Dapat kayong magkaroon ng kakayahan na mabuhay nang mag-isa, nagagawang kumain at uminom ng mga salita ng Diyos sa inyong mga sarili, upang maranasan ang mga salita ng Diyos nang sarilinan, at upang mamuhay ng isang normal na buhay espirituwal nang walang pangunguna ng iba; dapat ninyong magawang umasa sa mga salita ng Diyos sa kasalukuyan upang mabuhay, makapasok sa tunay na karanasan, at tunay na pagkakita. Sa gayon pa lamang kayo makapaninindigan. Sa kasalukuyan, marami sa mga tao ang hindi ganap na nauunawaan ang hinaharap na mga kapighatian at mga pagsubok. Sa hinaharap, ang ilang mga tao ay makakaranas ng mga kapighatian, at ang ilan ay makakaranas ng kaparusahan. Ang kaparusahang ito ay magiging lalong matindi; ito ay magiging ang pagdating ng mga katotohanan. Sa kasalukuyan, ang lahat ng iyong nararanasan, ginagawa, at ipinahahayag ay inilalatag ang saligan para sa mga pagsubok sa hinaharap, at kahit papaano, dapat mong magawa na mabuhay nang mag-isa. Ngayon, ang sitwasyon tungkol sa marami sa iglesia sa pangkalahatan ay ang mga sumusunod: Kung may mga manggagawa na gagawa ng gawain ng iglesia,[a] sila ay masaya, at kung sila ay hindi, sila ay hindi masaya; at hindi nila pinagtutuunan ng pansin ang gawain sa iglesia, ni hindi sa kanilang sariling pagkain at pag-inom, at wala ni kakatiting na pasan—sila ay kagaya ng ardilya na sumisigaw sa lamig.[b] Sa tapat na pagsasalita, sa maraming mga tao ang gawain na Aking ginawa ay gawain lamang ng paglupig, sapagkat marami ang pangunahin nang hindi karapat-dapat na gawing perpekto. Isang maliit na bahagi lamang ng mga tao ang maaaring gawing perpekto. Kung, sa pagkarinig sa mga salitang ito, naniniwala ka na ang gawain na ginagawa ng Diyos ay para lamang lupigin ang mga tao, at kaya susunod ka na lamang nang walang interes, papaano magiging katanggap-tanggap ang gayong ugali? Kung ikaw ay tunay na nagtataglay ng konsiyensya, kung gayon kailangan mong magkaroon ng isang pasan, at isang pagkadama ng pananagutan. Dapat mong sabihin: Hindi ko alintana kung ako man ay lulupigin o gagawing perpekto, ngunit dapat kong taglayin nang maayos ang hakbang na ito ng patotoo. Bilang isang nilikha ng Diyos, ang isa ay maaring ganap na lupigin ng Diyos, at sa huli, nagagawa nilang mapalugod ang Diyos, tinutumbasan ang pag-ibig ng Diyos ng pag-ibig sa kanilang puso at sa ganap na paglalaan ng kanilang mga sarili sa Diyos. Ito ang pananagutan ng tao, ito ang tungkulin na dapat gampanan ng tao, at ang pasan na dapat batahin ng tao, at dapat matapos ng tao ang komisyon na ito. Sa gayon lamang sila tunay na naniniwala sa Diyos. Sa kasalukuyan, ang ginagawa mo ba sa iglesia ay ang katuparan ng iyong pananagutan? Ito ay nakasalalay sa kung ikaw ay nabibigatan, at sa sarili mong kaalaman. Sa pagdanas sa gawaing ito, kung ang tao ay nilupig at mayroong tunay na kaalaman, kung gayon may kakayahan ka sa pagsunod maging anuman ang iyong sariling mga inaasahan o kapalaran. Sa ganitong paraan, ang dakilang gawain ng Diyos ay magkakatotoo sa kabuuan nito, sapagkat ang mga taong ito ay may kakayahang hindi hihigit dito, at hindi magagawang matupad ang anumang mas mataas na mga pangangailangan. Gayunman sa hinaharap, ang ilang mga tao ay gagawing perpekto. Ang kanilang kakayahan ay mapapabuti, sa kanilang espiritu sila ay magkakaroon ng isang mas malalim na pagkaunawa, ang kanilang mga buhay ay lalago…. Ngunit ang ilan ay ganap na walang kakayahan na makamit ito, at kaya hindi maliligtas. Mayroong isang dahilan kung bakit