Kidlat ng Silanganan

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na manlilikha. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na manlilikha. Ipakita ang lahat ng mga post

Ago 5, 2019

Tagalog Christian Song 2019 | "Ang Diyos na Nagkatawang-tao ay Pinaka-kaibig-ibig"


Tagalog Christian Song 2019 | "Ang Diyos na Nagkatawang-tao ay Pinaka-kaibig-ibig"

I
Matapos maging tao ang Diyos, at namuhay kasama ng tao,
nakita Niya kasamaan at kalagayan ng buhay nila.
Sa katawang-tao'y nadama Niya 
ang kawalang kakayahan ng tao,
na kaawa-awa, naramdaman Niya ang kanilang kalungkutan.
Mas lalong nahabag ang Diyos sa kalagayan ng tao,
at mas mapagmalasakit sa Kanyang 
mga taga-sunod dahil namuhay sa katawang-tao.

Hun 27, 2019

Album ng mga Sipi mula sa mga Salita ng Diyos | "Ang Diyos Mismo, Ang Natatangi III" (Sipi 3)


  Album ng mga Sipi mula sa mga Salita ng Diyos | "Ang Diyos Mismo, Ang Natatangi III" (Sipi 3)

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Dahil hindi kinikilala ng mga tao ang pagsasaayos ng Diyos at ang dakilang kapangyarihan ng Diyos, palagi nilang hinaharap ang kapalaran nang may panlalaban, kasama ang isang suwail na saloobin, at palaging nais na isantabi ang awtoridad at dakilang kapangyarihan ng Diyos at ang mga bagay na inilaan ng kapalaran, umaasang walang-kabuluhan na mababago ang kanilang kasalukuyang mga kalagayan at mapapalitan ang kanilang sariling kapalaran. Subalit hindi kailanman sila magtatagumpay; sila ay nahahadlangan sa bawat liko. Ang pakikibakang ito na nagaganap sa kaibuturan ng sariling kaluluwa, ay masakit; ang sakit ay di-malilimutan; samantala unti-unti niyang inaaksaya ang kanyang buhay.

Hun 4, 2019

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos|Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao (Sipi 1)


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | "Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao" (Sipi 1)


    Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang tao ay naglakad ng mahabang panahon kasama ang Diyos, ngunit hindi alam ng tao na ang Diyos ang namumuno sa kapalaran ng lahat ng bagay at mga buhay na nilalang o kung paano isinasaayos o pinamamahalaan ng Diyos ang lahat ng bagay. Ito ay isang bagay na naging mailap sa tao mula pa sa sinaunang panahon hanggang sa kasalukuyang araw. Sa kung anong dahilan kung bakit, ito ay hindi dahil sa ang paraan ng Diyos ay masyadong mailap, o dahil ang plano ng Diyos ay dapat pang mapagtantuhan, kundi dahil ang puso at espiritu ng tao ay masyadong malayo sa Diyos. Kung kaya’t, kahit ang tao ay sumusunod sa Diyos, siya ay walang kamalay-malay na nananatili sa paglilingkod kay Satanas.

May 29, 2019

Ang Diyos ay ang Panginoon ng Buong Sangnilikha


  Ang isang yugto sa gawain ng dalawang nakaraang mga kapanahunan ay naganap sa Israel; ang isa pa ay naganap sa Judea. Sa pangkalahatan, wala sa alinmang yugto ng gawaing ito ang umalis sa Israel; ang mga iyon ay ang mga yugto ng gawain na isinakatuparan sa gitna ng mga paunang piniling tao. Kaya, sa paningin ng mga Israelita, ang Diyos na Jehova ay Diyos lamang ng mga Israelita. Dahil sa gawain ni Jesus sa Judea, at dahil sa Kanyang pagtatapos sa gawain ng pagpapapako sa krus, mula sa pananaw ng mga Judio, si Jesus ay ang Manunubos ng mga Judio. Siya ay Hari lamang ng mga Judio, hindi ng anumang iba pang mga tao; hindi Siya ang Panginoon na nagtutubos sa mga Ingles, ni ang Panginoon na nagtutubos sa mga Amerikano, kundi Siya ang Panginoon na nagtutubos sa mga Israelita, at sa Israel ang mga Judio ang Kanyang tinutubos.

May 1, 2019

Tagalog Worship Songs| Dapat Sundin ng Nilikha ng Diyos ang Kanyang Awtoridad




Tagalog Worship Songs|Dapat Sundin ng Nilikha ng Diyos ang Kanyang Awtoridad


I
Ang Diyos ay lumalamong apoy, hindi Niya titiisin ang sala.
Walang karapatan ang tao na pakialaman o pintasan
ang Kanyang gawain at mga salita,
dapat nilang sundin ito, dahil tao'y Kanyang nilikha.
Diyos ang Panginoon, Panginoon ng paglikha,
gamit ang Kanyang awtoridad na maghari sa Kanyang mga tao.
Lahat ng nilalang dapat sundin 'to,
gawin ang ipinagagawa Niya,
wag mangatwiran, 'wag lumaban.
II
Kahit kayo'y matapang, pangahas,
sumusuway sa mga salita ng Diyos,
Nagpaparaya S'ya sa pagka-rebelde mo,
Hindi Siya magagalit, patuloy na gagawa,
walang pakialam sa mga uod sa dumi.
Diyos ang Panginoon, Panginoon ng paglikha,
gamit ang Kanyang awtoridad na maghari sa Kanyang mga tao.
Lahat ng nilalang dapat sundin 'to,
gawin ang ipinagagawa Niya,
wag mangatwiran, 'wag lumaban.
III
Tinitiis ng Diyos ang lahat ng Kanyang kinasusuklaman
alang-alang sa kalooban ng Diyos
hanggang makumpleto mga pagbigkas N'ya,
hanggang sa Kanyang huling sandali.
Diyos ang Panginoon, Panginoon ng paglikha,
gamit ang Kanyang awtoridad na maghari sa Kanyang mga tao.
Lahat ng nilalang dapat sundin 'to,
gawin ang ipinagagawa Niya,
wag mangatwiran, 'wag lumaban.

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Abr 21, 2019

Hinggil sa mga Pangalan at Pagkakakilanlan (Unang bahagi)




          Kung nais mong maging karapat-dapat na magamit ng Diyos, dapat mong malaman ang gawain ng Diyos; dapat mong malaman ang gawain na Kanyang isinagawa noon (sa Bago at Lumang Tipan), at, higit sa lahat, dapat mong malaman ang Kanyang gawain ngayon. Ang ibig sabihin, dapat mong malaman ang tatlong yugto ng gawain ng Diyos sa loob ng 6,000 na taon. Kung ikaw ay inatasang magpalaganap ng ebanghelyo, hindi mo ito magagawa nang hindi nalalaman ang gawain ng Diyos.

Abr 1, 2019

Tagalog Worship Songs | "Ang Matuwid na Disposisyon ng Diyos ay Natatangi"

Ang Matuwid na Disposisyon ng Diyos ay Natatangi
I
Ang Diyos ay nagpapahayag ng matuwid na disposisyon
sa natatanging mga paraan at prinsipyo, 
hindi nakokontrol ng mga tao, kaganapan o bagay.
At walang sinumang makapagpapabago
sa Kanyang mga ideya o kaisipan, 
o makahihimok sa Kanyang sumubok ng ibang daan.
Ito ang natatanging matuwid na disposisyon ng Maylalang!
Kanyang matuwid na disposisyon!

Mar 28, 2019

Tagalog Christian Song 2019 | "Tahimik na Dumarating ang Diyos sa Gitna Natin"


Tagalog church songs | "Tahimik na Dumarating ang Diyos sa Gitna Natin"

I
Tahimik ang Diyos at 'di kaylanman sa 'tin nagpakita,
pero 'di nahinto kaylanman gawain N'ya.
Tinitingnan N'ya lahat ng lupa, lahat ng bagay inuutusan,
lahat ng salita't gawa ng tao'y minamasdan.
Pamamahala N'ya'y nagawa, unti-unti, sa plano N'ya.
Tahimik, pero yapak N'ya'y lumalapit sa tao.gawa ng Diyos
Luklukan ng paghatol N'ya'y pinadala sa sansinukob,
kasunod ng pagbaba ng trono N'ya sa gitna natin.

Peb 12, 2019

Sa Ikalawang Araw, Isinasaayos ng Awtoridad ng Diyos ang mga Katubigan, at Ginagawa ang mga Kalawakan, at Isang Puwang para sa Pinaka-pangunahing Kaligtasan ng Sangkatauhan ay Nagpapakita



Basahin natin ang ikalawang talata ng Biblia: “At sinabi ng Dios, Magkaroon ng isang kalawakan sa gitna ng tubig, at mahiwalay ang tubig sa kapuwa tubig. At ginawa ng Dios ang kalawakan, at inihiwalay ang tubig na nasa ilalim ng kalawakan mula sa tubig na nasa itaas ng kalawakan: at nagkagayon” (Gen 1:6-7). Anong mga pagbabago ang mga nangyari matapos sabihin ng Diyos “Magkaroon ng isang kalawakan sa gitna ng tubig, at mahiwalay ang tubig sa kapuwa tubig”? Sa mga Kasulatan sinasabi na: “At ginawa ng Dios ang kalawakan, at inihiwalay ang tubig na nasa ilalim ng kalawakan mula sa tubig na nasa itaas ng kalawakan.” Ano ang resulta matapos itong sabihin at gawin ng Diyos? Ang mga kasagutan ay nakahimlay sa huling bahagi ng talata: “at nagkagayon.”

"Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" | Sipi 14

Ang bawa’t yugto ng gawain ng Banal na Espiritu ay kasabay na nangangailangan ng patotoo ng tao. Ang bawa’t yugto ng gawain ay isang p...