Noong araw na ang lahat ng bagay ay muling nabuhay, Ako ay tumungo sa gitna ng tao, at nagpalipas na Ako ng magagandang araw at gabi kasama siya. Dito lamang sa puntong ito nadarama nang kaunti ng tao ang Aking pagiging-madaling-lapitan, at habang ang kanyang pakikipag-ugnayan sa Akin ay nagiging mas madalas, nakikita niya ang ilan sa kung ano ang mayroon Ako at kung ano Ako—at bilang bunga, nakakatamo siya ng kaunting pagkakakilala sa Akin. Sa gitna ng lahat ng tao, itinutunghay Ko ang Aking ulo at nagmamasid, at lahat sila ay nakakakita sa Akin. Nguni’t kapag ang sakúnâ ay sumasapit na sa mundo, agad silang nagiging balisa, at ang Aking larawan ay naglalaho sa kanilang mga puso; tinamaan ng sindak sa pagdating ng sakúnâ, hindi nila iniintindi ang Aking mga panghihikayat. Maraming taon nang Ako ay dumaan sa gitna ng tao, nguni’t lagi siyang nanatiling hindi-nakakamalay, at hindi Ako kailanman nakilala. Ngayon, sinasabi Ko sa kanya mula sa Aking mismong bibig, at pinalalapit ang lahat ng tao sa harapan Ko para tumanggap ng ilang bagay mula sa Akin, nguni’t nananatili pa rin silang malayo sa Akin, at kaya naman hindi nila Ako kilala. Kapag ang Aking mga yapak ay tumatawid sa mga dulo ng sansinukob, ang tao ay magsisimulang magnilay sa kanyang sarili, at ang lahat ng tao ay lalapit sa Akin at yuyuko sa Aking harapan at Ako ay sasambahin. Ito ang magiging araw ng pagluluwalhati sa Akin, ang araw ng Aking pagbabalik, at gayundin ang araw ng Aking pag-alis. Ngayon, Ako ay nagsimula na ng Aking gawain sa gitna ng buong sangkatauhan, pormal nang nagsimula, sa buong sansinukob, sa huling bahagi ng Aking plano sa pamamahala. Magmula sa sandaling ito at sa hinaharap, ang sinuman na hindi maingat ay may pananagutang maibulid sa gitna ng walang-awang pagkastigo sa anumang sandali. Hindi dahil sa Ako ay walang puso, kundi ito ay isang hakbang ng Aking plano sa pamamahala; lahat ay dapat magpatuloy ayon sa mga hakbangin ng Aking plano, at walang sinumang tao ang makapagbabago nito. Kapag opisyal na akong nagsimula ng Aking gawain, ang lahat ng tao ay kikilos kasabay ng Aking pagkilos, nang sa gayon sinasakop ng mga tao sa buong sansinukob ang kani-kanilang sarili kasabay Ko, mayroong “pagsasaya” sa buong sansinukob, at ang tao ay napapasulong Ko. Bunga nito, Aking nalalatigo ang malaking pulang dragon mismo sa isang kalagayan ng pagdidiliryo at pagkalito, at pinagsisilbihan ang Aking gawain, at, sa kabila ng pagtanggi, ay hindi kayang sumunod sa mga sarili nitong pagnanasa, iniiwan itong walang pagpipilian kundi magpasakop sa Aking pagpigil. Sa lahat ng Aking mga plano, ang malaking pulang dragon ay ang Aking alalay, Aking kaaway, at Akin ding alipin; dahil dito, hindi Ko kailanman niluwagan ang Aking “mga kinakailangan” dito. Samakatuwid, ang huling yugto ng gawain ng Aking pagkakatawang-tao ay kinukumpleto sa sambahayan nito. Sa ganitong paraan, ang malaking pulang dragon ay mas kayang maglingkod sa Akin nang maayos, kung saan sa pamamagitan nito ay lulupigin Ko ito at kukumpletuhin ang Aking plano. Habang Ako ay gumagawa, ang lahat ng anghel ay sumasabak sa isang tiyak na digmaan kasama Ko at naninindigang tuparin ang Aking mga inaasam sa huling yugto, nang sa gayon ang mga tao sa daigdig ay sumusuko sa Aking harapan gaya ng mga anghel, at walang pagnanasang Ako ay salungatin, at walang anumang ginagawa na paghihimagsik laban sa Akin. Ang mga ito ang dinamika ng Aking gawain sa buong sansinukob.
Ang layunin at kabuluhan ng Aking pagdating sa gitna ng tao ay upang iligtas ang buong sangkatauhan, upang dalhin ang buong sangkatauhan pabalik sa Aking sambahayan, upang pag-isahing muli ang langit at ang lupa, at upang mapapaghatid ang tao ng mga “senyales” sa pagitan ng langit at lupa, dahil iyon ay ang likas na tungkulin ng tao. Sa panahong nilikha Ko ang sangkatauhan, naihanda Ko na ang lahat ng bagay para sa sangkatauhan, at kinalaunan, pinahintulutan Ko ang sangkatauhang tanggapin ang mga yaman na ibinigay Ko sa kanya ayon sa Aking mga kinakailangan. Kaya naman, sinasabi Ko na ito ay sa ilalim ng Aking patnubay na ang buong sangkatauhan ay nakarating na ngayon. At ang lahat ng ito ay Aking plano. Sa gitna ng buong sangkatauhan, hindi-mabilang na dami ng mga tao ang umiiral sa ilalim ng pangangalaga ng Aking pag-ibig, at hindi-mabilang na dami ang namumuhay sa ilalim ng pagkastigo ng Aking poot. Kahit na ang mga tao ay nananalanging lahat sa Akin, hindi pa rin nila kayang baguhin ang kanilang kasalukuyang mga kalagayan; sa sandaling sila ay nawalan na ng pag-asa, mahahayaan na lamang nila kung ano ang magiging takbo ng pangyayari at tumitigil na suwayin Ako, dahil ito lamang ang magagawa ng tao. Pagdating sa kalagayan ng buhay ng tao, hindi pa nasusumpungan ng tao ang tunay na buhay, hindi pa siya nakakalampas sa kawalan-ng-katarungan, kapanglawan, at mga nakakahapis na kalagayan ng mundo—at kaya naman, kung hindi dahil sa pagsapit ng sakúnâ, karamihan ng mga tao ay makakayakap pa rin sa Inang Kalikasan, at lulóng pa rin ang kanilang mga sarili sa paglasap ng “buhay.” Hindi nga ba ito ang realidad ng mundo? Hindi nga ba ito ang tinig ng kaligtasan na winiwika Ko sa mga tao? Bakit, sa gitna ng sangkatauhan, walang sinuman ang kailanman ay tunay na nagmamahal sa Akin? Bakit minamahal lamang Ako ng tao sa kalagitnaan ng pagkastigo at mga pagsubok, nguni’t walang sinuman ang umiibig sa Akin sa ilalim ng Aking pangangalaga? Ako ay nagpalasap na ng Aking pagkastigo sa sangkatauhan sa maraming pagkakataon. Tinitingnan nila ito, nguni’t hindi nila ito pinapansin, at hindi nila ito pinag-aaralan at pinag-iisipan sa oras na ito, at kaya nga lahat ng dumarating sa tao ay walang-awang paghatol. Ito ay isa lamang sa Aking mga paraan ng paggawa, nguni’t ito pa rin ay para baguhin ang tao at himukin siyang umibig sa Akin.
Ako ay namumuno sa kaharian, at, higit pa rito, Ako ay naghahari sa buong sansinukob; Ako ay parehong ang Hari ng kaharian at Pinuno ng sansinukob. Mula sa oras na ito hanggang sa hinaharap, titipunin Ko ang lahat niyaong mga hindi napili at magsisimula ng Aking gawain sa gitna ng mga Gentil, at ipahahayag ko ang Aking mga atas administratibo sa buong sansinukob, upang maaaring matagumpay Kong masimulan ang susunod na hakbang ng Aking gawain. Gagamitin ko ang pagkastigo upang palaganapin ang Aking gawain sa gitna ng mga Gentil, nangangahulugang, gagamit Ako ng puwersa laban sa mga Gentil. Natural lamang na ang gawaing ito ay isasakatuparan kasabay ng Aking gawain sa gitna ng mga napili. Kapag ang Aking bayan ay naghahari at gumagamit ng kapangyarihan sa daigdig ay siya ring magiging araw na ang lahat ng tao sa daigdig ay nalupig na, at higit pa rito, ito ay magiging ang panahon kung kailan ako ay namamahinga—at doon lamang Ako magpapakita sa lahat niyaong mga nalupig na. Nagpapakita Ako sa banal na kaharian, at itinatago ang Aking sarili mula sa lupain ng karumihan. Ang lahat ng nalupig na at nagiging masunurin sa Aking harapan ay kayang makita ang Aking mukha ng kanilang sariling mga mata, at kayang marinig ang Aking tinig ng kanilang sariling mga tainga. Ito ang pagpapala ng mga ipinanganak sa panahon ng mga huling araw, ito ang pagpapala na Aking paunang-itinalaga, at ito ay hindi nababago ng sinumang tao. Ngayon, gumagawa Ako sa ganitong paraan para sa kapakanan ng gawain ng kinabukasan. Ang lahat ng Aking gawain ay magkakaugnay, sa lahat ng ito ay isang panawagan at pagtugon: Hindi kailanman na ang anumang hakbang ay biglaang itinigil, at hindi kailanman na ang anumang hakbang ay naisakatuparan nang hiwalay sa anumang iba pa. Hindi nga ba ito ay ganoon? Hindi nga ba ang gawain ng nakalipas ang siyang pundasyon ng gawain ngayon? Hindi nga ba ang mga salita ng nakalipas ang siyang sinusundan ng mga salita ngayon? Hindi nga ba ang mga hakbang ng nakalipas ang siyang pinagmulan ng mga hakbang ngayon? Kapag pormal kong binuksan ang balumbon ay kung kailan ang mga tao sa buong sansinukob ay kinakastigo, kung kailan ang mga tao sa buong mundo ay isinasailalim sa mga pagsubok, at ito ang kasukdulan ng Aking gawain; lahat ng tao ay naninirahan sa isang lupaing walang liwanag, at lahat ng tao ay nananahan sa gitna ng banta ng kanilang kapaligiran. Sa madaling sabi, ito ang buhay na hindi kailanman naranasan na ng tao mula sa panahon ng paglikha hanggang sa kasalukuyan, at walang sinuman sa lahat ng kapanahunan ang kailanman ay “nasiyahan” na sa ganitong uri ng buhay, at dahil dito, sinasabi Ko na gumagawa Ako ng gawaing hindi pa kailanman nagawa na noon. Ito ang tunay na kalagayan ng mga pangyayari, at ito ay ang malalim na kahulugan. Dahil ang Aking araw ay papalapit na sa buong sangkatauhan, dahil hindi ito nagmumukhang malayo, kundi ito ay nasa mismong harap na ng paningin ng tao, sino ang hindi matatakot bilang bunga? At sino ang hindi magiging masaya rito? Ang maruming lungsod ng Babilonia sa wakas ay dumating na sa katapusan nito; ang tao ay nakatagpo na ng isang bagung-bagong mundo, at ang langit at lupa ay nabago na at napanumbalik.
Kapag nagpapakita Ako sa lahat ng bansa at lahat ng bayan, ang mga puting ulap ay umiikot sa kalangitan at binabalot Ako. Ganoon din naman, ang mga ibon sa lupa ay umaawit at sumasayaw sa galak para sa Akin, pinalilitaw ang kapaligiran sa daigdig, at sa gayon ay nagsasanhi sa lahat ng bagay sa daigdig na sumigla, para hindi na “tumining” bagkus ay mamuhay sa gitna ng kapaligirang puno ng sigla. Kapag ako ay nasa gitna ng mga ulap, madilim ang tingin ng tao sa Aking mukha at Aking mga mata, at sa sandaling ito ay nakakaramdam siya ng bahagyang takot. Noong nakalipas, nakarinig na siya ng makasaysayang mga talâ tungkol sa Akin sa mga alamat, at dahil dito, siya ay kalahati lamang ang paniniwala at kalahati rin ang pagdududa sa Akin. Hindi niya alam kung nasaan Ako, o kung gaano kalaki ang Aking mukha—ito ba ay kasing-lawak ng karagatan, o walang-hangganan gaya ng mga luntiang pastulan? Walang sinuman ang nakaaalam ng mga bagay na ito. Sa tuwing nakikita lamang ng tao ang Aking mukha sa mga ulap ngayon na nakakaramdam ang tao na ang Ako ng alamat ay tunay, at kaya naman siya ay umaayon nang bahagya tungo sa Akin, at dahil lamang ito sa Aking mga gawa kaya ang kanyang paghanga sa Akin ay nadaragdagan. Nguni’t hindi pa rin Ako kilala ng tao, at nakikita lamang ang isang bahagi ng Aking Sarili sa mga ulap. Pagkatapos noon, nag-uunat ako ng Aking mga bisig at ipinakikita ang mga iyon sa tao. Ang tao ay namamangha, at itinatakip ang kanyang mga kamay sa kanyang bibig, matinding natatakot na mapabagsak ng Aking kamay, at kaya naman nadaragdagan ng kaunting paggalang ang kanyang paghanga. Tinititigan ng tao ang bawat kilos Ko, natatakot nang matindi na siya ay Aking pababagsakin kapag hindi siya nakatingin—gayunman ang pagbabantay ng tao ay hindi nakakapigil sa Akin, at patuloy Kong ginagawa ang gawaing nasa Aking mga kamay. Dahil lamang sa lahat ng Aking mga gawa kaya may kaunting pagnanais ang tao tungo sa Akin, at dahil dito, ang tao ay unti-unting lumalapit sa harap Ko para makisama sa Akin. Kapag ang Aking kabuuan ay nabubunyag sa tao, makikita ng tao ang Aking mukha, at mula sa sandaling iyon, hindi Ko na itatago o tatakpan pa ang Aking Sarili mula sa tao. Sa buong sansinukob, magpapakita Ako nang hayagan sa lahat ng tao, at lahat ng sa laman at dugo ay makakakita sa lahat ng Aking mga gawa. Lahat ng sa espiritu ay tiyak na maninirahan nang may kapayapaan sa Aking sambahayan, at siguradong masisiyahan sa magagandang pagpapala kasama Ko. Lahat ng Aking pinagmamalasakitan ay tiyak na makakatakas sa pagkastigo, at tiyak na makakaiwas sa pasakit ng espiritu at pagdurusa ng katawang-tao. Magpapakita Ako nang hayagan sa lahat ng bayan at maghahari at gagamit ng kapangyarihan, upang ang amoy ng mga bangkay ay hindi na lumaganap pa sa sansinukob; sa halip, ang Aking sariwang samyo ang siyang lalaganap sa buong mundo, dahil ang Aking araw ay papalapit na, ang tao ay nagigising, ang lahat ng nasa daigdig ay nasa ayos, at ang mga araw ng pananatiling buháy ng daigdig ay wala na, dahil Ako ay nakarating na!
Abril 6, 1992
Rekomendasyon: karunungan ng Diyos
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento