúnâ ay sumasapit na sa mundo, agad silang nagiging balisa, at ang Aking larawan ay naglalaho sa kanilang mga puso; tinamaan ng sindak sa pagdating ng sakúnâ, hindi nila iniintindi ang Aking mga panghihikayat.

Okt 27, 2019

Tagalog Christian Songs|Kapag Umalingawngaw, Pagpupugay sa Kaharian



Tagalog Christian Songs|Kapagmalingawngaw, Pagpupugay sa Kaharian

Di tulad no'ng araw
ang Panahon ng Kaharian.
Ginagawa ng tao'y walang kinalaman.
Dahil Diyos ay bumababa,
ginagawa Niya mismo,
gawaing di kayang gawin ng tao.
Pag nagsisimula ang pagtatayo ng kaharian,
nagkatawang-taong Diyos,
ministeryo'y sinisimulan.
Naghahari Siya sa kaharian.
Nakababa na sa mundo ang kaharian.
Lahat nasa ilalim ng pag-ibig
at habag ng Diyos,
pati na sa paghatol at pagsubok Niya.
Kinaawaan ang tao't minahal Niya,
kahit no'ng naging tiwali sila.
Minsan na Niyang nakastigo sila,
kahit no'ng sila'y nagpailalim sa Kanya.
Nguni't 'di ba lahat nama'y nasa gitna mismo
ng Kanyang pagdurusa't pagpipino?

Hun 18, 2019

5. Paano Ka Dapat Manampalataya sa Diyos Upang Maligtas at Magawang Perpekto?

Salita ng Diyos,Mga Debosyonal,Pananampalataya sa Diyos,Iglesia

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Bagaman maraming tao ang naniniwala sa Diyos, kakaunti ang nakakaunawa kung ano ang kahulugan ng pananampalataya sa Diyos, at kung ano ang dapat nilang gawin upang makasunod sa puso ng Diyos. Ito ay dahil, bagaman ang mga tao ay alam na alam ang salitang “Diyos” at mga parirala tulad ng “ang gawain ng Diyos,” hindi nila kilala ang Diyos, lalong hindi nila alam ang Kanyang gawain. Hindi nakapagtataka, kung gayon, na lahat niyaong mga hindi nakakakilala sa Diyos ay nagtataglay ng isang magulong paniniwala.

May 24, 2019

Ang Paglansag sa Mahigpit na Pagkubkob ni Satanas (Unang Bahagi)


Zhao Gang

Sobrang lamig noong nakaraang Nobyembre sa Hilagang-silangang Tsina, wala sa mga niyebeng bumagsak sa lupa ang natunaw, at maraming mga tao na naglakad sa labas ang sobrang nilamig na inipit nila ang kanilang mga kamay sa kanilang mga kili-kili at maingat na naglakad, ang mga katawan ay nakayuko. Noong isang araw nang maagang-maaga, ang mga hangin ay umiihip mula sa Hilagang-kanluran, nang ako, ang aking bayaw at ang kanyang asawa at ang halos isang dosenang mga kapatid ay nakaupo sa aking tahanan sa mainit na kang (isang naiinit na laryong kama).

Abr 14, 2019

Ang mga mananagumpay na ginawa ng Diyos bago sumapit ang sakuna ang bumuo sa Kanyang 6,000-taong gawaing pamamahala. Kaya ano ang mga pangako at pagpapala ng Diyos sa mga mananagumpay na ito?

Alamin natin ang higit pa tungkol sa mga misteryo ng mga propesiya sa bibliya na magkakasama.
       Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

"Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia. Ang magtagumpay, ay siya kong pakakanin ng punong kahoy ng buhay, na nasa Paraiso ng Dios" (Pahayag 2:7).

"Ang magtagumpay ay bibigyan ko ng manang natatago, at siya’y bibigyan ko ng isang batong puti, at sa bato ay may nakasulat na isang bagong pangalan, na walang nakakaalam kundi yaong tumatanggap" (Pahayag 2:17).

"Ang magtagumpay ay daramtang gayon ng mga mapuputing damit; at hindi ko papawiin sa anomang paraan ang kaniyang pangalan sa aklat ng buhay, at ipahahayag ko ang kaniyang pangalan sa harapan ng aking Ama, at sa harapan ng kaniyang mga anghel" (Pahayag 3:5).

"Narito, ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao, at siya’y mananahan sa kanila, at sila'y magiging mga bayan niya, at ang Dios din ay sasa kanila, at magiging Dios nila" (Pahayag 21:3).


Mga Klasikong Salita Mula sa Diyos:

Mar 24, 2019

Filipino Variety Show "Paghihigpit sa mga Tao sa Nayon" | A Horrible Experience of Preaching the Gospel

    Filipino Variety Show "Paghihigpit sa mga Tao sa Nayon" | A Horrible Experience of Preaching the Gospel

Ang salitang pag-uusap na Paghihigpit sa mga Tao sa Nayon ay isinalasaysay ang nakapanlulumong kuwento tungkol kay Christian Yang Ming na tiniktikan ng mga espiya ng CCP at muntik nang maaresto habang nagbabahagi ng ebanghelyo sa kanyang tita. Ang dalawang aktor ay nagpapakita ng malinaw at nakakatawang pagtatanghal ng mga paghihirap na dinanas ng mga Kristiyano sa China na nangangaral ng ebanghelyo. Ang mga taktika ng CCP sa pag-atake at pagsupil sa mga paniniwala sa relihiyon ay masama; marami silang ginawang pandaraya at nakamatyag sila sa lahat ng dako. Lubhang pinag-iingat ngayon kahit ang maliliit na nayon, at parang mga lawin na nakamatyag ang mga espiya ng gobyerno sa mga tagalabas. Masusi silang nag-iimbestiga at lubhang limitado ang mga pagtitipon at pangangaral ng mga Kristiyano. Pero gaano man kahibang ang CCP sa pagsupil sa kanila, ikinakalat pa rin ng mga Kristiyano ang ebanghelyo ng kaharian ng Diyos sa pag-asa sa karunungan at pananampalatayang bigay sa kanila ng Diyos.

Mar 19, 2019

3. Ano ang likas na katangian ng problema ng taong hindi tumatanggap sa katotohanang ipinahayag ni Cristo? Ano ang kahihinatnan ng taong hindi itinuturing na Diyos si Cristo?

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

Ang bawa’t espiritung nagpapahayag na si Jesucristo ay naparitong nasa laman ay sa Dios: At ang bawa't espiritung hindi ipinahahayag si Jesus, ay hindi sa Dios: at ito ang sa anticristo” (1 Juan 4:2-3).

Sapagka't maraming magdaraya na nangagsilitaw sa sanglibutan, sa makatuwid ay ang mga hindi nangagpapahayag na si Jesucristo ay napariritong nasa laman. Ito ang magdaraya at ang anticristo” (Juan 2:7).


Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Peb 23, 2019

Q&A tungkol sa Ebanghelyo-| Ano ang madala sa langit bago sumapit ang kalakaligtasanmidad? Ano ang isang mananagumpay na ginawang ganap bago sumapit ang kalamidad?


Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang “pagiging nadagit” ay hindi ang makuha mula sa isang mababang lugar tungo sa isang mataas na lugar gaya ng iniisip ng mga tao. Ito ay isang malaking pagkakamali. Ang pagiging nadagit ay tumutukoy sa Aking pagtatadhana bago pa man at pagpipili. Ito ay nakatutok sa lahat ng Aking naordinahan bago pa man at pinili. Yaong mga nagkamit ng estado ng pagiging mga panganay na anak, ang estado ng Aking mga anak, o Aking bayan, ay ang lahat ng mga tao na nadagit. Ito ay napaka-hindi-tugma sa mga paniwala ng mga tao. Sinuman na may bahagi sa Aking bahay sa hinaharap ay ang lahat ng tao na nadagit sa harap Ko. Ito ay tunay na tunay, hindi-nagbabago-kaylan-man, at hindi kayang pasubalian ng kahit sino. Ito ang Aking ganting-atake laban kay Satanas. Sino mang Aking naordinahan bago pa man ay madadagit sa harap Ko.

Ene 11, 2019

Tagalog Christian Movies|Sumailalim sa Paghatol sa mga Huling Araw at Kumawala sa Bitag ni Satanas


Tagalog Christian Movies|Sumailalim sa Paghatol sa mga Huling Araw at Kumawala sa Bitag ni Satanas



Sabi sa Biblia, "Sapagka't dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios: at kung mauna sa atin, ano kaya ang wakas ng mga hindi nagsisitalima sa evangelio ng Dios?" (1 Pedro 4:17). Sa mga huling araw, ipinapahayag ng Makapangyarihang Diyos ang lahat ng katotohanang nagpapadalisay at nagliligtas sa tao at ipinapakita sa atin ang Kanyang matuwid, dakila at di-masusuway na disposisyon. Hinahatulan ng Diyos ang tao sa mga huling araw para iligtas ang tao at makaalpas sila sa impluwensya ni Satanas at tunay na makabalik sa Diyos.

Okt 12, 2018

Tagalog Christian Movie - Gumagawa ng mga Mananagumpay ang Paghatol ng Diyos sa mga Huling Araw


Clip ng Pelikulang Awit ng Tagumpay – Gumagawa ng mga Mananagumpay ang Paghatol ng Diyos sa mga Huling Araw

Tinitiis ng mga kapatid ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang matinding paghadlang at pag-uusig mula sa Komunistang Partido ng Tsina at sa relihiyosong mundo. Bakit patuloy silang tumatangging sumuko, patuloy na ipinapangaral ang ebanghelyo at nagpapatotoo para sa Diyos? Paano sila pinapangunahan ng Makapangyarihang Diyos upang sumailalim sa paghatol at mga kapighatian para matamo ang pagdalisay at maging mga mananagumpay? Panoorin ang video na ito!

 Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan

Set 14, 2018

Tagalog Christian Movie Clip-Paano Nagiging Mananagumpay ang mga Mananagumpay?

Tagalog Christian Movie | Clip ng Pelikulang Awit ng Tagumpay - "Paano Nagiging Mananagumpay ang mga Mananagumpay?"


Alam mo ba ang nasa likod ng paglikha ng 144,000 na mananagumpay na iprinopesiya sa Aklat ng Pahayag? Nauunawaan mo ba ang kahalagahan ng pagpapahintulot ng Diyos sa Komunistang Partido ng Tsina upang isagawa ang nagngangalit nitong pang-aapi, pagsugpo, at pag-uusig sa mga taong pinili ng Diyos? Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, "Sa kanila na tinutukoy ng Diyos na mga mananagumpay ay yaong nagagawa pang sumaksi, napapanatili ang kanilang pagtitiwala, at ang kanilang katapatan sa Diyos kapag nasa ilalim ng impluwensya ni Satanas at nasa ilalim ng pag-atake ni Satanas, iyon ay, kapag nasa loob ng mga puwersa ng kadiliman.

"Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" | Sipi 14

Ang bawa’t yugto ng gawain ng Banal na Espiritu ay kasabay na nangangailangan ng patotoo ng tao. Ang bawa’t yugto ng gawain ay isang p...