1. Ang Aking buong plano ng pamamahala, ang anim-na-libong-taong plano ng pamamahala, ay binubuo ng tatlong yugto, o tatlong kapanahunan: ang Kapanahunan ng Kautusan sa simula; ang Kapanahunan ng Biyaya (na siya ring Kapanahunan ng Pagtubos); at ang Kapanahunan ng Kaharian sa mga huling araw. Ang Aking gawain sa tatlong kapanahunang ito ay nagkakaiba sa nilalaman ayon sa katangian ng bawat kapanahunan, ngunit sa bawat yugto angkop ang gawaing ito sa mga pangangailangan ng tao—o, para mas malinaw, ginagawa ito ayon sa mga panlilinlang na ginagamit ni Satanas sa Aking pakikidigma laban dito. Ang layunin ng Aking gawain ay upang talunin si Satanas, upang ipakita ang Aking karunungan at walang-hanggang kapangyarihan, upang ilantad ang lahat ng panlilinlang ni Satanas, at sa gayon ay mailigtas ang buong lahi ng tao, na sumasailalim sa kapangyarihan ni Satanas.
Ang Kidlat ng Silanganan, ang Makapangyarihang Diyos ay ang pangalawang pagdating ng Panginoon Jesus. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos! Tinatanggap natin ang lahat ng naghahanap ng katotohanan na pumarito at maghanap.
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na karunungan ng Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na karunungan ng Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post
Ene 5, 2020
Mar 30, 2019
Patotoo ng Isang Kristiyano|Ang Gawain ng Diyos ay Napakarunong!
Ang karunungan ng Diyos ay lumalagong mas mataas kaysa sa kalangitan at madalas nating pinupuri ang karunungan at ang pagka-makapangyarihan ng Diyos. Gayunpaman, mula sa kung anong aspeto natin malalaman ang karunungan at pagka-makapangyarihan ng Diyos sa partikular, magbasa ng higit pa kung gusto nating malaman ang higit pa.
Shiji Ma’anshan City, Anhui Province
Noong panahon na nagtatrabaho ako bilang isang pinuno sa iglesia, madalas na nagbabahagi ang aking pinuno ng mga halimbawa ng mga pagkabigo ng iba para magsilbing aral sa amin. Halimbawa: Sinasabi lamang ng ilang pinuno ang mga sulat at doktrina ngunit nabigo silang banggitin ang kanilang sariling katiwalian o pakikipag-niig kaugnay ng kanilang pag-unawa kung paano nalalapat ang katotohanan sa tunay na buhay. Bilang resulta, ang ganoong mga pinuno ay madalas na hindi epektibo sa kanilang maraming taon sa serbisyo at sila pa ang gumagawa ng masama at tumututol sa Diyos.
Peb 12, 2019
Sa Ikalawang Araw, Isinasaayos ng Awtoridad ng Diyos ang mga Katubigan, at Ginagawa ang mga Kalawakan, at Isang Puwang para sa Pinaka-pangunahing Kaligtasan ng Sangkatauhan ay Nagpapakita
Basahin natin ang ikalawang talata ng Biblia: “At sinabi ng Dios, Magkaroon ng isang kalawakan sa gitna ng tubig, at mahiwalay ang tubig sa kapuwa tubig. At ginawa ng Dios ang kalawakan, at inihiwalay ang tubig na nasa ilalim ng kalawakan mula sa tubig na nasa itaas ng kalawakan: at nagkagayon” (Gen 1:6-7). Anong mga pagbabago ang mga nangyari matapos sabihin ng Diyos “Magkaroon ng isang kalawakan sa gitna ng tubig, at mahiwalay ang tubig sa kapuwa tubig”? Sa mga Kasulatan sinasabi na: “At ginawa ng Dios ang kalawakan, at inihiwalay ang tubig na nasa ilalim ng kalawakan mula sa tubig na nasa itaas ng kalawakan.” Ano ang resulta matapos itong sabihin at gawin ng Diyos? Ang mga kasagutan ay nakahimlay sa huling bahagi ng talata: “at nagkagayon.”
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)
"Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" | Sipi 14
Ang bawa’t yugto ng gawain ng Banal na Espiritu ay kasabay na nangangailangan ng patotoo ng tao. Ang bawa’t yugto ng gawain ay isang p...
-
Tagalog Christian Songs | Ang Pamamahala ng Diyos ay Patuloy na Sumusulong I Pagkatapos ng gawain ni Jehova, naging t...
-
Awit ng Papuri Lyrics| Awit ng Pagmamahal sa Diyos nang Walang Panghihinayang I Ang daan patungo sa kaharian ay mab...
-
Ang panalangin ay hindi isang uri ng ritwal; ito ay isang tunay na pagniniig sa pagitan ng mga tao at ng Diyos, at may malalim na kabu...