¸.•*¨☆¸.•*¨☆¸.•*¨☆¸.•*¨☆¸.•*¨☆¸.•*¨☆¸.•*¨☆¸.•*¨☆¸.•*¨☆¸.•*¨☆¸.•*¨☆
I
Ngayon ang araw, kita mo ba?
'Di simpleng bagay Diyos dumating sa gitna ng tao
upang tao'y iligtas, talunin si Satanas,
kaya Diyos nagkatawang-tao.
Kung di rito, di S'ya gagawa sa Sarili N'ya.
D'yos nagkatawang-tao upang si Satanas ay labanan
at akayin ang tao,
na lama'y naging tiwali't nais iligtas ng D'yos.
D'yos muling nagkatawang-tao
upang talunin si Satanas, at tao'y iligtas.
D'yos lang makalalaban kay Satanas sa Espiritu
II
Anghel di makalalaban, walang kapangyarihan.
At taong tiwali'y walang kakayahan.
Kaya D'yos nagkatawang-tao
nang sa tao'y maging buhay,
gumawa sa kanila't sila'y iligtas,
ng likas N'yang pagkakakilanlan,
at gawaing dapat N'yang gawin.
Labana'y magpapatuloy, magpakailanman,
kung Diyos di nagkatawang-tao.
Kung sa Espiritu ng Diyos o tao lang,
walang magiging daan.
Ang Diyos ay nagkatawang-tao
upang labanan si Satanas.
Saka lamang tao'y maliligtas.
Sa gayon lang magagapi si Satanas.
Sa gayon lang plano nito'y masasaway.
Kung tao ang s'yang lalaban,
tatakas lang s'yang walang kaayusan.
Tiwaling disposisyon ng tao ay di kayang mabago.
Tao'y di maililigtas ng tao sa krus,
ni malulupig sangkatauhang suwail.
Magagawa lang ng tao ang lumang gawa,
o walang ugnayan sa pagtalo kay Satanas.
III
Tao'y dapat tumalima't sumunod.
Di nila kayang dalhin bagong kapanahunan,
ni kayang labanan si Satanas.
Talo si Satanas 'pag D'yos sa tao'y nalulugod.
Pagka't bawa't bagong labana't kapanahunan,
D'yos Mismo ang gumagawa,
pangunahan ang kapanahuna't
buksan ang bagong daan,
tao'y dinadala sa mas mabuting kinasasaklawan.
D'yos nagkatawang-tao
upang si Satanas ay labanan
at akayin ang tao,
na lama'y naging tiwali't nais ng D'yos na iligtas.
D'yos muling nagkatawang-tao
upang talunin si Satanas, at tao'y iligtas.
D'yos lang makalalaban kay Satanas sa Espiritu
o sa katawang-tao.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento