Sa kasalukuyan, maraming mga tao ang ni hindi taglay ang pagkamaykatwiran o ang pansariling kamalayan ni Pablo, na, bagamat siya ay pinabagsak ng Panginoong Jesus, tinaglay na ang paninindigan na gumawa at magdusa para sa Kanya. Binigyan siya ng karamdaman ni Jesus, at kalaunan, patuloy na tiniis ni Pablo ang karamdamang ito sa sandaling nagsimula siyang gumawa. Bakit niya sinabi na mayroon siyang tinik sa laman? Ang tinik, sa totoo lang, ay karamdaman, at para kay Pablo, ito ay isang nakamamatay na kahinaan. Gaano man siya kahusay gumawa o gaano man katindi ang kanyang paninindigang magtiis, palagi niyang tinaglay ang karamdamang ito. Si Pablo ay mayroong mas matatag na kakayahan kaysa sa inyong mga tao sa kasalukuyan; hindi lamang na siya ay mayroong mahusay na kakayahan, ngunit tinaglay din niya ang kamalayang pansarili at tinaglay niya ang higit na pagkamaykatwiran kaysa sa inyo. Sa kasalukuyan, huwag nang isipin kailanman ang pagtatamo sa pagkamaykatwiran ni Pedro—maraming mga tao ang ni hindi magagawang matamo ang pagkamaykatwiran ni Pablo. Matapos na si Pablo ay pabagsakin ni Jesus, siya ay tumigil sa pag-uusig sa mga disipulo, at nagsimulang mangaral at magdusa para kay Jesus. At ano ang gumabay sa kanyang pagdurusa? Pinaniniwalaan ni Pablo na, yamang nakita niya ang dakilang liwanag, kailangan niyang magpatotoo sa Panginoong Jesus, dapat hindi na usigin pa ang mga disipulo ng Panginoong Jesus, at hindi na dapat salungatin pa ang gawain ng Diyos. Pagkatapos niyang makita ang dakilang liwanag, sinimulan niyang magdusa para sa Diyos, at ialay ang sarili niya sa Diyos, at kanyang itinakda ang kanyang paninindigan. Pagkatapos na ang “dakilang liwanag” ay lumiwanag sa kanya, nagsimula siyang gumawa para sa Diyos, at nagawa niyang itakda ang kanyang paninindigan, na nagpapatunay na taglay niya ang pagkamaykatwiran. Sa relihiyon, si Pablo ay isang mataas-na-ranggong tao. Siya ay totoong maalam at likas na matalino, mababa ang tingin niya sa karamihan ng mga tao, at taglay ang isang higit na mas malakas na pagkatao kaysa sa karamihan. Ngunit pagkatapos na ang “dakilang liwanag” ay lumiwanag sa kanya, sinabi niya na dapat siyang gumawa para sa Panginoong Jesus—at ito ang kanyang pagkamaykatwiran. Nang inusig niya ang mga disipulo, si Jesus ay nagpakita sa kanya at sinabing: “Pablo, bakit mo ako inuusig?” Kaagad natumba si Pablo at sinabing: “Sino Ka?” Isang tinig mula sa langit ang nagsabing: “Ako ang Panginoong Jesus, na iyong inuusig.” Sa isang iglap, nagising si Pablo, kanyang naunawaan, at sa gayon lamang niya nalaman na si Jesus ay si Cristo, na Siya ay Diyos. Dapat akong sumunod, ibinigay sa akin ng Diyos ang biyayang ito, at inusig ko Siya sa halip, gayunman hindi Niya ako pinabagsak, ni hindi Niya ako sinumpa—dapat akong magdusa para sa Kanya. Kinilala ni Pablo na inusig niya ang Panginoong Jesuscristo at sa kasalukuyan ay pinapatay ang Kanyang mga disipulo, na hindi siya sinumpa ng Diyos, ngunit pinagliwanag ang ilaw sa kanya; ito ang gumabay sa kanya, at kanyang sinabi: “Bagamat hindi ako tumingin sa Kanyang mukha, narinig ko ang Kanyang tinig at nakita ang Kanyang dakilang liwanag. Ngayon ko pa lamang tunay na nakikita na iniibig talaga ako ng Diyos, at na ang Panginoong Jesus ay talagang ang Diyos na mayroong habag sa tao at pinatatawad Niya ang mga pagkakasala ng tao magpakailanman. Tunay kong nakikita na ako ay isang makasalanan.” Bagamat, pagkatapos, ginamit ng Diyos ang mga kaloob ni Pablo upang gumawa, kalimutan ito sumandali. Ang kanyang paninindigan sa panahong iyon, ang kanyang normal na pantaong pagkamaykatwiran, at ang kanyang pansariling kamalayan—wala kayong kakayahan na matamo ang mga bagay na ito. Sa kasalukuyan, hindi ba kayo nakakatanggap ng gaanong liwanag? Hindi ba nakikita ng maraming mga tao na ang disposisyon ng Diyos ay isa na kamahalan, poot, paghatol, at pagkastigo? Madalas mayroong mga sumpa, mga pagsubok, at pagpipino ang sumasapit sa mga tao—at ano ang kanilang natutunan? Nakapagkamit ba kayo ng anuman mula sa inyong displina at pakikitungo? Ang malabis na mga pananalita, paghampas, at paghatol ay sumapit sa inyo sa maraming mga pagkakataon, ngunit hindi ninyo pinag-ukulan ng pansin ang mga ito. Ni hindi ninyo taglay ang kaunting pagkamaykatwiran na taglay ni Pablo—hindi ba kayo masyadong paurong? Napakarami ang hindi nakita nang malinaw ni Pablo. Nalaman lamang niya na ang liwanag ay nagliwanag sa kanya, at hindi namalayang siya ay pinabagsak. Sa kanyang personal na paniniwala, pagkatapos na ang ilaw ay magliwanag sa kanya, dapat niyang gugulin ang sarili niya para sa Diyos, magdusa para sa Diyos, gawin ang lahat upang ihanda ang daan para sa Panginoong Jesucristo, at magtamo ng mas maraming makasalanan upang iligtas ng Panginoon. Ito ang kanyang paninindigan, at ang tanging layunin ng kanyang gawain—ngunit kapag siya ay gumawa, hindi pa rin siya iniwan ng karamdaman, hanggang sa kanyang kamatayan. Si Pablo ay gumawa nang mahigit sa dalawampung taon. Siya ay nagdusa nang husto, at nagdanas ng maraming mga pag-uusig at mga kapighatian, bagamat, mangyari pa, ang kanyang mga pagsubok ay higit na kaunti kaysa doon kay Pedro. Gaano pa ito kahabag-habag kung hindi pa ninyo taglay ang pagkamaykatwiran ni Pablo? Sa ganito, paano makapagsisimula ang Diyos sa mas higit na gawain sa inyo?
