Ang Kidlat ng Silanganan, ang Makapangyarihang Diyos ay ang pangalawang pagdating ng Panginoon Jesus. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos! Tinatanggap natin ang lahat ng naghahanap ng katotohanan na pumarito at maghanap.
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na disposisyon ng Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na disposisyon ng Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post
Dis 29, 2019
Nob 27, 2019
Mga Pagbigkas ni Cristo|Dapat Wasakin ng Diyos ang Sodoma
Dapat Wasakin ng Diyos ang Sodoma
Gen 18:26 At sinabi ni Jehova, Kung makasumpong Ako sa Sodoma ng limampung matuwid sa loob ng lungsod, patatawarin Ko ang buong lugar, alang-alang sa kanila.
Gen 18:29 At siya’y muling nagsalita pa sa Kanya, at sinabi, Marahil ay may masusumpungang apatnapu. At sinabi Niya, Hindi Ko gagawin.
Gen 18:30 At sinabi niya, kung sakaling may masusumpungan doong tatlumpu. At sinabi Niya, Hindi Ko gagawin.
Gen 18:31 At kanyang sinabi, kung sakaling may masusumpungan doong dalawampu. At sinabi Niya, Hindi Ko lilipulin.
Gen 18:32 At sinabi niya, kung sakaling may masusumpungan doong sammpu. at sinabi Niya, Hindi Ko lilipulin.
Ito ang ilang mga siping napili Ko mula sa Biblia. Hindi ito ang kumpleto at orihinal na mga bersyon. Kung nais ninyong makita ang mga iyon, maaari ninyo mismong tingnan sa Biblia; upang makatipid sa oras, inalis Ko ang orihinal na bahagi ng nilalaman. Pinili Ko lamang dito ang ilang pangunahing sipi at pangungusap, at iniwan ang ilang pangungusap na walang kinalaman sa ating pagbabahagi ngayon. Sa lahat ng sipi at nilalaman na ating ibinabahagi, hindi natin pagtutuunan ng pansin ang mga detalye ng mga kuwento at asal ng tao sa mga kuwento; sa halip, pag-uusapan lang natin ang mga kaisipan at ideya ng Diyos sa panahong iyon. Sa mga kaisipan at ideya ng Diyos, makikita natin ang disposisyon ng Diyos, at mula sa lahat ng ginawa ng Diyos, makikita natin ang tunay na Diyos Mismo—at makakamtan natin mula rito ang ating layunin.
Pinagtutuunan Lamang ng Pansin ng Diyos ang mga Nakakasunod sa Kanyang mga Salita at Sinusunod ang Kanyang mga Utos
May 1, 2019
Tagalog Worship Songs| Dapat Sundin ng Nilikha ng Diyos ang Kanyang Awtoridad
Tagalog Worship Songs|Dapat Sundin ng Nilikha ng Diyos ang Kanyang Awtoridad
I
Ang Diyos ay lumalamong apoy, hindi Niya titiisin ang sala.
Walang karapatan ang tao na pakialaman o pintasan
ang Kanyang gawain at mga salita,
dapat nilang sundin ito, dahil tao'y Kanyang nilikha.
Diyos ang Panginoon, Panginoon ng paglikha,
gamit ang Kanyang awtoridad na maghari sa Kanyang mga tao.
Lahat ng nilalang dapat sundin 'to,
gawin ang ipinagagawa Niya,
wag mangatwiran, 'wag lumaban.
II
Kahit kayo'y matapang, pangahas,
sumusuway sa mga salita ng Diyos,
Nagpaparaya S'ya sa pagka-rebelde mo,
Hindi Siya magagalit, patuloy na gagawa,
walang pakialam sa mga uod sa dumi.
Diyos ang Panginoon, Panginoon ng paglikha,
gamit ang Kanyang awtoridad na maghari sa Kanyang mga tao.
Lahat ng nilalang dapat sundin 'to,
gawin ang ipinagagawa Niya,
wag mangatwiran, 'wag lumaban.
III
Tinitiis ng Diyos ang lahat ng Kanyang kinasusuklaman
alang-alang sa kalooban ng Diyos
hanggang makumpleto mga pagbigkas N'ya,
hanggang sa Kanyang huling sandali.
Diyos ang Panginoon, Panginoon ng paglikha,
gamit ang Kanyang awtoridad na maghari sa Kanyang mga tao.
Lahat ng nilalang dapat sundin 'to,
gawin ang ipinagagawa Niya,
wag mangatwiran, 'wag lumaban.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Abr 1, 2019
Tagalog Worship Songs | "Ang Matuwid na Disposisyon ng Diyos ay Natatangi"
Ang Matuwid na Disposisyon ng Diyos ay Natatangi
I
Ang Diyos ay nagpapahayag ng matuwid na disposisyon
sa natatanging mga paraan at prinsipyo,
hindi nakokontrol ng mga tao, kaganapan o bagay.
At walang sinumang makapagpapabago
sa Kanyang mga ideya o kaisipan,
o makahihimok sa Kanyang sumubok ng ibang daan.
Ito ang natatanging matuwid na disposisyon ng Maylalang!
Kanyang matuwid na disposisyon!
Mar 8, 2019
Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob Ang Ikadalawampu’t-pitong Pagbigkas
Panimula
Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob Ang Ikadalawampu’t-pitong Pagbigkas
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sa mga kasiyahan at kalungkutan ng pagkakahiwalay at pagkatapos ay muling nakasama ang tao, hindi kami nakakapagpalitan ng mga saloobin. Magkabukod sa langit sa itaas at sa ibaba sa lupa, hindi namin magawa ng tao na magtagpo nang palagian. Sino ang nakakalaya mula sa galimgim? Sino ang nakakapigil sa pag-alala sa nakaraan? Sino ang hindi masasabik na umasam sa pagpapatuloy ng masayang damdamin ng nakaraan?
Mar 5, 2019
Napakahalaga na Maintindihan ang Disposisyon ng Diyos
Maraming bagay ang inaasahan Kong makamit ninyo. Ngunit, ang inyong mga kilos at lahat ng inyong pamumuhay ay hindi lubusang makasunod sa Aking mga hinihingi, kaya wala Akong pagpipilian kundi ang diretsahin kayo at ipaliwanag ang Aking kalooban. Dahil mahina ang inyong pagkilala at ang inyong pagpapahalaga ay mahina rin, talagang halos wala kayong muwang sa Aking disposisyon maging sa Aking diwa, kung kaya ito ay isang mahalagang bagay na kailangan Kong ipagbigay-alam agad sa inyo. Gaano mo man naunawaan noong una o kahit ikaw man ay handang sumubok na unawain ang mga isyung ito, dapat Ko pa ring ipaliwanag ang mga ito sa inyo nang detalyado.
Peb 15, 2019
Paano malalaman ng isang tao ang banal na diwa ni Cristo?
Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:
“Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay…” (Juan 14:6)
“…ang mga salitang aking sinasabi sa inyo’y hindi ko sinasalita sa aking sarili: kundi ang Ama na tumatahan sa akin ay gumagawa ng kaniyang mga gawa” (Juan 14:10).
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Ang pag-aralan ang ganoong bagay ay hindi mahirap, ngunit nangangailangan mula sa bawat isa sa atin na alamin ang katotohanang ito: Siya na pagkakatawang-tao ng Diyos ang magtataglay sa sustansya ng Diyos, at Siya na pagkakatawang-tao ng Diyos ang magtataglay ng pagpapahayag ng Diyos. Yamang ang Diyos ay nagiging laman, dapat Niyang ilahad ang gawaing dapat Niyang gawin, at yamang ang Diyos ay naging laman, dapat Niyang ipahayag kung ano Siya, dapat dalhin ang katotohanan sa tao, pagkalooban ng buhay ang tao, at ipakita sa tao ang daan.
Mar 20, 2018
Kidlat ng Silanganan | Salita ng Diyos | Paano Mo Dapat Asikasuhin ang Iyong Hinaharap na Misyon
Maaari mo bang ipahayag ang disposisyon ng Diyos sa kapanahunan sa akmang wika na may kabuluhan sa kapanahunan? Sa pamamagitan ng iyong karanasan sa gawain ng Diyos, maaari mo bang detalyadong ilarawan ang disposisyon ng Diyos? Paano mo mailalarawan ito nang naaagpang, naaangkop? Upang sa pamamagitan nito, maaaring matuto ang iba tungkol sa iyong mga karanasan. Paano mo ipapasa ang iyong mga nakikita at mga karanasan sa mga yaong nakakaawa, dukha, at tapat na relihiyosong mga mananampalataya na nagugutom at nauuhaw sa pagkamatuwid at naghihintay sa iyo upang akayin sila? Anong uri ng mga tao ang naghihintay sa iyo upang akayin sila? Naguguni-guni mo ba? Namamalayan mo ba ang pasanin na iyong binabalikat, ang iyong komisyon, at ang iyong pananagutan? Nasaan ang iyong makasaysayang pandama ng misyon? Paano ka magsisilbi bilang isang mabuting panginoon para sa susunod na kapanahunan? Mayroon ka bang dakilang pandama ng pagiging panginoon? Paano mo ipaliliwanag ang panginoon ng lahat ng mga bagay? Ito ba ay tunay na ang panginoon ng lahat ng nabubuhay na mga nilalang at lahat ng materyal sa mundo? Ano ang mga plano na mayroon ka para sa pagsulong ng susunod na hakbang ng gawain? Ilang mga tao ang naghihintay sa iyo upang ikaw ay maging kanilang pastol? Ang gawain mo ba ay mabigat? Sila ay dukha, kaawa-awa, bulag, at nawawala, naghuhumiyaw sa kadiliman, “Nasaan ang daan?” Lubhang nananabik sila sa liwanag, tulad ng isang bulalakaw, upang biglang bumulusok at pagwatak-watakin ang pwersa ng kadiliman na nang-api sa mga tao sa loob ng maraming mga taon. Sino ang makaaalam kung gaanong kabalisa silang umaasa, at gaanong nananabik sila araw at gabi para rito? Ang mga taong ito na labis na naghihirap ay nananatiling nakabilanggo sa mga piitan ng kadiliman, walang pag-asang makawala, kahit sa araw na kumikislap ang liwanag; kailan sila hindi na luluha? Ang mga marurupok na espiritung ito na hindi kailanman napagkalooban ng kapahingahan ay tunay na nagdurusa sa gayong masamang kapalaran. Matagal na silang natalian ng walang-awang mga lubid at ng kasaysayan na hindi na mabubuwag. Sino kahit minsan ang nakarinig sa huni ng kanilang pagtaghoy? Sino ang kahit minsan ay nakakita sa kanilang kaawa-awang itsura? Naisip mo ba kung gaano namighati at nabalisa ang puso ng Diyos? Paano Niyang matitiis na makita ang inosenteng sangkatauhan na nilikha Niya ng Kanyang sariling mga kamay na dumaranas ng gayong pagdurusa? Pagkatapos ng lahat, ang sangkatauhan ay ang mga kapus-palad na nilason. Kahit na nanatili silang buhay hanggang sa araw na ito, sino ang makaiisip na sila ay matagal nang nilason ng masamang nilalang? Nakalimutan mo bang isa ka sa mga biktima? Dala ng iyong pag-ibig sa Diyos, hindi ka ba handang magsikap upang iligtas ang mga yaong nanatiling buhay? Hindi ba kayo handang gamitin ang lahat ng inyong pagsisikap upang gantihan ang Diyos na iniibig ang sangkatauhan tulad ng Kanyang sariling laman at dugo? Paano mo bibigyang kahulugan ang pagkasangkapan ng Diyos upang isabuhay ang iyong pambihirang buhay? Talaga bang mayroon kang pagpapasya at tiwala sa sarili na isabuhay ang isang makabuluhang buhay ng isang taong madasalin at naglilingkod sa Diyos?
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)
"Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" | Sipi 14
Ang bawa’t yugto ng gawain ng Banal na Espiritu ay kasabay na nangangailangan ng patotoo ng tao. Ang bawa’t yugto ng gawain ay isang p...
-
Tagalog Christian Songs | Ang Pamamahala ng Diyos ay Patuloy na Sumusulong I Pagkatapos ng gawain ni Jehova, naging t...
-
Awit ng Papuri Lyrics| Awit ng Pagmamahal sa Diyos nang Walang Panghihinayang I Ang daan patungo sa kaharian ay mab...
-
Ang panalangin ay hindi isang uri ng ritwal; ito ay isang tunay na pagniniig sa pagitan ng mga tao at ng Diyos, at may malalim na kabu...