Kidlat ng Silanganan

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na kabanalan. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na kabanalan. Ipakita ang lahat ng mga post

Dis 7, 2019

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos|Kabanata 29


Noong araw na ang lahat ng bagay ay muling nabuhay, Ako ay tumungo sa gitna ng tao, at nagpalipas na Ako ng magagandang araw at gabi kasama siya. Dito lamang sa puntong ito nadarama nang kaunti ng tao ang Aking pagiging-madaling-lapitan, at habang ang kanyang pakikipag-ugnayan sa Akin ay nagiging mas madalas, nakikita niya ang ilan sa kung ano ang mayroon Ako at kung ano Ako—at bilang bunga, nakakatamo siya ng kaunting pagkakakilala sa Akin. Sa gitna ng lahat ng tao, itinutunghay Ko ang Aking ulo at nagmamasid, at lahat sila ay nakakakita sa Akin. Nguni’t kapag ang sakúnâ ay sumasapit na sa mundo, agad silang nagiging balisa, at ang Aking larawan ay naglalaho sa kanilang mga puso; tinamaan ng sindak sa pagdating ng sakúnâ, hindi nila iniintindi ang Aking mga panghihikayat.

Mar 5, 2019

Napakahalaga na Maintindihan ang Disposisyon ng Diyos




Maraming bagay ang inaasahan Kong makamit ninyo. Ngunit, ang inyong mga kilos at lahat ng inyong pamumuhay ay hindi lubusang makasunod sa Aking mga hinihingi, kaya wala Akong pagpipilian kundi ang diretsahin kayo at ipaliwanag ang Aking kalooban. Dahil mahina ang inyong pagkilala at ang inyong pagpapahalaga ay mahina rin, talagang halos wala kayong muwang sa Aking disposisyon maging sa Aking diwa, kung kaya ito ay isang mahalagang bagay na kailangan Kong ipagbigay-alam agad sa inyo. Gaano mo man naunawaan noong una o kahit ikaw man ay handang sumubok na unawain ang mga isyung ito, dapat Ko pa ring ipaliwanag ang mga ito sa inyo nang detalyado.

Peb 6, 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo | "Tatlong Paalaala"

Mga Pagbigkas ni Cristo,Salita ng Diyos

Bilang isang nananampalataya sa Diyos, dapat kang maging tapat sa Kanya lamang sa lahat ng mga bagay at makayang umayon sa Kanyang kalooban sa lahat ng mga bagay. Gayunman, kahit naiintindihan ng lahat ang doktrinang ito, ang mga katotohanang ito na pinaka-kitang-kita at pangunahin, sa ganang sa tao, ay hindi lubusang nakikita sa kanya, salamat sa kanyang iba’t ibang mga paghihirap, gaya ng kamangmangan, pagiging-katawa-tawa, at katiwalian. Samakatuwid, bago pagpasyahan ang inyong katapusan, kailangan munang sabihin Ko sa inyo ang ilang bagay, na sukdulang napakahalaga para sa inyo.

Okt 1, 2018

Ttagalog Dubbed Movies-Ang Landas na Patungo sa Pagdalisay at Kaligtasan


Clip ng Pelikulang Awit ng Tagumpay - Ang Landas na Patungo sa Pagdalisay at Kaligtasan


Paano dalisayin at iligtas ng gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ang tao? Paano tayo sasailalim sa paghatol at pagkastigo ng Diyos upang makamit natin ang katotohanan, ang buhay, at maging karapat-dapat sa kaligtasan at pumasok sa kaharian ng langit? Sasabihin ng video na ito sa iyo ang mga sagot, at ituturo ka patungo sa landas na papasok sa kaharian ng langit.

RekomendasyonParabula ng sampung dalaga

Ene 5, 2018

Salita ng Diyos | Ang Ikalabing-walong Pagbigkas

paggalang, Paghatol, kabanalan, Diyos, pag-ibig

Kidlat ng Silanganan | Salita ng Diyos | Ang Ikalabing-walong Pagbigkas


    Sa isang siklab ng kidlat, naibubunyag ang bawat hayop sa tunay na anyo nito. Gayundin naman, dahil sa paglilinaw ng Aking liwanag, nabawi ng sangkatauhan ang kabanalang dati minsan nilang tinaglay. O, na sa wakas ang tiwaling mundo ng nakaraan ay nabuwal tungo sa maruming tubig at, habang lumulubog pailalim, naglaho sa putikan! O, na sa wakas muling nabuhay sa liwanag ang buong sangkatauhan na Aking nilikha, nahanap ang pundasyon ng pag-iral, at tumigil sa pakikibaka sa putikan! O, ang mga hindi mabilang na nilikhang hawak Ko sa Aking mga kamay! Paanong hindi sila mapaninibago sa pamamagitan ng Aking mga salita? Paanong hindi nila magagampanan sa liwanag ang kanilang mga layunin? Hindi na payapa at tahimik ang mundo, hindi na mapanglaw at malungkot ang langit. Hindi na pinaghihiwalay ng isang puwang ang langit at lupa, nagkaisa na sila, at kailanman hindi na muling paghihiwalayin pa. Sa napakasayang pangyayaring ito, sa sandali ng pagbubunyi, ang Aking pagkamatuwid at ang Aking kabanalan ay umabot sa buong sansinukob, at walang humpay na pinupuri iyon ng buong sangkatauhan. Tumatawang may kagalakan ang mga bayan ng langit, at nagsasayawan ang mga kaharian ng lupa nang may kagalakan. Sino ang hindi nagagalak sa sandaling ito? At sino ang hindi umiiyak sa sandaling ito? Ang mundo sa una nitong kalagayan ay kabilang sa langit, at nakaugnay ang langit sa lupa. Ang tao ang nag-uugnay sa langit at lupa, at salamat sa kanyang kabanalan, salamat sa kanyang pagpapanibago, hindi na lingid sa lupa ang langit, at hindi na nananatiling tahimik ang lupa sa langit. Nababalot sa ngiti ng kasiyahan ang mga mukha ng sangkatauhan, at naitago sa kanilang mga puso ang isang tamis na walang hangganan. Hindi nakikipag-away ang tao sa kapwa tao, at hindi rin sila nakikipagdagukan sa isa’t isa. Sa Aking liwanag, mayroon bang namumuhay nang hindi matiwasay kasama ang iba? Sa Aking panahon, mayroon bang nagbibigay ng kahihiyan sa pangalan Ko? Nakatuon sa Akin ang magalang na pagtingin ng buong sangkatauhan, at lihim silang tumatawag sa Akin sa kanilang mga puso. Sinaliksik Ko ang bawat pagkilos ng sangkatauhan: Sa mga taong nalinis, walang hindi masunurin sa Akin, walang makapagbibigay ng paghatol sa Akin. Napupuspos ang lahat ng sangkatauhan sa Aking disposisyon. Nakikilala na Ako ng bawat tao, mas lumalapit sila sa Akin, at sinasamba nila Ako. Tumindig Ako sa espiritu ng tao, dinadakila Ako sa mata ng tao sa pinakamataas na tugatog, at dumadaloy ito sa dugo sa kanyang mga ugat. Pinupuno ng masayang pagbubunyi sa puso ng mga tao ang bawat lugar sa balat ng lupa, masigla at sariwa ang hangin, hindi na tinatalukbungan ng hamog ang lupa, at maningning ang sikat ng araw.

"Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" | Sipi 14

Ang bawa’t yugto ng gawain ng Banal na Espiritu ay kasabay na nangangailangan ng patotoo ng tao. Ang bawa’t yugto ng gawain ay isang p...