Nang ipinalalaganap niya ang ebanghelyo, si Pablo ay dumanas ng malaking pagdurusa. Ang kanyang paninindigan, ang gawain na kanyang ginawa, ang kanyang pananampalataya, katapatan, pag-ibig, tiyaga, at kababaang loob sa panahong iyon, at ang maraming iba pang mga panlabas na mga disposisyong kanyang isinabuhay, ay higit na mataas kaysa sa inyong mga tao sa kasalukuyan. Upang sabihin ito nang mas mahigpit, walang normal na pagkamaykatwiran sa inyo! Ni wala kayong taglay na konsiyensya o pagkatao—masyado kayong kulang! Kaya naman, kadalasan, sa inyong isinasabuhay walang matatagpuang normal na pagkamaykatwiran, at walang tanda ng anumang pansariling kamalayan. Bagamat ang katawan ni Pablo ay dumanas ng karamdaman, nanatili siya sa pananalangin at paghahangad: Ano ang karamdamang ito—ginawa ko ang lahat ng gawaing ito para sa Panginoon, bakit hindi nito ako nililisan? Maaari ba na ako ay sinusubok ng Panginoong Jesus? Pinababagsak ba Niya ako? Kung pinabagsak Niya ako, maaaring ako ay namatay sa panahong iyon, at hindi nakayang gawin ang lahat ng gawaing ito para sa Kanya, ni makakatanggap ako ng napakaraming liwanag. Napagtanto din Niya ang aking paninindigan. Palaging nadadama ni Pablo na ang karamdamang ito ay pagsubok sa kanya ng Diyos, na ito ay pagpapanday sa kanyang pananampalataya at determinasyon—ito ang kanyang inisip. Sa katotohanan, ang kanyang karamdaman ay karugtong mula nang ibinagsak siya ng Panginoong Jesus. Inilagay nito siya sa ilalim ng pangkaisipang panggigipit, at inalis ang marami sa kanyang mapanghimagsik na disposisyon. Kung masusumpungan ninyo ang inyong mga sarili sa mga kalagayan ni Pablo, ano ang inyong gagawin? Maaari kayang ang inyong paninindigan ay mas matindi kaysa kay Pablo? Mas may kakayahan ba kayo sa pagdurusa kaysa sa kanya? Kung ang mga tao sa kasalukuyan ay napapahirapan ng ilang magaan na karamdaman o sumailalim sa isang matinding pagsubok, ang kanilang pagdurusa ay mag-iiwan sa kanila nang lubos na kalituhan. Kung kayo ay ikinulong sa isang hawla at hindi kailanman pinalabas kayo ay magiging OK, ang lahat ng iyong kakailanganin para kumain at uminom ay tutustusan. Kung hindi, kayo ay magiging kagaya ng mga lobo. Ang pagdurusa ng kaunting paghihigpit o kahirapan ay mabuti sa inyo; kung kayo ay binigyan ng kaluwagan ukol dito kayo ay mawawalan ng bisa, at paano kayo mapoprotektahan? Sa kasalukuyan, sapagkat kayo ay kinastigo, sinumpa, at hinatulan kaya kayo ay binigyan ng proteksyon. Sapagkat kayo ay nagdusa nang husto kaya kayo ay protektado. Kung hindi, matagal na sanang nahulog ang tao sa kabulukan. Sinadya Kong huwag gawing mahirap para sa inyo ang mga bagay—ang kalikasan ng tao ay matatag na nakaukit, at ito ay kailangang maging ganito para magbago ang mga disposisyon ng mga tao. Sa kasalukuyan, ni hindi ninyo taglay ang pagkamaykatwiran o pansariling kamalayan ni Pablo, ni hindi ninyo taglay ang kanyang konsiyensya. Palagi kayong kailangang pilitin, at kailangan kayong palaging kastiguhin at hatulan upang gisingin ang inyong mga espiritu. Ang pagkastigo at paghatol ay kung ano ang pinakamahusay para sa inyong mga buhay. At kapag kinakailangan, dapat ding magkaroon ng pagkastigo sa pagdating ng mga katotohanan; sa gayon lamang kayo lubos na pasasakop. Ang inyong mga kalikasan ay ganoon na kapag walang pagkastigo at sumpa, kayo ay hindi nahahandang iyuko ang inyong mga ulo, hindi nahahandang pasakop. Kung wala ang mga katotohanan sa harapan ninyo, walang magiging epekto. Masyado kayong mababa at walang kabuluhan sa pag-uugali! Kung wala ang pagkastigo at paghatol, magiging mahirap para sa inyo na malupig, at mahirap para sa inyong pagiging di-matuwid at pagiging masawayin na masupil. Ang inyong dating kalikasan ay napakalalim na nakaugat. Kung kayo ay ilalagay sa luklukan, wala kayong ideya sa taas ng kalangitan at lalim ng lupa, lalong wala sa kung saan kayo patungo. Ni hindi ninyo nalalaman kung saan kayo nagmula, kaya paano ninyo maaaring makikilala ang Manlilikha? Kung wala ang napapanahong pagkastigo at sumpa sa kasalukuyan, ang inyong mga huling araw ay matagal na sanang dumating. Huwag nang banggitin pa ang inyong kapalaran—hindi ba iyon mas may panganib? Kung wala ang napapanahong pagkastigo at paghatol na ito, sino ang nakakaalam kung gaano kayabang kayo lalaki, at sino ang nakakaalam kung gaano kayo magiging masama. Dinala kayo ng pagkastigo at paghatol na ito hanggang sa kasalukuyan, at pinamalagi nito ang inyong pag-iral. Kung kayo pa rin ay “tinuruan” gamit ang kaparehong pamamaraan tulad ng yaong sa inyong “ama,” sino ang nakakaalam kung anong mundo ang inyong papasukin! Wala kayong taglay na anumang kakayahan na makontrol at magbulay-bulay sa inyong mga sarili. Sapat na para sa mga taong kagaya ninyo, na basta na lamang sumunod, tumalima, at huwag makialam o makagambala upang ang Aking mga layunin ay matamo. Hindi ba lalo kayong dapat magsumikap sa pagtanggap ng pagkastigo at paghatol sa kasalukuyan? Mayroon ba kayong iba pang mga pagpipilian? Nang makita ni Pablo ang Panginoong Jesus, hindi pa rin siya naniwala. Kinalaunan, pagkatapos na ang Panginoong Jesus ay ipinako sa krus, batid niya ang katotohanang ito, subalit nagpatuloy siya sa pag-usig at paglaban. Ito ang kahulugan ng kusang pagkakasala, at kaya siya ay ibinagsak. Sa pasimula, batid niya na mayroong isang Hari sa kalagitnaan ng mga Hudyo na tinatawag na Jesus, narinig niya ito. Kinalaunan, habang siya ay nagsesermon sa templo at nangangaral sa buong lupain, kinalaban niya si Jesus, at buong tayog niyang tinanggihan na sumunod sa kaninumang tao. Ang mga bagay na ito ay isang napakalaking hadlang sa gawain sa panahong iyon. Nang si Jesus ay gumagawa, hindi tuwirang inusig at dinakip ni Pablo ang mga tao, ngunit ginamit ang pangangaral at mga salita upang pabagsakin ang gawain. Kinalaunan, nang ang Panginoong Jesus ay inilagay sa krus, sinimulan niyang dakpin ang mga disipulo, mabilis na paroo’t parito at ginagawa ang lahat niyang makakaya upang gipitin sila. Pagkatapos lamang na ang “ilaw” ay nagliwanag sa kanya saka siya natauhan at nakaranas ng malaking pagsisisi. Matapos siyang mapabagsak, hindi na siya kailanman iniwan ng kanyang sakit. Kung minsan, naramdaman niya na ang kanyang paghihirap ay lalong lumala, at hindi siya makatayo. Inisip niya:[a] “Ano ang nangyayari? Bumagsak ba talaga ako?” Sa gayon, nang hindi nalalaman kung paano ito nangyari, mamamalayan niya na siya ay maigi na naman, at muling magsisimulang gumawa ulit. Ngunit hindi siya kailanman iniwan ng sakit, at dahil sa sakit na ito kaya siya nakagawa ng maraming gawain. Maaaring sabihin na inilagay ni Jesus ang karamdamang ito kay Pablo dahil sa kanyang pagka-arogante at pagmamataas; ito ay kaparusahan para sa kanya, ngunit para rin sa mas dakilang gawain ni Jesus—ginamit ni Jesus ang mga katangian ni Pablo para sa Kanyang gawain. Sa katunayan, hindi layunin ni Jesus na iligtas si Pablo, ngunit para gamitin siya. Subalit ang disposisyon ni Pablo ay masyadong arogante at sutil, at kaya isang “tinik” ang inilagay sa kanya. Marami sa inyo ang kagaya ni Pablo, ngunit kung tunay ninyong taglay ang paninindigan na sumunod hanggang wakas, hindi kayo mamaltratuhin. Sa bandang huli, sa sandaling matapos ni Pablo ang kanyang gawain, ang sakit ay tila hindi napakakirot sa kanya, at kaya kalaunan nagawa niyang sabihin ang mga salitang, “Natapos ko na ang aking takbuhin, nakipagbaka ako ng mabuting pakikipagbaka, at natataan sa akin ang putong ng katuwiran”—na kanyang sinabi sapagkat hindi niya nalalaman. Hindi natin pag-uusapan ang tungkol sa iba pang bagay, panatilihin natin ang kanyang bahagi na positibo at kapuri-puri: Mayroon siyang konsiyensya, at pagkatapos na ang ilaw ay magliwanag sa kanya inilaan niya ang sarili niya sa Diyos at nagdusa para sa Diyos. Mangyari pa, ito ang kapuri-puring panig niya, ang mga ito ang kanyang mga kalakasan. Hindi natin pag-uusapan ang tungkol sa paano siya naghimagsik at lumaban; pangunahin nating pag-uusapan ang tungkol sa kanyang pagkamaykatwiran ng isang normal na tao, at kung taglay ba niya o hindi ang pansariling kamalayan. Kung mayroon yaong mga naniniwala na, sapagkat siya ay mayroong mga kalakasan, pinatutunayan nito na siya ay isang taong pinagpala, na naniniwala na hindi kinakailangan na siya ay kastiguhin, kung gayon ito ang mga salita ng mga tao na walang katuturan.
Sa sandaling matapos Akong makipag-usap sa kanila nang harapan, maraming mga tao ang muling magiging masasama sa Aking likuran, na hindi iniisip na ang Aking mga salita ay mahalaga. Paulit-ulit Akong nagsasalita, ibinubunyag ang bawat patong, at hanggang sa ang pinakailalim na patong ay mailantad, sila ay “nakakasumpong ng kapayapaan,” at hindi na magdudulot ng karagdagang kaguluhan. Sa inyong mga katayuan kagaya nang sa kasalukuyan, kayo ay dapat walang awa pa ring sinasalakay at inilalantad, at hinahatulan sa bawat maliliit na mga detalye, sa gayon ni hindi kayo halos makahinga. Kayo ay dapat palaging hinahampas at inilalantad, at sa inyo parang hindi kayo kailanman iniiwan ng pagkastigo, na ang sumpa, gayundin, ay hindi kailanman naging malayo sa inyo, ni ang mahigpit na paghatol, nagtutulot sa inyo na makita na ang kamay ng administratibong mga kautusan ng Diyos ay hindi kailanman humihiwalay sa inyo. Ito ay mas maigi, ito ay kagaya nang makita ni Aaron na hindi kailanman siya iniwan ni Jehovah. (Ngunit ang kanyang nakita ay ang palagiang paggabay at pag-iingat ni Jehovah; ang paggabay na inyong nakikita sa kasalukuyan ay pagkastigo, sumpa, at paghatol.) Sa kasalukuyan, ang kamay ng administratibong mga kautusan ni Jehovah at hindi rin kayo iniiwan, ngunit mayroong isang bagay na maaaring “makaluwag” sa inyo: Gaano man kayo lumaban, maghimagsik, at maghusga, walang magiging pinsala sa inyong laman. Ngunit may mga tao na lumalabis sa kanilang paglaban, na hindi katanggap-tanggap; mayroong isang hangganan, ngunit hindi katanggap-tanggap para sa iyo na hadlangan ang gawain ng Diyos. Sa kasalukuyan, makakapagsalita ka at makakakilos nang walang mga epekto—ngunit huwag abalahin o gambalain ang buhay ng iglesia, huwag abalahin ang gawain ng Banal na Espiritu. Sa nalalabi, maaari mong gawin kung ano ang gusto mo. Sinasabi mo na hindi mo hahangarin ang buhay at hinihiling na bumalik sa mundo. Kung gayon magmadali ka at magpatuloy! Magagawa ninyo anuman ang inyong naisin, hangga’t hindi nito hinahadlangan ang gawain ng Diyos. Ngunit mayroong isang bagay na dapat mong malaman: Sa katapusan, ang gayong mga kusang nagkakasala ay aalisin. Sa kasalukuyan, gayunpaman, hindi ka dinudusta. Sa katapusan, isang bahagi lamang ng mga tao ang makapagpapatotoo—at ang nalalabi ay manganganib. Kung hindi mo nais na mapunta sa daluyang ito, iyon ay mainam. Ang mga tao sa kasalukuyan ay tinatrato nang may “pagpaparaya”; hindi kita nililimitahan. Mainam ito hangga’t hindi ka takot sa pagkastigo sa kinabukasan. Ngunit kung ikaw ay nasa daluyang ito, dapat kang magpatotoo, at dapat kang kastiguhin. Kung sinasabi mo na hindi mo na ito matatagalan, at nais na makapagpahinga, ito ay mainam—walang pumipigil sa iyo! Ngunit hindi Kita tutulutan na gumawa ng gawain na mapanira at kung saan mapapatapon ang gawain ng Banal na Espiritu sa kaguluhan—hindi ka basta maaaring mapatawad dahil doon! Hinggil sa kung ano ang nakikita ng iyong mga mata at naririnig ng iyong mga tainga na kung saan kinakastigo ang mga tao, at yaong kanilang mga sambahayan ay sinusumpa—mayroong mga limitasyon at mga hangganan dito. Ang Banal na Espiritu ay hindi basta na lamang gumagawa ng mga bagay. Batay sa mga kasalanan ng tao at lahat ng inyong ginawa, kung kayo ay tatratuhin at seseryosohin alinsunod sa inyong sariling pagiging di-matuwid, sino sa inyo ang maaaring makaligtas? Malaking kaguluhan ang darating sa inyo—at magiging maayos pa rin kaya ang mga tao pagkatapos? Subalit sa kasalukuyan, maraming mga tao ang tinatrato nang may pagpaparaya. Bagamat kayo ay hahatol, maghihimagsik, at lalaban, hangga’t hindi kayo makakagambala, kung gayon haharapin Ko kayo nang may isang ngiti. Kung tunay ninyong hahangarin ang buhay, kung gayon dapat kayong magdusa ng kaunting pagkastigo, at dapat magbata, dapat kayong magtiis ng sakit ng pamamaalam sa kung ano ang inyong iniibig upang tunguhin ang mesang pang-opera para sa operasyon, dapat mong tiisin ang sakit, tanggapin ang mga pagsubok at pagdurusa kagaya ni Pedro. Sa kasalukuyan, kayo ay nasa harap ng luklukan ng paghatol. Sa hinaharap, dapat kayong tumungo sa “garote,” kung kailan isasakripisyo ninyo ang inyong mga sarili.
Sa panahon ng huling yugto ng gawain sa mga huling araw, dapat nalalaman ninyong lahat na maaaring maniwala ka na hindi pupuksain ng Diyos ang iyong laman, at maaaring sabihin na hindi ka magdaranas ng anumang karamdaman kahit na nilalabanan mo Siya at hinahatulan Siya—ngunit kapag ang mga mababagsik na salita ng Diyos ay dumating sa iyo, hindi ka maaaring makapagtago, at mataranta at mag-alala. Ngunit sa ngayon, dapat kayong magtaglay ng kaunting konsiyensya. Huwag maging yaong mga kumakalaban at naghihimagsik laban sa Diyos, huwag maging mga masasama. Dapat mong talikuran ang iyong matatandang ninuno; sa ganito lamang maipapakita na ikaw ay mayroong tunay na tayog, at kaya ito rin ang pagkatao na dapat mong taglayin. Palagi kang walang kakayahan na isantabi ang iyong sariling mga inaasahan o ang mga pagsasaya sa kasalukuyan. Sinasabi ng Diyos: Hangga’t ginagawa ninyo ang inyong buong makakaya upang sundin Ako, tiyak na gagawin Ko kayong perpekto. Pagkatapos na kayo ay gawing perpekto, magkakaroon ng magandang mga pag-asa—kayo ay dadalhin sa Aking kaharian upang tamasahin ang mga pagpapala kasama Ko. Mayroon kayong isang hantungan, subalit ang mga kinakailangan sa inyo ay hindi kailanman nabawasan. Mayroon ding isang kondisyon: Sa lugar na ito, hindi alintana kung kayo man ay lulupigin o gagawing perpekto, dapat kayo ngayong sumailalim sa ilang pagkastigo, at ilang pagdurusa, dapat kayong saktan, at disiplinahin, dapat kayong makinig sa Aking mga salita, sundan ang Aking daan, at ipatupad ang kalooban ng Diyos—ito ang dapat gawin ng mga tao. Hindi alintana kung paano ka man maghangad, dapat mong marinig nang malinaw ang paraang ito. Kung ikaw ay tunay, totoong nakakita, kung gayon maaari kang magpatuloy sa pagsunod. Kung ikaw ay naniniwala na walang mga inaasahan o mga pag-asa rito, kung gayon maaari kang umalis. Ang mga salitang ito ay malinaw na sinalita sa iyo, ngunit kung gusto mo talagang umalis, ipinakikita lamang nito na wala kang taglay ni kaunting konsiyensya; ang iyong pagkilos na ito ay sapat na upang patunayan na ikaw ay isang demonyo. Bagamat sinasabi mo na ang lahat ay dapat iwanan sa Diyos, batay sa kung ano ang iyong isinasabuhay, at ang iyong laman, namumuhay ka pa rin sa ilalim ng dominyo ni Satanas. Bagamat si Satanas ay nasa sa mga kamay rin ng Diyos, ikaw sa sarili mo ay nabibilang kay Satanas, at hindi pa totoong iniligtas ng Diyos, sapagkat ikaw ay namumuhay pa rin sa ilalim ng impluwensya ni Satanas. Paano ka dapat maghangad upang lubos na maligtas? Ang pagpili ay nasa sa iyo: Maaari kang tumakas, maaari kang lumipad, makakapunta ka saan mo man naisin, ikaw ang bahala—dapat mong piliin ang daan na dapat mong tahakin. Sa bandang huli, kung masasabi mong: Wala akong taglay na anumang mas mainam, tinutumbasan ko ang pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ng aking konsiyensya, at dapat magkaroon ng kaunting pagkatao. Wala akong matatamong anumang mas mataas, ni ang aking kakayahan ay napakataas; hindi ko nauunawaan ang mga pananaw at kahulugan ng gawain ng Diyos. Tinutumbasan ko lamang ang pag-ibig ng Diyos, ginagawa ko ang anumang hingin ng Diyos, at ginagawa ko ang lahat ng aking makakaya—ginagampanan ko ang aking tungkulin bilang isang nilikha ng Diyos—at, sa ganitong paraan, nakadarama ako ng kaginhawahan. Ito ang pinakamataas na patotoo na kung saan ikaw ay mayroong kakayahan. Ito ang pinakamataas na pamantayan na kinakailangan sa isang bahagi ng mga tao: pagganap sa tungkulin ng isang nilikha ng Diyos. Dapat kang gumawa hangga’t sa makakayanan mo. Ang kinakailangan sa iyo ng Diyos ay hindi ganoon kataas; hangga’t ginagawa mo ang iyong makakaya, kung gayon sa ganito ikaw ay nagpapatotoo.
Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Mga Talababa:
a. Nilaklaktawan ng orihinal na teksto ang “Inakala niya.”
Rekomendasyon:
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat nang personal
Paano umunlad ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?
Pag-imbestiga sa Kidlat ng Silanganan
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento