Kidlat ng Silanganan

菜單

Ago 18, 2018

Hinahangad ng Diyos na Mas Marami pang Tao ang Magkamit ng Kanyang Kaligtasan




I
Nais ng Diyos na maraming tao ang mag-aaral nang mabuti
kapag naharap sa salita ng Diyos at Kanyang gawain,
lumalapit sa mahalagang salita na ito
na may maka-diyos na puso.
Huwag sundan ang yapak ng mga pinarusahan.
Huwag tularan si Pablo, tamang daa'y malinaw na alam
ngunit sadyang sumuway, nawala ang handog sa kasalanan.
Tanggapin ang bago Nyang gawa,
kamtin katotohanan Nyang bigay.
Gayo'y iyong matatamo ang kaligtasan ng Diyos!



II
Hindi hangad ng Diyos na marami ang maparusahan,
sa halip ay nais Nya na mas marami ang maligtas,
upang mas maraming tao ang magsikap,
at sumunod sa Kanyang mga yapak,
upang higit pa ang makapasok sa kaharian ng Diyos!
Tanggapin ang bago Nyang gawa,
kam'tin katotohanan Nyang bigay.
Gayo'y iyong matatamo ang kaligtasan ng Diyos!





III
Matuwid ang turing ng Diyos sa lahat,
ano man ang iyong edad, gaano ka man katanda,
o ang pagdurusa mong naranasan.
Kanyang disposiyo'y di magbabago kailanman,
matuwid sa harap ng mga bagay na ito.
Wala Siyang pinapaboran,
ngunit pinahahalagahan ang taong tinatanggap
katotohanan N'ya't bagong gawa,
iwinawaksi lahat ng ibang mga bagay.
Tanggapin ang bago Nyang gawa,
kam'tin katotohanan Nyang bigay.
Gayo'y iyong matatamo ang kaligtasan ng Diyos!
Tanggapin ang bago Nyang gawa,
kam'tin katotohanan Nyang bigay.
Gayo'y iyong matatamo ang kaligtasan ng Diyos!


mula sa Kabuuran hanggang sa Mga Klasikong Halimbawa

ng Kaparusahan para sa Paglaban sa Makapangyarihang Diyos



     Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sa panahon ng mga huling araw naparito ang Diyos pangunahin na upang wikain ang Kanyang mga salita. Nagsasalita Siya mula sa perspektibo ng Espiritu, mula sa perspektibo ng tao, at mula sa perspektibo ng ikatlong panauhan; nagsasalita Siya sa iba’t-ibang paraan, gamit ang isang paraan sa isang panahon, at gumagamit ng mga paraan ng pagsasalita upang baguhin ang mga pagkaintindi ng tao at alisin ang imahe ng malabong Diyos mula sa puso ng tao. Ito ang pangunahing gawain na naisakatuparan ng Diyos. Dahil naniniwala ang tao na naparito ang Diyos upang magpagaling, magpalayas ng mga demonyo, magpamalas ng mga milagro, at upang magkaloob ng mga materyal na biyaya sa tao, isinasagawa ng Diyos ang yugtong ito ng gawain—ang gawain ng pagkastigo at paghatol—upang alisin ang mga gayong bagay mula sa mga pagkaintindi ng tao, upang malaman ng tao ang pagiging-tunay at pagiging-karaniwan ng Diyos, at upang ang imahe ni Jesus ay maaaring maalis sa kanyang puso at mapalitan ng bagong imahe ng Diyos. Sa oras na ang imahe ng Diyos sa puso ng tao ay maging luma, ito ay nagiging isang idolo. Nang dumating si Jesus at isinagawa ang yugtong iyon ng gawain, hindi Niya kinatawan ang kabuuan ng Diyos. Nagpakita Siya ng mga tanda at mga kababalaghan, nagwika ng ilang mga salita, at sa bandang huli ay napako sa krus, at kumatawan Siya sa isang bahagi ng Diyos. Hindi Siya maaaring kumatawan sa kabuuan ng Diyos, nguni’t kumatawan sa Diyos sa paggawa ng isang bahagi ng gawain ng Diyos. Iyan ay dahil ang Diyos ay labis na dakila, at lubhang kamangha-mangha, at hindi maarok, at dahil ginagawa lamang ng Diyos ang isang bahagi ng Kanyang gawain sa bawa’t panahon. Ang pangunahing gawain ng Diyos sa panahong ito ay ang pagkakaloob ng mga salita para sa buhay ng tao, ang pagbubunyag ng sangkap at kalikasan ng tao at tiwaling disposisyon ng tao, ang pag-aalis ng mga relihiyosong pagkaintindi, piyudal na pag-iisip, makalumang pag-iisip, pati na rin ang kaalaman at kultura ng tao. Dapat mailantad ang lahat ng ito at malinis sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos. Nitong mga huling araw, gumagamit ang Diyos ng mga salita, at hindi mga tanda at kababalaghan, upang gawing perpekto ang tao. Ginagamit Niya ang Kanyang mga salita para ilantad ang tao, hatulan ang tao, kastiguhin ang tao, at gawing perpekto ang tao, upang sa mga salita ng Diyos, makita ng tao ang karunungan at ang kagandahan ng Diyos, at maunawaan ang disposisyon ng Diyos, upang sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, makita ng tao ang mga gawa ng Diyos. Noong Kapanahunan ng Kautusan, pinangunahan ni Jehova si Moises palabas ng Ehipto sa pamamagitan ng Kanyang mga salita, at nagwika ng ilang mga salita sa mga Israelita; noong panahong iyon, ang ilang bahagi ng mga gawa ng Diyos ay ginawang payak, nguni’t dahil ang kakayahan ng tao ay limitado at walang anumang makakapagpakumpleto ng kanyang kaalaman, ipinagpatuloy ng Diyos ang pagwiwika at paggawa. Sa Kapanahunan ng Biyaya, nakitang muli ng tao ang bahagi ng mga gawa ng Diyos. Nakaya ni Jesus na magpakita ng mga tanda at kababalaghan, magpagaling at magpalayas ng mga demonyo, at mapako sa krus, tatlong araw matapos noon Siya ay muling nabuhay at nagpakita sa laman sa harap ng tao. Tungkol sa Diyos, wala nang iba pang nalaman ang tao bukod dito. Ang nalalaman lamang ng tao ay ang mga ipinakikita ng Diyos sa kanya, at kung ang Diyos ay wala nang ipakikita sa tao, kung gayon ay hanggang doon lamang ang hangganan ng Diyos para sa tao. Dahil dito, ang Diyos ay nagpapatuloy sa paggawa, upang ang pagkakilala ng tao sa Kanya ay maging mas malalim, at upang unti-unti niyang malaman ang sangkap ng Diyos. Gumagamit ang Diyos ng Kanyang mga salita upang gawing perpekto ang tao. Ang iyong tiwaling disposiyon ay isinisiwalat ng mga salita ng Diyos, at ang iyong mga relihiyosong pagkaintindi ay pinapalitan ng katotohanan ng Diyos. Ang Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw, una sa lahat, ay dumating dito upang isakatuparan ang mga salita na “ang Salita ay nagiging katawang-tao, ang Salita ay dumarating sa katawang-tao, at ang Salita ay nagpapakita sa katawang-tao.” at kung wala kang sapat na kaalaman tungkol dito, kung ganoon hindi mo pa rin kayang tumayo nang matatag; sa panahon ng mga huling araw, unang-unang layunin ng Diyos ang makagawa ng isang yugto ng gawain kung saan ang Salita ay nagpapakita sa katawang-tao, at ito ay isang bahagi ng plano sa pamamahala ng Diyos. Kaya naman, ang inyong pagkakilala ay dapat maging malinaw; hindi alintana ang paraan kung paano gumagawa ang Diyos, hindi pinahihintulutan ng Diyos ang tao na limitahan Siya. Kung hindi ginawa ng Diyos ang gawaing ito sa panahon ng mga huling araw, kung gayon ang pagkakilala ng tao tungkol sa Kanya ay hindi maaaring lumawak pa. Malalaman mo lamang na ang Diyos ay maaaring mapako sa krus at maaaring wasakin ang Sodoma, at si Jesus ay maaaring maibangon mula sa mga patay at magpakita kay Pedro…. Nguni’t hindi mo kailanman masasabi na matutupad ng mga salita ng Diyos ang lahat, at maaaring lupigin ang tao. Sa pamamagitan lamang ng pagdaranas sa mga salita ng Diyos na maaari kang makapagsalita tungkol sa gayong pagkakilala, at kung higit pang gawain ng Diyos ang iyong maranasan, higit ding magiging lubos ang pagkakilala mo sa Kanya. Doon mo lamang maititigil ang paglilimita sa Diyos sa iyong mga pagkaintindi. Nakikilala ng tao ang Diyos sa pamamagitan ng pagdanas ng Kanyang gawain, at walang iba pang tamang paraan upang kilalanin ang Diyos. Sa kasalukuyan, maraming tao ang walang ginagawa kung hindi maghintay lamang na makakita ng mga tanda at mga kababalaghan at ng panahon ng delubyo. Naniniwala ka ba sa Diyos, o ikaw ba ay naniniwala sa delubyo? Kung ikaw ay maghihintay hanggang sa delubyo ay magiging napakahuli na ang lahat, at kung ang Diyos ay hindi magpapadala ng delubyo, Siya ba ay hindi na Diyos? Naniniwala ka ba sa mga tanda at kababalaghan, o ikaw ba ay naniniwala sa Diyos Mismo? Hindi nagpakita si Jesus ng mga tanda at kababalaghan noong Siya ay pinagtawanan ng iba; hindi ba Siya Diyos? Naniniwala ka ba sa mga tanda at mga kababalaghan, o naniniwala ka ba sa sangkap ng Diyos? Ang mga pananaw ng tao tungkol sa paniniwala sa Diyos ay mali! Si Jehova ay nagwika ng maraming mga salita noong Kapanahunan ng Kautusan, nguni’t kahit ngayon ang ilan sa mga iyon ay hindi pa naisasakatuparan. Masasabi mo bang si Jehova ay hindi Diyos?

    Sa kasalukuyan, dapat maging malinaw sa inyong lahat na, sa mga huling araw, ito ang pangunahing katotohanan ng “ang Salita ay nagiging katawang-tao” na isinasakatuparan ng Diyos. Sa pamamagitan ng Kanyang aktwal na gawain sa daigdig, pinahihintulutan Niya ang tao upang makilala Siya, at upang makiisa sa Kanya, at upang makita ang Kanya mismong mga gawa. Pinahihintulutan Niya ang tao na makita nang malinaw na kaya Niyang magpakita ng mga tanda at kababalaghan at may mga panahon din na hindi Niya kayang gumawa ng mga ito, at ito ay nababatay sa kapanahunan. Mula rito, maaari mong makita na ang Diyos ay hindi hindi-kayang magpakita ng mga tanda at kababalaghan, bagkus ay binabago ang Kanyang paggawa ayon sa Kanyang gawain, at ayon sa kapanahunan. Sa kasalukuyang yugto ng gawain, hindi Siya nagpapakita ng mga tanda at kababalaghan; na kaya Siya ay nagpakita ng ilang mga tanda at kababalaghan sa kapanahunan ni Jesus ay dahil sa kakaiba ang gawain Niya nang panahong iyon. Hindi na ginagawa ng Diyos ang gawaing iyon ngayon, at ang ilang tao ay naniniwala na wala Siyang kakayahang magpakita ng mga tanda at kababalaghan, o di kaya naman ay iniisip nila na kung hindi Siya nagpapakita ng mga tanda at kababalaghan, ay hindi Siya Diyos. Hindi ba iyon isang kamalian? Ang Diyos ay kayang magpakita ng mga tanda at kababalaghan, nguni’t Siya ay kumikilos sa ibang kapanahunan, kaya naman hindi Siya gumagawa ng nasabing gawain. Dahil ito ay sa ibang kapanahunan, at dahil ito ay ibang yugto ng gawain ng Diyos, maging ang mga gawang ginawang payak ng Diyos ay kakaiba rin. Ang paniniwala ng tao sa Diyos ay hindi ang paniniwala sa mga tanda at kababalaghan, ni hindi ang paniniwala sa mga milagro, bagkus ang paniniwala sa Kanyang tunay na gawain sa bagong kapanahunan. Nakikilala ng tao ang Diyos sa pamamagitan ng pamamaraan nang paggawa ng Diyos, at ang pagkakilalang ito ang nagbubunga sa tao ng paniniwala sa Diyos, na ang ibig sabihin, ang pananampalataya sa gawain at mga gawa ng Diyos. Sa yugtong ito ng gawain, ang Diyos ang pangunahing nagsasalita. Huwag kang maghintay na makakita ng mga tanda at kababalaghan; hindi mo makikita ang mga ito! Dahil hindi ka ipinanganak noong Kapanahunan ng Biyaya. Kung ikaw nga ay ipinanganak noon, nakakita ka sana ng mga tanda at kababalaghan, nguni’t ikaw ay ipinanganak nitong mga huling araw, at dahil dito ay maaari mo lamang makita ang pagiging-tunay at pagiging-karaniwan ng Diyos. Huwag umasa na makita ang higit-sa-karaniwang Jesus nitong mga huling araw. Ang makikita mo lamang ay ang praktikal na Diyos na nagkatawang-tao, na hindi kaiba mula sa sinumang ordinaryong tao. Sa bawa’t kapanahunan, ginagawang malinaw ng Diyos ang mga iba’t-ibang gawa. Sa bawa’t kapanahunan, ginagawa Niyang payak ang ilang bahagi ng mga gawa ng Diyos, at ang gawain ng bawa’t kapanahunan ay kumakatawan sa isang bahagi ng disposisyon ng Diyos, at kumakatawan sa isang bahagi ng mga gawa ng Diyos. Ang mga gawang Kanyang ginagawang payak ay magkakaiba ayon sa kapanahunan kung kailan Siya ay kumikilos, nguni’t lahat ng mga iyon ay nagsasanhi sa tao ng pagkakilala sa Diyos na mas malalim, isang paniniwala sa Diyos na mas mapagkumbaba, at mas totoo. Naniniwala ang tao sa Diyos dahil sa lahat ng gawa ng Diyos, at dahil ang Diyos ay labis na kamangha-mangha, labis na dakila, dahil Siya ay Makapangyarihan-sa-lahat, at hindi maarok. Kung naniniwala ka sa Diyos dahil kaya Niyang magpakita ng mga tanda at kababalaghan at kayang magpagaling at magpalayas ng mga demonyo, kung gayon ang iyong pananaw ay mali, at ang ilang tao ay magsasabi sa iyo, “Hindi ba ang mga masasamang espiritu ay kaya ring gawin ang mga bagay na iyon?” Hindi ba ito upang mapagkamalan ang imahe ng Diyos sa imahe ni Satanas? Sa kasalukuyan, ang paniniwala ng tao sa Diyos ay dahil sa Kanyang maraming mga gawa at dahil sa maraming kaparaanan kung saan Siya ay gumagawa at nagwiwika. Ginagamit ng Diyos ang Kanyang mga pagbigkas upang lupigin ang tao at gawin siyang perpekto. Naniniwala ang tao sa Diyos dahil sa Kanyang maraming mga gawa, hindi dahil kaya Niyang magpakita ng mga tanda at mga kababalaghan, at nauunawan lamang Siya ng tao dahil nakikita nila ang Kanyang mga gawa. Sa pamamagitan lamang ng pagkakaalam ng mga aktwal na gawa ng Diyos, kung paano Siya gumagawa, ang matalinong mga pamamaraan na Kanyang ginagamit, paano Siya nagwiwika, at kung paano Niya ginagawang perpekto ang tao—sa pamamagitan lamang ng pagkakaalam ng mga aspetong ito—saka mo maaabot ang pagiging-tunay ng Diyos at maiintindihan ang Kanyang disposisyon. Kung ano ang Kanyang nais, kung ano ang Kanyang kinasusuklaman, kung paano Siya gumagawa sa tao—sa pamamagitan ng pagkaunawa sa mga nais at hindi-nais ng Diyos, maaari mong pag-ibahin kung alin ang positibo at negatibo, at sa pamamagitan ng iyong pagkakilala sa Diyos ay mayroong pag-unlad sa iyong buhay. Sa madaling salita, kailangan mong magkaroon ng pagkakilala sa gawa ng Diyos, at dapat mong ituwid ang iyong mga pananaw tungkol sa paniniwala sa Diyos."

Mula sa Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

"Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" | Sipi 14

Ang bawa’t yugto ng gawain ng Banal na Espiritu ay kasabay na nangangailangan ng patotoo ng tao. Ang bawa’t yugto ng gawain ay isang p...