sinasabi Kong hindi sila maliligtas. Sa hinaharap, ang ilan ay lulupigin, ang ilan ay aalisin, ang ilan ay gagawing perpekto, at ang ilan ay kakasangkapanin—at kaya ang ilan ay makakaranas ng mga kapighatian, ang ilan ay makakaranas ng kaparusahan (kapwa ng mga natural na kalamidad at mga kasawiang gawa ng tao), ang ilan ay maaalis, at ang ilan ay makaliligtas. Sa ganito, ang bawat isa ay pagbubukud-bukurin ayon sa uri, na ang bawat grupo ay kakatawan sa isang uri ng tao. Hindi lahat ng tao ay aalisin, ni ang lahat ng tao ay gagawing perpekto. Ito ay dahil ang kakayahan ng mga taong Tsino ay napakababa, at mayroon lamang maliit na bilang sa kanila ang nagtataglay ng uri ng kamalayang pansarili na mayroon si Pablo. Sa mga taong ito, kaunti ang mayroong pagpapasya na ibigin ang Diyos katulad ni Pedro, o kagaya ng uri ng pananampalataya ni Job. Halos wala sa sinuman sa kanila ang mayroong katulad na antas ng paggalang para kay Jehovah, o kaparehong antas ng katapatan sa paglilingkod kay Jehovah kagaya ng kay David. Kahabag-habag kayo!
Sa kasalukuyan, ang usapin sa pinapaging-perpekto ay isang aspeto lamang. Anuman ang mangyari, dapat mong taglayin nang maayos ang hakbang na ito ng patotoo. Kung hihilingin sa inyo na maglingkod sa Diyos sa templo, paano ninyo ito gagawin? Kung ikaw ay hindi isang saserdote, at walang katayuan ng mga panganay na anak na lalaki o mga anak na lalaki ng Diyos, makakayanan mo pa rin ba ang katapatan? Gagawin mo pa rin ba ang lahat ng iyong makakaya upang ipalaganap ang kaharian? Makakaya mo pa bang gawin ang gawain ng komisyon ng Diyos nang mahusay? Hindi alintana kung gaano man ang iniunlad ng iyong buhay, magagawa ng gawain sa kasalukuyan na papaniwalain ka nang lubos sa loob, at isantabi ang lahat ng iyong mga pagkaintindi. Taglay mo man o hindi kung ano ang kailangan upang hangarin ang buhay, sa pangkalahatan, magagawa ng gawain ng Diyos na papaniwalain ka nang lubos. Sinasabi ng ilang mga tao: Ako ay naniniwala sa Diyos, ngunit hindi nauunawaan ang kahulugan ng paghahangad sa buhay. At sinasabi ng ilan: Litung-lito ako sa aking paniniwala sa Diyos. Nalalaman ko na hindi ako maaaring gawing perpekto, at kaya ako ay nakahandang makastigo. Kahit na ang mga taong kagaya nito, na handang makastigo o mawasak, dapat ding magawang kilalanin na ang gawain sa kasalukuyan ay ipinapatupad ng Diyos. Sinasabi rin ng ilang mga tao: Hindi ko hinihiling na gawing perpekto, ngunit, sa kasalukuyan, nakahanda akong tanggapin ang lahat ng pagsasanay ng Diyos, at ako ay nakahandang isabuhay ang normal na pagkatao, paunlarin ang aking kakayahan, at sundin ang lahat ng mga pagsasaayos ng Diyos…. Sa ganito, sila din ay nilupig at nagpatotoo, na pinatutunayan lamang na mayroong ilang kaalaman sa gitna ng mga taong ito. Ang yugto ng gawaing ito ay ipinatupad nang napakabilis, at sa hinaharap, ito ay ipapatupad nang lalong mas mabilis sa ibang bansa. Sa kasalukuyan, ang mga tao sa ibang bansa ay hindi na makapaghintay, silang lahat ay nagmamadali papuntang Tsina—at kaya kung hindi kayo maaaring gawing ganap, paghihintayin ninyo ang mga tao sa ibang bansa. Sa sandaling iyon, hindi alintana kung paano kayo, kapag dumating ang panahon ang Aking gawain ay magwawakas at makukumpleto! Hindi Ko alintana ang tungkol sa kung gaano kayo kahusay na nakapasok o kung ano kayo; ang lahat ng Aking gawain ay hindi ninyo mapipigilan. Ginagawa Ko ang gawain ng buong sangkatauhan, at hindi kailangan para sa Akin na gumugol pa ng anumang panahon sa inyo! Masyado kayong walang pagpapasya, masyadong kulang sa kamalayang pansarili! Hindi kayo karapat-dapat gawing perpekto—wala kayo ni bahagyang kinabukasan! Sa hinaharap, kahit na ang mga tao ay magpapatuloy sa pagiging masyadong pabaya at burara, at mananatiling walang kakayahan na pagbutihin ang kanilang kagalingan, hindi nito mahahadlangan ang gawain sa buong sansinukob. Kapag dumating ang panahon para ang gawain ng Diyos ay matapos, matatapos ito, at kapag dumating ang panahon para ang mga tao ay alisin, sila ay aalisin. Mangyari pa, yaong dapat gawing perpekto, at mga karapat-dapat na gawing perpekto, ay gagawin ding perpekto—ngunit kung wala talaga kayong pag-asa, kung gayon ang gawain ng Diyos ay hindi maghihintay sa inyo! Sa huli, kung ikaw ay nalupig, ito ay maaari ring ituring na pagpapatotoo; mayroong mga hangganan sa kung ano ang hinihingi ng Diyos sa inyo. Gaano man kataas ang tayog na magawang makamit ng tao, ang gayon ang dapat maging taas ng kanilang patotoo. Hindi ito kagaya ng iniisip ng tao na nararating ng gayong patotoo ang pinakamataas na mga hangganan at ito ay aalingawngaw—walang pag-asa na ito ay maaaring matamo sa inyo mga taong Tsino. Nakikipag-ugnayan Ako sa inyo sa lahat ng panahong ito, at kayo mismo ay nakikita ito. Sinabihan Ko kayo na huwag lumaban, huwag maging mapanghimagsik, huwag gumawa ng mga kahiya-hiyang bagay sa Aking likuran. Sinabi Ko ang mga salitang ito sa inyong mukha nang maraming beses, ngunit maging iyon ay hindi sapat—sa sandaling tumalikod Ako sila ay nagbabago, at ang ilan ay lihim na kinakalaban Ako, nang walang anumang pagsisisi. Iniisip mo ba na wala Akong alam ukol dito? Iniisip mo ba na maaari kang makagawa ng kaguluhan para sa Akin at walang idudulot ito? Iniisip mo ba na hindi Ko nalalaman kapag tinatangka mong sirain ang Aking gawain sa Aking likuran? Iniisip mo ba na ang iyong maliliit na panlalansi ay maaaring tumayo para sa iyong ugali? Ikaw ay palaging parang masunurin ngunit lihim na taksil, nagtatago ka ng masasamang saloobin sa iyong puso, at maging ang kamatayan ay hindi kaparusahang sapat para sa mga taong kagaya mo. Iniisip mo ba na ang ilang maliit na gawain ng Banal na Espiritu sa iyo ay maaaring ipalit sa iyong paggalang para sa Akin? Iniisip mo ba na nagtamo ka ng pagliliwanag sa pamamagitan nang pagtawag ng malakas sa Langit? Wala kang nalalamang kahihiyan! Masyado kang walang kabuluhan! Iniisip mo ba na ang iyong “magagandang gawa” ay nakaantig sa Langit, na gumawa ito ng isang pagtatangi at pinagkalooban ka ng mga likas na kaloob na ginawa kang mahusay sa pagsasalita, pinahihintulutan ka na linlangin ang iba, at linlangin Ako? Ikaw ay masyadong kulang sa pagkamaykatwiran! Nalalaman mo ba kung saan nanggagaling ang iyong pagliliwanag? Hindi mo ba nalalaman kung kaninong pagkain ang iyong kinain habang lumalaki? Masyado kang imoral! Ang ilan sa inyo ay ni hindi nagbago kahit pagkatapos ng apat o limang taong pakikitungo; malinaw sa inyo ang ukol sa mga bagay na ito, dapat kayong maging malinaw tungkol sa inyong kalikasan—at kaya huwag tututol kung, isang araw, kayo ay pinabayaan. Ang ilan, na lumilinlang sa kapwa mga nasa itaas o sa ibaba nila sa kanilang paglilingkod, ay isinailalim sa maraming pakikitungo; ang ilan, sapagkat sila ay gahaman sa salapi, ay isinailalim sa maraming pakikitungo; ang ilan, sapagkat hindi nila pinananatili ang malinaw na mga hangganan sa pagitan ng mga lalaki at mga babae, ay sumailalim sa maraming pakikitungo; ang ilan, sapagkat sila ay tamad, ang nalalaman lamang nila ay ang laman, at hindi nagsasagawa ng katuwiran kapag sila ay dumarating sa iglesia, ay sumailalim sa maraming pakikitungo; ang ilan, sapagkat nabibigo silang magpatotoo saan man sila magpunta, at sinasadya nilang magkasala at gumawa ng masama, maraming beses nang pinaalalahanan; ang ilan ay nagsasabi ng mga salita at mga doktrina kapag sila ay dumarating sa iglesia, sila ay kumikilos nang nakahihigit sa kaninuman, at walang taglay ni katiting na katotohanan, habang ang mga kapatid ay nagtatangka ng masama sa isa’t-isa, nagpapaligsahan sa isa’t-isa—sila ay madalas na nalalantad dahil dito. Sinabi Ko na ang mga salitang ito sa inyo nang maraming beses, at sa kasalukuyan, hindi na Ako magsasalita ulit ukol dito—gawin ang maibigan ninyo! Gumawa kayo ng inyong sariling mga pagpapasiya! Maraming tao ang sumailalim sa ganitong pakikitungo hindi lamang sa loob ng isa o dalawang taon, para sa ilan ito ay tatlo o apat na taon, at ang ilan ay naranasan ito sa loob ng isang dekada, sumasailalim na sa pakikitungo nang sila ay naging mga mananampalataya, ngunit hanggang sa kasalukuyan nagkaroon lamang ng kaunting pagbabago sa kanila. Ano ang masasabi mo, hindi ba kayo kagaya ng mga baboy? Ito ba ay pagiging hindi makatarungan sa iyo? Huwag ninyong iisipin na ang gawain ng Diyos ay hindi matatapos kung kayo ay walang kakayahang makarating sa isang tiyak na antas. Maghihintay pa rin ba ang Diyos sa inyo kung wala kayong kakayahang tuparin ang Kanyang mga kinakailangan? Malinaw Kong sasabihin sa iyo—hindi ito ganoon! Huwag magkaroon ng gayon kagandang pananaw sa mga bagay! Mayroong isang takdang panahon sa gawain sa kasalukuyan, ang Diyos ay hindi nakikipaglaro lamang sa iyo! Noong una, pagdating sa pagdanas sa pagsubok ng mga taga-serbisyo, iniisip ng mga tao na kung sila ay maninindigan sa kanilang patotoo sa Diyos, kailangan silang lupigin sa isang takdang panahon—kailangan nilang maging taga-serbisyo nang kusa at nang masaya, at kailangang magpuri sa Diyos araw-araw, at huwag maging kahit na bahagyang pabaya o walang ingat. Iniisip nilang sa gayon lamang sila magiging isang tunay na isang taga-serbisyo, ngunit totoo nga ba? Sa panahong iyon, mayroong lahat ng uri ng pagpapahayag sa mga tao. Ang ilan ay tumakas, ang ilan ay kinalaban ang Diyos, nilustay ng ilan ang salapi ng iglesia, at ang mga kapatid ay nagbalak ng masama laban sa isa’t-isa, sinusumpa at sinisiraang-puri ang isa’t-isa. Ito ay isa talagang dakilang paglaya, ngunit mayroong isang bagay na maganda tungkol dito: walang sinuman ang umatras. Ito ang pinakamabuting bagay na masasabi tungkol dito. Sila ay nagpatotoo sa harap ni Satanas dahil dito, at kalaunan ay nakamit ang pagkakilanlan ng mga tao ng Diyos at napanatili nila ito hanggang sa kasalukuyan. Ang gawain ng Diyos ay hindi ipinapatupad gaya ng iyong iniisip. Kapag oras na, ang gawain ay magwawakas, maging anuman ang iyong kalagayan. Maaaring sabihin ng ilang mga tao: sa pagkilos katulad nito hindi Mo inililigtas ang mga tao, o iniibig sila—Hindi Ikaw ang matuwid na Diyos. Malinaw Kong sinasabi sa iyo: Ang puso ng Aking gawain sa kasalukuyan ay paglupig sa iyo at uudyukan kang magpatotoo. Ang pagliligtas sa iyo ay isa lamang karagdagan; kung maliligtas ka o hindi ay nakasalalay sa iyong sariling paghahangad, at wala itong kinalaman sa Akin. Ngunit dapat kitang lupigin; huwag mo palaging subukan na mamuno sa Akin sa paligid sa pamamagitan ng ilong —sa kasalukuyan ay tinatrabaho kita, hindi ang kabaligtaran!
Sa kasalukuyan, ang inyong naunawaan ay mas mataas kaysa sa sinumang tao sa kabuuan ng kasaysayan na hindi ginawang perpekto. Maging ito man ay ang inyong kaalaman sa mga pagsubok o ang paniniwala sa Diyos, kapwa mas mataas ang mga ito kaysa doon sa sinumang mananampalataya sa Diyos. Ang mga bagay na inyong naunawaan ang siyang inyong malalaman bago kayo sumailalim sa mga pagsubok ng mga kapaligiran, ngunit ang inyong tunay na tayog ay ganap na hindi naayon sa kanila. Ang inyong nalalaman ay mas mataas kaysa sa inyong pagsasagawa. Bagamat sinasabi ninyo na ang mga taong naniniwala sa Diyos ay dapat umibig sa Diyos, at dapat magsikap hindi para sa mga pagpapala kundi para lamang mapalugod ang kalooban ng Diyos, ang ipinahayag sa inyong mga buhay ay masyadong malayo mula rito, at nadudungisan nang husto. Ang karamihan sa mga tao ay naniniwala sa Diyos para sa kapakanan ng kapayapaan at iba pang mga kapakinabangan. Kapag hindi ito sa iyong kapakinabangan, hindi ka naniniwala sa Diyos, at kung hindi ka nakakatanggap ng mga biyaya ng Diyos, nahuhulog ka sa pagmamaktol. Paano naging ito ang iyong tunay na tayog? Pagdating sa hindi maiiwasang mga pangyayari sa sambahayan (ang mga anak ay nagkakasakit, ang mga asawang lalaki ay napupunta sa mga pagamutan, mahinang ani, pag-uusig sa mga miyembro ng sambahayan, at iba pa), ni hindi ka makatawid sa mga bagay na ito na nangyayari nang madalas sa pang-araw-araw na buhay. Kapag nangyari ang gayong mga bagay, ikaw ay natataranta, hindi mo alam kung ano ang gagawin—at kadalasan, nagrereklamo ka tungkol sa Diyos. Inirereklamo mo na nilinlang ka ng mga salita ng Diyos, na ginugulo ka ng gawain ng Diyos. Wala ba kayong gayong mga saloobin? Iniisip mo ba na ang gayong mga bagay ay nangyayari sa iyo nang madalang lamang? Ginugugol ninyo ang bawat araw sa gitna ng gayong mga pangyayari. Hindi kayo nagbibigay ni katiting na isipan sa tagumpay ng inyong pananampalataya sa Diyos, at kung paano mapalugod ang kalooban ng Diyos. Ang inyong tunay na tayog ay napakaliit, mas maliit pa kaysa doon sa maliit na sisiw. Kapag ang negosyo ng inyong asawang lalaki ay nawawalan ng pera kayo ay nagrereklamo tungkol sa Diyos, kapag natagpuan ninyo ang inyong sarili sa isang kapaligiran na walang pag-iingat ng Diyos nagrereklamo pa rin kayo tungkol sa Diyos, nagrereklamo pa rin kayo kung ang isa sa inyong mga sisiw ay namatay o ang isang matandang baka sa kulungan ay nagkasakit, nagrereklamo kayo kapag oras na para sa inyong anak na lalaki ay magpapamilya na ngunit ang inyong pamilya ay walang sapat na salapi, at kapag ang mga manggagawa ng iglesia ay kumain sa iyong tahanan ng ilang beses ngunit hindi ka binabayaran ng iglesia o walang sinuman ang nagpapadala sa iyo ng anumang mga gulay, nagrereklamo ka rin. Ang iyong tiyan ay punung-puno ng mga reklamo, at may mga pagkakataon na hindi ka dumadalo sa mga pagtitipon o kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos dahil dito, at malamang na ikaw ay magiging negatibo sa napakahabang panahon. Walang anuman na nangyari sa iyo sa kasalukuyan ang may kinalaman sa iyong mga inaasahan o kapalaran; ang mga bagay na ito ay mangyayari din kung hindi ka naniwala sa Diyos, ngunit sa kasalukuyan ipinapasa mo ang iyong pananagutan para sa kanila sa Diyos, at pilit na sinasabing inalis ka ng Diyos. Alin sa paniniwala mo sa Diyos, ang talagang inihandog mo ang iyong buhay? Kung dinanas ninyo ang kaparehong mga pagsubok kagaya ng kay Job, wala ni isa man sa inyong sumusunod sa Diyos sa kasalukuyan ang makapaninindigan, lahat kayo ay babagsak. At mayroon, sa simpleng pananalita, isang malaking pagkakaiba sa pagitan ninyo at ni Pedro. Sa kasalukuyan, kung kalahati sa inyong mga ari-arian ang sinamsam mangangahas kayong ikaila ang pag-iral ng Diyos; kung ang inyong anak na lalaki o anak na babae ay kinuha mula sa inyo, magtatatakbo kayo sa mga lansangan na sumisigaw ng napakasama; kung ang iyong buhay ay dumating sa isang patay na dulo, susubukan mo at makikipagtuos sa “Diyos,” magtatanong kung bakit Ako nagsabi ng napakaraming mga salita sa simula upang takutin ka. Walang bagay na hindi ninyo pangangahasang gawin sa gayong mga pagkakataon. Ipinakikita nito na hindi kayo tunay na nakakakita, at walang totoong tayog. Kaya, ang mga pagsubok sa loob ninyo ay napakatindi, sapagkat napakarami ng inyong nauunawaan, ngunit ang inyong tunay na nalalaman ay ni hindi isa sa isanlibo ng kung ano ang inyong nababatid. Huwag tumigil sa pagkaunawa at kaalaman lamang; pinakamainam ninyong makikita kung gaano karami ang totoo ninyong maisasagawa, kung gaano karaming pawis sa inyong sariling pagsisikap ang naging pagliliwanag at pagpapalinaw ng Banal na Espiritu, at ilan sa inyong mga pagsasagawa napagtanto ninyo ang inyong sariling kapasyahan. Dapat mong seryosohin ang iyong tayog at pagsasagawa. Sa iyong paniniwala sa Diyos, hindi ka dapat nagtatangkang magpatianod na lamang para kaninuman—kung makapagkakamit ka o hindi ay nakasalalay sa iyong sariling paghahangad.
Mula sa Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)
Mga Talababa:
a.Nilalaktawan ng orihinal na teksto ang “ng iglesia.”
b. “Ang ardilya na sumisigaw sa lamig” ay tumutukoy sa isang pabulang Tsino kung
saan pinili ng isang ardilya na matulog sa halip na gumawa ng isang pugad habang ang panahon ay mainit—sa kabila ng mga paulit-ulit na mga babala mula sa kanyang kapitbahay, na isang magpie. Nang ang taglamig ay dumating, ang ardilya ay nanigas sa lamig hanggang mamatay.
Ang pinagmulan:Pagsasagawa (3)
Rekomendasyon:
Pagkaunawa sa Kidlat ng Silanganan
Alamin pa ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Ang Pinagmulan at Pagsulong ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento